1. Home
  2. Stories
  3. Phone Call Chapter 30 - Connecting Dots
Lagablab

Phone Call Chapter 30 - Connecting Dots

By supertoyantz ·

Chapter 30 - Connecting Dots

Unti unting bumalik ang diwa ni Ronron.

Dahan dahan nyang inangat ang ulo, ngunit nagulat sya sa paggapang ng kirot.

Napangiwi ang binata.

Mabilis na inisip kung nasan sya.

Madilim.

Gabi ?

Hindi.

May nakatabing sa kanyang mga mata para harangan ang kanyang paningin.

"B-bakit ako nakapiring? " tanong nya sa sarili.

Akmang aalisin ni Ronron ang piring ng mapagtanto nyang imposible nya itong magawa.

Nakatali ang kanyang mga kamay sa likod.

"S-shit, bakit ako nakatali ? " sigaw ng kanyang isip.

Nagsimula na syang mataranta.

Lalo na ng malamang hindi lang mga kamay ang nakatali kundi maging ang kanyang mga paa.

"A-ano bang nangyayari ? " muli nyang tanong sa sarili.

Pilit binalikan ni Ronron ang nakaraan.

Mula sa kubo, nagtungo sya sa burol.

Pero bakit sya nagtungo sa burol ?

"S-si Angel, parang si Angel yung nakita ko sa burol. G-gusto nyang dalhin ko duon yung diary. " wika nya sa sarili.

Diary.

Tama !

May hawak syang diary.

Pero nasan na yon ?

Muli syang nag isip.

Ang alam nya ay nakaupo sya burol at binabasa ang diary ni Angel.

..

Si Angel.

Sa pagkakaalala sa dalaga ay mabilis na bumalik ang kanyang memorya.

Umahon ang di maipaliwanag na emosyon sa katawan ni Ronron.

Pinaghalong awa at galit.

Awa para sa nobya, galit para sa walang pusong nilalang na gumawa ng krimen.

Nais nyang magwala.

Gusto nyang gulpihin at paitimin sa suntok ang kung sino mang gumahasa sa kanyang nobya.

Pero bago iyon, kailangan nya munang makawala at makatakas.

..

Nahulog sa malalim na pag iisip si Ronron.

Dinama ang paligid.

Tahimik.

Tila walang tao.

Sinubukan nyang kalagin ang tali.

Pero mukhang malabo nya itong maalis dahil habang ginagawa nya ay lalo lamang humihigpit ang pagkakabuhol.

Naisip nyang sumigaw.

Ngunit nangangamba syang baka kapag ginawa nya iyon ay maging katapusan na ng kanyang buhay.

At iyon ang iniiwasan nyang mangyari, ang mamatay ng walang kalaban laban.

..

Abala si Ronron sa pag iisip ng paraan kung paano malalampasan ang kinasusuungan ng makarinig ng mahihinang hakbang.

Tila may papalapit na kung sino.

Bumilis ang tibok ng puso ng binata.

Hinanda nya ang sarili.

Pinayapa nya ang isip at mabilis itong pinagana.

Hindi sya dapat magpadala sa karuwagan.

Kung pangingibabawan sya ng takot ay siguradong katapusan na nya.

..

Napalunok si Ronron ng muling marinig ang mahinang pagyabag.

Ayaw man nya, nagsimula ng manginig ang kanyang mga tuhod.

Malinaw ang kanyang isip ngunit dahil sa takot ay nahihirapan syang iproseso ang mga bagay bagay.

"A-anong gagawin ko ?" giit ng kanyang isip.

Umihip ang malamig na simoy ng hangin.

Ngunit hindi ito nakatulong para bawasan ang kanina pa tagaktak na pawis ng binata.

Hanggang sa biglang may humawak sa kanyang kamay.

Akmang sisigaw si Ronron ng may tumakip bigla sa kanyang bibig.

"Hhmpp." impit na hiyaw nya.

..

"SSshh, Ron, si Earl to. Wag kang maingay. " bulong ng boses.

Natigilan si Ronron.

Earl ?

Dahil ata sa takot ay nagkaroon na sya ng amnesia.

Muling nagsalita ang nilalang.

