1. Home
  2. Stories
  3. Masaya - Part 16
xTorya

Masaya - Part 16

By el_nunal ·

"Ahitin mo kaya to… ang kapal na nang buhok oh"
Ngumite lang ako sa kanya noon, nagulat ako nang bigla na lamang niya itong halikan at natawa lang ako.
Mayamaya pa ay inabot na niya ang kumot at nagtalukbong katabi ko at kinuha ang isa kong braso at inunanan ito. Tinignan ko siya noon at kumukuha nang tiyempo upang tanungin ang isang bagay subalit hinde ko ba alam kung paano niya nabasa ang iniisip kong bagay na itatanong sa kanya, nagulat ako nang bigla na lamang niyang sabihin na

"Nagtataka ka kung bakit ako nagpaputok sa loob noh?"
Ngumite lang ako noon at tumango

"Wag kang magalala, hinde ako buntis doon sa isa at safe ako ngayon, at isa pa, sabi ni Reggie mas masarap nga daw kasi pag sa loob ka nilalabasan, sa mga boys I mean, kami naman kasing mga girls, nagcliclimax nang ilang beses depende sa performance nyong mga boys eh"

"Ahh… sure kang safe ka ha?"

"Oo naman, adik nito, tska isa pa, kung sakaling mabuntis naman ako, baka ipalaglag ko lang naman yun eh at –
"

"Bakit mo naman papalaglag?"

"Bakit papanagutan mo ba ako?"

"Kung sa akin yung bata bakit hinde?"

"Ulol! Mukha mo! Mamaya puro ka lang dada kapag nandyan na, baka hinde mo naman panindigan, wag kang magsalita nang mga bagay bagay na alam mong hinde ka naman sigurado kung kaya mong panindigan, ayaw kong maging single mom noh"
Natahimik ako sa kanyang sinabi, bakit ko nga ba nasabing handa ko panagutan iyon, handa na nga ba ako, handa na ba ako sa mga responsibilidad na yun. Nagulat ako na siya mismo ang nagsabi nito sa akin, hinde ko alam kung maiinis ba ako o matutuwa sa kanyang sinabi. Nagulat ako nang bigla na lamang niyang pisilin ang ilong ko

"Nakuu!! Wag ka nang magisip diyan! Ikaw para kang timang, dinidibdib mo na naman ang sinasabi ko, ano ka ba, wag ka ngang ganyan, don't over think things too much ok? Wala pa naman eh, at isa pa, malabo naman na mangyare yun, at isa pa, alam ko naman na hinde ka pa handa sa mga ganung bagay hinde ba?"

"Paano mo naman nasabi yun?"
Ang seryosong tanong ko sa kanya

"El Nunal, una sa lahat, wala kang trabaho, pangalawa, sa inaasta at ginagawa mo, halatang wala ka pa sa wisyo para magtaguyod nang isang pamilya at pangatlo, hinde pa din ako handa magasawa at magkaanak, kaya naman, kahit na mortal sin yung sinabi kong magpapalaglag ako, gagawin ko talaga yun, lalo pa't alam ko na wala naman din akong maibibigay na kinabukasang maganda pa sa iluluwal kong supling"

"Hinde ka ba natatakot sa Diyos?"

"Alam mo, mas nanaisin ko pa na magkaroon nang kasalanan sa Diyos dahil alam ko naman na mapapatawad niya ako kesa naman na, magaya ang anak ko sa mga batang lansangan, o mga batang lumaki na walang ama"

"Hinde mo ba kayang palakihin ang magiging anak mo?"

"Honestly, right now hinde, ayaw kong dumagdag sa problema namin sa pamilya, isa pa, hinde pa nga ako handa, at isa pa, hinde ako basta basta magpapabuntis nang hinde ko sigurado ang future ko at nang anak ko in the future, teka, bakit ba natin to pinaguusapan? Bakit? Gusto mo ba akong buntisin?"
Ang nakangiting tanong sa akin ni Kimberly Hinde ako nakasagot sa tinanong niya, ngumite lang siya matapos ay tumalikod

