1. Home
  2. Stories
  3. Muli - Part 9
xTorya

Muli - Part 9

By el_nunal ·

"Wala lang… gusto ko lang marinig ang boses mo

"Ano, nakarating ka na ba sa kaibigan mo?

"Hinde pa nga eh, pasensya na ha, magisa lang kasi siya sa bahay eh, mamaya kung mapaano pa yun

"Ok lang ano kaba, ang swerte niya nga at may kaibigan siyang tulad mo eh"

"Hinde ka ba nagtatampo?

"Ano ka ba? Para ka naman sira nyan, bat mo naman naisip na magtatampo ako sa iyo?"

"Kasi… hinde kita nasamahan, mas pinili ko siya na samahan"

"Alam mo El Nunal, matanda na ako para maginarte pa sa simpleng bagay tulad niyan no, besides, alam ko naman ang kalagayan niya eh

"Di ka talaga nagtatampo ha?"

"Hinde nga, sige na, at babalik na ako sa meeting, wag mo muna ako tawagan, mga hapon ka na tumawag ha?

"Sige… Cha…

"Oh?

"Mahal mo ba ako?

"El Nunal sira ka talaga"

"Hinde nga, mahal mo ba ako?

"Oo na… ayan, sige na, bye

"Cha, Cha!

"Oh?"

"Love you! at narinig ko siyang natawa sa sinabi ko

"Love you too, sige na ha, bye na, wag ka na muna tatawag ha?

"Sige, sige, good luck

"Sana nga,sige na bye napanatag na ang aking kalooban nang mga sandaling iyon, hinde nga siya nagalit, mabuti na lang at naintindihan niya na nagaalala talaga ako kay Eusha kaya mas minabuti ko na puntahan na lang siya kaysa sa samahan siya, naghanap ako nang bukas na botika at bumili nang gamot at pagkain para kay Eusha, at matapos noon ay sumakay na ako papunta sa bahay ni Eusha, pagdating ko doon ay inabutan ko siyang nakaupo sa may hagdan, nakasuot siya noon nang sandong puti at dilaw na maikling short

"Huy, bat nakaupo ka dyan?

"Hinihintay kita eh tinabihan ko siya at sumanday na naman siya sa akin, napansin niya ang dala kong plastik bag

"Ano yan?

"Gamot at pagkain" hinawakan ko ang noo niya, at tulad nga nang hinala ko, nilalagnat na nga siya

"May sinat ka na ah, humiga ka nang doon, tara, kaya mo bang tumayo nang maayos"

"Kaya ko naman" at nang tatayo na siya ay bigla siyang nawala sa balanse at biglang natumba, mabuti na lamang at nasalo ko siya noon, hinde ko sadyang nahawakan noon ang isang suso niya, agad ko itong inalis

"Sorry, hinde ko sadya

"Ok lang… ako naman may kasalanan eh at naglakad na kami papasok at inalalayan ko siyang humiga

"Ano ba yang binili mo na pagkain?

"Crab and corn soup, lutuin ko lang ha at habang nagluluto ako, napansin ko na nakatingin sa akin si Eusha

"Bakit? May ipapabili ka ba?"

"Wala"

"Bakit mo ko tinitignan?"

"Wala lang… iniisip ko lang kasi… katulad mo din kaya si Josh?

"Wooo Josh na naman! ang biro ko sa kanya, at napangiti lang siya noon, at bumalik ako sa pagluluto

"Ano bang balak mo sa lalaki na yun?

"Di ko alam… mukha naman siyang mabait..

"Edi magpaligaw ka na kasi sa kanya hinde siya sumagot noon, nagulat ako nang bigla na lamang akong yakapin ni Eusha, ang higpit noon nang yakap sa akin ni Eusha, nararamdaman ko na ang boobs niya na nadidiin sa aking likod, wala siyang sinasabi at nakayakap lang noon sa akin habang nakatalikod ako

"Eusha… bakit… anong problema? Wag ka munang humarap, ganyan ka lang muna, hayaan mo muna akong yakapin ka… kahit ngayon lang, ako na muna ang yayakap sa iyo ang sabi niya sa akin, ramdam ko ang kalungkutan sa boses niya, pinatay ko na ang kalan noon dahil luto na ang sopas na ginawa ko para sa kanya

"Eusha, kain ka na muna"

"Subuan mo ko ha?

"Ano ka bata?"

"Sige na… please? at lalo pa niyang diniinan ang yakap niya sa a akin

"Sige na sige na, para ka namang bata niyan Bakit, mas matanda ka naman sa akin ah

"O siya sige na bunso, balik ka na sa may sofa at susubuan ka na ni Kuya ang sabi ko sa kanya at bumitiw na siya sa pagkakayakap sa akin at bumalik sa sofa, at doon ay pinakain ko siya

"Para naman ang taas taas nang lagnat mo, kailangan talaga talaga may tagasubo? ang biro ko sa kanya

"Sige, minsan lang naman to eh

"Kaya nga oh, grabe, may cook ka na may tagasubo ka pa ngumiti lang siya noon sa akin, at nang maubos na niya ang sopas na kinuha ko ay pinainom ko na siya nang gamot

"Ihh… ayaw ko nung ferus, ang sama nang lasa ang baho pa Tiisin mo lang ikaw naman paano ka gagaling niyan? Oh eto na oh, isusubo ko na sa iyo baka di mo pa kaya eh at sinubo ko sa kanya ang gamot at ako pa ang nagpainom sa kanya

"Grabe, feel na feel mo talaga ang pagaalaga ko sa iyo ah humiga siya pagkatapos

"El Nunal

"Oh?

