1. Home
  2. Stories
  3. Muli - Part 4
xTorya

Muli - Part 4

By el_nunal ·

"But Reynalie my dear, you know that my room is unavailable for the meantime because the paint there is still wet and it smells bad there, have you forgotten that?"

"No…

"You know that I get dizzy because of the smell of the paint, hay, ano ba yan, magtagalog na nga tayo, wala na nga pala tayo sa Amerika, pagamit na muna nang banyo ha?

"Samahan na kita Mom"

"Kaya ko na Reynalee, don't you worry, your mom ain't that drunk yet, so don't worry"

"Samahan pa din kita mom"

At nang pumasok sila nang kwarto ay bigla namang may tumawag sa phone ko at tila napansin ito nang kanyang Mom

"Reynalie, someone's calling, wait dito galing yung tunog eh at biglang binuksan ng mom ni Reynalie ang pinanggalingan nang tunog

"My God, Reynalee? ang gulat na sabi nang kanyang ina What's the meaning of this?"

"Mom… let me explain…"

"Who's cellphone is this? Is this yours?

"Yes mom!"

"Then why the hell you put it inside the cabinet? Someone's calling"

"No Mom, I misplaced it… thanks… let me answer that one"

Nakita ko na kinuha ni Reynalee ang cellphone ko, mabuti na lamang at sa kabila pala naitapon ni Reynalee ang cellphone ko at hinde sa tinataguan ko, napansin ko na napapangiti siya habang may sinasabi siya, hinde ko ito marinig at hinde ko na tinangka pa na piliting marinig dahil maling galaw ko lang ay siguradong mahuhuli ako nang nanay niya

"Who is it sweetie?

"A new found friend Mom, Eusha, next time I'll bring her here"

"Anyway, why the hell you are using a hideous cellphone, look, it's all messed up, where's the cellphone I bought last week, don't tell me…

"No Mom! I had, here oh!

"I see, then why?

"Well, they told me that when I'm outside, instead of using my original phone, use a cheap one, that way I won't attract snatchers or holdappers around"

"Well… you got a point, anyway, I'll be using your bathroom for a while ok? at nang narinig ko na pumasok na siya sa banyo ay dalidali akong lumabas nang cabinet

"Hurry, Mom might see you"

"I thought your mom ain't coming home?

"I did not say anything like that, anyway, take this, buy a new phone next time, it sucks hahaha, thanks again"

At may pahabol pa akong halik na natanggap at nagmadaling lumabas. Hinde ko inaasahan na halos wala pa akong isang linggo sa kumpanyang iyon ay meron na agad akong nakilala sa ganoong paraan, ano pa bang aasahan sa mga liberated na babae, minsan talaga, pagtrip ka nila, gagawin nila lahat, pero pumasok na agad sa isip ko na hinde pangmatagalan ang isang ito, kaya naman, siniksik ko na sa isip ko na enjoyin ko na lang. Habang naglalakad ako papunta sa sakayan ay may tumawag sa akin

"Hello?"

"El Nunal ikaw na pala yan, grabe, talagang pinatulan mo si Reynalee?"

"Wag kang maingay Eusha, wag kang maingay sa mga kasamahan mo ha?"

"Grabe ka, ano masaya ba?"

"Gusto mo itry?"

"Gagu! Hayup! Ahahaha

"Ahahahaha alam mo naman yung pakiramdam nagtatanong ka pa, sipain kita eh, alam mo anak ka nang ewan eh, alam mo ba na muntik na akong mahuli nang nanay nung babaeng yun kanina dahil sa pagtawag mo, ano ba yun?"

"Ay, oo nga pala, kasi hinahanap ka sa akin nung trainer nyo, si… Chari ata?

"Ah si Mam Charice ba?

"Oo, yung kulay mais yung buhok

"Oh, bakit daw?

"Hinde naman sinabi sa akin eh, basta ang tanong, nasaan ka, ako naman ang sabi ko hinde ko alam, tapos tinawagan kita tapos nalaman ko nakikipagkangkangan ka na pala sa bago kong kaibigan hayop ka"

"Aba, Eusha, hinde ako ang nagumpisa, ako ang biktima dito

"Ulol! Mukha mo! Sige na, teka, eto nga pala yung number nya itext mo daw siya, nasaan ka na?

