1. Home
  2. Stories
  3. Masaya - Part 9
xTorya

Masaya - Part 9

By el_nunal ·

"Ano naman?"

"Basta! Mamaya sabihin mo pa eh, alam ko naman na type mo yung isang yun eh!"

"Kaya pala nililibre!"
Ang gatong ni Lyn noon habang nakangite, hinde ko naman talaga maitatangi na type ko na si Fae, kahit sino namang lalakeng makakita sa kanya ay magkakagusto, like I said, maikukumpara ko siya kay Angel Locsin sa ganda. Mayamaya pa habang nagiinom na ako kasama sina Pauline ay biglang tumawag sa akin si Mike

"Oi nasaan ka?"

"Sa tambayan, bakit?"

"Nandyan ba si Lyn tska si Pauline?"

"Oo"

"Dito ka nga! Boy's nights tayo ngayon eh tapos nandyan ka sa mga babae? Bading ka ba?"
Natawa ako kay Mike, halatang napadami na ang inom nito Hinawakan ako ni Lyn at Pauline noon sa magkabilang kamay

"Saan ka pupunta?"
Ang tanong ni Lyn at si Pauline naman ay kinuha ang aking phone at kinausap si Mike, matapos ay pinatay ang cellphone ko

"Huy, bakit mo pinatay, may inaantay akong tawag"

"Wala, para hinde ka nila matawagan"

"Anong sabi?"
Ang tanong ni Lyn kay Pauline

"Kinakamusta ka, sorry daw"
Hinde naman umimik si Lyn, matapos ay binitawan na ako nito at halatang naiiyak, nagulat ako nang akmang kakagatin na naman ako nito, agad ko siyang naawat at nakaiwas, naalala ko kasi ang sinabi ko kay Kimberly na hinde na ako magpapakagat sa dalawang ito, pero kung nabigo si Lyn, tagumapay naman na nakagat ako ni Pauline sa saking likod, gusto siyang sapakin dahil hinde siya masakit kung hinde mahapdi, natawa siya sa reaksyon ko pero nakita niya na naasar talaga ako

"Nakeng napikon"

"Aalis na yan"
Ang gatong namna ni Lyn, at hinde ko naman sila binigo dahil nagwalkout talaga ako sa kanila, narinig ko na sumisigaw si Pauline pero hinde ko siya pinapansin, pagbukas ko nang cellphone ay nakatanggap ako nang text mula kay Mike, pinapapunta niya ako kina MikMik at agad naman akong pumunta. Inabutan ko halos lahat nang kaibigan ko na nandoon, at masaya silang nagiinom, hinde ko naman inaasahan na madami din silang iniinom, at kakatimpla pa lamang nang alak

"Tulungan mo nga kami dito! May nagpainom nang sobra at may nagaway"
Ang sabi nni MikMik noon at nakijoin naman ako sa kanila. Nagusap usap lang kami nang mga kunga ano anong kalokohan, sinubukan ko kasing makakatch up sa mga barkada ko na ito

"Wala si Alvin? Hinde ata sumasama dito?"

"Hinde naman kasi basta basta naaya yun diba?"
Ang sabi ni Mike, may punto naman siya sa sinabi niya, hinde kasi basta basta nagpupunta si Alvin sa mga lugar basta basta. Nagtataka ako bakit wala si James

"Nasaan si James?"

"Umuwi na, may pasok pa daw siya bukas eh"

"Ahh… sabagay, ikaw di ka naman papasok?"
Ang tanong ko kay Mike

"Tinatamad ako eh, bobong prop kasi prop namin, nakakayamot, baka nga tumigil na lang muna ako, nakakayamot din kasi mga kasama ko"
Natawa naman ako sa kanya dahil halatang ayaw na niyang pumasok.

"Oo nga pla next week birthday na ni Ana ah?' Ang sabi ko sa kanya

"Inaaya nga ako eh"

"Ahh… ano punta ba tayo?"

"Ikaw? Pupunta ka ba?"

"Oo, nagchat din sa akin yun last week eh"

"Ahh… sige sige"

"Sayang kasi yun eh, sana kasi niligawan mo na dati"

"Eh, wag na nga nating pagusapan yan"
Ang natatawang naasar na sabi ni Mike, ayaw niya kasi talagang mapagusapan pa ang nangyare sa kanilang dalawa ni Ana, hinde naman naging sila, o naging sila, hinde ko alam, basta ang alam ko may something na dapat sa kanila hanggang sa tinamaan nang katamaran itong si Mike na magtext pa kay Ana, nawala din kasi ang cellphone ni Mike kaya nawalan na sila nang komonikasyon, wala pa naman kasing computer na sarlil si Ana noon. Pagkatapos naming uminom ay nagsigarilyo na muna ako sa labas, pagcheck ko sa aking cellphone ay may mga text message na pala sa akin si Kimberly, pero iisa lang naman ang laman nang text niya

"Good Night Bhebs = )"
Kaya hinde na ako nagreply pa sa kanya, baka kasi magising pa siya kapag nagtext ako sa kanya, mayamaya pa ay nagulat ako nang may biglang sumulpot mula sa kawalan, si Lyn

"Nandyan pa si Mike?"
Ang tanong niya sa akin

"Oo, nandoon lasing na, nakikipagkulitan kina MikMik, si Pauline?"

