1. Home
  2. Stories
  3. Masaya - Part 14
xTorya

Masaya - Part 14

By el_nunal ·

"Bukas pa, ano ka ba? Oi alam mo ba ang balita?"

"Hinde? Anong meron?"

"Ay hinde mo pala alam, sa kanila mo na lang itanong"
Sinubukan kong hulaan iyon at natawa ako nang tumama ang hinula kong

"Tungkol kay Fae noh?"

"Ay! Alam!"
Ang natatawang sabi nito sa akin

"Oh, anong meron?"

"War sila ni Pauline ah, alam mo ba yun?"

"Ha?"

"Kasi may sinabi daw itong isa doon kay Mike, ewan ko doon sa mga yun kung ano, pero ewan ko ha, hinde ko na din feel yung isang yun eh"

"Bakit?"
Tinignan siya nang boypren niya at ngumite

"Hay naku, sa kanila mo na lang alamin, may nagagalit eh"

"Kasi naman, wag ka nang makisawsaw sa kanila, madamay ka pa diyan eh"
Hinde ko alam kung ano ba talaga ang nangyayare pero natatawa na lamang ako, hinde ko din alam kung bakit pero para bang seryoso na ata ang nangyayari sa kanila. Mayamaya pa ay dumating na si Pauline, at si Lyn, pinagmasdan ko si Pauline at nakita ko ang reaksyon niya nang makita niya na masayang nakikipagusap si JanJan kay Jeng, ang tila ba selos at yamot na may halong lungkot at asar, nang makita ako ni Pauline ay bigla niya akong niyakap, amoy alak siya, at lasing na

"El Nunal…"
At bigla siyang umiyak noon, pero hinde siya humahagulgol, napansin ko din si Lyn na halatang iritado nang mga sandaling iyon, medyo natetense ako sa mga nangyayare, hinde ko alam kung ano ang gagawin, isang bagay lamang ang natanong ko kay Lyn

"Nasaan si Nikko?"

"Naku, ayun pa ang isang problema, ewan ko ba… bahala muna sila may problema din ako, hay, ikaw meron ba?!"
Ang nakamangot na sabi ni Lyn, natawa lang ako, ate ni Pauline at boypren nito

"Oh, nasaan yung mataba na yun?"
Tanong ni Pauline sa ate niya

"Ewan ko, aalis daw muna siya at may bisita daw sa bahay nila"

"Ahh.. ganun ba? Lyn, tara, punta muna tayo doon"

"Sige, magbayad ka muna, ikaw na"

"Ay oo nga pala"
Ang sabi ni Lyn at kinuha nito ang pambayad kay Pauline, matapos ay nagulat ako nang bigla akong kagatin ni Pauline sa balikat, nang buong gigil, hinde na ako nakapalag pa at tinanggap na lamang ang makapanginig lamang kagat sa akin ni Pauline. Pagalis niya nang kagat sa akin ay nagulat ako nang bigla siyang batukan ng kanyang ate

"Eto! Para ka talagang sira hane?! Sinaway ka na ni Mama sa ganyang ugali eh! Ito namang isa tuwang tuwa pang kinakagat!"
Ang natatawang naasar na sabi nang ate ni Pauline

"Hinde naman ako natutuwa eh… ang sakit kaya, loka loka talagang babae ka"
Ang sabi ko sa kanya at tatawa tawa lang siya habang naluluha, mayamaya ay nagulat ako nang bigla siyang tumayo, pinagmasdan ko lang ang gagawin niya at nagulat ako nang lumapit siya sa table nila Joseph at nakipagkamay kay Jeng at agad naman siyang nilapitan ni Lyn at nilayo at umalis na sila. Nahagingan ko nang magkumento ang isa sa mga kasama ni Joseph na

"Imba talaga ex nito ah"
Narinig ko naman na humingi nang pasensya si JanJan sa mga kasama niya pati kay Jeng, nakita niya akong nakatingin at na nakangite at napapailing lang siya, halatang nabadtrip siya at natuwa naman ako nang makita ko na nilambing siya at nilibang nang tila soon to be girlfriend niyang si Jeng. Medyo naasar din ako sa pinakitang ugali ni Pauline, naainis din ako sa mga narinig kong iba pang komento nang ibang kaibigan ni Joseph, pero wala naman akong magawa kasi alam ko naman na si Pauline ang may kasalanan, naintindihan ko din naman kung bakit hinde maipagtanggol ni JanJan si Pauline at tanging

"Oi pasensya na kayo ha?"
Ang naririnig ko sa kanila. Mayamaya pa ay umalis na din ang kapatid ni Pauline kasama ang boyfriend nito, nagpaalam din ito kay JanJan, at naiwan akong magisa sa sulok, may iniwan naman silang alak kaya naman kahit papaano ay may pinagkakaabalahan din ako, nagyosi ako sandali at nagulat ako nang bigla akong kalabitin ni JanJan

"Lalaro games? Mamaya?"

"Sige sige"

"Nga pala, sabi ni Joseph, gusto mo daw ba magbantay bukas sa shop kung wala kang gagawin?"

"Ok lang"
Tumingin siya kay Joseph at nagthumbs up at tumango lang si Joseph

"Eh ayos lang ba dun sa kupal?"

"Wala naman gagawin yan dun, isa pa, kasama yan bukas ni Joseph"

"Eh ikaw, bat ayaw mo?"

"Gago kasama din ako sa kanila bukas eh"

"Ahh, saan ba kayo pupunta?"

