1. Home
  2. Stories
  3. Masaya - Part 17
xTorya

Masaya - Part 17

By el_nunal ·

"Sige na anak at madami pang gagawin si Mama, medyo napapagod na nga si Mama anak eh, sana maging ok na yung school mo, wag kang magpapabaya ha? Sana eh ayusin mo yang pagpasok mo sa school anak, hinde ko pinupulot ang pera dito, ha? Siya, text ko na lang sa iyo mamaya yung control number hane?'

"O-opo"

"Love you anak, pagbutihin mo pagaaral mo ha?"

"O-opo"
At binaba na niya ang tawag, hinde ko alam kung bakit ba nang mga sandaling iyon, bumigat nang husto ang aking pakiramdam, alam ko na mali ang ginagawa kong panloloko sa aking Mama, pero, hinde ko ba alam, dahil sa likod nang aking isip ay masaya ako, masaya ako na nagkakapera ako nang malaki nang walang ginagawa, subalit, nang araw na iyon, tila ba ang lakas nang katig nang guilt feeling sa akin, dahil sa unang pagkakataon ay nagreklamo sa akin nang ganoon ang aking
Mama, hinde ko ba alam kung tama ba na lokohin ko ang Mama ko na nagaaral ako, natawa ako bigla at napailing sa tanong na napakaobvious naman nang sagot, pero masaya ako sa ginagawa ko, masaya ako na kahit wala akong ginagawa, para akong matanda na pensyonado, subalit, alam ko na balang araw ay kakarmahin din ako sa aking ginagawa, sa panloloko ko sa aking Mama.
Napahinga ako nang malalim noon at dahan dahan nang bumangon mula sa aking pagkakahiga at naligo. Matapos ay sumakay na ako nang jeep patungong Mandaluyong. Habang nasa biyahe ako ay napansin ko ang station na pinapakinggan nang driver sa radyo, Love Radio at kasalukuyang nagsasalita ang isa sa paborito kong DJ na si Papa Jack, napatingin ako sa oras, magaalas nuwebe y medya na pala, hinde ko napansin ang oras, hinde ko din napansin kung anong oras ba ako umalis nang bahay, ang palatuntunan niyang iyon kasi ay umeere nang 9:00pm , sadyang lumilipad na naman ang isip ko. Nakinig ako sa isang caller na humihinge sa kanya nang payo, isa itong lalake na halos kaparehas ko nang sitwasyon, na siya din ay inlove sa isang babaeng may kasintahan, at mas gusto siyang makasama nang babae kesa sa tunay na kalaguyo nito, at medyo sinuntok ako sa mukha nang payo nang lalakeng ito

"Alam mo, ang mga taong may mahal na at iniwan nila para lang makasama ay siguradong gagawin din sa iyo ang parehas na bagay kapag nagsawa sa iyo yan at nakahanap nang bago, kaua kung ako sa iyo, tigilan mo na ang kalalokohan mo nayan sa tao na yan at siguradong ikaw lang ang masasaktan sa huli"
Napansin ko din ang ilang mga pasahero nang jeep na tila ba nakikinig sa payo ni Papa Jack nang mga sandaling iyon, hinde ko alam kung nakikinig sila dahil gusto nilang malaman ang dapat gawin, o tulad ko na tinatanamaan din sa mga sinasabi nang batikang DJ na ito. Napansin ko din ang tila ba magkasintahan na tila ba nagkakangitian at nagkakatinginan, iniisip ko tuloy, siguro, hinde din talaga sila tunay na magkasintahan, maaring isa sa kanila ay may kasinatahan talaga, o maaring parehas silang may ibang kasintahan. Mayamaya pa ay huminto ang jeep sa may bandang Rosario, may mga tao kasing baba sa lugar na iyon, at hinde ko ba alam kung bakit pati ako ay nakibaba na din sa mga taong bumaba sa jeep. Then, suddenly, I realized one thing, bakit kaya hinde ko puntahan ang isang tao na matagal ko na ding hinde nakikita, bakit hinde ko puntahan si Eusha. Hinde ko alam kung bakit ba parang kinakabahan ako na ewan nang mga sandaling iyon, natatawa pa ako dahil medyo pinagpapawisan pa ako, kaya naman inisip ko na lang na iabort muna ang aking plano at muli akong sumakay nang jeep patungong Mandaluyong. Ilang minuto pa ay nakarating na din ako sa babaan at sumakay nang tricycle papunta sa bahay ng auntie ni Kimberly kung saan siya nanunuluyan ngayon. Habang nasa tricycle ako ay nagulat ako nang bigla na lamang tumunog ang aking cellphone, tumatawag si Kimberly, subalit nang sasagutin ko na ito ay bigla na lamang itong naputol, hinde ko alam kung tumatawag ba siya o nagmimiscol lang, sinubukan kong magtext sa kanya subalit hinde ko alam kung bakit pero puro
"Message Sending Failed" ang nangyayare, hinde ko na tinangka pang ipadala ang mensahe ko sa ikalimang pagsubok dahil ilang minuto na lang naman ay makakarating na ako sa bahay ni Kimberly.

