1. Home
  2. Stories
  3. Masaya - Part 18
xTorya

Masaya - Part 18

By el_nunal ·

"Wow, di nga? So you mean… ang sakit noon ha?"
Ang sabi niya sa akin habang nakangite.

"Kung ako ikaw, naku, baka sinumpa ko yung babae na yun, grabe naman siya"

"Well, hinde ko naman siya masisisi eh, isa pa, ganoon naman talaga di ba? Kapag mahal mo ang tao, kahit na winalanghiya at sinaktan ka na noon, still, mahal mo pa din, hinde naman ako nagalit sa kanya, kasi kahit papaano naging masaya naman ako noong kami pa eh"

"Hinde ka nabitter sa kanya?"

"Hinde naman, pero gusto ko pa din siyang makita at makausap, hinde ko kasi binasa yung sulat na pinapabiigay niya sa akin eh"

"Ahh… matanong nga kay Kuya G yang Jamaica?"

"Jammy ang tawag niya sa babae na yun"

"Ahh… ok ok, sige, next week siguro, tambay ulet ako diyan, punta ka ha?"

"Susubukan ko, wala naman kasi talaga akong balak na tumambay diyan eh, talagang, no choice lang ako"

"Ahhh bakit? Anong meron?"

"Ang daya mo ha? Ang dami ko na atang naikwekwento sa iyo eh?"

"Ok lang yun, ano ka ba? Natutuwa nga ako sa iyo eh, ang daldal mo, ang dami mong kwento"
Natawa lang ako sa sinabi niya at kinuwento ko ang bahagyang pangyayari sa akin sa pagitan namin ni Kimberly.

"Ahh… so In short, kabit ka?"
At natawa lang ako

"Parang ganoon na nga"

"Ahh… eh di kupal ka"

"Ha?"

"Wala, sabi ko kupal ka, akala ko naman virgin ka"

"Sino bang nagsabing virgin ako?"

"Ikaw kaya?!"
Ang natatawang sabi niya sa akin at sinabunutan ako at natawa lang ako

"Ako ba? Sinabi ko ba yun?"

"Ewan, hmp!"
Ang sabi niya sa akin, di ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay nainis siya nang saihin ko iyon.
Mayamaya pa ay pumara na kami sa isang kanto.

"Dito na lang ako, sige ha salamat"
Ang sabi niya sa akin at tila ba asar na umalis na umalis, hinde ko alam kung bakit pero bigla ko siyang hinabol at hinawakan ang kamay

"Miss.."
Tumigil siya sa paglalakad at tumingin sa akin

"Oh bakit?"

"Y-yung.. alak mo oh, naiwan mo"
Ang sabi ko at nagulat ako nang bigla siyang natawa

"Kakaiba ka talaga, akin na nga yan, sumama ka na nga"

"Saan?"

"Di ba sabi mo ihahatid mo ako?"
Ang sabi niya at napangite na lamang ako at sinamahan siyang maglakad

"Baka gusto mong ikaw na magdala nito?"
Ang sabi niya sa akin at inabot ang plastik na may lamang alak.

"So di ka talaga virgin?"
Ang sabi niya sa akin at umiling ako

"Loko talaga tong si Kuya G"

"Bakit ano bang meron sa pagkavirgin ko?"
Ang natatawa kong tanong sa kanya at natawa lang din siya

"Wala! Baka naman pati yung mga kinuwento mo sa akin kwentong barbers ha?"

"Hinde ah, gusto mo bigay ko pa sa iyo yung number nung kinuwento ko sa iyo kanina lang?"

"Ano naman gagawin ko sa number niya?"
Ang natatawang sabi nito sa akin. Natawa din ako dahil parang napakaawkward ata nang mga sinabi ko noon sa kanya. So sinubukan kong baguhin ang mood nang mga sandaling iyon, and I asked her

"Ano nga pala course mo sa FEU?"

"Business management"

"Bakit naman yun ang natripan mong course?"

"Well, yun kasi ang gusto ni Papa, para daw in the near future, ako daw ang magmamanage nang business na itatayo niya"

"Ahh… so may business ba ang papa mo ngayon?"

"Wala pa, but he's planning pa nga lang di ba?"