"Aalisin ko itong kamay ko sa bibig mo. Pero wag kang maingay pare. " bulong nitong muli.

Napalunok si Ronron.

Wala syang choice kundi tumango.

..

Tulad ng narinig, dahan dahang natanggal ang kamay sa bibig nya.

Akmang magsasalita sya ng pigilan ni Earl.

"Wag kang maingay pare. Baka bumalik sila. " bulong nya.

Natigilan si Ronron.

Sila ?

Maya maya ay natanggal na ang piring sa kanyang mga mata.

Pumikit pikit sya at mabilis na nilingon ang nasa likod.

Tama.

Si Earl nga.

"A-anong ginagawa mo dito ? " tanong nya.

Pero umiling si Earl at tila takot na tumingin sa paligid.

"Sssh, tangna pare. Wag ka na munang magtanong. Biilsan natin. Ayaw ko pang mamatay. " takot na bulong nito.

Napalunok si Ronron at dahan dahang tumango.

"S-sige, bilisan mo pre." wika nya.

Ilang saglit lang at nawala na ang tali sa kanyang mga kamay.

Agad syang yumuko para alisin naman ang tali sa kanyang mga paa.

Mabilis nyang ginala ang paningin sa paligid habang ginagawa ito.

Kubo.

Nasa kubo sila, pero hindi ito ang kubong na tinutulugan nila.

Luma at mabaho.

Marumi at may mangilan ngilang halamang na ring pumasok sa loob.

Abandunado.

"P-pare,nasan tayo ? " tanong ni Ronron.

Nilapitan nya si Earl na abala sa pagsilip sa butas ng dingding.

Imbes na sumangot, sumenyas ang binata na tumahimik.

Agad namang sumunod si Ronron.

Sabay silang nakiramdam.

"Mamaya ng mga tanong. Umalis na muna tayo dito. " utos ni Earl.

Tumango si Ronron.

Di na nya kailangan pang mangulit.

Buhay nila ang nakataya kaya dapat silang magtulungan.

"A-anong gagawin natin ? Saan tayo dadaan ?" tanong nya.

Tinuro ni Earl ang isang direksyon.

"Malayu layo ito sa kubo. " bulong nya.

Kinabahan si Ronron.

"H-ha ? P-paano tayo makakabalik ? N-nasan sila Aaron ? A-ayos lang ba sila ? " tanong nya.

Nagtagis ang mga bagang ni Earl.

"Mamaya na tayo magtanungan. Nakauwi na sila Aaron pati na si Jam at Irish. " sagot nya.

Napanganga si Ronron.

"H-ha? A-anong nakauwi ? Bakit sila umuwi eh nandito pa tayo ? " sunod sunod na tanong nya.

Ngunit di nagsalita si Earl.

Marahas itong napalingon sa isang direksyon.

"M-may dumarating. " puna nya.

Nataranta si Ronron at nagsimulang mataranta.

Pero agad syang pinayapa ni Earl.

Tinuro nito ang isang direksyon.

"Dyan tayo. " bulong nya.

Parang manikang sunud sunuran lamang si Ronron.

Dahan dahan silang gumapang sa pinto ng kubo.

Halos pagapang.

Marumi at maputik.

Mabaho.

Pero di ito alintana ng dalawa.

Buhay na nila ang nakataya at hindi na kailangang magpagwapo pa.

Di pa sila nakakalayo ay nakarinig na sila ng pag uusap.

"Tangna, nasan na yung bihag ? " boses ng lalaki.

"Anak ng putsa. Bakit mo sakin tinatanong eh magkasama tayo ? Nasan ba si Temyong ? TEMYONG !" galit na boses ng isa pang lalaki.

Nanlaki ang mga mata ni Ronron ng maaninag kung ano ang hawak ng mga ito.

"B-baril ! " gulat na bulalas nya.

Pero mabilis na tinakpan ni Earl ang kanyang bibig.

Walang nagsalita.

Sabay silang nakiramdam hanggang sa marinig nila ang paglapit ng isa pang lalaki.

Tulad ng dalawang nauna, may baril din ito ngunit nakasuksok sa baywang.

..

"Ano ba't ang ingay ingay mo ? " tanong ni Temyong.

