1. Home
  2. Stories
  3. Phone Call Chapter 11 - Best Friend
Lagablab

Phone Call Chapter 11 - Best Friend

By supertoyantz ·

Chapter 11 - Best Friend

Dahan dahang bumaba si Ronron sa hagdan.

Ingat na ingat na huwag makagawa ng katiting na ingay.

Delikado ang kanyang ginagawa dahil kung sakaling mahuli sya ng kahit sino sa bahay na iyon, katakut takot na tanong ang aabutin nya.

Madilim ang paligid.

Hindi naman nagtaka ang binata dahil alas diyes na ng gabi.

..

Matapos ang maingat na paglalakad, narating ni Ronron ang main door.

Pero nanlumo sya ng mapansin nakalock ito.

Pipihit na sana sya pabalik sa hagdan ng may mapansing kakaiba.

Bukas ang ilaw sa kusina.

Kung hindi sya nagkakamali, may bakdor ang bahay.

..

Dahan dahang tinungo ng binata ang kusina.

Patingin tingin sa paligid dahil baka may taong makakita sa kanya.

Sumilip sya sa loob at napangiti ng kimi ng walang makitang tao.

Mukhang nasa loob na ng maid's quarters ang mga kasambahay dahil naririnig nya ang tunog ng bukas na radyo kung saan.

Tahimik syang humakbang papasok at nag hanap ng lalabasan.

Paglingon ng binata sa isang panig ng kusina ay muli na naman syang nanlumo.

"Shet sarado !. " bulong nya sa sarili.

Laglag ang balikat na muling bumalik si Ronron sa hagdan.

Hahakbang na sana sya paakyat ng may mapatinging muli sa salas.

Parang may nagsasabi sa kanyang mag ikot ikot pa.

..

Saglit na napaisip ang binata.

Di nya alam ang isasagot oras na may makahuli sa kanya.

Pero ayaw nyang bumalik sa silid at ipaalam kay Romeo na hindi nya nakausap ang babae sa kabilang bahay dahil hindi sya makalabas.

Siguradong pagtatawanan lamang sya ng kaibigan o baka magalit pa ito sa kanya at sabihing hindi man lang sya naghanap ng paraan.

Napahinga ng malalim ang binata.

Ayaw nyang biguin ang kaibigan kaya nilakasan nya ang loob at nag ikot ikot pa sa malawak na bahay.

Mula sa salas, lumiko si Ronron at nagtungo sa hardin.

Naglakad lakad sya at napanganga ng makakita ng swimming pool.

"M-may pool pala dito. " gulat na bulalas nya.

Ngunit walang tubig ang nasabing pool.

Ingat na umikot si Ronron sa gilid sa takot na mahulog.

Tinahak nya ang madilim na parte ng bakuran na iyon.

Habang tumatagal ay lalong bumibilis ang pagtibok ng kanyang puso.

Nararamdaman na nya ang pananayo ng balahibo dahil parang may kung sinong nakatingin sa kanyang ginagawa.

..

Pagliko ni Ronron sa gilid ng bahay kung nasan ang pool ay nagliwanag ang kanyang mukha.

Kung hindi sya nagkakamali ay isang pinto ang nakikita nya di kalayuan.

Dali daling lumapit ang binata.

Kumunot ang kanyang noo ng maaninag ang pinto.

"M-maliit ata to. " sabi nya sa sarili.

Maliit nga ang pinto.

Parang bata lamang ang gumagamit nito pero sinubukan nya pa rin kung maaaring buksan.

At automatikong napangiti ang binata.

"Bumubukas ! " bulalas nya.

Marumi ang nasabing pinto.

Parang ilang taon ng hindi nagagamit pero ayos na ito kesa sa wala.

Yumuko sya at sinubukang pagkasyahin ang sarili.

Tagumpay !.

Bagama't marumi, tiniis ni Ronron ang lupa at gumapang palabas.

Pagtayo nya ay mabilis nyang pinagpag ang sarili.

..

"Ayos. " bulong ng binata.

Pinagpag nya ang pwet ng biglang may magsalita sa kanyang harap.

"Sino ka !. " mahina ngunit madiing sabi ng boses.

Nanlaki ang mga mata ni Ronron sa gulat at muling napaupo sa lupa.

Umangat ang kanyang tingin at napanganga ng makitang may tao sa kanyang harap.

Mabilis na lumapit ang kung sino.

Napaatras si Ronron.