"Mountain climbing yow! Sama ka ba?"

"Naku, kayo na lang, sige magbabantay na lang ako bukas"

"Doon ka na sa shop matulog ha?"

"Sige, sige"
Kumuha siya nang sigarilyo sa kaha nang yosing hawak ko at suminde sa akin

"Penget non ah"
Ang sabi ni JanJan, alam ko na kung sino ang sinasabi niya at napangite na lang ako

"Lasing eh, hayaan mo na"

"Saan daw pupunta yun?"

"Ewan ko dun, hinde naman sinabi sa akin eh"

"Sige, balik na ako"
At tahimik lamang ako na nagisip, nang mga sandaling iyon, hinde ko alam kung ano ba ang nangyayari sa mga kaibigan ko, iniisip ko din kung ano na kaya ang ginagawa ni Kimberly, gusto ko sana siyang itext pero, una, naalala ko nga pala na sinabi niyang wag akong magtetext sa kanya, pangalawa, wala naman akong load nang mga sandaling iyon. Habang nagiinom ako sa sulok ay may dumating na isang kustomer na suki na din sa aming tambyan, maingay ang bunganga nito, palibasa bakla pero hinde naman siya nakakairita, hinde naman kasi siya mukhang bastusing bakla, may kasama siyang isang babaeng maputi, bilugan ang mata, may kalakihan ang dibdib at medyo may kagandahan, hinde ko naman ito pinansin, tinignan ko lamang ang dalagang kasama niya, medyo cute kasi ito, kaya lang mukhang gangster ang porma, nakapink kasi ito at puting jacket, naka cap na pang gangster at nakapekpek short, at mukhang highschool lang ito, out of my league, isa pa, mukhang hinde naman ako papansinin nang isang yun kung nagkataon, mukha din kasing suplada, at sa hilatsa nang galaw niya, mukhang mga gwapings lang ang papansinin. Muli ko na lamang tinuon ang aking pansin sa pagiisip habang umiinom nang alak, bigla akong napatingin kay JanJan, at naingit ako sa kanya dahil napapalibutan siya nang mga kaibigan, samantalang ako, eto, magisa lang sa sulok, nagsisigarilyo at nagiinom magisa, naalala ko tuloy ang nakaraan, way back 2006, nung highschool pa kami, napakasimple lang nang mga iniisip naming problema, madalas kaming magkakasama, at madalas din magtawanan, ako lang ata noon sa barkada ang madalas mamroblema sa babae, madalas magisip nang ganito, pero nandyan agad sila para alalayan ako, I miss those days, hinde katulad ngayon, na may kanya kanya na kaming mga ginagawa, wala na din madalas sa tabi ang bestfriend kong si Mike, na madalas kong kaasaran at kasama sa laro, talagang tumatanda na kami, naisip ko bigla sa sarili ko, tumatanda ba ako, o edad ko lang ang tumatanda pero ang utak ko, nagstay na sa pagiisip bilang isang binatang edad 18 years old, hinde ko din naman yun masasabi dahil, naging responsable naman ko nitong nagdaang taon, pero mostly, sablay ako, hinde nga ako nakapagtapos nang kolehiyo dahil mas pinairal ko ang katamaran, naisip ko din, what am I doing with my life, ganito ba ako talaga kabigo? Hinde ko din magawa na magsikap, hinde ko ba alam, it's like matapos ang relasyon ko kay Charice, I became a useless potato coach, umasa na lang ako sa padala nang magulang ko, nang mama at ate ko, tumayo ako at nagtungo sa banyo, sa cr, muli kong naisip, masaya naman ako sa ginagawa ko, bakit ba ako nagiisip nang mga ganitong bagay, bata pa naman ako, isa pa, I'm just having a break, gusto ko lang magenjoy, pero nageenjoy nga ba ako? Hinde ko na din kasi masyadong ramdam ang mga kaibigan ko, nalayo kasi talaga ako sa kanila for a long time, o kaya naman, ako lang kaya ang nagiisip nang ganito, napansin ko kasi na tila ba, mga bata pa din ang kasama mo that time, mga barkada ko, hinde katulad nang mga kasama ko noon sa call center na lahat eh matatanda na, at matanda na din magisip, mga taong kahit papaano, hinde lang puro laro at lovelife ang napapagusapan, hinde na nga ako minsan makarelate sa usapan nila James at Mike pagdating sa laro, sa mga event na pinupuntahan nila, tumanda na ba ako, o nagkaroon na lang nang gap between me and my friends? Nalilito ako, hinde ko ba alam, I feel lost, pakiramdam ko, magisa lang ako, isang bagay na tila hinde ko na ata kayang makasanayan pa, nasanay na ako na may kasama, mag girlfriend, and that point, I realized, kaya ba pumapayag ako sa kalokohang relasyon namin ni Kimberly dahil takot akong magisa, takot akong walang kasama sa buhay, naalala ko tuloy bigla si Ton, hinde rin kasi siya sanay nang walang girlfriend, at nagulat ako dahil habang nagiisip ako, biglang may tumawag sa akin sa labas, ang may ari nang tambayan

"El Nunal, may naghahanap sa iyo"
Hinde ko alam kung sino ito, paglabas ko ay nagulat ako nang makita ko si Ton na nandoon

"Uy! Musta na?"
Ang bati niya sa akin

"Oi, tamang tama, magisa ako dito, samahan mo naman ako oh"

"Sige, nagiinom ka ba?"