"Pauwi na, ikaw?"

"Sa Eastwood pa din, punta ka kaya muna dito?

"Wag na, pagod na ako eh, isa pa, may aasikasuhin pa ako

"Ah, ganun ba sige sige

At ilang sandali lamang nang matapos kaming magusap ni Eusha ay natangap ko na ang isang business card number galing kay Eusha, numero ni Charice. Iniisip ko kung ano kaya ang kailangan sa akin ni Charice, nang magtext ako ay bigla akong naasar kasi nawala na naman sa isip ko na wala akong load kaya naman naghanap muna ako nang loading station o pinakamalapit na ministop o 711, meron naman akong nakita at agad akong nagpaload, matapos ay sumakay na ako nang jeep. Tinext ko si Charice pero wala siyang sagot, lumipas pa ang ilang sandali ay nakatulog ako, hinde ko namalayan na sa aking paggising eh lalampas ako ng bababaan.

"Manong para ho at bumaba ako, napakamot ako dahil, hinde ko alam kung nasaan ako, naghanap ako nang traffic enforcer para doon magtanong

"Kuya, saan na po ba to?"

"Kamuning ho napakamot ako sa ulo dahil hinde ko alam kung anong lugar iyon, natatawa ako dahil siguro sa antok eh hinde ko namalayan ang sinakyan ko eh kabila pala,iniisip ko na lamang kasing matulog nang mga oras na iyon, ngayon eh wala na ang antok ko, mabuti na lamang at alam ni trapik enforcer kung anong sasakyan pabalik nang ortigas, sa totoo lang, alam kong puntahan ang isang lugar pero hinde ko alam kung ano ang eksaktong address noon, dumedepende lamang ako sa mga palatandaan o landmark nang lugar at mga bahay na nadinadaanan ko at mga disenyo nang pader para hinde ako maligaw. Pagsakay ko nang jeep, nagulat ako dahil may kumalabit sa akin

"Saan ka galing?

"Hinde ko pa siya namukaan nang sandaling iyon kasi naman, bukod sa nakasuot siya nang shade eh meron pa siyang takip na panyo sa bibig, nang tangalin niya ang salamin niya ay nagulat ako, si Jessa pala yun

"Oi, pauwi na ako, letche nagkamali ako nang sinakyan na jeep, inaantok na kasi ako, di ko namalayan na mali pala ang nasakyan ko

"Anong pinairal?"

Maluwag pa ang bahagi nang upuan nang jeep na inuupuan ko noon kaya naman tumabi si Jessa sa akin at nakipagkwentuhan

"Ikaw saan ka galing?

"Sa Auntie ko, may kinuha lang ako na mga food suppliments para kay Papa, sabi kasi ni Tita epektib daw to eh, pansin ko nga na nawala na yung sakit ni Tita sa balat at hinde na siya nahihighblood

"Uno?, teka, kasali ang tita mo sa pyramid scam?

"Hinde naman scam to, networking siya

"Alam mo pinagandang name lang nang pyramid scam ang networking"

"Ganun? Paano mo naman nalaman?"

"Kasi naaya na ako dati dyan once, eh hinde naman kumagat yung sale's talk nila, kung hinde lang magaganda yung nakipagusap sa akin hinde ako magaaksaya nang oras makinig sa kanila eh, and besides, wala naman ako magawa nang mga oras na iyon"

"Anong company naman yun?"

"Aim Global ata…

"Ahh.. doon dati si Aunti eh

"Eh malaki ang nilalabas na pera doon ah, di ba nanghihinayang Auntie mo sa nilalabas niyang pera?"

"Hinde eh, kasi, magaling din siyang magsales talk, gusto mo ba kausapin, tignan mo, makukumbinsi ka noon

"Ayaw ko, baka makumbinsi nga ako eh magastusahan pa ako

"Malaki din naman ang balik eh"

"Kung makakabenta ka, eh kung hinde?

"Eh siyempre magrerecruit ka din nang tao na maaander mo para kumita ka"

"Paano kung hinde?

"Eh ang panget mo na noon

"Ikaw na maganda

"Ahahahaha alam ko yun matagal na

"Alam mo parehas kayo nang kaibigan ko magsalita at magisip, shet, may sapi ka na ba ni Eusha?