Sinubukan nyang bumalik sa pintong pinanggalingan ngunit sa malas ay tila hindi na sya magkasya pabalik.

Wala syang nagawa kundi sumandal sa pader at harapin ang nagsalita.

..

"Ang sabi ko, sino ka !. " muling tanong ng boses.

Napalunok si Ronron.

"A-ako si Ron. B-bisita ako dito sa bahay nina Tito Angelo. " pakilala nya.

Natahimik ang boses.

Maya maya ay nanlaki ang mga mata ni Ronron ng lumapit sa kanya ang nag mamay ari ng tinig.

"Kaanu ano ka nila ? " tanong nito.

Natulala ang binata.

Di sya makapaniwalang ang may ari ng boses ay walang iba kundi ang babaing kanyang mamatyagan sana.

..

"Hoy !. Ano na ? " tanong ng babae.

Nagulat si Ronron at tila nuon lamang nahimasmasan.

"H-ha ? " takang tanong nya.

Tinago ng babae ang pagkamangha at muling nagtanong.

"Kaanu ano ka nila ? " tanong nito.

Sinikap tumayo ni Ronron at muling pinagpag ang sarili.

"B-bisita nga. " giit nya.

Tila nag isip ang babae.

"Parang di ko kayo nakitang dumating ? " tanong nito.

Napatingin si Ronron sa dalaga.

Automatikong pinagmasdan nya ang kabuuan nito.

Medyo slim ang babae ngunit halatang maputi at galing sa mayamang pamilya.

Kahit na madilim ay aninag ni Ronron ang pustura nitong pang may sinasabi sa buhay.

Sinikap nyang ngumiti.

"A-ah, wala naman kasi kaming sasakyan. Nag commute lang kami. " sagot nya.

Kumunot ang noo ng babae.

"K-kami ? M-may kasama ka pa ? " tanong nito.

Tumango si Ronron.

"Yup. Friend ko. Ako nga pala ulit si Ronron. I-ikaw ? " tanong nya sabay abot ng kamay.

Napatingin ang babae sa palad ng binata.

Tila nag iisip kung aabutin nya ba ito o hindi.

..

Hindi natinag si Ronron.

Nanatiling nakabitin sa ere ang kamay nya at hinintay na abutin ito ng babae.

Hanggang sa tila naawa sa kanya ang babae at dahan dahang inabot nito ang isang kamay.

Si Ronron na ang nagsara ng mga palad nila para sa isang shakehands.

"I-ikaw si ? " tanong nya.

"J-jamaica. " maiksing sagot nito.

Ngumiti si Ronron.

"Ang ganda ng name mo. Pero mahaba, pwedeng Ica na lang itawag ko sayo ? " tanong nya.

Natigilan ang babae at biglang naging mataray ang mukha.

"No, I prefer Jamaica. Or else wag na lang. " sabi nito.

Tinago ni Ronron ang pagkagulat.

Pinilit nyang ngumiti at marahang tumango.

"O-okay, Jamaica it is. " mahinang sabi nya.

Mabilis na binawi ng babae ang palad nito at tiningnan sya mula ulo hanggang paa.

Parang nahiya naman si Ronron pero pinili nyang ngumiti pa rin.

Matapos ang tila panunuri ng babae ay pinagmasdan nito ang pinanggalingan nyang pinto.

"Ayos pa pala yan. " sabi nito.

Napangiti si Ronron.

"Parang sira na nga eh. Buti nga nagkasya ako. " natatawang sabi nya.

Pero hindi tumawa si Jamaica.

"Pano mo nalamang may pinto dyan ? " tanong nito.

Natigilan si Ronron.

Paano nga ba nya nakita ang pinto eh madilim na parte na ito ng bahay bukod pa sa nasa gilid na gilid na ?

..

Parang nahulaan ni Jamaica ang iniisip ng binata at bigla itong sumimangot.

"Bakit ka gumagala ng ganitong oras sa bahay nina Tita Pam ? " tanong nito.

Napaatras si Ronron.

"T-teka. W-wag mo kong pagdudahan. Namamasyal lang ako ng makita ko itong pinto. " palusot nya.

Pero hindi naniwala si Jamaica.

"Imposibleng makita mo itong pinto. Kakulay sya ng pader at madilim pa. Saka ang alam ko pinasara na yan ni Tito Angelo mula ng mamatay si. " tila natigilan ang babae.

Maging si Ronron ay natigilan.

