1. Home
  2. Stories
  3. Masaya - Part 3
xTorya

Masaya - Part 3

By el_nunal ·

"Ahh… ganoon ba?"
Naalala ko, may kaibigan din akong sea man, si Niko, halos isang taon na siyang seaman

"Magkano ba sinasahod niya?"

"Ewan ko, pero alam ko malaki, mga fifty or seventy ata?"

"Thousand?"

"Oo, malaki talaga sa seaman, tito ko nga hundred plus ang kinikita eh"
Napaisip ako nang mga sandaling iyon, sabagay, naalala ko nang minsang maligaw ako sa bahay ni Niko, mula sa simpleng barong barong ay naging maganda na angbahay niya, nagkaroon pa sila nang sariling tindahan, at nakapagaral ang bunso niyang kapatid na si Miko. Naalala ko noon, inaaya niya ako na sumama sa kanya at magaral nang seaman, maliit lamang daw ang tuition na kakailanganin since government funded naman daw ang papasukan niya kaya lang meron kasi akong phobia sa dagat, hinde ko alam kung bakit, pero simula pa nang bata ako, takot na talaga ako sa dagat, natatawa nga ako nang minsang napagusapin namin noon na baka sa past life ko, isa akong taong namatay sa gitna nang dagat.

"Mabute naman at maninirahan siya dito after, tagasaan ba yun?"

"Bataan"

"Ha? Paano kayo nagkakilala eh ang layo pala nang probinsya nang lalake na yun?"

"Nakasama ko siya dati sa ojt ko sa Manila, nagwork kasi ako dati sa office, ayun, nagkapalagayan nang loob, isa pa, pinush din kasi ako nila mama at papa sa lalake na yun, una nga si Ate Irene ang gusto nilang itulak doon eh kaso sa akin nainlab yung lalake"

"Mahal mo ba naman?"

"Ewan, hinde ko alam, oo siguro, kasi hinde ko naman sasagutin yun kung hinde eh, mabait naman siya, kaso sadyang minsan tinatamaan ako nang kalungkutan"
Naalala ko bigla ang eksena noon sa aming dalawa, marahil ay tinamaan lamang siya nang lungkot nang mga sandaling iyon kaya niya siguro nagawa yun, kung sabagay, ako din naman noon, kapag tinatamaan nang lungkot (at libog) ay nagagawa ko ding hanapin sa iba ang pagkukulang nang aking karelasyon upang mapunan ang pagkukulang nila.

"Pero siguro, kung hinde nauuna una ka lang baka ikaw pinagtripan kong shotain"
Natawa ako noon sa kanya

"Adik"
Ang sabi ko sa kanya noon

"Seryoso ako tanga! Kaso wala e nahuli ka"

"Ganun?"

"Isa pa, baka hinde ka din kasi pumasa kila Mama at Papa eh"
Naalala ko bigla noon ang naging sitwasyon ko sa buhay ni Charice, medyo tinamaan ako nang lungkot noon at napansin ito ni Rika

"Huy, gago nagbibiro lang ako bat ka nalungkot diyan?"

"Wala, may naalala lang ako sa sinabi mo?"
Napanguso noon si Rika at bigla akong binatukan

"Pinagtritripan lang kita eto naman, akala mo naman seryoso ako, adik ka talaga, nakakatuwa ka talaga"
Ang nakangising sabi ni Rika noon sa akin.

"Nakainom ka na pala no?"
Ang sabi niya pa sa akin at inamoy amoy ako noon

"Red horse? Saan ka ba galing?"

"Sa kaibigan ko, may bisita kasi siya, inaya ako maginom"

"Bute at naisipan mong bumalk sa bahay mo?"

"Eh pumunta ka eh, tapos wala ka pala kasama, kung may kasama ka baka hinde na ako pumunta, pero baka umalis din ako doon sa inuman na iyon, medyo naainis din kasi ako sa kainuman ko eh"

"Mas ok na yun, atleast sasaya ka sa iinuman natin, nga pala may sinabi sa akin si Kimberly kanina ah"

"Ano naman?"