"Tabihan mo nga ako

"Adik! Mamaya abutan pa ako nang tiyahin nyo na katabi kita, mararatrat ka na naman noon Hinde yun darating, kasama ni Jules yun sa Aklan ngayon

"Kahit na"

"Sige na, please please

"Ano ka ba, wag ka nang makulet at magpahinga ka na

"Tabi ka muna sa akin nakulitan na ako sa kanya noon kaya naman tinabihan ko na siya noon, hinila niya ang braso ko at doon siya humiga

"At ginawa pa talaga unan ang braso ko

"El Nunal… salamat ha… at inalagaan mo ako ngayon

"Ay sus nagdrama pa ang lukaret na to

"Seryoso, salamat..

"May sakit ka nga talaga Bakit?"

"Kasi kung hinde naman masama ang pakiramdam mo, makikipagaway ka pa sa akin eh hinawakan niya bigla noon ang aking pisngi, at sinalat niya ito papunta sa aking labi

"El Nunal…" at dahan dahan niyang nilapit ang kanyang mukha sa aking mukha Unti unti ay lumalapit ang mukha namin sa isa't isa, bawat segundong lumilipas ay ilang sentimetro ang nababawas sa agwat nang layo nang aming mukha, hinde ko alam kung ano ang binabalak noon ni Eusha, naramdaman ko na lamang na dumampi ang mainit niyang labi noon sa aking noo at matapos noon ay ngumiti siya

"Sana naman, alagaan ka din ni Mam Cha natigilan ako sa sinabi ni Eusha

"Don't need to hide it… I saw the two of you, hugging each other, at nakita ko kung gaano ka kasaya Ikaw lang ba ang nakakita?

"Oo wala na akong kasama noong iba, aayain sana kitang kumain noon, kaso, ayun nakita ko kayo ni Mam Cha na magkayakap, kaya hinde ko na kayo nilapitan…

"Wag mong ipagsasabi kahit kanino ang nakita mo ha

"Wag kang magalala, naman ako magsasalita eh, isa pa, malalam at malalaman din naman yan eh, kahit hinde ako magsalita

"Sabagay

"Nakakaingit si Mam Cha…

"Bakit naman?

"Ewan ko, naiingit ako sa kanya

"Toyo ka pa nga, alam mo itulog mo na lang panga yan Papasok ka ba mamaya?

"Kung hinde ako lalagnatin nang sobra, baka pumasok ako, hinde ako nakapagpaalam eh Wag ka na kaya pumasok, magpahinga ka na muna, kailangan mo lang naman med cert di ba pagpapasok ka na, katunayan lang na may sakit ka

"Pwede bang, dito ka muna hanggang gabi?

"Paano ako magbibihis?

"May mga polo pa dyan yung ex ni Jules, hiramin mo na lang muna at yumakap siya sa akin at inilalim ang ulo niya sa may baba ko

"Sa akin ka muna, alam kong matagal mo na naman akong hinde mapapansin, kaya kahit ngayon lang, ako na muna ang alagaan mo nagugulat ako sa sinasabi ni Eusha, hinde ko alam kung dala lang ba nang sinat niya yun, seryoso siya sa mga sinasabi nya

"Eusha..

"Hmm?

"Nagtatampo ka ba sa akin?"

"Minsan… kasi… lagi mo kong iniiwanan, pinapabayaan… tapos, tuwing magkikita tayo, lagi ka na lang malungkot, broken, pagok ka na, nawawala ka na naman, parang naaalala mo lang ako… pagmalungkot ka o kaya may problema ka…Ganun ba ang mga nagagawa ko sa iyo

"Hayaan mo na… siguro ganun talaga… isa pa… ngayon naman, alam ko na eh… isa pa, mas ok na ganito tayo, di ba? Sa bagay… pero, alam mo naman siguro na hinde na tayo pwede maglambingan nang ganito, ngayon na meron na akong girlfriend

"Alam ko… pero hinde mo na naman ako iiwan tulad nang dati di ba?

"Ngayon na alam ko na ganyan pala ang iniisip mo, hinde na, pasensya na kung iniisip mo na nakakalimutan kita, kasi, kung sino lang ang taong mahal ko, sa kanya lang talaga umiikot ang mundo ko, kita mo naman yun diba? naramdaman ko na tumango siya at naririnig ko din na sumisinghot singhot siya, umiiyak siya pero ayaw niyang ipakita sa akin iyon, hinimas himas ko ang ulo niya at hinalikan ko ang noo niya Hayaan mo, hinde na kita babaliwalain, isa pa, para na kitang kapatid, at ako, ganun na din ang ituring mo sa akin, isipin mo na lang, kung ayaw mo na maging kuya ako, edi maging sistah mo na lang ako!! natawa siya bigla sa sinabi, nagboses bakla ako kasi bigla noon

"Sige na matulog ka na, dito na ako magpapagabi"

Hinimas himas ko noon ang ulo niya at hinihilot ang ulo niya noon, hanggang sa makatulog siya, ilang sandali pa ay nakatulog na din ako Nakaramdam ako nang mainit na bagay noon sa aking labi, nang imulat ko ang mga mata ko ay nakadikit na pala ang aking labi sa noo ni Eusha noon, napansin ko din ang mabilis na paghinga ni Eusha, ang taas bigla nang lagnat niya, tinignan ko kung anong oras na noon, magaalas dos na nang hapon noon

"Eusha, inaapoy ka nang lagnat bumangon agad ako at kumuha nang yelo sa ref, naghanap din agad ako noon nang bimpo sa lagayan nila nang damit, at nang makakuha ako ay nagmadali akong basain ito at pinunasan ko agad siya

"El nunal, masakit… ang mahina niyang sabi, halatang nahihirapan siya at para bang nasasaktan siya sa tuwing dadampi ang malamig na bimpo sa katawan niya, pinunasan ko muna ang mukha niya, matapos ay ang braso niya

"Eusha, pwede bang ikaw na ang magpunas sa may tyan mo pataas?