"Wala ah, ganito naman ako dati pa, bait baitan lang ako training, pagnakapasok na ako, ayan, tska tayo magwawala, isa pa bago pa lang ako sa work na yun so I need people to help me out"

"Ah, so ginagamit mo lang pala ako bilang isang piyesa sa iyong pagangat at iiwanan na lang pagtapos na ang pakinabang, ang sama mo!

"Ay Hayuup! Hinde naman sa ganun adik ka eh no? Uy, sama ka sa bahay, may kainan nga pala sa amin mayamaya, maguwi ka na din kung gusto mo

"Ha? Saan ba yun sa inyo?

"Dito na, Manong para ho"

At nang bumaba kami, parang nasa Cubao na kami, medyo natatandaan ko kasi ang ibang building doon

"Tara, sunod ka sa akin, pakidala naman oh, nangangalay na ako eh"

"Kaya mo na yan

"Ang sama mo pa nga, hinde ka ba gentleman?

"Hinde eh, bakla ako sorry

"Alam ko na yun, sige na"

Natatawa akong kinuha ito sa kanya, pero sa totoo lang mabigat nga siya at nagulat ako at napaisip kung paano niya ito natagalang buhatin, ang masama pa nito, sa isang condo unit pala siya nakatira, at nasa 4th Floor pa ang pupuntahan namin at mas pinasaya pa nang sirang elevator, pagdating namin sa taas ay grabe ang pawis ko at halos hinde ko na maitayo ang aking mga binti, medyo nanakit pa nga ito dahil na din siguro sa kakulangan ko sa pageehersisyo

"Ang hina mo naman, bading ka nga siguro, kumakain ka ba nang balot? Bili kita mamaya nang lumakas naman yang tuhod mo

"Inaantok lang ako pero ang totoo talaga, nanghihina pa ang mga tuhod ko dahil sa pakikipagtalik kay Reynalee, tapos sasamahan mo nang ganoon klaseng biglang akyat, kaya siguro ako nanghina, o sadyang, mahina lang ako (hahaha), nang pinindot na ni Jessa ang dorbell ay may matandang parang kano ang lumabas at nagulat ako nang niyakap nito si Jessa

"Oh Jessie, what a surprise, what brings you here?"

"Well,Mama said that she can't see you for now, so for the mean time, I'll be the one who will take care of you"

"She's still upset?"

"Papa, even I would be upset if my husband done such a thing to me, by the way, Papa, this El Nunal, a friend of mine in my new found job"

"He seems nice, would like a cup of tea? How about coffee? Chocolate? Milk?

"A glass of water will do, cold one please"

Ang hiling ko sa kanya at inaya ako ni Jessa na pumasok. Napansin ko na napakadaming nakasabi na picture frame nang babaeng morena kasama ang lalakeng nakita ko, kaya naman di ko naiwasanag itanong

"Jessa, sino yung kasama nang Papa mo, Mama mo?

"Oo, bakit?

"Buti sa Papa mo ikaw nagmana?

"Well, she is not my biological mother, she's my step mom, but I rather be with her than my biological mother at may naring kaming isang malakas na kalabog mula sa kusina
Sino ang kamaganak nang pasyente?" ang tanong doctor sa amin

"Ako po dok, kumusta po ang Papa?"

"Iha, ok naman ang Papa mo, mabuti na lamang at nadala niyo agad siya dito, kung hinde, baka lumala ang lagay niya, nahighblood lang siya at hinimatay, yun lang naman, wag nyo siyang pakakainin nang kahit makolesterol na pagkain, nadiagnose kasi namin na he just recently too much fat, kaya ayan, inatake ang batok niya

"Si Papa talaga, sige po dok, salamat, pwede na po ba siyang puntahan?

"Yes, please, pero, he's under observation pa ha, it is advisable to let him stay here and rest for about 3 or 4 days

"Ok po dok, thanks po ulet

Napakamot sa ulo niya si Jessa habang nilalapitan ang kanyang Papa

"Can I go now?"

"No, you can't the doctor told me that you should stay here and rest for 4 days"

"What?! He must be mad?! You know I hate being confined in a hospital?

