1. Home
  2. Stories
  3. Kwadro Alas Book 2 - Prologue
Lagablab

Kwadro Alas Book 2 - Prologue

By supertoyantz ·

Prologue

This Story is Originally created and edited by Romeo Q. Loñosa III

Eto na ang simula ng isa sa pinaka aabangan kong obra.

Alam kong marami ang naghihintay dito..

Pero sana maintindihan nyo na kahit anong ganda ng isang palabas.. Kailangan nilang magtapos..

Tulad ng book 1 ng Kwadro Alas..

Pero tulad din ng sinabi ko na..

Kada nagsasara, may nagbubukas..

Nawa'y mag enjoy kayo sa pangalawang libro ng Kwadro Alas..

Binabalaan ko po ang lahat ng mangongopya o magnanakaw ng walang paalam ko..

Matuto naman po kayong gumalang at rumespeto sa gusto ko..

Kung sakaling nagsabi kayo at di ko pa kayo napapayagan..

Sana naman matuto kayong mag hintay..

Di ako magdadamot kung sakaling ikakalat nyo ang gawa ko..

Pabor pa nga sa akin yan dahil aabot sa kung saan saang sulok ng mundo ang Storya ko..

Pero sana.. Matuto kayong magpaalam at maghintay..

Simpleng dutdot at click lang sa mouse at keyboard ang puhunan nyo samantalang PERA, PAGOD, ORAS at UTAK ang sabay sabay pinapagana..

Maraming salamat po sa lahat ng nakakaunawa..

Tulad ng dati..

Sa lahat ng haters ko..

Teka meron pa ba ?.. Parang napatay ko na ata lahat.

Well.. Kung meron pa ring nagtatago dyan na naiinggit.

Tsk tsk..

Pakyu ka po..

-tOyantz.

Romeo Q. Loñosa III

Start of Prologue..

Umalingawngaw ang tunog ng alarm clock..

Kahit na sinong tao na may normal na pagtulog ay magigising sa lakas ng pagngawa nito..

Pero ibahin natin si Darius..

Eksperto sya sa lahat ng sikreto ng pagtulog..

Di lang pagkain ang mahigpit nyang pinag aralan..

Pati pagtulog ay na-master na nya..

Nakanganga pa syang natutulog at tumutulo ang laway sa gilid ng bibig..

Nakataas ang damit pantulog at lantad ang bilugang tyan kung saan nya inaaruga ang kanyang mga sawa..

Ilang saglit pa ay pabalagbag na bumukas ang pinto..

Dali daling nilapitan ni ama nyang si Denzel ang nasabing alarm clock para wakasan na ang pagiingay nito..

Pupungas pungas ding sumunod si Annette..

Nakaroba pa at nagmamadaling nilapitan ang kabiyak..

"For God's sake Honey.. Di ko na alam kung saan mo pinaglihi itong anak mo.. Ni hindi man lang apektado sa alarm clock nya samantalang baka nagising na natin yung mga security ng subdivision sa lakas ng alarm.. " napapailing na sabi ni Denzel.

Napabungisngis si Annette..

"Hayaan mo na ang anak mo.. Look at him.. He's so cute.. " masuyong kinumutan ni Annette ang anak..

Napangisi si Denzel..

"Mana saken eh.. " pagyayabang nya..

Natawa si Annette..

"Yes Hon.. Pero di lang yung kagwapuhan nya ang namana nya.. Pati yung lakas mo sa pagkain. " biro nya..

Natawa na din si Denzel at umikot sa gilid ng natutulog na anak..

"Sleep pa tayo Hon.. Masyado pang maaga.. Teka nga.. Bakit ba nag alarm yang anak mo ng ganitong oras ?.. It's only past 3 in the morning.. " nahihiwagaang sabi ng ama..

Maging si Annette ay nagtaka..

"I don't know either.. Let's ask him when he woke up.. Hmm.. " niyakap nya ang matabang anak.

Ngumiti na lang si Denzel at nagkibit balikat..

Hinalikan nya ang noo ng kabiyak pagkuwa'y ang anak sabay pumikit na rin at natulog..

Ilang saglit pa ay biglang nagising si Darius..

Nagtataka sya kung bakit tila sumikip ang kanyang kama..

Ng mapansing nasa pagitan sya ng mga magulang ay nag kibit balikat na lang sya.

Tinatawag sya ng banyo..

Dahan dahan syang bumaba mula sa kama at tinungo ang sariling CR..

Matapos ang pagbabawas ng likido sa katawan..

Tinahak ni Darius ang pabalik ng kama..