"Libre mo ako nang softdrinks pagbaba natin sasabihin ko sa iyo"
Natawa ako noon nang sabihin niya ito, medyo nauuhaw din naman ako kaya naman pagdating namin sa may gate nang Meralco ay naglakad na kami sa nadaanan naming tindahan nang mga sandaling iyon

"Oh, so ano ba sinabi sa iyo ni Kimberly"

"Piatos muna"

"Adjaw, napakasama mo panga sabi mo sofdrinks lang"

"Sige na yaman yaman eh dalawa na sa abroad tapos callcenter eh"
Natawa ako nang mga sandaling iyon at bumili na ako nang pinapabile niya, isa sa akin at isa sa kanya

"Oh ano bang sinabi sa iyo ni Kimberly?"

"Di ba close naman kayo noon pa?"

"OO, kaso noon, hinde ko lang alam ngayon, laki na nang pinagbago niya eh"

"Alam mo ba tuwing reunion natin ikaw agad ang unang hinahanap niya"

"Oh?"

"Tapos kanina may sinabi siya sa akin, natawa nga ako eh"

"Ano ba yun?"

"Alam mo ba kung ano?"

"Ano nga?"
Ang natatawa kong tanong noon sa kanya subalit bago pa man masabi sa akin ni Rika ang bagay na iyon ay nagulat kami nang may humintong motor sa harapan namin

"Oi Rika El Nunal, papunta na ba kayo doon?"
Ang bati noon sa amin ni Emanuel angkas si Kimberly

"Oo, saan kayo pupunta?"
Ang tanong ni Rika noon

"Bibili nang dagdag na alak, dadaanan ko na din si Rosette, tumawag sa akin eh, puntahan ko daw"

"Dito na lang ako, sabayan ko na sila"
Ang sabi ni Kimberly noon

"Oi sige una na ako, sana kayanin ko dalhin isang box nang empi"
At umalis na noon si Emanuel

"Buti naman at nakabalik ka na Rika"
Ang sabi ni Kimberly noon, tinignan ako ni Kimberly at nagulat ako nang bigla akong suntukin nang may kalakasan sa braso kung saan ako kinagat ni Pauline at shet napapikit ako noon at napaupo sa sakit, nabitawan ko pa noon ang hawak kong softdrinks noon

"Adjaw napaka oa naman nito ah"
Ang natatawang sabi ni Kimberly

"Tangek tinamaan mo ata yung sugat niya eh"
Ang sabi ni Irika noon habang sumusubo pa nang pagkain niya habang natatawa. Agad akong nilapitan ni Kimberly, nakita ko sa mukha niya ang pagaalala noon

"May sugat ka ba diyan sorry di ko alam, kanina naman kasi wala kang sugat diyan eh patingin nga"
At inangat niya ang mangas nang aking damit at nagulat siya, maging ako ay nagulat, nangingitim ang kinagat sa akin ni Pauline na may halong pamumula at pamumuo nang dugo, inilawan kasi ito ni Kimberly nang kanyang cellphone kay nakita ko ang kulay nito

"Shet, kagat yan ah? Grabe naman yung kumagat sa iyo, aso ba yun?"
Matapos ay binatukan ako ni Kimberly

"Ikaw naman para kang tanga, bat ka naman pumayag na magpakagat ka? Shota mo ba ang kumagat sa iyo?"
Ang tanong niya sa kain

"Wala akong GF ngayon no?"
Dahan dahan akong tumayo noon sa pagkakaupo at naglakad na kami noon. Abala silang nagkwekwentuhan ni Rika noon, samantalang ako ay mabagal na naglalakad, iniisip kung ano kaya ang sasabihin dapat sa akin ni Rika nang mga sandaling iyon. Tumingin bigla sa akin si Kimberly noon at ngumite

"Masakit pa ba?"
Ang tanong niya noon sa akin

"Malamang, ang sakit kaya, walangya para ka talagang hinde babae kung manuntok"

"Sorry naman, sumabay ka na kaya sa amin, hinde yang nasa likod ka"
Ang sabi pa nito sa akin at hinila ako upang pumantay ako sa kanilang dalawa sa paglalakad. Ilang sandali pa ang lumipas ay nakarating na din kami sa bahay nang pinsan ni Cynthia.

