1. Home
  2. Stories
  3. Masaya - Part 12
xTorya

Masaya - Part 12

By el_nunal ·

"Globe"

"Gagi mahal pag Globe to Smart"

"Maeexpire na naman to eh, sige na pakinabangan mo na, sino ba tatawagan mo?"

"Di ko nga alam eh, oh, dial mo"
Inabot ko kay Mike ang cellphone ko at dinial niya ito

"Oh, sumagot oh, taena chicks na naman!"
Ang pangaasar sa akin ni Mike, natawa lang ako, pero hinde ko alam kung sino iyon, mayamaya pa ay sinagot ko na ito at nagulat ako nang marinig ang isang pamilyar na boses

"Oh! Paano mo nakuha number ko?"
Lumayo muna ako noon sa kanila dala ang cellphone ni Mike at nakipagusap muna kay Reggie

"Oh, napatawag ka?"

"Punta kami ni Kimberly sa bahay mo!"

"Kasama mo ba?"

"Oo, kausapin mo ba?"

"Ano… kasi…"
Hinde pa ako nakakasagot sa kanyang tanong ay narinig ko na lamang ang malambing na boses ni Kimberly

"Oi… kumusta ka na? Eto na ba bago mong number?"

"O-ok lang… ikaw… kamusta ka na? Hinde sa kaibigan ko to, nakitawag lang ako, wala kasi akong load pantawag sa smart eh "

"Eto miss ka na, shot tayo sa inyo, ok lang ba?"

"Meron kasi kaming inuman dito eh"

"Sige na, ito naman, minsan lang eh"

"S-sandali… magpapaalam lang ako sa kanila ha?"

"Uuwi ka ha? Nanditp na kami sa floodway ni Reggie"

"Sige sige, dala na lang ba kayong alak? Wala akong bala ngayon eh"

"Meron dala si Reggie, nasaan ka ba?"

"Sa tambayan namin, sige, punta na ako sa bahay ko, ingat kayo ha?"
At binaba ko na noon ang tawag, matapos

"Oi guys, uwi muna ako"
Ang paalam ko sa kanila

"Ganyan ka naman eh, nangiiwan"
Ang sabi ni Lyn, natawa lang ako at nagpaalam na sa kanila at agad na nagtungo sa bahay. Pagdating ko ay agad akong nagligpit sa bahay, matapos ay tahimik lamang na naghintay sa kanila, magaals diyes na nang gabi nang dumating sila ni Reggie.

"Oi, El Nunal"
Ang bati sa akin ni Reggie, si Kimberly naman ay piningot lamang ang aking ilong. Naka uniporme pa si Kimberly na pencil cut na black at nakapaldang maikli, at napansin ko na nakastocking siya na light brown yung skin tone brown, nakastileto at nakapuson ang buhok, napansin ko din ang medyo mapula niyang labi dahil sa kapal nang lipsticks pero hinde naman ito panget tignan, umangat pa nga ang ganda niya lalo, at napansin ko na tila blooming siya nang araw na ion, hinde halatang kakauwi lang galing trabaho.

"El Nunal, pabanyo muna ha?"
Ang sabi ni Reggie, tinuro ko naman sa kanya ang banyo

"Kim, ano nga pala meron at na—
" Hinde ko naituloy ang sasabihin ko nang bigla na lamang sungaban ni Kim ang aking labi. Matapos ay ngumite siya sa akin at muling piningot ang ilong ko

"Namiss kitang damuho ka"
Hinde ko alam kung bakit ako nakaramdam nang tuwa sa ginawa at sinabi niya, marahil deep inside ay masaya din ako at nakita ko siya.

"Kumusta ka naman sa work? Musta ang first week"
Tanong ko sa kanya habang hinahanda ang baso at pitsel

"Ok naman, medyo nakakapagod lang, ang daming pinapatype pero ok naman kahit papaano, ikaw kumusta ka naman? Nanaba ka lalo ah?"
Ang bati niya sa akin sabay pisil sa bilbil nang tiyan ko

"Lasang alak ka pa"
Ang sabi niya sa akin medyo napangite lang ako.

"Anong lasang alak ang pinagsasabi mo?"
Singit ni Reggie

"Aba, ano ba ginawa mo at ang tagal mo sa banyo?"

"Umuhi malamang, tska jumebs na din kanina ko pa tinitiis yung jebs na yun eh"
Lumapit sa akin si Reggie at binatukan ako

"May lipstick ka pa sa labi"
Naapatingin ako sa salamin at napangite ako nang makita ko na meron nga akong lipstick mula sa labi ni Kimberly

"Tara, simulan na to, patulog kami dito ha?"
Ang sabi ni Reggie sa akin

"Ayus lang ba na ganito ang bahay ko?"