Pero nagreklamo ang kanyang sikmura.

Di na ito nagdalawang hiling sa kanya..

Pinagbigyan nya agad ang request ng kanyang mga alaga sya tyan..

Lumiko sya patungong pinto at lumabas sa kwarto..

Dahan dahang bumaba ng hagdan..

Wala pa sya sa tamang huwisyo..

Basta ang alam nya nagugutom sya..

Muling lumiko ang bata.

Ilang hakbang lang ay nasa tapat na sya ng mini ref na sadyang binili ng mga magulang para lamang sa kanya..

Di na rin sya nagpatagal pa..

Dahan dahan nyang binuksan ang ref..

Kahit bagong gising..

Napangiti si Darius..

Lumantad sa mga mata nya ang kumpletong set ng chocolates, iba't ibang flavors ng cakes.. at kung ano anu pang pagkain …

Isa isa nyang pinagtatawag ang mga ito.

"Rocky road ice cream.. Check.. Cheese rolls, Check..Choco mocha bread with cheese at the top.. Check.. Two slices of Pizza.. Hmm.. Bakit 2 slices ?.. Kasi ako din ang kumain before I sleep.. Check.. 1 , 2 , 3 Boxes of Belgian bites.. Check.. Hmm.. Milks.. Check.." tila wala namang absent sa mga estudyante nya.

Akmang dadampot na si Darius ng isang slice ng pizza ng may mahagip ang kanyang mga mata.

Hindi maayos ang pagkakasara ng box ng rocky road..

Napalunok si Darius..

"Don't..S-sana walang masamang nangyari sayo.. " bulong nya.

Nanginginig nyang binalik ang slice ng pizza at dahan dahang dinampian ng daliri ang ice cream..

Tama ang hinala nyang nagalaw nga ito.

Bumilis ang tibok ng puso nya..

Huminga sya ng malalim at pinalakas ang loob..

"Wag ka takot Darius.. Dyan pa rin sila.. " pagkumbinsi nya sa sarili..

Kabado man..Unti unti nyang binuksan ang nasabing box ng ice cream.

Hanggang sa tumambad sa kanyang mga mata ang masaklap na pangyayari..

Konti na lang ang natira..

Isa ito sa mga paboritong alaga nya..

"S-sino ang nag eat sayo ? .. " naiiyak na tanong ni Darius.

Pero mukhang di rin namukhaan ng rocky road ang suspect.

Niyakap nya ang lalagyan..

Konti na lang talaga.

Di na kinaya ni Darius ang emosyon..

"Mooommmmm !!!!!!… " sigaw nya..

"Wake up baby.. Time to go to school.. " pag gising ng boses ng lalake..

Dahan dahang nagmulat ng mga mata ang batang babae at nag inat..

"Morning baby.. " pagbati ng ina..

Ngumiti ang bata..

"Morning Daddy.. " ganti nya..

"I love you.. ! " sabi pa nya..

Nagtataka man.. Napangiti na lang din si Dannica..

"And I love you more Daddy… " sabi nya at iinot inot na tumayo para abutin ang leeg ng ama..

Madalas maglambing sa kanya ang ama nitong mga nakaraang araw.. Malamang na sinumpong na naman ito ng pagiging sweet kaya nagpunta ito sa kanyang kwarto..

Mahigpit na sinalubong ng lalake ang maliliit na braso ng bata.

"I love you so much baby.. Always remember that.. No matter what they say to you.. Tandaan mo lang lagi na mahal na mahal kita.. Di ko kayang gawin ang ganuong kalaking kasalanan.. Inosente ako .. " tuloy tuloy na sabi nito..

Di maunawaan ni Dannica ang nais sabihin ng ama..

"W-what are you talking Daddy ?.. " tanong nya.

Pero muli lamang syang niyakap ng ama at tahimik na umiyak sa kanyang mga balikat..

Kahit di maunawaan ni Dannica ang sitwasyon.. Pakiramdam nya ay namimigat na rin ang kanyang mga mata.. Sa nakikita nyang paghihirap ng ama.. Parang may kung anong pwersa syang nararamdaman na magiging sanhi para maging malungkot sya..

Di man nya nauunawaan.. Bumuhos na rin ang mga luha sa mga mata ni Dannica..

"Ssshh.. Baby .. Don't cry.. I don't want to see you cry.. " naiiyak na sabi ng ama..

Humikbi si Dannica..

"But your crying Daddy.. " sabi nya..

Ngumiti at pilit na pinahid ng lalake ang mga luha nito..

"See ?.. No more tears baby.. Come on.. It's too early.. Go back to sleep.. " utos nya..

