1. Home
  2. Stories
  3. Muli - Part 8
xTorya

Muli - Part 8

By el_nunal ·

"It's my way of saying thaks, alam mo, you helped me a lot this past few days, ni hinde ko alam kung bakit, pero ang gaan agad nang loob ko sa iyo, and it makes me wonder why as well, I guess you're a good person, that's why I can't help but to have some interest in you… "

Nagulat ako bigla sa sinabi sa akin ni Charice, nagulat ako dahil interesado siya sa isang hamak na tulad ko, masyadong malayo ang agwat nang estado namin, kaya naman nagulat ako kung bakit bigla niya nasabi iyon, napansin niya na parang nagulat ako kaya naman bigla siyang nagpaliwanag El Nunal, don't get the wrong idea ok… I just giving you this phone as a token of my appreciation, please… forget what I just said earlier… don't get the wrong idea ok?

At napansin ko na biglang namula ang mga pisngi ni Charice at sa isip isip ko ay napapamura ako sa ganda niya nang mga oras na iyon,hinde ko lam kung bakit, pero bigla kong hinawakan ang mga kamay niya, pero bigla niya itong inalis

"Sorry… Sorry… I need to go…ang sabi niya at nagmadali siyang tumayo at agad na sumakay nang sasakyan niya

"Cha… I'm sorry…" ang sabi ko sa kanya sa may bintana nang sasakyan niya Ok lang… I need to go…"

"Nagagalit ka ba… na hinawakan ko ang kamay mo?"

Tumingin siya sa akin at na para bang may gusto siyang sabihin pero hinde na masabi

"Cha, pasensya na, kung naging masyado akong…Ok lang… sorry din… nabigla lang ako… bigla kasi akong kinabahan… sorry… wag mo nang isipin yun..ngumiti ako at pinisil ko ang ilong niya nang mahina

"Ang cute mo palang magblush at nagsimula na akong maglakad palayo, bigla niya akong tinawag

"El Nunal…"

Lumingon ako noon sa kanya at hinintay ang sasabihin niya sa akin,pero wala naman siyang sinabi na kahit ano, bigla siyang lumabas nang sasakyan niya at lumapit sa akin, at laking gulat ko nang hinalikan niya ako noon sa aking pisngi Ingat ang sabi niya sa akin at bumalik na siya nang sasakyan niya at nagdrive paalis, ako naman ay nakatayo, nabigla at hinde makapaniwala, hinimas ko ang pisinging hinalikan ni Charice, at napuno ang isip ko nang napakadaming katanungan, sa biyahe, pinagmamasdan ko ang cellphone na binigay sa akin ni Charice, paulit ulit ko na nakikita sa aking isipan ang ginawa niya sa akin, at napapangiti ako sa tuwing maalala ko iyon. Paguwi ko sa bahay ay agad nakita nang ate ko ang cellphone na hawak ko

"Saan galing yan? Binile mo? ang tanong niya sa akin, inabot ko sa ate ko ang cellphone na hawak ko at umupo, nakangiti lang ako noon, at walang sinasabi

"Anong nangyayari sa iyo bunso? ang tanong nang ate ko na napansin na para bang napakasaya ko

"Wala ate… masaya lang ako"

"Bakit?

"Sasahod na kasi ako eh

"Ahh… teka inutang mo lang ba tong cellphone? Mahal to ah?

"Hinde, basta… matutulog na muna ako ate at pumasok ako nang kwarto at nagbihis, napansin ko ang papel na binigay sa akin ni Lyka, iniisip ko kung makikipagkita pa ba ako o hinde na, pinatong ko muna ito sa may ibabaw nang lagayan nang aking damit at natulog na.

"Bunso, gising na, alas otso na ginising ako nang ate ko noon, at inabot sa akin ang phone ko, nagulat ako at may simcard na ito, binilhan na pala ito nang ate ko

"May pamasahe ka na ba?" ang tanong nang ate ko, nagtataka ako dahil parang walang toyo ang ate ko

"Meron pa naman ate, kumain na ba kayo?

"Oo, sinave ko na din dyan yung number na nasa papel, tinapon ko na kasi eh" at naligo na ako, paglabas ko ay nakita ko ang ate ko na naghahain nang pagkain

"Kumain ka na muna bago ka umalis" kumain ako noon at pagkatapos ay umalis na ako nang bahay, tinext ko noon si Lyka

"Oi"

"Sino po sila?"