"Ikaw na. ang sabi niya sa akin, dahan dahan kong inangat ang damit niya, at pinunasan ko ang dibdib niya, pababa hanggang sa puson, inalis ko na muna noon ang aking malisya at kalibugan, pinairal ko noon sa isip ko na kailangan kong pababain ang temperatura niya, naghanap din ako nang thermometer, mabuti na lang at meron sila noon at nilagay ko sa ilalim nang kilikili niya iyon, pagkatapos ay pinunasan ko ang binti niya at paa, makalipas ang ilang minuto ay tinignan ko ang temperatura niya "38, kulang pa sa punas at muli ko siyang pinunasan noon, ilang ulit ko iyon ginawa hanggang sa umabot na ang temperatura niya sa 37 celcius, matapos ay nilagay ko sa noo niya ang bimpo, at nagpaalam muna ako sa kanya

"Eusha, sandali ha, bibili lang ako nang gamot mo bumaba ako at naghanap agad sa malalapit na tindahan nang mabibilhan nang gamot, mabuti na lamang at meron akong nabilhang malapit at pagablik ko sa bahay ni Eusha ay agad ko siyang pinainom nang gamot, matapos noon ay muli ko siyang pinunasan, matapos ay kinumutan ko na siya

"Magpahinga ka na hinawakan ni Eusha ang kamay ko bago pumikit, hinde ko na muna ito binitawan hanggang sa makatulog siya, nang mahimbing na ang tulog niya ay dahandahan kong binitawan ang kamay niya, nagsigarilyo muna ako sa may labas nang bahay nila, nang matapos ko na ang isang stick ay kinuha ko ulit ang temperatura niya at sa awa nang Diyos ay bumaba na sa 36 ang temperatura niya, halos normal na ang init ni Eusha, halos sinat na lang ito, napansin ko na basa ang dami niya, naghanap ako nang pwede niyang isuot, nakakita ulit ako nang sando na tulad nang suot niya

"Eusha, kaya mo bang magbihis, basa kasi yung damit mo eh inalalayan ko siyang umupo noon, at sa harap ko siya biglang nagtanggal nang damit, at dahil siguro masakit ang kasukasuhan niya ay di niya maiangat nang maayos ang kanyang kamay at nanatili siya na nakataas ang kamay niya at ang damit niya, at kitang kita ko ang kanyang dibdib noon na may takip pang bra, medyo nauutugan ako noon pero pinigilan ko ang aking kalibugan at tinulungan siyang alisin ang suot niyang damit

"Huy! isang sigaw nang narinig ko mula sa likod ko noon

"Anong ginagawa mo?!" at dali daling lumapit sa akin ang isang babae at tinulak ako

"TamTam ayus ka lang?

"Sino ka? Bat mo hinuhubaran ang kaibigan ko, loko ka ah! hinde ako nakapagsalita noon dahil bago pa lang ako magpapaliwanag ay sinipa ako nito sa may sikmura, at shet, ang sakit, hinde ko ko akalain na masasaktan ako sa sipa nang babaeng yun

"Stella, nagpapabihis talaga ako sa kanya. ang sabi ni Eusha at nakita ko na pilit siyang bumabangon para lapitan ako

"Ok lang ako… hoo! Ahh.. ahhh sakit ha, miss, bakit ka naman biglang naninipa

"Sorry naman malay ko ba, Eusha dyan ka na lang, sandali, ako na magbibihis sa iyo, hoy lumabas ka nga munaat iika ika akong lumabas noon nang pinto at sinara niya ang pinto, ang sakit talaga nang sipa niya, palibasa nakasuot pa siya noon nang stileto heels

"El Nunal, pasok ka na"

Ang sabi ni Eusha, pagpasok ko ay katabi niya ang babaeng sumipa sa akin

"El Nunal, sorry ha, di ko pa pala siya naipapakilala sa iyo, Stella si El Nunal, El Nunal si Stella pinagmasdan ko si Stella, sa payat niyang yun, ang lakas niyang sumipa, maganda siya, kayumangi ang kulay, may kabilugan ang mata, matangos ang ilong, maliit ang mukha niya at maganda ang buhok niya, bagay pa ang suot niyang polo shirt at maong na pantalon, hinde ko naiwasang itanong sa kanya

"Nagaaral ka ba nang karate?

"Taekwando

"Kaya pala para kang kabayo sumipa

"Nasipa ka na ba nang kabayo?

"Ikaw

"Aba't!"