"Oi, saan na si Emanuel?"
Ang tanong noon ni Cynthia, nagkatinginan lang kami noon at hinde nagkibuan

"Doon na kayo sa may bandang dulo ha? Nandoon yung iba eh"
At umalis na siya noon. Pinagmasdan ko si Cynthia mula ulo hanggang paa, halatang na adapt na niya ang pananamit nang mga typical na Kana sa America, kaya lang yung tipikal na suot nang mga mukhang prosti, ang ikli nang suot niyang dress na kulay pula at medyo labas ang cleavage niya sa suot niyang iyon. Naiisip ko nga siguro kung tutuwad ito lalabas na ang panty nito

"Grabe suot ni Cynthia noh?"
Ang bulong sa akin ni Kimberly

"Lalabas na ata kaluluwa niyan konting tuwad lang eh"
Ang sabi ko din sa kanya nang pabulong at nagkatawanan kami, medyo asar din kasi siya sa babaeng yun, pero pinagtaka ko kung bakit siya nagpunta

"Oo nga pala di ba medyo yamot ka din sa babae na yun? Bute at pumayag na magpunta dito?"

"Di ko naman talaga gusto eh, pinilit lang ako ni Rika, tapos may nabangit kasi siya sa akin kaya ako napa OO"

"Ano naman?"
Numite lang siya sa akin noon, mayamaya pa ay nagulat ako nang may kumapit sa balikat ko

"Oi EL Nunal! Bute at nakapunta ka!"
At inapiran niya ako, hinde ko siya makilala, hinde ko siya matandaan, pero mukhang naging malapit ko din siyang kaibigan noon elementary ako, iniisip kong mabute kung sino siya

"Oi Kiko, ikaw na"
Sabi nang isang babae noon, hinde ko din siya kilala pero ngumite siya sa akin

"Aba, bute at nandito na si El Nunal, nakasama ka din sa Reunion natin, next week punta daw tayo kina Mam Reyes"
Ang sabi nito sa akin

"Kelan Marie?"
Ang sabi ni Kimberly noon

"Mga Martes daw o Miyerkules, basta any of that day"

"Ahh… sige sige, text nyo ko ha?"
Ang sabi nito sa dalaga. Nakita ko din ang ibang mga kasama namin doon, yung iba schoolmate lang namin, hinde ko talaga sila matandaan nang mga sandaling iyon. May iba ding bisita si Cynthia, kaya lang lahat mukhang gangster, at nalaman ko nang mga sandaling iyon kung bakit, dahil gangster pala ang nakabuntis kay Cunthia. Mayamaya pa ay dumating na si Emanuel

"Oh, nasaan si Rosette?"
Ang tanong ni Rika noon habang shumashot nang alak

"Hinde na daw muna siya sasama"

"Ano ginawa mo doon?"
Ang tanon ni Marie sa kanya

"Oo nga, akala ko pa naman makikita ko siya
" Ang sabi ni Kiko noon

"Oi El Nunal naaalala mo pa ba si Kiko matsing?"
At bigla kong naalala ang binatang nasa harapan ko, siya ang kaunaunahang nakasuntukan ko noong lumipat ako nang paaralan kung saan ako grumaduate, matapos ay siya din ang isa sa mga naging kasanga ko noon nang magkasundo kami at madalas mapaaway, pero ang layo na din nang itsura niya sa dating Kiko na kilala ko, namute siya, at nagmukhang matinong tao siya, as in nakakagulat ang pagbabago nang itsura niya, sa damit pa lamang niya na polo na halatang mamahalin, mukhang nakakuha nang magandang trabaho ang lalakeng ito. Nang gabing iyon, ako na naman ang pinaguusapan nang mga ito, lalo na ang ginawa kong pagliligtas kay Crisbeth noon

"Taena mo, naalala ko dito ang tapang tapang mo pang sumugod"
Naalala ko bigla kung bakit ako nawalan nang gana noon na makasama si Kiko, dahil nang mga sandaling iyon, naalala ko na hinde niya ako tinulungan, nakita ko siya noon na padaan kung saan ako nabubugbog, pero para bang pinanuod niya lang ako noon, at matapos ang pangyayareng iyon, medyo nagilagan na kami. Hinde ko na lamang noon inungkat ang pangyayareng iyon, matagal na din kasi nangyare iyon, pero hinde ko na din kasi talaga madama ang closeness nila, medyo na oop na nga ako sa ibang pinaguusapan nila, at nang mga sandaling iyon, mukhang napansin ni Kimberly ang sitwasyon ko at nagulat ako nang tumabi siya sa akin, Noong una kasi, si Emanuel ang kalapit niya, ang alam ko kasi si Emanuel ang type niya noon pa, kahit pa noong elementary days namin.

