1. Home
  2. Stories
  3. Masaya - Part 19
xTorya

Masaya - Part 19

By el_nunal ·

"Ibahin mo ang ganda ko, dahil sa peslak na to nakakabenta ako at nakakaquota"
Ang sabi niya habang nagpapacute at natawa lang ako noon

"Tara upakan na natin tong cake na to"

"Baka naman may dasal at gayuma yan"

"Sus, di ako tatablan nang mga ganun noh? Mayamaya pa ay kumuha na nang mga platito at kutsara si Stella. Natuwa naman ako nang makita ko na chocolate cake ito

"Oh, sayo na tong medyo malaking hiwa, magpataba ka pa"
Ang natatawang sabi sa akin ni Stella. At nagsimula na kaming kumain. Habang kumakain ay napansin ko na nakatingin siya sa akin

"Bakit?"
Ngumite siya at dahan dahang lumapit sa akin at di ko inaasahan ang sunod na ginawa niya.
Bigla na lamang niyang pinahiran ang mukha ko nang icing at bigla siyang tumawa

"Ay sorry hinde ko sadya"
Ang nakangiteng sabi niya at nagsimula nang kumain nang cake. Natawa lang ako noon dahil hinde ko alam kung anong pumasok sa isip niya at ginawa niya iyon.

"Oo nga pala, kumusta ka na? Di ka na ba nasusuka?"
Ang tanong niya sa akin habang kumakain nang cake

"Hinde na, nabusog lang ako sa lights na ininom ko, tapos puyat na puyat pa ako"
Ang sabi ko sa kanya noon

"Wala ka pang tulog?"

"Wala pa, uuwi na nga sana ako kaso hinaltak mo naman ako ditong adik ka"

"Eh namiss kita eh!"
Tila ba nagkagulatan kami nang sabihin niya iyon sa akin, nagkangitian lang kami at nagulat ako nang bigla na naman niya akong pahiran nang icing sa mukha at gumanti na ako noon nang pagpahid sa mukha niya at nagsimula kaming magpahiran nang cake sa mukha

"Ehem!"
Isang boses ang narinig namin mula sa may pinto, at parehas kaming napatingin dito

"Oi! Kuya Jojo!"
Ang sabi ni Stella at lumapit ito sa binata at pinahiran niya din ito nang icing sa mukha

"Stella! Loka loka ka talaga, sino yan?"
Ang sabi nito na medyo seryoso ang boses

"E-El Nunal nga po pala sir"
Ang sabi ko noon

"Ikaw ba si Stella?"
Ang biglang sabi nito sa akin, natahimik ako noon, mukhang masungit at mukhang hinde ako gusto nang kung sino mang pontio pilato na ito

"Kuya Arvin, wag mo nga sungitan yang kaibigan ko, sipain kita eh"

"Pagnalaman to ni Auntie ewan ko sa iyo, alam mo naman na ayaw noon nakakakita nang lalake sa bahay mo eh"
Ang sabi nito sabay tingin kay Stella

"Nasaan ba siya?"

"Nasa bahay, pero pupunta ata dito, kaya kung ako sa iyo, pinapaalis ko na tong kumag na to"

"Kuya Arvin, ikaw pa nga, naku, ako nang bahala kay Auntie, teka, bat ka nga pala napunta dito?"

"Maninigil nang utang, may pera ka na ba?"

"Sandali, salamat nga pala kamo pakisabi sa asawa mo"
Umalis si Stella at nagtungo sa kwarto at naiwan kaming dalawa nang lalakiing ito na mukhang nanggaling na sa kulungan dahil sa mga tatoo nito sa balikat,
"Sputnik"

"Tagasaan ka?"
Ang tanong nito sa akin

"R-rizal po"

"Saan doon?"

"A-antipolo po"

"Anong po? Mukha na ba akong matanda?"
Umiling ako habang nakangite

"Bakit ka nakangite? Anong nakakatawa?"