"Kuya dito na lang po"
Ang sabi ko sa driver nang tricycle at nagtungo na ako kina Kimberly. Malayo pa lamang ako ay natanaw ko na si Kimberly na nakatayo sa may harapan nang gate nang bahay nang auntie niya, tatawagin ko sana siya nang magulat ako nang may sumulpot na isang lalake mula sa loob nang bahay ng auntie niya at inakbayan siya, kinagulat ko pa nang makita ko na halikan siya nito sa noo at pisnge, ito marahil ang boyfriend niyang si Reno. Hinde ko alam kung bakit pero pakiramdam ko nang mga sandaling iyon ay para akong hinampas nang kung anong matigas na bagay sa aking dibdib, agad na akong tumalikod at agad nang naglakad palayo sa bahay nila Kimberly. Naasar ako dahil, hinde ko alam kung bakit ako nakakaramdam nang ganitong asar, ganitong sakit, kahit na alam ko naman na sa una pa lang eh alam ko na ang posisyon ko, ang lugar ko sa buhay ni
Kimberly. Muli akong sumakay nang tricycle at nagtungo sa na lamang sa Megamall upang magpalipas oras, nakaayos naman ako noon kaya naman hinde ako nailang na maggala gala sa loob nang mall. Pansamantala akong tumambay sa may Timezone at pinanuod ang mga naglalaro nang video game, at may napansin akong grupo nang mga taong may pinapanuod na dalawang tao, isang babae at isang bakla na naglalaro nang isang laro na nagpaalala bigla sa akin kay Amanda, lalo lang ako nabad trip noon kaya naman nagdesisyon na akong umalis at nagisip kung saan ako pupunta, kung tatambay pa ba ako sa Mega, o uuwi na lamang. Noong una ay naisipan ko nang umuwi, dahil magaalas diyes na din at pasarado na ang mall, iniisip ko na kung sasabay ako nang uwi sa mga tao ngayon, siguradong mahaba ang pila sa mga sakayan sa jeep at sa FX, mas maiinis lang ako, kaya naman nakaisip ako nang isang ideya, ang magtungo sa Eastwood at doon na lamang muna tumambay.
Muli ay sumakay ako nang jeep patungong Libis. Sa biyahe, muli akong nagmuni muni, at muling nagbalik sa akin ang imahe na nakita ko kanina, at tila ba nababadtrip lang ako lalo sa tuwing naalala ko ito, hinde ko ba alam kung bakit, hinde ko alam talaga kung nahulog na nga ba nang tuluyan ang loob ko sa babaeng yun, hinde kaya mahal ko na si Kimberly? O sadyang umiiral lang ang ugali ko na gahaman at gusto ko lang na sa akin si Kimberly? Hinde ko alam, naguguluhan talaga ako. Mayamaya pa ay nakatanggap ako kay Kimberly