"Bat tahimik ka ata?"
Ang sabi ni Kimberly noon sa akin

"Wala naman, may iniisip lang"
Kinapa ko ang bulsa ko noon at napakamot ako, naalala ko, naiwan ko nga pala ang kaha nang sigarilyo ko sa bahay.

"Bili muna akong sigarilyo ha?"
Ang sabi ko sa kanila

"Samahan na kita may bibilhin din ako eh"
Ang sabi ni Kimberly noon. Nang mga sandaling iyon, tahimik lamang kami na naglalakad, hinde ako kumukibo noon, hinde ko ba alam kung bakit ako biglang tinamaan nang kalungkutan, marahil naalala ko naman kasi si Charice nang mga oras na iyon. Mayamaya pa ay si Kimberly na ang bumasag nang katahimikan at may tinanong siya sa akin , isang tanong na hinde ko inasahang itatanong niya sa akin

"Crush mo ba si Rika?"

"Ano?"
Nagulat ako at natawa sa kanyang sinabi

"Bakit naman pumasok sa isip mo yan?"
Ang natatawa kong sabi sa kanya

"Wala lang, kasi kanina, pinagmamasdan kita, panay ang sulyap mo kay Rika eh"

"Ahh, yun ba? Hinde naman yun ang intensyon ko, kaya ko ginagawa yun kanina kasi… na OOP talaga ako sa inyo"

"Weh? Di nga?"

"Oo nga, Na OOP ako, panay nga ang tingin ko kay Rika, kasi gusto ko sabihin sa kanya na kausapin nya naman ako kaso masyadong abala kay Kiko tska sino ba yung lalake pang isa?"

"Ei Aaron?"

"Oo, kung sino man siya"

"Hinde mo na din siya natatandaan? Yun yung unanong sinapak mo noon, hanggang ngayon nga ata yamot pa sa iyo yun eh"

"Aba malay ko sa kanya, hinde ko na kasi talaga kayo halos matandaan, lalo ka na, kasi ang laki nang ginanda mo eh"

"Sus! Bolero ka na ha?"

"Kelan ako nambola? Kilala mo naman ako di ba? Pag sinabi kong panget panget naman talaga, pag maganda maganda, pag pogi, pogi talaga"

"Edi pogi ka na nya?"

"Di ko naman sinabi na pogi ako ah?"
Natawa siya noom, ilang sandali pa ay nakarating din kami sa tindahan. Bumili na ako nang isang kahang yosi (dati ay php 35.00php pa ang Malboro Black) samantalang si Kimberly naman ay bumili nang Piatos at kendi.

"Doon muna tayo sa court"
Ang sabi niya sa akin at naglakad siya patungo sa court nang subdivision. Malaki ito at may upuan pa, kaya lamang ay medyo may kadiliman. Umupo siya noon sa isang bakanteng upuan, ako naman ay tumayo malapit sa kanya at nagsindi nang sigarilyo

"Balita sa iyo?"
Ang tanong niya sa akin

"Tagal din nating di nagkita ah? Saan ka nagaral nang highschool?"

"Sa may Catholic"

"Ahh"

"Ikaw?"

"Sa tayuman, sa Don Jose"

"Ahh… akala ko sa Madrigal ka"

"Noong una oo, kaso ayaw ni Mommy na doon ako, dami daw maloko doon at hinde daw maganda ang turo, kaya ayun"

"Doon sa Madrigal nagaral si Crisbeth diba?"

"Oo, kaso di naman siya nakapagtapos eh, sira ulo kasi, ewan ko ba, nung nagkahiwalay kayo, nagwala bigla yung babae na yun"

"What do you mean nagwala?"

"Naging parang Cynthia"

"Di nga?"

"Ewan ko, basta, nagulat na nga lang din ako eh, di naman siya ganoon dati eh, ewan ko ha, kasi yun lang naman ang napansin ko, nung nalaman ko na hiwalay na kayo nung first year kami eh ayun, nagwala na siya"

"Sabagay, first year kami nagkahiwalay eh"

"Edi ikaw nga ang may kasalanan"
Ang natatawang sabi niya noon

"Bakit naman ako, hinde naman ako ang nakipaghiwalay sa kanya eh, siya ang kumalas sa akin, sabagay, nang mga panahon kasi na yun, hinde naman ako seryso sa relasyon namin, mas trip ko noon maglaro nang Ragnarok kesa makasama siya"

"Anong Ragnarok?"