"Stella, bat mo naman kasi sinipa yung nagaalaga sa akin

"Yan?! Sorry naman hinde mo ko masisisi, mukha kasing manyakis yang kaibigan mo eh Stella, ikaw talaga, hinde siya ganun, isa pa, hahayaan ko bang pumunta siya dito na kami lang dalawa kung ganun siya biglang nanahimik si Stella at tumingin sa akin

"Sorry ha, kung nasipa kita, akala ko kasi, kung sino ka lang eh, hinde ka naman kasi nagpakilala agad

"Eh bigla mo akong sinipa hinde pa ako nakakapagsalita

"Tama na yan, wag na kayo magtalo ang sabi ni Eusha, hinawakan ni Stella kamay at dinikit niya ang kamay niya sa noo ni Eusha

"May sinat ka pa nga, akalain mo yun tinatablan ka din pala nang sakit ano? Sira, si Stella nga pala, kaklase ko siya sa Aklan, kakapunta niya lang dito sa Maynila Madami tong makakaway dito, hahahaha aray, ang sakit, teka, gusto mo bang kumain Eusha?

"Wala akong gana eh

"Kumain ka kahit konti, para din pawisan ka pa, nang mawal na nang tuluyan yang sinat mo

"Oo nga TamTam, kumain ka, kailangan yan nang katawan mo ngayon"

"Sige na sige na, nagkakasundo pa kayo sa pagpapagalit sa akin eh"

Si Stella na ang nagpakain kay Eusha noon at nagusap sila, ako naman ay pumunta muna sa banyo at naghilamos, pagtaas ko ang damit ay may nakita akong malaking namumuong dugo sa bandang sikmura ko, ang lakas talaga nang sipa niya paglabas ko nang banyo noon ay bigla ko siyang nasalubong, wala akong suot na pangitaas noon, kaya naman nakita niya ang pasa sa aking sikmura

"Naku, nagpapasa na… Sorry talaga ha?

"Ok lang ok lang, concern ka lang naman kay Eusha eh, ok na yun paglabas ko nang kusina ay nakita din ni Eusha ang pasa ko

"Hala? Yan ba yung pasa nang sipa ni Stella sa iyo? " Oo, ang sakit nga eh, hayaan mo na mawawala din yan " Sorry ha, napahamak ka pa tuloy

"Ok lang, hayaan mo na, kumusta ka na? umupo ako sa tabi niya at tinignan kung ok na ang temperatura niya, at parang ok na siya

"Magpahinga ka na ha, baka naman magkikilos ka pa niyan

"Eh paano ako iihi at jejebs nyan kung hinde mo ko papatayuin?

"Luka luka ka talaga, siyempre di kasama yun, ikaw parang ewan ewan ka din eh hiniga niya ulit ang ulo niya sa aking balikat, at nakita kami na ganoon ang itsura ni Eusha

"TamTam, shota mo ba yan?"

"Hinde, kaibigan ko lang siya to

"Ano bang klaseng kaibigan yan, kailangan ganyan ka sweet?"

Ang tanong ni Stella sa amin. Nagulat ako nang bigla akong kagatin ni Eusha sa balikat ko noon

"Aw, bakit mo ko kinagat? Masakit kaya, luka luka ka talaga"

"Wala lang tumayo ako noon upang kumuha nang polo sa may lagayan ni Jules, at si Stella naman ang tumabi kay Eusha, at siya din ay kinagat nang babae na yun

"Aw TamTam masakit! Ikaw talaga, natutuwa ka naman masyado at nanggigil ka ha lumabas muna ako sandali para magsigarilyo

"Pasindi nga ang sabi ni Stella sa akin

"Oh, anong ginagawa ni Eusha doon?Ayun, nagpapahinga na, medyo nahihilo nanamn daw siya eh, sorry talaga kanina haOk lang, ang lakas mong manipa ha, mas malakas ka pa manipa sa mga nakakaaway ko noon na mga siga siga dati nung elementary ako eh, sabagay, mga totoy pa naman kami noon

"Siguro gawa na din nang halos araw araw dati, nagbibike ako, hanggang ngayon naman, kaya malakas ang pitik nang paa ko napansin ko nga ang kakaibang hubog nang kanyang mga binti, mula sa may hita, pababa ay medyo may kalakihan ang taas na bahagi nito at medyo may laman ang kanyang mga binti, nagsuot na kasi siya noon nang short na maikli, napansin ko na hinde tulad ni Eusha at ni Jules na flawless talaga ang kutis, meron siyang peklat sa tuhod sa may bint, so mula pa noon ay may pagkatomboy na ang babaeng ito

"Stella, bat naisipan mo naman magaral nang taekwando?

"Self Defense Sa bagay, dapat nga marunong kayong mga babae nang ganun para kung sakali man may lokolokong mangharas sa inyo, malalabanan nyo diba?"

"Actually meron na akong experience sa ganung lalake eh, mabuti na lang talaga at nabayagan ko siya noon, or else, baka nagahasa na ako nang manyakis na yun"

"Ahh, kaya pala, bakit nga pala TamTam ang tawag mo kay Eusha?"

"Kasi dati sa noong college kami, meron siyang sinasagot a tanong nang prof, recitation, nung hinika siya di niya napigilan yung sarili niya at ang nasabi niya ay ~TamTama po ser~ kaya ayun, naging TamTam na siya at matapos naming magsigarilyo ay umakyat kami na kami, pataas pa lamang ako ay may napansin akong isang taong paparating Nagmamadaling bumababa si Stella, at kinuha ang dala nang matandang babae, at nang malapitan niya ito ay parabang kinakausap niya si Stella habang nakatingin sa akin, at nang makaakyat na ang matanda ay kinausap din ako nito