"W-wala po kuya"

"Anong kuya? Kapatid mo ba ako?"
Natatawang naasar ako noong napakamot sa ulo

"Kuya Arvin lakas tama ka na naman ha?!"
Ang biglang sabi ni Stella sabay hataw sa balikat nang lalaking iyon

"Tinatanong ko lang eh"

"Umalis ka na nga, tamang trip ka na naman eh"
At tinulak na ni Stella paalis ang lalake

"Naku pagpasensyahan mo na yung asawa ni Ate ha? Palabiro lang talaga yun"

"Nakakatakot na ewan naman itsura noon, no offense ha?"
At natawa lang si Stella, mayamaya pa ay nagtungo siya sa lababo at naghilamos. Ako naman noon ay dahan dahang lumapit sa kanya, at nang matapos siyang maghilamos ay bigla ko siyang pinahiran muli nang icing sa muka at kitang kita ko ang pagkagulat at asar niya na bahagyang natatawa

"Ano ba ang lagkit sa mukha eh…"
Ang nakangiteng sabi ni stella at nagulat ako gamit ang daliri niya ay dahan dahan niya itong pinahid at idinaan dahan dahan patungo sa kanyang labi at dahan dahan pang dinilaa at sinipsip ito, hinde ko maiswas na mapaisip nang green stuff sa ginawa niya at natawa na lamang ako

"Bakit?"
Ang tanong niya sa akin, hinde ako nakasagot noon, nagulat na lamang ako nang bigla akong wisikan nang tubig ni Stella sa mukha

"Maghilamos ka na nga din, try mo din iwash yang nunal mo baka matangal joke!"
Ang sabi niya sa akin at sinuntok suntok ako nang pabiro sa aking balikat habang nakangite

"Namiss talaga kita"
Ang sabi niya sa akin at napangite lang ako noon, mayamaya pa ay naghilamos na din ako, habang siya ay muling bumalik sa kinauupuan namin at muling kumain nang cake

"Siya nga pala El Nunal, ano bang pinagkakaabalahan mo ngayon?"
Ang tanong niya sa akin pagupo ko sa upuan, nang pupunasan ko na sana ang aking mukha gamit ang aking damit ay nagulat ako nang sigawan niya ako

"Huy! Para kang timang!"
Nagulat ako nang hatawin niya ako sa aking balikat

"Aray! Bakit?"
Ang natatawang sabi ko sa kanya

"Ano ka ba? May tuwalya naman ako eh, sandali, para ka namang bata, sipain kita diyan eh!"
At bigla niya akong sinipa noon at natawa lang ako, binaba niya ang hawak niyang platito at agad na nagtungo muli sa kanyang kwarto at paglabas niya ay inabot sa akin ang towel

"Para ka naman bata, adik to!"
Ang sabi niya sa akin at muling kinuha ang kinakain niya

"Ano nga pala ulit yun?"
Ang tanong ko sa kanya habang nagpupunas nang mukha

"Sabi ko, anong pinagkakaabalahan mo ngayon? I mean, may work ka ba? O nagaaral? O dakilang tambay?"

"Yung ikatlo"

"Ganun?! Sarap buhay ka pala noh? Ano ginagawa mo kain tulog inom?"
At napangite lang ako noon

"Yun ba ang busy? Grabe ka naman"

"Naging abala lang talaga ako sa personal na bagay sa amin, kaya hinde na din ako masyado nakakagala"

"Weh?"

"Oo nga"

"Ano namang personal na bagay yun? Pagpapalaki nang bayag?"
Ang natatawang sabi niya sa akin

"Eh. Ikaw… kumusta ka naman?"

"Eto… singul much"

"Weh?"

"Bakit?"

"Sa ganda mong yan? Wala kang BF?"

"Wala nga! Aba kung meron edi sana kasama ko yun at hinde ikaw di ba?"
Natahimik ako at napatango sa sinabi niya

"Uy, baka naman nahurt ka ha? Biro lang yun"

"So may boyfriend ka?"

"Wala nga, kulit, teka, bat ba ako iniinterview mo, baliktad eh, dapat ako nagiinterview sa iyo ah, teka, ikaw ba?"

"Wala nga, nasabi ko na sa iyo di ba?"

"Anong nangyare sa inyo nung kinukwento sa akin ni TamTam na supervisor nyo?"

"Ahh… si Charice ba?"

"Yun ata yun, oo ata, oh nanyare?"

"Ayun… nagpakasal sa iba"

"What?! Nagpakasal sa iba?"
At kinuwento ko kay Stella ang nangyare sa amin ni Charice

"Gosh… and now, she's telling you na may anak kayo?"