"Ito parang others ka naman, ok na to, di naman kami choosy ni Kimpot sa tutulugan eh"
Di ko maiwasang mapatingin kay Kimberly nang makita ko siyang nagaalis nang uniporme at naexpose sa aking mga mata ang makinis niyang balikat, naka tanktop lang siya na puti at di ko maiwasang mapatingin sa cleavage niya na siya namang nakita niya at napangite

"Same old same old"
Ang bigla niyang sabi at bigla akong binato nang hinubad niyang uniporme

"Pakisabit nga"
Napangite lang ako at pumasok sa kwarto at kumuha nang hanger upang isabit ang uniporme ni Kimberly. Paglabas ko ay naabutan ko na silang naka Indian sit, sa aking hinihhigaang foam at nasa sahig ang iinumin naming alak, Genoroso.

"Natikman mo na to Mole Man?"
Tanong ni Reggie sa akin habang nagpupuson nang buhok

"Hinde pa, masarap ba?"

"Sabi ni Kimpot masarap daw, ito daw ininum nila sa work place nila nung isang araw eh"
Napatingin lang ako kay Kimberly at ngumite

"Masarap yan promise, try nyo m una kasi, sapakin ko kayong dalawa eh"
Kinuha ni Kimberly ang alak, bahagyang lumundo ang bandang harapan nang suot niyang tank top at di ko sadyang nasilayan ang kanyang dibdib na may takip pa naman bra, at di ko maiwasan na mapangite at medyo maginit. Pagkakuha niya nang alak ay agad niya itong binuksan at nagsalin nang konte sa takip nito at pinatikim sa akin

"Oh, try mo muna"
Nang tikman ko ito ay hinde naman masama ang lasa, medyo matamis ito, na may bahagyang kapklaan, marahil ay hinde pa kasi ito malamig

"On the rocks tayo ha?"
Ang sabi ni Kimberly

"Mukha mo Rocks! Bahala kayong dalawa, magtutubig ako!"
Ang nakangusong sabi ni Reggie at kinuha ang pitchel na may lamang ice cubes

"Ikaw? Weak ka din ba?"
Nagulat ako nang tanungin ako nang ganoon ni Kimberly, alam ko na hinahamon ako ni Kimberly sa isang showdown at hinde ko naman siya inatrasan, at nagsimula na kami maginom. Kanya kanya kami nang tagay, at napansin ko noon na tila ba mataas lagi ang tagay ni Kimberly sa kanyang sarili

"Hoy, dahan dahan Kimpot, baka masobrahan"
Ang natatawang bati ni Reggie

"Ok lang ako noh, yung isa ang tanungin mo baka mahina"
Ang nakangising sagot ni Kimberly habang nakatingin sa akin, tama lang kasi ang taas nang alak na sinasalin ko sa aking baso, natatawa nga lang ako dahil nakakadami na si Kimberly samantalang ako eh nakaka limang baso pa lang.

"Ang daya kasi nito, ang baba, taasan mo!"
Ang sabi ni Kimberly at kinuha ang bote at sinalinan ang hawak kong baso, hinde ko alam kung lasing na si Kimberly, hinde ko pa naman kasi siya nakikitang malasing, nakainom oo, pero lasing, hinde pa, at mukhang masasaksihan ko na ata ito nang gabing iyon, hinde naman kasi ganito kakulit si Kim, tahimik lang siya kapag nagiinom kami. Panay din ang kwento niya sa amin ni Reggie tungkol sa mga kasamahan niya sa work, si Anim Guy daw na sa unang araw pa lang nang work eh napagalitan na, yung boss nila na makulet at maloko at mukhang pinopormahan pa siya, yung mga kasamahan din niya na nangungulet sa kanya na sumabay sa kanya sa pagkain, sa paguwi, inaaya siyang makipagdate, yung mayabang na kasamahan niya na panay pa din ang pangungulet sa kanya, subalit sa dami nang istoryang sinasabi niya, hinde manlang niya nababangit sa akin ang kasintahan niyang si Reno. Hinde rin nababangit ni Reggie ang bagay na iyon, iniisip ko naman na marahil ay walang alam si Reggie tungkol kay Reno. Hinde rin ako nagbabangit nang kahit ano tungkol sa binata, basta tumatawa at ngumingite lang ako. Matapos naming maubos ang tatlong bote nang Generoso ay kapwa na kaming hilo, una nang bumagsak si Reggie, samantalang si Kimberly ay tahimik na lamang na umiinom habang nakatulala at ako naman ay nagsisigarilyo sa may pintuan

"Anong meron at nadalaw ka nga pala dito?"
Ang tanong ko sa kanya

"W-wala naman, masama ka na ba dalawin ngayon?"

"Eh ang dinadalaw lang naman yung may sakit di ba?"

"Eh may sakit ka naman sa utak eh, ok na yun!"
At nagkatawanan kami, dahan dahan siyang tumayo at tumabi sa akin

"Pengi nga, nasaan ba yung yosi mo?"

