1. Home
  2. Stories
  3. Kwadro Alas Book 2 - Epilogue
Lagablab

Kwadro Alas Book 2 - Epilogue

By supertoyantz ·

Kwadro Alas Book 2 - Epilogue

Tulalang pinagmasdan ni Romeo ang bumubuhos na confetti.

Pinatitigan nya ang pinanggagalingan nito sa pag aakalang mula ito sa isang chopper.

Pero malabo.

Dapat ay maririnig nila ang tunog ng helicopter kung sakaling dito galing ang confetti.

Nais nyang sabihin sa mga kaibigan ang nasa isipan.

Pero nagdadalawang isip sya.

Baka matakot lamang ito at masira ang mood ng party.

Kaya kahit na kinakabahan, pinilit na lamang ni Romeo na sarilinin ang nasa isip.

Hanggang sa biglang may magsalita sa tabi nya.

"Wag ka ng magtaka. Ganyan talaga ang buhay, hindi lahat ng bagay ay kaya mong ipaliwanag gamit ang iyong pag iisip. Kadalasan, may mga pangyayaring mananatili na lamang misteryo kahit anong pagsisikap mong hanap ito ng paliwanag." sabi ng boses.

Agad na lumingon si Romeo at lalong nanlaki ang mga mata nya ng makita si Totoy.

"I-ikaw ?" mahinang tanong nya.

Ngumiti ang binata.

Napaatras si Romeo at akmang tatakbo ng magsalita si Totoy.

"Wag mong sabihing natatakot ka sa akin Romeo. " sabi nito.

Natigilan si Romeo.

Unti unti syang napangisi at pumihit paharap sa binata.

"Ako?. Natatakot ? Excuse me pare, pero wala akong kinatatakutan. " sabi nya.

Lumapit sya kay Totoy hanggang sa halos magdikit na ang ilong nila.

Nagtitigan sila sa mga mata.

Parehas nakangisi.

"Tell me. Ikaw ba ang may pakana ng confetti na yan?. Parang di nauubos ah. " tanong ni Romeo.

Tumango si Totoy at tumingin sa kapaligiran.

"Ako nga. May reklamo ka ?." tanong nya.

Ngumisi si Romeo.

Pinagmasdan nya rin ang kapaligiran na nababalutan ng kadiliman.

Tanging mga liwanag mula sa mga bahay ang nakikita nila sa mga oras na iyon.

..

Natahimik ang dalawa.

Hanggang sa magsalita si Romeo.

"Ano ka ba?. Dati pa kita nakikita. Pero hindi mo man lang ako kinakausap ng matino. Bata pa lamang ako epal ka na. Ano bang trip mo at ginugulo mo ako ?." tanong nya.

Natawa si Totoy.

"Ginugulo talaga? Di ba pwedeng binabantayan lang?" tanong nya.

Si Romeo naman ang natawa.

"Hindi ko kailangan ng bantay. Kaya ko ang sarili ko. " pagyayabang nya.

Natahimik si Totoy.

"Yan din ang sinabi ko sa KANYA, pero ng tamaan na ako dito, nagmukha akong tanga. " sabi nya sabay turo sa dibdib.

Napangisi si Romeo.

"Puso ?. Bakit ? Nagmahal ka? " tanong nya.

Natahimik lamang si Totoy.

..

Namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa.

"I have to go. By the way, another job well done my brother. " sabi ni Totoy.

"Brother ?" tanong ni Romeo.

Ngumiti si Totoy.

"Yes, hindi mo ba napapansin na para kang tumitingin sa salamin kapag tinitingnan mo ako? Actually, iisa lang tayo. Tulad ng sinabi ko sayo nuon, Ako ay Ikaw at Ikaw ay Ako " tanong nya.

Natigilan si Romeo.

Bigla syang napangiwi.

"Don't tell me anak ka ni Dad sa labas?" tanong nya.

Natawa si Totoy.

"Siraulo. Hanggang dito na lamang ang maaari kong sabihin sayo kapatid ko. Gusto ko lamang sabihin sayo na binabati kita sa matagumpay mong pakikialam sa mga lovelife ng mga kapatid mong alas. " sabi nya.

Natawa din si Romeo.

"Gago, di ako nakikialam. Concern lang ako sa kanila. " katwiran nya.

Napailing si Totoy.

"So paano, gora na muna aketch. " biro nya.

Napangiti si Romeo.

"Sagutin mo muna ang tanong ko. Tao ka ba? at paano tayo naging isa?" tanong nya.

Napaisip si Totoy.