"Well… di ko alam kung maniniwala ako or not"

"Ang bobo mo naman kung maniniwala ka pa sa kanya"
Napangite lang ako sa kanyang sinabi at hinde ko alam kung bakit nakaramdam ako nang bahagyang pagkaasar sa kanyang sinabi, marahil ay bakas sa aking mukha ang pagkainis, nagulat ako nang hawakan niya ang aking kamay

"Sorry, i didn't mean to say that, pero… are you sure that child is yours? I mean, baka she's just using that as an alibi para magkaroon pa kayo nang communication? Di ba?"
Napaisip ako sa kanyang sinabi, hinde kaya maaring yun ang ginagawa ni Charice, natawa ako nang bigla niya akong basagan na

"Ang gwapo mo noh?!"
At pinisil niya ang ilong at nagkatawanan kami. Matapos naming kumaini ay tinulungan ko siyang magligpit

"'Oo nga pala, ano, game ka nab a?"

"Anong game?"

"I mean, sa inuman? Kaya nga kita pinapunta dito hinde ba?"

"Iinom pa talaga tayo? Anong oras pa lang oh? ? Ang aga pa kaya?"

"Inum na tayo para diretso ang tulog natin di ba? Mas masarap pating m atulog kapag nakainom ka di ba?"

"Wala ka bang pasok ngayon?"

"Wala, bukas pa, ikaw ba may lakad ka pang iba?"
Umiling ako at ngumite siya

"Yun naman pala eh, ay! Oo nga pala!"
Ang sabi niya na tila ba excited siya at agad na tumayo sa kanyang kinauupuan at agad na nagtungo sa kusina ng bahay niya at binuksan isa isa ang pinto nang mga lagayan nang gamit sa may ibabaw nang lababo at nagulat ako nang hugitin niya sa isa sa mga pintuan ang isang bote nang Chivas na halos kalahati na lamang ang laman at napakamot ako sa ulo ko noon

"Chivas na naman?"
Ang sabi ko at natawa si Stella

"Bakit? Wow! Sawa na Chivas big time!"
Ang nangaasar na sabi niya

"Iba na talaga ang big time, tsk tsk tsk"
Ang umiiling iling na sabi niya

"Edi mag empi na lang tayo, akala ko pa naman matutuwa ka pag nakita mo to, hay… nakakapagtampo, hmp!"

"Hinde naman sa big time o pagyayabang, kasi kanina, yan din ang shinot ko, nagbanlaw ako kanina nang isang bucket nang sanmig pero mukhang maling mixture ata sa katawan yun kaya ako nahilo kanina"

"Sus! Sinisi mo pa ang alak sabihin mo mahina ka lang talaga uminom, weak!"
Nilapag niya ang alak sa may lamesa matapos ay muling bumalik sa kusina at kumuha nang dalawang baso, at ice cube mula sa ref at iniabot sa akin ang isa sa mga baso

"Oh ayan, kanya kanyang tagay, on the rocks tayo ha?"

"Wala ba tayong chaser?"

"Chase ka dyan?! Wala! Hard core!"
Ang nakangiteng sabi niya at sinalinan ako nang alak ang basong hawak ko at nilagyan nang ice cubes

"Wala ka namang galit sa akin niyan?"
Ang nakangiting sabi ko sa kanya

"Hinde ah! Ano ka ba? Cheers!"
At binangga niya sa hawak kong baso ang alak, at nagsimula na kaming maginom. Kahit na para bang tinatangi nang tiyan ko ang alak ay pinilit ko pa ding inumin ito, ayaw ko kasing mapahiya si
Stella, isa pa, siya na nga ang nagaya sa akin, at isa pa, mamahaling alak ang iniinom naming, naalala ko lang tuloy kanina ang babaeng nakilala ko at napangite ako

"Oh, bat ka napapangite diyan?"
Tanong ni Stella sa akin

"Wala naman, may naalala lang ako"

"Sino naman?"

"Yung babaeng nanlibre sa akin kanina, actually kilala siya nang kaibigan ko, well, di ko naman siya kaibigan talaga, kakilala pa lang, hinde pa naman kasi kami ganoon kaclose"

"Ahh… bakit anong meron?"
At kinuwento ko sa kanya ang nangyare sa akin bago kami magkita

"So nagpangap ka pang virgin?! Kapal din nang peslak mo ha?!"

"Eh di ko naman sinabi na virgin ako"

"Gago! Ang sabi mo sa babae di ba oo? Pero alam mo, nadisappoint yun hinde dahil nagsinungaling ka, kasi akala niya virgin ka pa talaga, virgin killer kung tawagin yung mga yun"

"Virgin killer? Mamatay tao sila?"