"Matulog na tayo, gisingin mo ako nang 9 mamaya ha? May pasok pa ako eh"
Muli siyang harap sandali at hinalikan ako sa labi bago tumalikod at umayos upang matulog na. Hinde ko alam kung ano ba ang nararamdaman kong bigat sa loob sa aking dibdib, ito ba ay ang katotohanang hinde ako isa sa mga nais ni Kimberly na maging ama nang dadalhin niyang supling sa hinaharap, o ang katotohanang, tama lahat nang sinabi niya tungkol sa akin na hinde pa ako handa sa mga responsibilidad na maari kong harapin kung sakali nga na mabuntis siya, isang bagay din na maaring iniisip noon n ang pamilya ni Charice, Dahan dahan kong inalis ang aking braso at pinalitan nang unan ang hinihigaan ni Kimberly na noon ay mahimbing nang natutulog, Dahan dahan akong tumayo at kinuha ang yosing noon ay n akapatong malapit sa may bintana nang aking bahay at nagsindi nang isang yosi, matapos ay tumingala ako sa kalangitan at natanaw ang buwan na noon ay nasa ibang direksyon na, magaals kwatro na pala nang umaga noon, but still, the moon shines bright, napangite ako noon at napasabi nang

"Salamat"
At matapos ay tinapon ko na ang upos nang aking sigarilyo at dahan dahang humiga sa tabi ni Kimberly at dahan dahan siyang niyakap.

"El Nunal… El Nunal"
Isang malambing na boses ang gumising sa akin, dahan dahan kong minulat ang aking mata at nakita ko nang nakabihis na si Kimberly noon at nakaupo sa tabi ko

"A-anong oras na ba?"

"Eight pa lang, alis na ako, pahinga ka pa''

"Ang aga mo naman, may pupuntahan ka ba?"
Hinde siya nakakkibo noon, alam ko na ang kasagutan sa aking tanong sa kanyang pagtahimik at ngumite na lamang

"Sige na, alis ka na, baka malate ka pa sa pakikipagkita mo"

"Ell… baka nag—
"

"Sige na po, alis ka na, ok lang ako"
Ang nakangiteng sabi ko sa kanya. Hinalikan niya ako sa pisnge noon bago siya lumabas nang bahay, mayamaya pa ay nagulat ako nang bumalik siya at muli akong hinalikan sa labi

"May pahabol pa talaga"
Ang natatawang sabi ko sa kanya

"Geh alis na ako"
Ang nakangiteng sabi niya sa akin at tuluyan na siyang lumisan nang bahay. Nakaramdam ako nang bigat sa aking dibdib, subalit pinilit ko itong labanan dahil alam ko naman mali itong aking ginagawa and still I'm continuing it kaya dapat magtiis ako at magdusa sa ano mang mga bagay na mangyayari at masasakit na bagay na aking mararamdaman. Pinilit ko na lamang muling matulog upang mawala ang bigat sa dibdib na aking nararamdaman, ngunit bago pa man ako makatulog ay may biglang pumasok nang pintuan nang aking bahay

"Huy! Gising!"
Ang wika niya sa akin sabay dagan sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?!"
Ang medyo iritado kong tanong sa kanya.

"Bumangon ka na diyan EL Nunal samahan mo ako"
Ang sabi ni Nikko sa akin sabay dagan sa akin

"Ganda nung chicks na nasalubong ko kanina ah, galing dito sa bahay mo, iba ka talagang hayop ka"
Ang natatawang sabi sa akin ni Nikko at natawa ako dahil sa pangalawang pagkakataon ay nahuli na naman niya kami ni Kimberly.

"Ikaw pa nga para kang kabuteng bigla na lang sumusulpot"
Ang natatawang sabi ko sa kanya habang inaalis siya sa pagkakadagan sa akin

"Ano ka ba ganoon talaga, tara samahan mo ako"

"Saan?"

"Magpapalit tayo nang cheke"

"Ha?"

"Magpapalit tayo nang cheke"

"Puking inang yan bat kailangan kasama pa ako sa pagpapapalit nang checke? Ano ako manager nang bangko?"

"Hinde, para lang masaya"

"King inang masaya yan, bat hinde na lang si Pauline ang isama mo o kaya kahit sino sa barkada?"

"Eh ikaw ang gusto ko isa pa nasa trabaho si Pauline ngayon eh"

"Ahh… ganoon ba"

"Nga pala, umalis na pala si Fae dito umuwi daw sa kanila"

"Oh? Nagkabati na ba sila ni Pauline bago umalis?"

