1. Home
  2. Stories
  3. Muli - Part 10
xTorya

Muli - Part 10

By el_nunal ·

"Kasi kanina, sabi niya, isa lang daw ako sa problema niya

"Magpapaapekto ka ba? Kung mahal mo nga talaga ang kaibigan ko, handa kang sumugal at kayanin ang ano mang magiging problema, handa ka dapat na ipaglaban siya, isa pa, lasing lang yun kaya niya siguro nasabi yun kanina, kung wala naman tama yun, hinde naman yung magsasalita nang ganun, tignan mo kanina nagdradrama pa sa akin, basta, samahan mo lang siya ha? tumango ako noon, bigla akong inabutan ni Sir Ryan nang isang Biogesic

"Inumin mo yan, mawawala sakit nang ulo mo dyan

"Salamat Sir"

At umalis na si Sir Ryan, at ininom ko na ang binigay niyang gamot, at bumalik na sa trabaho, mataopos ang shift namin ay agad na akong nagtungo sa may HR Office para iclaim noon ang sahod ko, hinde ko pa tinignan kung magkano ang laman, kumuha lang ako basta noon nang pamasahe at umalis na sa kumpanya at nadmadali na ako pagpunta kina Charice, sa biyahe, medyo naging maayos na ang pakiramdam ko, medyo nahihilo na lang ako noon. Ilang minuto pa at nakarating na ako sa kanila, at tumawag ko noon sa labas

"Yaya Ida? Yaya Ida? Tao po?

Walang sumasagot sa akin o nagbubukas nang gate noon, mabuti na lamang at may doorbell ang bahay ni Charice.Pinindot ko noon ang doorbell sa bahay ni Charice, mabuti na lamang at gising pa si Yaya Ida noon

"Ser ano po yun?

"Titignan ko lang sana kung ok lang si Charice"

"Ay ser, ok na po siya, nakatulog na po siya

"Yaya Ida, sino yan? isang malakas na boses ang narinig ko noon mula sa loob nang bahay El Nunal… come in…sabi ni Charice na laking gulat ko nang makita ko, nakasuot siya nang puting night gown, at medyo manipis ang tela nito, at lumapit siya papunta sa akin

"Sige na Yaya Ida, pumasok ka na sa loob, ako nang bahala sa kanya at umalis na noon ang katulong niya

"Akala ko tulog ka na"

"Kakagising ko lang, medyo nahihilo pa nga ako eh, halika sa loob at hinawakan niya ang kamay ko at naglakad kami papasok nang bahay. Akala ko noon ay sa sala kami pupunta kaya naman uupo na sana ako, pero bago pa ako maakaupo noon sa upuan ay hinila ako ni Charice

"Hinde dyan, doon tayo sa kwarto" bigla akong kinabahan at biglang tumibok ang puso ko nang sobrang bilis, hinde ko alam kung tama ba ang narinig ko o nagiimahinasyon ko lamang, kaya naman muli ko siyang tinanong " Saan ba tayo pupunta Cha? " " Sa kwarto ko sa taas, tara

At hinde nga ako nanaginip, totoo nga ang narinig ko, sa kwarto niya kami pupunta. Matapos ang ilang hakbang ay nakarating din kami sa kwarto niya,pagpasok namin ay sinalubong ako nang hinde ganoon kaliwanag na kwarto, isang maliit na lampara lang kasi ang nakasindi sa loob nang kwarto niya, at doon ay binitawan na niya ang kamay ko, at dahan dahan siyang naglakad at umupo sa kama niya, malaki ito, maganda, at napakadami niytang unan noon, lahat, mukhang mamahalin, napansin ko din ang iba pa niyang pictures noon bata pa siya, nakadikit sa may cardboard na may magagandang desinyo nang beads at sea shells

"Ang ganda naman nang kwarto mo Maganda ba?

"Oo. kaso, bat madilim?

"Kasi hinde ako makatulog pagmaliwanag masyado, nasanay na akong nakakatulog sa medyo may kadilimang lugar ang sabi niya, paglingon ko sa kanya ay nakatingin siya sa akin na para bang inaakit niya ako, samahan mo pa nang mga ngiting nagpapahiwatig na parang gusto nitong madampian nang halik, sinubukan ko muna noon na ituon ang aking pansin sa ibang bagay, at pinuna ko muna ang mga pictures na nakadikit noon

"Saan to Cha? Sa Batangas, noong bakasyon nang anak ko, inaya kasi kami noon nang kamag anak namin diyan na magbakasyon Ahh… doon mo din ba nakuha tong mga to?Alin? at naramdaman ko na lumapit siya sa akin at tumabi siya sa akin at tinuro ang mga kabibeng malilit at mga shells na nakadikit Ito bang mga to, Oo, kinuha pa yan ni Bethina idikit daw naming

"Ahh, teka, ok ka na ba?

"Oo naman, nakasuka na kasi ako eh, kaya eto, medyo ok na ako"

At biglang nagsalubong ang aming mga mata, agad itong naputol nang biglang may nagtext sa akin at medyo may kalakasan ang message alert nito, muli siyang umupo sa kama at ako naman ay chineck kung sino ito, isang numerong hinde nakarecord sa aking cellphone

"EL Nunal, nasaan ka na? Ok na ba?" rereplyan ko sana ito kaya lamang ay wala na akong load, kaya naman itinago ko muna ito sa aking bag

"El Nunal, halika, tabihan mo nga ako ang sabi niya sa akin at umupo na ako sa tabi niya

"Buti at nadaan ka dito, ikaw, ok ka lang ba? Hinde ka ba napagalitan?"