"Tanga! Yun yung mga babaeng tagabinyag kung tawagin, may mga lalake din na ganun eh, well, mostly ganun"

"Ahh, may ganun palang katawagan eh noh? Virgin killer? Ngayon ko lang narinig yung term na yun ah?"

"Teka, seryoso talaga wala kang girlfriend?"
Tumango ako sabay inum nang konting alak

"Wala nga, since nagkahiwalay kami nung supervisor na yun, wala na akong naging gf, well, actually, di ko alam kung GF ko yung current ko ngayon"

"Ha?"
At sinimulan kong ikwento sa kanya ang namamagitan sa amin ni Kimberly. Tahimik lamang siyang nakikinig sa akin noon at nang matapos ko na ang kwento sa kanya ay nagulat ako nang batukan niya ako nang malakas

"Kupal ka pa nga!"
Ang naiinis na sabi niya sa akin matapos ay sinalinan niya ang baso ko bago niya lagyan ang hawak niyang baso nang alak

"Alam mo, wala ka nang pinagkaiba sa ibang lalakeng nakilala ko, nakakainis ka naman"
Ang sabi niya sa akin at muli akong binatukan

"Aray masakit ha?"
Ang natatawang sabi ko at muli na naman niya akong binatukan

"Nakakainis ka kasi eh! Alam mo dapat, kumalas ka na diyan sa babae na yan, gusto mo ba na maging option ka lang? Rebound? Kapag nawala yung isa, ikaw ang sasalo? Isa pa, hinde ka ba natatakot? Paano halimbawa na maging kayo nga talaga? Paano kung isang araw, maboring din siya sa iyo? Or maramdaman niya yung bagay na naramdaman niya sa current bf niya? Isipin mo nga yun? Isa pa, ang panget talaga nang ganap mo, nakakainis, hinde ka naman ganyan ah?"
Ang sabi ni Stella sa akin sabay inom nang alak

"Hinde ko nga din alam kung anong klaseng utak meron ako ngayon eh"

"Utak bobo at sira ulo!' Ang natatawang sabi niya

"Ewan… siguro nga, ewan ko ba, alam mo kasi Stella, simula nang nagkahiwalay kami ni Cha, I was totally devastated, i was broke, i feel alone, well, literally, I am alone na talaga, wala na akong kasama sa Pilipinas eh, wala na akong kamaganak na malapit sa amin, at yung kamaganak ko na naman sa Antipolo, nagkaroon kami nang di pagkakasunduan, kaya ayun, di na daw nila ako kamaganak, ewan ko ba"

"Wala ka nang pamilya dito sa Pinas?"
Umiling lang ako noon at muling shumot nang alak

"Alam mo relate ako sa iyo, ganyan din ako eh, wala si Mama at Papa dito sa Pinas, sila kuya naman nasa Aklan"

"Atleast ikaw, pagnaisipan mong umuwi nang Aklan may kamaganak ka pang babalikan di ba?"

"Sabagay"

"So ayun… since broke ako siguro, malungkot, wala pang kasama sa bahay, kaya ako pumayag sa ganoong set up"

"Mahal mo ba?"
Hinde ako nakaimik

"Mahal mo?!"
Ang sabi ni Stella at nakaamba nang suntok

"Ikaw pa nga napakabayolente mo"
Ang pabirong sabi ko sa kanya

"Ganun talaga! Para Masaya di ba?"

"Di kaya mayasa, ang sakit mong manuntok at mambatok eh, para kang lalake kung manuntok eh, nagweweights ka ba?"

"Pakyu!"
At sinuntok niya ako sa hita at tumawa

"Pero El Nunal, alam mo, di talaga tama yang ginagawa mo, paano kung ikaw yung bf, anong mararamdaman mo?"

"Masasaktan"

"Alam mo naman pala eh, alam mo kung anong ayaw gawin sa iyo nang isang tao, wag mong gawin sa kanila, para ka namang gago niyan, ayaw mo gawin sa iyo pero ikaw ayan, sumisige pa, isa pa, hinde lang naman yung hitad na yun anng babae sa mundo noh?!"

"Anong hitad?"

"Malande!"