"Ewan ko sa dalawang yun, nagagalit nga yung isa kasi daw bakit ko pa kinakausap eh"
Dahan dahan akong tumayo noon at bigla siyang sinuntok sa braso

"Bwisit ka, pagod ako eh!"
Ang natatawang sabi ko at natawa siya dahil mukhang nagets naman agad niya ang ibig kong sabihin nang nga mga sandaling iyon. Mayamaya pa ay naligo na ako at nagbihis at sinamahan si Nikko.

"Saan ba natin papalit yan?"
Ang tanong ko sa kanya habang nasa loob kami nang jeepney sa may bandang harapan katabi ang driver

"Sa may eastwest bank lang, malapit lang sa may Junction tapos, samahan mo na din ako pumunta sa isa kong kaibigan"

"Sinong kaibigan na naman yan?"

"Si Mile"

"Sinong Mile?"

"Yung sinasabi ko sa iyo na may crush sa akin?"

"Ha? Wala ka naman sinasabing may ganun ah? Ikaw ha?"
At natawa siya. Habang naguusap kami ni Nikko ay bigla namang tumunog ang cellphone ko, may tumatawag subalit walang number na nakalagay, tanging nakasulat lamang dito ay
"Private number"

"Oi may tumatawag ah, bat di mo kaya sagutin?"
Ang sabi sa akin ni Nikko habang nakatingin sa hawak kong cellphone, nang sinagot ko ito ay pinakinggan ko muna kung sino ito, at natuwa ako nang marinig ko ang boses na nasa kabilang linya

"Anak kumusta ka na?"
Ang tanong sa akin nang aking Mama.

"Ok naman po Mama, eto po may sinasamahan lang po na kaibigan mama, kayo po?"

"Eto anak ok lang naman, nandito ako sa city, magpapadala ako mamaya, hintayin mo na lang yung ctrl number hane?"

"Ok po mama, salamat po"

"May pera ka pa?"

"Wala na nga po eh"

"Ganoon ba, sige, antayin mo lang padala ni Mama ha? Oo nga pala anak, sinabi ko sa amo ko na kukunin kita, ok ba sa iyo yun?"
Hinde ako agad nakasagot noon sa aking mama, nagulat ako nang sabihin niya na balak pala niya akong kunin sa ibang bansa

"K-kayo po mama?"

"Ikaw nga tinatanong ko anak eh, kasi naghahanap sila nang tauhan dito, sa may opisina, eh sabi ko gusto ko na umuwi eh sabi nang amo ko, bakit? Ang sabi ko anak gusto na kasi kitang makasama diyan sa Pilipinas sabi ko kasi 21 years na kitang hinde nakikita"

"Ahh tapos po"

"Hinde ako pinayagan kasi daw baka hinde na ako bumalik alam mo naman na mahal na mahal si mama nang mga amo ko dito di ba?"

"Oo nga po eh"

"Kaya ang sabi sa akin, ikaw na lang daw ang kukunin, ano sa tingin mo anak?"

"S-sige po, ayos lang naman po"

"Sige anak sasabihin ko sa kanila yan, o siya, wala na lang load si Mama, ingat ka lage diyan ha? Bawas bawas nang yosi anak baka hinde ka makaalis dahil sa medical mo pagnagkaproblema"

"O-opo ma"

"Love you anak"

"Love you din po Mama kong maganda"
At binaba na nang aking mama ang tawag.

"Oh, pre, aalis ka nang bansa?"
Ang tanong sa akin ni Nikko noon

"Hinde ko alam, ewan, hinde pa ako handa na umalis"

"Eh bat di mo sinabi sa mama mo?"

"Eh hahaba lang usapan namin kapag kumontra pa ako isa pa , hinde ko din naman alam kung makukuha talaga ako o hinde eh"

"Naku pre kung ako sa iyo magabroad ka na lang, tignan mo nga ako oh, dami ko na pera at napundar hinde sa pagmamayabang ha?"