"Ay oo nga pala, nagwowork ba siya now?"

"Oo, sa customs"

"Ha? Customs?"

"Sa NAIA sa airport"

"Ahh… ok… ano ba yun?"

"Sila yung mga nagchecheck nang mga umaalis paibang bansa something like that, tapos taga check din nang laguage kung over na ba sa maximum weight"

"Tapo pag over?"

"Edi papabawasan nila"

"Then?"

"Tapos na"

"Hinde na isasauli yun?"

"Ewan ko, hinde naman ako nagwowork doon eh, sira ka din eh, noh?"
At nagkatawanan kami

"O siya, dito na ako"
Namangha ako sa gandaa nang bahay ni Leonor, halatang may kaya ang pamilya niya.

"Salamat ha? Text text na lang?"
Ang sabi niya sa akin

"S-sige… salamat din"

"Uhm.. sandali, diyan ka muna"
At pumasok siya nang bahay, mayamaya pa ay muli siyang lumabas at inabutan ako nang isang daan

"Ayan oh, pamasahe mo, salamat ha?"
At pumasok na siya nang bahay, ako naman ay naglakad na pabalik sa may sakayan. Habang naglalakad ako ay chineck ko ang aking cellphone at medyo nalungkot ako dahil wala manlang nakakaalala sa aking na magtext, iniisip ko na siguro, ay may mga tumatawag kanina pero dahil sa nakapatay ang aking phone ay di na sila tumawag, kung sabagay, ang inaasahang tawag ko lang naman noon ay kay Kimberly, sa aking Mama at maari, kung sakasakali ay muling tatawag sa akin si Charice. Mayamaya pa ay nagulat na lamang ako nang may matanggap akong isang mensahe sa aking cellphone at napangite ako sa aking nabasa.

"Anak ito yung ctrl number --- bale 9,890.25 next week na yung pangtution mo hane? Tipidin mo yan anak, sige enjoy ka diyan"
Isang text mula sa aking ina, may pera na naman ako bukas, nagiisip na ako kung saan ako gagala o ano kaya ang gagawin ko, pero ibabawas ko na sa ipapadala ni Mama ang mga bayarin ko sa bahay, tubig at kuryente. Iniisip ko na din ang mga taong nautangan ko noon, kung sino sino, at sa aking kalkulasyon ay may matitira pa sa aking php 6,890.25, sapat na para tustusan na naman ang mga layaw at luho ko sa buhay, di pa kasama ang susunod na padala na malamang ay papalo sa

10k o 12k. Napangite lang ako noon at nagiisip na kung ano na ang mga gagawin ko kinabukasan.
Mayamaya pa ay may isa pang kasunod na text itong dumating at nagulat ako nang makita kong si
Leonor ang nagtext sa akin

"Asan ka na Mr. Virgin Coconut Oil? Hahaha : )"
Natawa lang ako sa nabasa ko at nagreply ako sa kanya

"Pasakay pa lang po Miss L"

"Miss L? Ahahaha ang panget naman iba pumasok sa isip ko ah"
Ang reply niya sa akin at natawa ako dahil di ko naman sadyang iyon ang ibansag sa kanya, sa bagay, pag sinabihan ka kasi n ang isang tao na ma – L ka eh alam na agad ang gusto mong ipahiwatig

"Sorry, ang panget nga nang pagkakasabi ko ahahaha Miss Leonor ayan binuo ko na"

" Ahahaha salamat sa paghatid ha?"

"Ok lang po"

"Saan ka na niyan uwi ka na talaga?"

"Oo, baka, siguro ewan"

"Ha? Hahahaha ano bang klaseng sagot yan?"

"Wala lang, hinde ko kasi alam ang gagawin ko eh"

"Naku ako din minsan ganyan eh, minsan, sa sobrang bored ko, wala akong magawa, kundi gumala na lang"

"Nabobored ka pa eh studyante ka pa, masaya nga yang buhay studyante eh"

"Naku, gusto ko na nga magtrabaho eh"

"Ahahahaha ganoon? Baka next time na magusap tayo, sabihin mo naman, gusto mo namang magaral ulet, ako sa totoo lang gusto ko magaral"

"Bat hinde ka magaral?"