"Oo, samahan mo nga ako, nakakalungkot doon eh"
Paglabas ko ay napansin kong wala na sila JanJan, marahil ay nagpunta na sila sa shop, lumipat kami ni Ton sa pwesto nila JanJan kanina at nagkamustahan kami ni Ton

"Nagulat ako sa balita pre ah?"
Ang sabi ni Ton habang umiinom nang alak

"Anong balita?"

"Si Nikko at Pauline na daw?"

"Ahh Oo, sino nagsabi?"

"Si Nikko, dumaan kanina sa bahay, nagpapasama eh may pasok ako kanina kaya hinde ko nasamahan"

"Ahh oo dumaan din sa bahay yun eh, sandali, ano bang number mo, akin na nga nang matext ka kapag may inuman"

"Hinde na naman ako sasama sa inyo pagnagiinuman eh, kahit tayo na lang nila Nikko ok na sa akin yun"

"Wag mong sabihin na may tampo ka din sa barkada?"

"Parang ganun na nga"
Natawa ako, hinde ko alam kung bakit pero naiinis ako, nawala lang ako noon at pagbalik ko ay may mga ganito nang nangyare sa barkada, nangyare na din kasi ito noon, may isa na din kaming kaibigan na nawala kasi nagkaroon nang alitan ang isa't isa, ata yaw ko na sana pang maulit iyon subalit may mga bagay tayong hinde natin kayang kontrolin o pigilan kahit na gusto pa natin.

"Oh, ano naman ang pinagmulan nang away nyo?"
Ang tanong ko sa kanya

"Simpleng chat lang kami ni Alvin nagsimula nang away, tapos ayun na"

"Ano? Yun lang nagaaway na kayo?"

"Ewan ko dun sa isang yun"
Ang natatawang sabi ni Ton

"Siya nga pala, kumusta naman kayo ni Krisa? Di mo ata kasama girlfriend mo?"

"Wala tol, break na kami"

"Aha! Kaya ka pala sumulpot ha?"
Ang natatawang sabi ko sa kanya, si Ton kasi ang isang halimbawa na kapag mag GF ay nakakalimot nang makipagbonding sa kabarkada. Hinde naman ako yamot sa ginagawa niya, inaasar ko lamang siya na nagtatampo ako dahil naalala niya lang ako kapag problemado siya, pero naintindihan ko naman si Ton, alam ko naman kasi ang pakiramdam na kasama ang taong mahal mo kesa sa mga kabarkada mo, lalo pa kung ang gagawin mo lang naman ay makipaginuman at laro nang computer games. Nagtratrabaho na din kasi si Ton kaya naman imbis na sa barkada niya ituon ang atensyon niya eh doon sa babae na niya ito ginagawa, isa madalas ko din naman kasing gawin yun noon sa kanila noong highshcool kami at ang panabla ko sa kanila eh
"Bakit, makakantot ko ba kayo?"

"Anong nangyare? Teka, wag mong sabihing tama nga yung hinala ko sa babaeng yun ano?"
Napangite lang sa akin si Ton at napapailing

"Dapat pala nakinig na ako sa iyo noon una, pero wala tol, mahal ko eh"

"Ok lang yan, madami pa naman dyang iba eh, isa pa, wag mong panghinayangan yung mga ganung babae"

"Sabagay, pero mahal ko pa din eh, nasasaktan lang ako"

"Ayus lang yan ano ka ba, gwapo gwapo eh, kung ako ngang ganito ang mukha nakakabingwit pa, ikaw pa kayang gwapo?"

"Sus, minamaliit mo sarili mo"

"Common Ton, wag na tayo maglokohan sipain kita diyan eh"
At nagkatawanan kami, pero bakas pa din sa mukha nang kaibigan ko ang kalungkutan, yan ang hirap kapag nainlove ka talaga sa isang player, isang bagay din na iniisip ko, dahil tila ba ganoon na din ata ang sitwasyon ko kay Kimberly, pero, hinde naman ako sigurado kung mahal ko na ba si Kimberly, o sadyang kantot lamang ang habol ko sa kanya, in the first place, hinde naman ako papayag sa pagpunta niya o kaya naman makipagrelasyon pa sa kanya kung ganoon lang din naman ang magiging sitwasyon ko, nakita ko kay Ton ang pait nang magkaroon nang malanding kasintahan, kaya naman isang kakaibang payo ang naibigay ko sa kanya

"Ton, nagkikita pa ba kayo?"

"Oo"

"Nagtetext pa kayo?"

"Oo, siya nga katext ko kanina eh"

"Ano ba sabi?"

"Sabi niya sa akin na mahal pa din naman daw niya ako"

"Gusto mo bang gumanti?"

"Ha?"

"Bakit kaya, ang gawin mo eh gawin mo na lang siyang friends with benifits, gusto ka naman niya hinde ba?"

"Oo, pero parang hinde ko kaya tol, gusto ko kasi siyang iharap sa altar eh"

"Ton, alam mo, mga babaeng ganyan, hinde sa altar hinaharap yan, sa kama lang, gusto mo habang buhay ka na lang maghihinala na sa tuwing aalis ka o aalis siya eh may iba siyang lalakeng pupuntahan"
Natahimik si Ton, mukhang naipasok ko sa kanya ang gusto kong sabihin, hinde ko alam kung tama ba o mali ang sinasabi ko sa kanya, marahil sa pananaw ko nang mga sandaling iyon ay oo, dahil, iyon ang ginagawa ko kay Kimberly.