"Iho, salamat sa pagaalaga sa pamangkin ko, mabuti na lamang pala at naisipan kong umuwi, ano nga pala ulit ang pangalan mo?El Nunal poat kinamayan ako nang matanda Sandali, hinde ba ikaw yung lalakeng kasama ni Eusha dati dito? Opo Ikaw nga, sabi na eh, kaya pala parang pamilyar yang mukha mo, ikaw ba iho eh nanliligaw sa pamangkin ko? hinde po, magkaibigan lang po kami ni Eusha Ganoon ba? Ang swerte naman nang alaga ko at meron siyang maasahan kaibigang tulad mo dito sa amin, hinde ko kasi nakikitang may kaibigang pinapapunta yan dito, madalas si Jules ang may kasama, eto naman si Stella minsan lang maligaw dito at umuuwi pa yan sa amin sa Kalibo
Tita dito na din po muna ako nang ilang buwan sa Manila, pinayagan na ako ni Mama na magtrabaho dito ang singit ni Stella Ah, ganun ba? Sandali at mapuntahan nga sa taas si Eusha, walangyang bata kasi yan, halos hinde kasi natutulog tapos maliligo nang gabi, sino ba naman hinde magkakasakit sa gawain niya at sabay sabay na kaming tatlong umakyat sa taas, inabutan namin si Eusha na tulog na tulog, hinde ko na siya inistorbo pa at nagpaalam na lang ako kay Stella at sa tiyahin ni Eusha na uuwi na ako Salamat sa pagbabantay iho Ok lang po, pakisabi na lang po kay Eusha na umuwi na po ako pagnagising siya El Nunal, nice meeting you, ingat ka"

Ang sabi sa akin ni Stella habang nakangiti, naglalakad na ako noon papunta sa sakayan nang may marinig akong mabilis na hakbang mula sa likod ko, nang lumingon ako ay nakita ko si Stella na tumatakbo

"El Nunal, sandali! tumigil ako sa paglalakad noon hanggang sa makalapit siya sa akin Oh bakit? nilabas niya bigla ang cellphone niya sa bulsa niya

"Ano bang number mo? natawa ako dahil hinabol niya pa ako para lang kunin ang number ko Ok na, yun lang ba?

"Ah.. Oo sige, salamat

At naglakad na siya pabalik sa bahay ni Eusha, ako naman ay nagpatuloy na sa paglalakad at sumakay na nang sasakyan pauwi sa bahay, gusto ko pa sanang magstay sa bahay ni Eusha, kaya lang baka kasi makaistorbo pa ako, isa pa, mahaba pa naman ang oras, mag aala sais imedya pa lang naman noon, naidlip muna ako sa may jeep, paggising ko ay malapit na ako sa babaan sa amin, kaya naman pumara na ako at bumaba, dumaan ako sa may 7 11 at medyo tinamaan ako noon nang gutom, pagpasok ko sa loob ay di ko inaasahan makikita doon si Irika
Oi! Saan ka galing? ang tanong niya sa akin Sa trabaho, ikaw, naligaw ka ata dito, ok ka na ba? Medyo ok na, oi meron daw mamaya, pupunta ka ba? Ha? Anong meron? Inuman daw ulit, nagaaya yung kambal at si Melody eh, ano, pupunta ka ba? Kayo kayo na lang muna at may pasok pa ako Wag ka na pumasok

Hinde pwede, pagumabsent ako kailangan ko pa nang med cert para lang makapasok ako ulit Ang arte naman nang kumpanya mo Ganoon talaga dun, isa pa, hanggang 3 absent lang ang pwede, pag nakatatlo na, automatic, tanggal ka na Nakakailang absent ka na ba? Wala pa Wala pa pala eh, umabsent ka na Hinde pwede, isa pa, sahod ko din kaya mamaya, kaya kailangan pumasok Anong oras ba uwi mo? Ala singko nang umaga Ah… kelan ka ba pwede? Siguro, next week, sa Linggo, meron ba?

"Edi ikaw magaya sa kanila, ano bang number mo, type mo nga dito at inabot ni Stephanie ang phone niya Text kita mamaya ha, saan ka ba pupunta?"

"Bibili sana nang pagkain tapos uuwi na Saan ka ba nakatira ngayon?

"Diyan lang sa malapit Saan? at tinuro ko sa kanya ang gas station na malapit sa amin Ahh… doon ka pala, teka, sandali, wag ka na kaya bumili, sa amin ka na lang kumain Weh? Ayaw mo ba?

"Sige ba at sumama na ako kay Irika upang makikain, pagdating sa bahay nila ay nagulat ang nanay ni Irika

"Oh, El Nunal, napasyal ka dito?

"Ma! Makikikain daw si El Nunal dito Sige lang, Irene, kumuha ka pa nga nang platoang sabi nang nanay ni Irika sa babaeng nakatalikod, pagharap nito ay natawa ako, kasi, halos iisa lang ang tabas nang mukha ni Irika at nang kapatid niya

"Irika, yan na ba si El Nunal? ang tanong nito sa kapatid

"Gwapo na noh? ang sabi bigla nito sa akin at natawa ako

"Hmm?! Saan banda?"Ang sagot ko sa kanya

"Irika di ba, gumwapo ka nga tangek!

"Di ba ikaw yung… laging nambabatok sa akin dati nung bata pa kami at nagulat ako nang bigla ulit ako nitong batukan

"Ayan! Namiss mo pala eh at nagtawanan kami, si Irene kasi noon ang tagapagtanggol ni Irika, lalo na sa akin na noon ay dakilang mangaasar

"Saan ka ngayon?" ang tanong sa akin nang nanay ni Irika habang kumakain kami

"Sa Call center po, sa Makati" Wow spokening dollars na! ang sabi ni Irene Ate, ang gulo mo pa nga hane?