"Si Sir Ryan pinagsabihan lang ako, wag na daw ako uulit nang ganoon at bawal daw kasi ang pumasok doon nang nakainom Sabagay may point naman siya, salamat sa inyo ha, at hinatid nyo ko dito

"Ok lang Cha, wala yun habang kausap ko siya, hinde ko maiwasang mapatingin sa kanyang cleavage noon at sa hita niyang sobrang kinis, at ang ambianc mismo nang kwarto, dahil din siguro sa ilaw, ay para bang nakakabuhay nang libido, at kung paano pa niya ako tignan, sadya namang nakakaakit, napatingin ako sa mga labi niya na noon ay mamulamula at para bang tinatawag ako, naramdaman ko noon na hinawakan ni Charice ang aking kamay

"El Nunalat unti unti ay naglalapit ang aming mga labi, ngunit nang malapit nang magdampi ang aming mga labi ay bigla kong pinisil ang dalawang pisngi niyaGumising ka Cha ang sabi ko habang nakangiti at binitawan ko ang pisngi na biglang namula gawa sa pagkurot ko dito, bigla niya akong pinalo sa balikat Aray ko naman, ang sakit noon ha!

"Para magising ka, lasing ka pa din ata eh bigla siyang ngumiti at nagulat ako nang niyakap niya ako

"Alam mo, hinde ko alam kung sino ba ang tanga sa atin, ikaw ba o ako

"Ha? Bakit?

"Wala, akin na lang yun, mahal mo na ba talaga ako? Bakit mo naman natanong yan?

"Wala lang, natanong lang, masama ba? Hinde..

"Hinde naman pala eh, so, ano, mahal mo na ba ako?

"Oo naman bigla siyang bumitiw sa pagkakayakap noon at pinisilpisil ang ilong ko

"Kelang nga pala ang birthday mo, 26 ba?

"Next week na pala, anong plano mo sa birthday mo? May pupuntahan ka ba?

"Wala naman, siguro, gagala na lang ako, buti nga at rest day ko noon eh

"Anong araw ba yun?"

"Miyerkules ata, bakit?

"Wala lang, gusto mo bang kumain, nagluluto si Yaya Ida nang agahan para kay Bethina eh, may practice kasi sila nang maaga, paang dance show ata

"Mahilig palang sumayaw ang anak mo noh?

"Mana sa ina eh

"Tara Cha, kumain na muna tayo, pwede bang makitulog na din?

"Sige pwede naman

"Wala bang magagalit sa iyo nyan?

"Wala na akong pake sa mga yun, hayaan mo silang magalit at hinila ako ni Charice at bumaba kami papunta sa kusina

"Yaya Ida, paghain mo nga kami, nagugutom na kasi kami eh at nilatagan kami ng pagkain nang katulong niya at nagsimula na kaming kumain, habang kumakain ay napansin ko na nakatingin siya sa akin at nakangiti pa nang mga sandaling iyon

"Bakit? May dumi ba ako sa mukha? ang tanong ko sa kanya

"May nunal ka sa mukha ang sabi niya sa akin at natawa kaming dalawa

"Napakasama mo naman, manlalait

"Biro lang ito naman at nang matapos na kaming kumain ay muli niya akong inaya na pumunta sa kwarto niya

"Tabi na tayo

"Ok lang? ang tanong ko sa kanya at nauna na siyang mahiga sa kama, umusog siya malapit sa may dingding

"Dito ka na humiga, bilis at paghiga ko ay agad siyang umunan noon sa aking braso, naamoy ko ang mabango niyang buhok, ang ganda talaga nang kulay nito

"Cha hinde ba talaga to peke?

"Mukha bang peke? ang tanong niya sa akin

"Hinde naman, kaya lang, ang ganda ganda kasi eh"

"Isa daw yan sa biyaya sa amin sabi ni Mommy noon sa akin nung nandito pa sila ni Papa sa Pinas, maganda daw kasi talaga ang buhok nang kalolalolahan namin, pero kami lang ni Mommy ang nakakuha nang ganitong kulay nang buhok

"Ikaw na, ay kayo na pala nang Mommy nyo ang pinagpala

"Nakita mo na ba si Mommy?

"Hinde pa, hinde mo pa naman pinapakita sa akin eh

"Mamaya, papakita ko sa iyo at yumakap sa akin si Charice, dumidiin na nga sa akin ang kanyang dibdib, bigla niya akong tinanong

"El Nunal, bakit hinde mo tinuloy?

"Ang alin?"

"Yung, gagawin mo kanina? hinde agad ako nakapsalita, ngumiti lang ako noon sa kanya

"Bakit nga?" ang muli niyang tanong sa akin, hinimas ko ang pisngi niya pababa sa kanyang balikat na napakakinis, at hinimas ko din ang buhok niya

"Siguro, mahal talaga kita kaya ganon"

"WEHHH?!!! ang bigla niyang sabi sa akin na para bang nangaasar pa pero nakangiti siya habang sinasabi niya iyon

"Bakit mo naman nasabi yun?

"Kasi, sabi sa akin noon nang isang kaibigan, kapag ang isang lalake daw, hinde na naiisipan pa na pagpantasyahan ang taong gusto niya, ibig sabihin, mahal na niya talaga ito

"Ganun? ang sabi niya na natatawa pa

"Siguro, kasi, kung mahal mo naman ang babae, talagang irerespeto mo siya diba? Kasi, kanina, pakiramdam ko, sa totoo lang ha, parang wala ka sa sarili mo eh, parang dahil lang sa impluwensya nang alak, kaya ka nagkakaganun, kaya hinde kita pinatulan

"Hinde naman kaya beki ka? Anong beki?

"Bakla, Beki

"Hinde ah, ano ka ba, bat mo naman nasabi yun?