"Ganun? Dami mo alam na term ah"

"Ganun talaga, sa dami ba naman nang nakakasalamuha ko eh, isa pa, mas ok na din na madami kang alam na term para hinde ka igno, tignan mo ikaw, para kang timang"
Ang natatawang sabi niya

"Ang dami ngang babae, wala naman akong makita na nagmamahal sa akin"

"Madami diyan, maglakad lakad ka lang, tingin tingin ka lang"

"Ganoon?"

"Oo, minsan kasi maging aware ka din, minsan kasi kayong mga lalake, napakaslow nyo din eh"
Ang natatawang sabi ni Stella

"Eh wala pa naman ako nakikitang babaeng mahal ako ngayon eh, bukod sa mga barkada kong babae at yung Kim nga na yun"

"Di ka mahal noon bobo! Kung mahal ka nun, dapat hinde ka niya niloko saying na wala siyang BF"

"Sabagay… saan ba ako makakakita?"

"Tingin ka doon"

"Saan?"
At nagulat ako sa sumunod na nangyare
Napamulat ang mata ko nang may isang taong sumulpot sa labas nang bahay ni Stella

"Eusha… k-kumusta na"

"E-el.. Nunal"
Ang sabi ni Eusha, kitang kita ko mukha niya ang lubos na pagkagulat, hinde ko lubos akalain na makikita ko siya nang araw na iyon, and damn… hinde lang siya cute ngayon, maganda na din siya, hinde naman sa sinasabi ko na hinde siya maganda noon, lamang lang talaga ang cuteness niya pero ngayon, damn, she was wearing a makeup, isang bagay na bago sa paningin ko, dahil noon,
Eusha was simple, maglagay man siya nang kolerete sa much, lip gloss lang at powder, yet, she's cute now, she was like a model, at namayat siya, at naging sixy bumagay sa kanya ang suot niyang uniporme na itim na pencil cut and itim na maikling skirt, nakakapanlaway, at di ko inakala na makakaramdam ako nan libog sa kanya nang mga sandaling iyon, aaminin ko, Eusha was hot, sixy and damn gorgeous that time, subalit… isang bagay lang ang napansin ko, nawala na ang mga matatamis na ngiting talagang nagpapaaliwalas nang husto sa mukha niya, somehow, sa aking tingin, she changed, at di ko nakita ang ngiteng inaasahan kong makita sa kanya,napatingin ako kay
Stella and I guess she was surprised as well

"T-tam Tam… akala ko… nasa Aklan ka?"

"Kakauwi ko lang… nga pala, oh pasalubong"
Ang sabi ni Eusha at pumasok sa bahay, she just looked at me, at pagkaabot sa dala niyang plastic ay tahimik lang siya na maglalakad n asana paalis nang biglang magsalita si Stella subalit sa lengwahe sila noon nagusap

"Siin ka gaadto TamTam?" (Saan ka pupunta TamTam?)

"Baeay, bakit?" (Bahay Bakit?)

"Akig ka pa din ba TamTam?" (Galit ka pa din ba TamTam?) Hinde ko man maintindihan ang salita nilang dalawa nang mga sandaling iyon pero tila ba may kung ano ding nangyare sa kanilang dalawa. Kita ko naman sa reaksyon nang mukha ni Stella at ni
Eusha, isa ding bagay ang nakakapagtaka, para bang hinde man lang din natuwa si Eusha na nakita ako, unlike before na sa tuwing magkikita kami, excited siya, masaya, cheerful, but now, parang, wala lang ako sa kanya. Tumayo si Stella at hinabol si Eusha sa labas, at ilang minuto din siyang nandoon sa labas, hinde ko alam kung bakit kung bakit ba tila ako napako sa pagkakaupo ko, at hinde ko nagawang sumunod sa kanila, siguro, dahil medyo pribado ang paguusapan nila, subalit, alam kong may isang bagay pa ang nagpanatili lamang sa akin sa aking kinauupuan, at yun ang hiya na makaharap siyang muli. Makalipas ang halos kalahating oras ay bumalik na si Stella, at napansin ko na namumugto ang mga mata niya, halatang umiyak siya, hinde ko alam kung ano ang nangyare sa kanila pero mukhang hinde naging maganda ang usapan nila.

"Are you ok?"

"Do I look like I'm ok?!"
Ang bulyaw sa akin ni Stella, at tila ba parehas kaming nagulat sa nangyare

"I-I'm sorry… I didn't mean to say that… it's just… grrr!!!! Nakakainis na talaga siya"

"You mean Eusha?"