"Bakit? Angal ka ba ha?

"Hoy tumigil nga kayong dalawang magkapatid, magsisimula na naman kayo ha ang saway nang nanay ni Irika sa kanila

"Naku El Nunal, kung umasta tong dalawa kong babae, akala mo hinde pa mga dalaga"

"Ma, si Ate lang yun ha!" ang sabi ni Irika

"Pati kaya ikaw!" ang sabi ni Irene

"Di ba't sabi ko sa into eh bawal na ang mga Boypren niyo dito pag gabi? isang malakas na boses ang narinig ko mula sa likod ko, at naramdaman ko na hinwakan nito ang balikat ko, nakita ko ang lapad nang kamay niya, at paglingon ko sa likod, isang malaking matandang lalake ang nakatayo sa likod ko

"Kaninong bisita to? bigla ako noon kinabahan, nakakatakot kasi ang boses at laki nang lalaki na yun

"Pa! Si El Nunal yan tangek ang biglang sabi ni Irika at tinignan ako nang lalakeng iyon Aba'y anak nang pusang gala! Ikaw nga El Nunal! Aba, di kita nakilala kung di ko nakita ang nunal mong malaki ah, walangya, tignan mo nga naman nagagawa nang matinong damit ano?! Kumusta ka na

"Ok lang po, sandali kayo po ba yan Kuya Berting?"

"Ako nga, hinde mo na ba ako kilala?

"Hinde ko na po kayo nakilala, may balbas po kasi kayo at bigote

"Ah ganoon ba, naligaw ka dito? Nililigawan mo ba si Irika?

"Papa may BF na yan anak mo sira sira ka talaga ang sabi nang nanay ni Irika

"Ay sus! Kapapanget naman nung barabas na yun, laking lamang naman nito oh, may nunal pa at nagtawanan kaming lahat sa sinabi noon ng Papa ni Irika, matapos naming kumain ay inaya muna ako ni Irika sa labas para magpahinga

"Pagpasensyahan mo na yung papa kong malakas mantrip ha, natakot ka ba?Noong una, akala ko kasi kung sino, di ba may kuya ka?

"Kasama nang BF ko sa barko"

"Ahh… kaya pala wala dito El Nunal, sabihin mo nga sa akin… may tatanong ako ha

"Ano yun?

"Hinalikan mo ba ko nung hinatid mo ko dito sa amin?

"Ha? natawa ako tinanong ni Irika sa akin

"Hinde ah

"Ahh… salamat naman, kasi, parang naalala ko, may humalik daw sa akin eh, siguro tinamaan lang talaga ako sa ininum natin kina Stephanie"

"Wala ka bang naalala noon?

"Saan? Noong hinatid kita ditoWala nga masyado eh, yung pakiramdam lang may humalik sa akin yun lang, eh mukha naman babading bading ka kaya malabong ikaw nga yun, o may nangyari nang ganun hinila ko siya nang konti papalapit sa akin at binulong may binulong ako sa kanya, at bigla siyang ngumiti Seryoso?!ang sabi sa akin ni Irika at bigla siyang humalakhak Oo nga, nagulat nga ako eh Ginawa ko talaga yun? Shet, di ko maalala

"Nagulat nga din ako eh

"Wala ka naman pinagsabihan sa kanila no?

"Wala ah, wag kang magalala hinde ko naman ugaling ipagyabang o magkwento nang mga ganun eh nagulat ako nang hinawakan ni Irika ang mukha ko at hinalikan ako, ilang segundo din na naglapat ang aming mga labi

"Yan, ito,maalala ko na ginawa ko to hinde ako nakapagsalita at nakatingin lang sa kanya

"Sige na umalis ka na, may pasok ka pa di ba?

"Ay oo nga pala, sige…EL Nunal… wag kang maingay ha"

"Irika, seryoso ka ba? ang tanong ko sa kanya

"Ewan, siguro ang sabi niya sa akin habang nakangiti, at pumasok na siya nang bahay nila, ako naman ay naglakad na pauwi, napapailing na lang ako sa nangyari, hinde ko alam kung nantritrip ba si Irika o seryoso, kaya lang, batay sa sagot niya, parang nakikipaglaro lang siya sa akin, isang laro na alam ko na sa huli eh wala din naman akong mapapala, pero sinasakyan ko na lang, isa pa, hinde naman ako ang luge sa bagay na yun. Paguwi ko sa bahay ay naligo agad ako, pagkatapos ay nanunood muna nang TV, wala noon ang ate ko sa bahay, hinde ko namalayan na nakatulog na pala ako noon. May narinig na lamang akong isang malakas na tunog
~ Nokia Tune may tumatawag pala sa akin, mabuti na lamang at may tumawag at nagising ako, kasi naman, magaalas nwebe na noon, pagkakuha ko nang cellphone ko si Charice ang tumatawag

"Oh, Cha, napatawag ka bakit?

"Kita nga tayo"

"Saan?

"Alam mo ba yung El Pirata? Saan yan? Sa may Eastwood, hintayin kita ha?

