1. Home
  2. Stories
  3. Muli - Part 2
xTorya

Muli - Part 2

By el_nunal ·

"Mahiga ka na nga kasi dito, dami mo pang arte eh, wag ka na mailang sasabunutan kita dyan eh"

"Eusha para ka pang ewan, sige na matutulog na ako at uunan na lang ako dito at humiga na ako sa sahig pero nakaulo ako sa may kutson na hinihigaan ni Eusha, nagulat ako nang bigla siyang umupo at yumuko sa uluhan ko

"Oh bakit? ang tanung ko sa kanya at nagulat ako nang bigla na lamang niyang halikan ang aking noo

"Good Night El Nunal"

At bumalik na siya sa kanyang pwesto at natulog na, ako naman ay nagulat, siguro, natuwa lang talaga siya at sumama ako sa kanya, isa pa, hinde naman niya ako hinalikan sa labi eh, sa noo lang,kaya para sa akin, halik kaibigan lang yun. Ilang minuto pa ay naramdaman ko nang bumiigat ang aking mata hanggang sa makatulog ako

Nasilaw ako sa liwanag na tumatama sa aking mata, naisip ko noon na umaga na at oras na para ako bumangon at umuwi, ngunit nagtataka ako kung bakit hindi ko maigalaw ang aking braso, pagmulat nang aking mata ay nagulat ako dahil sa braso ko mismo nakahiga si Eusha at nakayakap pa siya sa akin,at ang damit niya ay bahagyang nakaangat,litaw ang tiyan hanggang puson at bahagyang nakababa din ang suot niyang pekpek short , at nagulat din ako nang may biglang pumasok sa bahay nila at nang makita kami ay halatang nagulat at galit

"Sino ka animal ka?! Nasa jeep na ako noon at nakatingin sa may labas nang bintana, pinagmamasdaan ang mga tanawin habang pauwi, nakatangap ako nang mensahe kay Eusha

"Pasensya na, nadamay ka pa sa pagalit sa amin"

Napangiti ako pagnaalala ko ang nangyari bago ako umalis sa kanila. Nagising ako sa liwanag na tumama sa aking mga mata at naisip ko na umaga na nang mga oras na iyon at oras na din para umuwi ako, ngunit hinde ko maikilos ang aking kaliwang braso at sa aking gulat ay nakita ko si Eushang nakayakap sa akin at nakaangat pa ang damit na kita ang kanyang tiyan hanggang sa puson at maging ang short niya ay bahagyan nakababa, halos kita ang konting bahagi nang kanyang panty, at pumasok ang isang matandang babae at hinataw si Eusha sa binti

"Eusha, sino yang lalake na yan?!"

At nagising bigla si Eusha, at parang nataranta sa nangyari, maging siya ay nagulat na nasa tabi niya ako at nakayakap siya sa akin, bigla naman lumabas si Jules na tulad din nang itsura niya kagabi, kaya naman lalong naghurimintado ang kanilang tiyahin at sinabunutan silang dalawa, samantalang ako naman ay pinaalis nang kanilang tiyahin

"Ok lang ba kayo ni Jules?"

"Ok lang naman kami, pasensya na talaga ha, nakakahiya

"Ako nga ang nahihiya eh, sabi sa inyo eh, ayan tuloy napagalitan pa kayo"

"Ok lang yun, sandali lang naman magalit yung Nanay Mena eh, konting lambing lang namin yun, nagulat lang yun, kasi naman, bakit ba kita katabi paggising ko?"

"Aba ewan ko sa iyo, adik ka ba, di ba nasa sahig nga ako ikaw nasa kutson, paggising ko nasa tabi na kita "Hahaha saan ka na?"

"Malapit na sa amin, ako naman ang yari nito paguwi, sabi ko sa ate ko uuwi din ako pagkatapos nang interview, oi sige maya na lang at wala na ako battery, lo bat na

"Ok sige"

At tinago ko muna ang aking phone at ilang sandali pa ay nakarating na din ako sa babaan papunta sa amin. Paguwi ko nang bahay ay nakita ko ang ate ko na nakasimangot

"Sana ka galing? ang tanong sa akin nang ate ko

"Sa interview" "Hanggang alas diyes nang umaga, interview, wag mo nga ako lokohin, isa pa amoy alak ka na naman, baka naman hinde ka talaga pumunta sa interview at naginom ka lang, aba, bunso, wala na akong perang maibibigay sa iyo alam mo naman ang nagyayari sa akin ngayon hinde ba?

Nang mga sandaling iyon kasi, meron krisis na pinagdadaanan ang pamilya nang ate ko, ang asawa niya na noon ay nagpapadala nang pera sa amin ay hinde nagbibigay pa nang sapat na sustento dahil meron na siyang ibang babae sa ibang bansa, may kabit, at dahil sa kakulangan sa pera, napilitan akong magtrabaho upang tulungan ang ate ako at mapakain na din ang aking mga pamangkin, nang mga oras na iyon, ako ang naging bread winner sa bahay, ako lamang ang kumukilos noon para magkapera, nagpapadala man ang aking ina mula sa ibang bansa ay hinde ito sapat upang matustusan ang aming pangaraw araw na pangangailangan, samahan mo pa nang sunod sunod na utang na ginawa noon nang ate ko dahil hinde niya naman lubos akalain na bigla siyang tatarantaduhin nang asawa niya, di ko rin siya masisi kung bakit simula sa pagiging masiyahin at maintindihing ate ay naging bugnutin at masungit na siya.