"Online game siya"

"Laro sa computer?"

"Oo"

"Ahh… yan din pinagawayan namin nang boyfriend ko eh"
Napatingin ako sa kanya noon at natawa

"May boyfriend ka?"

"Wala na, single na ulet ako, nakipagkalas na ako sa kanya last month pa, nakakayamot kasi nagsisinungaling pa sa akin na nasa computer shop, pwede naman magsabi sa akin, isa pa, hinde ko na din naman kasi siya gusto noon eh, nawalan ako nang gana sa kanya, isip bata pa masyado, nagagalit sa mga simpleng bagay na di naman dapat ikagalit, isa pa, iniisip ko din noon, dahil nga may nangyare na sa amin eh naging ganoon na bigla sa akin, nawala yung sweetness niya, tapos mas madalas pang piliin ang barkada kesa sa akin, alam mo yun, para lang akong naging ewan bigla sa buhay niya, nung naghiwalay nga kami parang wala lang sa kanya eh, sabi sa akin nung kaibigan ko na malapit sa bahay nila, may bago na daw shota, sabi ko nga ang bilis naman niya, isang linggo pa lang kaming hiwalay eh may bago na siya, bakit kayong mga lalake ang bilis nyo makahanap nang pamalit no?"

"Di naman lahat, grabe ka naman"

"Weh?"
Natawa lang ako noon sa kanya, matapos ay tumabi ako noon sa kanya at tinanong siya kung saan ba niya nakilala ang lalakeng yun

"Klasmate ko sya nung college, well, noong una ok naman kami, kaso, halatang hinde pa ata handa makipagrelasyon, o siguro hinde lang ako kinaya, ewan ko, wala naman kasi akong nakuhang matinong sagot sa kanya"
Nagulat ako nang bigla niyang kunin ang yosi ko at hithitin ito

"Nagyoyosi ka na din pala?"

"Natuto lang, tinuruan ako nang ex ko eh, pati nga maginom, siya din nagbinyag sa akin, kaya nga niya ako nakuha eh"
Ang natatawang sabi niya noon sa akin

"Buti hinde ka basa magsigarilyo no?"
Ang bati niya noon, pinagmasdan niya kasi nang mabute ito, inilawan niya ang mukha ko noon at nagulat ako nang salatin niya ang labi ko

"Wow ha? Hinde halatang malakas ka magyosi, ang pula pa din nang labi mo"
Ang sabi niya noon sa akin

"Madami na nga nagsabi sa akin nyan, hinde ko naman kasi labi ko ang pinangkakapit ko sa yosi eh, bahagya ko siyang kinakagat, pero hinde naman basa nang laway di ba?"

"Ahh ganoon ba ginagawa mo lage?"

"Oo naman"

"Teka, bat wala ka pa palang girlfriend?"

"Meron dati, three months ago, kaso kinasal na sa iba"

"Ahh… sorry, maganda ba?"

"Ewan ko, siguro?"

"Weh? Di nga?"

"May internet ba yang cp mo?"

"Oo bakit?"

"Tignan mo kung ok pa yung account na ginawa niya"
At pinahanap ko sa kanya ang buong pangalan ni Charice at nagulat siya nang makita ang babaeng iyon

"Mukha mo! Ito ang syota mo? Barbers ka tanga!"
Natawa lang ako noon sa kanya, tila ba ayaw niya maniwala na ang isang magandang babaeng tulad ni Charice ay papatol sa akin

"Hinde nga shota mo to dati?"

"Bahala ka kung ayaw mong maniwala, nasa sa iyo naman yan kung maniniwala ka o hinde eh, isa pa, wala naman akong mahihita sa inyo kung mapatunayan ko na may GF ako o wala"

"Uyy!!! Nagagalit, ito naman napakaseryoso mo naman sumagot, nakakapanibago ka naman"

"Hinde naman sa ganon, medyo, hay… hinde ko na kasi magawang maging joker di tulad noon, hinde ko na alam masyado kung paano maging masaya talaga, ewan ko ba, hinde ko alam kung anong nangyare sa akin"

"Kasi broken ka"

"Ganoon ba yun?"