"Hindi ko pwedeng sabihin sayo ang mga yan hangga't hindi dumarating ang tamang oras. Pero ito na lamang ang isipin mo. Ako ang Yin at ikaw ang Yang, ako ang liwanag at ikaw ang kadiliman. Pero dahil sa balanse ang mundo. Hindi ka ganap na masama at ako ay hindi ganap na mabuti. Gets mo ?" sabi nya.

Napangiti na lamang si Romeo.

"Ang ibig mo bang sabihin ay parang ako ang mabuting demonyo at ikaw ang masamang anghel ?" tanong nya.

Ngumiti si Totoy at sumampa sa railings na bakal.

"Sort of. " landi nya.

Natawa si Romeo.

"Sige layas. Lilipad ka ba o bigla na lang mawawala? " tanong nya.

Sinulyapan ni Totoy ang binata.

"Anong gusto mo?" tanong nya.

Napaisip si Romeo.

"Pwede bang mag iwan ka muna ng fireworks ? Para makumpleto ang celebration namin." request nya.

Ngumisi si Totoy at tumango.

Tumingala sya sa langit at di nagtagal, napuno ito ng makukulay na palamuti.

"Salamat tol. " sabi ni Romeo pero bigla syang natigilan ng wala na ang kausap nya.

Napailing na lamang sya at pinagmasdan ang kalangitan.

Maya maya ay naramdaman nyang may tumabi sa kanya.

"Nag iisa ka na naman. " sabi ni Aldrin.

"Hilig mo talagang mag solo eh no. " singit ni Darius.

"Ano pa nga ba?, eh wala ngang chikababes eh. " biro ni Rhoi.

Ngumisi si Romeo at inakbayan si Rhoi.

"Tol, tapos na ang book ni Tabar. Anong plano mo ?" tanong nya.

Natigilan si Rhoi.

"W-wala. Tigilan mo ko. "sabi nya.

Pero napangiti si Romeo at tinawag si Krissing.

Agad namang lumapit ang dalaga.

"Yes ?" tanong nya.

Ngumisi si Romeo.

"Si Rhoi, nambababae. Pakigulpi mo nga. " sabi nya.

Nanlaki ang mga mata ni Rhoi.

"A-anong. Wala naman ah. " reklamo nya pero nakatikim na sya ng kurot kay Krissing.

Tatawa tawang umalis ang tatlong alas at iniwan si Rhoi sa mga kamay ng dalaga.

..

Natatawang kinukumpas ni Totoy ang mga kamay.

Bawat kumpas nya ay may katumbas na kwitis na nagiging disenyo sa madilim na kalangitan.

Bigla nyang naalala ang mga alas.

Agad nyang nilabas ang dati ng tablet at dinutdot dutdot ang mga applications dito.

Hanggang sa makarating sa pakay.

Apat na mukha, apat na simbolo.

May malaking check na sa tapat ng simbolo ng Ace of Hearts.

Napangiti si Totoy.

Nilagyan nya rin ng check ang tapat ng simbolo ng Ace of Diamonds.

"Job well done Romeo. Hmm. At ang susunod ay." putol nya at napangisi ng makita ang simbolo ng Ace of Clubs.

Pinaglapit ni Totoy ang simbolo ng Ace at Queen of Clubs at napangisi ng umilaw ang tablet nya.

Nilingon nya ang ibaba para pagmasdan ang mangyayari sa dalawa.

..

Nakangiwi si Rhoi habang patuloy na kinukurot ni Krissing.

"Bes naman eh, niloloko ka lang ni Romeo. Alam mo naman yun eh. " nakangiwing sabi nya.

Napanguso si Krissing.

"Sabi mo walang iwanan." sabi nya.

Ngumiti si Rhoi at inakbayan ang kaibigan.

"Walang iwanan bes, nakita mo na ba akong nambabae ?." tanong nya.

Ngumiti din si Krissing at niyakap ang kaibigan.

"Di pa. At wag kang magkakamali. Bata ka pa no. " taray nya.

Natawa si Rhoi.

Napatingala sila sa langit at pinagmasdan ang makukulay na fireworks.

"Sa tingin mo, sinong naghanda ng fireworks ?" tanong ni Rhoi.

"Si Rom, magkakasama kayo di ba?" tanong ni Krissing.

Natigilan si Rhoi.

"Pero di kami naghiwalay mula pa kanina. Sus hayaan mo na nga, malihim talaga yung isang yon. Enjoy na lang natin yung view. " sabi nya.

Napangiti si Krissing at tumango.

Humigpit ang yakap nila sa isa't isa.

..

Sinulyapan ni Romeo ang dalawa.

Napangisi sya at napailing na lang.

"See yah on book 3. " bulong nya at nilapitan na ang mga kaibigan.

End of book 2