1. Home
  2. Stories
  3. Martine - Part 6
Filipino Sex Stories

Martine - Part 6

By bellavictoria ·

"Baste!"

"Baste!"

Pinunasan ko ang luha ko, saka ko lang nakita nang malinaw na tinatawag na ako nina Brad at Dylan pabalik sa backstage. Napatingin ako sa babae na nasa harapan ko. Nakangiti sya sa akin at hinawakan nya ulit ang pisngi ko.

Matagal ko syang tinitigan. Gaano na ba ako ka-grabe para mag hallucinate? Medyo napahiya tuloy ako sa crowd.

"Baste! Let's go!" Hinila na ako ni Brad papuntang backstage. Parang wala ako sa sarili ko na sumunod na lang. Nakatingin pa rin ako sa babae na nagsimula nang magsalita sa stage.

"Ano ba, Baste! Alam ko ang iniisip mo." Medyo may inis sa tono ng boses ni Brad. "Hindi sya iyon!"

Mabilis akong nag pack up ng gamit ko. Walang sali-salita na nag-ayos na rin sila ng kanilang gamit. Napaupo ako sa isang sulok, nakatungo ako habang salo ng dalawa kong palad ang noo ko. Naramdaman ko na naman na umiinit ang paligid ng mata ko. Namumuo na naman ang nga luha ko.

Tumabi sa akin si Brad at tinapik-tapik nya ang likod ko pagkatapos ay inakbayan nya ako. Wala syang sinabi, pero naintindihan ko. Maya-maya, lumapit na si Mico. Inaya na nya kami sa kotse. Mabilis kong kinuha ang gitara ko pati na ang backpack ko.

Sa loob ng kotse, wala pa rin naglalakas ng loob na magsalita. Nakaupo kami ni Brad sa backseat, si Mico ang nagda-drive at nasa passenger seat naman si Dylan. Nagulat sila nang bigla akong nagsalita.

"Dylan, wala ka bang balita kay Martine?"

"Sorry Pare, pero wala talaga. Sasabihan naman kita kung meron." Maikli nyang sagot. Hindi sya lumingon sa akin, diretso lang tingin nya sa daan.

"Sa Facebook, sa Instagram, sa Twitter…"

"Wala. Hindi sya nagpopost." Hindi na pinatapos ni Dylan ang tanong ko at mabilis syang sumagot.

"Baste, pabayaan mo na muna si Martine." Si Mico.

"Ang dali nyong sabihin ang mga ganyan kasi hindi naman kayo ang nasa sitwasyon ko, dude." Nakatingin ako sa labas ng bintana.

"Pare, hindi lang ikaw ang nakaka-miss sa kanya. Oo, iba ang level ng closeness nyo pero kaibigan rin namin sya." Si Brad.

"Hindi nyo naiintindihan…" Ayoko tumingin dahil ayokong makita nila na sobrang vulnerable ko na. Para na akong bakla sa ina-asal ko.

"… pero masakit. Dahil hindi ko maintindihan!" Napasuntok ako sa hita ko. Natahimik ang lahat.

Matagal na katahimikan. At dahil matagal na kami magkakaibigan, alam nila na mataas na masyado ang tensyon kaya mas mabuti na tumahimik na lang sila. Alam nila na si Martine lang ang may kayang makapagpakalma sa akin pero nasaan si Martine? Wala!!

Papasok na kami sa village namin, pagtingin ko sa wrist watch ko, mag 9:30 na ng gabi. Inuna namin ihatid si Dylan at napadaan kami sa bahay nina Martine. Bukas ang lahat ng ilaw sa bahay nila.

"Dude, pahinto ng sasakyan. Dito na muna ako." Itinigil naman ni Mico ang kotse.

"Dadalawin ko si Mamey." Tinapik ko ang balikat ni Mico at Dylan pati na rin hita ni Brad pagkatapos ay bumaba na ako ng sasakyan.

"Daan din kami kay Mamey mamaya. Ihatid na muna namin si Dylan tapos balikan ka namin dito." Si Mico.

"Sige." Isinara ko ang pinto. At humarurot na sila palayo.

Kakaiba ang nararamdaman ko. Mabigat pero masaya pero kinakabahan ako. Wala naman akong ine-expect kundi ang makita lang si Mamey. Huli kaming nagkita noong araw na umalis si Martine.

Pinindot ko ang doorbell. Narinig kong may naglalakad papalapit ng gate. Pagbukas noon, nakita ko si Mamey. Nginitian ko sya at mabilis nya akong niyakap.

"Baste! Kamusta ka na Hijo? Bakit naman ngayon mo lang ako dinalaw dito? Halika! Pasok ka dali!" Dire-diretsong tanong ni Mamey. Naglakad na kami papasok ng bahay nila.

"Halika, dito tayo sa kitchen kasi darating mga kaibigan ko mamaya. May kaunti kaming salu-salo hindi pa nga ako tapos magluto."