"El Nunal to

"Kuya ikaw pala, punta ka ha "Pagiisipan ko pa

"Sige na Kuya, sinabi ko na kay Mama na sa Sunday na lang ako maghahanda eh para naman makakakain ka na din, sige na Kuya, ginawa ko pa yun para sa iyo tapos hinde ka naman pupunta, sige na kuya, punta ka na"

"Ay, ganun ba napakamot ako bigla sa ulo, nakakahiya naman kung tatangihan ko pa ang babaeng ito, nilipat niya ang celebration nang birthday niya nang Linggo para sa akin, kaya naman

"Sige sige, sunduin mo ko ha"

"Ok kuya"

Matapos kong magtext ay tinago ko nang cellphone ko at sumakay na nang jeep. Habang nasa biyahe ay hinde ko pa din talaga maiwasang mapangiti sa tuwing naalala ko si Charice, pagdating ko sa trabaho, halos lahat ata nang masalubong ko ay binabati ko, maaga akong nakarating doon, kaya naman tumambay muna ako sa may canteen, at doon ay inabutan ko si Jessa na kumakain, nilapitan ko siya at binate

"Oi Jessa, aga mo ah

"Ikaw pala, kain ka"

"Sige, busog ako eh"

Napansin ko na parang biglang nagmadali si Jessa na kumain, at nang matapos na siyang kumain ay nagpaalam siya sa akin

"Alis muna ako ha, may pupuntahan pa kasi ako eh

"O sige, ingat ka ang nakangiti ko pang sabi sa kanya, medyo malayo na siya noon at nasa may elevator na siya noon at hinihintay na lamang niya itong bumukas, pero bigla siyang naglakad pabalik at bigla niya akong kinausap

"El Nunal…"

"Oh bakit?

"Pwede bang samahan mo ko, maaga pa naman eh, diyan lang sa malapit

"Ok"

At sinamahan ko siya sa isang parang "Tiangihan" na malapit, madaming binibentang damit at kung anong anik anik doon, para kasing may event noon, yung bazaar na sinasabi nila

"Bagay kaya sa akin to?" ang tanong ni Jessa sa akin, hawak hawak niya ang isang damit na kulay dilaw, yung parang bestida ang itsura kaya lang maganda, parang pang party

"Lahat naman nang isuot mo, babagay sa iyo eh, maganda ka kasi magdala nang damit

"Chos! Nambola ka pa, ano nga? Bagay ba?"

"Bagay nga

"Kaya lang di ko trip yung kulay eh, Ate meron ba kayong ibang kulay nito? ang tanong niya sa tindera at binigyan siya nang kulay pula nito

"Eto na lang po ate, kunin ko na

"Saan mo ba gagamitin yan?"

"Wala lang, pambahay

"Wow, pambahay lang yun?

"Bakit? Bawal?" at habang naguusap kami ni Jessa ay may biglang pumalo sa akin

"Huy!"

"Oi Eusha, namimili ka din?

"Oo, mumura nang bentang damit eh ang gaganda pa, Jessa nakabili ka na ba?"

"Oo, meron na ako, ayun o yung binabalot ni ate

"Ahh, ako puro short at lang muna binili ko, hanggang oras ba ito?"

"Di ko rin alam eh

"El Nunal tanong mo nga kung anong oras sila nagsasara at tinanong ko sa tindera ang oras nang pagsasara nila

"Alas kwatro daw sila nagsasara, tapos alas nuwebe ng gabi sila nagbubukas"

"Aabutan pa pala natin to at sabay sabay na kaming bumalik, si Jessa at si Eusha ay abalng nagkwekwentuhan samantalang ako ay naglalakad lamang at nagmamasid masid sa paligid, pinagmamasdan ko kasi ang mga dekorasyon na kinakabit nang mga tao noon doon, at mga damit na binibenta, nakakita din ako nang mga sapatos, kumot, unan at kung ano ano pang binibenta, at sa pagmamasid ko ay biglang natuon ang mata ko sa isang babaeng may kulay buhok nang mais ang buhok

"Oi mauna na kayo ha, may titignan lang ako at nuna na silang maglakad, ako naman ay pumunta sa isang malapit na tindahan kung saan tanaw ko ang nakita kong babae, at hinde nga ako nagkamali, si Charice nga ang nandoon, tumitingin siya sa tindahan nang mga figurin ,dahan dahan akong lumapit sa kanya at tumayo sa likod niya

"Kuya, wala na po ba kayong kerubin?

