1. Home
  2. Stories
  3. Kwadro Alas Book 2 Ch.6 - The Flower and The Bee..
Lagablab

Kwadro Alas Book 2 Ch.6 - The Flower and The Bee..

By supertoyantz ·

Chapter 6 - The Flower and The Bee..

TOYANTZ !..

Gabi..

Kauuwi lang ni Ekang mula sa pagtambay sa kaibigang si Krissing..

Nakangiti sya habang pumapasok sa loob ng malawak na bakuran.

Matapos isara ang gate na kahoy, dumiretso na sya sa backdoor..

Mula pa pagkabata..

Di na talaga nya ugali ang dumaan sa main door..

Para ano pa ?..

Wala naman syang daratnan..

Mabuti pa sa backdoor, at least nandun ang mga katulong nila na masayang nag kukunwentuhan..

Akmang papasok si Ekang ng makarinig ng bulungan..

Sumilip sya sa bintana.

Nakapagtataka..

Bakit kailangang magbulungan ng mga ito..

Sumampa si Ekang sa tinipon na bato para maabot ang medyo may kataasang bintana ng kusina nila..

Sakto lamang ito para mailabas nya ang kanyang mga mata..

Pagsilip nya ay nakita nya ang dalawang katulong nilang nag chichismisan..

"Bakit ang aga ni Senyora ?.. " tanong ng isa..

Nag kibit balikat ang isang may edad na katulong..

"Baka pupuntahan.. Kita mo pagdating nagpahinga lang ng konti tapos nagpalit lang ng damit.. " sabi nito sabay salin ng kung anong niluto sa mangkok..

Mabilis na kumilos ang dalawa..

Halatang maingat sa mga galaw..

Alam nya kung bakit..

Ayaw na ayaw ng Mama nya ng mababagal kumilos..

Lagi itong parang nagmamadali..

Ilang saglit pa..

Lumabas ang dalawa..

Papunta siguro sa dining table nila para i-serve ang pagkain..

Maingat na bumaba si Ekang sa tumpok ng bato at dahan dahang pumasok sa loob..

Patingkayad syang sumilip sa pinto ng kusina ..

Tama nga..

Nandun sa dining table ang kanyang Mama..

Walang reaksyon ang mukha nito habang hinahayaang pagsilbihan ng dalawang katulong..

"Nasan ba si Dannica ?.. " biglang tanong ng Mama nya..

Bumilis ang tibok ng puso ni Ekang..

"H-hindi ko po alam Ma'am.. Namamalantsa po ako kanina.. " pag amin nito..

Kumunot ang noo ng Mama nya..

Napatingin ito sa katulong..

"Anong hindi mo alam ?.. Yung nag iisang binabantayan nyo, hindi nyo alam kung nasan ?.. " nag titimpi ang galit sa boses nito..

Natahimik ang dalawang katulong at nagkatinginan..

Halata sa mga ito na kinakabahan..

Di na nakatiis si Dannica..

Kung hindi sya magpapakita ay sigurang mapaparusahan ang mga katulong nila..

Kaya kahit na kinakabahan..

Pinili nyang magpakita dito..

Huminga muna sya ng malalim sabay tahimik na lumabas ng kusina..

"I'm here Mom.. " lakas loob na sabi nya..

Napatingin ang lahat sa kanya..

Tumaas ang isang kilay ng Mommy ni Dannica..

"San ka galing ?.. " tanong nito..

Napalunok si Dannica..

Nginitian nya ang ina sabay ang dalawang katulong..

Lumapit sya dito at humalik sa pisngi..

Natuwa si Dannica ng hindi umiwas ang ina..

"Kina Krissia po Mama.. Classmate ko po sa kabilang subdivision. " impormya nya.

Napakunot ang noo ni Danniella ..

"Hindi ka man lang nagpaalam sa mga to ?.. Kita mo nga at walang maisagot sa akin .. " tanong nya..

Napangiti ng tipid si Ekang..

"I'm okay Mama.. Marami po kasi silang ginagawa kanina kaya di ko na sila inistorbo.. Nagpahatid po ako kay Manong.. " katwiran nya..

Napaisip ang Mama ni Dannica.

"Kumain ka na .. " utos nito..

Kinindatan ni Ekang ang mga katulong..

