1. Home
  2. Stories
  3. Masaya - Part 8
xTorya

Masaya - Part 8

By el_nunal ·

"Meron, sa may bag ko, kunin mo na lang"
At pumasok na siya nang kwarto, pumasok ako nang kwarto at kinalikot ang bag niya. Habang nagkakalikot nang gamit niya ay may napansin akong isang piraso nang stationary na nakatupe, hinde ko alam kung bakit tila ba naisipan ko itong kunin at buksan, at nagulat ako nang makita ko na isa itong sulat, love letter para kay Kimberly galing sa hinde ko kilalang lalake na nagngangalang
"Arthur". Napangisi ako at binalik ang sulat sa bag niya, hinde ko alam kung bakit pero parang nabadtrip ako, siguro naman ay kahit sino ay mababadtrip kapag nakabasa ka nang loveletter sa bag nang kasintahan mo galing sa ibang lalake hinde ba? Matapos kong magsipilyo ay muli na naman akong nagsigarilyo, makalipas ang kalahating oras ay natapos na din si Kimberly sa paliligo

"Nagyoyosi ka naman?! Aba nakakaisang kaha ka na ah?"
Ang sabi ni Kimberly sa akin pero, hinde ako kumibo, hinde ko siya pinansin, ganito ako kapag badtrip ako, hinde palausap, hinde palakibo, at nanahimik lamang, hanggang sa kaya ko nang magsalita at humarap sa taong kinaiinisan ko

"Adjaw, parang walang naririnig to ah oh? Huy!"
Ang sabi niya sa akin habang nagpupunas nang buhok.

"El Nunal, ayaw ko pa nga nang ginaganyan ako, anong problema mo?"

"Sino si Arthur?"
Ang tanong ko sa kanya, hinde siya nakaimik at pinagpatulo ang papunas nang buhok sa salamin

"Bakit mo naman natanong si Arthur? Kilala mo ba?"

"Nabasa ko yung sulat niya sa bag mo, ang sweet nga eh"

"Nakielam ka nang gamit nang may gamit? Sabi ko sepilyo lang kunin mo di ba?"
Ang inis na sagot niya sa akin, medyo nainis ako, galit na ako tapos nakikigalit pa siya, hinde na ako umimik noon, hinde ako kumibo, matapos kong magsigarilyo ay uminom ako nang tubig.

"Wala yun, nanliligaw lang sa akin yun, ito naman, nagagalit ka dun?"
Ang nakangiteng sabi niya sa akin, hinde ako umimik at umupo lamang sa sofa nila, inaantay ko lang siyang matapos magbihis bago umalis, badtrip talaga ako, ayaw ko kasi sa lahat na ako na yung parang naagrabyado, sila pa ang galit, nakakainis lang, isa pa, panget talaga ang naging mood ko noon dahil nga sa di ko nagustuhan ang sinabi niya sa akin, ayaw kong magsalita nang kung anoano sa kanya, alam ko kasi na pag ako galit, may mga bagay akong nasasabi na masakit talaga, at ayaw kong mangyari iyon. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang tuhod ko at lumuhod

"Huy, ito naman, bakit ka ba nagagalit?"
Huminga muna ako nang malalim nang ilang ulit bago ako magsalita

"Sino bang hinde maasar sa ginawa mo? Ikaw ba matutuwa kung makakita ka nang love letter sa gamit ko tapos sabihan kita bakit ka nangingialam nang gamit? Matutuwa ka ba doon?"
Hinde siya nakaimik at tumabi sa akin at niyakap ako

"Wag ka nang maasar, sorry na"

"Sino ba yung kumag na yun?"

"Kasama ko papasukan ko, nanliligaw sa akin"

"Ahh… ok"
Ang sabi ko noon habang iiling iling

"Bakit sa tingin mo ba papatulan ko yun?"

"Ewan ko? Tinangap mo nga yung sulat eh, malay ko ba kung ano pa tatangapin mo sa kanya di ba?"

"Eto naman! Para ka namang timang diyan, sulat lang yun ano ka ba? Wag ka nga, halika sumama ka talaga sa akin, ipapakilala kita sa kanya, papakita ko sa kanya ang boypren ko, sumama ka na ha?"
Tinignan ko siya, at hinalikan niya ako noon sa labi, hinde ako sumagot sa halik niyang iyon at patuloy na yumakap sa akin

"Ito naman, nagagalit agad sa ganun oh, napakaseloso mo naman"

"Hinde naman sa ganun, kaya lang, nakakabadtrip lang eh"

"Asus! Wag ka nga, nunal mo lumalaki oh!"
Ang nakangiseng sabi niya sa akin at pinisil pisil ang nunal ko, napangite lang ako noon sa kanya at hinalikan din ang labi niya

"Magbihis ka na"

"Sasama ka ha?"