"Sinundo na ni JanJan, nagaaway na naman nga eh"

"Hayaan mo na sila, magkakabate naman yung dalawang yun eh"

"Sabagay, sige na, hinatid pa namin yung isa at naiiyak"

"Eh kasalanan naman niya eh, naghahabol pa kasi siya sa isa"

"Umiyak din si Pauline eh, kung di daw dahil sa kanya, di naman magkakakilala yung dalawa"

"Ewan ko ba naman kasi kung anong toyo nun bat pa pinakilala doon sa Fae yung si Mcoy eh may shota na nga, kaibigan nyo pa"

"Kaya nga kanina panay hinge nang sorry kasi lasing na yung isa tapos sinisisi siya"

"Wala na kasing masisi yun, naagawan eh"

"Sige na, hahatid ko na yung isa at tinext ako nang pinsan hinahanap na daw si Mike, tumatawag ang Mama niya"
At pumasok na nang loob nang bahay ni MikMik si Lyn, matapos ay sumabay na ako sa kanilang dalawa, pansin ko na tila ba badtrip pa din si Mike, hinde ko alam kung ano na ang nangyayare sa mga barkada ko, palibasa ay abala din ako sa sarili kong problema at love life, sinubukan kong tanungin si Mike

"Ano bang nangyare sa inyo ni Lyn? Parehas kayong badmood ah?"

"Naiinis lang ako, napaka arte, alam mo naman na ayaw ko nang madrama di ba?"
Napangite ako kay Mike, maarte nga at masyadong OA at sensitive si Lyn, isang bagay na kinaasaran talaga ni Mike sa mga babae.

"Hayaan mo na, alam mo naman yun eh"

"Ewan ko sa kanya, magalit siya kung magagalit"

"Pwede bang patambay sa inyo?"

"Gago! Gabi na! Alam mo naman na chicks ako sa amin eh, bawal na bisita after 10"
Natawa ako dahil simula nung highschool hanggang ngayon ay ganoon pa din ang rule sa bahay nila, bawal nga din ako doon kasi nga BI daw ako sa kaibigan ko, loko loko din kasi tong si Mike dahil ako ang ginagawang pananggalang sa tuwing uuwi siya nang gabi at lasing. Hinde na ako nagpumilit pa na sumama kay Mike at nagtungo na lamang sa computer shop kung saan nagtratrabaho si JanJan at inabutan ko naman siya doon

"Aba, hinde ka ata kasama nung isa?"

"Ahh, nilayasan ko"
Binigyan ako nito nang sigarilyo at sabay kaming nanigarilyo at parehas na nakaupo sa may gilid nang kalsada na parang mga gangster

"Nagaway na naman daw kayo?"

"Oo, bahala siya doon"

"Ano ba yan, si Lyn at Mike magkaaway, si Pauline at ikaw ganun din? Ang saya nyo"

"Eh bobo din kasi tong si Lyn eh, napaka OA, kahit naman si Pauline ganun din minsan kaya nga nakaasar eh"

"Bute at natyatyaga mo siya noh?"

"Malapit na gago, konti na lang naman eh, iiwanan ko na yun"
Nagulat ako sa sinabi ni JanJan, ngayon lang kasi siya nagsalita nang ganoon, at kita ko sa mukha niya na seryoso siya sa kanyang sinasabi.

"Bahala na siya, nakakainis paulet ulet na lang, mas mahal niya ang alak sige doon siya"

"Huy Puso mo aba!"
Ang natatawang sabi ko sa kanya. Sinamahan ko siyang magbantay sa shop noon, para na din magbantay, nagulat ako dahil walang time ang inuupuan ko

"Huy baka makita to ni Kontra bida"
Ang natatawang sabi ko sa kanya

"Suntukin ko sa mukha yun, wala yan akong bahala, kay Joseph naman to hinde naman sa kanya eh"
Ang sabi ni JanJan at napatango naman ako. Habang nagsusurf ako sa net, hinde ko ba alam kung bakit ako sinaltik at naisipan pang buksan ang email ko upang tignan ang mensahe ni Charice, at nagulat ako dahil may panibago na naman siyang mensahe. From: [email protected] Hey, kumusta ka na? Siya nga pala, healthy naman yung baby, mukhang hinde naman ako sensitive unlike sa una kong anak, anyway, namimiss na talaga kita, I missed you so much, bakit hinde ka manlang magreply sa messages ko, are you still mad at me? Pasensya na kung ginugulo pa din kita, hinde ko lang kasi magawang kalimutan basta basta ang mga bagay na pinagsamahan natin eh. Kumusta na nga pala ang ate mo? Ok na ba siya? Sana maging ok na ang lahat sa iyo diyan, tulad nang pagganda nang buhay ko dito kasama ang anak ko, at ang anak natin, kung gusto mo tatawagan kita, just send mo your phone number, at kung may kailangan ka naman financially, don't hesitate to ask.. i miss you = ( Nagulat ako nang madama ko na tila ba may mainit na tubig na dumaloy sa aking pisnge, umiiyak na pala ako, nagulat ako nang abutan ako ni JanJan nang RH in can

"Oi… bat ka umiiyak?"
Ang sabi niya sa akin habang umiinom din nang alak, at nang nabasa niya ang binabasa ko ay kumapit siya sa akin balikat