"Kasi, kung totoo kang lalake, di mo napapalampasin yun ganung klaseng pagkakataon

"Cha, siguro, kung ganun ako magisip, isang tipikal na lalake, eh malamang, kanina ka pa walang saplot, pero, alam mo Cha, naisip ko lang kasi bigla, kung ganoon pa din klaseng pagiisip ang papairalin ko, tatanda akong magisa, masasanay kasi akong magpalitpalit nang karelasyon"

"Mukha mo, pahumble ka pa Seryoso Cha, kaya nga, mas gusto ko sana, mas matanda sa akin ang makakarelasyon ko, kasi, kung bata kasi, madami pang patweetums at kung ano ano pang kaartihan di ba?

"Kung makaagsalita ka naman akala mo matanda ka na"

"Well Cha, I'm already 22 this coming 28, and I'm not getting younger everyday,kaya naman I need to be responsible, isa pa, ako ang bread winner nang family namin, ate ko walang trabaho, aligaga pa din, mga pamangkin ko, next week uuwi na sa amin kasi matatapos na bakasyon nila, so kailangan ko na naman nang pera para matustusan ko mga pangangailangan nila, alam mo ngayon ko lang narealize na mahirap pala talaga kumita nang pera no?

"Sinabi mo pa, napakadami mong isasakripisyo para lang kumita, tapos halos lingo lingo nagtataasan ang mga bilihin, mabuti na nga lang talaga at sinuwerte ako at nakahanap ako nang trabaho

"At mayaman ka Cha

"Mayaman ang magulang ko, hinde ako

"Eh kanino ba ito ipapamana, di ba sa iyo din?

"Alam mo El Nunal, hinde ko kasi iniisip yun eh, mas gusto ko na ang perang ipapamana ko sa apo nang anak ko o sa anak ko mismo ay galing sa dugo at pawis ko, at hinde galing sa mana ko lang din sa mga magulang ko at sa mga magulang nang magulang ko Ganun?

"Oo, kasi, wala naman akong karapatang magyabang kasi hinde ko naman talaga pera yun eh, I'm just born with a silver spoon in my mouth, pero kung aasa ako sa yaman lang nang magulang ko, eh di lalaki akong mangmang nyan, pansinin mo, di ba yung ibang mamayamang tao, kahit malang pagsasaing eh hinde alam?

"Sabagay…"

"Mas ok na yung madami kang alam at marunong kang magig praktikal, si Lola lang kasi ang nagpapaaral kay Bethina kaya sa prvate school siya nagaaral eh, kung ako, baka sa public ko na lang siya pinasok, tapos pag highschool o college ko na lang siya papasukin sa pribadong paaralan Ganyan yung ginawa sa akin nang Mama ko eh. public lang ang elementary, tapos private na highschool at college

"Kasi inisip nang nanay mo maging praktikal, yan ang isang bagay na kahit papano eh natutunan ko sa mga magulang ni…"

At bigla siyang nanahimik , medyo naasar ako noon, kaya naman, hinawakan ko ang baba niya at tiningala siya sa akin, nagulat siya sa aking ginawa at walang pakundangan ko siyang hinalikan Nagsimula din siyang gumanti noon nang halik, ilang minuto din kaming nagpalitan nang halik noon, at ako na din mismo ang pumutol nito

"Charice, wag mo nang isipin ang lalaking yun, ako na lang

"El Nunal… sorry.. Gagawin ko lagi to

"Ang alin?

"Ang paghalik diyan sa malalambot mong labi, para hinde mo na masabi pa ang pangalan nang lalaking yun, hayaan mo na siya, ikaw na din ang nagsabi hinde ba, wala siyang kwenta, hayaan mong ako na lang ang magmahal sa iyo

"Kaya mo ba ako?"

"Anong kaya?

"Kaya mo ba akong alagaan, kaya mo ba akong pakisamahan, kaya mo ba ang ugali ko

"Titignan natin, hinde pa naman natin malalaman yan kung hinde natin susubukan di ba? Ang tanong, ikaw ba kayakayanin mo din ba akong pakisamahan

"Sa tingin mo?"

Hinimas niya ang mukha ko noon at hinalikan muli ako at bigla niyang sinabi sa akin habang nangingilid ang luha niya

"Sana hinde ka puro salita, El Nunal, ikaw, sa lahat nang mga lalaki na nagpapakita sa akin nang interes ang pinili kong makasama, hinde ko alam kung bakit, pero, alam ko aalagaan mo ako, sana hinde ako nagkamali sa iyo, ha? at tuluyang tumulo ang luho niya

"Bakit kaya umiiyak?"

"Siguro, masaya ako, at malungkot at ewan, mixed emotions ang nararamdaman ko ngayon, mangako ka na hinde mo ako iiwan, hinde mo ako susukuan ha?

"Pangako ilang minuto binalot nang katahimikan ang kwarto na iyon, parehas lamang kaming nakatingin sa isa't isa, at panay lang ang pagpapalitan namin noon nang halik

"Para tayong timang, noh?

"Bakit naman? ang tanong ko sa kanya

"Kasi panay lang ang tukaan natin, para tayong mga teen agers na ngayon lang naging mag on alam mo yun?"

"Uu nga no? Hayaan mo na, minsan lang naman to eh

"El Nunal, ano bang ayaw mo sa babae?

"Maarte, masama ang ugali siyempre, tapos, uhm… plastic? Ikaw? Anong ayaw mo sa lalake?

"Sinungaling at manloloko

"Paano yan napakasinungaling ko kaya?"

"Edi ayaw ko na sa iyo at bigla siyang tumayo at aalis na siya ng kama ay bigla ko siyang niyapos sa kanyang baywang

"Biro lang wag ka na muna umalis hinde ko alam na may kiliti pala siya sa may tagiliran nang bewang niya at tawa siya nang tawa at napapatili sa ginagwa ko

"El Nunal ahahahaha! Bitiwan mo ko!!! Ahahahaha!