"Ate, pumunta nga ako sa interview at pumasa ako, wag kang magalala at s sabado eh magsisimula na akong magtrabaho, training lang naman muna ang gagawin ko eh, tapos noon diretso na sa work

"May bayad ba naman ang araw nang pagpasok mo, mamaya nagsasayang lang tayo nang pera pamapamasahe mo wala naman palang mangyayare

"Ate, wag ka na kasi magalala"

"Eh letse paanong hinde ako magaalala eh tignan mo, anong oras ka na umuwi, tapos amoy alak ka pa, paano kita paniniwalaan niyan?" sakto naman na may tumawag sa akin, mula sa kumpanyang pinapasukan ko "Yes, ok, is that all I need to bring, ok, thank you"

"Sino yun? tanong nang ate ko

"Sa opisina ko, pinagpapadala ako nang notebook at lapis at 2x2 na picture

"Gastos na naman… hay nako, kung yung pinang inom mo eh tinabi mo edi sana meron kang pangpicture ngayon"

"Ate, hinde ako gumastos sa pagiinom, kumain ako, namasahe, at meron pa naman akong natirang pera eh hinde na ako hihingi sa iyo nang pang picture

Pero ang totoo noon ay di na sapat ang pera ko para gamitin pa sa pagpapalitrato, pero sinabi ko lang yun para hinde na magsalita pa nang kung ano ano ang ate pero sadyang may sapi ata siya at patuloy pa rin akong binubungangaan kaya naman ako eh naligo na lamang, nagbihis, nagbaon nang damit at umalis sa amin, pinili ko munang umalis at makitulog sa bahay nang mga kaibigan ko, at doon muna nagpalipas nang oras, isa sa mga kasama ko nang mga sandaling iyon ay si Sisiw (palayaw niya), medyo komportable kasi ang aking pakiramdam sa kanila, pwede pa akong magsigarilyo at makinood nang telibisyon noon sa kanila, pero hinde lang naman yun ang madalas kong ipunta doon, nagpapaalis lang din lang ako nang sama nang loob nang mga oras na iyon, medyo nagtatampo kasi ako at naasar sa ate ko, kasi, ginagawa ko naman ang makakaya ko pero parang hinde niya ito nakikita, kaya naman sa mga kaibigan ko na lamang inilalabas ang aking mga problema, ayaw ko na din kasi kahit papano dagdagan ang problema nang ate ko. Sumapit ang araw nang Sabado, araw nang una kong pagpasok sa trabaho, hinde na ako kumain pa dahil hinde ko din naman gusto ang ulam at wala din ako sa mood para kumain, isa pa, nagkaaway na naman kasi kami nang ate ko noon, kinuha ko ang pamasaheng nilagay niya sa may lamesa, maliit lamang ito pero ayos lang, dahil nakahiram naman ako noon nang pera sa mga kaibigan ko, naawa din kasi sila sa situation ko nang mga sandaling iyon. Pagdating ko sa trabaho ay nakita ko si Eusha sa may canteen,at kinawayan niya ako

"Anong nangyari sa iyo. bat hinde ka nagtetext?"

"Pasensya na ha, wala akong load eh, kahit nga ngayon wala akong load eh, kumusta training mo?"

"Ok naman, madali lang pala, ikaw mamaya ka pa noh?

"Oo, sana nga madali lang din ang magiging training namin eh, sino kaya ang trainor namin, sa inyo ba sino?"

"Si Mr.Garcia din, siya yung team leader namin eh, baka ganun din sa inyo, team leader din ang magtratraining sa inyo

"Sana nga, pero, sa kanila, pwedeng maging trainer at TL no?"

"Hinde daw lahat, kasi si Mr.Garcia eh meron naman inassign na parang sub team leader sa team niya sandali habang nagtratraining kami, sigruo ganun din gagawin sa inyo, malay mo diba?"

"Oi Eusha tara na, nandyan na si sir ang sabi nang isang babaeng dumaan, kasamahan siguro iyon ni Eusha

"O sige mauna ka na, mamaya pa ako, napaaga pala ang pagdating ko

"What time ka ba?" "Mamaya pang 2am, ikaw ba anong oras kayo nang simula? "8pm, sige, kita na lang tayo mamaya "Sige"

At umalis na si Eusha, iniwanan niya ako nang pagkain, at kinain ko naman iyon kasi bigla akong ginutom nang mga oras na iyon, at pagtingin ko sa wrist watch nang katabi ko ay alas dose imedya pa lang, isang oras at kalahati pa ako maghihintay, kaya naman matapos kong kumain ay pumunta muna ako sa labas nang building at doon sa labas nagsigarilyo, naglakad lakad muna ako, sa East Wood, ang lugar na ito kasi ay buhay na buhay nang mga ganoon oras, at ang maganda pa nito, meron ka talagang makikitang mga artistang nakatambay doon at umiinom or nagrerelax. Maganda ang paligid ang tanawin at karamihan din nang mga babaeng nandoon, magaganda, iba iba pa ang lahi, koreana, amerikana, brazilyana at meron ding mga hapon. Ang daming mga taong ang gaganda nang bihis, nang porma, at nang mga kapit na cellphone, halatang mayayaman. Nakakarelax lang na maglakad lakad at mag sight seeing sa lugar na puno nang magagandang bagay, madami din kainan, inuman o bar, at ang pinakagusto ko ang fountain na makikita mo doon, ang ganda niya, isama mo pa ang parang tulay na dadaanan mo para makarating doon sa pinaka fountain mismo. Naglakad ako papunta doon at meron akong nakitang isang pamilyar na babae, si Charice, she was there alone and smoking sitting next to the fountain. Ang ganda niya talaga, lalo na nang humangin at hinihipan nang hangin ang kanyang buhok ay sumasabay ito sa ihip, at ang mukha niyang sadya naman talagang kabighabighani, ang mga matang mapungay at labi niyang mapula, pero, parang malungkot siya noon, inisip ko na siguro ay mabuti pang iwanan ko siyang magisa pero nagulat ako nang bigla niya akong tawagin

"El nunal? Is that you? humarap ako ako dahan dahan sa kanya, pagharap ko ay malapit na siya sa akin, tinapik niya ang aking balikat at binigyan ako nang isang cute at heat warming na ngiti

"Anong ginagawa mo dito? ang tanong niya sa akin

"Wala langpo , naglalakad lakad lang, wala pa naman yung trainer po namin doon eh

"I see, so maaga ka palang dumating, kumain ka na ba?