"Well whos fault is it? natahimik ang matanda at parang batang nagtakip nang unan sa ulo

"Dad, don't be such a rascal and do some crazy things here while I'm gone, ok?" at lumabas na kami nang kwarto

"Salamat sa tulong ha, hirap talaga pag may pasway kang tatay, ewan ko ba kasi bakit naman si Mama nakikisabay pa, mayamaya pa ay may tumawag kay Jessa

"Mama, nandito kami sa ospital, oo, dito lang sa malapit sa condo natin, oo, isang taxi lang to, sige sige

Pagkababa niya nang telepono ay napabuntunghininga siya

"Buti na lang at may magbabantay na sa makulit kong Papa, salamat talaga ha, anyway gusto mo bang kumain?"

"Ha… next time na lang siguro… gusto ko na kasing umuwi eh

"Ayaw mo lang ata ako kasamang kumain eh"

"Hinde sa ganun, kaya lang kasi, anong oras na hinde pa ako nakakauwi"

"Weh? Nakakapagtampo ka naman, sige na nga umalis ka na" bakas sa mukha niya na parang nadismaya siya sa pagtangi ko sa alok niya, tumingin ako sa oras alas dos na pala nang hapon, naisip ko na papagalitan na lang naman ako, luluboslubusin ko na ang mangyayari

"Tara, Jessa kain tayo"

"Akala ko ba ayaw mo?

"Eh wala na din eh, anong oras na din pala"

"Tara" ang masaya niyang sinabi at yumakap siya sa aking braso at dumiin na naman ang kanyang malalambot na dibdib dito, tumingin ako sa kanya at ngumiti siya sa akin, hinde ko alam kung bakit pero parang narelax ako bigla nang makita ko ang ngiti niya, sumunod lang ako kung saan niya ako hinihila, sumakay kami nang taxi at nagulat ako at bumalik kami sa condo nang kanyang Papa.

"Teka, bat dito tayo pumunta?

"Ipagluluto kita, ayaw mo pa? Swerte ka at ikaw pa lang ang ipagluluto ko

"Ganun?"

"Ahh, pagnatikman mo ang luto ko, mapapaluha ka sa sarap"

"Weh? Talaga lang ha, paghinde masarap?

"Uhhm… ikaw, ano bang gusto mo?"

"Sige ganito, pagmasarap ang luto mo, ililibre kita nang dinner sa buong training natin

"Ang daya mo naman bat sa training lang, eh ilang araw na lang tapos na training natin eh, dapat isang buwan

"O sige, isang buwan na, paghinde masarap, ako ang ililibre mo ano ok ba yun?

"Deal"

Matapos noon ay nagluto na siya, ako naman ay naghihintay sa may labas ng koridor at nagyosi muna, mayamaya ay may nakita akong isang babaeng palapit sa tinatayuan ko, yung babaeng nakita ko na kasama nang Papa ni Jessa

"Nandyan ba si Jessa?"Ang tanong niya sa akin

"Nasaa loob po at pumasok ang babae, mayamaya pa ay nagulat ako nang nakita kong hinahatak ni Jessa ang babaeng yun at pinakilala sa akin

"Oi El Nunal, Mama ko nga pala, Mama si El Nunal, kaibigan ko"

"Hi po"

"Kaibigan mo lang ba talaga? Eh bat mo pinagluluto, di ba ang sabi mo sa akin eh natawa akong nang biglang pasakan ni Jessa nang hawak niyang panyo ang bibig nang Mama niya

"Mama, wag ka ngang madaldal diyang kung ano ano naman ang sasabihin mo eh natawa ako nag sabunutan nito si Jessa, talagang close ang magina na ito kahit hinde sila magkadugo, at habang naglalandian sila ay ,ay natanggap akong mensahe sa aking cellphone galing sa isang di ko kilalang numero, hinde ko muna ito binasa at pumasok na sa loob nang kondo dahil tapos na pala siyang magluto

"Aba, Jessa, pwede ka na pangang magasawa ang sabi nang Mama niya sa kanya, at hinde ko itatangi na masarap nga ang niluto niya noon na giniling na baboy at madaming kung ano anong glay

"Ano El Nunal, anong masasabi mo? Masarap ba?

"Oo, pwede nang kainin

"Edi panalo na ako sa pustahan natin?