"El Nunal nasaan ka? Bukas ka na lang pala pumunta dito? Ok Lang ba? Sensya na, medyo busy lang kasi ako, sige po last txt ko muna"
At tila ba nairita pa ako sa aking nabasa, hinde ko maiwasan na burahin ang mensahe niya at kasunod nito ay binura ko na ang numero niya. Matapos noon ay ibinaling ko na lamang muna ang tinigin ko sa labas nang jeep, pinagmasdan ang mga tao sa paligid, mga nadadaanang sasakyan, mga building na magaganda ang ilaw sa gabi. Makalipas ang halos trenta minutos ay nakarating na din ako sa overpass, sa tapat nang MiniStop sa may Libis kung saan ang babaan at sakayan nang mga pasahero. Namiss ko ang lugar na ito, sinubukan ko muna na alisin ang mga bagay bagay na gumgulo sa isip ko, pinatay ko din muna ang cellphone ko at naginat inat, it's been a while since nagpunta ako sa lugar na ito. Namiss ko ang glamorous na paligid, ang mga taong wala talagang sabit ang mga pormahan, mapababae, mapalalake ay magaganda at astig ang pormahan.
Pakiramdam ko ay first time ko ulet sa lugar na ito, natatawa ako dahil para na naman akong galing sa bundok na naaliw sa magandang paligid nang lugar na ito. Busog na busog ang mga mata ko sa kakatingin sa naglipanang mga chixs sa lugar. Nang mga sandaling iyon, tinignan ko ang laman nang aking wallet na dala dala, meron pa akong php 800.00, sapat na para makabili nang isang bucket na may kasamang pulutan, iniisip ko na lamang ay kung saan ako magiinom. Tinignan ko ang dating tinatambayan kong bar at nagulat ako nang makita ko ang isang dating kakilala

"Oi! El Nunal!"

"Kuya George!"
At inapiran niya ako noon at nagulat ako nang abutan niya ako nang alak

"On the house na yan! Musta ka na?"
Ang tanong niya sa akin. Nagulat ako nang makita ko na tila ba namayat at gumwapo si Kuya
George.

"A-ayos lang po, looking good kayo ah?"

"Ikaw naman eh mukhang hinde, problema? Babae?"
Napangite lang ako at natawa siya

"Inakopo! Wag mong proproblemahin ang mga babae dahil hinde ka mawawalan nang supply nang mga yan!"
Natawa lang ako sa sinabi ni Kuya George sa akin, pinaupo niya ako sa may bakanteng upuan habang nagseserve siya nang alak sa mga dumadating na cutsomer

"Nalipat ka dito?"

"Maiba lang ang view, kasawa na mga babae doon eh, nga pala, may balita ka ba doon kay Jammy?
Napangite lang ako at napailing

"Ahh… akala ko kayo nagkatuluyan eh, hinde na din kasi nagpaparamdam sa akin yung bruhilda na yun, kelan pa ba huling usap namin, last year pa ata"

"Last year? Bute ka pa, ako hinde na kinausap noon nang umalis siya eh"
Napansin niya siguro na medyo nalungkot ako at nagulat ako nang tapikin ako nito sa balikat

"Sus! Wag ka na malungkot diyan, ang dami daming chixs diyan oh"
Habang naguusap kami ni Kuya George ay may isang babaeng nakasuot nang itim na tube, skirt na itim at may dalang maliit na bag at nakasuot nang sosyaling sandals ang bigalng umorder nang alak sa kanya

"Kuya G, same order"

"Sure, ikaw pa!"
Ang sabi nito sa dalaga sabay kindat at kita ko na napangite ang dalaga, halatang nakikipagflirt ito kay Kuya George. Ako naman noon ay tahimik lamang na nakatingin sa kanya, pinagmamasdan ang makinis at maputi niyang kutis, nakakabusog sa mata ang kinis nang hita niya lalo pa ang mamula mula na nitong pisnge at magandang mukha na hinde masyadong balot nang kolorete, dahil ang tanging napansin ko lamang na makeup nito ay lipstick at eyeliner. Napansin ko din na di kalakihan ang dibdib nang dalagang ito pero hinde naman ito kapintasan dahil tila ba lahat nang laki eh napunta sa puwitan niya. Natatawa nga ako dahil yung ibang mga lalakeng na napapadaan ay napapatingin sa puwitan niya

"Psst!"
Ang sitsit sa akin ni Kuya George, napatingin ako sa kanya at natawa ako nang tinataas baba nito ang kilay niya. Hinde ko naman noon magets ang ginagawa niya at nagulat ako nang ngumuso siya sa babae at nakita ko ito na nakatingin sa akin

"Are you new here?"

"H-ha?"
Ang tanong ko sa kanya, nagulat kasi ako nang kausapin ako nang babaeng ito

"I said, if you're new here?"
Napansin ko sa kanya na tila ba natatawa siya sa reaksyon ko. Nagulat ako nang biglang sumingit si Kuya George

"Nga pala Leonor, El Nunal, kaibigan ko, mabait yan, single"
Ang nakangiteng sabi ni Kuya George at natawa ako bigla

"Oh I see… since friend ka ni Kuya G, friends na din tayo"
At inabot niya ang kamay niya at malugod ko naman itong hinawakan at nakipagshake nang hands sa kanya

"Oh eto na order nyo oh, El nunal tulungan mo naman magdala nang alak"
Ang sabi sa akin ni Kuya George

"Naku, wag na kuya"
Ang sabi sa akin ni Leonor

"Ok lang, samahan na kita, saan ka ba?"
Ang sabi ko sa kanya at ngumite na lang siya at naunang maglakad sa akin. Tahimik lamang akong sumusunod sa kanya hanggang sa wakas ay marating na namin ang inuupuan niya, kasama ang iba pang mga chicks na kasama niya.