"Oo na, gusto ko din makita yung lalake"

"Baka naman sapakin mo ha? Kilala kita eh"

"Hinde ako yung dating nanapak na lang bigla noh? Wag lang magkakamali nang galawan yun at bibigyan ko yun"

"Malaking tao yun tangek"

"Bakit, naalala mo naman mga nakasapakan ko dati ah?"
Ang sabi ko sa kanya, alam kasi ni Kimberly at nakikita niya noong grade 6 kami ay mas malaki pa ang kadalasan kong nakakaaway at nakakasuntukan, mabangasan (masuntok at mamaga ang mukha) man ako sa mukha, sigurado namang mas bangas ang mukha nang nakakasuntukan ko. Alam niyang suki ako nang away noong grade 6 ako, madalas ay may mga gang pa ang nakakainitan ko kaya naman laging may nagaabang sa akin tuwing uwian, naging ganoon ang buhay ko noong elementarya ako, natigil lang naman ako sa pakikipag basag ulo nang magaral ako sa Catholic, nabantaan na kasi ako nang school na ikikick out ako pag gumawa pa ako nang gulo noon first year ako, sa loob kasi nang isang buwan, nakagawa agad ako nang major offense sa eskwelahan na iyon, pero natuto na din naman ako sa kamalian kong iyon, na maliit pala ang mundo mo kapag madami kang kaaway, kaya naman natuto na din akong ibaba ang pride at iwasan na lang ang pakikipagsuntukan, maliban na lamang kung natatapakan na ang aking pagkalalake.

"Oo na, ikaw na, kaya nga crush kita dati pa eh, tigas mo masyado, pero sana hinde ka na tulad nang dati ha?
Ayaw ko nang gulo El Nunal ha? Papakita ko lang sa kanya na hinde na ako pwede dahil may shota na ako"

"May extrang pera ka pa ba?"

"Oo naman, magkano lang naman pamasahe di ba? Isa pa sagot nang kumpanya yung medical ko, pero sabi ko kay mama may bayad"

"Lukaluka ka talaga"

"Ok lang yan, minsan lang naman eh, bihis na ako ha?"
Hinawakan ko ang kamay niya at ngumite

"El Nunal, wag ngayon at may lakad tayo"

"Maaga pa naman eh"

"Tsk Ihh… ikaw pa nga ang libog mo! Talo mo pa ang butiking Pasay sa kalibugan"

"Ha?"
Natawa ako sa sinabi niya, bago kasi sa pandinig ko ang salitang iyon
"Nabitin ako kaninang madaling araw eh"

"Ikaskas mo sa pader sa banyo, tiles yun, hinde masakit"
Ang natatawang sabi niya, hinila ko siya at halata naman na sinadya na madagan sa akin at napahiga siya sa aking binte

"El Nunal… tsk… eto naman oh, maya na lang"

"Uuwi na ako mamaya eh"

"Edi sabay na tayo, tapos bukas samahan mo na lang ulit ako dito? Ano? Ha?"

"Sige na nga, magbihis ka na habang nakakapagpigil pa ako"
Ang sabi ko sa kanya at dahan dahan siyang bumangon at hinalikan ako sa noo

"Love you!"
At dali dali siyang tumayo at pumasok nang kwarto. Nang mga sandaling iyon, pinilit kong patayin ang yamot na naramdaman ko sa nakita kong sulat, maya maya pa ay nagulat ako nang biglang may tumawag sa aking cellphone.

"Oh Pauline, napatawag ka?"
Ang tanong ko sa kanya

"Nasaan ka? Bat hinde ka umuwi kagabe? Napagalitan kami kagabi nung mukhang katulong na babae, galit na galit nga eh, pinaalis kami, sino ba yun?"

"Hipag ko, sila kasi may ari nang bahay"

"Ahh… yari ka, nagagalit, kasi may matanda munang pumunta tapos sunod yung babaeng payat"

"Nalinis nyo ba yung bahay?"

"Hinde nga eh, pinaalis kami agad eh, sasagutin nga dapat ni Lyn eh bute nandoon si Mike"

"Sige sige, salamat sa tawag"

"Nasaan ka?"

"Sa bahay nang kaibigan ko"

"Kaibigan o Kaibitan?"
Natawa lang ako noon, mayamaya pa ay binaba ko na ang tawag. Mayamaya pa ay may dumating naman text, mula kay Rika, hinahanap ako, hinde ko na ito nireplyan at naginat inat. Mayamaya pa ay lumabas na si Kimberly mula sa kwarto at napangite ako sa itsura niya, ang cute niyang tignan sa Chinese dress na suot niya na kulay itim na may disenyong gold na lettering nang intsik, kasama pa ang chopstiks na ipit niya sa buhok.

"Bagay ba?"

"Ang cute mo!' At bigla ko siyang niyakap

"Adik to, bat di ka pa nagaayos, sandali, magpolo ka nga, baho na nang damit mo eh"
Pumasok siya ulet nang kwarto niya at inabutan ako nang isang asul na polong long sleeves.

"Ang init init pagsusuotin mo ko nang sleeves?"

"Itupi mo siyempre adik ka pa nga, halika dito"
At habang binibihisan niya ako ay di ko maiwasan na alalahanin muli si Charice, naalala ko kasi siya na inaayusan ako nang bihis, si Charice din kasi ang nagturo sa akin na maging balidoso, maglotion, magpabango, tamang paggegel at style nang buhok, pagporma.

"Oh, tahimik ka na naman diyan?"
Ang tanong sa akin ni Kimberly habang hinahawi ang buhok ko at inaayos ito

"Wala, may naalala lang ako"

"Wag kang sisimangot, ang panget mo na nga eh papanget ka pa lalo"
Natawa ako sinabi niya, naalala ko kasi na binati din ako ni Charice nang ganoon nang minsan akong sumimangot at nakita ako ni Charice.