"Halata naman sa mata mo eh, kanina ko pa kaya yan pinagmamasdan, yan lang naman kasi ang gwapo sa iyo"
At natawa siya noon

"Kimberly, bakit kaya ganoon no? Bakit kung sino pa ang siyang marunong magmahal ay siyang madalas maiwan nang hinde alam ang dahilan?"

"Sa kanta yun ah? Adik to, pero alam mo may punto ka, hinde ko nga din alam eh, di naman kasi pwede na walang dahilan yun, lahat nang bagay may dahilan diba? Everything happens for a reason ika nga nila, El Nunal, nakakapanibago ka na talaga"

"Bakit?"

"Para kasing, hinde na ikaw yung loko loko na sira ulong lalakeng binarkada ko noon, as in, parang tumanda ka na talaga"

"Well, Kim, wala naman akong magagawa eh, I'm really growing old now"

"'Ilang taon ka na ba?"

"23 going 24"

"Bata ka pa tanga! Alam mo ba kung ilang taon na boypren ko?"

"Ilan?"

"Twenty eight pero isip eightteen years old pa din"

"Baka naman kasi rich kid?"

"Medyo, nasa ibang bansa kasi parents niya, malaki ang sahod, madalas nga ako bilhan nang damit noon at sapatos, pero hinde ako yung humihiling ha? Siya yung kusang bigay nang bigay, kaya nga hinde niya masumbat sa akin yun kasi isang beses sinopla ko talaga siya, penge pa nga"
Ang sabi niya sa akin at kinuha ang kaha nang sigarilyon kapit ko. Matapos ay kumuha na din ako at sabay kaming nagsinde

"Namiss kita"
Ang sabi niya sa akin, sa tono nang boses niya, halatang natutuwa siya na makita ako.

"Ikaw din naman namiss ko eh, alam mo may nakilala akong babaeng kaugaling kaugali mo, kaibigan siya nang kaibigan ko sa callcenter na pinanggalingan ko"

"Maganda ba naman?"

"Oo naman, ako pa?"

"Yabang mo, sige nga anong facebook?"

"Hinde ko alam eh"

"Barbers ka talaga"

"Sandali, eto hanapin mo sa cp mo"
At pinahanap ko naman sa kanya si Eusha

"Ang cute naman nito"
Ang sabi ni Kimberly

"Natotomboy ka na naman"
Ang nantatawa kong sabi sa kanya at binatukan niya ako bigla

"Gagu! Pero cute nga siya huh, sandali nasaan?"
At nang nakita niya si Stella ay pinagmasdan niya ako

"Wag mong sabihing naging shota mo din to?"

"Hinde ah! Nakiss ko lang siya"

"Wusshuuuu!!! Mukha! Imbentor ka na ata eh"

"Aba, baka pagnatikman mo ang halik kong malu-paet baka matuwa ka bigla"

"Sige nga?!"
Ang nakangiteng sabi niya sa akin. Ako naman ay ngumuso lang noon at natawa siya

"Kadiri gago!"

"Pero, seryoso, nahalikan ko na yan, nung lasing ako"

"Sabi mo eh"

"Nakakainis ka pa nga"

"Eh kasi naman parang ang hirap paniwalaan na –
" At natigilan siya sa pagsasalita nang bigla ko na lamang siyang halikan noon sa kanyang labi, at natawa naman ako sa kanya dahil tila nakipagsagutan siya nang halik sa akin. Tahimik lamang siyang nakipaghalikan sa akin habang nakapikit ang mga mata, at nagulat ako na nakikipagsabayan siya sa pakikipag French kiss sa akin. Ang lambot pala nang labi ni Kimberly, hinde ko inasahan na malambot ito, mas malambot pa ang labi niya kesa sa labi ni Rosette. Ilang segundo din kami naglaplapan bago ko hiwalayan ang labi niya.

"Ano?"
Ang nakangite kong tanong sa kanya, hinde siya umimik, tumayo at nagulat ako nang bigla na lamang niya akong sapakin, at shet, para talaga siyang lalake kung manuntok

"Bakit mo ko hinalikan?!"
Ang tila inis na sabi niya noon sa akin habang pinupunasan ang labi niya