"Dito ko lang, wag kang umalis! at naihiga ko siya noon, at nasa ibabaw niya ako noon, bigla siyang tumigil sa paggalaw noon, at ngumiti siya sa akin, ang kamay ko noon ay nasa bawyang niya, at ang isa ko namang tuhod ay nasa pagitan nang hita niya, medyo nakababa na ang isang bahagi nang strap o telang nasa may balikat niya noon, at doon ko lamang na wala pala siyang suot na bra, nagulat ako nang ibaba pa niya ang isa pang tela at halos mahubo na ang suot niyang night gown noon, konting baba na lamang ay kitang kita na ang kubuon nang kanyang dibdib, halos kalahati na kasi noon nang kanyang dibdib ang nakalabas, at pinulupot niya ang kanyang mga kamay sa paligid nang aking leeg, at dahan dahan ay bumababa ang aking ulo patungo sa kanyang mukha, na sadya namang kay amo, kay ganda. Pumikit siya nang halos malapit na ulit magdampi ang aming labi nang bigla na lang bumukas ang pinto

"Mommy… Mommy. ang sabi ni Bethina na noon ay pupungos pungos pa at halatang umiiyak, agad akong tumayo at nagmadaling tumayo si Charice noon at inayos ang kanyang sarli at binuhat ang anak niya

"Ohh baby, what's wrong?"

"Mommy, I had a bad dream That's ok baby girl, mommy's here na, don't cry…. would you like to sleep here? at tumango si Bethina at humiga noon ang magina sa may kama, ako naman ay nakaupo sa may paahan nila, at tahimik na pinagmamasdan kung paano ihele ni Charice ang anak niya, ilang sandali pa ay nakatulog na ulit ito, at dahan dahang tumayo si Charice at umupo sa tabi ko at sumanday sa akin

"Ilang taon ka nang magkaroon ka nang anak?

"Nineteen years old

"It must be hard on you noh?

"At first, ano bang malay ko noon sa pagpapalit nang lampin, di ba? Halos ang ginagawa ko lang noon eh magshopping, gumala, gumimik, pero hinde talaga ako mahilig uminom, kahit anong pilit nang mga kaibigan ko, eh hinde ako umiinom, alam ko kasing ipapahamak lang ako nang alak na yun eh, ayun, hinde nga nagkamali, kaya si at bigla ko siyang hinalikan noon, matapos ko siyang halikan ay bigla niya akong binatukan

"Ito naman nawili, nagkwekwento ako eh Ano bang sabi ko kanina? at natawa siya

"Ikaw style mo din eh noh, o sige yung dati ko, ayan ha, wala nang pangalan, ayun, lasing ako noon eh, napadami pa inom ko kaya ayun, noon una nga ayaw pa akong panagutan, eh, di ba naglayas ako, mabait naman pamilya nang dati ko eh, kaso, di ko alam kung bakit nagiba ugali, kaya ayon, hay, pero atleast, kinaya ko, noong una ako lang talaga, nagsosolo lang ako, naglayas ako noon di ba? noong panahon na yun, si Ryan lang ang tanging kaibigan ko na tumulong talaga sa akin, hanggang sa makunsensya yung dati, at ayun, kinuha ako kay Ryan, sabi nga ni Ryan noon, bakit pa daw ako sumama doon eh, ang sabi ko, mahal ko kasi siya at gusto ko may tatay na kamulatan ang anak ko, kaya lang, alam mo ba, bago pa makapagsalita si Bethina, umalis na nang ibang bansa yung dati ko, ako naman nagapply apply tapos sa awa nang Diyos ayun, natanggap ako sa isang maliit na callcenter dati, tapos kumuha ako nang experience tapos tska ako lumipat doon sa kumpanya natin ngayon, tapos, pinauwi na ako ni Lola noon dito sa bahay nila Mommy, wala kasi akong maiharap sa kanya noon, lahat kasi dati nang luho ko at layaw sa buhay binibigay naman nila, eh, alam mo naman, pag bata ka pa, kung ano anong kalokohan ang pumapasok, tska pasaway talaga ako noon, hinde mo talaga ako masasaway pag ginusto ko, gagawin ko, eto, wala akong napala, buti na lang at naiahon ko nga ang pagaaral ko eh "

"Nakakabilib ka pa nga, alam mo ba, kung ibang tao yan, di ba alam mo naman yung ginagawa nung iba, pinapalaglag Yan ang bagay na ni minsan ay hinde pumasok sa isip ko, sabi ko sa iyo, hindeng hinde ako papatay nang tao, kahit yung sinasabi pa nila na dugo lang daw yun, may puso na yun eh, tao na yun tumingin siya sa anak niya at ngumiti sa akin

"Pasensya na ha, at nanggulo pa si Bebe girl ko dito, naudlot tuloy

"Ayos lang ano ka ba, hinde naman yun ang habol ko in the first place

"Wushuu!!! Mukha mo!
Napakasinungaling mo pa nga

"Yun ba ang tingin mo sa akin?

"Medyo, pero, may tiwala naman ako sa iyo eh, so why should I be bothered or be worried?

"Alam mo Charice, hinde naman kailangan meron may mangyari sa dalawang tao para lang masabi nila na talagang mahal nila ang isa't isa eh Alam mo nakakatuwa ka talaga Bakit?"

"Mas matanda ka pang magisip sa akin eh, I mean, your mentality is way too old than mine, para kang nabuhay sa panahon ni kopongkopong eh By the way sino kaya si Kopongkopong noh?

"Aba ewan ko, bat ako tinatanong mo, di ba panahon mo yun?

"Hoy! mas matanda ka naman sa akin noh, limang taon ang tanda mo sa akin eh Mas mukha ka naman matanda sa akin t nagkahagikgikan kami noon, mahina lang ang tawanan namin, baka kasi magising ang anak niya Hinde na tayo nakatulog, ikaw ok ka lang? Ok lang naman bakit? Kasi, hinde ka pa sigurado nakakatulog di ba? Hinde ka pa ba inaantok? Anong oras na pati Teka, anong oras na ba?"