"Ayan, ok na, mukha ka nang tao ulet, sandali eto yung sulat di ba?"
Pinakita niya sa akin at kinuha ang lighter at sinindihan ito sa harapan ko

"Oh ayan, baka sabihin mo kasi may meaning sa akin yang papel na yan"

"Adik to bat mo naman sa loob nang bahay sinindihan?"

"Medyo nainis ako eh, nakita ko kasi kanina pagkuha ko nang lipstick"
Agad kong sinipa palabas nang pinto ang papel na iyon habang nasusunog, nakakatuwa talaga tong babae na ito.

"Tara na, alis na tayo, para maaga tayong makauwi sa Binangonan"
Ang sabi niya sa akin, kumha siya nang isang payon na nakasabit sa may rack sa loob nang bahay ng auntie niya, matapos ay nilock na niya ang bahay at umalis na kami. Hinde ko maiwasan na mailang dahil nang mga sandaling iyon, pinagtitinginan kami nang mga nakatambay sa kanila, yung iba pa ay panay ang sipol

"Oh, wag mo nang pansinin yung mga yun, kilala ko yung mga yun, sira ulo lang talaga yang mga yan at madalas akong pagtripan, mga kalaro ko yan at ni Kuya Cosme noon, wag kang magalala walang mambabastos sa akin dito at takot sila kay Kuya"

"Gangster ba kuya mo?"

"Tao Gamma si Kuya"
Nabigla ako noon, hinde ko inakala na kabilang pala ang kapatid ni Kimberly sa isang kilalang fraternity.

"Ikaw hinde ka ba kasali sa mga frat?"

"Ano naman mapapala ko sa frat frat na yan? Ikaw? May frat ka ba?"
Ang nakasimangot na tingin niya sa akin

"Oo"

"Weh? Di nga? Ano naman?"

"Frating Gutom"
Natawa siya at binatukan ako

"Ang korni mo!"

"Natawa ka naman eh ayos na yun"

"Loko loko ka talaga"
Sumakay na kami nang tricycle at nagtungo sa pinakamalapit na MRT station, magaalas dos na kasi noon kaya naman mas minabute na naming mag MRT. Maluwag lang ang pila dahil hinde naman Rush Hour at nakaupo pa kami sa loob nang tren.

"Malayo ba yung clinic na pupuntahan mo?"

"Hinde naman, after sa last station, tapos dadaan tayo sa may over pass tapos ayun na"
Habang naguusap kami ay biglang may tamawag sa kanyang cellphone

"Oh, napatawag kayo, oo papunta na ako, si ARTHUR?! NANDYAN BA?!"
Ang may puntong tanong ni Kimberly sa kausap niya sa phone habang nakatingin sa akin habang nakangite

"Ganun ba? Sige sige, sabihin mo padatin na ako, oo, sige sige"
Tumingin siya sa akin at piningot ang ilong ko

"Nandoon si Arthur, inaantay daw ako may dalang rose at tsokolate"

"Tangapin mo sayang"

"Sus! Gaganyan ganyan ka tapos mamaya aawayin mo ako?"

"Hinde ah, bahala ka na kung tatangapin mo o hinde"

"Ito naasar na naman"

"Adjaw, nakangite nga ako tapos maasar ako?"

"Bahala ka, tatangapin ko talaga yun"

"Bahala ka"

"Talaga!"
Natawa ako sa kanya dahil ang cute niyang tignan lalo pa nang ngumuso siya

"Biro lang ito naman naiinis na naman"

"Che! Wag mo nga akong hawakan usug usug shuu! Shuu!!"
Ang natatawang sabi niya sa akin, natawa lang ako at inakbayan siya

"Ano tatangapin ko ba?"

"Ikaw nga
"

"Kahit kelan ka talaga wala kang kwentang tanungin"
Ang sabi niya sa akin. Ilang sandali pa ay nakarating na din kami nang Taft, at nagpunta sa sinasabing clinic ni Kimberly

"Wow si Loli Chan Chinese na!"
Ang sabi noon ni Romel, inapiran ako at nilapitan

"Uy kuya, may nanliligaw pa nga dyan kay Kimberly"
Ang sabi nito sa akin at sinuntok ni Kimberly ang binata

"Loko loko ka talaga Romel yari ka talaga sa akin"
Natawa lang ako, mukhang close na sila ni Anime Guy, yun na kasi ang tawag ko sa kanya nang malaman kong katulad ko din siyang nanunuod nang mga Anime.

"Ihhh!!! Nandyan na ang crush mo Arthur!"
Ang sabi nang mga kasamang babae ni Kimberly, hinde ito yung grupo nang babaeng nakita ko na kainuman niya noong nakaraan, si Romel o Anime Guy lang natatandaan ko sa lahat nang nakasama kong maginom. Tumingin sa akin si Kimberly at ngumite lang ako

"Oi My Loves nandito ka na pala!"
Ang sabi ng isang lalakeng nakasuot pa nang jacket na may logo nang Ataneo de Manila, magankad nga ito, sa tantya ko ay mga 5'8 hanggang 5'9 ito, mukhang basket ball player ito, hinde ko maipagkakailang gwapo ang kumag, pero halatang mayabang at presko, hinde ako kumibo at nagmatyag lang, nakita ko na inakbayan siya nang lalake at akmang hahalikan sa pisnge at sinupalpal sa mukha nang papel ni Kimberly ang binata

"Kuya, ok ka lang?"
Ang tanong noon sa akin ni Anime Guy

"Oo naman, tinitignan ko lang naman kung anong gagawin nang GF ko eh"
Ang sabi ko sa kanya pero sa loob loob ko, gusto ko nang basagin ang mukha niya, kapag nakipagsuntukan sa akin ito, pihado, hinde ako luge, panget na naman ako eh, samantalang siya, mukhang alaga pa sa kung ano anong panlagay sa mukha ang binata, natawa nga ako nang mapansin ko na tila may foundation day pa ang mukha nito (foundation day =foundation, face powder).