"Ilaro mo na lang yan, tara, laro tayo"
Ang aya niya sa akin, JanJan is not a man of words, pero alam ko na gusto niyang sabihin sa akin na wag ko na lang pansinin ito at idaan na lang sa laro, at sinubukan ko naman na alisin ang isip ko sa nabasa ko, hinde ko naman kasi alam kung bakit ko pa binasa ang sulat na iyon kahit na alam ko na man na masasaktan lang ako sa nilalaman nito, hinde ko ba lam kung bobo ako o masukista sa sarili, inabot ako nang umaga sa loob nang shop kalaro si JanJan, naiinget ako sa kanya, dahil kahit papaano ay may libangan siya sa tuwing nagaaway sila ni Pauline, kaya siguro napaka easy at cool na cool niyang nahahandle ang relationship niya between her and my bestfriend. Nang mga sandaling iyon, humanga ako kay JanJan. Nagpaalam na ako sa kanya at umuwi. Nakaramdam ako nang kakaibang lungkot, lalo pa nang makita ko na ako naman magisa sa bahay kong iyon. Hinde ko alam kung ano ba ang gagawin ko sa buhay ko, ayaw kong magtrabho, ayaw ko din naman munang magaral, palagi na lang bang inom at laro ang gagawin ko, mga bagay na tumatakbo sa akin utak, pero wala pa naman ako sa mood para magseryoso sa buhay, ayaw ko pa, gusto ko pa ang nararanasan kong layaw sa buhay, tumingin ako sa salamin, naoansin ko na nagiging negrito na ako, nananaba na nang bahagya, at nagulat ako dahil nagiging oily na talaga ang mukha ko at tinutubuan pa nang pimpol, at bigla kong naalala ang gwapong lalakeng nangungulit kay Kimberly, inangat ko ang damit ko at nakita ko na medyo lumalaki na din ang bilbil ko sa tiyan, nawala na ang semi abs na aking nakakapa noon at gumuguhit na sa aking tiyan. Napansin ko din na tila ba mukha pala akong pulube sa buhok ko, hinde na kasi ako nagpagupit simula nang umalis ako sa trabaho ko ilang buwan na ang nakakaraan. Humiga ako sandali at naidlip, pagkagising ko ay agad akong naligo at nagtungo sa bayan upang magpagupit. Napangite ako nang makita ko ang dati kong buhok, clean cut, ito kasi ang buhok ko noon, bumile ako nang gel at inayos ang aking buhok, matapos ay nagtungo ako kina Pauline

"Wow! Bagong Chupet!"
Ang bati nang ate ni Pauline sa akin kasama ang boypren nitong hinde ko pa noon nakikilala.

"Oi EL Nunal, boypren ko nga pala"

"Hi Kuya!' Mabait naman ito at magiliw, palabiro din tulad ni JanJan, at kilala niya si JanJan dahil hinanap niya ito sa akin

"Hinde ko alam, magkaaway ata yung dalawa eh"

"Huwaw! Ang poge ni ELNunal ah!"
Bati sa akin ng nanay ni Pauline sa akin, at agad ko naman itong niyakap

"Naku!!! Wag mo kong yakapin at mabaho ako"

"Ayos lang po yan, mabaho din naman ako eh"

"Naku, gisingin mo nga yung batugan na yun, sarap sipain"
Ang sabi niya sa akin

"Umuwi na nga pala si Fae kahapon"

"Ahh edi kaya pala walang maingay"
Ang sabi ko sa mama ni Pauline

"Magkaaway ba yung dalawa?"
Ang tanog sa akin nang ate ni Pauline

"Ewan ko, bakit?"

"Wala naman"
Ang sabi nito sa akin. Ngumite lang ako noon, pero pansin ko nga na parang may something na nangyare between her and Pauline, hinde ko lang alam talaga kung ano ito. Mayamaya pa ay pinasok ko sa kwarto si Pauline, at dinaganan ito

"Huy! Gising na!"

"Oh, nagmukhang tao ka ata?"

"Wala lang, ang panget ko na eh"

"Kelan ka ba gumwapo?"

"Hinde naman ako gwapo eh, maganda ako"
Ang sabi ko sa kanya at natawa siya, madalas kasi ay magbadingbadingan ako sa bahay nila Pauline, duda nga ang nanay niya at ang ate ni Pauline sa pagkalalake ko, pero wala naman kaso sa akin yun.

"Magkaaway pala si Lyn at Mike noh?"
Ang sabi ni Pauline sa akin habang naghahain nang pagkain

"Ewan ko sa kaibigan mo, napakasensitive kasi eh"

"Sinasabihan ko nga kagabe eh"

"Ikaw din naman eh, magkaibigan nga kayo ni Lyn"
Natawa lang siya at tumabi sa akin

"Si JanJan, nasaan?"

"Badtrip din sayo, ano bang ginawa mo doon at –
" Natigilan ako sa sasabihin ko, baka kasi mapasama pa ang sasabihin ko, inaabangan naman ni Pauliine ang sasabihin ko at ngumite ako

"Ang taba mo?"