"Who else? Hay… grabe na talaga siya, hinde na siya ang kaibigan ko, ang kababata ko, she's complete a different person"
Ang sabi ni Stella sa akin, and I do feel that, hinde na nga talaga siya ang Eusha na kilala ko. She then grabbed the bottle of Chivas at sinalin halos lahat sa baso niya. Hinde ko naman siya pinigilan dahil mukhang mas kailangan niya ito, besides, medyo nahihilo na naman ako nang mga sandaling iyon dahil nakakaramdam na ako nang antok. Pero gusto ko noon malaman ang pinagusapan nila pero hinde ko naman magarapal nang tanong si Stella, lalo pa't halatang maiiinit ang ulo niya but I guess the alchohol did its job and she started talking

"Alam mo yung, napakasimple lang nang pinagawayan naming, humantong na sa ganito? Hinde ko nga alam kung ginawa lang niyang way yun para magkaaway kami eh, hinde ko naman kasi alam kung anong kinakagalit niya sa akin, hinde ko talaga alam"

"Ano bang pinagawayan nyo?"
Natahimik lang siya at ininom ang alak na hawak niya. Nagulat ako and start to say this every time I want to hear someone's story

"Sige na, sabihin mo na, you'll feel better if you say it, I have all ears… mas gagaan yang pakiramdam mo pagsinabi mo yan, just vent it out, promise, gaganda ang pakiramdam mo"
She just smiled at napailing

"Naku, mamaya na lang siguro, yang mata mo namumungay na oh! SIge na, matulog ka na sa… teka… saan nga pala kita patutulugin?"
Ang natatawang sabi ni Stella at napakamot sa ulo

"Sa coach ka na lang pala matulog, malambot naman di ba?"
Ang sabi ni Stella at tumabi sa akin at nagulat ako nang idantay niya ang ulo niya sa aking balikat

"Anong oras ka nga pala uuwi?"
Ang tanong niya sa akin, napatingin ako sa orasan, it's already 9am in the morning

"Magaalas nuwebe na pala, di ko namalayan ang oras ah… sabagay inaantok na din ako"

"Gusto mo ba matulog na?"

"Naku, magkwento ka muna"

"Ano ka ba? Yang mata mo oh, gusto nang matulog, nagmamakaawa na"
Ang sabi niya sa akin at nagulat ako nang ilapit niya nang husto ang mukha niya at tinignan nang husto ang mata ko

"Is it always brown?"
ang sabi niya sa akin at ngumite, habang ginagawa niya iyon ay di sadyang dumidiin ang suso niya sa aking dibdib at hinde ko itatangi na nalilibugan ako sa nangyayareng iyon, and I was having a hard on that time, pero, Eusha couldn't get out of my mind that time so I asked Stella

"So.. what happened to you and Eusha?"
Nagulat ako na imbis na sagutin ito ni Stella ay bigla na lamang siyang tumayo at ininom ang alak na natitira sa baso niya.

"El Nunal, magpapahinga na muna ako, pakilock na lang yung pinto or kung uuwi ka while I'm asleep, pakikatok na lang ako sa kwarto ha?"

"Stella.."
Ang sabi ko sa kanya subalit hinde niya ako nilingon at dumiretso pasok sa loob nang kwarto niya at narinig ko na nilock niya ito. Nang mga sandaling iyon, hinde ko noon kinulit pa si Stella, alam ko na naman na ayaw pang pagusapan pa iyon. Isang bagay din ang bumabagabag sa akin noon, gusto kong malaman ang nangyari kay Eusha, ano bang meron, anong nangyare sa kaibigan ko, sa babaeng masayahin, at babaeng simple't mapagmahal na si Eusha, subalit kailangan ko ding matulog noon, nakaramdam na din kasi talaga ako nang sobrang antok, at nanghihina na din ako noon, kaya naman nagdesisyon na lamang ako na magpahinga na muna, hinde dahil sa gusto ko talagang matulog, dahil gusto ko lang muna na mapayapa ang aking isip sa mga bagay bagay na gumugulo sa akin. Malambot naman ang sofa na inuupaan ko at pwedeng higaan, kaya naman kahit papaano ay nakatulog ako.
~Park Car! This Night Sky! The city light shines like diamonds! Our song plays on the radio! Ohh ohhhh ohhhh ooo ohhh!~ Isang kanta ang aking narinig noon, tumutunog ang aking cellphone, may tumatawag, I slowly open up my eyes and I saw who's calling, si Kimberly, dapat sasagutin ko ang tawag pero, nang hawak ko na ang cellphone at pipindutin na sana ang answer button ay biglang tumigil ang aking daliri upang pindutin ito, tila ba, parang naisip ko nang mga sandaling iyon na huwag na muna kausapin si
Kimberly, dahil alam kong hinde siya ang taong dapat makausap ko nang mga sandaling iyon, kung hinde si Stella, at si Eusha. Hinayaan ko lang na tumawag sa akin si Kimberly at nakaanim na beses siyang miscol bago siya tumigil sa kakatawag.