"Arthur, para kang tanga ha?"
Ang narinig kong sabi ni Kimberly noon

"Bakit ba ayaw mo sa akin My Loves?"

"Sasapakin kita diyan"

"Eto oh, binili kita nang chocolates"
Nagulat ako dahil nasipat ko na hinde basta basta tsokolate ang dala ng kumag, mamahaling uri ito nang tsokolate, at ang rosas, maganda din, halatang mayaman ang lalake, sa bagay, kita ko din naman sa suot niyang damit, at pantalon at maging sapatos, lahat branded. Nang mga sandaling iyon, medyo hinde na ako nakapagtimpi nang pilit pa din niyang inaakbayan ang girlfriend ko at kitang kita ko ang pagkagulat nang mga kasama ni Kimberly sa aking ginawa, sa unang pagkakataon, ginawa ko ang isang bagay na hinde ko kelan pa ginagawa kahit kanina, maliban kay Kim.
Nakita ko noon na nabigla si Kim sa aking ginawa, sa harap nang madaming tao, hinalikan ko siya sa labi, maging ang lalaking nangungulet sa kanya noon ay natigalan lamang, hinde din nakapagsalita si Kimberly

"Bhebs, ok ka lang?"
Ang nakangiteng tanong ko sa kanya, ngumite siya sa akin at piningot ang aking ilong

"Loko loko ka talaga"
Ang mahinang sabi ni Kimberly sa akin, hinawakan niya ang aking kamay at kasama niya akong pumasok sa loob nang clinic, nilinga ko ang lalakeng gwapings na halatang naasar at nayamot sa aking ginawa. Habang nakaupo sa loob, nagtaka ako kung bakit tahimik si Kimberly

"Problema?"
Ang tanong ko sa kanya, umiling siya pero alam ko na kapag ang babae nanahimik, madaming iniisip yan, hinde lang isa o dalawa, there might might countless thoughts na umaandar sa isip niya nang mga oras na iyon, hinde ko siya kinulit, ayaw ko kasing magaway kami sa harapan nang mga kasama niya na nandoon, lalo pa at nakita ko na pumasok noon si Arthur na noon ay panay ang kuyakoy at iiling iling sa tuwing nahuhuli kong nakatingin sa amin ni Kimberly.

"Kumusta?"
Ang tanong ni Kimberly kay Anime Guy

"Ayus naman, after three days daw natin makukuha yung results, ikaw na
" Ang sabi nito kay Kim at siya munang tumabi sa akin. Pinahawak sa akin ni Kimberly ang dala niyang bag at pumasok na sa examination room

"Astig nang ginawa mo doon ah, idol"
Ang sabi ni Anime Guy sa akin, marahil ang sinasabi niya ay ang hayagang pagsasabi ko na akin ang babaeng gustong pormahan ni Arthur

"Ganoon talaga tol, kesa naman manahimik ka lang at awayin mo ang Girlfriend mo di ba?"
Ang medyo may kalakasan kong sabi noon kay Romel, pinaparinig ko kasi talaga sa lalakeng iyon ang aking sinasabi, may ugali din kasi akong mangaasar. Halata namang tinablan ang binata at tila ba lumabas muna ito, ang tatlong babae naman na kasamahan ni Kimberly noon ay tila ba mga manang na nagchichismisan, pero mukhang hinde naman kami ang pinaguusapan nang mga ito, may binabasa kasi sila sa text.

"Mukhang masaya ang work napapasukan nang girlfriend ko ah"
Ang sabi ko kay Romel

"Medyo, maganda naman ang sahod, ikaw kuya baka gusto mo magapply, graduate ka ba nang 4 year course?"

"Yun lang, hanggang two years lang ako, under grad pa nga eh"

"Ay yun lang, hanap kasi nila graduate eh, may kasama nga ako eh, sayang, mabilis pa naman magtype yun, kaso ayun under grad din, hinde na siya ininterview kasi bagsak na agad sa requirements"

"Yun nga minsan nakakabadtrip sa mga kumpanya eh, dami nila demands na requirements, bakit hinde nila tignan ang talent at performance nang nagaapply sa kanila"

"Sabagay"
Ang tantango tangong sabi ni Romel, sa totoo lang, yun din ang kinaasar ko kaya din ako tinatamad na magapply noon sa mga office work, requirements nila eh kung hinde ka dapat graduate nang four year courses eh may 6 – 1 year experience ka na, paano ka magkakaexperience kung hinde ka nila bibigyan nang pagkakataon upang magtrabaho, pero siguro, nagrereflect din kasi sa tao kung graduate ka or hinde, naalala ko kasi nang minsang pagusapan namin iyon ni Charice, kung bakit kailangan baguhin ang standards nang papasok na mga tauhan sa dati kong pinapasukang company sa callcenter, na from high school kailangan atleast 2 years college, tulad ko na aminadong tinamad talaga na pumasok, maaring iyon din ang naiisip nang ibang kumpanya, kung sa pagaaral nga lang tinamad na ang taong to at hinde nakatapos, sa trabaho pa kaya, hinde ko din naman masisi ang ibang kumpanya na mas piliin ang mga kahit bagito pero graduate kesa sa may experience pero hinde naman tapos. Halos kalahating oras din ako naghintay sa labas bago matapos si Kimberly

"Oh, ok na?"
Ngumite siya at tumango

"Wala ba kayong gala nang mga kasama mo?"
Ang tanong ko sa kanya

"Naku, uwi na lang tayo, nasaan na yung iba kong kasama?"