"Opo

"Wag naman akong i - po, pakiramdam ko tuloy ang tanda tanda ko na, wag mo na akong i-po po ha?

"Cge Mam"

"Cha

"Cha?"

"Tawagin mo kong Cha, ok? Short for Charice" " Ok, Cha, hinde ako gutom, kumain na kasi ako eh, ikaw Cha kumain ka na ba?"

"Hinde pa nga eh, tara kain tayo sa may Ssbaro

"Ssbaro? Ano yun?

"Tara, kain tayo, samahan mo ko, libre na kita at naglakad kami papunta sa sinasabi niyang Ssbaro at nakita ko na isa pa itong fast food restaurant na nagseserve nang pizza

"Ano bang gusto mo? ang tanong niya sa akin

"Ano ba… sige cheese pizza na lang"

"Yun lang ba? Order ka pa"

"Ok na ako dun, kumain na naman ako eh"

Nilapitan kami nang waiter at umorder na siya, at habang naghihintay kami ay bigla niya akong tinanong "Ilang taon ka na, if i'm not mistaken, 21 o 22? "22 na Cha, actually this year, 23 na ako

"I see, bata mo pa pala

"Kaw ba Cha, ilang taon ka na ba?

"Secret!

"Ang daya mo naman, sige na, ilang taon ka na ba?

"Well, i'm already 27, going 28 this year as well, anong month ka ba pinanganak?

"October

"I see, so scorpio ka noh?

"Oo, ikaw?

"Well Aquarius ako, uy, salamat nga pala sa panyo noong nakaraan ha?

"Ok lang yun, salamat din

"Bakit? ang nakangiti niyang tanong sa akin

"Wala lang… basta salamat at nang dumating ang order namin, nagulat ako kasi, meron itong dalang dalawang box nang pizza at meron din spaghetti. Masarap ang pizza na binili namin, pero siyempre, may kamahalan ito. Matapos namin kumain ay pinadala niya sa akin yung dalawang box nang pizza at inaya na niya akong bumalik sa aming office. Nagtataka ako dahil ang akala ko eh doon kami pupunta sa may workin floor kung saan malapit ang office niya pero, pinasunod niya ako sa isang training room at pagpasok namin sa loob ay pinalagay niya sa akin ang pizza na dala ko sa may bakanteng upuan doon at nagulat ako nang bigla niyang sinabi

Good Morning guys, I'll be your trainer, My name is Charice --- ---, nice to meet you
Halos malaglag ang panga ko sa nalaman ko, ano bang klaseng babae to, siya na nga ang interviewer, siya pa ang trainer ko, hinde ko alam kung sadyang nagkataon lang ba talaga, pero ang alam ko, masaya ako, hinde ko kasi akalain na siya mismo ang magtuturo sa amin, at wala kaming masabi sa ganda nang pagtuturo niya sa amin, masaya, hinde boring at talagang lahat ay nakatutok sa pagtuturo niya, hinde siya gumagamit nang malalalim at mahihirap na salitang intindihin at diretso agad siya sa punto magturo at walang paliguyligoy pa, at ang masaya nito, meron kaming libreng pizza nang dumating ang break namin, hinde din siya nakakailang kausapin, madali siyang i aproach lalo na pag ngumiti na siya, kaya naman napapaisip ako nang mga sandaling iyon, bakit noon kailangan niya nang taong makakausap o makakasama nang umiiyak siya ay wala manlang lumapit sa mga emplayadong nakita ko noon. Lumabas siya nang mga sandaling iyon, since madami pa namang oras na natitira sa aming break ay lumabas na muna ako nang building para magsigarilyo. Hinde ko pala nadala ang aking lighter nang sandaling iyon, kaya naman naghanap ako nang nagsisigarilyo para makisindi at hinde ko naman lubos akalain na si Charice ay nasa labas din pala at nagsisigarilyo, nagdadalawang isip ako na lapitan siya pero nang makita niya ako at sumenyas sa akin ay wala na din akong nagawa kundi lumapit

"So, nagsisigarilyo ka din pala"

"Oo, pampalipas oras lang napansin ko na iba ang sinisigarilyo ni Charice, una sa lahat, ang bango nang amoy nito hinde tulad nang pangkaraniwang sigarilyo, pangalawa ay ang kulay nang papel nito, at medyo manipis din ito sa pangkaraniwang sigarilyo

"Yes? ang tanong niya sa akin, napansin niya siguro na nakatitig ako sa hawak niyang sigarilyo, kaya siguro bigla na lamang niya akong inabutan nang isang piraso nito

"Would you like to try?"

"Ok lang ba?

"Sure, take one, mukhang gusto mo kasing tikman eh

"Ahehe, pasensya na Cha ha, kasi ngayon lang ako nakakita nang ganyang klase nang sigarilyo, bukod sa maliit, ang bango pa

"I see, kaya pala para kang batang nakatitig sa kapit ko

"Cha, peram nga din nang lighter, yun lang talaga ang gagawin ko, kaya ako lumapit"

"Ah, sure"

At kinuha niya ang lighter niya sa dala niyang purse bag, napansin ko na maganda ang pagkakayari nang lagayan nang lighter ni Charice, parang pinasadya niya pa talaga ito, at ang nakakatuwa pa nito ay siya pa mismo ang nagsindi nang sigarilyo ko. Nang simulan ko na itong hithitin ay iba ang naramdaman ko, tila ang usok na ito ay may lasa, walang sabit at higit sa lahat, ang bango niya talaga, di ko naiwasang itanong sa kanya kung anong sigarilyo ito at magkano

"Cha, saan mo ba binili to? Ang bango na ang swabe pa sa lalamunan

"Dyan lang sa malapit na mall, bakit?"