Kinuha ni Charice ang phone niya na nakapatong malapit sa may lampara

"Mag aalas otso na

"Ahh, ganun ba? Ok lang ba na umuwi na muna ako? Sandali, samahan mo muna ako, magkape na muna tayo sa Starbucks, meron naman ditong malapit na branch eh Sure, sige lang

"Wait ha, magpapalit lang ako at nagulat ako nang sa harap ko mismo ay naghubad siya nang suot niyang night gown, pero nakatalikod siya noon, kaya naman ang likod niya lamang na hubad ang nakita ko, at puting panty na suot niya, grabe ang kinis kinis, pero, bigla akong may napansing isang peklat sa likod niya, maliit lang ito, pero mukha siyang paso, at halatang sinadya ito

"Cha, ano yang nasa likod mo?"

"Ahh, yan ba, well, parang initiation rite noon sa sorority na nasalihan ko noon college ako, wala lang, trip trip lang, sabi ko nga sa iyo, dati eh kung ano anong kalokohan ang pinaggagawa ko, alam mo yun, para maging in, hinde mawala sa uso, I even used weed and ecstacy, di pa nga ecstacy ang tawag doon dati eh, kendi, para hinde obvious at matapos niyang makapagsuot nang maikling short na maong at sleeveless na t -shirt na pink ay inaya na niya akong umalis,pagbaba namin ay kinausap si Charice nang katulong nila

"Charmaine, it's been a while..isang boses ang narinig namin mula sa baba Mac?! Ikaw ba yan? t nagmadaling bumaba si Charice at niyakap si Mac El Nunal, si Mac, kababata ko bumaba ako noon at kinamayan ang lalaking iyon

"El Nunal pre

"Mac nga pala pre, ikaw ba ang asawa ni Chamaine? Ay hinde. Siya ang boyfriend ko ngayon Mac tumaba ang puso sa sinabi ni Charice, lalo pa nang yumakap siya sa akin

"I see Sandali, bakit ka nga pala nadalaw ka, kelan ka pa umuwi? Yesterday, medyo may jetlag pa kasi ako kahapon, kaya hinde agad ako nakadalaw dito, by the way, chocolates nga pala oh at inabot ni Mac ang nakadesign na boquet na tsokolate, at mukhang mamahalin pa Yan yung nirerequest mo, di ba?

"Thanks ha! at hinalikan niya sa pisngi si Mac, hinde ko alam kung bakit pero parang nakaramdam ako nang konting kurot sa dibdib ko nang makitang ginawa yun ni Charmaine, nagulat naman ako sa sinabi ni Mac Charmain, we're not kids anymore, wag ka basta basta nanghahalik, specially boys, kung may hahalikan ka man, ayan o, si El Nunal, ang boyfriend mo di ba pre?

Si El Nunal, ang boyfriend mo di ba pre?

Ang sabi niya sa akin, at nakipagumpugan siya nang kamao sa akin Hay nako, nagsama ang mga old fashioned people! ang sabi ni Charice at binigay muna ang tsokolate kay Yaya Ida Tara, would like to join us Mac? Saan? ang tanong nang lalaking yun kay Charice Starbucks, we're having coffee there, would like some?

"Nah, alam mo naman na hinde ako mahilig sa kape diba? Next time I guess Aalis ka na? Yeah, I got some appointment with an Arab guy, mahirap nang malate, alam mo naman mga ibang lahi, sensitive sa oras, gusto nila, bawat oras nila eh hinde nasasayang"

"I see Sige, enjoy your coffee Sabay sabay na tayo lumabas ang sabi ni Charice, bigla siyang tumawa nang nasa labas na kami I just remembered, I don't have my car here tinext niya noon si Ryan kaya lang hinde ito nagrereply, siguro ay tulog pa Mukhang mamasahe na lang tayo ah ang sabi ni Charice Saan ba kayo? Sa may Edsa Central lang, sa may SB

"Sumabay na kaya kayo, dadaan din naman ako doon eh"

"Saan ka ba pupunta?

"Podium, doon kami magkikita eh I see at sumakay kami sa dalang sasakyan ni Mac noon

"Wow, naman, ikaw na may bagong kotse ang sabi ni Charice noon Well, alam mo naman, eto lang ang libangan ko sa isip ko, napapanganga ako, ayos ang lalakeng to sa libangan, pagbili nang kotse, iba na talaga ang mayayaman

"Ikaw, did you stop your stamp collection?

"Matagal na, ano ka ba, alam mo naman yung nangyari sa akin eh Ikaw kasi eh, dati tinutulungan na kita, ayaw mo pa

"Mac, di ba nga, ang sabi ko, ayaw kong humingi nang tulong, kaya nga nagsikap akong maiahon ang sarili ko at ang anak ko eh, diba?"

"Ok ok, teka, ikaw pre, El Nunal, would you like to earn an extra income? Bakit? Alam mo ba yung UNO Narinig ko na nga yan, bakit? Kung gusto mo lang naman, you can join us, madali lang kumita dito, kung masipag at matyaga ka, alam mo ba, hinde naman pagmamayabang ha, this is my 11th car, at nakabili na din ako nang bagong motor, lalo na yung Ducati, di ba Charmaine, I told you finally one of my dream bike ay nasa akin na

"Alam ko, ang yabang mo pa nga noon sa akin eh"

"See pre, how did I bought those expensive cars and bike? Because of UNO

"Madami ka na bang under?

"Well madami dami na din, over 300 na ang mga under ko na may under din na mga 50 na may under din na 30 and the 30 had an under of 20 and 20 with an under of 20 as well, so ayun, I accumelate money enough to buy stuffs I want, di pa kasama doon ang kinikita ko on my account, alam mo kasi kung masipag ka lang talaga at madiskarte, kikita ka nang malaki sa networking, as long as you know how to give the needs of the people around you

"Alam mo Mac, stop giving us lectures and sales talk, wala kaming interes sa ganyan eh Bahala kayo, kayo din, ako ang living proof nang kagandahan nang networking na UNO Whatever Mac

"By the way, did your Lola told you something?