"Wag ka na muna magseryoso, masasaktan ka lang, tignan mo ko, ilang beses na nasaktan dahil palaging seryoso sa ganyang bagay, darating din naman sa atin ang mga taong dapat nating seryosohin eh, wag ka nang masyadong magemote diyan, di bagay sa'yo, ang maganda niyan, kumuha ka pa nang alak at magshot pa tayo"

"Tado!"
Ang sabi niya at kumuha naman siya nang alak habang nakangite, kahit papaano ay umaliwalas ang mukha niya noon, mukhang gagawin niya ang sinasabi ko, medyo naasar din kasi sa Krisa na yun, mabait at tapat na tao si Toni, mapagmahal at hinde naman timer kahit na may kayang kaya niya dahil hinde naman lingid sa aking kaalaman na may mga babaeng nagkakandarapa sa kanya sa trabaho niya, pero hinde niya ito pinapatulan dahil nga kay Krisa. Matapos naming ubusin ang alak na kinuha niya ay nagpalaam na siya na uuwi

"Ton, yung sinabi ko sa iyo ha?"

"Opo master!"
Ang natatawang sabi niya at sumakay na nang jeep . Ako naman noon ay muling naiwan magisa sa Tambayan, napatingin ako sa orasan, magaalas dos na pala, nagpaalam na din ako noon sa may ari nang tambayan at nagsimulang maglakad patungo sa computer shop na tinatambayan ni JanJan. Nagulat ako nang makita ko itong sarado, hinde ko inasahan na maaga sila matatapos, pauwi na sana ako nang bigla kong masalubong si JanJan na umiinom nang softdrinks habang nagyoyosi

"Huy! Saan ka pupunta?"
Ang sabi niya niya sa akin sabay abot sa kain nang sigarilyo

"Uuwi na, sarado eh"

"Tae, bukas yan, ako ang tao diyan ngayon, samahan mo nga ako, ako lang magisa eh"

"Nasan sina Joseph?"

"Umuwi na at may pupuntahan daw siya nang maaga, kinukulit din ako a tawag ni Chelsy eh"
Natawa lang ako dahil bakas sa mukha niya ang pagkainis

"Ok lang yan, kaibigan eh"

"Sabi ko nga bat ako ang tinatawagan eh, hinde si Joseph, ayun hinde na tumawag"

"Ahh, nga pala, sino yung kasama ni Joseph, chicks ah"

"Ahh kanina? Si Gwen, nililigawan ni Joseph"

"Astig! Parehas kayo ah"

"Ganun talaga, tara pasok tayo sa loob"
Nagulat ako nang angatin lamang ni JanJan ang roll up, matapos ay sinusian ang pinto

"Loko mamaya pasukin kayo dito eh"

"Di yan, di naman mabubuksan to basta basta eh, sinusian ko nga di ba?"

"Sabagay"
Pinagbuksan ako nang isang PC ni JanJan

"Laro ba?"

"Ok lang"

"Sige laro ka muna, manunuod muna ako"
Natawa ako sa kanya, halatang nangaasar lang si JanJan, nagbukas ako nang kung anoanong website, mostly manga, then habang nagbabasa ako, naisipan kong tignan ang email ko, at nagulat ako dahil nakatangap na naman ako nang mensahe mula kay Charice

[email protected] Hi, kumusta ka na? How's life there in the Philippines? I still miss you, malikot na ang bata sa tiyan ko, nagpacheckup na din ako sa nirecomend nang kaibigan ni Mac, bakit mo naman pala ako binura sa FB mo? Ikaw naman, talagang asar ka na sa akin ano? I guess you even blocked me kasi hinde kita makita, El Nunal, sorry talaga for what I've done to you… Mahal pa din naman kita, hinde ka pa din mawala sa isip ko, two years from now, pag bumalik ako nang Pilipinas, sana magkausap tayo, this will be my last message sa iyo, medyo dinugo din kasi ako lately dahil sa stress, hinde ko naman masabi ang real reason, pero I guess, it's for the best, sorry talaga, sana mapatawad mo ako Hinde ako nakakibo sa aking nabasa, hinde ko alam kung bakit ba tila nalungkot ako sa sinabi ni Charice sa akin, napailing lamang ako, at napaisip, kung sa akin ba talaga yung bata, hinde ko talaga alam ang kasagutan sa tanong ko na iyon, hanggat hinde pa nilalabas o malaki ang bata, pero, nalungkot talaga ako, nawala ang urge ko para maglaro, nakatulala lang ako sa monitor nang computer, lumilipad ang isip, at muling dinapuan nang hangin nang pagiisa. Sinara ko ang aking email at naglogin noon sa facebook, wala din kahit isa ang nagmemensahe sa akin, pinagmasdan ko noon ang setting nang aking account at doon nakalagay ang nagiisang taong nakablock sa akin si Charice, at hinde ko alam kung bakit naisipan ko siyang iunblock matapos ay muling sinilayan ang kanyang litrato, nalungkot ako dahil nawala na ang mga litrato na magkasama kami at napalitan na nang mga litratong si Mac ang kasama. Para akong tanga na sinasaktan ang sarili habang pinagmamasdan ang mga larawan nila noong kinasal sila, iniisip ko, ano kaya ang nangyare kung naglivein kami ni Charice, ano kaya kung siya ang pinili ko over my sister, ganito kaya ako, masaya kaya kami, ikakasal din ba kami tulad nang nakikita ko sa larawan niya.