Mabilis nyang pinagmasdan ang reaksyon ng dalaga.

Biglang nawala ang mataray na aura nito at napalitan ng lungkot.

O mas malalim pa sa lungkot, parang takot.

Pero bakit ?

Bakit natatakot ang babae kung kilala nito ang mga magulang ni Angel.

At sa nakikita nya, magkapitbahay ang dalawa kaya hindi malabong magkaibigan ang mga ito.

Mukha ring kaedad lamang ng nobya nya si Jamaica kaya talagang nakapagtatakang makaramdam ito ng takot.

..

Parang nawala sa sarili si Jamaica.

Nangilid ang luha sa mga mata nito at biglang umatras.

"P-papasok na ako. Umuwi ka na. " muling mataray na sabi nito.

"Teka. " pigil ni Ronron at hinawakan ang braso ng dalaga.

Nagulat si Jamaica sa paghawak ng binata sa braso nya kaya bilang response ay hinawakan nya si Ronron sa kilikili at yumuko para mahatak ito gamit ang katiting na pwersa.

Walang kahirap hirap na bumaligtas sa ere si Ronron at lumagpak ang likod sa lupa.

..

Tulala ang binata.

Bagama't masakit ang kanyang katawan ay wala itong panama sa gulat na kanyang nararamdaman sa mga oras na iyon.

Tila nagulat din ang babae at mabilis na dinaluhan ang nakalugmot na binata.

"S-sorry. " sabi ni Jamaica.

Ngumiti si Ronron at tumango.

"It's okay. Wala to. " sabi nya at tumayo.

Pero muli syang napaupo at ngumiwi.

"N-napilayan ka ata. " kagat labing tanong ng dalaga.

Kinapa ni Ronron ang sarili.

Masakit ang parteng pwet nya at balakang.

Marahil ay dahil sa ito ang unang tumama sa lupa bago ang kanyang likod kaya ito ang mas naapektuhan.

Pero bukod sa sakit na nararamdaman, mas nangingibabaw ang gulat dahil sa walang kahirap hirap syang naibato ni Jamica sa kabila ng maliit nitong katawan.

..

Tila nahulaan naman ng dalaga ang iniisip nya kaya automatiko itong nagpaliwanag.

"Judo. " maiksing sagot nito.

Napangiwi si Ronron.

"Ang ganda mo sana kaso, katakot. " sagot nya.

Natulala ang dalaga.

Bigla itong tumalikod at umalog ang balikat.

Nagtaka si Ronron.

Pilit syang umayos ng upo at sinilip ang mukha ng dalaga.

"Hoy, umiiyak ka ? " tanong nya.

Pero umiwas si Jamaica at patuloy na umalog ang balikat nito.

Nagtatakang hinawakan ni Ronron balikat ng dalaga para sana iharap ito sa kanya pero nawala sa isip nya ang pagiging bihasa nito sa Judo.

Kaya muli, lumagpak sa lupa ang binata.

..

"Oh God, sorry. W-wag mo kasi akong biglang hahawakan. " gulat na sabi ni Jamaica.

Namilipit sa sakit si Ronron.

"A-aray ko poooo.. " ungol nya.

Nataranta si Jamaica at marahang hinilot ang likod nya.

Ilang minuto ring pinagpala ng dalaga ang katawan ni Ronron bago unti unti nyang naramdaman ang ginhawa.

"B-better ? " tanong ni Jamaica.

Napatango si Ronron.

"A-anong masahe yon ? " tanong nya.

"T-thai Massage. " kagat labing sagot ng dalaga.

Pinilit ni Ronron ang ngumiti sa kabila ng pagkirot ng balakang.

"A-ayos ka rin no. Matapos mo kong saktan, pinagaling mo naman ako. " biro nya.

Muling tumalikod si Jamaica para itago ang tawa.

Nahulaan na ni Ronron ang dahilan ng pagtalikod nito kaya hinayaan na nya ang dalaga.

Isa pa ay natatakot syang pumaikot na naman sa ere.

..

Ilang saglit ang lumipas.

Inalalayan ng dalaga si Ronron na makatayo.

"Dito ka muna, mamaya ka pa makakapaglakad ng maayos. " sabi nya.

Ngumiti si Ronron at umakbay sa dalaga.

Tumaas ang isang kilay ni Jamaica at pinisil ang balang ng binata.

Napangiwi si Ronron sa sakit.

"A-aray. " reklamo nya.

"Wag kang manghipo. " babala ng dalaga.