"Wala naman, bakit? Ano ba yun? Well I'll tell you next time, we need to discuss that matter in private

"Dali na ang arte naman nito Ok we're here na guys, Cha, ayan na yung SB oh, sige, I need to go at bumaba na kami ni Charice noon

"Ano kaya ang sinasabi noon? ang sabi ni Charice

"Baka naman medyo pribado kasi kung hinde naman eh sinasabi na niya diba? Siguro at umorder na kami noon at naghintay, chineck ko ang cellphone ko at meron na pala akong pitong mensahe, sinilent ko na kasi iyon para hinde na nakakaistorbo, dalawa doon ay galing kay Eusha, dalawa galing kay Lyka, at ang tatlo ay galing kay Irika
Eusha Message 1

"Ok na ako, salamat ha, nasan ka na? Nakauwi ka na ba?"
Eusha Message 2

"Pinapapunta ka ni Nanay dito, birthday nga pala niya sa Linggo, pwede ka ba?
Lyka Message 1

"Kuya, what time ka pupunta? Text mo ko ha"

"Kuya sa may simbahan na lang tayo nang Antipolo magkita, alam mo naman yun diba? Mga hapon ka na pumunta, wala pa kasi ako sa umaga eh, may pupuntahan lang ako
Irika Message 1

"Hoy! Kelan ba restday mo, punta ka daw kina Stephanie, meron daw inuman"
Irika Message 1

"El Nunal, simba tayo maya ano? Gabi pa naman pasok mo di ba?"
Irika Message 1

"EL Nunal, sumagot ka, adik to, sasabunutan kita pagnakita kita

Gusto ko man sila replayan noon ay wala naman akong load nang mga oras na iyon, kaya naman tinago ko na lang ang cellphone ko, nagulat ako nang makita ko na nakatingin din pala si Charice sa cellphone ko Dami mong text ah, sino sa mga yan pupuntahan mo?

"Hinde ko nga alam eh

"Di ba yung Lyka yan yung pinsan nang ano mo dati?"

"Oo, nangako na kasi ako na pupunta ako eh, ok lang ba? Oo naman, ano ka ba, pero, matulog ka muna ha, magagalit ako sa iyo pag hinde ka natulog Oo naman, magpapahinga ako noh Wag ka din iinom masyado, baka masobrahan ka, kung mapaano ka Opo nanay Ahahaha, nahihigpitan ka ba sa akin?

"Hinde ah, ok nga to eh, may nagbabawal sa akin namiss ko kaya to

"Sabihin mo lang sa akin kung medyo naasar ka sa pagbabawal ko, para di tayo magaway ok?"

"Oo naman Text mo ko ha, pagnakauwi ka na ha? Cha, patulog nga sa inyo Gusto mo ba?

"Ok lang ba? Oo naman Tapos papaload na din ako

"Wala ka bang load? Wala eh, pero papaload na lang ako binuksan ni Charice ang wallet niya at inabutan ako nang load card Eto oh, wag ka nang bumili Wag na Cha ito naman, kakakuha ko lang nang sahod ko, may pera ako Itago mo na yan, isa pa ang dami ko naman nyan eh"

At pinakita ni Charice sa akin ang isang haba nang load card worth 500php, nagulat ako at nagtanong sa kanya

"Bat naman ang dami mong reserbang ganyan?

"Ginagamit ko to noh, pagtatawag ako sa ibang bansa at tatawag ako sa mga cliente ko,regular load lang kasi ang ginagawa ko, alam mo naman, hinde lahat nang client had the same network, may globe at may smart at sun lalo na mga Chinese client natin, halos lahat sila Sun eh

"Ah.. ganun ba, salamat ha"

At dumating din ang inorder namin, habang umiinom kami nang kape, napansin ko na parang may tinitignan si Charice sa likod ko, bigla siyang ngumuso, hinde pa ako nakakaharap noon, bigla na lang may nagtakip nang aking mga mata

"Sino to? ang tanong ko kay Charice at hinde siya nagsasalita, hinde ako pamilyar sa amoy nang pabango nang babaeng ito, sinalat ko ang kamay nito, may naramdaman akong singsing sa daliri niya at hinde din siya nagsasalita, nagulat ako nang marinig ko siyang magsalita

"Di mo na ba ako nakikilala? at nang inalis niya ang kamay sa aking mga mata at dali akong lumingat upang kumpirmahin kung tama nga ang hinala ko kung sino iyon Rose Anne, ikaw ba yan? at niyakap niya ako It's been a while, kumusta ka na? Ok naman, eto, nagtratrabaho pa din, ikaw? ang ganda mo pa din ah at pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa, nakasuot siya noon nang pulang bestida na fit sa kanya, tapos medyo masikip ito sa kanya kaya naman nadedetalye o na eemphasize ang boobs niya at hubog nang katawan niyang ang ganda naman talaga nang kurbada, at siyempre di parin nagbago, mas matangkad pa din siya sa akin nang konte

"Eto, kahit papano, nakahanap na nang mapapangasawa

"Wow, bute ka pa

"Ikaw kasi eh, teka, sino yung kasama mo? Gf mo?

"Ahh oo, si Charice nilapitan ito ni Rose Anne at kinamayan Hi pleasure to meet you

"The pleasure is mine, so you know El Nunal?

"Yeah, he's a good friend, a very good friend of mine, right El? at ngumiti sa akin si Rose Anne

"Oo, Rose upo ka

"Yeah, come and join us"

"I'll pass for now, I need to meet up with my future husband, he might be waiting there, well see you guys around, by the way…may kinuha si Rose Anne na maliit na papel sa dala niya noon na purse bag, isang business card

"Nandyan yung number ko, El Nunal, give me a call or even a blank text, invited kayo sa kasal ko, wag kayong mawawala ha? Sure at umalis na si Rose Anne

"Ex mo? ang tanong sa akin ni Charice at bigla kong nailuwa ang kapeng iniinom ko noon

"A-ano?"