"Bakit ka naman gumanti?"
Ang tanong ko sa kanya na bahagyang natatawa habang hinihimas ang pisnge ko na kanyang sinuntok. Hinde siya nagsalita at lumapit sa akin, inakala ko noon na sasapakin niya ako at tinakpan ko ang mukha ko, nagulat ako nang alisin niya ang pagkakatakip nang aking kamay sa aking mukha at nagulat ako nang muli ay magkalapat ang aming mga labi. Naging mapusok ang paghalik niya, mabute na lamang at nasasabayan ko siya. Malalim at mabilis ang paghinga ni Kimberly noon habang nakikipaghalikan sa akin, ilang sandali pa nilisan na niyang muli ang labi ko at ngumite sa akin

"Pakyu ka El Nunal ang sarap mong humalik ah"
At nang muli na sana kaming magtutukaan ay may bigla na lamang may nagtapat sa amin nang flash light, ang guard na rumoronda sa subdivision

"Hoy! Wag kayo dito gumawa nang milagro!"
Ang sabi sa amin nang matandang guard, nahiya kaming dalawa at nakatungong naglakad palayo.

"Tong mga kabataan na to"
Ang pahabol pang pagalit sa amin nang guard. Humahagikgik kami ni Kimberly na naglalakad palayo

"Nakakamiss tong ganito ah? Naalala mo ba yung guard sa school natin dati na hinahabol tayo sa tuwing umaakyat tayo nang bakod para umuwi?"

"Oo, naalala ko panga diba nasira yung short mo kasu sumabit sa barb wire?"

"Tanga ikaw may kasalanan nun eh! Eh ikaw nga tangal ang short mo nung sa puno ka nang manga dumaan eh naalala mo?"
At nagkatawanan kami, namiss kong tumawa nang ganoon, umupo muna kami sandali sa may daan upang habulin ang aming hininga

"Wala ka na ba talagang GF?"

"Wala nga, gusto mo ikaw na lang shotain ko?"

"Gusto mo ba?"
Natahimik ako sandali, hinde ko ba alam kung bakit ko biglang sinabi ang mga salitang yun

"Ano? Gust mo ba tayo na?"
Ang sabi ni Kimberly sa akin habang nakatingin siya at nakangite habang hinahawi at sinasabit sa kanyang tenga ang ilang hibla nang buhok niya.

"Seryoso ako"
Ang dagdag pa niya at tila ba hinde ako makapaniwala, hinde ko alam kung pinagtritripan ba ako nito o hinde, pero yung nangyaring halikan kanina, at kung paano siya nagreact doon, hinde ko masabi na nagbibiro siya.

"Ayaw mo ata eh di wag"
At nang akmang tatayo na siya ay hinawakan ko ang kamay niya

"Ok lang talaga sa iyo?"

"Oo naman, single ka single ako, o anong problema doon?"

"Hinde, kahit walang ligaw ligaw?"

"Patagal lang yun, isa pa, type naman kita, type mo ba ko?"

"Ewan"

"Seryoso ako gago to, kahit kelan ka talaga"

"Aba, sino pa ba naman ako para tumangi"
Natawa siya at pinisil ang ilong ko, hinde ko ba alam kung anong meron sa ilong ko at lagi na lang nila ito pinipisil

"Edi shota mo na ako simula ngayon ha?"

"Sabi mo eh"

"Ito pa nga ah oh, seryoso ako, para naman kasing tanga to kausap ah"

"Oo na nga ano ba?"
Ang natatawa kong sabi sa kanya at hawak kamay kaming bumalik sa party ni Cynthia.

"Ang tagal nyo naman?!"
Ang tanong ni Rika noon, halatang lasing na siya dahil namumula na ang mukha niya nang abutan namin siya doon ni Kimberly. Agad lumapit si Kimberly kay Rika at may binulong dito, at mukhang sinabi nito sa kaibigan na kami na, paano ba naman, nakatingin sa akin si Rika habang nakangite at tatango tango sa sinasabi ni Kimberly. Hinde ako nagsalita o nagkumento nang mga sandaling iyon, hinayaan ko lang na matapos ang gabi na ako si Kim, at maaring si Rika din, ang nakakaalam nang nangyari sa amin sa labas. Magaala una na nang madaling araw pero hinde pa din tapos ang kasiyahan sa bahay nang pinsan ni Cynthia, medyo nagkaroon na nang komosyon noon nang may dumating na isang matandang lalake kasama ang ilang guards at nakita namin na kinakausap siya nang mga ito

"Anong nangyare?"
Tanong ni Rika sa akin

"Ewan ko, nasaan si Kim?"

"Nasa banyo, nagaaya nang umuwi, hatid mo yun ha?"