"Pakyu! Akala ko naman seryoso"
Ang sabi niya sa akin, mabute na lamang at yun ang naging hinala niya, pero nagtataka talaga ako, kung bakit ba nakapagbigay nang ganong salit si JanJan, marahil ay napupuno na siya, kung sabagay, tao lang din naman si JanJan, kahit na madalas kaming magsabihan na Diyos kaming dalawa. Matapos kong mambwisit at makikain kina Pauline ay nagtungo naman ako sa bahay nila MikMik pero wala siya doon, kaya naman minabute kong magpunta kina Mike, nagtaka naman ako dahil wala dini si Mike, marahil ay pumasok ito, wala akong maisipang tambayan noon kung hinde sa computer shop na naman, subalit hinde ako nagtungo doon nang matanaw ko ang kinaiinisan kong kapatid ni Joseph na si Jonathan. Sakto namang tawag ni Kimberly

"Uy, nasaan ka?"

"Sa bayan, ikaw?"

"Dito din ako sa bayan, kakaload ko lang, kita tayo sa park, nandito ako sa may palengke, may pinakuha si kuya dito eh"

"Ahh kala ko diyan ka pa namile eh, ang lapit nang palengke sa inyo sa Angono"

"Hinde naman ako namile, may pinagawa kasing pantalon si kuya dito, pinatabas ni Reggie, kakapunta ko nga lang sa bahay nila eh"

"Ahh, tagarito ba si Reggie?"

"Calumpang siya nakatira, doon ako galing kanina, may load ka ba?"

"Wala din eh"

"Paloadan ba kita?"

"Wag na?"

"Load na ayaw pa?"

"Wag na nga, tawagan mo na lang ako"

"Sige sige, punta na ako sa park ha?'

"Sige naglalakad na ako papunta doon"
At binaba na niya noon ang tawag at ilang sandali pa ay nakarating na ako sa park, tahimik na naghihintay sa ilalim nang puno nang Manga. May kumalabit sa akin, si Kimberly, napatingin ako sa ulo niya at di ko ba alam kung bakit ako naasar, nagulat ako dahil may kulay na ang buhok niya, Reddish Light Brown, kulay nang buhok nang mais, kulay nang buhok ni Charice.

"Bagay ba?"
Ang tanong niya sa akin

"Panget"
Ang sabi ko noong una pero ang totoo, bumagay naman sa kanya ang kulay nang buhok niya sa kanya. Nagulat ako nang bigla niya akong hatawin nang malakas sa likod, kung saan ako nakagat ni Pauline at namilipit ako sa akin

"Ay sorry! Napalakas ang palo ko, ikaw naman kasi lakas mong mangasar eh!"
Ang sabi ni Kimberly sa akin at niyakap ako, siya naman diin nang dibdib niya sa aking braso

"Ang sakit eh"
Pero hinde ko sinabi na dahil napalo niya ang kagat ni Pauline, siguradong magagalit ito sa akin.

"Tara, punta ka sa bahay, magpapapancit daw si Reggie eh"

"Anong meron?"

"Motmot nila ni Kuya, pinapapunta ka at may inuman daw, may mga bisita din naman na pupunta eh, papainom din kasi si Kuya, ok lang ba na may ibang kasama?"

"Oo naman, ako pa magiging choosy?"

"Sandali, kain muna tayo, nagugutom ako eh, saan ba maganda kumain?"

"Ano ba gusto mo kainin?"

"Ano ba masarap kainin?"
Parehas kaming napatingin sa Jolibee at nagkangitian, at sabay na pumasok sa loob, at nagulat ako na parehas pala kami nang trip na orderin, B1, burger fries and softdrinks, yun lang din kasi ang trip kong kainin sa Jolibee nang mga sandaling iyon. Ako na ang pumila at pinahanap siya nang mauupuan namin, matapos kong makaorder ay agad na akong nagtungo kung nasaan siya.

"Bat ito din inorder mo?"
Ang tanong niya sa akin

"Eto talaga madalas kong kainin dito, madali lang kasi orderin"

"Mahilig ka talaga sa madali ano?"
Ang natatawang sabi niya sa akin

"Hinde naman, kaya lang iniisip ko lang kasi mabilis talaga ito serve"

"Sana umorder ka nang iba, hinde naman ako nagmamadali eh, wala pa naman kasi sila kuya sa bahay"

"Ahh… ganoon ba? Ano pa bang trip mo kainin?"

"May pera ka ba?"

"Oo naman, sige sagot ko na"

"Sige uhm chicken at spag tska sundae"
Agad naman akong tumayo at pumila, nagulat ako dahil habang nakapila ako ay may biglang nagtakip nang mga mata ko, malambot ang kamay nito nang aking masalat, hinde ko kilala kung sino ito pero sigurado akong babae ito, dahil sa pabango nito

"Sino to?"
Ang tanong ko sa kanya at nagulat ako nang makita ko siya nang alisin niya ang kamay niya at nakangiteng bumati sa akin.

"Musta ka na El Nunal?"

"Crisel?! Ikaw ba yan?"
Ang masaya kong sabi sa kanya, si Crisel ang nakakatandang kapatid ni Crisbeth, hinde ko inaasahan na makikita ko siya nang araw na iyon sa kainan na ito, napansin ko na halos walang nagbago sa itsura niya, maganda pa din siya tulad ni Crisbeth, napansin niya na tila ba may tinitgnan ako at napangite siya

"Wala si Beth, hinde ko kasama, hinde na naman siya nakatira sa bahay eh"

"Balita ko nga daw eh nakapangasawa na yun:

"Hiwalay na sa asawa, ewan ko ba dun, laking toyo bat kinasama yung tambay na yun, barkada nung asawa ko"

"Asawa? Sinong napangasawa mo? Si Jun ba?"