"Yung tatlong maria umalis na, yung letter sender mo lumabas, si Anime Guy naman kakaalis lang, may tumawag daw eh"

"Ahh… ikaw wala ka bang gusto puntahan?"

"Kung may pera ako, baka inaya kita magmall, wala ako ades na dala diba?"

"Oo nga pala, wala din ako ecxtra eh, pamasahe na lang natin, ano uwi na tayo?"
At hawak kamay kaming lumabas nang clinic. Muli ay napansin ko na tila ba balisa na naman si Kimberly habang nakasanday sa aking balikat habang nakasakay kami sa FX pauwi. Iniisip ko kung inaantok lang ba siya o may iniisip, pero ano naman kaya, hinde ako nakatiis at tinanong na siya

"Ano bang iniisip mo?"

"Parang ang bilis natin noh?"
Natigilan ako bigla sa sinabi niya, bakit kaya niya biglang naisip sabihin ito sa akin

"B-bakit? May problema ba sa atin?"

"Wala naman… napaisip lang ako bigla… parang ang bilis nang phasing natin, sinagot kita last week tapos this week may something na tayo agad na ginagawa.. parang ang bilis lang"
Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan ito

"Ok lang yan, ano ka ba, hinde naman tayo bata para magpatweetums pa di ba?"
Naalala ko ang linyang ito na sinabi sa akin ni Charice, naalala ko din kasi na minsan kong natanong ito sa kanya, na parang ambilis naman ata nang phasing nang relationship namin, wala manlang ligaw ligaw portion, pero magkaiba kasi si Charice at si Kimberly, unlike Charice na complete stranger, kahit papaano ay may nakaraan kami ni Kimberly bilang malapit na magkaibigan at alam na namin halos ang ugali nang isa't isa, pero, nang mga sandaling iyon, napaisip din ako, parang ang bilis nga nang phasing nang relasyon namin.

"Masaya ka ba?"
Ang tanong ko sa kanya

"Ha?"
Ang sagot niya sa akin na tila ba nagulat sa aking tanong

"Masaya ka ba sa akin? Sa relasyon natin?"

"Sa tingin mo?'

"Ewan ko… pwede naman kasi na napilitan ka lang, pwede din naman na hinde ka naman masaya, pinipilit mo lang, pwede din naman oo masaya ka, hinde ko alam eh, inoobserbahan pa kita"

"Sa tingin mo bakit nagiistay ang isang tao sa isang lugar? Ganoon din ang tao, bakit sila nagiistay na karelasyon ang isang tao?"
Ang nakangiteng tanong niya sa akin, hinimas ko ang ulo niya at hinalikan ang noo ni Kimberly

"Ikaw pa nga mukha ka talagang halik, nga pala, wag mo nang gagawin ulit yun ha? Nakakahiya eh"

"Bakit naman? Masama ba?"

"Hinde naman, wala naman kaso sa akin yun kaso, anong iisipin nang ibang tao sa atin? Masyado tayong PDA? Ikaw na din ang nagsabi di na tayo bata di ba?"

"Sorry, ngyon ko lang naman ginawa yun eh"

"Weh?"

"Di wag kang maniwala, isa pa, ginawa ko lang naman yun kasi medyo naasar na ako sa ginagawa sa iyo ni Letter Sender mo eh, masyadong presko at inaakbayan ka na, aba, hinde na naman ata tama yun"

"Nagseselos ka dun?"

"Aba, sa gwapo nun, mamaya mahulog ang panty mo"
Natawa siya at binatukan ako

"Bunganga mo naman, tingin mo papatol naman ako basta basta sa ganun? Kilala mo naman ako na ayaw ko sa ganun di ba? Masyadong presko, ok lang sana kung mayabang siya eh, pero mayabang na presko pa"

"Mayabang ba ako?"

"Oo naman, hinde mo lang kasi napapansin, pero yung yabang mo naman ayos lang eh, kasi may ipagyayabang ka naman, tulad nang mole mo"
Ang natatawang sabi niya, natawa lang ako sa kanya at muli ay dumantay na siya sa akin

"Hanggang kelan kaya tayong ganito?"
Isang tanong na sinabi niya sa akin, isang tanong na biglang tumimo nang husto sa aking isipan, hanggang kelan nga kaya ni Kimberly na ganito.