"Salamat El Nunal"
Ang sabi niya sa akin at umupo na siya.

"Elly sino yan?"
Ang tanong nang isa sa mga kasama niya sa table

"Si El Nunal, friend ni Kuya G"

"Hi Kuya!"
Ang bati sa akin nang tatlong kasama ni Leonor. Napangite lang ako at parang batang kumaway sa kanila at agad na akong bumalik kay Kuya George

"Oh, bat nandito ka? Di ka sumama sa mga yun?"
Ang tanong ni Kuya George sa akin habang nagpupunas nang mga baso

"Eh nahihiya ako kuya, hinde ko naman kilala yung mga yun eh"

"Ano ka ba? Ang hina naman nito, ano ka ba? Kakausapin mo lang naman yung mga yun, konting bola tapos alam na"
Ang nakangiteng sabi sa akin ni Kuya George habang tataas taaas baba na naman ang kilay niya.
Natawa lang ako, at muling tinignan ang table kung saan nakaupo ang apat na kababaihan na iyon.

"Wag mong tignan, lapitan mo na, ikaw naman, wag mong sabihin nadale mo si Jammy noon sa pagiging ganyan mo lang?"
Ang natatawang sabi niya sa akin.

"Maiba nga tayo"
Ang sabi niya sa akin at kinalabit ako

"Nga pala may trabaho ka ba?"

"Wala naman bakit?"

"Gusto mo bang sumideline sideline sa bar na to?"

"Uhmm… depende… titignan ko muna… magkano namna sahod?"

"Siyempre di naman mataas, mga tres o kwatro, depende sa usapan niyo ni amo, babakupan kita, kailangan ko lang nang kasama kahit hanggang alas kwatro lang ok na yun. Simula ka nang alas onse o alas dose, wala ka naman gagawin kundi magserve lang tapos maghugas nang baso, ako na bahala sa timpla nang alak, need ko lang assistant, ano?"

"Hinde pa ako sure kuya, pero titignan ko ha?"

"Sige sige aasahan ko yan ha?"
Matapos ay muli niya akong inabutan nang alak

"Baka naman malugi ka niyan kuya?"

"Di yan, di naman akin to eh, isa pa , excess na bote yan kaya ok lang na bigyan kita, wala pa naman si Amo eh, mamaya pang alas dose dating nun"

"Ganun ba?"
Natawa din ako nang sumimpleng shot siya noon nang alak

"Bawal yan kuya ah"
Ang pabirong sabi ko sa kanya at natawa ako nang sabihin niyang

"Walang bawal bawal hanggat hinde nahuhuli, isa pa, masarap ang bawal noh!"
At natawa ako nang bigyan niya din ako nang shinot niyang alak

"Sige na, bilis, habang wala ang pulis, mamaya hinde na ako makakashot niyan eh"
At natawa lang ako dahil Chivas ang shinoshot niya noon, at binigyan niya ako nang isang shot nito, namiss ko din ang lasa nang alak na ito. Matapos ay nagkakwentuhan kami noon, sa mga chicks na nadale niya noon sa dati at doon sa pinapasukan niyang trabaho

"Naku, sabi ko sa iyo el Nunal, matuto ka lang mambola, naku, lalo na pagnalasing mo na yan at nakuha mo damdamin, kahit kangkangin mo yang mga yan, hinde na aangal yan"
Ang natatawang sabi niya sa akin

"Hinde naman ako bolero eh, gusto ko nga sana matuto, teach me nga master"

"Naku may bayad sa akin pagnagpapaturo"
Ang natatawang sabi niya sa akin.

"Kuya G!"
Ang singit muli ni Leonor noon habang naguusap kami

"Oh bakit Babe?"