Pero napahiyaw ito ng biglang suntukin ng kasama.

Sumadlak sa damuhan si Temyong.

Kahit na nabigla, mabilis itong nakabawi at agad na tumayo.

Hinugot nito ang baril sa tadyang at tinutok sa kasamang nanuntok.

"Tang ina mo ah ! Anong problema mo? Gusto mong pasabugin kong utak mo ? " singhal nito.

Tinutok din ng isa ang baril nito sa kasama.

Pero agad na umawat ang isa pa at mabilis na pinagitnaan ang dalawa.

"Ano ba kayo ? May problema na nga, nakuha nyo pang mag away ? Saka na kayo magpatayan kapag nabayaran na tayo ! " awat nito.

Nagtitigan muna ang dalawa bago binaba ang kanya kanyang baril.

"Ano bang problemang sinasabi mo ? " tanong ni Temyong.

Pero imbes na sumagot, sinipa ng isang lalaki ang pinto ng kubo.

"Ayan, gago. " sabi nito.

Sinilip ni Temyong ang loob ng kubo.

Pero napanganga sya ng makitang wala itong laman.

Tanging tali na lamang ang natira.

"P-putang ina. Nasan na yung binata ? " mahinang tanong nya.

"Putang ina mo. Tanga. San ka ba kasi galing ? " galit na tanong ng isa pa.

Nag iwas ng tingin si Temyong at hinimas ang tyan.

"Sumama itong tyan ko. Malamang dun sa kinain nating lomi kanina. " pabulong na sagot nya.

Umismid ang isa pang lalaki.

"Tang ina kasing katakawan yan. Pano na ngayon yan ? Pera na naging bato pa ? Bwisit na buhay to. Anong ipapakita natin kapag bumalik yung binata ? Ang bobo kasi ng iniwan mo. " galit na sabi nya.

Akmang aangal si Temyong ng muling pumagitna ang isa.

"Babarilin ko na kayo kapag di pa kayo tumigil. Punyeta. Hoy Temyong, kanina ka pa ba wala dito ? " tanong nito.

Umiling si Temyong.

"Wala pa kong sampung minuto. " sagot nya.

"Kung ganon di pa nakakalayo yung gago. Hala, maghiwalay tayo. Barok dun ka, Temyong sa kabila ka. Dito ako sa likod, baka dumiretso sila sa bayan. Talasan nyong mga mata nyo. " wika ng lalaki.

Di na umangal pa ang dalawa.

Sabay nilang nilabas ang mga baril at naglakad palayo.

Sinara muna ng huling lalaki ang kubo bago naglakad din patungo sa kabilang direksyon.

..

Ilang minuto ang lumipas, lumabas na sa pinagtataguang puno ang dalawa.

"B-bakit sila may baril pare ? " takot na tanong ni Ronron.

Ngunit tila maging si Earl ay nilulukuban na rin ng takot.

"U-umalis na muna tayo dito pare. M-mabuti pa sigurong bumalik tayo ng kubo. " sagot nya.

"B-bakit sa kubo ? Baka hanapin nila tayo don ? " tanong ni Ronron.

"S-sa tingin ko hindi na sila mag aabalang hanapin tayo don. K-kung ikaw ang tatanungin, saan ka pupunta sa ganitong sitwasyon ?" tanong ni Earl.

Mabilis na nag isip si Ronron.

"Sa pulis ! " bulalas nya.

Pero inawat sya ni Earl dahil sa lakas ng kanyang boses.

"Pare !" saway nya.

Agad namang hininaan ni Ronron ang boses.

"S-sorry, sa pulis ako pupunta pare. " wika nya.

"Tama. At alam yun nung isa. Matalino yung isa pre, yung umaawat. Siguradong yun din ang iniisip nya. At saka, nandun yung sasakyan ko. " sambit ni Earl.

Napatangu tango si Ronron.

"T-tama ka nga. S-sige, saan bang daan pabalik ng kubo ? " tanong nya.

Di na nagsalita si Earl.

Maingat ngunit nagmamadali ang kanyan lakad patungo sa isang direksyon.

Agad namang sumunod si Ronron.