"Oo nga eh, sa totoo lang naiinget nga ako sa iyo eh, sana pala sumama na lang ako sa iyo na magseaman"

"Ikaw eh, sayang ka, sana sabay tayong namamangka sa karagatan"

"Ewan ko ba, ang laki kasi nang takot ko sa dagat eh"

"Eh tuturuan ka naman lumangoy eh"

"Ahh ewan basta, pero sayang talaga"
Mamaya pa ay nakarating na kami sa pupuntahan namin ni Nikko. Nagintay lamang ako noon sa labas at nagsigarilyo, at siya naman ay inasikaso ang gagawin niya sa loob nang bangko. Habang naghihintay ay napaisip ako sa mga sinabi sa akin nang aking Mama, aalis ako nang bansa, kakayanin ko ba? Paano ang mga kaibigan ko? Kakayanin ko kaya na magtrabaho sa ibang bansa tulad nang aking mama? Hinde kaya ako mahomesick?
Hinde kaya malungkot? Mga katanungan na tumatakbo sa akin isip. Mayamaya pa ay may tumawag sa akin, si
Kimberly, nagulat ako dahil dalawang oras pa lamang nang magkahiwalay kami ay tumawag na siya

"Hello? Kim?"

"El Nunal nasaan ka?"

"Nandito sa may Junction ata to, bakit?"

"Wala lang, namiss kita eh"

"Adik lang? Kanina lang tayo nagkahiwalay ah, nasaan ka ba?"

"On the way na sa work"

"Ahh… di ka ba malalate niyan? Sabagay, magaals onse pa lang naman, teka, bat ang aga mo ata?"

"Tinawagan ako eh, magsubmit daw ako nang medical ko at NBI sa office kasi kailangan na daw, nakakainis nga eh, pero ok na din para wala na din akong aasikasuhin sa susunod na araw"

"Ahh ganun ba"

"Ikaw bat ka naman napunta diyan?"

"Sinamahan ko lang yung barkada ko sa eastwest bank"

"Ahh.. bakit daw?"

"Ewan ko, checke ata or something like that"

"Ahh ganoon ba? Nga pala, pwede ka bang pumunta kina auntie mamya?"

"Sa mandaluyong ba?"

"Oo, ok lang ba?"

"Di ko lang alam, pero susubukan ko, ayaw kong mangako nang hinde ko kayang tuparin eh"

"Sige sige, text mo ako kung pupunta ka ha?"

"Bakit?"

"Wala kasi ako kasam doon eh, magpapatulong pati ako sa iyo sa pagaayos ok lang ba?"

"S-sige… pero hinde ba pupunta si.."

"Wag kang magalala, wala siya dito ngayon, umalis sila nagtagaytay daw sila kasama yung family at mga cousins niya, hinde na ako sumama kasi nga may work ako"

"G-ganun ba?"

"Oo, punta ka ha?"

"Subukan ko"

"S-sige.."
At binaba na ni Kimberly ang tawag, bakas sa boses niya ang lungkot noon habang kausap ko siya, hinde ko alam kung ano ba ang sanhi nang kalungkutan niya, ang di kasiguraduhan nang aking pagpunta sa bahay nang auntie niya sa Mandaluyong o ang di niya pagsama kay Reno sa Tagaytay. Hinde ko alam kung ano ang mararamdaman ko, naghalo halo na naman ang mga bagay bagay na iniisip ko

"Huy! Napakaseryoso mo diyan?"
Ang biglang tanong ni Nikko sa akin, hinde ko namalayan na nasa tabi ko na siya nang mga sandaling iyon

"Kanina ka pa ba diyan?"

"Oo, natatawa nga ako sa iyo eh, hinde mo ako napansin, wag mong isipin yun, mahal ka nun!"
Natawa lang ako at bigla kong kinuwento sa kanya ang tungkol sa amin ni Kimberly habang nagaabang kami nang sasakyan hanggang sa makasakay kami

"Hinde nga? Ang sakit noon ah?"

"Alam ko"

"Pero, pumayag ka na maging third party? Parang nung highschool lang ah?"
Natawa ako dahil alam nga din pala ni Nikko ang naging relasyon ko noon sa isang may asawa noong nasa highschool kami

"Pero mas matindi yan, diba di mo naman na aadig yun?"

"Isang beses lang"

"O isa lang, yan, ilan na?"