"Tinatamad pa ako eh'

"Eh magwork? Tinatamad ka din?"

"Oo eh"

"Anong ginagawa mo ngayon? Kain tulog inom?"

"Parang ganoon na nga"

"Ay ang saya naman nang buhay mo, sana ako din ganyan, kain tulog lang, ganyan din ako dati eh, noong nagstop ako sa pagaaral"

"Bakit ka naman nagstop?"

"Wala lang, trip ko lang"

"Ay ganun? Ilan ba kayong magkakapatid?"

"Dalawa, Kuya ko at ako, kaso ako lang magisa ngayon dito sa bahay kasi si kuya nasa Cebu ngayon for business daw"

"Bakit may daw"

"Eh yun ang sinabi niya eh, work daw"

"May asawa na si kuya mo?"

"Oo"

"Kasama mo sa bahay?"

"Hinde, ako nga lang dito di ba? May sarili silang bahay sa may Cubao, doon ko nakilala si Kuya G"

"Bakit naman kuya G ang tawag mo kay Kuya George?"

"Kasi dati yun ang sabi niya sa amin nila Pinky, kaya hanggang ngaun, Kuya G ang tawag ko sa kanya hihihi"

"Type mo si Kuya George noh?!"

"Hinde ah! Bakit mo naman nasabi yun?"

"Wala lang, para kasing flirty ang ginagawa mo sa kanya kanina, no offense ha? Nagsasabi lang po nang totoo"

"Well… siguro ganoon lang talaga ako makipagkaibigan, ano ka ba, hinde naman porket flirty or masyadong friendly na ang pakikitungo nang babae sa isang lalake eh malandi na o type na agad yung guy, di ba pwedeng ganoon lang talaga makisama?"

"Sabagay"

"Ano ba first impression mo sa akin? Yung totoo?"
Napangite ako nang mga sandaling iyon, hinde ko alam kung sasagutin ko ba siya or hinde. Pumara na muna ako nang sasakyan noon bago magreply sa kanya

"Malande na pakawala na bitch XD"
At hinde ko alam kung naoffend ba siya sa sinabi ko dahil matapos kong isend yun sa kanya ay hinde na siya nagreply sa akin. Gusto ko sana huminge nang sorry nang mga sandaling iyon subalit biglang nalobat ang cellphone ko. Napakamot na lamang ako sa ulo at napangite sa kawalan, mukhang mali ako nang jakol nang mga sandalling iyon (mali nang jakol = mali nang galaw/kilos/sinabi/ginawa). Mayamaya pa ay nakarating na muli ako sa may Crossing at nagtungo na sa may sakayan nang jeep, at habang naglalakad ako, iniisip ko kung, pupuntahan ko pa ba si
Kimberly, o hinde na, iniisip ko kasi ano anong oras na din at baka magkagulo pa kapag inabutan ko doon ang lalaking nakita kong kasama niya kanina sa bahay nang auntie niya. Pinilit ko na lamang alisin sa isip ko ang nakita ko kanina subalit muli ay naalala ko na naman ito at naiinis ako dahil nabadtrip na naman ako, yung kaninang asar ko ay bumalik na naman, tang inang utak talaga to, tang inang puso to, di malaman kasi kung ano ang gusto, natatawa ako at napapailing na lamang habang naglalakad, di ko ba alam kung bakit ba binadtrip ko lang ang aking sarili. Hinde ko ba alam kung bakit ba ako may ganoong ugali, yung tipong hinde naman dapat na iniisip eh iisipin pa at ang ending eh masisira lang ang mood, hinde pa naman ako noon nahihilo sa nainom kong alak, hinde pa din malaki ang nababawas sa pera ako, actually ay nadagdagan pa nga dahil sa inabot sa akin kanina ni Leonor, kaya naman naisipan ko na munang maghanap nang maaring inuman, naalala ko na may mga bukas na inuman sa may harap nang Starmall, at hinde naman ako nagkamali, meron akong nakitang inuman, ang masaya pa nito, may kalapit na Mcdo ito, at natawa lang din ako dahil may kalapit itong callcenter company, at naalala ko na sa ibaba nito, meron ding callcenter, isa ito sa mga kumpanya na nagbagsak sa akin noong ininterview ako. Nakaramdam ako nang kakaibang ingit sa mga taong nakikita kong nandoon, karamihan kasi nang nandoon ay mga agent, para bang deep inside, namiss kong maging callcenter agent, namiss ko yung ganoong socialism sa mga kasama sa trabaho, at yung idea na may trabaho ka.