"Sandali nasa bulsa ko eh"

"Ako na"
Nagulat ako nang bigla niyang ipasok sa bulsa nang aking shorts ang kanyang kamay, at alam ko na nasangi niya ang noon ay naninigas kong Manoy, medyo naiihi kasi ako noon kaya medyo hard siya, nagulat ako nang tila ba sinadya pa niya ulet na tabigin ito at natawa siya

"Ibang yosi pa ata nahawakan ko ah"
Ang nakangiteng sabi niya sa akin, napailing lang ako at humithit nag sigarilyo. Matapos ay nakisindi din siya sa akin at umupo sa may sahig sa tapat nang pintuan nang aking bahay

"Kumusta ka na? Ok ka lang ba?"

"Sakto lang"

"Namiss mo ba ako?"
Tinignan ko lang siya, at isang buntong hininga muna ang aking ginawa bago ko siya sagutin

"Medyo… halos isang linggo na din pala, at dalawang araw?"

"Ikaw din, namiss kita, hinahanap ka nga ni Romel eh"

"Nasaan na ba yung BF mo? Akala ko uuwi siya this week?"

"Nandito na siya… kaso hinde pa kami nagkikita kasi may inaasikaso pa siyang mga papeles"

"Bakit hinde siya ang pinuntahan mo?"

"Ayaw mo ba akong makita?"
Ang tanong niya sa akin, hinde ako makasagot, hinde ko alam ang isasagot sa kanya, nakatingin siya sa akin na parang nagpapaawa at ako naman eh tinablan at ngumite, matapos ay tinabihan ko siya at pininisil ang ilong

"Siyempre kahit papaano gusto kitang makita noh"

"Akala ko kasi ayaw mo na ako makita eh"
Ang naiiyak na sabi ni Kimberly, nagulat ako, ngayon ko lang siya nakita na parang bata na nagtatampo, I never saw this weak side of her, or maybe, just maybe, lasing na nga siya. Pagupo ko sa tabi niya ay bigla niyang idinantay ang ulo niya sa balikat ko

"May problema ka ba?"
Ang tanong ko sa kanya

"Di ko alam eh… siguro meron… ewan ko ba, ako din naman kasi may kasalanan nang problemang to eh"
Ang sagot niya sa akin, inabot niya ang aking kamay at hinawakan ito nang madiin

"Sorry talaga, kung pati ikaw nadamay pa sa kalokohan ko ha?"
Hinde ako sumagot, tinitignan ko lang siya, inoobserbahan, hinde ko pa kasi talaga alam kung lasing na ba siya, o naglalasing lasingan lang, pero dama ko naman na sincere siyang makipagusap, nagulat ako nang halikan niya ang aking kamay at ngumite pagkatapos

"May isa pa akong namiss sa iyo"
Ang sabi niya sa akin at kasunod nito ay isang mainit na halik mula sa kanyang malalambot na labi, noong una ay nageengage siya nang isang mainit na laplap subalit napansin niya siguro na kahit hinahalikan niya ako ay hinde ko ito sinasagot at nakapikit lamang na tinatangap ito kaya naman tumigil siya

"Ayaw mo ba?"
Hinawakan ko ang mukha niya at hinalikan siya sa noo

"Kim, stop this, you'll just end hurting yourself, the one you love, pati ako, masasaktan"
Nagulat ako nang may biglang tumapik sa likuran ko, si Reggie

"Ako nang bahala dyan, lasing na yang babae na yan"

"Reggs di pa kaya ako lasing"
Ang nakangiteng sabi ni Kim

"O siya hinde na kung hinde, halika na dito, maguusap lang kami ni El Nunal sandali"

"Ihh… mamaya na"

"Halika na nga dito kukurutin ko singit mo eh, halika"
At hinawakan ni Reggie ang bewan ni Kimberly at hinila papasok, natawa naman ako dahil mukhang lasing na nga si Kimberly. Hinayaan ko muna silang dalawa, mayroon kasi silang pinaguusapan at ayaw ko makinig, kaya naman lumabas na muna ako at nagyosi sa tapat nang bahay. Makalipas ang halos sampung minuto, sumilip na si Reggie at sinenyasan ako na lumapit. Pumasok na ako sa loob nang bahay upang magbanyo sandali at nakita ko na bulagta na si Kimberly, pero mukhang umiyak ito, pansin mo kasi ang pamumula nang ilong niya na halatang umiyak. Pagkatapos kong magbanyo ay muli akong nagtungo sa labas kung nasaan si Reggie at di ko inakala na nagsisigarilyo din pala siya

"Oh, nagyoyosi ka din pala"

"Oo naman, hinde lang ako nagyoyosi kina Cosme at babatukan ako nang isang yun, bisyo ko na din to noon pa eh"

"Mukhang umiyak si Kimberly ah?"

"Eh gago siya eh, ikaw din gago eh, parehas kayong gago na naggaguhan"
Ang natatawang sabi niya sa akin

"Umiyak kasi nalilito daw siya, mahal niya daw si Reno pero ikaw nag gusto niyang makasama, sabi ko nga sa kanya para siyang tanga eh"
Nagulat ako nang malaman ko na alam pala ito ni Reggie, hinde lang pala niya talaga inoopen yun sa kwentuhan kanina, marahil ay naisip niya na medyo awkward ang topic, and I guess that will ruin the moment na meron kanina, yung happy moments na muli kaming magkausap at magkasama ni Kimberly bilang magkaibigan.