"Gusto ko lang kasi itry, masarap eh

"Meron pang ibang flavor na mapagpipilian doon, ako kasi, trip ko yung amoy nitong peach eh"

"Ahh, ganun pala, magkano ba to? "200 ata, or 300, nalimutan ko eh at nagulat ako presyo na sinabi niya, ilang pakete na din ang mabibili ko sa presyong sinabi niya, grabe siya kung gumastos para lang sa sigarilyo, siguro, sadyang mataas lang talaga ang sweldo niya at kaya niyang bilhin ang luho na gusto niya. Tinamaan tuloy ako nang hiya nang mga sandaling iyon at humingi nang pasensya

"Cha, ang mahal naman pala nito, sana pala di mo na ako binigyan, nakakahiya naman

"Ano ka ba, ok lang yun noh, can I ask you a favor?

"Ano yun Cha?

"Later, tulungan mo kong dalhin yung mga papers na nasa training room sa office ko, medyo mabigat kasi eh, ok lang ba?

"Sure, yun lang pala eh"

"May gagawin ka din ba after nang training?

"Wala naman po ay wala naman Cha, bakit?

"Well, I need someone to carry some equipments and papers later, pero hinde dito sa building natin, meron akong imemeet na client, kung ok lang naman eh magpapasama ako sa iyo Sige, ok lang po"

"May po ka na naman, hintayin mo na lang ako mamaya sa may waiting room ok, meron pa kasi akong aasikasuhin after the training eh ok?"

"Sige, Cha"

At nauna na siyang pumasok sa akin nang building namin, ako naman ay inubos na muna ang sigarilyong binigay sa akin ni Charice, matapos noon ay pumasok na din ako, at sa pagpasok ko ay bigla kong nasalubong si Eusha, at meron siyang mga kasamang babae at lalake, parang yung mga kasama niya siguro ito sa training, tinawag niya ako at pinakilala sa mga kasama niya

"Oi guys, si El Nunal nga pala, friend ko"

"Helo" ang sabi ko sa kanila at kumaway sila sa akin

"Uwian na kayo?"

"Oo, ikaw anong oras tapos nang training nyo?

"Mamaya pa, 2 hours pa ata bago matapos ang training namin, saan kayo pupunta?

"Doon lang Eastwood, birthday kasi nito oh at tinuro ni Eusha ang isang cute na babaeng may maikling buhok, morena at masasabi ko nang sakto lang ang katawan, hinde siya payat, hinde din mataba, at hinde din ganun kalakihan ang dibdib pero ang kapansin pansin sa kanya ang cute niyang dimples at ang ngiti niya.

"Sige, ingat kayo ha, Eusha wag masyadong magpapakalasing ha?

"Uyy!!! Concern si Koya!!! ang kantyaw nang mga kasama ni Eusha sa kanya

"Mga sira! Tara na nga!"

Ang sabi nito na parang natatawang nahihiya, ako naman ay umaykat na nang hagdan at pumasok sa training room. Pagdating ko doon ay nagtataka ako dahil wala pa din si Charice, siguro ay may inasikaso pa siya kaya siguro wala pa din siya, pero nagtaka na kami nang halos kalahating oras na ang lumipas ay wala pa din siya, medyo naiinip na kami noon, kaya naman nilibang namin ang aming mga sarili, yung iba ay muling tinignan ang lahat nang tinuro sa amin ni Charice, ang iba naman ay nanuod nang mga movies sa kanilang cellphones, yung iba naman ay nakinig sa cellphone nila, at ako, panay ang tingin ko sa mga kasama ko training, ngayon ko lang napansin na madami din pala akong magagandang kasama, meron mga payat, sexy,chubby at matataba, meron ding mga gwapong lalake at mukhang manyakis, binilang ko kung ilan kami lahat at nagulat ako na labing isa lang pala kami, at lima lamang kaming lalake at anim na babae, kaya lang isa pa sa napansin ko, ako lang pala ang mukhang pulube, iwan sa porma at iwan sa ginagamit na cellphone, halos lahat kasi nang mga kasama ko sa training room ay magaganda ang cellphone, meron pa nga sa kanila ay gamit agad ang pinakabagong labas na cellphone, kaya naman nahihiya akong ilabas ang cellphone ko, hinde dahil sa luma na ito, kundi dahil sira ang lagayan nito, nakakatuwa nga at kahit na sira na ang keypad at ang casing nito ay nagagamit ko pa din ito, hinde naman kasi talaga ako mahilig sa mga cellphone pero siyempre, nakakahiya naman kung makikita nila ang lagay nang aking cellphone, nasira kasi ito nang minsang ibato ito nang ate ko sa sobrang asar niya noon. Wala pa naman ako kakilala noon sa mga kasama ko, mukha kasing mahirap sila pakisamahan, halos lahat kung magusap ay ingles at napakaarte pa at medyo nakakabadtrip pakisamahan kasi halos lahat ay nagpipilit maging sosyal at angat sa iba, pero hinde naman pala lahat ay ganun, nagulat ako nang may kumalabit sa akin Hello, ako nga pala si Leslie, El Nunal right?"

"Yes

"Anong masasabi mo sa mga kasama natin? ang pabulong niyang tanong sa akin, napangiti lang ako, siguro ay parehas kami nang iniisip tungkol sa mga kasama namin, maging siya ay napangiti na lang din sa akin

"Bakit kaya wala pa si Mam Charice no?