"Tol, wag na kasi tignan nang hinde masaktan"
Nagulat ako nang biglang magsalita si JanJan, hinde ko alam na nakatingin na pala siya sa likuran ko, at nakita na naman niya akong lumuluha, isang bagay na hinde ko napansin, umiling si JanJan at inaya ako maglaro subalit tumangi ako at pinili na lamang na mahiga at matulog. Naglatag na si JanJan nang mahihigaan namin at sabay kaming nakatulog. Isang malakas na kalabog nang roll up ang gumising sa aming dalawa ni JanJan, dahan dahan akong tumayo upang tignan kung sino ito, isa sa mga kaibigan ni Joseph

"Oi El Nunal, dito ka ba natulog?"

"Oo, kasama ko si JanJan"

"Ahh uy, ikaw muna magbantay sandali mga hapon nandito na ako, ok lang ba?"

"Ikaw na ba pinagbabantay?"

"Oo pero mamayang hapon na, ikaw na muna bahala free play ka muna, ayaw pa?"
Napangite lang ako noon, dahan dahan namang tumayo si JanJan at nagmura

"Tang ina moooo Buraaat!!! Bwisit ka!!! Ang sarap nang tulog ko eh!"

"Titi mo! Bumangon ka na gago! Kanina pa pabalik balik mama mo dito!"
Ang natatawang sabi ng kaibigan ni Joseph

"Hayaan mo sila!"

"Ay, ako muna pala tatao sandali, sabay na lang kayo ni JanJan dito bumalik? May ichecheck lang ako tapos ikaw na tumao"

"Tara"
Ang sabi ni JanJan at inaya ako na magtungo sa bahay nila. Sa unang pagkakataon ay makakarating din ako sa bahay nila JanJan. Hinde ko inakala na malapit lang pala ang bahay ni JanJan sa bahay nila Mike, halos ilang layo lamang nang pagitan nang bahay nila. Dahan dahan binubuksan ni JanJan ang gate, natatawa ako sa reaksyon nang mukha niya na tila ba parang isang batang ayaw magpahuli sa magulang. Natawa na lamang ako nang biglang bumukas ang pintuan nang bahay nila at makita siya nang kanyang Mama

"Hoy! Bat ngayon ka lang umuwi?!"
Ang nakangiseng sabi nang Mama ni JanJan, mukhang hinde naman ito galet at mukhang palabate, sa totoo lang, nadama ko ang kabaitan nito katulad nang nadama ko sa mama ni Pauline

"Oh, sino naman yang kasama mo?"
Ang nakangiteng sabi nito

""El Nunal po"

"Naku! Mukhang tambucho ka din ah!"

"Po?"
Ang natatawang tanong ko

"Mukhang nagyoyosi ka din, itong isang to, malakas manigarilyo eh"

"Mama mas malakas kaya sa akin yan!"
Ang nakangiseng sabi ni JanJan

"Mama may pagkain na ba?"

"Oo, kumain na kayong dalawa, yung kapatid mo nakita mo ba?"

"Hinde na naman ba umuwi?"

"Oo, ilang beses ko na tinatawagan eh"

"Kaltok sa akin yun mamaya paguwi, mukhang nandoon na naman sa boypren niya yun"

"Wala daw, pinuntahan ko na eh"

"Nandoon yun Ma, maniwala ka sa akin"
Ang sabi ni JanJan, nagulat naman ako dahil may kapatid palang babae si JanJan. Pagpasok namin sa bahay ay agad kaming pinaghain nang nanay ni JanJan, mukhang natutuwa pa ito at may bisita ang anak niya, at halatang spoiled sa nanay niya si JanJan, ngayon nagets ko na kung bakit halos kaugali niya si Pauline, dahil parehas silang spoiled nang kanilang mga nanay, nakadama ako nang inget sa kanila, ano kaya kung nandito kaya ang Mama ko, ano kayang mga bagay bagay ang nagyayare ngayon sa buhay ko kung kasama ko siya

"Huy! Tulala ka?!"
Ang sabi bigla ni JanJan

"Wag mo nang isipin yun, prinoproblema mo pa kasi eh"
Ang dugtong pa niya, natawa ako dahil akala siguro ni JanJan eh si Charice ang iniisip ko, pero nang mabangit niya iyon, bigla kong naalala ang paalam sa akin ni Charice, tahimik lamang kami na kumain noon, mayamaya pa ay dumating na din ang tatay ni JanJan, mukhang masungit ito, pero binati naman ako nito, matapos ay dumiretso na sa isang kwarto.

"Masungit ba Papa JanJan?"
Ang tanong ko sa kanya

"Medyo, lagi nga kaming lamog ni Maegan dyan eh noong bata pa kami, pero ngayon si Maegan na lang ang kawawa dyan sa Papa ko, pero wala, tigas mukha nung kapatid ko na yun eh, pagnakita ko yun, yari sa akin yun"
Natatawa ako dahil pagdating pala sa bahay ay kuyang kuya si JanJan. Matapos naming kumain ay nagpaalam muna ako sandali sa kanya na lalabas ako upang magsigarilyo, siya naman ay naligo na muna sandali. Nagtungo ako sa isang malapit na tindahan, mayamaya pa ay may isang babaeng biglag sumulpot noon at bumile din nang sigarilyo

"Ate may panindi po kayo?"
Ang tanong nito sa tindera, hinde ko naman ito pinapansin noon at nagsinde ako nang sigarilyo

"Kuya, pwede makisinde?"
Pagtingin ko sa kanya ay tila nagkagulatan kami at parehas kaming hinde makapaniwala

"Oi!"
Ang sabay naming bati sa isa;t isa

"Di ba ikaw yung singer doon sa pinasukan kong club dati?"