"Sir, order po kayo?"
Isang waitress ang lumapit sa akin

"Ah.. ano… magkano ba isang bucket?"

"Meron pong 220 meron pong 250, yung 220 po, may kasama na po siyang isang pulutan na sisig, yung 250 naman po isang sisig at isa pang pulutan of your choice"

"Sige, yung 220 lang muna kukunin ko"

"Ok po"
Ilang sandali pa ay dumating na ang inorder kong isang bucket nang san mig light, kasunod ang sisig at isang baso na may lamang yelo. Dahan dahan akong nagsalin nang alak sa basong may yelo at naglabas ako nang sigarilyo at nagsinde, at sa bawat hits ko ay sinisundan ko ito nang inum nang alak. I'm just sitting there alone, pinagmamasdan ang masasayang usapan nang mga tao sa paligid ko, napapansin ko din ang mga lover in Paris na magkahawak kamay, meron pa nga akong nakitang nagcross arms pa para uminom nang alak, at nagpalakpakan ang mga barkada o kasama nila sa trabaho, hinde ko alam kung ano nilang dalawa yung mga yun, basta ang alam ko, naiinget ako sa kanila. Hinde ko namalayan na naubos ko na ang isang bucket noon, at magaals kwatro y medya na nang umaga, medyo nahihilo ako noon, napasama pa ang paginom ko. Matapos kong magbayad ay dahan dahan akong naglakad, at umupo sandali sa may isang hagdan malapit sa may
MRT station, nahihilo talaga ako nang mga sandaling iyon, at gusto kong sumuka subalit pilit kong pinipigilan ito.

"El Nunal?"
Isang boses ang narinig ko mula sa gilid ko, at pagtingin ko ay nagulat ako at hinde ko inasahan na makikita si Stella nang mga sandaling iyon

"Ikaw nga! Oy! Nanyare sayo? Bat lasing ka?"
Napapangite lang ako noon, at pilit talagang pinipigilan na masuka

"Ok ka lang ba?"
Ang tanong niya sa akin, hinawakan niya ang mukha ko at hinde ko na noon napigilan pa na mailabas ang gustong lumabas sa aking sikmura, mabute na lang ay konti lang ito subalit magkaganun man ay may masama pa ding nangyare, hinde ko sadyang nailabas ito sa may paahan ni Stella at natalsikan ang suot niyang slacks na pantalon

"Ay Sheet!!"
Ang sabi niya at napaatras siya sa akin.

"El Nunal naman eh! Bat mo ko sinukahan?!!!"
Ang sabi niya sa akin, at kasunod noon ay hinampas niya ako nang dala niyang bag, at nasaktan ako sa ginawa niya dahil may kabigatan ang dala niyang shoulder bag.

"S-sorry Stella… hinde ko sadya"

"Che! Walangya ka! Ginawa mo pa akong lababo!"
Umupo siya sa may gilid at kumuha nang tissue sa bag niya at pinunasan ang mangilan ngilang tilamsik sa suot niya.

"Saan ka nga pala galing Stella?"
Ang tanong ko sa kanya.

"Sa work, pauwi na nga ako eh, buti na lang naku kung papasok pa lang ako at nasukahan mo ko sasapakin talaga kita"
Ang natatawang sabi niya

"Ano ba yan, ang weak mo naman, aayain pa naman sana kita uminom sa bahay ngayon, kaso weak ka na pala, kanina ka pa ba umiinom?"
Tumango lang ako noon, nahihiya ako dahil naging mahina ako sa pagiinom sa harap nang isang tangera. Pero mas nahiya ako dahil nasukahan ko pa siya

"Saan ka na ba papunta?"