"Hinde ko nga din alam eh, siguro eh may ginagawa pa

"Siguro nga"

Tumayo siya at umupo sa tabi ko, maganda si Leslie, makinis ang mukha at makinis din ang kutis, maputi, hinde naman ganon kapayat, ang problema nga lang ay hinde siya pinagpala nang dibdib, hinde ganoon kalaki ang kanyang dibdib pero bagay naman sa kanya, isa pa, may katangkaran din ang babaeng ito, at kahit wala siyang dibdib ay maganda naman ang mukha, buhok at tindig niya, bumagay pa ang suot niyang sweater na turtle neck at skinny jeans na suot niya.

"Patabi ha?

"Sige lang, wala naman nakaupo diyan eh"

"Madali lang pala ang training natin no?

"Siguro, pero baka umpisa lang, kasi dati, yung sa mga pinanggalingan kong training, sa una lang talaga ang madali, tapos, pagdating sa huli, pahirapan na, sigurado mababawasan pa tayo nito eh"

"Oh? Ganun ba yun?

"Bakit, first time mo ba magwork sa call center?"

"Oo eh, buti nga nakapasa ako sa interview, sino naginterview sa iyo, si Mam Charice din ba?"

"Oo, ikaw din ba?

"Oo, ang bait niya nga eh, tapos, hinde siya nakakailang na kausap, ang gaan nga nang loob ko sa kanya eh, prang nakikipagkwentuhan lang ako sa kanya, the next thing I know eh pasado na ako sa interview, pero sabi niya nga sa akin, the real test begins daw sa training, kaya ayusin ko daw"

"Kasi minsan talaga, sa training, di ba may mga test, paghinde ka pumasa sa mga quiz tapos mababa ang makuha mong evaluation sa phone simulation, matatanggal ka sa training at mateterminate na ang kontrata mo"

"Ay ganun, kailangan pala talaga makinig ako nang mabuti sa mga turo ni Mam Charice

"Basta, isulat mo lang yung mga importanteng sinasabi ni Mam Charice

"Maiba tayo, tagasan ka ba?

"Rizal, Binangonan, ikaw?"

"Sa may Cubao lang, malayo ba yung Binangonan dito?

"Medyo, tatlong sakay mula dito, ikaw?

"Dalawa, pero pwede naman akong maglakad pagbaba ko sa jeep, kaya lang delikado kasi sa lugar namin paggabi, alam mo naman sa Cubao, madaming snatcher at holdaper, kahapon nga lang, meron naagawan nang bag sa amin, umagang umaga yun ha

"Garbe na kasi ang mga kriminal ngayon, wala nang takot, masyado nang halang mga bituka, wala na kasing death sentence sa atin eh, kaya hinde na natatakot ang mga yun na gumawa nang kung ano anong kalokohan"

"Si Mommy nga, parang ayaw ako payagan noon una na pumasok sa ganitong work, kasi, madaling araw ang pasok, delikado masyado, kaya maaga akong umaalis sa amin at maaga akong dumadating dito, nagpapalipas na lang ako nang oras sa mall, naggagala, tapos bumabalik ako dito

"Teka, hinde ka ba inaantok, anong oras ka natutulog?

"Pagdating mismo sa bahay, natutulog agad ako, tapos ayun, nagpapagising na lang ako pagaalis na ako, kaya nga minsan, hinde na ako nakakakain sa bahay eh, pero ok lang, kasi, dito naman ako kumakain

"Pero ok lang sa iyo na paulit ulit lang ang kinakain mo?

"Ok lang naman, di naman ako nagsasawa sa kinakain ko, isa pa, more on liquid naman ako eh, either ice tea, juice o tubig, di naman kasi ako ganon kalakas kumain eh

"Halata nga, ang sexy mo eh

"Weh? Di nga?

"Kahit sino naman tanungin mo dito, yun ang sasabihin sa iyo, tapos, maganda ka pa

"Weh? Nambobola ka na eh

"Di ko ugaling mambola nang tao, kung anong nakikita ko, yun ang sinasabi ko, kung sabihin ko na panget ka, panget ka talaga, kung mataba ka, mataba ka talaga, may pagkaprangka ako minsan eh, at may pagkamanlalait din, pero, hinde naman ako basta basta nanlalait, sinasabi ko lang ang nasa isip ko pag talagang kailangan na

"Ako, hinde ko ata kaya yun, pero, may pagkamanlalait din ako kung minsan, pero yung kinakaasaran ko lang naman ang nilalait ko, pagbati tayo, hinde kita lalaitin, make sense naman di ba?"

"Ahahaha, tutal, atleast ikaw, may karapatan manlait, di tulad ko, wala, pero, ang sa akin lang eh nagsasabi lang ako nang honest opinion

"Hahaha ganun?"

At habang naguusap kami ay biglang dumating si Charice nang training room, kaya lang, nakakapagtaka kasi hinde katulad kanina na masaya at maganda ang mood ay bigla na lang isang malungkot na Charice ang aming nakita, at halatang umiyak siya dahil bukod sa namumugto ang kanyang mga mata ay namumula din ang kanyang ilong.Hinde siya nagsasalita nang mga sandaling iyon pero may pinaabot siyang mga papel, nakaprint dito ang mga impormasyon tungkol sa produktong hahawakan namin, nanatili siyang tahimik nang ilang minuto, mayamaya pa

"Guys, you can go now, don't be late tomorrow ok? Get ready for a quiz as well at lumabas na kaming lahat sa training room, ngunit nang palabas na ako ay tinawag ako ni Charice

"EL Nunal… Yes, Mam Cha?"