"Ewan ko lang"
At nagkatawanan kami

"Ikaw Nikko, kakayanin mo ba yun?"

"Ewan, pero ok din naman yang ginagawa mo, ang mahalaga naman naaadig mo di ba? Masaya ka naman, masaya din naman siya, ok na yun! Ang mahalaga lang naman eh masaya ka sa ginagawa mo eh"
Hinde ko alam kung mali ba o tama ang sinasabi sa akin ni Nikko dahil sa totoo lang, ngayon eh masaya na nga ako sa ginagawa ko, pero hinde ko alam kung hanggang kelan kami masaya

"At isa pa, di ba ikaw na din nagsabi sa akin noon, kapag ganyan ang tanging iisipin mo na lang, atleast we had six?"
Ang nakangiteng sabi sa akin ni Nikko

"Sinabi ko ba yun?"

"Oo, di ba yun ang sinasabi mo sa akin nung highschool tayo noong may naadig ka na TBS girl sa park?"

"Sabagay, kaya lang, hinde ko alam, parang naguiguilty ako na ewan"

"Wag kang maguilty, ginusto din naman nang babae yan eh di ba?"
Napatango lamang ako sa sinasabi ni Nikko sa akin, at nang mga sandaling iyon, bigla ko siyang tinanong nang isang bagay

"Ikaw ba, kakayanin mo yung ganun?"

"Hinde"
Ang natatawang sabi niya at natawa din ako sa kanya

"Ang tinde mo nga eh, kinakaya mo yang ganyan, sabagay, iba ka nga pala, sanay ka na eh"
Natawa lang ako sa sinabi ni Nikko

"Isa pa, enjoyin mo na lang yan, atleast may friends with benefit ka pa, ayaw mo noon?"

"Kaso parang mahal ko na ewan na yung Kimberly na yun eh"

"Ikaw nasa sa iyo naman yan kung mamahalin mo eh, basta ako, mahal ko si Pauline"
At nagkatawanan lang kami at nagsimulang ibahin ang usapan, mga plano niya sa buhay, mga balak niyang bilhin, mga pangarap niya para sa kanyang mama, kapatid at kay Pauline. Natawa ako dahil sinama na niya si
Pauline sa mga plano niya sa buhay

"So balak mo pakasalan si Pauline?"

"Oo naman, mahal ko naman yun eh"

"Weh? Mahal mo eh bat may katext kang iba?"

"Wala yun, sinasakyan ko lang yan"

"Sinasakyan mo? Nake!!"
At nagkatawanan ulit kami, medyo natahimik lang kami noon sa pagsasalita nang mapansin namin na pinagtitinginan na kami nang mga tao sa paligid.

"Ano pupuntahan mo ba?"
Ang tanong niya sa akin nang bumaba na kami sa may bayan.

"Pagnagtext sa akin o pagpinapunta ako"
Mayamaya pa nagtext sa akin si Kimberly at napangite ako dahil sabi niya sa akin

"Punta ka dito ha? Antayin kita mamaya"
Natawa ako nang mapansin kong nakangite sa akin si Nikko

"Alam na!"
Ang sabi ni Nikko sa akin

"Teka, sasamahan pa kita di ba?"

"Wag na, sige na puntahan mo na, nagtext na naman sa akin, bukas na lang daw kami magkita, uwi na lang muna ako tapos punta kina Pauline"

"Ahh.. sige sige, mamaya pa naman ako pupunta doon eh, samahan na muna kita sa inyo"

"Sige ba, tara, magmiryenda ka na din doon, nagluto si Mami nang pancit eh"

"Ganoon ba, sige, patikim nga nang luto nang ina mo!"

"Gagu!"
At nagkatawanan kami at sumakay na nang tricycle papunta sa kanila.

"Oh, ano, kumusta lakad?"
Ang sabi ng nanay ni Nikko nang dumating kami sa bahay nila.

"Ok na Mi, kumuha ako diyan ha?"

"Bakit na naman?"

"Mi, ako nang bahala sa kinuha ko"

"Sus! Uubusin mo na naman doon sa sawa na yun"
Napapangite lang ako dahil hinde ko alam kung sino ang sawang sinasabi ng nanay ni Nikko, tumingin ito sa akin at ngumite

"Ikaw, anong masasabi mo sa GF ni Nikko?"
Hinde ako nakakibo noon at tinignan ako ni Nikko at tila ba sinesenyasan niya ako na wag nang magsalita.