"Tsk! Kuya naman eh! Babe ka diyan, paorder daw si Irish nang isang Chivas, eto yung credit card niya oh"
Ang sabi ni Leonor at inabot ang isang Visa card, at matapos na maiswipe ito ni Kuya George sa hawak niyang kung anong bagay na yun na madalas kong makita sa mall noon kung saan siniswipe ang card ay inabot niya ang nakabox pang alak sa akin at nagulat ako

"Oh, bakit sa akin? Bakit hinde sa waiter?"
Ang natatawang sabi ko kay Kuya George

"Binyagan mo nga yan Leonor!"
Ang natatawang sabi ni Kuya George at napatingin sa akin ang dalaga

"Virgin ka?"
Ang nakangiteng sabi nito sa akin, napatingin ako kay Kuya George at natawa ako nang sabihin niyang sabihin kong

"O-oo"
Ngumite ang dalaga na ito sa akin at hinawakan ang kamay ko at sinama ako patungo sa table nila.
Nagulat naman ako dahil wala siyang pakundangan na isinama ako na para bang matagal na kaming magkakilala.

"Oi Kuya!"
Ang bati sa akin nang tatlong kasama ni Leonor at nang makita nila na hawak nito ang kamay ko ay nagkatinginan silang tatlo at ngumite

"Anong ibig sabihin niyan?!"
Ang natatawang sabi nang isa sa kanila na may suot na salamin, she's cute at medo maputi din, nakasuot ito nang dress na blue at may malalaking hikaw na suot.

"Siya nga pala El Nunal, si Nikkie, si Erma at si Pinky, mga kaibigan ko"

"Hi Kuya!"
At isa isa ko silang kinamayan.

"Kuya upo ka"
Ang sabi ni Pinky sa akin at pinausog niya ang dalawa niyang katabi

"Hoy, dito ka nga umupo"
Ang nakangising sabi sa akin ni Leonor at hinila ako sa tabi niya

"Ikaw talaga, fisher ka!"
Ang sabi ni Pinky kay Leonor habang nakangite. Hinde ko alam kung bakit ba tila nakakaramdam ako nang awkward feeling nang mga sandaling iyon, hinde na siguro ako sanay talaga na makipagsocialite sa tao lalo na sa babae dahil matagal din akong hinde na naging entertaining sa mga tao, isang bagay na napansin ko noon sa aking sarili.
Bigla na lamang niyang ipinatong sa aking binti ang mga binti niya at inalis ang suot niyang high heels na sandals. Habang ginagawa niya iyon ay bahagyang nabubungo sa kanyang dibdib ang aking siko, hinde ko alam kung dahil kalasingan ba ay hinde niya ito napapansin o sadyang wala lang siyang pakielam, hinde naman kasi siya mukhang lasing nang mga sandaling iyon, ero mapungay na ang kaninang bilugang mata niya.

"Ayan… pwede bang pakihilot yung binti ko? Medyo nangingimi kasi eh"

(nangingimi = namamanhid)

"G-ganoon ba?"

"Oo, always yan, every time na hinde ako nakakatayo for a long period of time, lagi akong nagkakaganyan"
Dahan dahan kong hinilot ang kanyang binti, inapply ko noon ang konting kaalaman ko sa paghihilot at nagulat ako nang bigla niya akong kalabitin

"Wow ha, you're good, akala ko puro himas lang ang gagawin mo sa binti ko unlike the others eh"
Ang nakangiteng sabi niya sa akin. Lintak naman kasi, sino ba naman ang hinde matutukso na himasin lang ang napakakinis na binti nang babaeng ito, bukod sa maganda na siya, maputi at makinis din siya, halatang anak mayaman, pero sa aking pagoobserba, lalo pa sa narinig ko kanina, medyo may pagkabitch ang babaeng ito, pero hinde ko pa naman siya kilala nang lubusan, it's our first meeting, at hinde na naman bago sa akin ang mga ganitong eksena sa club, pero somehow, this woman managed to get my attention so i asked her

"May boyfriend ka na ba?"

"Boyfriend? Ano yun?"
Ang natatawang sabi niya sa akin, and based on her answer, siguro ay nabitter ito o nabroken hearted sa isang lalake, kaya siguro siya nagwawala nang ganito, at eto naman ako, umiral ang aking kakaibang ugali na magkaroon nang interes sa mga babaeng nabroken. I started talking to habang hinihilot ko siya

"So… how come naman na di mo alam ang boyfriend? NBSB ka ba?"