Tila nagdalawang isip pa si Dannica sa sinabi ng ama..

"B-but Daddy.. " reklamo nya..

Pero hinalikan na sya ng ama sa noo..

"Just always remember.. Don't let someone take your happiness.. When you know that your happy with that thing.. Grab it.. Pero kung may kumuha nito sayo.. Fight for it anak.. Always remember that.. Mahal na mahal kita.. Walang kayamanan sa mundo ang hihigit sayo.. Ikaw ang pinakamahalang hiyas ko.. I love you baby.. " pinigil nito ang pag iyak..

Kahit na di maunawaan ni Dannica ang lahat ng sinasabi ng ama.. Pilit nya itong tinandaan at sinaulo..

Unti unti nyang pinikit ang mga mata..

Umaasang sa paggising nya ang masisilayan nya ang pagngiti ng ama..

Pero duon sya nagkamali..

"Darius honey.. Di ka pa ba tapos ?.. " tanong ni Annette.

Mabilis na sinaksak ni Darius ang isang tinapay sa bibig nya at muling nagpalaman ng panibago.

Binalot nya ito sa tissue sabay sinilid sa bulsa ng shorts.

"Ready Mom !.. " sigaw nya..

Pumasok si Annette sa kusina at napatingin sa itsura ng anak..

"Look at your collar.. Naman anak.. Di ka naman nakikinig sa sinasabi ko sayo about sa table manners eh.. " reklamo nya..

Nilapitan ng ina ang anak at mabilis na pinagpag ang nagtalsikang ebidensya na matakaw talaga ang bata..

Ilang saglit pa ay nilayo nya ito sa sarili at binistahan..

"Pogi pogi anak ko ha.. " sabi nya..

Napangisi si Darius..

"Empre Mommy.. ! " sagot nya..

Gigil na pinaghahalikan ni Annette ang bata..

Humahagikgik namang iniwas ni Darius ang pisngi..

"Tara na nga at baka kanina pa naghihintay sina Tita Chynna mo.. " sabi ni Annette..

Tumalon sa upuan si Darius at humawak sa kamay ng ina..

"Yaya… Pakilinis na lang yung kitchen ha ?.. Ay close mo muna itong gate.. " sigaw ng ina..

Lumabas mula sa backdoor ang isang may edad na katulong..

"Sige lang.. Teka .. Ngayon nga pala ang enrollment ni Tabachingching ano ?.. Kuuu.. Mag aaral na ang bata.. " biro nito..

Napangiti si Annette..

"Yes yaya.. Hahakot na ng medals ang anak ko.. " pagyayabang nya..

Napangiti na lang din ang matandang katulong..

"Oh sya sya.. " pagtataboy nito.

"Manong .. Pakilabas na po yung Van.. " utos ni Alona sa matandang driver na asawa ng kanilang katulong..

Ilang saglit pa ay sakay na sya sa van nila ..

"Baby.. Call your friend Aldrin and Tita Alona.. Oh there's Rhoi look.. !" turo nya sa papalabas na si Rhoi at ina nitong si Chynna..

Kumaway agad si Annette..

"Morning .. Sino pa kulang ?.. "tanong ni Chynna..

"Sila Alona at Alexa pa.. " sagot ni Annette..

Sumakay na sa van si Chynna.. Kipkip ang mga gamit ni Rhoi..

"Rhoi anak.. Tawagin nyo na si Aldrin at Romeo.. " utos ng ina.

Tumango ang dalawa at nagtakbuhan papasok sa bakuran ng mga Villarama..

"Daddy !.. Daddy !.. " pagtawag ni Dannica sa ama..

Pero kahit saang sulok ng bahay sya mag suot.. Wala talaga ang hinahanap nya..

Sinubukan nya sa silid ng mga magulang..

Sarado ito kanina..

Pero ngayon ay nakaawang ang pinto..

Pasimple syang sumilip ..

"Dad.. " mahinang pagtawag ng bata..

Hanggang sa biglang bumukas ang pinto.

Halos mawalan ng balanse si Dannica..

Pagtingin nya ay nakasimangot ang kanyang ina..

"Why you're still here ?.. Di ba dapat mag eenroll ka ?.. " tanong nito.

Napalunok si Dannica at yumuko..

"O-opo.. S-si Daddy po kase.. S-sabi nya sya daw po ang maghahatid sakin.. " paputol putol na sagot nya..

Nuon pa sya nahihiwagaan sa kilos ng ina patungkol sa kanya..

Parang hindi sya nito anak kung ituring nito..

Lagi na lang itong nakasimangot kapag lalapitan nya.