"Uuwi na sana"

"Nako, wag ka na muna umuwi, samahan mo na lang ako sa bahay, at doon ka na lang muna magpahinga, adik ka, mamaya mapaaway ka pa sa jeep kapag may nasukahan ka"

"Grabe ka naman, nabusog lang naman siguro ako"

"Uluul! Ako pa lolokohin mong lalake ka, sige na sumama ka na sa akin at matagal na din kitang hinahunting eh"
Pumara siya nang taxi at hinila ako papasok

"Ang baho mo! Amoy alak ka"
Ang sabi ni Stella sa akin habang natatawa at inisiprayan ako nang dala niyang pabango

"Mam saan po tayo?"
Ang tanong nang taxi driver

"Sa may Lopez Rizal po, malapit sa may Binding Supplies po alam nyo po ba yun?"
Ang tanong ni Stella sa taxi driver

"Opo mam"
At matapos ay umandar na ang sinasakyan naming taxi.

"Doon ka na pala nakatira, malayo layo yun dito ah?"

"Hinde naman, isa pa, hinde naman ako dito nagwowork sa Manda eh, nadaan lang ako sandali kina
TamTam"

" Di ka ba nakatira sa kanila?"

"Hinde ah?! Nakikitulog lang ako pero hinde ako doon nakatira, si Jules at Eusha lang ang magkasama sa bahay nang mama ni Jules"

"May ka live in ka na?"

"Wala ah! Sira!"
At natawa siya

"Eh BF meron?"

"Wala din! Wala ako balak, sakit lang sa ulo yang mga bf bf na yan, hoy! Ikaw nga pala bakit hinde ka na napupunta doon kina TamTam?"

"M-medyo busy na ako eh"

"Medyo busy… kakainom? Ganoon?"
At bigla akong sinuntok ni Stella

"Aray… di ka pa din nagbabago, nanakit ka pa din"

"Ikaw naman nanaba ka na, at bat nangingitim ka ata?"
Ang bati sa akin ni Stella

"Yan ba yung busy? Busy kakagala noh?"
At natawa lang ako

"Nagdradrama kaya sa amin si TamTam last week, hinde ka na daw nagpaparamdam sa kanya"

"Bakit naman daw?"

"Ewan ko, namimiss ka na daw niya, tapos namimiss ka na daw niya talaga, tapos, namimiss na namimiss ka na niya talaga"

"Nagiinom kayo noon ano?"

"Oo"
At natawa ako bigla Eusha nang maitext manlang, nawala na kasi yung number niya sa akin nawala yung cp ko eh"

"Weh?"

"Nanakaw kasi ang cellphone ko eh"

"Oh, eto oh"
At inabot niya sa akin ang cellphone niya at kinuha ko ang number ni Eusha

"May boyfriend na ba yun?"

"Meron"

"Ahh… edi hinde ko na itetext, mamaya makagulo lang ako"

"Ang gwapo mo ha?"
Ang natatawang sabi ni Stella at bigla akong piningot sa ilong.

"Biro lang, baka maoffend ka, pero, seryoso, nanaba ka na ha? Kaw ba may GF?"

"Wala"

"Wehhh?!"

"Wala nga"

"Ganun ba? Swear?"

"Swear"

"Cross your heart?"

"Hope you die!"
Ang sabi ko at nagkatawanan kami

"Anong hope you die gagu!"
Natuwa ako dahil hinde pa din nagbabago si Stella kahit na hinde na kami noon nagkikita at hinde pa din kumukupas ang ganda niya. Napansin ko na pormal na pormal ang itsura niya at bagay naman ito sa kanya, at di ko naiwasang tanungin siya

"Saan ka nagwowork?"

"Sa may Vista Land"

"Anong work mo doon?"

"Real state consultant, at agent na din"

"Ahh… yung sa lupa?"

"Yup"

"Eh teka… bat ngayon ka lang uuwi sa inyo?"

"Eh nagpaparty kasi si Boss, may naapprobahan kasi na contrata na kami ang magaasikaso so ayun malaking kita sa kumpanya, then, nagpunta nga ako kina TamTam at Jules tapos doon kita nakita"

"Ahh… nandoon ba si Eusha sa kanila?"

"Wala siya, umuwi siya sa Aklan kasi next week magwowork na siya sa may BDO ata yun, di ako sure eh, basta alam ko sa may banko eh"

"Ahh.. ganoon ba? Saan naman?"