"Matanong nga kitang hinayupak ka, ano ba nararamdaman mo kay Kimpot? Libog lang ba o mahal mo na?"
Natawa ako sa tanong ni Reggie pero somehow natuwa ako dahil stright to the point siya magtanong kaya naman isang solidong sagot ang nasabi ko sa kanya

"Libog lang siguro"
Bigla niya akong binatukan

"Bat may siguro? You mean, you feel something else bukod sa kalibugan?"

"Parang… hinde ko din kasi masabi eh"

"Broken ka ba sa past ex mo? Yung totoo?"

"Oo"

"Can you tell me just a brief story between you and your ex?"
At sinabi ko kay Reggie ang kwento ko kay Charice, and she was really surprised at natatawa sa nangyare sa akin

"And you mean to say, may anak pa ata kayo? Sure ka ba na sa iyo yun? Wag kang tanga, anyway, ang hard pala nang pinagdaanan mo sa isang yun ano?"
Tanging ngite lang ang naisagot ko kay Reggie

"I guess, parehas lang kayo na nangangailangan nang mga kakalinga sa isa't isa"
Ang sabi niya sa akin

"Bakit?"

"Gusto mo ba malaman ang istorya ni Kimberly?"

"Ok lang ba?"

"Nangangako ka ba na hinde mo to sasabihin sa kanya?"

"Oo naman, pangako"
Tinignan niya si Kimberly, sumilip din ako at nakita kong himbing na himbing sa pagkakatulog si Kimberly, muli kaming lumabas at nagsinde nang sigarilyo at sinimulan na niyang ilahad ang kwento ni Kimberly.

"Masayahing babae yang si Kimpot, at halos ata lahat nang naging BF nyan nakilala ko na, lahat nang klase mula sa gwapo, panget, ok lang, natatawa nga ako sa kanya kasi iba iba ang nagiging boyfriend niya, pero wala pa siyang pinakikilala sa kuya niya maliban kay Macky, yung una niyang bf na sineryoso niya, si Reno, yung sea man at ikaw, kaya nga nagulat ako nang malaman ko sa kanya na hinde pa pala sila hiwalay ni Reno, kasi, hinde ugali ni Kimpot na magtimer, oo, madami siyang naging BF pero lahat yun, break muna bago siya magkaroon, wala siyang sinasabay, di katulad ngayon sa inyo ni Reno, nalaman ko na ito palang tarantadong Reno eh nambabae sa barko kaya pala halos magpakamatay na ito sa kakainom noon, hanggang sa nagulat ako nang isang gabi masayang masaya na nagkwekwento sa isang lalake na crush nya daw noong grade 6 pa siya at boyfriend na niya, at ikaw nga yun, alam mo kasi, yang si Kimpot, hinde naman yan nagpapagalaw sa kung sino sino, kung tutuusin, tatlo pa lang ata kayo nakakagalaw kay Kimpot, yun ang sabi niya ha?"
Natatawa si Reggie noon at muli kaming nagsindi nang sigarilyo bago ituloy ang istorya

"So edi ayun nga, so tatlo pa lang kayong nakakajerjer sa kanya, dahil nga mahal kayo ni Kimpot, pero ewan ko, di naman niya sinasabi na mahal ka niya, pero di naman daw niya alam kung bakit ba, hinahanap hanap ka niya, alam mo ba, natawa ako sa kanya, kasi dapat talaga ang pupuntahan namin eh bahay ni Reno, kaso, nagulat ako nang sasakay na kami nang jeep, ang sinakyan niya eh papuntang Binanongan, at natawa ako dahil mas gusto ka daw niya makita kasi isang lingo ka na niyang hinde nakakausap o nakikita, eh yung Reno eh halos isang taon nang wala, natawa nga ako sa kanya, sabi ko sa kanya sino ba ang mahal niya ikaw ba o si Reno, hinde niya na daw alam, dati si Reno, at gusto ka lang niya, ngayon, hinde niya daw alam"
Napangite ako sa sinabi ni Reggie

"Pero El Nunal, ikaw ba, talagang libog lang ba yang nararamdaman mo sa isang yun?"

"Mukhang di lang naman libog, siguro, siya lang din kasi talaga ang nakakatangal nang kalungkutan ko eh… medyo nalungkot nga ako nung nagdesisyon akong tapusin namin yung relasyon namin nung malaman ko na may BF pa siya"

"Pwede mo ba akong gawan nang pabor? Para na din sa iyo to"

"Ano yun?"
Tinignan ako ni Reggie at seryosong sinabi sa aking

"Layuan mo na nang tuluyan si Kimberly, pwede?"

"Ha? Nilalayuan ko na naman siya di ba?"

"Kung nilalayuan mo na siya, hinde ka na pumayag pa na makipagkita sa kanya in the first place, hinde ba? Isa pa, maniwala ka, baka sa huli ikaw pa ang malugi, mabait kang lalake, nakita ko ang ginawa mo kanina"

"Ganun? Yun na ba ang basehan nang pagiging mabait?"