"Di ba ikaw yung dishwasher boy dun?!"
Inalis niya ang suot niyang shades at natawa ako dahil ang laki nang eyebag niya sa mata at nangingitim pa

"Mukhang puyat na puyat ah? Saan ba gig mo at mukhang napuyat ka? Tagasaan ka nga pala? Ano nga pala ulet pangalan mo?"

"Isa isa lang aba! Mahina kalaban, adik ka pa din hanggang ngayon, teka ano ba unahin ko sa tanong mo, si MaeMae nga pala, alam ko sinabi ko na sayo pangalan ko ah?"

"Eh nalimutan ko eh, sige nga ako anong pangalan ko?' Napangite lang siya at natawa

"Nalimutan ko na din eh!"
At nagkatawanan kaming dalawa

"Oh hinde mo pa sinasagot lahat nang tanong ko MaeMae"

"Teka, ano bang pangalan mo ulet?"

"El Nunal"

"Ahh… ok"

"Saan ka ba ulet nakatira?"

"Secret!"
Maya maya pa ay may dumating na isang lalaking nakamotor

"Oi MaeMae, tara na, oi brad!"
Ang bati sa akin nang isang lalaking puro tatoo ang katawan, hinde naman siya nakakatakot tignan, mukha ngang mabait ito, sumakay at bumakride si MaeMae dito

"Oi, una kami, kita kits na lang pag may time"
Ang sabi niya at umalis na siya lulan nang isang motor. Hinde niya nasabi kung saan siya nakatira pero sa tingin ko ay hinde siya sa malapit dahil kung dito lang siya ay bakit pa siya kailangang sunduin nang lalakena iyon pamotor, iniisip ko din kung sino kaya ang lalakeng yun, boyfriend niya siguro, or kaibigan, or pwede din naman kasama niya sa banda. Hinde man kagandahan si MaeMae ay bawing bawi naman siya sa ganda nang boses, she will serenade you sa oras na marinig mo ang boses niya, during that time kasi, I was broke with Jamaica and naalala ko ang babaeng yun sa kanya, dahil halos magkasing boses sila ni Jamaica na kumanta. Naisip ko din bigla kung kumusta na din kaya ang babae na yun at ang pinsan niyang si Janette, nakawala na kaya siya sa kinasadlakan niyang buhay, wala na din akong balita kay Lyka, kumusta na kaya ang mga yun. Habang nagiisip isip ako, biglang tumunog ang aking cellphone, tumatawag si Kimberly, sasagutin na sana ito subalit bigla kong naisip, ano kaya gagawin nito kapag hinde ko sinagot ang tawag niya, magagalit kaya ito, o wala lang sa kanya, kaya naman sinubukan kong wag muna ito sagutin. Naka anim na tawag siya noon bago siya huminto sa pagtawag, I feel a bit guilty pero may gusto lang kasi talaga ako subukan, hinde ko alam kung anong mangyayare, gusto ko lang malaman kung ano kaya ang magiging reaksyon niya o gagawin niya kung hinde ako magparamdam nang araw na iyon, pupunta kaya siya, o mananatili sa piling ni Reno, iniisip ko noon na maaring maasar siya at doon na lang siya kay Reno buong araw o maaring buong linggo pa, pero hinde din nawawala sa isip ko na maaring magpunta siya sa bahay, para akong batang nagpapansin sa kanya, pero nang mga sandaling iyon, mukhang nadiskubre ko s a aking sarili ako na isa akong
"Attention Whore", isang taong gusto nang pansin nang iba, hinde ko alam kung kelan ito nagsimula, pero hinde ko ba alam kung bakit ba naghahanap na ako nang atensyon nang iba, mula kay Kimberly, mula sa mga barkada ko, para bang, gusto ko ulit maging akin ang atensyon nila Marahil, dahil nga sa magisa na lamang ako kaya siguro ganun ako magisip. Mayamaya pa ay nakita ko na si JanJan patungo sa aking kinatatayuan at inabutan ko siya nang sigarilyo nang makarating na siya

"Oi, hintayin mo ako sa shop ha? Pasuk pasukan ulet ako"

"Uwi din muna ako"

"Gago! Di ba magbabantay ka nang shop ngayon?"

"Ay oo nga pala noh? Maliligo na lang muna ako tapos babalik din ako ha?"

"Sige sige, tae na mo babalik ka ha?"

"Oo nga!"

"Umuwi ka na nang makabalik ka kaagad"

"Sige sige"

"Oi babalik ka ha?"

"Oo naman Free Play eh!"
At sumakay na ako nang jeep pabalik nang bahay. Pagdating sa bahay ay laking gulat ko nang makita ko si Kimberly na nakatayo sa harapan nang bahay at tila may tinatawagan, mayamaya pa ay biglang tumunog ang cellphone ko at narinig ito ni Kimberly.

"Oi! Buti at umuwi ka na, bwisit ka naman bakit hinde mo sinasagot yung phone mo?/ Kanina pa ako tumatawag sa iyo ah? Nakakainis ka pa nga!"
Ang sabi niya sa akin sabay sabunot sa ulo ko nang pabiro, nagulat naman ako at di ko inasahan na nandoon siya sa aking bahay, maaga pa para sumulpot siya

"Teka, bat ka nandito?"