Umiling iling si Ronron.

"H-hindi naman eh. Syempre aakbay ako sayo kasi hirap akong maglakad. " katwiran nya.

Inirapan lang sya ng dalaga at inalalayan sa isang upuan.

Natigilan si Ronron.

Ito ang lugar kung saan nya nakita ang dalaga na umiiyak.

Sa pagkaalala sa nakita ay muli nyang naalala ang pakay kung bakit sya nandito.

Kaya kahit na hindi na gaanong masakita ang balakang, nagkunwari syang nasasaktan pa rin para tumagal pa ang pag - alalay nito sa kanya.

..

Dahan dahang inalalayan ng dalaga si Ronron para makaupo sa bakal na upuan.

"Okay ka lang ? " tanong ni Jamaica.

Marahang tumango si Ronron.

"Medyo masakit pa rin pero kaya ko na sigurong umuwi. " kunwaring sabi nya.

Umiling ang dalaga.

"No no. Dito ka muna. Kasalanan ko kung bakit ka nasaktan. Teka kukuha lang ako ng juice. " sabi nito at mabilis na pumasok sa bahay.

Ngumiti lamang si Ronron.

Ng makapasok na ang dalaga ay pinagmasdan nya ang paligid.

Tulad ng nasa kabilang bahay, halata rin na may kaya ang pamilyang nag mamay-ari ng bahay na ito.

Bagama't madilim, aninag nya ang mga tanim na bulaklak sa isang sulok.

Napatingala si Ronron.

Napatingin sya sa bahay na pinanggalingan.

Mula sa pwesto nya ay kita nya ang bintana ng panggitnang kwarto.

Bigla syang natigilan ng maaninag ang isang pigura sa bintana.

Di nya maiwasang mapangiti.

Mukhang di pa natutulog ang kaibigan tulad ng sinabi nito kanina.

Marahil ay nag aalala din ito sa kanya kaya minamatyagan sya sa malayo.

Kahit na patay ang ilaw ay alam nyang si Romeo ang nagmamasid nya iyon kaya pasimple nyang kinawayan ang kaibigan.

Ngunit hindi ito gumanti ng kaway, bagkus ay umalis ang bintana.

Natawa ng lihim si Ronron.

"Ayaw nyang malaman na nag woworry sya saken. Matigas talaga. " bulong nya.

"Sinong matigas ? " tanong ni Jamaica.

Nagulat si Ronron at tumawa.

"Kakagulat ka. " sabi nya.

Ngumiti ng kimi ang dalaga at nilapag sa lamesang salamin ang isang baso ng juice.

"Kaw rin eh, kaya ka napilayan. Sino nga ulit yung matigas ? " tanong nya.

Napangiti si Ronron.

Nginuso nya ang damuhang pinagbagsakan.

"Yung pinagbagsakan ko. Ang tigas. Ayan tuloy, nabali yung buto buto ko . " biro nya.

Napangiti ang dalaga at tila nahiya.

"S-sorry, pero okay na yan bukas. Itulog mo lang yan. " sabi nya.

Tumango si Ronron at sumimsim ng juice.

"Wow ang sarap, ikaw ang nagtimpla ? " tanong nya.

Parang nahiya na naman ang dalaga kaya nagbaling ito ng tingin.

"A-ano bang ginagawa mo sa ganitong oras ? " tanong nito.

Nilapag ni Ronron ang baso at tiningnan ang madilim na paligid.

"Di ako makatulog eh. Naninibago siguro ako sa bahay. Kaya namasyal ako sa paligid. Kaya eto, nakarating ako sa bakuran nyo . " paliwanag nya.

Natahimik si Jamaica.

"P-paano mo nakilala sina Tito Angelo ? " tanong nito.

Natigilan si Ronron.

Parang ang dalaga pa ang ang iimbestiga imbes na sya.

Pero naisip nyang kailangan nyang magpakawala ng ilang impormasyon kapalit ng tiwala nito.

"Actually, ngayon pa lang kami nagkakilala. Kung di dahil kay Angel, di kami mapapadpad dito. " sabi nya.

Nagulat si Jamaica.

Di nito itinago ang pagkabigla.

"N-ngayon lang ? At dahil pa kay A-angel ? " tanong nito.

Tumango si Ronron.

Muli syang sumimsim ng juice.

"Yup. Friend mo sya ? " tanong nya.

Napayuko si Jamaica.