Sa isip ay mabilis na umusal ng panalangin para sa kanilang kaligtasan.

- -

Lumipas ang ilang minuto, tagumpay na nakalabas ng gubat ang dalawa.

Nagmamadali silang tumakbo ng matanaw ang pamilyar na kubo.

Lumingon lingon muna sila sa paligid at pagkatapos ay agad na pumasok sa loob.

Maingat na sinara ni Earl ang pinto habang si Ronron ay sa bintana.

Matapos masigurong selyado na ang lahat, sumalampak ng higa si Ronron sa bakanteng kama na kanina lang ay hinihigaan nina Irish at Jamaica.

Napangiwi sya ng dahan dahan nyang haplusin ang ulo.

Ramdam nya ang panlalagkit.

Marahil ay gawa ng natuyong dugo mula sa sugat.

..

Naupo si Earl sa gilid ng kama.

Humugot sya sa bulsa at naglabas ng sigarilyo.

Napatingin si Ronron sa kaibigan.

Natawa sya ng makitang hindi maisakto ni Earl ang apoy mula sa lighter gawa ng panginginig ng kamay.

"Putsa, pasmado pare. Babawasan ko na talagang manuod ng porn. " biro ni Earl.

Napangiti si Ronron.

Likas talagang mapagbiro ang binata.

"Pare, di ko alam kung pano ako magpapasalamat sayo. Utang ko sayo ang buhay ko. " taos pusong wika nya.

Humithit muna ng sigarilyo si Earl.

Binuga nya ang usok sa hanging at nakangiting tinapik ang hita ni Ronron.

"Mamaya ka na magpasalamat kapag makauwi na tayo. " sabi nya.

Nawala ang ngiti ni Ronron ng maalala ang sitwasyon.

"Oo nga pala pare, paano mo nga palang nalaman kung nasan ako ?" tanong nya.

Muling humithit ng sigarilyo si Earl.

Pagkatapos ay binuga ang usok sa hangin.

"Nagising ako. Naiihi kasi ako kanina. Nuong una di ko napansin pero nung pabalik na ko galing CR, dun ko nakita na wala ka. Syempre nagtaka ako, pero di lang ikaw ang wala. " wika nya.

Natigilan si Ronron.

Dahan dahan syang bumangon at naupo sa gilid ng kama.

"S-sino pa pare ? " mahinang tanong nya.

Nagtagis ang mga bagang ni Earl.

Pagkuwa'y muling humithit.

Pero sa pagkakataong ito ay tatlong ulit syang humithit buga.

Halos kalahati pa lamang ang sigarilyo ng galit nya itong idikdik sa sahig.

Di pa sya nakuntento, tinapakan nya ito.

Nagtaka si Ronron sa nakikitang galit ng binata.

"Pare. " untag nya.

Tila nahimasmasan si Earl.

Ngumiti ito ng malungkot at tumabi ng upo.

"Si Aaron pare. " bulong nya.

Nagulat si Ronron.

"S-si Aaron ? B-bakit ? S-saan sya nagpunta ? " tanong nya.

Huminga ng malalim si Earl.

"Nung napansin kong wala kayong dalawa, natural na hinanap ko kayo. Lumabas ako ng kubo. Gusto ko sana kayong sigawan, pero baka magising naman yung dalawa. Kaya naglakad lakad nalang ako. Tapos ayun, napatingin ako burol. Eh di ba kita yung burol sa kubo. Sakto pa ang liwanag ng buwan. Parang may tao. Naisip kong kayo yon. Nagpapahangin lang o kung anong trip nyo. Naisip ko rin na baka nagkukwentuhan kayo ni Aaron. Tutal di na rin ako makatulog, sasali sana ako sa kwentuhan nyo kaya sumunod ako sa burol. Paakyat na ko sa burol ng marinig ko yung boses mo, tapos boses ni Aaron. " kwento nya.

Napalunok si Ronron.

"S-sige pa pare. " sabi nya.

Napabuntong hininga si Earl.

"Tatawagin ko sana si Aaron kasi medyo hinihingal na ko. Alam mo na, di ako mahilig mag aakyat akyat sa burol kasi madali akong hingalin. Pero nung tatawagin ko na sya, nagulat na lang ako sa ginawa nya. May hawak syang malaking sanga, tapos bigla ka nyang pinalo sa ulo. " wika nya.