"Ano pa bang magagawa ko, pero, biscuit at juice lang

"Aba?! Ano yun ang daya mo naman! at bigla niyang inipit ang ulo ko sa kanyang braso, at dumidikit ang kanyang dibdib sa aking pisngi kaya naman kunwari ay pumapalag ako upang mas madiin ito sa akin

"Ang sweet nyo naman, Iho, seryoso ka ba dyan sa anak ko?

"Mama! ang sabi ni Jessa na biglang namula at binitawan ako pang ang nanay niya naman ang ganunin, masaya ang kinalabasan nang pagpunta ko kina Jessa, mayamaya pa ay umalis na ang Mama niya para puntahan ang Papa niya at naiwan na kaming dalawa, pero bago umalis ang Mama niya ay nagulat ako nang bigla ako nitong sitsitan at may inabut siya sa akin na nakalagay sa maliit na plastic nang Mercury Drugs at umalis na.

"Ano yung binigay ni Mama?"

Ang tanong sa akin ni Jessa habang nagliligpit nang aming pinagkainan

"Hinde ko alam, nakaplastic eh, eto oh at inabot ko ito kay Jessa at nang makita niya ito ay bigla siyang natawa at kinuha niya ang kanyang cellphone, hinde ko kasi nakita ito dahil nakatalikod siya nang buksan niya ito

"Mama, para ka pang tanga hahahahahaha, sa kanya mo pa talaga binigay?! Ahahaha luka luka ka! Ahahaha ano, nakay papa ka na ba? As if naman na mangyari yun! Ahahahaha ewan ko sa iyo Mama hahaha sige na bye na! at binaba niya ito tatawatawa siya at tumingin siya sa akin,nagtaka namana ako kung bakit, bigla na lamang niya akong tinanong

"Nakita mo ba laman nung plastik?"

"Hinde, hinde ko naman tinignan eh, bakit?

"Wala, aalis ka na ba?

"Oo, ubusin ko lang tong sigarilyo ko, tapos aalis na din ako

"Hintayin mo na ako, maliligo lang ako, sabay na tayo, papunta ka na namang ortigas diba?

"Oo, tapos uuwi na muna ako, papalit lang siguro nang damit tapos tulog nang konte tapos alis na

"Sige sige, nood ka na lang muna nang palabas diyan hinintay ko siyang matapos maligo, medyo nagtataka lang ako kasi tila magiisang oras na siyang naliligo, iniisip ko tuloy, baka naman sinasamba niya pa ang diyos nang tubig at kung ano ano pang orasyon ang ginagawa niya bago maligo.Mayamaya pa ay lumabas na din siya sa banyo, nagulat ako dahil lumabas siya nang nakatapis lang, hinde ako nakapagsalita noon dahil namangha ako sa kinis nang kutis niya, grabe, parang porselana sa kinis, pumunta siya sa may kusina para magsipilyo

"Ang tagal mo namang maligo, sumasamba ka pa ba sa diyos nang tubig bago magbuhos?" ang tanong ko sa kanya

"Ha? Matagal ba ako sa banyo? Nasanay na kasi akong nagbabad muna sa tubig bago ako maligo eh"

"Adik, nakatulog ka ba sa loob?"

"Muntikan na, ang sarap kayang magbabad sa tubig, maligamgam kasi tubig sa shower ni Papa eh

"Ahh, ganun ba? Ano yan pasadya?

"Oo, nakita mo naman si Papa medyo may edad na at pagsinusumpong yung rayuma niya, nagbabad din siya doon"

Nagulat ako nang bigla na lang siyang sumigay at natumba, dalidali akong tumakbo palapit sa kanya, nakita ko nagdudugo ang paa niya

"Anong nangyari?"

"Ang sakit… meron pa atang natirang bubog kanina, ang sakit…"

"Sandali lang.." Binuhat ko siya papunta sa sofa, palibasa ay bagong ligo, ang bangobango niya, at hinde siya ganoon kabigat, inupo ko siya sa may sofa at hinawakan ang paa niyang may sugat

"May tsani ba dito ang Papa mo?