"Ex mo ba yung babaeng yun ang tanong ko

"Hinde, kaibigan ko lang siyaWeh? Seryoso? Di mo ba naging GF yun? Hinde eh, alam mo ba binusted ko noon dati sa harap nang madami tao Ahahahaa ganun? Oo, kasi ang crush kasi noon dati eh yung parang dancer sa school namin noong college kami Ahh, kaya naman pala, pero, napansin ko, parang tuwang tuwa siya na makita ka, meron ba kayong naging, magandang alaala?"

"Meron naman, dati, kahit papaano

"Nagsex kayo no? nang mga oras na iyon ay naibuga ko talaga ang iniinum ko noon na kape at tawa nang tawa si Charice noon, medyo nasamid pa ako noon kaya naman napaubo din ako noon

"Don't say those words in public Cha ang sabi ko sa kanya habang nagpupunas nang kape sa bibig Sorry, natatawa lang kasi ako eh Bakit?

"Parang naasar siya sa akin, naiba kasi ang tingin niya sa akin lalo na nung nagkamay kami, may diin eh

"Baka hinde naman

"Tingin mo, bakit hinde siya pumayag na sumama sa atin

"Ewan ko

"Well, di kita masisi, minsan talaga, babae lang ang nakakaramdam nito, para bang, bigla kaming nagkaroon nang ilangan, at parang pasikatan nang hinde namin namalayan, nakita mo naman, nagsimula siya, ininglish inglish niya pa ako, para namang hinde ako agent, ang arte niya pa magsalita"

"Nagseselos ka dun? ang tanong ko kay Charice Because I feel something not right when I saw her, sabihin mo nga sa akin, yung totoo, malande yung babaeng yun no? Well… you can say that, pero mabait naman siya eh Mabait siya sa taong gusto niya medyo ramdam ko ang asar sa pagsasalita ni Charice noon, kaya naman, iniba ko bigla ang usapan

"Oi alam mo ba magaling na kaibigan ko, si Eusha
Ohh that girl, anyway, hinde na ba siya naospital pa or something like that nang inuwi mo siya sa kanila? Hinde na naman, ok na siya eh, kahit noong kahapon, ok na siya I see, sabi ni Mr.Garcia she had a potential to be a great agent, sabi pa nga niya she might be the one replacing him in the near future, ikaw din galingan mo ha, sabi ko nga sa iyo diba? Dati, we're just an agents like you guys until we got promoted because of our hardwork and dedication as well Naman! Para sa iyo pagbubutihan ko!

"Alam mo, wag kang ganyan, kung pagbubutihan mo, hinde dahil sa akin, dapat para sa sarili mo

"Opo nay at tinigan ni Cha ang orasan sa cellphone niya Tara na, matutulog ka pa di ba? at inubos ko na ang kapeng iniinum namin at naglakad na kami at sumakay sa may MRT Doon ka na lang kaya sa mga pambabae Charice

"Ayaw ko nga, sama na tayo dito at nang makabili na kami nang tiket ay nagabang na kami nang masasakyan, medyo madami ang tao nang mga oras na iyon

"Cha paunahin na natin sila, siksikan masyado oh Sige, upo muna tayo doon

At hinawakan niya ang aking kamay at umupo muna kami sa amy bakanteng upuan doon, at pinagmamasdan namin ang mga taong sumasakay Dami pa din palang tao kahit Linngo no?

Ibig sabihin, araw araw, pag uuwi ka, ganito ang sinasalubong mo? Oo, minsan naman nang bubus ako pauwi pero kung gusto gusto kong umuwi, nagMMRT ako para mabilis kasi pag bus, minsan inaabot ako nang kalahating oras sa biyahe eh Di ka naman nahihirapan?

"Di naman, nasanay na eh"

"Ako, kung ganyan ang haharapin ko araw araw, nakupo, baka hinde ako tumagal, tapos pagdating mo dito sa ortigas biyabiyahe ka pa pauwi diba, ilang oras naman yun?

"Kung sesewertihin, mga isa't kalahating oras, pagmalas at matrapik, dalawa Teka, noong hinatid mo ba si Eusha dati, nag MRT ba kayo? Oo, pero hinde naman kami nasiksik noon, sakto kasing kabubukas pa lang nang MRT noon kaya hinde masikip Ahh.. ganun ba yun, anong oras ba to nagooperate"

"Ngayon, maaga na eh, around 6:30 am inaabutan ko na tong nagooperate hanggang 10 nang gabi Wait, so, pagpapasok ka, anong sinasakyan mo? MRT pa din,ayaw ko sa bus pag gabi, delikado eh, uso kasi holdapan ngayon eh Ganoon? Nakakatakot naman, bat di ka na lang kaya magbed space? Di pwede, dagdag gastos lang yun, di ba may babayaran nga akong malaki laki, tong sahod ko, doon lang mapupunta to eh, kukuha lang ako nang konte, iaabot ko sa ate ko yung iba, tapos babayad ko yung iba sa utang, tapos konteng pamasahe Ganoon? Ok lang sa iyo yung ganun?
Ayus lang, wala naman kaso sa akin yun eh, besides, that's the main reason why I work as an agent, isa kasi ito sa may pinakamalaking sahod na trabaho niyakap ako bigla ni Charice noon, at hinalikan sa pisngi Kawawa ka naman pala no?