"Oo naman, may kasabay ka naman ata umuwi noh?"

"Susunduin daw ako ni Ate Irene, nandito din pala siya sa Meralco Village, sabay na ako sa kanya, may service naman kami eh, sumabay na kaya kayo ni Kimberly pababa para makamenos ka sa pamasahe"
Ilang sandali pa ay nagsalita si Cynthia sa mike

"Guys, sorry pero need na daw nating mag wrap up kasi may nagrereklamo masyado daw tayong maingay, mga KJ"
At nagsigawan ang mga bisita ni Cynthia

"Ano ba yan, napagalitan na nga, lalo pang nagingay"
Ang sabi ni Rika na halatang naiirita, napansin ko na wala na si Kiko at si Emanuel, maging si Marie at Chery ay wala nang mga oras na iyon

"Nasaan na nga pala sila?"

"Umalis na kanina pa, si Kiko, hinatid si Marie, Si Emanuel naman pupuntahan daw si Rosette, makikipagusap ata, sumabay na si Cherry sa motor ni Emanuel kasi dadaan daw muna sa Kainan sa Kamatsile si Eduardo"

"Ahh… bakit nga pala hinde napunta sina Raymond at Rico? Wala pa ba sila?"

"Wala pa, next week pa uwi nila galing sa dorm, si Mellanie naman hinde pinayagan, may samba kasi sila ngayon"

"Samba?"

"INC kasi siya, isa pa, bawal kasi sa kanila yung pupunta sa ganitong party party"

"Ang lungkot naman nang buhay nang INC"

"Ewan ko, basta ang alam ko madaming bawal sa kanila, sabi ko nga kay Mellanie bakit pa siya nagpaconvert ang saya maging Katoliko eh"

"Si Jose bat wala?"

"Ewan ko dun, hinde ko din alam, baka kasama yung pinsan niya, ang sabi niya sa akin may pupuntahan daw siyang kainan eh"

"Ahh…
"

"Huy, El Nunal, uwi na tayo"
Sabi ni Kimberly sa akin sabay yakap sa akin at dumiin sa aking likod ang malalambot na suso ni Kimberly.

"Naks naman, ang iswit ah!"
Ang nakangising pangaasar ni Rika sa amin. Hinde naman ako nailang bagkus ay hinawakan ko pa ang kamay ni Kimberly. Mayamaya pa ay nagpaalam na silang dalawa kay Cynthia, ako naman ay walang abog abog na umalis at naghintay na lamang sa labas

"Ito, bakit hinde ka manlang nagpaalam sa tao"
Ang sabi sa akin ni Kimberly at kinurot ako sa tagiliran

"Ayaw ko lang mabwisit, ang ganda ganda na nang gabi ko eh sisirain ko pa ba?"
Ang nakangiteng sabi ko sa kanya at tila kinilig ang tingle ni Kimberly

"Ang cheesy nyo pa nga!"
Ang sabat naman ni Rika.

"Hoy! Rika! Dito!"
Isang boses ang narinig namin sa may gilid, nakita namin ang ate ni Rika na nakatayo sa harapan nang tricycle

"Oh, kasama nyo pala si Megamole"
Ang nakangising sabi nito, napangite lang ako sa kanya, hinde naman kasi bago sa akin na asarin ako nito, mula noon hanggang ngayon, madalas akong asarin nito, dati pa nga ay may kasamang batok at suntok pa ang ginagawa sa akin nang ate ni Rika.

"Kim? Ikaw na bayan?"
Ang sabi ni Irene at nagtakip ito nang bibig na para bang nangaasar, napansin kasi nito na magkahawak ang kamay naming dalawa

"Kayo ba ni Megamole?"
Itinaas ni Kimberly ang kamay niya at hinalikan pa ito noon.

"Kayo na!"
Ang sabi ni Rika noon habang natatawa

"Nakeng may nagjejeling!"
Ang sabi ni Irene noon at nagkatawanan kami. Nang mga sandaling iyon, tahimik lamang kami ni Kimberly na magkahawak ang kamay, habang nakadantay ang ulo niya sa aking balikat, samantalang ako noon ay nakatingin sa labas, sinasalubong nang mukha ko ang malamig na simoy nang hangin habang nagiisip, ano kayang mangyayari sa biglaang pakikipagrelasyon ko sa babaeng di ko naman gusto.