Natigilan si Ronron ng unti unting maalala ang nangyari.

"K-kung ganon, si Aaron pala yon. " mahinang sabi nya.

Nilingon ni Earl ang binata.

"Bakit ka nya pinalo pare ? May away ba kayo ? Matagal na ba kayong magkakilala ?" tanong ni Earl.

Marahang umiling si Ronron.

Pilit syang nagpapakahinahon pero unti unting na syang nilulukuban ng galit para kaya Aaron.

"Wala akong atraso sa kanya pare. Sya ang may atraso saten. Hindi, kay Angel pala. Putangna nya. " galit at madiin na sabi nya.

Natigilan si Earl.

"A-angel ? Atraso ? Bakit sya magkaka atraso saken ? Wala naman akong naaalalang ginawa nya. Saka sa natatandaan ko, ayos naman sila ni Angel bago sya, bago sya n-nawala. " malungkot na sabi nya.

Nilingon ni Ronron ang binata at hinawakan sa balikat.

"Pare, may sasabihin ako sayo. Tungkol ito kay Angel." wika nya.

Kumunot ang noo ni Earl.

"A-anong tungkol kay Angel ? " tanong nya.

Huminga muna ng malalim si Ronron bago dahan dahang siniwalat ang nalalaman.

"Namatay si Angel hindi dahil sa suicide pare. Hindi sya nagpakamatay. " sagot nya.

"H-ha ? A-anong hindi ? Eh yun yung sabi ng mga pulis ? " tanong ni Earl.

Umiling si Ronron.

"Hindi pare. Hindi magagawang mag suicide ni Angel, pinatay sya. " wika nya.

Napanganga si Earl.

Pero umiling ito.

"P-para ka ring si Jam eh. Naniniwala din kasi syang hindi nagpakamatay si Angel. Well, pwedeng hindi nga, pero parang hindi rin sya pinatay pare. Alam mo bang umuulan nung namatay sya ? Nasabi na ba yun ng mga pulis ? " tanong nya.

Natigilan si Ronron sa narinig.

Bago ito sa kanyang nalalaman.

"H-ha ? H-hindi, ngayon ko lang yan nalaman. " sagot nya.

Ngumiti ng malungkot si Earl.

"Nakakapagtaka nga eh. Maganda naman yung panahon nung umaga, wala ring na forecast na bagyo. Bigla bigla yung pag ulan. Maaga tuloy kaming natapos sa happenings non. Balak sana naming wag matulog at magpuyatan na lang. Pero di nakisama yung panahon eh. " sabi nya.

"I-ibig mong sabihin. " putol ni Ronron.

Tumango si Earl.

"Tama, kahit na umuulan, lumabas ng kubo si Angel. Walang nakapansin sa kanya. Lahat kami bagsak na. Syempre, umuulan, masarap matulog tapos medyo lasing pa kami. Nagulat na lang kami ng biglang magising kaming w-wala na sya. " wika nya.

Bumalong ang sakit sa sistema ni Ronron.

Pero pilit nya itong sinantabi at nag focus sa nalalaman.

"K-kung sinasabi mong umuulan, ibig sabihin may tendency na aksidente ang nangyari ? " tanong nya.

Tumango si Earl.

"O-oo, pero lately kasi, napapansin naming laging balisa si Angel. Parang laging malalim yung iniisip nya. Sabi rin ni Tito Angelo, bihira lang din daw lumabas ng kwarto si Angel. You see, madalas kasi kami sa Nirvana lalo na pag may problema. Pero nung mga panahong yon, nagkaroon kami ng kanya kanyang pinagkakaabalahan. Bihira na lang kaming makapag bonding. Lumipat kasi ako ng school. Family problem. Pero syempre, sinikap kong i-maintain yung communication. Alam mo na, mahirap palitan ang mga kaibigang tulad nila. Siguro naman naiintindihan mo ko. " sabi nya.

Tumango tango si Ronron.

Napangiti si Earl at nagpatuloy.