"Bakit naman? You're working hard just to pay the debt of others, napakairisponsable naman nang mga tao sa inyo, sa iyo pa inaasa yan Hayaan mo na, ganoon talaga, ate ko, wala na akong aasahan doon, alam ko naman na hinde na yun magtratrabaho eh, iniintindi ko na lang
Pero mali na ikaw lang ang gagawa nang lahat, problema pati yun nang ate mo, kaya dapat siya din, tumutulong sa iyo Hayaan mo na, isipin mo na lang, kung hinde din dahil sa ate ko, hinde tayo magkakakilala Bakit naman?

"Aba, edi hinde ako nagtratrabaho ngayon kung ate ko ang nagtratrabaho sa amin di ba? Nakakatuwa ka pa nga talaga Bakit naman? Kasi, kahit anong negative feedback ang sabihin ko, kahit siguro may mga panget na mangyari sa iyo, you always look at the bright side of life

"Eh kasi naman, kung mageemote lang ako edi walang nangyari di ba?"

Napansin ko na halos konti na lang ang tao, kaya naman inaya ko na si Charice na sumakay nang MRT, pagpasok namin, wala nang mauupan na pwesto kaya naman nakatayo na lang kami noon ni Charice at natatawa ako sa kanya sa kinikilos niya, para kasi siyang bata na panay ang libot ng mata

"First time mo noh? tumingin siya sa akin at ngumit

"Ok lang yan, ako din kaya ganyan unang sakay ko dito, natatanga pa nga ako noon, diba yung pinapasok na card, dati yung akin di ko maipasok nang maayos akala ko sira yun pala, baliktad ang card kaya ayun, nakakahiya man ang nangyari, masaya naman ang naging experience ko, at natuto ako sa nangyari di ba?

"Sabagay nagulat ako nang tumigil ito sa isang station na may madaming tao, at nang nagpasukan ito ay nasiksik kami ni Charice sa may gilid malapit sa may pinto, nababanga ko na ang boobs niya noon, pero wala siyang pakielam noon, mas pansin niya pa ang mga tao na nagkakagulo at nagsisiksikan

"Para palang palengke to no?"

Ang sabi niya noon sa akin at inayos niya ang pagtayo niya, siya mismo ang naglagay nang kamay ko sa paligid nang baywang niya at yumakap siya sa akin, at dahil sikskan kami noon, ay dumidiin sa akin ang boobs niya, napapangisi siya noon, at bigla siyang bumulong Nakikiliti ako, wag ka masyadong kumilos pilit kong nilalayo ang katawan ko noon, upang hinde kumiskis pa ang dibdib niya sa akin kaya lang sadyang hinde ko maiwasang dumikit ito Ano ba, El Nunal, nakikiliti ako, wag dito, loko ka talaga Sorry, hinde ko mapigilan eh at bigla na lang…

"Ok ka lang ba El Nunal? tanong sa akin ni Charice at tinayo ako may pinto, bigla kasing bumkas ang pinto paghinto nang tren at hinde ko namalayan, nakakahiya ang nangyari sa akin noon, ang laki kong bulas, bigla akong nabuwal

"Ok lang ako, ikaw?"

"Ok lang, di naman ako natumba eh baliw to, tara nandito na tayo" pinagtitinginan ako noon nang tao, at si Charice ay natatawa pa din sa nangyari

"Kasi naman eh, sabi ko sa iyo, tigilan mo eh, yan tuloy"

"Di ko naman sadya eh, siksikan talaga kanina diba?

"Eh ano naman, eh yung kamay mo, panay ang galaw sa may bewang ko, nakikiliti ako, natulak tuloy kita bigla akong napangiti, hinde pala ang pagkaskas nang dibdib niya sa akin ang sinasabi niya, yung pagkapit ko pala sa kanyang bewang Bakit ano bang iniisip mo?

"Wala, wala hahahaha natatawa lang ako sa inisip ko Ano bang iniisip mo? Basta, teka, magtataxi na ba tayo Wala naman dumadaang jeep sa amin eh, ano ka ba

"Sige, sige may huminto sa amin na taxi, nagulat ako at biglang binati nito si Charice

"Oh, Charmaine, wala ka atang oto ngayon?"

"Naiwanan ko sa park kagabi nakainom kasi eh Tara, hatid na kita sa inyo

"Libre ba? Langya ka naman, yaman yaman mo na eh!

"Biro lang at pumasok na kami sa taxi, at nagpatuloy ang kwentuhan nila hanggang sa ibaba na kami nito sa may gate nila Charice

"Oi Alex salamat ha Ikaw pa, sige at umalis na ang taxi

"Sino yun? ang tanong ko kay Charice
Klasmate ko noong highschool, isa din yun sa mga nanligaw sa akin dati, parang naging ex ko din siya, gago kasi yun dati eh, pero mabait siya sa akin, lahat ata nang nangaasar sa akin dati eh sinasapak noon, kaya ayun, nagustuhan ko siya, mahilig kasi noon sa mga bad boys, kaya ayun, pinatulan ko siya, pero nauwi na lang kami sa friends, you know, I thought, he will be my husband, eh, babaero, tapos manloloko pa at sinungaling, kaya nakipaghiwalay ako, isa pa, nawala yun noong highschool namin, ewan ko ba, di ko alam kung totoo yung sinasabi nila sa akin eh, yung mga kaibigan niya"

" Bakit daw? Kaya daw umalis yun kasi iniwanan ko daw, ako lang daw ang naging rason kung bakit siya nagaaral doon, eh ayun, tinanong ko sa kanya noon nung nagkita kami, ayun, totoo nga, pero tinatawanan na lang namin yun, atleast di ba, hinde kami bitter sa isa't isa " Ahh… kaya pala ang bait sa iyo noon sa iyo " Kaya nga ikaw, pinapapunta kita sa bahay nang ex mo, ayusin mo lang ang problema nyo kung wala kayong closure, kasi ang panget noon eh, habang buhay kasi dadalhin mo ang nararamdaman mong guilt and regret, kaya ayun"

"So you mean… ikaw at yung dati mo?