"Kaibigang putik mo nga pala yung babae na yun ano El Nunal"
Ang naiinis na sabi nito sa akin, medyo natatawang naiilang ako nang mga sandaling iyon. Binulungan ako ni
Nikko noon na lumabas na muna at ako naman ay agad na nagtungo sa labas at nagyosi. Mga trenta minutos din akong naghintay sa labas nang bahay ni Nikko bago ito lumabas at halata sa mukha nito ang pagkayamot

"Oh… nagtalo kayo?"

"Oo… ayaw kasi talaga ni Mami doon kay Pauline eh"

"Di mo naman kasi masisisi si Mami mo eh, kasi nga… alam mo namana yung record nang babae na yun sa may tambayan noong sila pa ni JanJan di ba?"

"Oo naman, kaya nga gusto ko na siyang baguhin eh, kaya nga tinutulungan ko siya eh, mahal ko kasi siya kaya handa ko siyang ipaglaban"
Nagulat ako sa mga binitawang salita ni Nikko, mukhang mahal na mahal niya talaga si Pauline. Mayamaya pa ay muli kaming sumakay nang tricycle at nagpasama siya papunta kina Pauline subalit bago pa kami makarating sa bahay ni Pauline ay humiwalay na ako sa kanya

"Saan ka pupunta?"

"Mandaluyong tol"

"Ahh sige, text text na lang salamat ha? Pasensya na nga pala kay Mami"

"Ok lang yun, ano ka ba, ganun talaga mga Mami"
At naghiwalay na kami nang landas na tatahakin. Maaga pa noon para magtungo sa Mandaluyong, magaalas tres pa lamang nang hapon noon, at mamay pang gabi ang tapos nang trabaho ni Kimberly, kaya naman nagiisip ako nang lugar na tatambayan, at naisipan ko na ubusin na lamang muna ang aking oras sa may computershop kung nasaan si JanJan. Habang naglalakad ako noon ay nagulat ako nang muli ko na naman makita ang babaeng singer na nakita ko noon sa pinagpart time man ko noon na bar, at ang sixy niya sa suot niyang dress na black and white ang design at nakasuot nang sandals

"Oi! Kuya! Ikaw na naman!"
Ang bati niya sa akin

"Oi! Ano nga pala ulet pangalan mo? Nalimutan ko na eh"

"Ay ang sama kinalimutan mo na agad kuya El Nunal?"

"Aba, kilala mo na ako ah?"

"Siyempre naalala na kita! Ikaw yung nagabot sa akin nang flowers noon sa stage kaya ka nga natangal sa work mo di ba?"
Ang natatawang sabi niya, at natawa ako dahil naalala ko na yun nga ang naging dahilan nang pagkatangal ko kasi nataon na mainit ang ulo nang manager nang club na iyon at sakto naman na nakita ako na gumagawa nang ganoong eksena kaya ako ang napaginitan at pinaalis sa trabaho

"Ikaw naman kasi loko loko ka, magbibigay ka na lang nang ganoon sa bulgar pa"

"Ganoon talaga para masaya"

"Ana nga pala"
At nakipagkamay siya sa akin. Ang lambot nang kamay ni Ana, halatang alaga sa lotion ito, at ang bango bango niya, halatang mamahalin ang pabangong ginagamit niya.

"Teka saan ka ba nakatira?"
Ang tanong ko sa kanya

"Secret kuya! Baka ligawan mo ako eh!"
Ang natatawang sabi niya sa akin

"Bakit hinde? Maganda ka naman, single ako?"
At natawa siya noon

"Hinde joke lang ikaw naman, siya nga pala, boyfriend mo ba yung lalaking nakita ko na sumundo sa iyo?"

"Hinde, barkada ko lang yun, kakabreak ko lang sa bf ko, so ayun single ulet ako"

"Ahh ganoon ba?"