"Palagi ka naman busy pag new year, Mamey. Palagi naman andito mga friends mo eh." Kumuha ako ng baso at pinuno ko ng tubig mula sa dispenser.

Inilibot ko ang mata ko sa buong kitchen. Napansin naman ni Mamey na nagmamasid ako.

"Okay ka na ba, Baste?"

"Mamey naman… anong klaseng tanong naman iyan?"

"Eh… Dahil alam ko na hindi ka pa okay."

"Wala Mamey eh… ganun talaga. Makaka-adjust din ako."

"Huwag mo alalahanin si Martine. Ayos lang sya doon. Nakausap ko sya noong Pasko. Umiiyak nga kasi hindi daw sya sanay. Masaya daw sya kasi buo sila pero nalulungkot daw sya kasi wala ako kasama."

Taimtiim akong nakinig sa kwento ni Mamey. Para bang gumaan ang pakiramdam ko dahil alam ko na maayos lang ang lagay ni Martine.

"Sinabi ko na dinadalaw nyo naman ako dito kaya huwag sya mag-alala."

"Mamey sorry kasi ngayon lang kita nadalaw." Lumapit ako kay Mamey at inakap ko ulit sya. Para bang lalong gumaan ang pakiramdam ko.

"Ah. Gets ko na ano!" Sabay hampas ni Mamey sa braso ko. Bigla na naman ako naiyak.

"Ambigat lang sa loob Mamey…" marahang hinagod ni Mamey ang likod ko.

"Ayos lang iyan. Pero Baste, huwag mo na sana patagalin iyan. Iniwan ka na nya, at hindi tayo sigurado kung kailan sya babalik or kung babalik pa sya. Huwag mo sayangin ang luha mo kapag paulit-ulit lang ang reason ng iniiyak mo."

Oo nga naman, may point nga naman si Mamey.

"Mamey, hindi ba ako tinanong ni Martine… noong… tumawag sya?" Hindi ko halos matapos ang tanong ko.

"Pasensya na Baste, pero hindi. Kaya pulutin mo ang sarili mo at maging masaya ka ulit. Kahit para sa sarili mo." Ngumiti si Mamey.

Sakto namang tumunog ang doorbell. Dumating na si Brad at Mico at lumabas si Mamey para pagbuksan sila. Maya-maya ay andoon na ulit silang tatlo sa kitchen.

"Doon na muna kayo sa salas or sa music room at patapos na ako dito. Kayo na bahala kumuha dyan sa ref ng dessert or bahala na kayo."

Mabilis na hinango ni Mamey ang mga niluto nya para ihanda sa pagdating ng nga amiga nya. Kami naman ay dali-daling nagpunta sa music room. Parang automatic lang na kanya-kanya kaming pumwesto sa mga instruments na tinutugtog namin.

Hindi namin namalayan na tumutugtog na pala kami. The usual songs, hindi na kailangan pag-usapan, hindi na kailangan praktisin. Dumating na rin si Mamey after a while. Naupo sya sa sofa, sa spot na palaging inuupuan ni Martine. Kita sa mukha ni Mamey na masaya sya. Napapapalakpak pa nga sya.

Nag-ring ang phone ni Mamey at hindi ako nagkakamali, nakita ko sa caller ID ang pangalan ni Martine. Napatingin si Mamey sa akin bago nya sagutin ito. Sumenyas naman ako kay Brad at Mico na tumigil muna kami sa pagtugtog.

"Hello?"

"Oh, Happy New Year din anak! Kamusta ka?"

Tahimik lang kaming nakikinig sa susunod nilang usapan. Dahil pinakamalapit ako kay Mamey, dinig ko ang boses ni Martine, kahit pa hindi ko naman maiintindihan ang sinasabi nya.

"Nako. Mag-iingat ka palagi lalo na malamig dyan ngayon at sa mga susunod na buwan."

"Ehhh… naka prepare na ako, hinihintay ko na lang na dumating sila."

"May bisita naman ako dito." Saka sumenyas si Mamey na tumugtog daw kami.

"Oh! Narinig mo na?" Kumikindat pa si Mamey sa amin with matching thumbs up, sabay senyas na tama na daw dahil hindi na marinig si Martine.

"Napadaan lang para i-greet ako ng Happy New Year. Paalis na rin sila maya-maya."

Weird enough, walang nagtangka na makipag-usap kay Martine sa aming tatlo. Para bang nagpaparamdaman kami kung ano ang gagawin. Malakas ang kabog ng dibdib ko, kahit pa gusto ko agawin ang phone kay Mamey pero para bang there's something that's holding me back.

Narinig ko na patuloy sa pag-ubo si Martine sa kabilang linya. Tumigil muna sa pagsasalita si Mamey.

"Uminom ka ng gamot at magpunta ka na agad sa doctor mo. Napakatigas kasi ng ulo mo." Nagtawanan si Brad at si Mico.