"Oo, hinde na naman kami naghiwalay eh"

"Grabe! Ang tatag nyo ah?"

"Naghiwalay naman kami, kaso mahal talaga namin ang isa't isa kaya ayun, nagbalikan kami"

"Wow, nakakatuwa naman, kasama mo ba?"

"Hinde nagbiyabiyahe siya ngayon"

"Jeep Fx tricycle?"

"Tricycle"

"Ikaw saan ka ngayon?"

"Sa Sta. Lucia, sales lady"

"Sino kasama mo?"

"Kilala mo si Kimberly?"

"Sinong Kimberly?"

"Si Homeboy Tomboy?"

"Ahh, siya? Nasaan na yung tomboy na yun? Natuluyan na bang maging tomboy yun?"

"Hinde, girlfriend ko ngayon"

"Weh?! Nasaan nga?"
Tinanaw ko si Kimberly na nang mga sandaling iyon ay nakatingin pala sa akin at tila ba sinisipat kung sino ang kausap ko, tumayo siya at lumapit at nagulat siya nang makita niya ang ate ni Crisbeth.

"Wow! Kayo daw ni Uang?"
Ang biglang banat ni Crisel at di siya makapaniwala nang tumango ito

"Sige nga, kiss mo nga kung kayo talaga?"
Ang sabi ni Crisel, nagkatinginan naman kami ni Kimberly at nagkangitian lang

"Di naman kayo eh"
Nagulat ako nang hawakan ni Kimberly ang mukha ko at hinalikan ako sa labi, smack lang naman ito pero mukhang nakumbinsi na namin si Crisel

"Sumalo ka na sa amin?"
Ang aya ko noon kay Crisel

"Naku, itatake out ko lang to at uuwi pa ako sa bahay, minsan dalaw kayong dalawa, ano ba number mo?"
Ibibigay ko sana ang aking number pero nagulat ako nang iabot ni Kimberly ang cellphone niya at doon na lamang sinave ni Crisel ang numero niya. Matapos naming umorder ay nagpaalam na sa akin si Crisel, nagulat naman ako nang mapansin kong tila iritado na naman si Kimberly

"Oh, bakit nakabusangot ka?"

"Ang landi mo gago!"
Napangite lang ako, mabilis talagang magmood swing ang babaeng to, at alam ko na kung bakit siya nagkakaganito, hinde na ako umumik noon at tahimik na lamang na kumain. Matapos naming maubos ang kinain namin, hinde ako nagsasalita, tahimik lang ako na sumunod sa kanya at nang sumakay na kami nang jeep, nagulat ako nang bigla niya akong suntukin sa binti

"Aray bakit?"
Ang nakangiteng tanong ko, natatawa ako sa kanya dahil imbis na matakot ako kasi galit siya ay natutuwa pa ako, lumalabas na naman kasi ang pagkamangaasar ko noon, at isa pa, ang cute niya kasing tignan pagnagagalit o naiinis

"Bakit bakit bakitin ko mukha mo eh! Pupunta ka sa kanila?"
At hinde nga ako nagkamali nang hinala, naiinis nga si Kimberly sa ate nang dati kong kasintahan, hinde ko naman siya masisisi, dahil alam ko na alam niya na gusto ko din naman makita ang unang girlfriend ko, ang babaeng buminyag sa akin at nagmulat sa katotohanan.

"Nagseselos ka noh?"
Ang sabi ko sa kanya, medyo inaasar ko pa siya noon

"Selos? Bat naman ako magseselos gago!"

"Eh bat umuusok yang ilong mo?"

"Ewan ka sau!"
At sinabunutan niya ako sa patilya, masakit pero nasayahan naman ako dahil ang cute niya talaga pagnagagalit. Ilang minuto pa ang lumipas at nakarating din kami sa Angono, nauna siyang bumaba at nagmamadaling maglakad, ako naman noon ay dahan dahan lang at inaasar pa siya, natutuwa kasi ako sa kanya pagnaasar, naalala ko ang elementary days namin, ganun pa din siya maasar, pero way back then, hinde siya ganito ka cute, hinde siya mukhang babae, unlike now na talaga namang nakakabuhay libido ang ang itsura niya. Nagulat ako nang tumigil siya at nakita kong kinuha niya ang suot niyang sandals at nagulat ako nang bigla niya itong ibato sa akin, at shet, hinde ako prepared sa atake niyang iyon at tinamaan ako sa labi, at ayun, pumutok ang labi ko. Masakit talaga ito kaya naman napaupo ako, but I'm not mad sa ginawa niya, I guess i deserved that for pissing her off. Nagulat ako nang lumapit siya

"O-ok ka lang?"
Ang tanong niya sa akin na tila ba nagaalala, at nakita ko sa mukha niya ang pagkaguilty nang makita niyang dumudugo ang labi ko

"Ang tanga naman kasi nito ah! Bat di ka umiwas?!"
Ang natatawang sabi nito sa akin habang kumukuha nang panyo at pinupunasan ang dugo sa aking labi

"Nagulat ako eh, akala ko kung anong gagawin mo babatuhin mo pala ako, ang sakit oh"

"Gago ka kasi eh, lakas mong mangasar"

"Sorry na po"
Ang nakangiteng sabi ko sa kanya at siya naman ngite nia sa akin

"Oh nangyari kay Moleman?"
Nagulat kami nang marinig namin si Reggie, nasa likuran namin siya at may dala dalang plastick na may lamang gulay, bihon, baboy at mga sahog sa lulutuin niya

"Binato ko nang sandals"

"Ikaw talaga Kimberly, para kang timang, si Cosme nakita nyo na ba?"