"Ay ate ganda wala na po eh, bukas po balik kayo Nagyon ko kasi kailangan, projecy kasi nang anak ko eh

"May anak na kayo ate ganda, hinde halata ah

"Si manong nambola pa"

"Ganito na lang ate ganda, balik kayo dito nang mga 7 nang umaga, ganon kasi ang oras nang deliver sa amin eh Sige po kuya dadaanan na lang naming ang bigla kong singit sa usapan nila, humarap bigla si Charice at nagulat nang makita ako

"Nandito ka pala

"Asawa mo ba siya ate? ang tanong nang lalake kay Charice

"Hinde po, kaibigan ko

"Ahh, sige po, basta bukas daan po kayo dito ha?

"Ok po at sabay na kaming naglakad pabalik

"Para ba yun sa anak mo?" tanong ko sa kanya

"Oo, kasi kailangan daw nila sa school, project nila, daanan mo nga yun bukas

"Sige, hinde ka ba sasama?

"May aasikasuhin pa kasi ako eh, tapos, punta ka na lang sa bahay, iabot mo na lang kay Yaya Ida yun

"Cha, pwede bang malaman kung bakit mo ko hinalikan kanina? isang tanong na bigla na lamang lumabas sa aking bibig, di kasi ako mapakali noon at gusto ko malaman kung bakit niya yun ginawa

"Bakit mo naman tinatanong?" ang nakangiting tanong niya sa akin

"Wala lang… gusto ko lang malaman

"Bakit ba hinahalikan ang isang tao?

"Pagmahal mo sila… karaniwan ganun… natigilan ako bigla at tumingin sa kanya

"Mahal mo ko?!" ang tanong ko sa kanya na may halong tuwa, at isang matamis na ngit ang sinagot niya sa akin

"Seryoso? Di nga? ang muli kong tanong sa kanya, ang buong pagkatao ko noon ay nabalot nang saya, hinde ko lubos akalain na ang taong gusto ko ay may gusto din pala sa akin

"Bakit ayaw mong maniwala?"

"Hinde sa ganun… kasi… paano ba to… ano… at di ko napigilan at niyakap ko siya nang sobrang higpit

"Oi ano ka ba El Nunal nakakahiya" ang sabi ni Charice habang yakap yakap ko siya

"Hayaan mo sila, gusto kong makita nang tao na yakap ko ang taong hinde ko lubos akalain na mahal ako

"Baliw ang sabi niya sa akin at gumanti na din siya nang yakap sa akin

"Sige na tama na ang yakapan na to, bumalik na tayo ang sabi ni Charice habang natatawa at nagkalas ang aming pagyayakapan, nagulat kami nang may bigla na lamang nagsalita sa likuran naming

"Well… welll… well, what did I just saw there earlier?" Tahimik kaming nakaupo noon habang hinihintay namin ang inorder namin na kape, at nakatingin si Sir Ryan kay Charice

"Bakla, sigurado ka ba sa ginagawa mo?"

Ang tanong nito kay Charice

"Wala naman masama sa ginagawa ko diba?"

"Alam ko, pero, bakla ano ka ba? Ano na naman ang sasabihin nang mga nasa kabila sa iyo, alam mo naman lahat nang kilos mo doon eh talaga naman pinagkwekwentuhan

"Ano naman ang pakielam ko sa kanila

"Ikaw talaga, luka luka ka din eh, alam mong bawal ang pagkakaroon nang relasyon sa pagitan nang boss at employee di ba?"

"Bakit sila?

"Iba kasi ang sitwasyon mo Cha, bakla naman eh, alam mo naman pinagiinitan ka nang karamihan doon eh

"Hayaan mo nga sila, ako nang bahala

"Eh paano to? Paano kung ito ang pagtitirahin nang mga yun? Sige nga"

"Hinde naman nila malalaman kung walang magsasalita eh, isa pa ikaw lang naman ang nakakita sa amin di ba?

"Malay ko, di ko naman kita lahat nang tao doon kanina noh

"Wala naman siguro, at kung sakaling may makakita man, ano naman ngayon, hayaan mo na"

"Basta hinde ako nagkulang nang payo sa iyo kaibigan ha, problema yan, Cha at dumating na ang inorder naming kape

"Ikaw El Nunal, wag ka masyadong maglalapit kay Charice pag nandoon kayo ha, ok?