"Not just friend, she's my only friend. " bulong nito.

Nagtaka si Ronron.

"Ano ? " tanong nya.

Tila natauhan ang dalaga.

"A-ahm. W-wala . Teka, sabi mo ngayon lang kayo napadpad dito ? Paano mo sya nakilala ? " tanong nya.

Natigilan si Ronron.

Paano nga ba nya ipapaliwanag na nagkarelasyon sya at ng isang multo ?

"Girlfriend ko sya. 2 weeks na kami bukas. " siwalat nya.

Marahas na napabaling ang tingin ni Jamaica sa kanya.

Tila nagbagong anyo ito at naging mabagsik na hayop.

"Wag na wag mong lolokohin ang kaibigan ko. Matagal na syang p-patay. " banta nito.

Napaatras si Ronron.

Pero hindi nya binawi ang sinabi.

"T-totoo. Maski sina Tito Angelo di makapaniwala. Pero talagang naging kame. H-hindi ko alam na w-wala na pala sya. Magkausap pa kami sa phone eh. " kwento nya.

Kumunot ang noo ni Jamaica.

"At paano naman nangyari yon ? Sa tingin mo paniniwalaan kita ? Ubusin mo na yang juice mo at lumayas ka na sa bahay ko. " galit na sabi nito.

Natigilan si Ronron.

Pilit nyang pinaglaban ang katwiran ngunit naging bingi ang dalaga sa mga sinasabi nya.

Hanggang sa huli ay napilitan syang tumigil na sa pagpapaliwanag.

..

Sinaid nya ang laman ng juice at iika ikang tumayo.

Nakakailang hakbang pa lang sya ng huminto sya at lumingon sa dalaga.

"Mahal ko si Angel. Kahit na dalawang linggo pa lang kaming nagkakilala at sa phone pa. Alam ko sa sarili ko na mahal ko sya. Kaya nga ako nagpunta dito kasama ng friend ko kahit na wala kaming ideya sa kung anong daratnan namin dito. Pwede kaming maholdap or mabiktima ng sindikato pero tumuloy pa rin kami. H-honestly, up to now, nagpaparamdam pa rin sakin si Angel. Minsan sa panaginip, kanina naman sa room nya mismo. Natatakot ako oo. Di ako magpapasikat para sabihing hindi ako nakakaramdam ng takot, pero natutuwa ako at kahit papaano ay nagpapakita sya sa akin. Meaning nag titiwala sya. Sa maniwala ka o hindi, mahal ko ang kaibigan mo. Anyway, good night at salamat sa juice. " sabi nya at iika ikang naglakad patungo sa maliit na pinto.

Hindi pa nakakalayo si Ronron at nagsalita ang dalaga.

"N-nagpaparamdam sya sayo ? " tanong nito.

Natigilan si Ronron at marahang tumango.

"Oo. Di pa rin nagbabago ang magandang mukha nya. Pero alam kong nalulungkot sya. Dahil walang hustisya ang pagkawala nya. Pero wag kang mag alala, malapit na syang sumaya. " nakangiting sabi nya.

Nagtaka ang dalaga.

"A-anong ibig mong sabihin ? " tanong ni Jamaica.

Sumeryoso si Ronron.

"Dahil nandito ako para bigyan sya hustisya at pananagutin ang mga may sala. Ayon sa panaginip ko, hindi aksidente ang pagkamatay ni Angel. May tumulak sa kanya sa Nirvana at yun ang aalamin ko. Kung hindi mo ko tutulungan, wala akong pakealam. Sige matutulog na ako at baka magalit na si Angel dahil nagpupuyat na naman ako. " sabi nya at tuluyan ng naglakad patungo sa maliit na pinto.

Ngunit hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang takot na lumatay sa mukha ni Jamaica ng sinabi nyang mag iimbestiga sya sa pagkamatay ng nobya.

Akmang yuyuko na sya ng mapansin ang pigura sa kwarto sa itaas ng bahay.

Napangiti ng lihim ang binata.

..

Ilang saglit lang.

Kahit hirap ay nagtagumpay na makalusot sa maliit na pinto si Ronron.

Sinara nya ang pinto at naglakad sa paligid para muling makapunta sa pool.

Ilang saglit lang ay tinahak na nya ang hagdan at muling pumasok sa kwarto nila ni Romeo.

Inabutan nyang natutulog ang kaibigan.

Pero alam nyang nag tutulug tulugan lamang ito dahil nakita pa nya sa bintana ang binata.