"Ayaw mo ata eh, sige alis na ako"
Agad kong hinawakan ang kanyang kamay nang akma na siyang aalis at humarap sa akin sabay ngite

"Kita mo to, pipigilan mo din pala ako eh"

"Ikaw naman kasi para kang toyo, tinatanong k o lang naman kung bakit ka nandito, hinde ka ba hahanapin ni—
" Bigla niyang tinakpan ang aking bibig at ngumite

"Wag mong babangitin ang pangalan na yan kapag magkasama tayo ok?"
Dahan dahan kong inalis ang malambot na kamay niya sa pagkakatakip sa aking bibig

"Sige, sige, pero… hinde ka ba niya hahanapin?"

"Hay nako, inaway ko, basta, wag na lang natin siya pagusapan, pwede bang pasayahin mo muna ako ngayon, walang stress walang away, ok lang ba yun?"

"Kasi ano eh… may pupuntahan ako… magbabantay ako nang computer shop nang kaibigan ko"

"Ano ba naman yan, ipagpapalit mo ba ako doon?"
Napangite ako at tumango sabay binatukan ako nito nang dala niyang purse bag.

"Ah ganoon?! Sige, aalis na talaga ako"
Pinagmasdan ko lang siya noon na maglakad at bigla siyang tumigil at tumingin sa akin

"Hinde mo talaga ako pipigilan?"
Natawa lang ako at binuksan na ang pinto nang bahay, nagulat ako nang makita ko siyang bumalik at pumasok na din sa loob nang bahay at binatukan ulit ako

"Adik ka talaga, ang sama hinde mo man lang ako pinigilan"
Natatawa lang ako at umupo muna sandali sa sofa, tumabi siya sa akin at humiga sa aking binti

"Aalis ka ba talaga?"
Ang nakangusong tanong niya sa akin

"Oo, magbabantay nga kasi ako nang computer shop, kagabi pa kasi ako pinakiusapan ang masama kasi niyan pumayag na ako"

"Hay… ganun ba? Wala na kasi ako matambayan eh"

"Sa inyo, umuwi ka muna, teka, bakit ka nga pala nandito? Wala ka bang pasok?"

"Wala akong pasok, tumawag ako sa office, ang sabi sa akin bukas daw ako pumasok, look"
Inabot niya sa akin ang kanyang phone at nakita ko ang isang mensahe na nagsasbi na bukas ang schedule niya for her first day of work.

"Ano, naniwala ka na?"
Ang nakangusong sabi nito sa akin

"Wala naman akong sinabing hinde ako naniniwala sa iyo hinde ba? Teka, yung kapatid mo tska si Mama mo nga pala nasaan?"

"Ayun nakina auntie ko malapit sa work niya, baka doon na din muna si Casper kasi nga di ba weekly lang naman ako makakauwi sa bahay dahil sa work ko"

"Edi walang tao lage sa bahay nyo?"

"Oo, kaya nga nakakaboring eh, dapat nga uuwi na ako doon kaso, ayun, naisip ko na dito na lang muna tumambay"

"Ano bang nangyare sa inyo nung seaman mo at –
" Nagulat ako nang bigla siyang bumangon sa pagkakahiga sa aking binte at sinunggaban ako nang halik, agad ko din naman itong sinabayn maya maya pa ay tumigil siya at natawa"

"Yuuck! Di ka pa nagsisipilyo noh?!"
Ang sabi niya sa akin sabay kuha nang double mint gum sa bag niya at biglang sinalpak sa bunganga ko

"Hinde pa nga"

"Yuuuuuuccck!!!!"
Ang nakangiseng sabi niya

"Eh ikaw bigla kang manghahalik eh!"

"Kaderder (kaderder – kadiri) ka! Di ka manlang nagsisipilyo paggising?"

"Hinde naman ako galing dito sa bahay eh, sa shop ako na babantayan ko natulog, ano ka ba?"
Habang naguusap kami ay biglang tumunog ang cellphone niya, may tumatawag sa kanya, nang tignan niya ito ay muli niyang binalik ito sa kanyang bag

"Oh, bat hinde mo sagutin?"
Ang tanong ko sa kanya

"Naku, wala akong panahon sa kanya, yun din ang sabi niya sa akin kagabi eh"
Hinde man nya sabihin kung sino iyon, kilala ko na ang binabanggit niya

"Sige na, sagutin mo na"

"Ihh! Hayaan mo siya, wag ka ngang magulo"

"Bahala ka, magagalit ako sayo kapag hinde mo sinagot yan"

"Ito parang sira, hayaan mo siya si Reno lang yan"

"Kim, sagutin mo na, doon mo na sagutin sa labas para hinde ko marinig kung ayaw mong iparinig sa akin"
Dahan dahan siyang tumayo at kinuha ang cellphone sa bag, tumingin siya sa akin bago siya lumabas nang bahay, hinde ko na siya sinundan pa bagkus ay nagsipilyo na lamang ako at naghilamos. Paglabas ko nang banyo ay nakita ko siya na nakatayo na sa pintuan at dala ang bag

"Ano… El nunall…"

"Uuwi ka muna? O pupunta ka sa kanya?"

"Sa kanya"
Nang sabihin niya ang salitang iyon, tila ba may kung anong kumabog sa aking dibdib, hinde ko alam kung bakit ba naramdaman ko iyon, pero kinubli ko lamang ito at ngumite sa kanya

"Sige, punta ka muna sa kanya, kasi aalis din naman ako eh"

"Kung ayaw mo akong umalis sabihin mo lang, magstay ako"
Lumapit ako kay Kimberly at dahan dahan kong hinimas ang kanyang mukha, matapos ay hinalikan ko ang kanyang malalambot na labi, siya din naman sagot niya sa aking paunang halik, ilang minuto din naming pinaglaro ang aming mga dila ilang sandali pa nilisan ko na ito

"El Nunal…"

"Sige na, umalis ka na, tawag or text ka na lang sa akin kung nasaan ka na ha?"