"Ok po Sir Ryan at sabay sabay na kaming bumalik noon, gusto ko man noon hawakan ang kamay ni Charice ay hinde ko magawa dahil sa mga narinig ko kanina, nalimutan ko na bawal nga pala ang pagkakaroon nang relasyon nang boss at nang empleyado, nagtitinginan lang kami ni Charice noon at napapangiti kaming dalawa. Pagsapit nang breaktime namin, papunta ako noon nang canteen ng bigla kong masalubong si Charice

"El Nunal, ano nga pala number mo?

"Ay wait, hinde ko din kabisado eh, kunin ko lang Mam Cha sa locker"

"Kunin mo na lang number ko" at sinulat niya ang number niya sa palad ko " Text mo ko later ha, pagnaihatid mo na yung pinapadala ko ha? Nasabihan ko na kanina si Yaya Ida Aalis ka ba?

"Hinde, may meeting lang kami nang mga clients natin, may bago atang product na i dadag sa atin, kaya baka mamaya pa ako makauwi, mahaba kasi talaga magdiscuss yung mga members eh

"Sige ako nang bahala sa pinapadala mo

"Ingat ka ha at hinimas lang niya ang aking balikat at umalis na, ako naman ay nagtungo na sa canteen para kumain, hinde ko nakita si Jessa o si Eusha doon, nanibago ako dahil lagi ko silang naabutan doon, siguro ay namimili na naman sila. Habang kumakain ay bigla akong nilapitan ni Sir Ryan at kinausap

"El Nunal, tandaan mo yung sinabi ko earlier ok? tumango ako at iniwanan na niya ako, medyo nalulungkot ako dahil hinde ko pwedeng lapitan masyado si Charice kapag nasa trabaho kami, pero ok na din yun kahit papano, isa pa, hinde naman kami magkalayo, nasa iisang lugar lang naman kami, kaya naman pinasaya ko na lang aking sarili, inisip ko na naman ang halik at yakap ni Charice

Matapos ang shift namin ay agad nagpalipas muna ako nang oras sa canteen, ala singko pa lang noon, pagpunta ko doon ay nakita ko doon si Eusha

"Oh, di ka pa uuwi?"

"Mayamaya siguro, tinatamad pa ako umalis eh, ikaw, di ka pauuwi? Inutusan kasi ako ni Mam Cha eh, may pinapakuha kasi sa akin Sama ako, ok lang?

"SIge, malapit lang naman eh, doon sa pinuntahan nyo kanina ni Jessa

"Ahhh tara

"Mamaya pang 7 nang umaga adik"

"Ahh, akala ko ngayon na, baka hinde ako makasama, uuwi na din kasi ako mamaya eh, naghahanap lang ako nang sipag sa katawan" at tumabi ako kanya

"Oi, El Nunal"

"Oh? Bakit?"

"May nanliligaw sa akin ngayon..

"Weh?"

"Meron nga, agent din, kateam ko

"Oh, shota mo na ba?"

"Nanliligaw pa nga lang sa akin eh, adik to

"Bat di mo pa sinasagot?"

"Para kasing… nagdadalawang isip ako sa kanya eh"

"Anong ibig mong sabihin?

"Ewan… parang hinde ko siya feel, pero mabait naman siya, lagi niya ako nililibre eh, katext ko na din siya

"Edi kilalanin mo pa nang mabuti

"Natatakot kasi ako eh

"Sa kanya?"

"Hinde… natatakot ulit ako magboyfriend..

"Bakit naman?

"Kasi… baka saktan lang ako nung lalake na yun eh

"Alam mo, kasama naman talaga yun sa relasyon, parang trial ang error nga di ba?"

"Ihh… parang gusto ko naman kasing magpaligaw na ayaw sa kanya eh

"Tignan mo muna kung magugustuhan mo siya, kung mabait talaga siya, tapos kung ok naman siya, edi bigyan mo nang chance, di ba? tahimik lang siyang nakikinig sa akin noon, at matapos akong magsalita ay dumantay siya sa akin

"Hay frien, alam mo kasi, minsan pa nga, may mga tao talagang pinanganak na tanga

"Ha?

"Wala"

"Gusto mo bang kumain, libre kita?

"Hinde ako nagugutom eh, dito ka muna, wag ka na munang tumayo, pasanday muna"

"Inaantok ka ba?