Nakahinga naman ito ng maluwag at gumanti ng ngiti sa kanya..

Matapos ang hapunan..

Naglakas loob magtanong si Ekang kung saan ang lakad ng ina..

"Uhm.. Mama.. Where are you going ?… " tanong nya..

Nagpunas lang ng bibig ang ina nya sabay tayo..

"Wag ka ng lumabas.. Mag aral ka ng mga lessons mo.. " sabi lang nito at naglakad na palabas ng bahay..

Nalungkot si Ekang..

Wala syang magawa kundi ihatid na lang ng tingin ang ina..

Narinig nya pa ang pagbukas sara ng gate nila tanda na umalis na nga ito..

Malungkot na napangiti si Dannica..

Masuyo nyang niligpit ang pinagkainan pero inawat sya ng mga katulong..

"Wag na po Señorita.. Magpahinga na lang po kayo.. " sabi ng isa.

Ngumiti si Ekang at tinapik ito sa balikat..

"Dannica na lang po.. " sabi nya..

Gumanti ng ngiti ang katulong at tumango..

Naisipan nyang tumambay sa garden at pagmasdan ang kalangitan..

Maraming bituin sa kalangitan at kitang kita nya ito..

Kahit papaano ay napangiti sya dahil sa ganda ng tanawin..

Naisip nya ang kaibigang si Krissia kaya nilabas nya mula sa bulsa ang cellphone para kamustahin ito..

Sa bahay nina Darius..

Nakatambay lang sa terrace ang binatilyo..

Himas himas nya ang tyan dahil napalaban na naman sya sa kainan..

Tumunog ang cellphone nya..

Tinatamad na inabot nya ito para alamin kung sino ang nag text..

Napakunot noo ang binatilyo ng makita ang pangalan ni Krissing sa screen..

Nagtaka sya kung ano ang maaaring sabihin ng kaibigan..

"Baka GM.." katiwiran nya sa sarili..

Mabilis na binasa ni Darius ang text..

Napakunot noo sya ng makitang business card ito..

"Kanino to ?. Ano na naman itong pakulo ni Krissing.. ? " tanong nya sa sarili..

Pero napangisi sya ng makaisip ng kalokohan..

Napakunot ang noo ni Dannica ng makitang business card ang nireply ng kaibigan..

"Sira talaga.. Sabi ko Musta na tapos kung kani kaninong number ang ibibigay.. " sabi nya sa sarili..

Dinelete nya ang message dahil ayaw nya ng katext na iba sa mga oras na iyon..

Nilapag nya ang phone at muling pinagmasdan ang langit..

Pero natigilan sya ng tumunog ang CP nya..

Agad nya itong inabot at binasa ang text..

"Hi .. " maikling basa ni Ekang…

Di nya maintindihan ang sarili pero napatipa sya sa phone at nag reply..

Napabalikwas ng upo si Darius ng tumunog ang phone..

Mabils nya itong binasa..

"Hello.. " pagbasa ni Darius sa reply..

Napangisi ang binatilyo..

Di nya maintindihan pero ginaganahan syang makipag lokohan..

Dannica : How'd you get my number ?..

Darius : Haha, binigay ng friend ko. Nu name mo ?.

Napaisip si Ekang kung totoong pangalan ba nya ang ibibigay nya..

Naalala nya si Darius.

Pakiramdam nya ay magtataksil sya sa binatilyo..

Kaya sa huli..

Pinili na lang nyang magpanggap.

Dannica : Uhm, kaw muna.

Napaisip si Darius..

Kung ibibigay nya ang totoong pangalan.. Wala namang mawawala.

Pero naalala nya si Ekang..

Di nya maintindihan ang sarili pero parang kataksilan kung makikipag textmate sya sa iba..

Kung bakit ba naman kasi wala syang number ng dalagita..

Kung sino sino tuloy ang tinetext nya..

Sa huli..

Naisip ni Darius ang magpanggap..

Nag isip sya ng pangalan..

Darius : Uhm.. Bee..

Dannica : Bee ?… As in Bumble Bee ?..

Natawa si Darius..

Jollibee ang nasa isip nya pero nahiya naman syang aminin at ipaliwanag kung bakit ..

Kaya sinakyan na lamang nya ang katext..

Darius : Yea yeah .. Kaw ?..