"Hinde pa naman ako nagkakamali nang instinct ko eh, isa pa ,kahit naman si Cosme sinabi na din sa akin yun, dahil kung hinde naman nabaitan sa iyo yung isang yun baka sinapak ka na nun, sinasabi ko to para hinde ka na masaktan, at hinde mo na din siya masaktan, like i said, naggaguhan lang kayo, kasi kung hinde mo ipaparamdam sa isang yan na nilalayuan mo na talaga siya, babalik at babalik yan sa iyo, pero kung trip mong masaktan ikaw bahala, kung masochista ka , anyway, yun lang naman, nasa sa iyo naman yan kung gusto mong mahirapan, di lang siya, pati sarili mo, siya, tulog na ako"
Matapos ay pumasok na siya nang loob nang bahay, ako naman ay naiwan sa labas, natahimik at natulala, di ko inaasahan na sasabihin ni Reggie iyon,bahagya akong nahilo noon at sumuka sandali bago pumasok nang bahay, nawala kahit papaano ang nararamdaman ko na pagkahilo at pagpasok ko nang bahay ay nakita ko siyang nakahiga na sa foam at mukhang natutulog na katabi ni Kimberly, tahimik naman akong humiga sa sofa malapit kay Kimberly. Pinagmasdan ko ang mukha ni Kimberly, payapa at tahimik siyang natutulog, ang sarap niyang pagmasdang matulog, hinimas ko ang mukha niya at nagulat ako nang bigla siyang dumilat, hinde naman siya gumawa nang kahit anong ingay, at ngumite matapos ay piningot ang aking ilong matapos ay muling pumikit. Iniisip ko ang sinabi sa akin ni Reggie, siguro nga, tama si Reggie, ayaw kong layuan si Kimbely, pero, bakit nga ba? Dahil ba may nararamdaman na ako sa kanya? O dahil siya lang talaga ang babaeng pwedeng magtangal nang lumbay at lungkot ko? Isang malalim na buntong hininga ang aking ginawa, matapos ay tumulala sa kisame, mayamaya pa ay nagulat ako nang biglang umupo si Kimberly

"Oh, bat bumangon ka?"
Tanong ko sa kanya

"Nawala antok ko eh, ikaw hinde ka ba nahihilo? Tatag mo talagang loko ka"

"Nasuka na ako kanina eh kaya wala na hilo ko"

"Madaya, anong oras natulog tong isang to?"

"Kanikanina lang"
Hinawakan niya bigla ang baba ko at hinarap ang mukha ko sa kanya at bigla akong hinalikan, nang mga sandaling iyon, nakipagsagutan ako nang halik sa kanya, ilang minuto din naming ginawa iyon bago niya lisanin ang labi ko at dumantay sa balikat ko

"Ang sarap mo talagang humalik gago ka"

"Saan ka ba dapat pupunta, parang hinde naman talaga dito eh, noh?"

"Dapat kina Reno kami pupunta, yun talaga ang plano, nasabi ba sa iyo ni Reggie?"

"Hinde, naisip ko lang, kasi di ba, nandiyan na nga ang BF mo?"

"Oo… pero mas gusto kitang makita kesa sa kanya eh… ewan ko ba kung bakit"

"Kimberly ---, magisip ka nga"
Natawa siya nang bangitin ko ang buo niyang pangalan, kilala niya ako, kapag sinasabi ko na ang buong pangalan nang isang tao, alam niya kung hinde ak inis ay seryoso akong kausap, humarap siya sa akin at tila ba parang batang handang makinig

"Ano yun --- --- ***?!"
Ang nakangiteng sabi niya akin

"Mahal mo ba yung Reno?"

"Ewan ko… hinde ko alam kung mahal ko pa ba yun"

"Kaya mo bang makipaghiwalay sa kanya?"

"H-hinde… hinde pa sa ngayon"
Napailing lang ako noon kay Kimberly

"Kim, alam mo, kung hinde mo alam ang sagot sa tinanong ko, hinde ko din alam kung saan pa tutungo ang ginagawa natin na to, gaguhan lang ba ang gusto mo na mangyare sa atin?"
Hinde siya sumagot

"Sa labas nga tayo magusap"
Tumayo siya at at ko naman ay dahan dahang tumayo at sumunod sa kanya sa labas at doon kami nagusap

"Hinde ka ba masaya na nagagamit mo ko?"

"Anong nagagamit?"

"Ulul! Alam mo ang ibig kong sabihin, sige, ganito, di ka ba nageenjoy na nakakantot mo ko?"

"Kimberly ano ba naman yang bunganga mo?"