"Dito na tayo, Kim, gising na"
Ang sabi ko kay Kimberly habang mahimbing na natutulog, agad naman siyang nagising, natawa ako dahil tulo laway pala siya nang mga sandaling iyon, pinunasan ko ito at napangite siya

"Sorry, sarap nang tulog ko eh"
Napansin ko na basa ang balikat ko, may isang bagay ako naalala, isang taong unang gumawa sa akin nang bagay na iyon, pinagmasdan ko siya at tila nagtaka at nakangiteng nagtanong sa akin

"Bakit? May muta ba ako?"
Umiling lang ako noon at muli ay hinalikan ko siya sa kanyang noo

"Ikaw pa nga, mukha ka talagang halik"
Ang nakangiteng sabi niya sa akin at ilang minuto pa ang lumipas ay bumaba na kami sa tapat nang plaza sa harap nang barangay kung saan siya nakatira.

"Tambay muna tayo dito, maya na tayo umuwi, maaga pa naman eh"
Ang sabi ni Kimberly sa akin at hinawakan ang aking kamay at inaya niya ako na umupo sa isa sa mga bakanteng bench. Tahimik lang kami na nakaupo habang hawak kamay kami at pinagmamasdan ang mga taong dumadaan, mga estudyanteng naglalabasan, nagtetext, may mga tinatawagan, may mga kasintahang hinihintay, barkadang inaabangan.

"Di ba nag URS ka din?"

"Oo, sa Morong"

"Di mo din tinapos noh?"

"Katamad eh, isang semester lang akong gumala, pero may mga natutunan naman ako kahit papaano so di naman sayang ang pageenrol ko doon"

"Ahh, bakit hinde ka nag RTU?"

"Bukod sa malayo, hinde ako pasado sa standards nila, kasi atleast average of 84 ang kailangan nila sa student na grade nang highschool"

"Oh, bakit? Bobo ka na ba sa academics?"

"Wagas naman ang pagkakabobo mo"

"Palakol ba nakuha mo? Anong nangyare sa brainiac na El Nunal na kilala ko?"

"Huy, hinde naman ako ganoon kabobo noh? Sa Math lang alam mo naman yan diba?"

"Sabagay, doon ka ba nadale?"

"Oo pero hinde makatarungan ang nangyare sa akin, napaginitan ako nang teacher kong manyikul eh"
Natawa siya at mukhang interesado sa aking kwento kaya naman kinuwento ko sa kanya kung bakit ako nakakuha nang line of 7 sa aking grades, ang masakit kasi nito third at fourth grading ako binigyan nito nang line of 7 (78-77), alam ko sa sarili ko na hinde ako bobo sa math na iyon dahil hinde naman ito more on formule, business math ito, more on taxation, word problems at simple at basic math, sadyang naging mainit lang naman ang ulo sa akin nang teacher ko na iyon dahil nasuspend siya sa panununtok sa isang estudyante matapos ay kamukha ko daw ang estudyante na iyon kaya mainit ang dugo sa akin, pangalawa ay nang sa harapan niya ay sabihan ko ang sinisilipan niyang estudyante na kita o na lose button ang suot niyang uniporme at kita na ang bra niya, masyado kasing malaki ang dibdib nang kaklase ko na iyon sa subject naming iyon, hinde ko nga siya matatawag na suso, joga siya, dahil malalaking melon talaga ang suso niya, bukod pa sa maganda na ito at cute, inosente ito masyado, at shota siya nang isa sa mga kaibigan ko noong highschool ako kaya naman, repeto na din, kahit na noong una eh panay din ang boso ko sa babaeng iyon.(lalake eh, ano pang aasahan nyo :3)

"Grabe naman yung teacher mo na yun?"

"Naku, hanggang ngayon yamot pa din ako, pagnasasalubong ko nga yung matandang hukluban na yun, hinde ko pinapansin eh, kahit isang beses binati ako, wala, para lang siyang hangin, kesa naman makipagplastikan pa ako hinde ba?"

"Sabagay, tska baka mabastos mo pa, mahirap na, sumasagot ka ba sa matanda?"

"Oo naman, pero depende, kilala mo naman ako ayaw na ayaw kong maagrabyado ako nang wala naman akong kasalanan diba? Ayus lang sa aking kung buntalin nila ako kasi may ninakaw ako o may nasira ako na gamit nila o ako yung nanggulo, pero yung tipong nanahimik ako tapos gagaguhin ako ay, gera na to, kahit naman sino di ba?"

"Sabagay, kahit naman ako ganyan eh, pero hinde ko pa ata nagagawang sumagot sa matanda, tumitiklop ako eh"

"Naku, paano yan kung sila naman yung may kasalanan, sa trabaho mo sigurado may matanda kang maeencounter na ganyan, pwede mo naman sila sagutin basta, tatandaan mo lang na dapat nasa posisyon ka para sumagot at nasa katwiran ka"

"Sumagot ka ba sa magulang mo? Sa ate mo? Sa mama mo?"

"Oo naman, pero alam nila na nasa katwiran ako kung sumagot, hinde naman ako sumasagot kapag alam kung mali ako at ngumingite na lang eh"

"El Nunal, paano kung isang araw si Mama makaharap mo, sasagutin mo din ba siya?"

"Depende, kung sasabihin mong wag akong sumagot ibabahag ko ang buntot ko para sa iyo, alam ko naman na hinde mo magugustuhan yun di ba?"