"Hinde pa bakit?"

"Ahh, baka hinde pa nakakauwi, sabi niya kasi on the way na daw siya, o siya tara na, sa bahay mo na lang gamutin yang nguso nang asawa mo"
At inabot ni Reggie sa amin ang paninda niya

"Si Bunso?"
Tanong ni Kimberly kay Reggie pagdating sa bahay nila

"Kasama ni Cosme, igagala niya din yung bata"

"Bakit naman naisipan ni Kuya igala ang bata?"

"Ay di pa ba nasasabi sa iyo ni Cosme? Nandyan na yung ticket niya, at sa linggo yung alis niya"

"Ano?! Ang bilis ah?"
Ang sabi ni Kimberly na halatang gulat na gulat

"Nagulat nga din ako pero ok na din yun, atleast diba, makakaalis na si Kuya mo?"

"Oooyyy iiyak na yan"
Ang panunukso ni Kimberly

"Che! Si Mama mo daw ata uuwi bukas, magstay dito hanggang Linggo ata"

"Anong araw na ba ngayon?"
Parehas kaming napatingin sa kalendaryo, Biyernes na pala nang araw na iyon, hinde ko manlang naramdaman ang araw na lumipas.

"Two days pala si Mama dito"

"Oo, kaya yang si Nunal eh wag na muna dito madadaan"

"So ibig sabihin pala, si Mama na lang dito magisa, sa Lunes kasi lilipat na ako kay Auntie eh"

"Oh, bakit?"

"Magsisimula na ako sa Monday nang work, tignan mo El Nunal"
At pinabasa niya sa akin ang text na narecieve niyang text kanina, yun pala yung binabasa niya

"Ang bilis ah, Monday na agad?"

"Tulungan mo nga ako maghakot nang gamit, wala naman si Mama sa Lunes eh"

"Ateee!!!"
Isang sigaw nang bata ang umistorbo sa paguusap namin ni Kimberly, si Casper, dumating na kasama si Cosme at agad naman akong inapiran nito

"Oi bukas punta ka dito nang gabi ha?"

"Ha?"

"Kuya, baka mapagalitan ni Mama yan"

"Akong bahala, edi wag muna kayong maglabinglabing, hoy uupakan kita, teka hinde na pala kita dapat upakan eh, sino umupak sa iyo dyan sa labas? Laki nang bangas mo sa labi ah?"
Napansin pala ni Cosme ang putok sa aking labi

"Si Kimpot may gawa niyan"
Ang natatawang sabi ni Reggie habang naghihiwa nang gulay

"Ikaw talaga, bat mo naman sinapak tong si kumapare, panget na eh pinapanget mo pa, hinde biro lang"
Ang natatawang sabi ni Cosme

"Inaasar kasi ako eh" Ang sabi nito sabay sinabunutan ako, at natawa naman ako sa kanya dahil tila bumalik na naman ang asar niya. Tumulong na ako sa paggayat nang gulay, sa pagluluto at paghahanda, isang bagay na sa tingin ko naman ay kinatuwa ni Kim at nang kanyang kapatid

"Marunong palang magluta si Kumpare eh, pwede mo nang pakasalan si Kimpot niyan"

"Tadu!"
Ang natatawang sabi ni Kimberly sa kapatid

"Oy Kimpot, bumili ka na nga nang alak, dalawang litro oh"

"Ikaw na kuya, may ginagawa ako eh"

"Bilis na, kukurutin ko singit mo eh! Sama mo na si Casper at may pinapabili yan"
At umalis na silang dalawa ng bata. Noon din ay nagulat ako nang akbayan ako nang kuya ni Kimberly

"Tol, usapang lalake ha, seryoso ka ba sa kapatid ko?"
Nagulat ako dahil naiba ang tono nang pananalita niya

"Oo naman"
Ang sabi ko noon, pero, sa totoo lang, hinde ko alam kung seryoso nga ba ako kay Kimberly

"Pinagkakatiwalaan kita sa kapatid ko, minsan lang kasi yan magpakilala nang lalake, at minsan ko lang din magustuhan, unang kita ko naman sa iyo mukhang ok ka naman, hinde ka naman mukhang mayaban o kung ano pa man, mukha ka lang snatcher doon sa Recto"
Natawa kaming dalawa nang mga sandaling iyon

"Pero seryoso, sana wag mong pabayaan yang kapatid ko ha? Mabait yan at mapagmahal, kaya lang minsan talagang malakas ang toyo, pero sana wag mong gawin yung ginawa noong unang kinasama nang kapatid ko ha?"
Nagulat ako dahil hinde ko alam na may kinasama na palang lalake si Kimberly

"Huy, hinde ata alam ni El nunal yun eh"
Ang biglang sabi ni Reggie

"Teka, hinde pa ba inoopen sa iyo ni Kimpot yun?"
Umiling ako at tila ba nagtaka si Cosme, ako din naman ay nagtaka, bakit hinde manlang sinasabi sa akin ni Kimberly yun