"Totoo naman eh, bakit hinde ba?"
Hinde ako nakaimik sa sinabi niya, totoo naman kasi, nageenjoy ako na nakikipagsix sa kanya

"Kita mo natahimik ka, kasi totoo, pero hinde naman ako nagrereklamo di ba? Masaya din naman kasi ako sa kung anong meron tayo, at kung anong ginagawa natin, sige, magiging tapat ako sa iyo, hinde kita mahal, pero gusto kita, mahal ko si Reno, pero hinde ko alam kung mahal ko pa talaga siya, hinde ko din maintindihan kung ano bang nangyayare sa akin, pero alam ko, pag ikaw ang kasama ko masaya ako"
Hinde ko din magets ang sinabi ni Kimberly tanging ngite lamang ang nagawa ko, maging siya ay napangite lang sa kanyang sinabi

"Alam mo El Nunal, minsan hinde kailangan magkaroon nang sense ang isang bagay di ba? Sometimes things just do happen, meron ngang reason pero hinde mo mapinpoint kung ano, di ba?"

"Kim, if you will pay attention, baka mapinpoint mo kung ano man yang nangyayare sa iyo, Kim, whenever you say you I love you, anong nararamdaman mo that time?"

"Masaya"

"Kaya mo pala nasabi yun… don't confuse happiness with love… ngayon ba masasabi mo yung salitang yun sa akin nang buong puso?"
Hinde siya nakaimik napakamot siya sa ulo at pingot ako sa ilong

"Nakuuu!!! Ang dami mong alam!"
Tumayo siya at naginat

"Alam mo, enjoyin na lang natin kung anong meron tayo ngayon? Friends with benefit ayaw mo?"

"Ha?"
At natawa ako sa kanya

"Sigurado ka sa sinasabi mo Kimberly?"

"Mukha ba akong nagbibiro?"

"Kim, tingin mo ba magagawa ko yun sa iyo?"

"Ewan, nageenjoy ka naman na hinahalikan ako di ba?"
Napangite lang ako, kahit itangi ko sa sarili ko, naaliw ako sa tuwing hinahalikan niya ako, at nang mga sandaling iyon pa nga ay higit pa nga sa halik ang inaasam ko, pero, hinde ko alam kung bakit hinde ko magawang gawin o sabihin iyon sa kanya, marahil ay sadyang malakas lang ang udyok nang konsensya ko, na nasa isip ko, hinde ko ito dapat gawin o ipagpatuloy pa, pero hinde ko maitatanging gusto ko talaga ang ideya na sinasabi niya, hinde ako kumibo noon, tumayo lang din ako at naginat

"Tulog na tayo"

"Tutulugan mo lang ako ganon?"

"Bukas na lang natin to paguspan ok lang?"

"Aalis na ako bukas, pupunta ako kina Reno"

"Ok"

"Magsesix din kami pag nakita kami, ok lang ba?"
Di ko alam kung bakit pero parang may inis akong naramdaman, pero hinde ko ito pinahalata sa kanya, at pumasok na lamang nang sa loob nang bahay at muling humiga sa sofa. Pagkalipas nang ilang minuto, sumunod na din si Kimberly at tahimik na humiga sa foam na nakalatag sa sahig at tumalikod sa akin. Hinde ko alam kung bakit may nararamdaman akong guilt, para bang gusto ko siyang pigilan sa gagawin niya bukas, pero tama ba kung pipigilan ko siya, boyfriend niya naman ang pupuntahan niya, may karapatan siya para puntahan yun, isa pa, ano naman kung magsix sila, natural yun, magkasintahan talaga sila, pero hinde ko alam kung bakit may bumabagabag sa akin, malakas na kabago sa dibdib, isang masikip na pakiramdam sa lalamunan, mahal ko na ba siya kaya ako nagkakaganito, hinde ako mapirme sa aking kinahihigaan, tumayo ako at nagtungo sa aking kwarto, sa aking gulat, nagulat ako nang maramdaman kong may sumunod sa akin, si Kimberly

"El Nunal…"
At hinde ko noon napigilan ang aking sarili na halikan siya, hinde ko alam kung tama ba ang ginagawa ko, pero wala naman siyang pagtutol na ginawa, bagkus ay nakipagpalitan pa siya sa akin nang halik, marahan, at dahan dahan ang aming paghahalikan, at dama ang kasabikan sa bawat isa, o ako lang ba ang sabik sa kanya, in that point, pinilit kong kalasin ang paghahalikan namin

"K-kimberly… can we just… sleep together… and do nothing just sleep… i just wanted to try something… ok lang ba?"

"W-what? Seriously?"

"Oo… ok lang ba?"
Nagulat ako when she giggled, at piningot niya ako sa ilong

"Hinde ko talaga alam kung anong nasa utak mong nunal ka, fine, nakadamit o nakahubo?"
Ang pabirong sabi niya sa akin, at napangite lang ako, at niyakap siya, at dahan dahang nahiga. Umunan siya sa aking balikat, at dahan dahang yumakap

"Good Mornight"
Ang sabi niya sa akin at hinalikan ako sa pisnge, matapos ay pumikit, at nang gabing iyon, tahamik lang kami na natulog na magkatabi sa kama.
Nagulat ako na tila ba nagliliwanag ang paligid ko, dahan dahan kong minulat ang aking mata, tinatamaan na pala nang sinag nang araw ang mata ko, malamang tanghali na, nagulat ako nang maramdaman ko na wala na sa tabi ko Kimberly, I guess umalis na siya, pero nagulat ako nag makita ko siyang nasa sala at foam siya natutulog, siguro, nainitan siya, medyo pawisan na din ako nung bumangon ako eh, at napansin ko na wala si Reggie, iniisip ko naman na baka bumili lang nang agahan subalit wala na ang dala nitong bag.