"Grabe ka naman NBSB agad? Hinde ba pwedeng ayaw lang muna makipagrelasyon matapos ang break up?"
Ang nakangising sabi nito sa akin sabay abot sa akin nang tagay. Kukunin ko na sana ito nang bigla niyang kunin ito

"Wait, ako na, ipagpatuloy mo lang yang paghihilot mo, ayaw ko nang nabibitin eh"
Ang sabi nita at siya na mismo ang nagpainom nito sa akin. Napangite lang ako pagkatapos at natawa siya

"Why? Wala pa bang nagseserve sa iyo nang ganun? Kaawa ka naman"
Ang natatawang sabi niya sa akin, hinde ko alam kung bakit pero somehow, natutuwa na ako sa kanya, parang biglang gumaan ang loob ko sa kanya at nawala yung medyo pagkailang ko sa kanya.

"Anyway, wag na lang natin pagusapan yun, mga walang kwentang bagay, hinde na dapat pinagtutuunan pa nang pansin"
Ang sabi niya matapos ay shumot din siya

"Saan nga pala pumunta mga friends mo? Bat ka nagpaiwan?"

"Well, may pupuntahan lang sila nung mga boylets nila"

"Eh… ikaw… bat ka nagpaiwan?"

"Alangan namang iwan kita matapos kitang arborin kay Kuya G, nakakahiya naman di ba? Isa pa, ang kaibigan ni Kuya G ay kaibigan ko na din, isa pa, hinde naman magrereto sa akin nang siraulo yang si Kuya G eh"

"Reto?"
Ang natatawa kong sabi sa kanya habang hinihilot naman ang talampakan niya

"Sheet, ang sarap ah, sige pa, yan"
Ang sabi niya nang pisa pisain ko ang talampakan niyang malambot at natatawa ako dahil nakakalibog ang pagkakasabi niya noon at maging ang ibang kalapit namin sa table ay napatingin na nakangiti, iniisip siguro nila na may milagro kaming ginagawa sa table namin

"Ay…"
Ang tila nahihiyang sabi niya at nagkatawanan kami

"Ang lakas pala nang pagkakasabi ko"
Ang dugtong pa niya habang tatawa tawa at nagsasalin nang alak

"Oo, tapos parang ano pa"

"Ano?"
Ang nakangising sabi niya sa akin at biglang ipinashot sa akin ang halos punong shot nang Chivas.

"Grabe ka naman, wag naman puno"
Ang sabi ko sa kanya na medyo nakamangot at bigla siyang tumawa

"Ang panget mong sumimangot"
At bigla niyang pinisil ang ilong ko.

"Ok na, salamat, so marunong ka palang manghilot ha?"
Ang sabi niya sa akin habang sinisenyas na iabot ko sa kanya ang sandals niya

"M-medyo lang… hinde naman ako manghihilot eh"
Ang sabi ko sa kanya habang inaabot sa kanya ang sandals niya.

"Well… atleast marunong ka, hay… medyo bored na ako dito, wanna go outside?"
Ang tanong niya sa akin

"Meron pang alak oh?"

"Naku, hayaan mo na yan jan, ay… oo nga pala pinapauwi ni Pinky yan… wait, hintayin mo ako dyan ha?"
At dahan dahan siyang tumayo, ngunit sa hinde inaasahan ay bigla siyang naoutbalance at natumba, sakto naman na napakapit siya sa aking harapan, kung saan bahagyang naninigas na si
Manoy at napangite siya nang makapa niya ito, hinde siya nagsalita subalit napailing siya at dahan dahan nang umayos sa pagkakatayo, samantalang ako naman ay hiyang hiya sa nangyare, pero napaisip ako, sa dami ba naman kasi nang pwedeng landingan nang kamay niya bakit sa may harapan ko pa, natatawa tuloy ako at napaisip na marahil ay sinadya niyang mangyari iyon.

"Hey, tara"
Ang aya niya sa akin at may isang waiter na may dalang plastic noon at nilagay sa box ang natitirang Chivas at nilagay sa loob nang supot.

"Pakisabi na lang kay Kuya G umalis na kami nang friend niya ha?"
Ang sabi ni Leonor sa waiter na pumunta doon

"Yes Mam"
At lumabas na kami noon sa bar at nagtungo muna sa may walk of fame at naglakad lakad

"Walang live band ngayon noh?"
Ang sabi ko sa kanya

"So, tambay ka din pala dito?"

"Naku, hinde naman, napunta lang ako dito noon"
Ang pagtatangi ko sa kanya at tatango tango lang siya

"So, tagasaan ka ba?"