"Nakow problema to"
Ang sabi ni Cosme at tumayo

"Wag mo na lang pansinin yun El Nunal ha?"
Ang sabi ni Reggie at tinignan ni Reggie si Cosme, hinde ko alam pero something's going on, at gusto ko iyong malaman, pero nang araw na iyon, wala akong binanggit na kahit ano kay Kimberly, masaya lang kaming naginom, maaga akong umuwi sa bahay namin dahil pinauwi na ako ni Kimberly at darating daw ang Mama niya. Habang nasa bahay ako, iniisip ko ang sinabi ni Cosme, hinde ko alam kung bakit ba di ako mapakali, gustong gusto kong itext si Kimberly, pero sinubukan kong pigilan ang sarili ko, kumuha ulet ako nang pera sa aking taguan, napansin ko na wala na pala akong pera na naitatabi, halos dalawang libo na lang pala ang hawak ko, kinuha ko ang buong papel at kumuha nang 20 para pamasahe at tska ako nagtungo sa tambayan upang bayaran nag inutang ko, matapos ay uminom na din ako, medyo konti lang kasi ang nainom ko kina Kimberly, wala siyang tama sa akin, o sadyang mas nanaig noon ang katinuan ko dahil gusto kong malaman ang sinabi nang kuya niya sa akin.

"Mukhang may problemang matinde si El Nunal ah?"
Ang bati sa akin nang mayari nang tamabayan namin

"May iniisip lang po, shot?"

"Sandali kuha lang ako nang baso"
Matapos ay kinuwento ko sa kanya ang nangyare

"Naku, opinyon ko lang ha, mukhang hinde ka naman ata mahal nung babae eh"
Napaisip ako at natawa ako nang sabakan niya ako nang

"Eh di ba ikaw din naman di mo mahal yung gurl?"
At natawa lang ako, may punto siya, hinde ko talaga alam kung mahal ko ba si Kimberly o hinde. Naalala ko tuloy ang naging ganitong sitwasyon ko kay Reynalee, pero, hinde ko ba alam kung bakit ngayon, parang nahihirapan akong bitawan si Kimberly, is it because I do love her, o baka naman kasi kailangan ko lang siya. Saglit akong napaisip noon, hinde kaya, ganito din ang nararamdaman sa akin ni Kimberly, kaya ba hinde niya masabi ang lahat sa akin. Nang mga sandaling iyon, nagtataka ako kung bakit wala ang mga bakada ko sa tambayan, wala ding nagpaparamdam sa akin, text o tawag, marahil kasi ay anong oras na din yun, mag 11 na nang gabi nang tumambay ako doon, kaya naman, matapos kong maubos ang isang litrong RH ay nagpaalam na ako sa aking kainuman at nagtungo sa shop, at doon ay inabutan ko si JanJan na tila ba seryoso sa pagiisip, hinde ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya, dahil ngayon ko lang siya nakitang ganun, nilapitan ko siya at inabutan nang sigarilyong kakabili ko pa lamang noon sa tindahan na malapit

"Anong iniisip mo?"
Umiling lang siya at tumayo

"Tara dota tayo"
Ang aya niya sa akin at pumayag naman ako sa kanya, that time, parehas ata kaming wala sa wisyo maglaro dahil parehas kaming nabobobo sa laro, at dinadaan namin sa tawa ang lahat, sinubukan kong gawin ang ginagawa ni JanJan, na idaan sa laro ang lahat, and somehow, it helps, nawala sa isip ko ang mga gumugulo sa aking isip, yun nga lang ay napuyat ako, simula kasi 12 nang umaga hanngang ala una nang hapon kinabukasan ay naglalaro lang kaming dalawa, ni hinde nga namin napansin ang oras. Paguwi ko sa bahay ay agad na akong nakatulog, dahil sa antok na aking nararamdaman. Nagulat ako nang magising ako ay madilim na, it's almost 8pm na, hinahanap ko ang cellphone ko pero hinde ko ito lang kaming naginom, maaga akong umuwi sa bahay namin dahil pinauwi na ako ni Kimberly at darating daw ang Mama niya. Habang nasa bahay ako, iniisip ko ang sinabi ni Cosme, hinde ko alam kung bakit ba di ako mapakali, gustong gusto kong itext si Kimberly, pero sinubukan kong pigilan ang sarili ko, kumuha ulet ako nang pera sa aking taguan, napansin ko na wala na pala akong pera na naitatabi, halos dalawang libo na lang pala ang hawak ko, kinuha ko ang buong papel at kumuha nang 20 para pamasahe at tska ako nagtungo sa tambayan upang bayaran nag inutang ko, matapos ay uminom na din ako, medyo konti lang kasi ang nainom ko kina Kimberly, wala siyang tama sa akin, o sadyang mas nanaig noon ang katinuan ko dahil gusto kong malaman ang sinabi nang kuya niya sa akin.

"Mukhang may problemang matinde si El Nunal ah?"
Ang bati sa akin nang mayari nang tamabayan namin

"May iniisip lang po, shot?"