Nakangiting sinara ni Ronron ang pinto.

Tagumpay ang lakad nya.

Nakakuha sya ng impormasyon sa kaibigan ni Angel.

Hindi nya isasara ang posibilidad na may kinalaman ito sa kaso base sa ekpresyon ng mukha nito ng sinabi nya rito ang pakay.

..

Ng maalala nya ang reaksyon ng dalaga ay di nya maiwasang tumiim ang mga bagang.

Ngunit mabilis nya itong winaksi dahil biglang gumalaw ang kaibigan.

Napangiti si Ronron.

Tumayo si Romeo at nagtungo sa banyo.

Hinintay nyang makalabas ang kaibigan.

Ilang saglit lang ay lumabas na nga ito at nagtama ang kanilang mga mata.

"Kauwi mo lang ? " tanong ni Romeo.

Napangisi si Ronron.

"Yup. Success pare, yung babae sa kabila, Jamaica ang name. At mukhang may alam sya sa nangyari kay Angel. " kwento nya.

Tumango tango si Romeo.

"Good pare. Matulog ka na. Bukas ay tutulungan kita. " sabi nya at muling tinakpan ang mukha.

Bumungisngis si Ronron.

Nagtatakang inalis ni Romeo ang takip sa mukha at tiningnan ang kaibigan.

"Anyare sayo ? Nasapian ka ? " tanong nya.

Ngumiti si Ronron at pasimpleng siniko ang kaibigan.

"Ikaw ha, concerned ka saken ah. Salamat pare sa pagbabantay. " sabi nya.

Lalong kumunot ang noo ni Romeo.

"Baliw ka ? Pag alis mo kanina, nakatulog na ako. Tanga lang ? " asar na sabi nya.

Pero tumawa lang si Ronron.

"Sus pare. Nakita kita kanina, pinagmamasdan mo kami ni Jamaica habang nag uusap kami. Kala mo di kita makikita ha. " sabi nya.

Napa troll face si Romeo.

"Hoy ipis. Di na ako makikipagtalo sayo at mukhang nakadrugs ka ata. Matutulog na ako. Isara mo nga yung kurtina tapos patayin mo yung ilaw. Bwisit. " asar na sabi nito at tumalikod na ng higa.

Natawa na lang si Ronron pero sinunod nya ang utos ng kaibigan.

Pinatay nya muna ang ilaw at tinungo na ang bintana para sana isara ang kurtina ng bigla syang matigilan.

"T-teka, walang kurtina kanina nung nakita ko si Rom na nagmamasid sa amin. K-kung ganon. " bulong nya.

Napatingin sya sa nakatalikod na kaibigan.

Unti unting tumayo ang balahibo ni Ronron ng maalala ang silid ni Angel.

Mabilis nyang sinara ang kurtina at tumabi sa kay Romeo.

"P-pare saglit lang. " kalabit nya.

Asar na lumingon si Romeo.

"Ano ba ? " tanong nito.

"N-natatandaan mo ba yung room ni Angel ? M-may kurtina don di ba? " tanong ni Ronron.

Saglit na natahimik si Romeo.

"Wala kaya. Di mo ba napansin nung unang pasok mo sa room nya ? , diretsong pumapasok yung sikat ng araw. Walang kurtina don. " sabi nya.

Natulala si Ronron.

"K-kung ganon. H-hindi nga ikaw yung nakita ko pare. " sabi nya.

"Eh di naman talaga ako. Paulit ul-, t-teka. Totoo bang may nakita ka ? " tanong ni Romeo.

Napatango si Ronron.

"O-oo. K-kala ko nga binabantayan mo ko. " sabi nya.

Natahimik si Romeo.

"M-matulog na tayo. " sabi nya.

Tumango si Ronron.

"S-sige. P-pare, buksan ko yung ilaw ha ? " sabi nya.

"S-sige, tutal di naman tayo ang nagbabayad ng kuryente. " sabi ni Romeo.

Napangiti si Ronron at mabilis na tinakbo ang switch.

Ngunit natigilan sya ng hindi bumukas ang ilaw.

"A-ayaw pare. " bulalas nya.

"Bahala ka dyan !. " tili ni Romeo at nagtalukbong ng kumot.

Nataranta si Ronron.

Mabilis syang lumapit sa kaibigan at nakisukob sa ilalim ng kumot.

Mariin nyang pinikit ang mga mata at pinilit ang sariling matulog.