"Oo, bakit manliligaw ka ba?"
Natawa lang ako sa sinabi niya, mayamaya pa ay biglang tumunog ang cellphone niya

"Oi, mauna na muna ako ha? May pupuntahan pa ako eh"

"Sige sige"
Ang sabi ko sa kanya at agad na siyang sumakay noon nang jeep patungong Antipolo. Mukhang may pupuntahan na naman siyang gig o kantahan, naalala ko kasi na nagbabanda nga pala siya. At pinagpatuloy ko na ang aking paglalakad patungo sa computer shop. Pagdating ko doon ay eksakto namang naghahanap sila noon nang maaring maging kakampi sa HoN at agad naman akong sumali sa kanila at nalibang naman ako, dahil puro panalo kami nang mga oras na iyon kasama si JanJan. Matapos ang laro ay nagyosi na muna kami sa labas at nagusap

"Kumusta ka na?"
Ang tanong ko kay JanJan

"Ok lang ako bakit?"
Ang nakangiteng sagot sa akin ni JanJan

"Di nga?"

"Adjaw parang timang to ah oh, ok lang ako bakit mukha bang hinde?"
Ang natatawang sagot niya sa akin

"Men nga pala, tignan mo oh"
May pinabasa sa aking text sa akin si JanJan mula sa katext niya na inaaya siyang magdate

"Oh, puntahan mo na ayaw pa?"

"Ihh!!! magHoHon na lang ako, di naman tataas PSR ko kapag sumama ako doon sa babae na yun eh!"
Natawa ako at napailing, mas pinili pa ni JanJa na maglaro kesa sa makipagdate

"Tara na"
Ang aya niya sa akin

"Last game na ako ha? Uuwi na ako pagkatapos"

"Adjaw, ito naman ah oh, saan ka pupunta?"

"Sa Mandaluyong"

"Ano gagawin mo doon? Aadig ka na naman?"
Natawa lang ako sa sinabi ni JanJan at ngumite

"Gago mabuntis mo sana yun para maging happy fathers day ka na"
Ang natatawang sabi ni JanJan sa akin at matapos ang huling sali ko sa laro nila ay umalis na ako at umuwi upang maligo at magbihis. Magaalas sais na nang gabi nang makauwi ako sa bahay noon at pansamantalang nagpahinga na muna. Habang nakaupo ako sa sofa ay tinignan ko ang call logs nang aking cellphone, at doon ay nakita ko ang numero ni Charice, iniisip ko kung tatawagan ko ba ang numerong iyon o hinde, mayroon kasing nagbubulong sa likod nang aking isip na tawagan ko siya, hinde ko alam kung mabuti o masamang bagay ba iyon na aking naiisip, pero sa totoo lang, gusto kong marinig muli ang boses ni Charice, bigla ko siyang namiss, muli na namang umihip sa akin ang hangin nang pagiisa, isang malalim na buntong hininga ang aking nagawa, sa tuwing magiisa talaga ako at maiiwan sa bahay ay talagang sinusumpong ako nang kalungkutan, nararamdaman ko na talagang magisa lamang ako dito sa Pilipinas, naalala ko tuloy ang alok sa akin nang aking ina, na mangibang bansa ako, na kukunin niya ako doon. Hinde ko alam kung bakit pero tila ba gusto ko nang umalis nang bansa, hinde ko alam kung bakit, marahil, miss ko na ang mama ko, maari din namang ayaw ko lamang maramdaman ang ganitong klase nang pangungulila, hinde ko alam, pero nang mga panahon na iyon, gusto ko na talagang umalis nang bansa. Tatayo na sana ako nang sofa nang biglang tumunog ang aking cellphone at nang sinagot ko ito ay natuwa ako nang lubos nang marinig ko ang boses na iyon

"Nasaan ka?"
Ang tanong nang boses sa kabilang linya.

"Mama?"

"Nasaan ka?"

"Nasa bahay lang po mama, nakaupo"

"Ahh ganoon ba? Kumusta naman ang school mo?"
Nagulat ako nang kamustahin ito nang aking Mama, sa pagkakaalam niya kasi ay nagaaral ako sa isang probadong paaralan sa Maynila

"O-ok naman po, medyo madaming ginagawang assignments po tska project"

"Ganoon ba? Ok na ba yung papadala kong 9k?"

"Ok na po yun mama"

"Yung pangtuition mo baka sa isang linggo ko na maipadala hane?"

"Ok po"