"Sino ba yun?"
Isang boses ang narinig ko sa ulunan ko at nilingon ko ito,si Stella.

"Oh gising ka na pal—
" Natigilan ako bigla nang mapansin ang ayos ni Stella, ang sixy niyang tignan sa itsura niya nang mga sandaling iyon, nagiinat inat pa siya at bumubukol nang husto ang dibdib niya, at hinde ako makapaniwala na wala siyang suot na bra noon, at yung nipol niya hinde ko mawarian kung bakit ba nakatayo, at ang legs niya talaga, parang labanos sa pute, marmol sa kinis, natawa lang ako nang makita ko ang mukha niya, may tuyong laway and it made me laugh

"B-bakit ka natatawa?"
Agad siyang nagtungo sa harap nang salmin at napansin niya ang mukha niya at agad na nagtungo sa may lababo at naghilamos. Samntalang ako naman noon ay dahan dahang bumabangon. Medyo hilo ako, pero hinde katulad kanina na may kasamang pamamanhid sa may bandang noo't ibabaw nang ulo, marahil ay kinailangan ko talaga nang tulog. Nagulat ako nang makita ko ang oras, it's already 4 in the after noon, ang haba din pala nang pagtulog ko, but seems na pumikit lang ako at napadilat dahil sa pagtawag ni Kim

"Alas kwatro na pala"
Ang sabi ni Stella sabay kuha nang isang pitsel nang tubig sa ref.

"Grabe talaga uhaw ko kapag gumigising ako mula sa inuman, hay, ikaw gusto mo ba?"
Ang tanong niya sa akin at dinala ang hawak niyang pitsel sa kinauupuan ko habang nagsasalin nang tubig sa basong hawak niya

"Oh… alam kong uhaw ka din, ay sandal! Iisang baso lang pala to, ay teka"
Inabot niya sa akin ang basong hawak niya at natawa ako nang sa pitsel siya uminom.

"Adik ka din eh noh?"
Ang natatawang sabi ko

"Aba bakit? Pitsel ko naman to ah? At bahay ko to noh! Kaya wa pakels El Nunal!"
Ang natatawang sabi niya. And then, she sat down after drinking at kinuha ang kaha nang sigarilyo ko at nagsindi nang isang piraso

"Penge ha?"
Ang sabi niya

"May magagawa pa ba ako eh nasindihan mo na?"
Ang natatawang sabi ko sa kanya

"Di ka pa ba uuwi? Napapasarap ka ata nang stay dito ah? Gusto mo bang tumira dito? Kailangan ko nang boy dito eh, tagalinis, tagaluto, tagalaba"

"Hayop!"
Ang sagot ko sa kanya at nagkatawanan kami. Ilang sandali pa ay nagtanong ako sa kanya

"Ano bang nangyare kanina at umiiyak ka?"
Humithit siya nang sigarilyo at matipos ay tumayo at tumalikod sabay buga nang usok

"Do you really want to know?"
Isang seryosong tono nang boses ang narinig ko mula kay Stella, mayamaya pa ay humarap siya sa akin at ngumite

"Well… actually… may kinalaman ka sa nangyare"
Nagulat ako nang sabihin niyang may kinalaman ako sa nangyare

"T-teka… anong kinalaman ko diyan? Matagal na nga akong wala sa buhay niyo di ba?"

"Well, that's my point, matagal ka nang wala but still, you're still bothering her, you know why she was like that? It's because of you, ikaw na nanakit sa kanya, ikaw na nagpaasa sa kanya, ikaw na nagbigay nang false hope of loving her, ikaw na… ewan ko ba… di ko nga din alam why.. eh… bakit ba ikaw?"
Napapangiteng napapailing lamang ako nang mga sandaling iyon, I was confised on what she was saying

"Teka… so dahil sa akin kaya kayo nagaway?"