"Tignan mo sa may banyo, alam ko kanina meron akong nakita doon, pagwala, tignan mo na lang sa may kwarto ni Papa sa may bilog na lagayan pagpasok ko nang banyo ay nakita ko agad ang tsani, kumuha na din ako nang tisyu at pagbalik ko doon ay sinimulan ko na munang punasan ang dugo sa paa niya, mataposs noon ay sinipat kong mabuti ang paa niya

"Ang hirap naman hanapin nang bubog sa paa mo, ang puti eh

Ang pabiro kong sabi sa kanya pero hinde siya natatawa, at tila namumutla pa siya, kaya naman hinanap ko na nang mas maigi ang bubog at sa kabutihang palad at nakita ko din ito, napanipis nit pero mahaba, kaya siguro nagdugo nang ganoon ang paa niya, napansin ko na namumutla pa din siya kaya naman kumuha ako nang tubig at pinainom ito sa kanya

"Ayos ka lang ba?

"Ok… ok na ako… sa..lamat..

"Huy! Parang aligaga ka dyan, namumutla ka pa

"Kasi… sa totoo lang… takot ako sa dugo eh… kaya nga ako nagnursing para labanan yung takot pero, hinde ko pa din kaya… nakagraduate na ako lahat lahat, naginginig pa din ako at namumutla dahil sa dugo"

"Ahh.. ganun ba… wala na naman eh, ano, wala na bang masakit, wala na bang ibang nabubog sa paa mo? dahan dahan siyang tumayo at iniapak ang paa niya

"Wala na naman… salamat ha.. mabuti na lang nandito ka kung nagkataon baka namatay na ako "Ang grabe mo naman, OA mo naman di ka naman mamatay sa ganun eh, adik to" https://www.facebook.com/HESZReborn

"Eh siyempre di ba mauubusan ako nang dugo"

"Adik to parang hinde nurse"

"Ahh basta… salamat ha bigla na lamang nagiba ang awra sa loob nang bahay, parang bigla na lamang uminit at bumigat, bigla kong napansin na tila untiunting lumalapit si Jessa sa akin, at hinde ko din alam kung anong nangyari at kusa na din gumagalaw ang aking katawan palapit kay Jessa, patuloy ang paglalapit nang aming mga mukha hanngang sa untiunti nang nagkakalapit ang aming mga labi, kakaiba ang dagundong nang aking puso at ramdam na ramdam ko ang pagbilis nang tibok nang aking puslo habang pinagmamasdan ko ang kabuuhan ni Jessa, ilang sandali na lamang sa aking pakiramdam ay sasabog ang aking puso, at tila nanabik ang mga labi kong ito sa malarosas na kulay na labi ni Jessa ngunit nang ilang sentimetro na lamang ang layo nang mga labi namin sa isa't isa ay bigla na lamang may tumawag sa akin, at parang isang bula, nawala ang kakaibang awra na bumalot sa amin, bigla siyang napaatras at namula, at hinde siya bigla makatingin nang diretso sa akin

"Ano.. El Nunal… ano… si..sige.. mauna ka na… mukhang.. hinde na naman ako… makakagala eh… masakit pa din ang sugat sa paa ko… sige.. kita na lang tayo, mamay…

"Sige.. ano.. una na ako… ha?"

"Ano… El Nunal…

"Bakit Jessa?

"Salamat ha… at pumasok na siya nang kwarto niya at ako naman ay lumabas na nang pinto at sinagot ang tawag, si Eusha

"Oh hello? Napatawag ka?

"Ahh kasi hinde ka sumasagot sa text ko, pati yung text ni Mam Charice hinde mo sinasagot, adik to, wala ka bang load o tinatamad ka lang magtext

"Wala akong load, ubos na, at wala naman akong narerecieve na mga text eh, isa pa lang, ano bang number ni Mam Charice?

"Abam hinde ko alam, hininge kasi sa akin ni Mr.Garcia yung number mo at hinihinge daw ni Mam Charice kaya binigay ko number mo sa kanya tapos hinde ka daw sumasagot sa text sabi ni Mr.Garcia

"Sige sige, papaload na ako, pasira ka pa nga talaga sa buhay kahit kelan"

"Ha? Bakit?"

"Wala, ang ganda lang talaga lagi nang tyming nang tawag mo, sige na" https://www.facebook.com/HESZReborn

"Oi teka sandali, si Reynalee nga pala nagpapasama sa mall, samahan mo kaya? SInce may nangyari na sa inyo di ba? Siguro naman ok lang yun noh?