"Rizal"

"Saan doon? Antipolo? Taytay? Morong?"

"Binangonan"

"Ahh… hinde pa ako nakakapunta doon, hanggang sa Morong lang ako pero di ba yun ata yung sa isang way sa may paletter V?"
Tumango lang ako noon. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako bigla

"Tara doon muna tayo"
At nagulat ako nang ayain niya akong umupo sa may harap nang fountain, napangite lamang ako noon, sa lahat ba naman kasi nang pwesto na gusto niyang puntahan at upuan ay doon pa sa isang lugar na mayroong malaking parte sa aking buhay.

"What's wrong? You seem to be upset?"
Ang biglang tanong niya sa akin

"W-wala, nahilo lang siguro ako"
Ang sabi ko sa kanya at natawa lang siya sa akin

"Sus hina mo naman, anyway, dito muna tayo, ok lang ba? Palamig lang muna tayo sandali, medyo naiinitan ako eh"
Umupo siya noon at kumuha nang tissue sa kanyang bag at nagsimulang magpunas nang pawis niya, samantalang ako naman noon ay umupo nang medyo malayo sa kanya nang konti at natahimik at napatingin sa fountain, at isang nakakainis na bagay ang nangyari sa akin, iyon ay ang nalungkot na naman dahil muli kong naalala ang nakaraan, ang masasayang bagay na alam ko ay mananatiling isang alaala na lamang sa harapan nang fountain na ito.

"Alam mo, hinde ko alam kung bakit panay pa din ang balik ko sa lugar na to kahit na alam kong nasasaktan ako"
Nagulat ako nang biglang magsalita si Leonor at natingin ako sa kanya

"B-bakit? Ano bang storya mo sa fountain na to?"

"Naku… wag na, baka maiyak lang ako, tska mahaba at boring, baka mainip ka lang pagkinuwento ko sa iyo"

"Ano ka ba, hinde ako maboboring noh? I'll listen"

"Ihh! Wag na, nakakahiya"

"Sige na, ikaw naman, ang daya mo, di ba ayaw mo nang nabibitin? So dapat wag mo ding gawin sa iba yun"
Ang nakangiteng sabi ko sa kanya at natawa siya

"Kaw ha, may pangbara ka na agad sa akin"
Ang sabi niya habang nagpupunas siya nang natitira pang pawis noon sa kanyang leeg. Kahit na gusto ko siyang pagmasdan habang nagpupunas nang tissue sa kanyang leeg which i really found sixy and a bit erotic eh binaling ko ang aking mata sa iba, mamaya kasi ay isipin niya na napakamanyakis ko naman, hinde ko naman itatangi na manyakis ako, pero hinde naman ako garapal pagdating sa ganoong bagay. Maya maya pa ay nagsimula na siyang magkwento

"Well, hinde naman ganoon kaganda ang kwento ko, actually, parang bitter sweet memory pa nga ang naiwan sa akin nang lugar na ito, first year college ako noong una akong gumala dito kasama yung mga kaibigan ko, sila Pinky, kanina"
Ang sabi niya sa akin habang nakatingin sa fountain

"Then, i met this guy, i won't mention his name na lang kasi hinde mo din naman siya kilala eh, pero baka sakali may kilala ka bang Roy ---?"
Umiling ako dahil wala pa akong nakikilalang Roy --- pero may kilala akong Roy na nakatira sa amin.

"Well, he's a waiter here, there sa may kalapit na bar na nilabasan natin"
At tinuro niya ang bar na iyon

"Well to make the story short, ayun, one night, natambay kami dito, sakto ata na break ni kumag, eh gwapo so ayun kinilig ako at kinuha number niya, tapos niligawan niya ako, sinagot ko naman siya and then ayun naging kami. Dito ko siya sinagot sa harap nang lintak na fountain na to, at dito ko din siya hiniwalayan, end of story"
Ang natatawang sabi niya sa akin at tumayo siya at naginat

"Ano ok ka lang?"
Ang sabi niya sa akin. Sasagot sana ako nang biglang may tumawag sa cellphone niya at agad niya naman itong sinagot

"Oh, nasaan ba kayo? Ahh… uhmm… sige… subukan ko, sige sige, tetext na lang ako, ok ok, wag mong sabihin agad ha? Magtetext na lang ako ok? Sige sige"
Pagkababa nang phone niya ay tumingin siya sa akn at ngumite

"Friend ko, tinatanong ako kung nasaan daw ako, pinapapunta ako sa birthday party niya"

"Oh.. bat hinde ka pumunta?"

