1. Home
  2. Stories
  3. Martine - Part 5
Filipino Sex Stories

Martine - Part 5

By bellavictoria ·

A/N:

Sa lahat ng sumusubaybay kay Martine and Baste and sa mga nag request ng sequel, I made this part as a Christmas and New Year gift sa lahat ng suporta nyo sa akin.

Originally, gusto ko sana na bayaan na lang si Baste sa nangyari sa kanya but then I thought na dugtungan pa ang story nya, who knows baka this time, sumaya na sya.

Merry Christmas and Happy New Year FSS!

***

"Baste!"

"Baste…" Tawag ng ermats ko habang mahinang kumakatok sa pintuan ng kwarto ko. Bumangon ako para pagbuksan sya. Hindi naman ako tulog pero wala ako sa mood bumangon. Sa totoo lang, ayoko lumabas ng kwarto.

"Sasamahan mo ba ako…"

"Yes Ma. Anong oras po ba tayo aalis?" Hindi ko na sya pinatapos ng sasabihin. Huling araw ng taon ngayon. Alam ko na magpapasama sya bumili ng pang Media Noche.

"Ngayon na. Maligo ka na." At tumalikod na sya at naglakad papunta sa kwarto nya. Napatingin ako sa wall clock, alas otso na ng umaga. Sabado.

Sabado. Pang ilang sabado na ba na hinihintay ko pa rin ang pagbusina ni Martine sa labas ng bahay namin dahil araw ng jam ng barkada. Kakain muna kami ng breakfast sa Wildflour or kung saan…

Napabuntong hininga na lang ako. Nasanay na ako na maghintay. Hanggang sa matatapos na ang araw na walang Martine na darating. Parang tanga lang na nasa gitna ako sa pakiramdam na naka-move on na ako at hindi pa nakaka-move on. Masakit pa rin, at higit sa lahat, nakakalungkot.

Halos apat na buwan na mula nang umalis ng walang personal na paalam si Martine. Apat na buwan na halos araw-araw akong naghihintay sa tawag or kahit message man lang galing sa kanya. Hindi ko naman sya mahanap dahil nag deactivate sya ng lahat ng social media nya. Ilang beses din akong nagmessage sa kapatid nya at sa parents nya sa facebook. Okay naman sila kausap pero kapag sa part na si Martine na ang tinatanong ko, seen-zoned na ako.

Dumaan ng unang Pasko na wala si Martine. Unang Pasko rin na hindi ako nagsimba dahil hindi ako dinaanan ni Martine. Dati-rati, alas siyete pa lang ng umaga, papasok na sya sa bahay namin para mag-bless kay Mama at para ibigay ang mga regalo nya sa amin. Magkasama kaming sisimba pagkatapos pupunta kami kina Brad para mag-bless sa parents nya at ganoon din kina Mico. Last stop ay sa bahay nila at doon na kami mag spend ng whole day. Darating sa gabi si Mico at Brad pagkatapos mag jam kami ng Christmas songs using our own version.

Ang Pasko ko ngayon? Pagkatapos ng noche buena, nagtulog na lang ako magdamag at maghapon. At syempre in between that, tinitingnan ko ang phone ko, nagbabakasakali na may tawag or message. Natapos ang Pasko na wala. Gusto kong magalit kay Martine pero hindi ko magawa at naiinis ako sa sarili ko sa patuloy na pag-asa.

Pumasok ako sa bathroom at mabilis na nagshower dahil I'm sure papagalitan ako ni Mommy kapag nag-bagal ako kumilos. Mabuti na rin iyon para mabilis din kami makabalik ng bahay.

Sa loob ng kotse, ilang beses hinawakan at pinisil ni Mommy ang kamay ko. Sa apat na buwan kasi na wala si Martine, nagbago ang habit ko. Iniwasan kong makipag-usap sa kahit kanino. I lived my life the way it has to be lived lalo na pagdating sa trabaho. Oo, I'm hurting pero I cannot let my work suffer. I think ako pa rin ang same na Baste sa work but personally, hindi ako ang Baste na kilala ng malalapit na tao sa buhay ko.

Nakikipag-usap ako sa kanila pero tipid lang ang sagot ko. After na umalis si Martine, hindi pa ulit ako umattend ng jam ng barkada. Balita ko pumupunta pa rin si Mico at Brad kina Martine. Ilang beses nila akong tinawagan pero hindi ko sila sinisipot hanggang sa tumigil na sila sa pag-imbita sa akin.