"Adik hinde pa naman kami eh, isa pa, hinde pa ako nakakauwi sa amin

"Ha? Bakit?"

"Basta,kwento ko na lang sa iyo mamaya, basta, pakisabi mo nalang kay Reynalee hinde ako pwede ngayon, next time na lang kamo ha?

"Bahala ka, ikaw na magsabi

"Please, sige na ikaw na

"Ah bahala ka bya na" at pinutol na niya ang tawag, ako naman ay sumakay na papunta sa Ortigas, sa biyahe ay tinignan ko na ang mensahe na natanggap ko at mukhang kay Charice nga galing
~ Message 1 Kindly report to my office 9:00pm, please text back if you recieved this message ~

Kaya naman nagreply ako sa number na ito, napansin ko ang oras, magaalasingko na pala nang hapon at pauwi pa lamang ako, napaisip ako bigla, hinde dahil sa papagalitan ako at ganoong oras na ako uuwi, iniisip ko si Jessa, hinde naman masama kung magkakaroon kami nang relasyon at isa pa, masaya naman ako pagkasama siya, kaya lamang ay meron akong problema, si Reynalee, sa ugali niyang iyon, malamang ay malaman ni Jessa na may nangyari na sa amin, napangiti na lamang ako at natulog, paggising ko ay malapit na ako sa amin, kaya naman naghanda na ako, chineck ko lahat nang dala ko kung walang nawala, nagulat ako nang hinde https://www.facebook.com/HESZReborn ko makita ang aking cellphone, hinanap ko talaga ito sa dala kong bag, sa aking bulsa, wala talaga, maging ang pitaka ko ay nawala, bigla akong kinausap nang nasa harapan ko

"Kuya nawalan ka ba nang gamit?

"Wallet ko at cellphone, bakit miss

"Kasi kanina may dalawang lalaking sumakay tapos tumabi sa iyo, eh sobrang tulog ka, ayun, madali nilang nakuha yun, hinde naman ako makapagsalita kasi mamaya saksakin ako nang mga yun, ewan ko ba dun sa driver, parang walang pakielam

"Ganun ba, hayaan mo na, mabuti na lang at hinde ko doon nilagay ang pera ko sa walet ko, bente lang ata laman noon, kaya lang cellphone ko, sayang yung sim card"

"Sim card lang talaga pinanghinayangan eh no? at natawa nag babaeng kausap ko noon

"Ate salamat, ano nga po pala pangalan nyo?"

"Irika

"Ha? Sandali… Irika?"

"Oo, kaklase mo nung elementary, langya ka, kung di pa kita kinausap di mo ko makikilala"

"Di nga talaga kita nakilala… Ikaw ba talaga yan?"

"Ay hinde, parte lang ako nang panaginip mo, sige matulog ka pa baka kasi kulang pa eh, malay mo panaginip lang din na nakawan ka sa jeep hahaha napangite ako sa sinabi niya, pero sa totoo lang talaga ay hinde ko siya nakilala, bukod sa ang laki nang ginanda niya, eh nagmukha na siyang babae, natatandaan ko pa kasi, ang itsura eh negra na tomboy kung kumilos, isa pa nga siya sa mga nakakasuntukan ko dati noong elementary ako bago ako umalis sa eskwelahan na parehas namin noon pinapasukan, sa ibang school kasi ako grumaduate.

"Pasensya na ha, pagod lang kasi talaga ako eh, kaya siguro hinde kita nakilala"

"Wushu! Ang sabihin mo isnabero ka na nga, ganun ba talaga kapag hinde na kasama sa school grumaduate hinde na kilala

"Hinde naman, kumusta na nga pala kayo? 'Ok naman, eto lahat kami sabay sabay grumaduate, ikaw kasi eh, bat ka pa kasi lumipat nang school, ang dami mong namiss na mga pangyayari sa school natin

"Eh wala eh, ganun talaga, doon ka pa din ba nakatira?

"Oo, bakit? Hinde ako nagpapaligaw"

"Ay hayop hinde naman kita liligawan adik to

"Ahahaha joke lang, oo doon pa din, ano nga pala number mo?

"Sige mangasar daw ba?

"Ay oo nga pala hahaha, sige sandal kumuha siya nang bolpen at papel sa dala niyang bag at doon sinulat ang number niya

"Ayan, sama ka naman sa reunion nating magkaklase"

"Welcome pa ba ako?