"Help me bring these papers to my office please"Ang sabi niya habang tinuturo ang madaming papel at folders na magkakapatong sa may gilid kung saan siya nakaupo. Medyo may karamihan ang pinadala niya sa akin, pero hinde naman ganun kabigatan, nang makarating kami sa kanyang opisina ay napansin ko agad ang napakadaming alak na nakadisplay sa isang kabinet sa may gilid nang mesa niya

"Put it there under my table, then, wait me in the canteen, if you want, you can order some food or anything you want, just tell them to put it on my tab"

Nilagay ko ang dala ko kung saan niya pinapalagay ito, sa may mesa ay napansin ko ang isang picture nang isang batang babae na halos kamukha ni Charice, parang batang siya nga kung iisipin, mula sa mata ilong, bibig, hugis nang mukha, kulay nang balat at ngiti ay kaparehas na kaparehas ni Charice, kaya naman hinde ko naiwasang itanong sa kanya

"Mam Cha, kapatid mo ba to? Kamukang kamuka mo eh, parang pinabatang ikaw"

Tuminging siya sa akin at ngumiti, kinuha niya ang picture frame at hinawakan ito, nagulat ako nang bigla na lamang niyang sabihin na

"She's my daughter hinde ako makapaniwala, sa itsura niyang iyon, nanay na siya, kung titignan mo talaga siya, mula ulo hanggang paa ay hinde mo aakalain na isa na pala siyang nanay, nakita niya ang aking reaksyon at napangiti

"Bakit? You don't believe that she's my daughter?

"Anak mo talaga yan Mam Cha? Grabe… hinde halata sa inyo

"Grabe ka naman sa pambobola"

"Mam Cha, walang biro, hinde talaga halata na you already have a husband and a child

"Correction, wala akong asawa, single mom ako isa na namang bagay na mahirap paniwalaan, pero, medyo kumbinsido ako dahil wala nga akong nakitang kahit anong wedding ring sa palasingsingan niya, pumasok bigla sa isip ko, maaga palang lumandi si Charice at bigla akong natawa nang sabihin niya mismo na

"Siguro, iniisip mo maaga akong lumandi no? hinde ako nakasagot noon at kipit na tawa lang ang tangi kong naitugon sa tanong niya at bigla siyang natawa

"Sige na, just wait me there ok? May ipapasa lang akong mga files then, we can go now, El Nunal, ok lang talaga ha? tumango lang ako at nagtungo na sa canteen. Medyo inabutan na ako nang gutom noon, kaya naman naisipan kong bumili kahit manlang biscuit dahil wala na akong pera noon, sapat na lang pamasahe pauwi, mabuti na lang at naalala ko na sinabi ni Charice na icharge na lang sa kanya ang makukuha kong pagkain, kaya naman, bumili na ako nang pagkain, at nang sinabi ko sa tindera doon na si Charice ang magbabayad nang kinuha ko ay parang ayaw pang maniwala, tila may tinext pa siya tapos tska niya inabot sa akin yung kinuha ko, napansin ko na hanggang sa makalayo ako ay sinusundan ako nang tingin nang tindera, hinde ko alam kung bakit kaya naman na pakibit balikat na lamang ako at naghanap nang mauupuan

"Hey El Nunal, join me isang boses ang narinig ko sa aking gilid at nakita ko si Sir Ryan na kumakain magisa, at dahil inaya niya ako ay umupo na ako tabi niya

"So, how's the training?"

Ang tanong niya sa akin

"Well, ok naman po Sir Ryan"

"Well, have you forgoten what I told you last time?

"Ano yun sir?

"Yan, yang kaka - Sir mo at kaka - po sa akin, enough with the formality, call me Ryan or Mr.Ryan, pero I prefer Ryan na lang, para walang ilangan di ba? Isipin mo na lang parang buddy buddy tayo, pero, siyempre, keep in mind that I'm still your superior and you must obey and follow what I am saying ok? Husyan mo sa exam ha, I'm expecting you to be part of my team, so kumusta naman si Cha?

"Ayun,po, ay… ayun,kanina parang umiyak

"Ha? What do you mean na parang umiyak?

"Kasi… pagdating niya sa training room namin eh, namumula yung ilong at mata niya

"Oh, I see"

"Ryan, pwede magtanong?

"Anything? Wag lang utang ok?"

"Hinde, hinde… may anak na ba talaga si Mam Cha?

"Yes, nakita mo ba sa office niya?"

"Opo.. ilang taon na ba po siya?

"Sa tingin mo, ilang taon na siya?

"Siguro, mga, 21 or 23, tama ba?

"Hay naku El Nunal, pagnarinig yan ni Charice, matutuwa na naman yung lukaret na yun, and speaking of the devil"

Nakita ko si Charice na papunta na sa inuupuan namin at nakangiti

"Hoy bru, may sinasabi tong isang to oh umupo siya sa tabi ko at tinignan ako bigla na nakataas ang kilay

"At ano naman yun?

"May tinatanong siya ang sabi ni Sir Ryan habang nakangisi

"Yes, El Nunal, ano yung gusto mong itanong?

"Mam Cha, wala po… wala po

"Sige na El Nunal, sabihin mo na" at tinanong ni Charice si Sir Ryan

"Ano ba yun bru?

"Tinanong niya kasi sa akin kung ilang taon ka na daw, alam mo ba ang sinabi niya? bigla niya akong kinalabit

"Ilang taon na ba ako sa tingin mo?" ang tanong ni Charice sa akin habang nakapangalumbaba

"Ano po.. 21 or 23

"I love you na! ang sabi ni Charice at nagulat ako dahil parang tuwang tuwa siya sa sinabi ko, bigla naman siyang sinabunutan nang pabiro ni Sir Ryan

"Natuwa ka naman bakla! Ang dami mo nang naloloko sa itsura mo"

"Ganun talaga pagmaganda, isa pa, siya na mismo ang nagsabi niyan

"Hay nako, meron pa akong nalaman" at sinabunutan ulit siya ni Sir Ryan

"Aray ha! Masakit na yun, ano ba yun?