"Talaga! Akala ko sasabihin mo sasagutin mo siya, ako nga hinde ko maaway yun kahit alam kong mali na siya, kahit si Kuya eh, kaya nga sinasabihan na kita na wag kang basta basta pupunta nang bahay"

"Alam ko po"

"Pinapaalalahanan lang naman kita eh, mahirap na, di ba? Kain tayo kwekkwek, nagutom ako, nainget ako sa kanila eh"
Ang nakangiteng sabi niya sa akin at agad naman kaming nagtungo sa malappit na turo turo at kumain, matapos ay naglakad na kami papunta sa kanila. Wala naman doon ang Mama niya kaya namna naihatid ko siya pauwi sa kanila.

"Oy, salamat ha?"

"Si kuya mo?"

"Wala, malamang nakina Reggie yun kasama si Bunso"

"Ikaw lang diyan?"
Ang nakangiteng sabi ko sa kanya

"Yang ngite mo na namang yan ha? Ikaw talaga, next time na"

"Sabe mo eh paguwe"
Ang nakangusong sabi ko, di ko alam kung anong itsura ko, siguro panget at nakakatawa dahil bigla siyang tumawa noon

"Loko loko ka talaga, umuwi ka na nga, tsk ikaw talaga, kiss na lang kita"

"Kisabayag?"

"Loko Loko! Sige labas mo!"

"Nake! Napaka green! Sabi ko Kiss sabay Hug"
At nagkatawanan kami noon, bigla niyang inabot ang buhok ko at sinabunutan ako nang pabiro

"Loko ka talaga, pero seryoso, bawas tayo nang ganun, pumayag na nga ako sa iyo na walang kapote di ba? Isa pa wag nating sanayin ang sarili natin laging mag ganun"

"Anong magganun?"

"Ulul mo! Seryoso, kahit twice o once a week na lang, hinde yung magkadikit tayo eh may ganun"

"P-pasensya na, natigang lang kasi ako eh, hinde naman ako ganun eh"

"Uluuul! Magdradrama kapa, sige na umuwi ka na, matutulog na din muna ako, text na lang kita pagnagising ako ha?"

"Sige sige"

"Oi sandali"

"Bakit?"
At lumabas siya nang gate at hinalikan ako bigla sa aking labi. Ngumite siya at pinisl ang aking ilong at pumasok na sa loob nang bahay nila. Iiling iling lang ako at nagsimula nang maglakad patungo sa sakayan. Habang nasa jiip ako ay nagiisip ako, masaya na ba ako ngayon sa piling ni Kimberly, hinde naman ako naboboring, pero, hinde naman ako ganoon kasaya katulad nang pagiging masaya ko noong karelasyon ko si Charice. Marahil ay hinde pa kasi ako nakakamove on nang lubusan kay Charice, at si kimberly ang ginagawa kong medium para mawala ang lumbay ko at lungkot sa babaeng iyon, iniisip ko nga, ang sama ko, ginagawa kong panakip butas si Kimberly, pero, kahit papaano ay nahuhulog na naman ako kay Kimberly, kahit na moody siya, mabait at sweet naman, kaya lamang, muli na namang tumimo sa aking isip ang salitang binitawan niya kanina

"Hanggang kelan kaya tayong ganito?"
Masyado akong napapaisip nang mga oras na iyon kaya naman hinde ko namalayan na lumampas na pala ako nang aking bababaan at natawa ako, kaya naman dumiretso na din ako at nagtungo na lamang sa tambayan at doon na lamang ako naghapunan.

"Wait lang El Nunal ha? Malapit na maluto"
Ang sabi sa akin nang may ari nang tambayan namin

"Pa shot ka naman"

"Wala akong dalang bala ngayon eh, uutangin ko nga muna yang inorder ko eh, pero babalik din ako mamaya, ok lang ba kuya?"

"Oo naman, umutang ka na din nang alak, kukuha na ako?"
Hinde naman ako nakatangi at nilibre na nang alak ang may ari nang tamabyan namin, kumuha siya nang dalawang baso at yelo at doon hinde ko inasahan na mapapainom ako. Mayamaya pa ay may isang motor na dumating, kilala ko na kung sino iyon, si Mcoy, kasama si Fae, agad na nanakbo papunta sa akin si Fae at sinabunutan ako

"Bakit ngayon lang tayo nagkita! Painom ka naman!"
Natawa lang ako noon, pansin ko na tila nakainom na sila ni Mcoy, umupo siya at si Mcoy sa table namin kasama ang may ari nang tambayan namin, kumuha pa nang dalawang baso ang may ari at isang RH pa.

"Saan ka ba nagpupunta? Hinde ka ata napupunta kina Pauline?"
Ang tanong ni Fae sa akin

"May inaasikaso lang ako, may kaibigan lang akong pinupuntahan"

"Weh? Kaibitan ata eh"
Ang sabi ni Fae, mayamaya pa ay natigilan ako sa pagsasalita nang makita ko ang isang taong biglang dumating sa tambayan, hinde ko inasahan na darating siya

"El Nunal!"
Ang bati niya sa akin at kumaway ito at tanging ngiteng aso lang ang nagawa ko
Nakita ko ang dating kasintahan ni Mcoy kasama ni Lyn at Pauline, at kitang kita ang mga reaksyon nang mukhka nila nang makita na nandoon din si Fae at si Mcoy na kasama namin nang may ari nang tambayan at nagiinuman kami. Hinde na noon lumapit sa amin si Lyn at ang dating kasintahan ni Mcoy, si Pauline lang ang lumapit at sinabunutan ako