"Ha? O sya teka!" Pagkatapos ay ipinasa ni Mamey kay Mico ang phone. Nagkamustahan siguro sila pagkatapos ay ipinasa naman nya kay Brad ang telepono. Mabilis lang din sila nag-usap. Narinig ko lang na sinabi ni Brad na ayos lang sya at nag Happy New Year lang din.

Naglakad ako palabas ng music room, ewan ko ba! Iyon ang sinabi ng utak ko na gawin ko. Hindi na ako tumingin kahit kanino. Ang emo ko lang. Para ba kasing ine-expect ko naman na hindi ako kakausapin ni Martine. Naupo ako sa salas, nakatitig lang sa pintuan ng kwarto ni Martine.

Mabilis na namang nag flashback ang memories na pinagsaluhan namin sa Boracay. Ang pakiramdam ng bawat hagod ng kamay ko sa kanyang katawan. Ang mahihinang ungol na kumalagpas sa kanyang labi habang niroromansa ko sya. Ang pakiramdam ng pagtaas-baba ng kanyang tyan pagkatapos nyang mag orgasm. Ang bawat paggiling ng kanyang balakang habang ramdam ko ang kasikipan nya na bumabalot sa pagkalalaki ko.

Hindi ko pinanghihinayangan na wala na ang mga iyon ngayon. Siguro kung wala man nangyari sa amin, ganito pa rin ako ka broken dahil umalis sya. Sa totoo lang, maikli pa ang apat na buwan para mag-move on. Pero patatagalin ko pa ba na pahirapan ang sarili ko kung si Mamey na rin mismo ang nagsabi na I should get myself back together?

Nakita kong papalapit sina Mamey, Mico at Brad. Mag alas onse na pala ng gabi. Tumayo na rin ako at kusang lumapit kay Mamey para akapin ulit sya bago kami umalis.

"Bisitahin nyo ulit ako Baste, ha?" Mahigpit ang yakap ni Mamey, para bang may gusto pang sabihin.

"Syempre naman Mamey. Ipagluluto mo ba kami ng adobo?" Mahigpit din ang pagkayakap ko sa kanya. "Happy New Year, Mameyyy!" Sabay halik sa kanan nyang pisngi. Ganoon din ang ginawa nina Mico at Brad bago kami tuluyang umalis.

**

Masaya naming sinalubong ang bagong taon. Ako, ang nakababata kong kapatid na si Jade, si Ermats at Erpats. Umuwi sa probinsya nila ang kasambahay namin pero tumawag din sya para bumati ng Happy New Year. Dahil doon, tulong tulong din kaming apat na nagligpit ng pinagkainan namin. Masaya naman, pakiramdam ko unti-unti nang bumabalik ang dating ako.

Ilang beses na nabanggit si Martine ng insentive ko na Erpats pero okay lang, nasagot ko naman ang mga tanong nya kahit alam ko na sinisipa na sya ng Ermats ko sa ilalim ng dining table namin.

"Nagparamdam na ba si Martine sa iyo?" Tanong ni Erpats na mabilis ko naman sinagot ng "Hindi pa po, pero ayos lang."

"Life goes on, Baste." Sabi nya. Sinundan pa ng "Gwapo ka pa naman katulad ko."

Tawanan kami. Napairap si Jade, ang taas daw ng self confidence ni Erpats.

"Ni minsan hindi ako umiyak dahil sa babae!" Sabi pa nya na sinagot naman ni Ermats na "Wala naman kasing ibang nagtyaga sa'yo kundi ako!" Tawanan ulit.

Alas dos na kami natapos at nagshower pa ako bago matulog. Mga 2:30 na nang mahiga ako. Nakapag check pa ako ng Facebook at instagram. Nakita ko pa si Sophie na kasama ni Star at Matthew. Weird dahil nasaan ang asawa ni Star? Pero naisip ko rin na ano bang pakialam ko.

Nagpost din ng picture ang kapatid ni Martine. Andun sa picture si Martine pero nakatalikod sya, kausap ang Daddy nya. Napangiti lang ako pagkatapos ay ini-lock ko na ang phone ko at ipinatong sa side table. Tumigil na rin ang mga nagpapaputok sa village, kaya mabilis din akong nakatulog.

**

Nagising ako dahil sa malakas na tawanan sa baba. Malamang mga kaibigan ni Jade iyon na palaging pumupunta sa bahay namin kapag bagong taon. Alas nuwebe ng umaga iyon, pupungas-pungas pa ako pero kinuha ko ang phone ko, at sa gulat ko may notification ako sa Messenger ko. Dali-dali kong na-swipe ang phone ko at nainis pa ako dahil ambagal mag load ng message.

Malakas ang kabog ng dibdib ko at peste lang talaga, ang bagal mag open ng messenger ko!
Nang mag open ito, isang one liner na message lang ang nakalagay dito:

"Happy New Year, Basterd."

To Be Continued.

**

This story may not be reposted, reproduced or distributed, in whole or in part, without prior written of the author by any means available. © 2017 Bella Victoria OW104864