"Umiiyak ka naman daw sabi nito, nakita ka nilang namamaga pa ang mata, nakakhiya ka bru ha, sabi ko naman sa iyo, kalimutan mo na yang lalakeng yan at wala kang mahihita doon, isa pa, hayaan mo na siya doon, ang liit naman nang ano noon eh, masyado kang inlove sa gago na yun

"Huy, wag ka naman maingay, ito naman, eh ano bang magagawa ko, alam mo naman kung gaano ko yun kamahal eh, tska hinde maliit yung ano nya ha"

"Hitad ka talagang bakla ka, ewan ko sa iyo ha, sinasabi ko lang, baka naman magiiyak ka na naman, ay ewan, ilang beses ka nang ginagago noong lalake na yun eh, pakawalan mo na, ang ganda ganda mo teh, masakit man aminin, pangalawa ka sa ganda ko

"Ganun? Kasi naman, ayan oh, naiiyak na naman ako

"Ay ewan ko sa iyo, bahala ka, sige na, babalik na ako sa floor, baka masita na naman ako ni Miriam Santiago, Cha, ingat ka kay Mr.Siy ha, alam mo naman na grabe kung makahipo sa iyo iyon, wagas na wagas

"Kaya nga nagpapasama ako dito eh"

"You mean isasama mo yan sa lakad mo, huy Cha, baka kung ano na naman ang isipin nung mga kumag na yun sa floor ha"

"Hayaan mo sila, di naman sila makakasagot sa akin pagkinompronta ko na eh"

"Ikaw na! Sige na at nang umalis na si Sir Ryan ay inaya na din ako ni Charice na umalis, dumaan muna kami sa may tindera, inabutan niya ito nang isang libo, eh ang nakuha ko lang naman ay wala pang singkwenta pesos, nagulat ako nang sinabi sa akin ni Charice

"El Nunal, balikan mo na lang yung sukli ko here ok? Nina, he will get the change later ok?

"Yes Mam Cha

At nagtataka talaga na iba ang tingin sa akin nang tindera na iyon, si Nina, parang hinde siya makapaniwala na kasama ako ni Charice, maging ang ibang emplayado na nasasalubong namin, nagtataka ako, matapos siyang batiin ay tinitignan ako, maging ang janitor ay grabe siya kung batiin, parang akala mo eh supervisor siya, paglabas namin nang building ay pinasunod niya ako sa may parking lot, ang daming nakaparadang sasakyan, at lahat eh magaganda, at malamang ay isa sa mga sasakyan na nakaparada doon ay pagaari ni Charice, may nilabas siyang maliit na itim na bagay sa purse niya, at nang parang pinindot niya ito ay may narinig akong tunog, at pinuntahan namin ang nakaparadang honda civic

"Dito ka na sa may tabi ko umupo ha

"Sige po Mam Cha

"El Nunal, for the last time, don't call me Mam Cha and remove the Po's everytime na kakausapin mo ko ok? Cha, yun lang ok?"

"Sige, susubukan ko… Cha bigla siyang napangiti at natawa sa akin " Ganun ba talaga kahirap yung pinapagawa ko, think of me na lang kasi as a friend, para hinde ka na mailang, isa pa, magiging family din naman tayo sa work eh, at gusto ko yung walang ilangan, kaya ngayon pa lang, sinasabi ko sa iyo, talk to me like a normal employee ok? "

"Sige… sige… susubukan ko. at nagsimula na siyang magdrive, habang nasa biyahe kami, hinde ko maiwasan na tumingin sa kanya, sino ba naman hinde mapapatingin sa ganda niya, at mas maganda pala siya nang malapitan, ang tanging problema lang talaga sa kanya eh hinde ganoon kalakihan ang kanyang hinaharap, pero, meron kahit papano, hinde mo naman masasabing flat chested siya, normal sized boobs, yun ang meron siya. Nagulat ako nang hinde ko napansing nakatingin na pala siya sa akin

"Why are you spacing out El Nunal?"

"Wa..wala… wala…"

"Napansin ko kasi, parang kanina ka pa nakatulala eh" hinde ko lang talaga masabi sa kanya na natutulala talaga ako dahil ang ganda niyang pagmasdan, ilang minuto pa ang lumipas, medyo natrapik na kami noon, rush hour na kasi noon, tila alasais na ata yun o ala syete, habang pinagamasdan ko siya, makikita mo talaga sa mata nang tao kung masaya siya o malungkot, at pansin na pansin ko na ang mata niya punong puno nang kalungkutan at pilit lamang niya itong tinatago sa kanyang mga ngiti. At habang pinagmamasdan ko na naman siya, bigla na naman siyang lumingon sa akin, at bigla niya akong tinanong

"El Nunal, gusto mo ba?

"Cha.. sigurado ka na ba?"

"Oo naman, isa pa, ako naman ang nagaya dito eh, just enjoy yourself"

"Pwede na ko na bang tanggalin Cha, medyo nangangalay na ako eh

"Ano ka ba, parang hinde ka naman lalake nyan, patunayan mo sa akin na lalake ka, sige pa, konti na lang

"Cha, ok lang ba, ilalabas ko na?

"Wag na muna

"Di ko na talaga kaya, ilalabas ko na ha?"

"Sige na nga, ilabas mo na, bilis at naglakad na ako palabas nang Mcdo at sa labas ko dinala ang dala dala kong tray na may lamang pagkain, at inumin, nangangalay na kasi noon, pinapatangal ko na yung binabalanse ko na isang baso pero pinagtritripan pa ako ni Charice noon, wala pa naman kaming makitang bakanteng upuan noon sa loob kaya naman sa labas na kami pumwesto

"Nakakatawa ka naman, ang hina naman nang mga braso mo, ang daling mangalay

"May binabalanse kasi akong baso, kaya medyo nahihirapan ako sa pagbubuhat"

"Sus! mga rason mo, mahina ka lang talaga" at muli ko na naman siyang nakitang nakangiti, pero pansin talaga na malungkot siya at pilit lamang niya na pinapasaya ang sarili niya

"Oi pasensya na nga pala kung naistorbo pa kita ha, kasi, gusto ko lang may kasama pag kameet ko tong client natin, si Mr.SIy, may pagkamanyakis kasi yun eh, dati nang kami lang nagmeet sa isang private na restaurant, kulang na lang eh pati dibdib ko at harapan ko eh himasin, ang likot nang kamay, panay na nga lang ako iwas eh, kung hinde lang talaga siya investor sa company, nakrompal ko na yun, pero hinde na makakaulit sa akin yun, kaya nga dito ko siya pinilit na makipagkita eh, para mailang siya, atleast, siguro naman hinde na siya makakagarapal kung nandito kami sa madaming tao diba? Ikaw, tell me, manyakis ka din ba?