"Di mo ba ako pipigilan?"

"Kim, kung pinapapunta ka niya, pumunta ka na, sige na, ok lang ako"
Nagulat ako nang bigla niya akong halikan muli sa labi matapos ay tahimik na umalis. Hinde ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya nang mga sandaling iyon, ako naman ay parang tanga na matapos niyang umalis ay biglang naasar dahil umalis siya, sabagay, hinde naman kasi talaga ako dapat magdemand nang ganoon dahil ako yung sabit sa relasyon nila ni Reno. Muli akong nagtungo sa banyo at naligo. Matapos ay nagpunta na ako agad sa computer shop upang magbantay nang araw na iyon.

"Akala ko hinde ka na pupunta eh"
Ang sabi noon ni JanJan na inabutan kong nakaupo na noon sa server nang computer shop

"Sorry medyo may inasikaso lang"

"Ikaw na dito"
Binilang ni JanJan ang naiwang pera noon bago ako pinaupo

"Marunong ka na naman niyan hinde ba?"

"Oo naman"

"Sige, alis muna ako"

"Oi kupal saan ka pupunta?"

"Uuwi muna ako at may ipapagawa sa akin ang Papa ko, babalik ako dito"

"Siguraduhin mo ha? Malungkot maiwan dito"

"Taena mo! Ikaw malulungkot sa harap nang computer?! Sige na una na ako"
Natawa ako sa kanyang sinabi, palibasa alam niya din kasi na adik din ako sa pagcocomputer kaya naman hinde na nakakapagtaka na masasabi niya iyon subalit hinde niya alam na medyo nabuburyo na din talaga ako sa harap nang computer, o maaring hinde na kasi ito ang iniisip ko, yung dating ako na masaya na sa harapan lang nang computer, Sinubukan ko na libangin muna ang aking sarili, nanuod ako nang mga kung ano anong kalokohan sa youtue, at kahit papaano naman ay nakatulong ito dahil napapatawa ako, hanggang sa makita ko ang music video nang Masaya ni Bamboo. Pinakingan ko ito, hinde na pala ito bagong kanta, matagal na pala ito, naalala ko kasi noong highschool kami, madals itong patugtugin ni Alvin, ngayon lang siya sumikat dahil sa album na nilalabas ni Bamboo nang taon na iyon, mga collection nang mga kanta niya, napangite ako at napailing, talagang nahuhuli na ako sa balita, mas pokus ko na kasi noon ang buhay pagibig ko, buhay pagibig na hinde ko alam kung bakit ba laging ending eh sawi, o talo, pero laging sinisimulan nang masaya, talagang naangkop sa kanta ang buhay ko. Habang nagmumuni muni ako ay nagulat ako nang dumating bigla ang kapatid ni Joseph

"Nasaan si JanJan?"
Ang nakasimangot na tanong nito sa akin

"Umalis, umuwi sa kanila"

"Ako nga muna diyan"
At pinaalis niya ako sa aking kinauupuan, hinde naman ako nagreklamo o umangal sa kanya, una sa lahat, sa kapatid niya iyon, pangalawa, bwisit din ako sa mukha niya at gusto ko na umalis, nang umupo na siya ay nanatili muna ako sandali sa labas nang computer shop, habang nakaupo, may biglang kumalabit sa akin

"Huy!"
Nagulat ako nang makita ko si Pauline kasama ang kapatid niya

"Saan kayo galing?"
Ang tanong ko sa kanya habang nagpapagpag nang puwitan

"Nagparebond, si Nikko ba nakita mo?"

"Hinde eh, bakit?"

"Wala naman, hinde kasi nagtetext sa akin eh, hinde ko din makontak yung phone niya"

"Baka naman low bat lang, bakit anong meron?"

"Wala naman, gusto ko lang makita boyfriend ko bakit? Tumataba ka na talaga El Nunal ah"
Ang sabi niya sa akin, napangite lamang ako sa sinabi niya

"Anyway, punta ka mamaya sa bahay ha? Alam mo ba kung saan na nakatira ngayon si Fae?"

"Saan?"

;"Sa Tamabyan na"

"Ha?"

"Tinanggap siya nung may ari eh, hinde na kasi siya gusto ni Mama sa bahay eh"
Ang sabi niya sa akin, nagulat ako nang dugtungan din ito nang kanyang kapatid

"Oo nga, kinausap kami kagabi eh, anong oras na din kasi dumadating sa tuwing kasama si Mcoy, pasaway na pati, pati labahang damit niya kami pinaglalaba, nakakaasar"
Tahimik lamang ako na nakikinig sa kanila, hinde ko naman kasi alam ang nangyayare noon kaya naman hinde muna ako nagbibigay nang kumento, hinde ko kasi alam ang nangyayare.

"Di pa kasi umuwi sa kanila"

"Ano bang meron at nagaway kayo?"
Ang tanong ko sa kanya, hinde naman ako sinagot ni Pauline, hinde na lang ako nangulet noon at iniba ang usapan

"Eh teka, bat ka pala andito, di ba may pasok ka?"

"Bukas pa pasok ko, start na ako magwork bukas"