"Good morning bhebs… gising ka na pala"
Bati sa akin ni Kimberly, di ko namalayan na gising na pala siya, and she was giving me this big smile, at hinde ko alam kung bakit ba sa unang sulyap, si Charice ang nakita ko sa kanya, pumikit ako at nang aking imulat ito ay si Kimberly na ang aking nasilayan

"Nasan si Reggie?"

"Umuwi na kanina pang ala singko"

"Ahh… teka, bat di ka pa sumabay?"

"Wala lang, gusto pa kita makasama eh, ayaw mo?"

"Di ba… ang sabi mo…"

"Pupunta ako kay Reno? Eh wala naman daw siya sa kanila so bakit pa ako pupunta di ba? Isa pa, mas feel kitang kasama ngayon kesa sa kanya"

"Wala ka bang work?"

"Wala, day off ko ngayon, kaya nga ako umuwi nang Binangonan eh, isa pa, gusto din kitang makita"

"Eh si Reno, ayaw mo bang—
"

"Alam mo, bakit mo ba pilit na sinisingit si Reno sa usapan? Ano ka ba? Can't you just be happy and ignore him? Oras natin to, bilang –
"

"Bilang ano?"
Nakangiteng sabi ko sa kanya, hinde siya nakaimik, napailing lamang ako sa kanya, sa pinapakita niya sa akin, tila ba, nadedegrade siya sa paningin ko, she was not the Kimberly I'm expecting to be, isang timer, pero naasar ako sa sarili, dahil deep inside, masaya ako, masaya ako sa isang bagay na alam kong mali.

"El Nunal, ayaw mo ba akong nandito?"
Tanong niya sa akin, dahan dahan siyang lumapit at yumakap sa akin

"Naasar ka ba sa akin?"

"Naasar ako sa sarili ko"

"Bakit naman sa sarili mo ikaw naasar?"

"Dahil kahit alam ko na mali ang nangyayari sa atin, eto ako, at masaya na kasama ka"

"Masaya ka talaga?"
Ang sabi niya sa akin habang nakangite

"Oo na, masaya ako, pero… naguiguilty ako eh alam mo yung parang –
" Hinde ko naituloy ang sasabihin ko nang bigla na lamang isupalpal ni Kimberly ang malambot niyang labi sa akin

"Ang daldal mo, para kang babae, talo mo pa ako eh, breakfast tayo?"
Ang aya niya sa akin habang nakangite, ayaw kong magpakaimpokrito at aaminin ko, I love what she did, a beatiful girl like her, kissing me, the hell di ba, but, still, something really itches me from the inside, may kung anong bagay na hinde ko alam na talagang bumabagabag sa akin, or alam ko na naman talaga, hinde ko lang talaga pinapansin, o pinansin ko na, pero binabalewala ko lang, that time, I was being selfish, dahil masaya ako, at nang mga sandaling iyon, hinde ko na inisip pa na may matatapakan akong tao, that day, I just accepted the things going between me and Kimberly.

"Ano bang gusto mo?"

"Di ba marunong kang magluto ang kwento mo sa akin? Pakitaan mo nga ako"

"Ano bang gusto mo?"

"Well, surprise me, tignan ko nga ang pagiging cook mo"
Ang pahamon niyang sinabi sa akin at medyo nachallenged naman ako, it's been a while since may tao akong ipagluluto, medyo nalulungkot ako, pero, gusto ko siyang pabilibin sa aking cooking skills kaya naman, naghilamos na ako at naghanda nang mamili

"Saan ka pupunta?"

"Bibili nang iluluto, basta wait ka lang dito ha?"

"Sure, paligo na din ha? Ok lang ba? Amoy alak pa ako eh"

"S-sige"
At umalis na ako. Habang naglalakad ako papunta sa munting palengke na malapit sa amin ay may nasalubong akong isang kakilala

"Oh Rika!"

"Oi El Nunal!"
Nagulat ako nang bigla na lamang niya akong sabunutan, at malakas ito at may halong gigil

"Tangiinaa moooo!!!! Isang oras ako nakatambay sa bahay nyoo!!!"
Ang natatawang sabi sa akin ni Rika, binitawan niya ang ulo ko, medyo naasar ako at nanakit ang aking ulo subalit may rason naman siya nang sabihin niya sa akin kung bakit niya ginawa yun

"Eh bakit ka ba naman kasi naghintay nang isang oras halos sa bahay ko?"