Biglang tumawa ng bahaw ang ina ni Dannica..

"Sa yaya mo na ikaw magpahatid.. Wag ka na magreklamo.. " malamig nitong utos sabay nilampasan na sya.

Tahimik lamang na tumango ang batang babae..

"Grabe ang daming toys oh.." puna ni Rhoi..

Pero walang pumasin sa kanya..

Abala sa pagkukuntinting sina Aldrin at Romeo ng kung ano ano habang nakatitig sa kung saan si Darius..

Paglingon nya ay kita nyang nakatingin ito sa isang batang babae na pasimpleng kumakain..

Napangisi ang bata at nilapitan si Romeo..

"Tol.. Look.. " bulong nya sabay turo sa nakangangang si Darius..

Agad na lumgingon si Romeo..

Ilang saglit lang ay ngumisi ito..

Dahan dahan nilang nilapitan ang tulalang kaibigan..

Maging si Aldrin ay nacurious at lumapit din..

"Ham and Bacon Sandwich.. With a little bit of cheese.. " wala sa loob na dinilaan ni Darius ang mga labi nya.

Humanga ang tatlo sa angking abilidad ng kaibigan nila pagdating sa pagkain.. Pero di nila napigilan ang matawa ..

"Oy baka malusaw na yung bata.. Crush mo ?.. " tanong ni Aldrin..

Parang nagising sa malalim na panaginip si Darius.

Mabilis nyang hinamig ang sarili ..

Napailing sya ng matindi pero nagtawanan ang mga kaibigan nya.

Hanggang sa maramdaman nyang unti unting nag iinit ang mga pisngi nya..

"Wag nga kayong ganyan.. Look o.. Ampanget nung girl !.." pagtatakip ni Darius sa sarili sabay bira ng tawa..

Nagkatinginan ang mga kaibigan nya at tumawa na din..

Ilang saglit pa ay tumayo si Romeo at pumwesto sa desk ng teacher..

"Who is the pink bestfriend of spongebob?.. " tanong nito..

Napangiti si Darius ..

Sinakyan nya ang tanong ng kaibigan ay mabilis na sumagot..

Pero di lang sya ang sumagot sa tanong ni Romeo.

"Patrick !.. " sabay na sagot nila ng babae sa likuran..

Lalong nagtawanan ang mga kaibigan nya..

Napayuko si Darius..

"Anong name mo ?.. " tanong ni Aldrin..

Natameme ang batang babae at nahihiyang yumuko..

Pero lumapit si Romeo at inakay ito palapit sa kaibigan si Darius..

Ng maramdamang may tumabi sa kanya ay dahan dahang nilingon ni Darius ang katabi.. Para lamang manlaki ang mga mata nya ng makitang yung batang babae pala ang pinaupo sa tabi nya..

Umangal sya.

Pero balewala dahil mabilis syang napalibutan nina Rhoi at Aldrin..

"My name is Dannica.. Nice to meet you.. " natutuwa si Dannica dahil mukhang magkakaroon agad sya ng mga bagong kaibigan..

Pinigilan ng tatlo ang matawa..

"Ang cute ng name mo.. Ay oo nga pala.. Gusto kang makilala ng friend namin.. Ayan oh, si Darius.. " pakilala ni Aldrin.. Pigil pigil ang tawa nila ng makitang nanlaki ang mga mata ni Darius..

"Wow !.. Ang cute ng name .. Ay parehas kaming letter D.." lalong kinilig si Dannica sa naisip..

Napatingin si Darius sa katabi..

Sa ginawang pagngiti ni Dannica ay lumabas ang sungki nyang ipin..

Di maiwasan ni Darius ang manginig ..

Lalo syang napangiwi ng iabot nito ang isang kamay para sa isang handshake…

Tawa ng tawa yung tatlo..

"Tabi na daw kayo from now on.. " sabi ni Rhoi…

Halos gumulong na sa sahig ang tatlo sa kakatawa..

Ilang saglit pa..

Tumayo na si Rhoi at Aldrin upang busisiin ang kwarto..

Naiwan silang magkatabi ni Dannica.

Tahimik lang si Darius..

Nakikiramdam sa katabi nya..

Hanggang sa magsalita ito..

"A-ayaw mo ba sakin ?.. " parang naiiyak na tanong ni Dannica..

Napangiwi si Darius.

Kabilin bilinan ng mga magulang nya na wag na wag mag papaiyak ng babae..

Dahil kabaklaan daw yon..

At ayaw nyang matawag na bakla..

Kaya kahit labag sa loob..

Umiling si Darius..