"Lahat naman nang lalake manyak eh, kahit hinde niya aminin o kahit na mabait pa siya, may kamanyakan pa din yan na tinatago sa katawan, pero, hinde ako katulad nang manyakis na inaakala mo, hinde naman ako yung tipong basta basta na lang mangmamanyak nang mga babae paggusto ko, isa pa, hinde ako nanghaharas nang babae para lang makapangmanyak "

Hinde ko alam kung bakit ko nasabi iyon kay Charice nang wala manlang kahiyahiya, huli na nang tablan ako nito nang makita ko siya na nakatawa habang kumakain siya

"In short, manyakis ka din, hahahaha, ang dami mo pang sinasabi, di ba, mas ok kung ganyan ka makipagusap, normal, mas komportable diba?"

"Well… oo, tama ka nga…

"El Nunal, may I ask something?

"Ano yun? Ikaw, since lalake ka, pwede ko bang mahingi ang opinyon mo, kasi.. pero bago pa man siya makapagtanong ay may biglang lumapit sa amin na isang matabang lalakeng mukhang Chinoy na nakasuot nang pormal at namamango pa,at may kasama pang mga body guards, malamang ito yung sinasabi ni Charice na cliente, pinalipat muna ako ni Charice sa kabilang table

"Good Morning Mr. Siy, so how's your trip?"

"Good,Good, but much better if we meet up at my restaurant

"Sorry Mr.Siy, I have some urgent things to attend to later on that's why I decided to call our meeting here, so Mr.Siy, what do you think about the proposition of our other investor?

"I don't think I can agree with them, terms and condition they say, I can't agree, no, no, no

"Are you sure Mr.Siy, you see, what the investor are saying is that, once all of you agreed this will be a win win situation, come to think of it, both you and the company and the other investors as well will profit on this said proposition, and besides, the company also planning of an expansion, atleast two or three more branches will be added, and it means more earnings and more invesment will come, so what you think?"

"Well… the only problem to me is the conditions

"Don't worry Mr.Siy, you can have my word that our company will rethink these conditions and see if we can have some revisions as well, but for the mean time, what I need is your answer, as well as the equipments and the needed papers to be signed

"Ok.. ok… tell your boss that I will go to his office next Monday morning, but for the mean time napansin ko na biglang hinawakan ng Chinoy ang kamay ni Charice at hita habang naguusap sila, at hinde ko napigilan na lumapit pero bago man ako makalapit ay bigla na akong hinarang at kinapitan sa kwelyo nang mga bodyguards nang matabang Chinoy na iyon

"Bakit pare, anong gagawin mo? ang tanong nang lalakeng nakakapit sa kwelyo ko biglang tumayo si Charice at nilapitan ang lalake

"Kuya, kasama ko yan, wag nyo naman ganyanin, isa pa, wala naman ginagawa tong kasama ko eh, pinapalapit ko talaga siya napansin ito nang ibang tao sa loob nang kainan at tila lalapitan pa kami nang guard nang mga sandaling iyon

"Why why? What's happening here? ang tanong nang matabang Chinoy

"Nothing Mr.Siy, just simple misunderstanding, don't worry"

"You boys don't make anything stupid here ok? Go wait me in the car, go!"

At pinaalis niya ang 3 bodyguards niya at parang huming nang pasensya sa mga tao

"Those guys stupid, sorry for that, who are you again young man? He's a friend of mine Mr.Siy, Mr.Siy, can I get the equipments and the papers as well, I'll be heading to another meeting, hope you don't mind " Ok, ok, come with me "

At bigla niyang kinapitan ang baywang ni Charice, ngayon, nakita ko na ang sinasabing panggagarapal na sinasabi ni Sir Ryan kay Charice, grabe nga kung manantsing ang baboy na Chinoy na yun, ang hinde ko lang maintindihan eh bakit siya pumapayag na ganun siya nang lalaking yun, medyo naasar at nanggigil ako noon, pero wala akong magawa, pag ako eh gumawa nang eksena doon eh malamang sa hinde eh matanggal ako sa trabaho, kaya naman, tinuon ko na lang sa pagkain ang yamot ko. Matapos noon ay umalis na kami, at biglang napabuntong hininga si Charice sa loob nang sasakyan

"My God, buti na lang at hine ko nasampal yung lalake na yun, kung hinde lang talaga kailangan nang company yang baboy na yan, naku kanina pa nakatikim yan, ikaw naman at tumingin siya sa akin nang nakasimangot at parang galit

"What on earth are you thinking? Why do you intend to go where we are talking, the reason why I told you to transfer seat is to avoid that kind of scene, kung hinde kita nakita at naipagtanggol kaagad ewan ko lang kung anong nangyari sa mukha mo

Medyo naasar ako sa sinabi niya sa akin, gusto ko lang naman eh sawayin ang hayop na manyakis na matabang baboy na yun, pero, napaisip ako noon, bakit ko nga ba gagawin ang bagay na iyon, bakit ako magpapaka-hero, kaya naman nagpakumbaba na lang ako at humingi nang tawad

"Sorry Cha, kasi, hinde ko din kasi napigilan ang sarili ko na sawayin yung lalake na yun eh, hinde naman kasi tama na ginaganun ka nya