"Hinde naman, gusto ko lang dumantay sa iyo

"Doon ka na lang kaya sa may sleeping quarters

"Ayaw ko… dito ka lang natatawa ako kay Eusha noon, para siyang bata na naglalambing sa akin,hinimas himas ko noon ang ulo niya

"El Nunal… hatid mo nga ako, ok lang?

"Ha? Bakit? Masama ba pakiramdam mo?"

"Hinde, wala lang, gusto ko lang magpasama sa iyo… ok lang ba? Kung ayaw mo ok lang at tumayo siya at nang paalis na siya ay hinawakan ko ang damit niya

"Sandali, di ko naman sinabing ayaw ko diba Sasamahan mo ko?

"Oo naman, isa pa, mamaya pa naman ako babalik doon eh, anong oras pa lang oh, patambay na din sa inyo sandal yumakap siya bigla sa braso ko at nadidiin na naman ang kanyang dibdib dito, masaya siyang hinihila ako papunta noon sa elevator, pagbukas nang elevator ay bigla ako nagulat, nandoon si Charice, tinignan niya ako bago lumabas

"Good morning Mam Cha ang bati ni Eusha

"Good morning, the both of you at lumabas siya nang elevator at pumunta nang canteen, hinila ako ni Eusha papasok nang elevator. Napansin ni Eusha na parang bigla akong namroblema

"Oh, bakit nakamangot ka?"

"Wala, wala to, sumakit lang bigla ang ulo ko pero ang totoo ay medyo nangamba ako na baka magalit sa akin si Charice sa nakita niya, kinuha ko ang phone ko sa aking bag na dala noon, nakita ito ni Eusha at nagulat

"Wow! Ikaw na may N90, magkano bili mo diyan?

"Ha, bigay lang to nang kaibigan ko"

"Ang yaman naman nang kaibigan mo, peram naman

"Sandali may itetext lang ako"

Tinignan ko ang number ni nakasulat sa palad ko, napansin din ito ni Eusha at nagtanong

"Kaninong number yan?

"Kay Mam Cha, di ba nga kasi inuutusan niya ako, itetext ko siya para malaman niya number ko, para malaman niya na din pagnakuha ko na yung pinapakuha niya"

"Ahh… ok tinext ko siya noon, pero hinde siya nagreply, siguro ay hinde niya dala ang cellphone niya noon, paglabas namin nang elevator ay agad na kaming lumabas at naghintay nang masasakyan, at habang naghihintay kami ay may bigla na lamang nagtakip nang may lumapit sa amin

"Saan kayo pupunta?"

"Josh, ikaw pala, pauwi na ako, nagpapahatid ako sa kaibigan ko kasi medyo hinde maganda pakiramdam ko eh, ay uu nga pala…"Ang sabi ni Eusha at pinakilala niya ang lalaking kausap niya

"Josh, si El Nunal nga pala kaibigan ko, El Nunal si Josh, yung sinasabi ko sa iyo kanina kinamayan ko ang lalakeng pinakilala sa akin ni Eusha, mukha naman mabait at matino ang lalakeng kinikwento sa akin ni Eushang nanliligaw sa kanya, hinde rin maangas ang dating kaya naman agad siyang kinaibigan

"Pre, balita ko, nililigawan mo tong kapatid ko

"Kapatid mo ba si Eusha"

"Hinde ah!" ang singit ni Eusha at yumakap siyang muli sa aking braso

"Kaibigan ko to, wag kang maniniwala masyado sa sira ulo na ito, ikaw, pauwi ka na ba?

"Oo, saan ba kayo?"

"Etong si Eusha ihahatid ko pa sa may Rosario, doon kasi to sumasakay eh

"Ah, ako pa Cubao eh, sa kabila ako dadaan, ano Eusha, pwede ka ba bukas?" tanong ni Josh kay Eusha

"Kasi, meron pa kaming lakad ni El Nunal bukas eh, diba?"

At tinignan niya ako na para bang sinasabi niyang sumangayon ako sa sinasabi niya

"Oo pre, nagpapasama kasi ako sa kanya eh, teka magdadate ba kayo

"Hinde naman, kakain lang sana, gusto mo sumama ka na din ang aya sa akin ni Josh

"Wag na, next time na lang kaya Josh"

"Sige, next week ok lang ba?"