"Aba oo naman, para kang tanga, ikaw nga halos hinahanap nila eh, namimiss na nila yang nunal mo hahaha mayamaya pa ay bumaba na siya

"Oi sige, dito na ako, saan ka ba baba?

"Medyo doon pa sa may Sea Oil

"Ay tamad samahan mo na ako at hinila niya ako pababa nang jeep. Sinamahan ko siya maglakad pauwi sa kanila, hinde niya ako kinakausap noong una pero habang naglalakad, pinagmamasdan niya lang ako mula ulo hanggang paa at mayamaya pa ay nagtanong na siya

"Saan ka ba nagtratrabaho? Ang ayos kasi nang itsura mo eh"

"Call center"

"Weh? Sabagay, elementary pa lang eh magaling ka na naman mageenglish eh, mahirap ba?"

"Sa una oo, pero pagnasanay ka, parang normal ka na lang nakikipagusap sa mga Kano, kailangan lang naman kasi eh hinde ka kakabahan at medyo fluent ka sa pagsasalita nang English"

"Ikaw na fluent magsalita sa English nanibago ako sa laki nang pinagbago nang bahay nila, nawala na din ang daan sa may eskinita papunta sa kanila, nilagyan na pala nila nang bakod, doon kasi ako dati dumadaan shortcut pauwi sa amin

"Tara pasok ka, Ma!! Si El Nunal nandito, nanliligaw sa akin!" nagulat ako nang sabihin niya yun at biglang bumaba ang nanay niya

"Magandang gabi po"

Ang bati ko sa nanay niya at nakangiti niya akong binate

"Aba, matagal tagal na din tayong hinde nagkita ah, laki nang pinagbago mo, pati nunal mo, medyo lumaki pa hahaha, kumusta ka na?

"Ma, liligawan daw ako" ang sabi ni Irika habang tumatawa

"Naku El Nunal, may BF na yan, sea man, nahuli ka

"Ma naman oh, bat mo agad sinabi, pagtritripan ko pa eh ang sabi nito habang tumatawa

"Ate, Irika uwi na muna ako ha, may pasok pa ako mayamaya eh

"Weh?"

"Oo nga"

"Anong oras ba?

"Dapat mga 10pm nandoon na ako eh"Https://www.facebook.com/HESZReborn

"Ahh ganun ba sige na nga lumayas ka na, hoy wag mong kakalimutan yung reunion natin ha?

"Sige sige at nagmamadali akong naglakad pauwi sa amin, mabuti na lamang at ang ibang eskinita na dinadaanan ko noon ay bukas pa din at halos wala pa namang pinagbago, nakita ko din ang mga kalaro ko dati noong bata pa ako na mga nakatambay doon, pero hinde nila ako napansin, madilim kasi ang eskinita na dinaanan ko noon, paguwi ko sa amin, wala akong inabutan na tao, wala din akong inabutan na pagkain o kahit pamasahe, mabuti na lamang talaga at nagbukod ako nang pera, naligo agad ako, at nagpahinga nang konte, matapos ay umalis na din agad ako at sumakat nang jeep. Hinde na ako nakaidlip noon sa jeep, nwala kasi ang antok ko sa nangyari sa akin kanikanina lamang, mabuti na lamang at walang trapik noon at maaga akong nakarating sa opisina, yun na nga lang ay tinamaan ako bigla nang gutom, pagtingin ko sa aking pera ay sapat na lamang pamasahe pauwi, kaya naman binusog ko na lamang ang aking sarili sa tubig, natatawa ako sa sarili ko noon, sa call center ako nagtratrabaho pero wala akong pera, sabagay, hinde pa naman ako noon sumasahod. Pagpunta ko sa opisina ni Charice ay hinde ko siya inabutan doon, kaya naman umupo muna ako sa may bakanteng upuan doon, tumingin ako orasan na nakalagay noon sa table niya, mag aalas onse imedya pa lang, ang simula nang aming training eh ala una, nagtataka naman ako kung bakit ako kailangan magreport doon nang ganoon kaaga, hinde ko naman siya inabutan.

"Are you Mr.Elnunal? tanong sa akin nang isang lalakeng sumilip sa pinto

"Yes?