"Sandali kuha lang ako nang baso"
Matapos ay kinuwento ko sa kanya ang nangyare

"Naku, opinyon ko lang ha, mukhang hinde ka naman ata mahal nung babae eh"
Napaisip ako at natawa ako nang sabakan niya ako nang

"Eh di ba ikaw din naman di mo mahal yung gurl?"
At natawa lang ako, may punto siya, hinde ko talaga alam kung mahal ko ba si Kimberly o hinde. Naalala ko tuloy ang naging ganitong sitwasyon ko kay Reynalee, pero, hinde ko ba alam kung bakit ngayon, parang nahihirapan akong bitawan si Kimberly, is it because I do love her, o baka naman kasi kailangan ko lang siya. Saglit akong napaisip noon, hinde kaya, ganito din ang nararamdaman sa akin ni Kimberly, kaya ba hinde niya masabi ang lahat sa akin. Nang mga sandaling iyon, nagtataka ako kung bakit wala ang mga bakada ko sa tambayan, wala ding nagpaparamdam sa akin, text o tawag, marahil kasi ay anong oras na din yun, mag 11 na nang gabi nang tumambay ako doon, kaya naman, matapos kong maubos ang isang litrong RH ay nagpaalam na ako sa aking kainuman at nagtungo sa shop, at doon ay inabutan ko si JanJan na tila ba seryoso sa pagiisip, hinde ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya, dahil ngayon ko lang siya nakitang ganun, nilapitan ko siya at inabutan nang sigarilyong kakabili ko pa lamang noon sa tindahan na malapit

"Anong iniisip mo?"
Umiling lang siya at tumayo

"Tara dota tayo"
Ang aya niya sa akin at pumayag naman ako sa kanya, that time, parehas ata kaming wala sa wisyo maglaro dahil parehas kaming nabobobo sa laro, at dinadaan namin sa tawa ang lahat, sinubukan kong gawin ang ginagawa ni JanJan, na idaan sa laro ang lahat, and somehow, it helps, nawala sa isip ko ang mga gumugulo sa aking isip, yun nga lang ay napuyat ako, simula kasi 12 nang umaga hanngang ala una nang hapon kinabukasan ay naglalaro lang kaming dalawa, ni hinde nga namin napansin ang oras. Paguwi ko sa bahay ay agad na akong nakatulog, dahil sa antok na aking nararamdaman. Nagulat ako nang magising ako ay madilim na, it's almost 8pm na, hinahanap ko ang cellphone ko pero hinde ko ito matandaan kung nasaan, ay bigla kong naalala, bago nga pala ako maginom ay nakicharge ako sa tambayan, agad akong naligo, matapos ay nagtungo sa tambayan, at hinde nga ako magkamali nandoon nga ang cellphone ko

"Huy, kanina pa may tawag nang tawag sa iyo, hinde namin sinasagot eh, siguro kanina pang umaga yun tumatawag, hanggang kanina bago ka dumating"
At nang aking tignan kung sino ito, medyo nangamba ako, it was Kimberly, and damn the miscoll is almost 26 times na at tad tad ang inbox ko nang messgaes, isa sa mensahe ang nabasa ko sa napakadaming mensahe niya

"Kapag hinde ka pa sumagot ngayon, magkalimutan na tayo, kung may problema ka sabihn mo!!! Hinde yang pingamumukha mo akong tanga dito!!!"
Agad akong nagtungo sa pinakamalapit na loading station at matapos akong makapagpaload ay tinawagan ko siya subalit busy ang line niya, iniisip ko na nagkakasabay kami nang tawag, kaya naman naghintay ako, at muli ay nakatanggap ako nang texy sa kanya

"Ahh ganoon? Yung ibang tumatawag, sinasagot mo? Tapos ako hinde? Sige, ganyan na pala ha?"
Nagtext ako sa kanya pero hinde niya ako nireplayan, sinubukan ko siyang tawagan subalit naka off ang cellphone niya, kaya naman dali dali akong sumakay nang jeep, hinde ko ba alam kung bakit ba, napakabagal magpaandar nang jeep na iyon, kung pwede nga lang ako na ako na ang magdrive ay pinaharurot ko na ang jeep na iyon, at tila ba nanadya pa ang tadhana na madelay ako sa pagdating sa bahay nila Kimberly dahil huminto pa talaga ang jeep para maghintay nang pamasahe, kaya naman sa inis ko ay bumaba na ako matapos kong magbayad nang pamasahe at nag abang nang sasakyan pang iba, subalit mali ata ang aking ginawa dahil tila ba naging maiilap ang jeep nang mga sandaling iyon, hinde ko alam kung ano bang meron pero tila ba sinasadya ata na hadlangan ako, dahil nang mga sandali ding iyon, hinde ko ba alam kung bakit biglang bumuhos ang malakas na ulan, agad akong sumilong. Muli ay sinubukan kong tawagan si Kimberly subalit hinde ko pa din siya matawagan, halos kalahating oras din na malakas lakas ang ulan, sinubukan ko siyang itext pero wala pa din talagang reply akong natatangap mula sa kanya, at hinde ko ba alam kung bakit ako tinamaan nang kamalasan, dahil bigla naman nalobat ang aking phone, bahagya na akong nabwibwisit noon sa nangyayare, but somehow, something amazing happened, out of the blue, I saw someone, someone who saved me from that situation, nagulat ako nang may bumusina sa aking jeep, at nagulat ako nang makita ko ang dating jeep na sinasakyan namin ni Jamaica

"Boss, kumusta? Saan punta?"
Natuwa ako at agad akong sumakay sa kanyang jeep

"No time no see ah? Balita sa iyo, boy?"

"Ayos naman po"

"Saan ka ba?"

"Sa angono po"

"Saan doon?"

"Kahit po sa may Munisipyo lang"