"Titignan ko ha, pasensya na ha, madami lang kasi talaga akong ginagawa eh"

"Ayos lang ikaw pa, sige, una na ako, oi EL Nunal, nice meeting you nga pala" at tumawid na siya sa kabilang kalsada at sumakay na nang jeep

"Gwapo naman pala eh, bat di mo pa kasi pagbigyan" ang tanong ko sa kanya

"Ihh!! Ikaw naman, ipapahamak mo pa ako, umiiwas na nga ako eh"

"Kung ayaw mo naman kasi, bakit mo pa hinahayaan na umasa sa iyo yung tao, hoy Eusha, di mo ba alam na mas masakit kaya na umasa ang lalake sa wala, kesa sa sabihin mo na agad, kasi pag pinatagal mo pa yan, ikaw pa ang lalabas na masama nyan

"Eh bakit sinabi ko ba na manligaw siya sa akin?

"Yun na nga, ang ibig kong sabihin, kung ayaw mo sa kanya, edi sabihin mo agad na, sorry at hinde kita gusto, o kaya naman hinde ka interesadong makipag relasyon o kaya sabihin mo tibo ka

"Gago, anong tibo! at binatukan niya ako habang tumatawa

"Kita mo, lalakeng lalake naman ang lakas mo eh, maniniwala yun

"Ihh, El Nunaaal!! Ano bang gagawin ko!!" ang sabi niya sa akin habang hinahampas niya ako

"Una tigilan mo ang pagpalo sa akin, masakit eh, tapos, sabihin mo kaagad habang maaga, sabihin mo kung ayaw mo na diretsuhin siya edi sabihin mo na lang na hanggang kaibigan lang muna kayo, tapos, kung talagang magiging kayo, edi kayo, kung hinde edi sorry bigla siyang nanahimik noon at dinantay na naman niya ang ulo niya sa balikat ko

"Kasi naman eh… ang tanga tanga kasi nung isang taong yun eh

"Eusha, hinde mo naman masisi ang isang tao pag naging tanga talaga sa pagibig, part of the cycle yun eh, minsan kailangan mong maging tanga para sa taong mahal mo, hinde mo siya masisisi"

"Hinde naman siya eh…"

"Ha?

"Wala! Oi ayun oh, sakay na tayo at sumakay na kami nang jeep, muling pinatong ni Eusha ang ulo niya sa balikat ko noon

"Masama ba pakiramdam mo? ang tanong ko sa kanya

"Medyo, nahihilo na naman nga ako eh

"Umiinom ka ba nang gamot?

"Ang sama nang lasa nang gamot sa dugo eh

"Matulog ka na lang paguwi ha? at ilang sandali pa ay nakaidlip na siya sa balikat ko, medyo mahangin noon at dahil mahaba ang buhok ni Eusha ay iniihip ito sa mukha ko, kaya naman, dahan dahan kong inaayos ito, para hinde din siya magising, ang dulas at ang lambot nang buhok niya, napatingin ako bigla sa mukha niya, ang cute niya pala pagnatutulog, tutal, cute naman talaga tong babaeng to hinde ko maiwasang mapangiti, dahandahan niyang minulat ang mata niya, at tumingin din siya sa akin

"Bakit? Nahihilo ka ba? ang tanong ko sa kanya pero hinde siya sumasagot, naramdaman ko na lamang na hinawakan niya ang kamay ko at nilagay niya sa bawat hati nang kamay niya ang daliri nang kaliwa kong kamay, at para bang magshota kami na magkaholding hands noon, naramdaman ko na malamig ang kamay ni Eusha

"Eusha, ang lamig nang kamay mo ah"

"Hawakan mo muna kamay ko, nilalamig eh at nang makarating na kami sa binababaan niya ay inaya ko muna siya na pumunta sa malapit na 7 11 doon, at binili siya nang kape

"Oh, inumin mo muna oh, bago tayo sumakay pauwi sa inyo, nandoon ba si Jules?

"Wala, umuwi siya nang Aklan kapon, next week pa ang balik, kasama si Nanay

"Ibig sabihin wala kang kasama… paano yan?"

"Ok lang ako, samahan mo lang ako pauwi tapos, bumalik ka na, inutusan ka pa ni Mam Cha eh, baka mapagalitan ka niyan

"Ganito na lang, hintayin mo ko, babalik din ako pagkadala ko nung pinapakuha sa akin ni Mam Cha ok?

"Babalik ka ba talaga?