"Sige sige, magbibihis na ako Ingat ka sa biyahe ha? Sige

At binaba na niya ang tawag, ako naman ay nagsimula nang magasikaso, mas ok na din na umalis ako nang maaga, gusto ko din kasi tignan kung makukuha ko na ang aking sahod. Pagkatapos kong magbihis ay umalis na agad ako, sa jeep, habang nakasilip ako sa bintana ay nakita ko si Irika na may kasamang grupo nang mga lalake at babae na parang papunta sa bahay namin, mukhang susunduin pa ako nang mga yun, mabuti na lamang at nakaalis na ako, at ilang sandali pa ay nakatanggap ako nang text mula kay Irika
Huy, ang aga mo naman nawala sa inyo, sabi nang ate mo umalis ka na daw Tinawagan ako nang opisina eh, pinapapunta ako nang maaga Sayang, sige, ingat ka natuwa ako dahil hinde ako nahatak nang mga yun sa inuman, hinde kasi ako sigurado sa sarili ko kung makakatangi ako sa kanila sa oras na ayain nila ako na maginom, kaya naman mabuti na at nakaiwas ako noon sa kanila. Nakarating na din ako noon sa Eastwood, at hinahanap ko ang sinasabi ni Charice noon na El Pirata, nagtanong ako noon sa mga naglalakad na tao kung nasaan yung El Pirata at agad naman nila itong naituro sa akin, at doon, nakita ko si Charice na nakaupo, nakatulala at meron hawak na isang bote nang San Mig Light, agad ko siyang nilapitan, sa lalim nang iniisip niya ay hinde niya ako namalayang lumapit, at nang pisilin ko ang ilong niya ay nagulat siya

"Oi! Nandito ka na pala Sabi mo kasi pumunta ako dito, bakit, anong meron?

"Samahan mo ko maginom muna tayo Ha? Cha, teka, anong oras na ba? 10:30, maaga pa naman eh, isa pa, day off ko naman ngayon Ako meron pang pasok Ay, di mo ba day off ngayon?"

"Hinde pa, bukas pa day off ko lingo Ahh, sige kahit samahan mo na lang ako Ano bang problema? hinde siya nagsasalita, at ngumiti lang sa akin, napansin ko, nakaubos na pala siya nang isang bucket nang San Mig Light

"Ok ka pa ba Cha? Ok pa ako, ano ka ba? Sige na, samahan mo naman ako uminom nagulat ako nang may ilagay pa na isang bucket ang waiter sa table namin

"Ayan oh, may alak pa, tara, sige na El Nunal wala na akong nagawa pa kung hinde makipaginuman noon kay Charice, mayamaya pa, habang umiinom kami ay may biglang nagsalita sa parang stage na maliit na nakapwesto sa harapan

"Guys, good evening, hope you're enjoying your night here, and to make things more better, we have a special guest here tonight please welcome, Bamboo

"Good evening guys, Magandang Gabi laking gulat ko nang makita ko si Bamboo, isa sa mga idol ko na singer, at bigla siyang kumanta at lahat nang tao doon, ay nagpalakpakan, at isa sa mga kanta na nagustuhan ko noon ay ang kinanta niyang kanta na paborito ko, Muli
~ katulad mo, Walang kasing-lakas ng tama mo.
Salamat sa iyo aking guro't gabay.
Dahil sa iyo, ang buhay ko'y nagka-saysay.
Sa malas kong ito, minsan sinwerte din ako.
Nang makilala ang taong tulad mo.
Pasensya na, sana maintindihan mo.
Gusto lang kitang makasamang… muli
Sa likod ng skwela, sa tindahan ni Nanang.
Daloy ng pag-ibig do'n kong unang natikman.
Sa 'daming alaala, sana tandaan ninyo.
Ang problema ng isa, problema ng grupo.
Pasensya na, sana maintindihan mo.
Gusto lang kitang makasamang… muli.
Para sa lahat ng minahal ko ng tunay.
Andito't lumisan, sa puso ko'y buhay pa rin kayo.
Buhay kayo, sa puso ko'y buhay pa rin kayo

At nang matapos ang kanta ay nagpalakpan ulit ang mga tao

"Alam mo din pala ang kanta na yun? ang sabi sa akin ni Charice

"Oo naman bakit? Paborito mo din ba?

"Oo, kinanta ko yan sa hayop na lalake na yun dati eh hinde ako nagsalita matapos kong marinig iyon, naramdaman ko kasi na maglalabas na nang saloobin si Charice, ilang sandali pa ay nagsimula na siyang magkwento

"El Nunal, hinde ko alam kung hanggang kailan ko kakayanin to, pinipilit ko siyang kalimutan, pero hinde ko talaga magawa, hinde pa din ako makahinde sa kanya, kahit sa mga magulang nya, ang tanga tanga ko talaga nilapitan ko siya noon at niyakap

"Ok lang yan Charice… ok lang yan El Nunal, hinde ok… hinde ok eh, pati ikaw, damay sa problema ko, bakit ba kasi nakilala pa kita bakit, nahihirapan lang ako lalo"

Nagulat ako sa sinabi ni Charice noon, pero hinde na muna ako nagsalita, hinayaan ko lang siya na umiyak, at nang tumahan siya ay muli na naman siyang uminom, halatang lasin na si Charice dahil kung ano ano nang ang kinukwento sa akin, at para siyang baliw na tawa nang tawa, tapos biglang mananahimik at tatawa na naman, at sa wakas ay naubos na din ang iniinom naming alak, sa totoo lang, halos ako lang ata ang umubos nang alak dahil binilisan ko talaga ang pagubos nang alak para makadami ako nang bote at hinde na makainom pa si Charice

"Cha, tara na, hatid na kita

"Marunong ka ba magdrive?