"D-di noh.. Cute ka kaya.. " nakangiwing sagot nya..

Totoo naman iyon..

Cute si Dannica..

Pero dahil sa kulot nitong buhok at sungking ipin..Tingin ni Darius sa katabi ay isang halimaw sa paboritong cartoon nya..

Pero di nya ito aaminin sa katabi ..

Dahil sa sinabi ni Darius ay napangiti si Dannica.

"T-talaga ?.. T-thank you.. Ikaw rin.. Cute ka.. Tapos ang cute din ng name mo.. " puri nya..

Napangiti ng di sinasadya si Darius..

"Thank you.." sabi nya ng pasimple..

"Friends na tayo ha ?.. Wala kasi akong friends na iba eh.. Si Daddy ko lang.. " mahinang pag amin ng batang babae..

Nakaramdam ng awa si Darius.

"S-sige.. Marami akong friend o.. Yung tatlong makukulit.. " pakilala nya..

"Buti ka pa nga eh.. Sino sino ba sila ?.. " tanong pa ni Dannica..

Umayos ng upo si Darius at nginuso si Aldrin..

"Yan si Aldrin.. Iyakin yan eh… " natatawang bulong nya..

Bungisngis si Dannica..

"Yun naman si Rhoi.. Sa kanya ako nanghihiram ng guitar.. Kasi marunong na sya.. Galing no ?.. " sabi ni Darius..

Namangha si Dannica..

"Wow.. 6 years old pa lang sya then marunong na sya mag guitar.. Ay ano ba yung guitar ?.. " biglang tanong nya..

Natawa si Darius.

"Kaw ha.. Joke yun eh.. Tapos yung isa si Romeo.. Wag ka lalapit sa kanya.. " pananatakot nya..

Nagtaka si Dannica at pasimpleng tinitigan si Romeo na nagbabasa..

"Why ?.. " tanong nya.

"Kasi bad sya.. Basta.. Pero bait yan.. Pero bad.. " maski sya naguluhan sa sarili nya.

Natawa na lang si Dannica ng biglang may narinig silang nabasag..

Pagtingin nila ay patakbong lumapit si Rhoi kay Romeo..

"Hala.." pananakot ng kaibigan nya..

Natakot si Rhoi pero di sya nagpahalata..

"Bakit ka ba kasi tulala don ? .. Binasag mo yung window.. Lagot ka… !" pananakot pa nya..

Tila maiiyak na si Rhoi..

"Pero since we're friends.. " putol ni Romeo..

Nabuhayan ng loob si Rhoi..

"Since we are friends.. Di nyo ko susumbong kay Mommy.. Pati sa Teacher ?.. " tanong nya..

Napangisi si Romeo..

"No.. Since we're friends..We will give you time to make iyak before we make sumbong .. wahoho.. " nagtawanan ang lahat..

Tulalang natahimik si Rhoi..

Maya maya ay dumungaw ang ulo ni Annette.

Nakita nyang nagtatawanan ang mga magkakaibigan..

Napatingin sya sa anak na nakaupo sa isang tabi at may katabing batang babae..

Di nya maiwasang mapangiti..

"Let's go kids.. Ay you have new friend?.. " tanong ni Annette.

Mabilis na napatayo si Darius at lumapit sa ina..

Nagtawanan ang tatlo.

"Hey, why won't you introduce me to your friend ?. " tanong ng ina..

Pero tinulak na sya ng anak palabas ng kwarto.

Sa huling saglit..

Tinapunan nya ng tingin si Dannica na malungkot ..

Napatingin din ito sa kanya..

Di maintindihan ni Darius ang sarili..

Pero ayaw nyang nakikitang malungkot ang batang babae..

Kaya wala sa loob na ngumiti sya at pinilit ang isang matang kumindat..

Tulalang napatingin si Dannica sa ginawa ni Darius.

Sa batang edad di nya maintindihan ang biglang naramdaman..

Parang may tumusok sa kaibuturan ng puso nya..

Napangiti sya bigla..

Akala nya ayaw ni Darius makipagkaibigan sa kanya..

Pero sa nakita nyang ginawa nito..

Kuntento na syang napangiti..

Tutal wala pa ang sundo nya.

Binuksan nya ang bag at nilabas ang maliit na notebook..

Pagkatapos ay nilabas din nya ang ballpen ng ama na pasimple nyang kinuha..

Binuksan nya ang notebook.

Wala sa loob na sumulat ..

Hanggang sa mapangiti ..

"Darius.. Dannica.. " binasa nya ang sariling sulat..

End of Prologue..

Ako si Toyantz !..