"Paano ka? Inaya aya kita tapos iiwanan kita?"

"Ok lang, ano ka ba? Hinde naman tayo magshota or something di ba?"
Ang natatawang sabi ko sa kanya.

"Ahh so ayaw mo ako makasama?"
Natawa lang ako dahil hinde ko alam ang isasagot ko

"Well, anyway, nice meeting you na lang El Nunal… punta na lang ako doon, hinde mo naman ata ako gusto makasama eh"
Ang sabi niya sa akin at kinuha na ang bag niya. Ako naman noon ay hinde alam ang sasabihin o gagawin, nanatili lamang akong nakaupo at nakatingin sa kanya.

"Ano ba number mo?"
Ang biglang tanong niya sa akin. Kinuha ko ang cellphone ko at inabot ko sa kanya

"Pasave na lang nang number mo, tetext na lang kita ok lang?"
Ang sabi ko sa kanya at napangite siya at napailing, matapos ay inabot niya sa akin ang cellphone ko at nakita kong nakacall ito status ito at nagring ang phone niya.

"Ayan, may number mo na din ako, ayus ka din ha? Imbes na ikaw ang magbigay nang number ako pa nagbigay sa iyo"
Ang natatawang sabi niya at nilagay na niya ang phone na hawak niya noon sa loob nang bag niya.

"So… una ako ha? Salamat sa time"
Ang sabi niya sa akin. Ako naman noon ay dahan dahang tumayo at lumapit sa kanya

"Hatid na kita sa sakayan, uuwi na lang din ako"

"Oh, di ka na ba gagala?"

"Di na, anong oras na din eh"

"Anong oras na ba?"
Muli niyang kinuha ang cellphone niya sa kanyang bag at napangite siya

"Ay… mag two two na pala, ang bilis nang oras ah… hinde na pala ako makakapunta sa party na yun, may pasok pa ako bukas eh"

"Nagwowork ka?"

"Hinde, nagaaral pa ako, sa FEU, umuwi lang ako sandali sa bahay ni Papa eh kumuha nang pera at damit, saan ka ba sasakay?"

"Uhmm Parosaryo, tapos sasakay na ako nang Pabinangonan"

"Ahh… ganoon ba, magtataxi kasi ako eh, papasama sana ako sa iyo, ok lang ba?"

"Saan?"

"Pauwi na din, anong oras na pala, akala ko naman kasi around twelve pa lang going one, ok lang ba? Tatakot kasi ako umuwi magisa nang ganitong time eh, naholdap na kasi ako dati sa taxi magisa"

"Ganon ba? Sige… saan ka ba?"

"Sa may Pasay pa ako eh"

"Layo ah"

"Ano ok lang?"

"S-sige"

"Bigyan na lang kita nang pamasahe pabalik if you want"

"S-sure"

"Tara"
At naglakad na kami noon patungo sa may sakayan at sumakay nang taxi.

"May magaganda bang tamabayan sa Binangonan?"
Ang tanong niya sa akin habang nakasakay kami sa taxi at nagaayos siya nang buhok.

"Wala nga eh, hinde katulad sa Morong na may malaking simbahan, tapos may mga pwede kang galaan, meron doon, yung plaza pero hinde naman ganoon kaadvisable na tumambay doon, hinde pa kasi maayos at madaming mga tambay at madaming trippers"

"Ahh… wala bang mga mall doon? Or Bar?"

"Meron, beer house"

"Ay, panget!"
Ang sabi niya noon

"Probinysa pa kasi siya pero yung sa Angono ayun, ok yun, tsaka sa may Taytay, may SM na doon eh, kaso hinde pa ako nakakapunta"

"Ahh… oo nga sabi nga nang kaibigan ko meron na daw SM doon, malaki ba?"

"Hinde naman masyado, sakto lang"

"Paano mo nalaman na sakto lang kung hinde ka pa nakakapunta doon?"

"May mga kaibigan naman akong magpupunta doon noh? Siyempre itatanong ko adik ka din eh noh?' At natawa siya sa pagkakasabi ko sa kanya noon, maging ako ay natawa dahil nabigla ako nang sabihan ko siya nang ganoon

"Saan nga pala kayo nagkakilala ni Kuya G? Eh taga Cubao yung kumag na yun ah?"