"Hi..hinde eh..Sige, ako magdridrive

"Wag na Cha, magtaxi na lang tayo, baka kasi maaksidente pa tayo pag nagmaneho ka eh

"Ok lang yun, gusto ko na din kasing mamatay, nahihirapan na ako, nasaskatan na ako masyado sa nangyayari, parang ayaw ko na nga eh, ayaw ko na, suko na ako… ako na ang pinakatangang tao sa mundo, as in, sobra

"Wag ka naman magsalita nang ganyan Cha

Nagulat ako nang bigla siyang matumba at napaluhod, nilapitan ko agad siya maging nang mga nakakita sa kanya

"Ok lang ba siya?" ang tanong sa akin nang guard na lumapit, nagulat ako nang makita ko din doon si Sir Ryan na agad siyang inalalayang tumayo

"Bakla, ano bang nangyayari sa iyo, nagpakalasing ka naman, kanina pa ba to umiinom? Ata Sir Ryan, nakakadalawang bucket na eh Sira ulo ka talagang babae ka Oi, ang nagiisa kong kaibigan, buti at nakita mo ako… iiwanan mo na din ba ako tulad nang iba? Hoy bakla, umayos ka, madaming tao dito oh, EL Nunal, kunin mo nga yung bag niya, at ihatid na natin to sa bahay nila at nang makuha ko na ang bag ay dinala ni Sir Ryan si Charice sa sasakyan niya at umalis na kami papunta sa bahay ni Charice

"Kanina ka pa ba doon? ang tanong sa akin ni Sir Ryan, si Charice ay himbing na noon sa pagtulog

"Oo Sir Ryan, tinawagan niya kasi ako, gusto niya daw nang kasama May trabaho pa kasi ako eh, ikaw, naku, malalate ka nito sigurado, amoy na amoy alak ka pa, gusto mo bang masisante agad sa trabaho bata ka? hinde ako noon makapagdahilan, halata kasi sa boses ni Sir Ryan na naasar siya, nakarating din kami sa bahay ni Charice noon, at pinabuhat sa akin ni Sir Ryan si Charice Ay sos ginoo day, anong nangyare kay Ate Charice?

"Hay Ida, yang amo mo, uminom nang alak, eh di naman manginginom yan eh, ayan, tulog, mabuti na lamang at nakita namin yan, bukas nang umaga sabihin mo, kunin niya na lang sa parking lot nang kumpanya namin yung sasakyan ha?

"Sige po ser at umalis na agad kami ni Sir Ryan, nagpaalam lang pala sandali si Sir Ryan na aalis at may pupuntahan, may biglang inabot sa akin si Ryan, isang pabango

"Magspray ka nang mabuti nang hinde ka maamoy, kumain ka din nang kendi o tsokolate ha, nang hinde mangamoy yang bibig mo, tatandaan mo bawal pumasok sa loob nang nakainom, ngayon ko lang ito palalampasin El Nunal ha, pero sa susunod, bibigyan na kita nang warning ok? hinde na ako nagsalita pa at pagdating namin sa kumpanya ay agad akong nagtungo sa canteen at bumili nang kendi, at naupo muna sandali dahil doon ako biglang tinamaan, nagulat ako nang bigla akong kalabitin ni Jessa Ok ka lang ba?

Ang tanong niya sa akin, bigla niya akong pinalo sa balikat Huy tangi amoy alak ka ah, baka mapagalitan ka nyan Amoy pa din ba?

"Bakit ka naman kasi naginom?

"Wala, naaya lang kasi

"Magpalit ka kaya nang damiT

"Wala naman akong dalang damit eh nagulat ako nang may iabot siyang polo sa akin

"Eto, sayo na muna to, kay Daddy kasi yan, pinapabili ni Mommy, bayaran mo na lang ako bukas kasi wala akong dalang pera eh, bibili ulit ako nang bago bigla ko siyang niyakap noon at medyo nabigla din ako sa ginawa ko Sorry, salamat ha Sige, maghilamos ka sa may banyo"

At umalis na si Jessa, napansin ko na magaalas dose singkwenta na, kaya naman agad akong pumunta nang banyo, at nagsumulang maghilamos at magmumog, mabuti na lamang at may dala ako noong sepilyo at toothpaste kaya nakapagsipilyo ako noon, at nang matapos na akong maglinis nang sarili ay nagmamadali akong sumakay nag elevator at nagtungo agad sa station ko at tumanggap nang call. Breaktime namin noon, nasa may banyo ako noon at pilit kong sinusuka ang alak na nainom ko nang hinde na ako mahilo pa, medyo masama na din kasi ang pakiramdam ko noon, nang makasuka na ako ay medyo nabawasan bigat nang pakiramdam ko, hinde din kasi noon kumain nang hapunan kaya ganun ang nanging epekto sa akin nang alak, pumunta ako sa canteen at bumi nang inumin para mabawasan ang nararamdaman kong uhaw

"Ok ka lang ba? ang tanong sa akin ni Sir Ryan na nasa likod ko pala noon Ok lang sir

"Favor naman, pagkatapos nang shift mo, puntahan mo si Cha ha? Pakicheck kung ok lang siya ha?

"Sige po Sir Ryan, pasensya na po ha

"Ok lang, naasar lang kasi ako sa kabigan ko na yan eh, hinde ko ba alam kung bakit hanggang ngayon di pa niya kalimutan yung lalake na yun, kaya mo ba siyang tulungan na kalimutan siya?"

"Ha?

"Tulungan mo nga yung lukaret na yun na makalimutan yung hayop niyang kinasama noon, kaya mo ba?

"Hinde ko nga po alam, kung lalapitan ko pa siya eh..Oh bakit naman?