Dannica : Uhm.. Flower.. Ako si Flower.. ^^

Napangiti si Darius..

Darius : Flower ?.. Panget.. Flora na lang..

Napangiti si Ekang sa nabasa..

Dannica : Haha.. Mas maganda nga kung Flora..

Natawa sila pareho..

Lalong ginanahan magtext sa isa't isa..

Flora : Anong itsura mo ?.

Bee : Macho !..

Flora : Weee ?.. Cool !..

Bee : Kaw ?..

Flora : Slim lang eh.

Bee : Okay lang yon. Maganda ka ba ?..

Flora : Panget eh..

Bee : Di nga ?..

Flora : Gwapo ka ba ?.

Bee : Sobra. !

Flora : Kapal !.. Sayang pangit ako.

Bee : Oks lang. Kumain ka na ?

Flora : Katapos lang. Kaw ?

Bee : Tapos na din. Sarap ulam , steak. kayo ?

Flora : Tinola. Gawa mo kanina before ka text ?.

Bee : Nuod sky. Pababa kinain. :D

Flora : Weewwww.. Same here ^^

Bee : Naks !.. Ganda no ?. Taga saan ka ?..

Naputol ang pagrereply ni Ekang ng tawagin sya ng katulong..

"Senyorita.. Ayos na po yung bathtub nyo. " sabi nito..

Tumango si Ekang at napangiti..

"Salamat po .. Dannica po sabi eh.. " nakangiting paalala nya..

Natawa ang katulong at napakamot..

"Wala na ba kayong kailangan ?.. " tanong pa nito..

Umiling ang dalagita..

"Ako na lang kung meron pa po.. Rest muna kayo.. " sabi nya..

Ngumiti ang katulong..

Nagpaalam na ito sa kanya..

Bee : Hey !..

Napangiti si Ekang.

Flora : Relax .. Maya na ha. Ligo lang ako :)

Bee : Pasabay :)

Flora : Sige..

Bee : ahaha.. Teka.. Mamaya baka may BF ka pala ha ?.. Tapos mainlove ka sakin ..

Flora : Hahahaha.. Meron ako BF .. Kaso di nya alam na kami na :(

Bee : Ouch !.. Tanga nung guy. Anyway. Ako na lang muna BF mo.

Flora : Ayaw. Loyal ako >.<

Bee : Choosy pa.. Ahaha.. Sige.. Tatae lang ako..

Flora : Yuck !..

Bee : Haha.. Ano name ng BF mo kuno ?.. Para maipakulam ko..

Flora : Oy lagot ka don..

Bee : Sus !.. Baka itupi ko sa apat yon pag nagkita kame..

Nakaramdam ng inis si Ekang..

Flora : Di mo kaya.. Promise..

Bee : Haha.. Ayaw ko mag - angas . Anyway .. Natatae na talaga ako.

Flora : Sige.. Kadiri naamoy ko na ..

Bee : Haha. Syangapala. Pogi ba BF mo ?.. Mas pogi ba saken ?

Flora : Ewan ko kung sino mas pogi sa inyo , pero pogi sya .

Bee : OK… Sana magkita kame one time..Tayo pala.. Papakilala ko din yung crush ko..

Flora : Sino ?

Bee : Friend. Classmate..

Flora : Ah.. Okay. Maganda ?.

Bee : Oo.. Sobra.. Matalino pa.

Flora : Good for you.. Sige..

Bee : Last na. Name ng BF mo ?.. ask lang..

Flora : Wag na..

Bee : Yung crush ko Starts with letter D..

Natigilan si Ekang..

DI nya maiwasang mapaisip..

Pero winaksi nya din ang naiisip nya at nag reply.

Flora : Same here.. His name starts with letter D..

Nagitla si Darius..

Napangisi..

Bee : Haha.. Gaya gaya.. Well sige .. Di ko na talaga kaya..

Flora : Yucckkksss .. bye :)

Pero di na nakuhang mag reply ni Darius dahil napatakbo na sya sa banyo para ibuhos ang sama ng loob..

Sa bahay nina Krissing..

Nagtaka ang dalagita..

"Wala man lang thanks ?.. Hayss. Makaligo na nga.. " Sabi nya sarili sabay pasok sa banyo..

ITUTULOY !!!