"Baste…" Pag-interrupt ni Mommy sa pagmumuni-muni ko.

"Hm?" Maikli kong sagot.

"Malalampasan mo rin iyan…" First time ni Mommy na magsalita tungkol dito simula nang umalis si Martine.

"Hm, opo." Maikli kong sagot.

"Masakit, alam ko…" Pagpapatuloy nya.

"Hm." Traffic. Badtrip, gusto ko na tumakas sa usapan na iyon.

"… Pero unti-unti rin iyan mawawala." Kilala ako ng Ermats ko. Kapag ayaw ko pag-usapan ang isang bagay, hindi ako tumitingin sa kanya. Isa pa, ayokong tingnan sya dahil baka mapa-iyak lang ako. Masakit pa rin. Masakit dahil nami-miss ko si Martine. Masakit dahil sobrang nami-miss ko kami. Masakit dahil mahal ko sya. Mahal na mahal ko sya!

"Darating tayo dyan, Ma. Pero for now, tama na." Nag change topic na lang sya.

**
Sa loob ng grocery, nagulat na lang ako na may tumapik sa likuran ko habang tinutulak ko ang grocery cart ni Mommy. Paglingon ko, si Brad at Mico. Inakap nila ako. Parang mga tanga! Nakaka dyahe sa ibang tao.

Nakita sila ni Mommy ay nag-kiss silang dalawa sa ermats ko. Ayaw ko man aminin, pero natuwa ako na makita sila.

"Dude, may lakad ka ba mamayang hapon?" Tanong ni Brad.

"Wala, wala 'yan lakad mamaya!" Sagot ni Mommy sa kanila.

"Daanan ka namin mamaya. Ahm,may charity event kasi ang office. Fund raising for street kids. Nagrerequest sila na tumugtog tayo pero sinabi ko na hindi tayo kumpleto." Si Mico.

"Ahhh… Wala akong practice!" Sagot ko.

"Huwag kayo maniwala. Linggo-linggo yang tumutugtog sa kwarto nya." Sagot ni Mommy ko sabay ngiti sa akin.

"Tsaka when do you needed to practice! Kahit tulog ka kaya mong mag gitara!" Sambit ni Brad.

"Sino magbe-bass?" Tanong ko. Natahimik sila. Si Martine ang sa bass at alam nila na hindi ako basta basta tumutugtog kapag hindi ko gusto ang bahista.

"Si Dylan."

Pinsan ni Martine at ni Star si Dylan. Nakaka-jam na rin namin sya before at okay naman sya, yun nga lang, marami pa syang kakaining bigas ika nga para maging kasing husay sya ni Martine.

"Sige." Sabi ko. Natuwa naman si Mico, Brad at Mommy.

"Coolness, pare! Daanan ka namin ng 4pm ha?"

Tumango lang ako at nagpaalam na kami ni Mommy.

**

Alas tres ng hapon nang magsimula akong mag prep ng sarili ko. Naligo ako at pinili kong magsuot lang ng plain white shirt at brown na chino pants at brown na Sperry. Habang tinitingnan ko ang sarili ko sa salamin, naalala ko na iyon ang exact attire ko noong nakipag meet kami ni Martine kay Sophie. Kumuha ako ng navy blue, red at white plaid long sleeve at ipinatong ko iyon sa shirt ko.

Wala pang alas kwatro nang dumating sina Mico at Brad kasama na rin si Dylan. Sa totoo lang, kung tititigan mong mabuti si Dylan, halos kahawig sya ni Martine lalo na kapag naka chino shorts at shirt lang din si Martine. Hay buhay! Nakaka-umay dahil puro si Martine na lang. Pero ano bang magagawa ko?

Masayang nagpaalam si Mommy sa amin. Pakiramdam ko na set-up nila ako at kasabwat talaga nila si Mommy. Mabuti na rin dahil it's a fresh feeling na makasama ulit si Brad and Mico. I should have done this noon pa.

Pero ganoon naman yata talaga kapag nagmamahal ka, gusto mo munang mapag-isa kapag nasaktan ka. Maraming tao ang magpipilit na kausapin ka or tanungin ko okay ka ba kahit alam naman nila na hindi. Kaya nga sila naging kaibigan dahil they are your cushions kapag down na down ka. And iba pala talaga ang pakiramdam kapag kasama mo ang barkada. Pero mas masaya sana kung andito si Martine at kumpleto kami. Si Martine na naman!