"Sa may Marikina ata, basta banda doon"

"Malayo?"

"Medyo… eh ikukuha naman si TamTam nang bahay nung BF niya eh, yung Sir Glen ata yun?"

"Ahh… so sila din pala nagkatuluyan noh?"

"Ewan ko, hinde ko naman kilala yung lalake na yun, nakakainis nga makatingin sa akin eh, akala mo nanghuhubad, hinde ko kaya kinikibo yun"

"Ano ka ba, baka naman tamang hinala ka lang"

"Sus, hinde din, iba talaga siya makatingin, kaya nga sa tuwing umiinom kami ni TamTam at Jules at dumadating yung asungot na yun, eh nagpapasimpleng paalam na ako sa kanila, si Jules naman ayun, iniiwanan din yung dalawa"

"Edi…"

"Edi ano?"
Ang nakangiteng tanong ni Stella sa akin

"Nagkakangkangan sila? Malamang?! Magshota na eh, part na yun adik ka ba?"
Ang sabi ni Stella

"D-di nga?"

"Ay… bakit affected ka? Kasalanan mo yan di mo shinota si TamTam eh"
Ang natatawang sabi ni Stella sa akin

"Hinde naman sa ganun… kaya lang… nagulat lang ako… parang nagbago naman ata si Eusha"

"Alam mo, lahat nang nasasaktan na babae, gumaganda talaga yan nang sobra at nagbabago, look oh"
Pinakita sa akin ni Stella ang litrato ni Eusha wearing black turtle neck at nagulat ako nang makita ko na nagpakulay na siya nang light brown sa buhok at mukhang masaya nga si Eusha sa itsura niya sa litratong iyon.

"Ang ganda na nga ni Eusha no?"

"Mam nandito na po tayo, saan po ba kayo banda pa?"
Ang biglang singit nang driver habang naguusap kami ni Stella

"Ah manong diretso pa po tayo nang konte tapos po sa may unang kanto doon na po"
Ang sabi ni Stella sa driver at nagayos na nang gamit. Mayamaya pa ay nakarating na kami sa tinutuluyan niyang bahay.

"Oh bat ngayon ka lang umuwi Stella?"
Ang tanong nang isang matandang babae na nagwawalis malapit sa bahay na tinitirhan niya.

"Nagpaparty po kasi si Boss eh, wala po ba nagpunta dito kagabi?"

"May lalake nagiwan dito nang rosas at cake oh"
Ang sabi nang babae at inabot kay Stella ang mga ito

"Naku salamat po ha?"
Ang sabi ni Stella at binuksan ang nakalock na gate.

"Ikaw lang magisa dito?"
Ang tanong ko sa kanya

"Oo"
Ang sabi niya sa akin

"Sandali ha? Bihis lang ako"
Ang sabi niya at agad na pumasok sa loob nang kwarto. Ako naman ay nanatiling nakaupo sa may sofa. Pinagmasdan ko ang bahay ni Stella at mukhang pangisahan lang ito, magkasama na ang kusina at sala, may banyo na din ito at isang kwarto.

"Hay… sino naman kaya ang nagpadala nito?"
Ang sabi ni Stella. Napatingin ako at nagulat ako nang makita ko siyang lumabas na nakasuot lamang nang malaking T-shirt at kitang kita ko ang makinis niyang legs at binti, bigla kong naalala si
Amanda sa porma niya, at napangite lang ako bigla at napailing

"Oh bakit?"
Ang sabi ni Stella sa akin

"Wala, may naalala lang ako"
Ang sabi ko sa kanya at tinuon ko ang aking pansin sa cake at bulaklak na nasa may maliit na lamesa sa aking harapan

"Kanino daw galing?"

"Di ko nga alam eh, sandali"
Tinignan ni Stella ang maliit na card na nakasabit sa may bulaklak

"Ahh… sa isa sa mga bumili sa amin nang properties"

"Ahh business man?"

"Oo na intsik, ito yung makulet eh, ilang beses na kaya ako nito inaaya sa date, sinabihan ko na nga yan na lesbian ako eh , ayaw pa din tumigil"

"Lakas ba nang tama sa iyo"