"Eh isasama nga kita eh, pakyu ka naman hinde ka dumating"

"Sorry, may inasikaso lang kasi ako"

"Weh! Nunal mo! Ano bang gagawin mo dito?"

"Mamimili malamang"

"Ay uu nga noh, ano naman bibilhin mo?"

"Iluluto ko, menudo, o kaya adobo"

"Ahh, penge aba akain sa inyo"

"May bisita ako tangek"

'Ano naman? GF mo noh?"
Hinde ako nakaimik

"GF mo?! Sandali… kayo pa din ni Kim?! Astiig! Kala ko flirt flirt lang kayo, aba, ayus ah"
Ang sabi ni Rika sabay batok sa akin

"Pag may natira dalhan na lang kita sa inyo"

"Sus!Wag na baka kulang pa yan sa inyo yun!"

"Pag may natira nga!"

"Sige, pagtirhan mo ko ha!"
Napangite ako, somehow, Rika reminds me of Eusha, napaisip tuloy ako, kumusta na kaya yung babae na yun. Sumama na sa akin si Rika sa pamimili at bigla akong tinanong ni Rika

"Edi… kilala mo na si Kimberly ngayon?"
Ngumite lang ako sa kanya, umiling lang siya at ngumite

"Alam mo, hinde na ako magugulat kung isang araw, mababalitaan na lang kitang iyakan"
Hinde ako kumikibo sa mga sinasabi niya, alam kong concern lang naman sa akin si Rika, pero somehow nainis ako, hinde sa kanya, dahil sa akin, dahil alam ko naman na walang patutunguhan ang pinapasok ko, pero, gusto kong magkaroon nang kasama that time, and Kimberly is the only person who is doing that, kaya naman kibit balikat na lang ako.

"Oi una na ako, may bibilhin pa ako eh"
Ang sabi niya sa akin

"Yung ulam ko ha?! Dalhan mo ko!"
Ang sabi niya bago umalis, napansin ko na bigla siyang napanngiwi habang tinitignan ako, bago tumalikod, hinde ko alam kung anong ibig sabihin noon, pero hinde ko na lang pinansin at tinapos ang aking pamimili. Paguwi ko nang bahay ay nakita kong nakalock ito

"Kim, nandito na ako, papasok"

"Sandali lang!!"
Ang sabi niya, mayamaya pa ay nakita ko siyang lumabas nang kwarto ko at nagulat ako dahil suot niya ang damit ko, pero tila ba wala siyang short na suot

"Bagay ba?"
Ang nakangiteng sabi niya sa akin

"Ang cute mo naman dyan, may shorts ka ba?"

"Wala, nakapanty lang ako"
Ang nakangising sabi niya sa akin sabay kuha nang mga pinamili ko

"Ano naman lulutuin mo?"
Ang tanong niya sa akin

"Adobo"

"Wow! Paborito ko yan, sige nga patikim nang adobo mo!"
Ang natutuwa niyang sabi sabi sa akin. I was happy to see her excited na ipagluto ko siya, i just ignored the fact na dapat hinde naman talaga ako dapat masaya, tulad nga nang sinabi niya, moment namin to. I find her sixy sa suot niyang damit ko, she was wearing my XL na polong gray na medyo malaki sa akin at hinde bagay kaya hinde ko masyadong sinusuot pero sa kanya, damn, it really look so hot, lalo pa habang nakalugay ang basa pa niyang buhok. Umupo siya sa may foam at nanuod nang TV, natuwa ako dahil nanunuod siya nang spongebob

"Nanunuod ka pala niyan?"
Ang bati ko sa kanya habang naghihiwa nang sibuyas

"Oo naman, paano si Casper, paborito tong palabas na to, nakakaaliw naman eh"

"Sabagay, kahit ako nanunuod niyan eh"
Napansin ko ang legs niya at ang bahagyang kita niyang panty na pink nahuli niya ako nakatingin at napangite

"Sus! Sponge bob ka pa ha! Eh hita ko pinapanuod mo!"
Natawa lang ako noon at pinagpatuloy ang paggagayat. Mayamaya pa ay nilabas ko na ang aking rice cooker

"Sandali, dyan ka magluluto?"

"Oo"

"Di nga? Diyan ka talaga magluluto?"

"Trust me"

"Ok, sige, ikaw ang chef eh"
Ang nakangiseng tanong tanong niya. Para siyang bata na nanunuod sa akin, nakaupo sa tabi ko habang nakaupo akong nagluluto

"Sure ka talaga? Di ba masisira yan? Di ba rice lang naman dapat ang niluluto sa rice cooker?"

"Ano ka ba, trust me on this, manuod ka na nga lang"

"Tapos na spongebob eh"

"Lipat mo sa 7, Detective Conan na ata"

"Ay, meron na ba ulet nun?"

"Oo naman, lipat mo"
At nang ilipat niya ito ay tahimik na siyang naupo sa sofa at nanuod nito, samantalang ako naman ay abala sa paghuhugas nang manok. Mayamaya pa ay sinimulan ko nang lutuin ito.