Dumating kami sa venue. Marami-rami rin palang tao ang andun dahil halos mapuno namin ang gymnasium ng school na nag sponsor ng event. Pangatlo kami sa magpeperform. Ni hindi ko alam ano ang set na tutugtugin namin.
"Baste! Ikaw ang bokalista sa second song?" Tanong ni Mico.

"Huh! Hindi ako handa gago!"

"Isa lang! Kaya mo 'yan!" Dagdag pa ni Brad.

"Tangina nyo naman oh!" Napakamot ako sa ulo.

"Ano kakantahin mo?" Tanong ni Brad

"Ano ba kakantahin na una?"

"Ed Sheeran na lang?" Si Mico

"Gago huwag tayo mag Ed Sheeran!" Mabilis kong sagot. "Mag Third Eye Blind tayo." Pagpapatuloy ko.

"Huwag, medyo hindi bagay. Yung kinanta na lang natin nung kasal. John Legend." Sabi ni Brad. "Ano na ang sa'yo Baste?"

"The Scientist."

"Sige, shoot!"

**

Tinawag na kami sa stage at nagsimula na si Mico kumanta ng "All of Me." Medyo kinukurot at puso ko dahil naaalala ko si Martine at kung gaano sya kaganda noong araw ng kasal sa Boracay. Bigla din nag flashback ang nangyari sa amin at ang mga phrase ni Martine na "Gusto mo bang i-cross ang line na 'yan ngayon?" nang sabihin ko na mahal ko sya noon pa.

Nalungkot na naman ako. Miss na miss ko na si Martine. Willing akong i-give up ang pagmamahal ko sa kanya bumalik lang sya bilang kaibigan at Mate ko. Mas masaya ang buhay ko kapag kasama ko sya.

Natapos ang kanta nang hindi ko namamalayan dahil sa pagre-reminisce ko. Turn ko na pala na kumanta. Humugot muna ako ng isang mahabang buntong hininga. Matagal ko na kinakanta ito simula nang umalis si Martine. Gumawa na rin ako ng video at pinadala sa email nya habang kinakanta ito bilang sagot sa kanta na ni-record na noong umalis sya. Wala akong natanggap na reply mula sa kanya. Ang harsh dude!

"Come up to meet you, tell you I'm sorry You don't know how lovely you are I had to find you Tell you I need you Tell you I set you apart"

Ipinikit ko ang aking mga mata at inalala ang masasayang moments namin ni Martine. Ang bawat brunch na pinagsaluhan namin, ang jamming namin sa bahay nila…

"Tell me your secrets And ask me your questions Oh, let's go back to the start Running in circles Coming up tails Heads on a science apart"

… Ang unang beses na mahalikan ko sya, ang mga malalambot nyang labi… Ang bawat ngiti ni Martine.

"Nobody said it was easy It's such a shame for us to part Nobody said it was easy No one ever said it would be this hard Oh, take me back to the start"

Naramdaman kong tumulo ang luha ko pero pinilit kong ipagpatuloy ang pagkanta. Masakit dahil mahal ko si Martine. PUlit-ulit pero hindi ako mahihiyang ulit-ulitin para lang bumalik sya. Siguro titigil lang akong sabihin na mahal ko sya kapag hindi ko na rin maramdaman na mahal ko sya.

"I was just guessing At numbers and figures Pulling the puzzles apart Questions of science Science and progress Do not speak as loud as my heart"

Patuloy sa pagdaloy ang mga luha sa aking mata. Ayaw ko imulat ang mga ito dahil nakikita ko si Martine habang nakapikit ako. Madilim, pero pinapaliwanag nya ang paningin ko. Hanggang sa may kumanta ng linya na hindi ko na kayang ipagpatuloy. Boses na kahit sa panaginip ko ay kilala ko kung kanino.

"Tell me you love me Come back and haunt me Oh, and I rush to the start Running in circles Chasing our tails Coming back as we are…"

Unti-unti kong ibinukas ang aking mga mata. Malabo at nag adjust pa ang paningin ko dahil sa luha at sa tagal ng pagkakapikit. Naramdaman ko ang malambot na kamay nya na pinupunasan ang mga luha sa pisngi ko..

"Nobody said it was easy Oh, it's such a shame for us to part Nobody said it was easy No one ever said it would be so hard…"

Si Martine.

"I'm going back to the start."

Nagpalakpakan ang mga tao. Ako, mukhang tanga na napako sa kinatatayuan ko.

To be Continued (?)

**

This story may not be reposted, reproduced or distributed, in whole or in part, without prior written of the author by any means available. © 2017 Bella Victoria OW 103836