"Oo, babalikan kita, ok?

"Sige… promise yan ha?" at nang maubos na niya ang kape ay sumakay na kami papunta sa kanila, pagdating sa kanila, ay inalalayan ko siya paakyat

"Sige na, ok na ako

"Sigurado ka ha?

"Sige na, umalis ka na, text mo na lang ako pagpapunta ka na, ha?"

"Sige sige at umalis na ako, pagdating ko sa tindahan kung saan ko kukunin ang inorder na figurin ay inabutan ko doon si manong tinder Kuya, kukunin ko na po yung inorder nang kaibigan ko

"Akala ko hinde ka na pupunta eh, bayad na yan, eto yung resibo pakipirmahan na lang at nang matapos kong pirmahan ito ay binigay na sakin ni manong ang isang maliit na kahon, kasing laki siya nang lagayan nang sapatos

"Dahan dahan iho ha, baka mabasag

"Sige po at tumawag na ako noon nang taxi, matapos ay tinext ko si Charice

"Cha, nakuha ko na ilang sandali lang ay nagreply na siya

"Pakisabi na lang kay Yaya, pakidala yun sa school ni Bethina, salamat ha

"Di pa ba tapos meeting nyo?

"Hinde pa, meron pa akong pupuntahan na meeting pagkatapos eh, pwede mo ba akong samahan? nagisip ako noon kung anong irereply ko noon kay Charice, hinde ko alam kung sino ang sasamahan ko, ang kaibigan ko ba o ang babaeng mahal ko, si Eusha kasi ay may sakit at nagiisa lang, si Charice naman pagod na at may pupuntahan pang meeting, hinde muna ako noon nagreply, hanggang sa makarating na ako sa bahay ni Charice

"Tao po ang sigaw ko sa labas at agad naman lumapit sa akin ang yaya ni Bethina

"Kayo po ba yung sinasabi ni Ate Charice?

"Oo, eto oh, dahan dahan ha, baka mabasag, pakidala na lang daw sa school ni Bethina"

"Sige po, salamat" matapos noon ay umalis na ako, at naghintay nang masasakyan, hinde ko alam kung ano ang sasakyan ko, ang papunta bang kumpanya namin o papunta kay Eusha, nakakita ako nang Lakatak Boy at bumili muna nang sigarilyo, at nang maubos ko na ang aking sigarilyo ay kinuha ko ang aking cellphone sa aking bulsa at nagtext Tahimik akong makaupo, nakikinig sa kantang pinapatugtog noon sa radyo
~ I found God on the corner of 1st and Amistad
Where the West was all but won
All alone, smoking his last cigarette
I said,

"Where you been?" He said,

"Ask anything"
Where were you when everything was falling apart?
All my days were spent by the telephone that never rang
And all I needed was a call that never came
To the corner of 1st and Amistad
Lost and insecure, you found me, you found me
Lying on the floor surrounded, surrounded
Why'd you have to wait? Where were you? Where were you?
Just a little late, you found me, you found me
But in the end everyone ends up alone
Losing her, the only one who's ever known
Who I am, who I'm not and who I wanna be
No way to know how long she will be next to me
Lost and insecure, you found me, you found me
Lying on the floor surrounded, surrounded
Why'd you have to wait? Where were you? Where were you?
Just a little late, you found me, you found me

Ang kanta nang The Fray, You Found Me pala iyon, gusto ko pa sanang tapusin ang kanta kaya lang ay dumating na ako sa babaan

"Malapit na ako, ok ka lang ba? ang text ko noon, mayamaya pa ay may tumawag sa akin

"Hello, ano, kumusta ka na?"

"Ok lang… nasaan ka na?

"Malapit na ako, magpahinga ka na muna ha?"

"Sige, medyo nahihilo na nga ako eh

"Matulog ka na kaya muna Hinatayin na kita Sige, pero mahiga ka na lang muna diyan ok?

"Sige… ingat at binaba na ni Eusha ang tawag, sabay may natanggap akong text galing kay Charice
SIge ok lang, kung meron kang gagawin, gawin mo muna, uuwi na lang muna ako pagkatapos nang last meeting na pupuntahan ko, ingat ka sa biyahe haang text ni Charice, mabuti na lamang at hinde siya nagalit sa akin noon, pero pakiramdam ko ay nagtampo siya, kaya naman tinawagan ko siya

"Cha, hello?

"Oh? Bat ka tumawag