"Hayoop ka saan ka nagpupunta?!"
Ang sabi niya sa akin habang sinasabunutan ako

"Aray! Masakit pa nga"
Ang sabi ko sa kanya na medyo natatawang naiinis, masakit kasi ang sabunot niya, alam ko na naasar siya dahil sa sitwasyon at tensyon na maaring mabuo nang mga sandaling iyon, at naiipit siya sa dalawang taong kaibigan niya, nakuha ko naman ang gusto niyang iparating, na tulungan ko siya sa gusot na iyon, napangite lang ako napatingin kay Fae na noon ay halatang tinitignan si Mcoy kung ano ang magiging reaksyon, ngingite ngite lang si Mcoy at Pauline habang panay ang kuyakoy nito at panay ang bulong kay Fae at iiling iling lang ang dalaga. Hinde ko alam kung ano ang pinaguusapan nila pero sa aking tantya ay may kinalaman ito sa dati niyang kasintahan na noon ay nandoon din, at nagulat ako sa itsura niya, ang dating simple pero cute na babaeng yun eh tila ginagaya ang itsura at pormahan ni Fae na malayo niyang magaya, hinde kasi talaga bagay sa kanya ang ganoon, nagulat ako sa nakita kong may kakapalang kolorete, contact lense foundation, pulbos, at namamango siya dahil mula sa table namin ay abot ang amoy niya dito. Hinde ko alam kung ano nga ba ang gagawin, hinde ko din kasi inasahan na darating ang dalwang ito, maging ang tatlong dilag ay wala din akong kamuwang muwang na susulpot, alam kong ticking time bomb ang nasa tamabayan, at sa oras na maginom ang mga ito, sasabog at sasabog ang mga damdamin nila, inaalala ko paano kung sumugod ang isang yun kay Fae, hinde naman kasi sa panlalait pero sadyang laking liit nang dalagang iyon kay Fae, wala pa nga ata sa balikat ko ang babae na iyon, matangkad si Fae, mas matangkad nga siya sa akin, kaya naman iniisip ko na madali lang nitong maiwawasiwas ang payatot na babae na iyon, at alam ko na kapag nagkaroon nang gulo sa tambayan, damay damay kami at mababan kami sa lugar na iyon, kaya naman hinde ko alam kung ano ang gagawin, napapakamot ako sa ulo sabay inom nang alak

"Penge nga!"
Ang sabi ni Pauline

"Hoy doon ka sa table nyo!"
Ang basag ni Fae noon at natawa ako dahil natawa lang si Pauline pero napansin ko, parang may nagiba sa pagsasamahan nila, ilang araw lang akong hinde nakakadalaw sa kanila ay tila ba may kung ano nang nangyare, kibit balikat na lamang ako sa nakita ko, at sinimulan na maginom kasama ang tatlo, mayamaya pa ay sinerve na sa akin ang hapunan ko, tinanong ko si Fae at Mcoy kung gusto nilang umorder pero tumangi sila

"Ubisin lang namin yung isang bote tapos alis na din kami"
Ang sabi ni Fae habang halatang iritado, napansin ko kasi na tila ba may katext si Mcoy habang pinagmamasdan siya ng dalaga at tinitignan lang ni Fae nang pairap si Mcoy at yayakapin naman siya nito, natawa ako, nakikita ko kasi kay Mcoy kung ano ang ginagawa ko kay Kimberly kapag naasar, iniisip ko tuloy, siguro nga, sadyang galit lang ako sa kapwa ko manyakis. Matapos naming maubos ang isang bote ay nagpaalam na sa amin si Fae at si Mcoy, nagpaalam na din ito kay Pauline na noon ay medyo lasing na, nagulat ako nang biglang yakapin ni Pauline si Mcoy, sa harapan ni Fae, iniisip ko kung ano kayang reaksyon nang dalagang iyon pero mukhang hinde naman siya apektado, since alam naman niya na magkaibigan naman si Pauline at Mcoy. Si Lyn naman noon ay nakatingin lang sa akin, nilapitan ko siya at tinanong

"Nasaan si Mike?"

"Nandoon kila MikMik, nagiinom sila"

"Eh bat hinde kayo doon?"

"Pinapaalis mo na kami dito?"
Nagulat ako dahil iritado si Lyn sa pagkakasabi, napaisip ako, malamang ay nagaway din sila ni Mike kaya nagkakaganito na naman ito

"Naku, yung kaibigan mo nawiwili sa kakasinungaling sa akin ha?"
Ang sabi pa niya at nakuha ko na ang sinasabi ni Lyn, malamang ay may ginalaan o uminom na naman si Mike nang hinde nagpapaalam kay Lyn kaya ito nabadtrip

"Pashot ka nga, dagdagan mo yung alak namin, bilis na, sumali ka na din sa amin"
Ang sabi nito sa akin, hinde ko naman ito natanggihan, at sumama sa grupo nila, nakita ko ang dating kasintahan ni Mcoy na umiiyak habang umiinom, naawa naman ako sa kanya, hanggang ngayon ay umaasa pa din siya sa lalake na iyon, at tila ba nakikipagkompitensya pa siya kay Fae pero, kahit na kaibigan ko siya, masasabi kong laking lamang nang ganda nang babaeng yun kesa sa kanya, sa tangkad sa katawan at sa mukha pa lang, agwat nila eh far away.

"El Nunal, may ugali pa nga si Fae noh Lyn?"