"So ayun nga. Dahil sa mahal ko sila bilang kaibigan, naisip kong dito na lang i-celebrate yung birthday ko. Syempre kumpleto ang tropa para mas masaya. Duon namin dinaos sa bahay nina Aaron kasi mayaman sila. Tapos nag offer pa yung Mommy nya na magluluto. Syempre di na ko tumanggi. " nakangiting kwento nya.

Pinilit na lamang ni Ronron ang mapangiti.

Nagpatuloy si Earl.

"Masaya yung party. Kung di lang sana. " wika nya.

Nagtaka si Ronron.

"Kung di lang ? Kung di lang ano Earl ? " tanong nya.

Napabuntong hininga si Earl.

"Ewan ko ba. Pero after ng party, nagbago na si Angel. Lagi syang tahimik at di palakibo. Ambilis nya pang magulat. Napansin na naming lahat yung pagbabago sa kanya, pero di lang namin pinuna. Then after 1month, nakatanggap ako ng tawag kay Aaron. Nag aaya syang mag inom kasi may problema daw sya. Eh sakto naman na konti lang ginagawa namin sa school kaya pumayag na ko. Parang despedida na rin sa pag alis ni Irish papuntang states. E-ewan ko. Pero kapag naalala ko yung araw na yon, pakiramdam ko namatay na rin ako. " bulong nya.

Humikbi si Earl.

Mabilis na hinaplos ni Ronron ang binata bilang pagbibigay suporta.

Maski sya, kahit nawala sa eksena ay nasasaktan, paano pa kaya kung mismong mga kaibigan nito?

Pero natigilan sya ng maalala ang kwento ng binata.

"E-Earl, sabi mo nagbago si Angel after ng birthday mo ? " tanong nya.

Marahang tumango si Earl.

"Y-yeah. Naging malungkutin na daw sya. Di ko masabi, kwento lang nila yon kasi sila yung magkakasama. After nung birthday ko, bumalik na kaagad ako sa Maynila ng tanghali. Inaaya kong mag skype si Angel pero lagi syang tumatanggi. Tapos nabalitaan ko na kina Jam na parang lagi daw may problema si Angel. Nadagdagan pa ng minsang tinanong ako ni Tito Angelo kung may nakaaway daw ba yung anak nya. Wala naman akong maisagot kasi wala akong alam. Wala talaga. " wika nya.

Natahimik si Ronron at pilit inaalala ang diary.

Kung di sya nagkakamali.

Kung tama ang kanyang hinala.

Ng araw na iyon.

Isa sa mga lalaki sa party ang gumahasa kay Angel.

..

Nagngitngit si Ronron.

Nagtagis ang kanyang mga bagang dahil sa mabilis na paggapang ng galit sa kanyang katawan.

"Pare. Natatandaan mo ba kung sinu sinu yung tao sa birthday party mo ? Last year. " tanong nya.

Kunot noong napatingin si Earl sa kanya.

"Bakit ? " tanong nya.

"Basta pare, natatandaan mo ba? " tanong ni Ronron.

Napatango si Earl.

"Oo naman. Madali lang yon kasi apat lang kaming nanduon, plus yung parents ni Aaron. Then yung dalawang katulong nila na sina Ate Trudis at Nanay Greta. " sagot nya.

Natigilan si Ronron sa narinig.

"H-ha ? K-kayo kayo lang ? " tanong nya.

Tumango tango si Earl.

"Oo, apat lang kaming nag party. Bakit ? " tanong nya.

Napanganga si Ronron sa ideyang pumasok sa kanyang utak.

Kung ganon.

"P-pare, ito yung sasabihin ko tungkol kay Angel. Hindi ata ito sinabi nina Tito Angelo para pangalagaan ang kalinisan nya. " wika nya.

Kumunot ng todo ang noo ni Earl.

"A-ano ba yon pare ? W-wag mo naman akong bitinin. " natatawang wika nya.

Pero di natawa si Ronron.

Tinitigan nya sa mga mata ang binata at dahan dahan itong sinagot.

"Buntis si Angel. Pero hindi yon ayon sa kagustuhan nya. Ginahasa sya pare. " bunyag nya.

Natulala si Earl.

Pakiramdam nya ay may bombang sumabog sa kanyang tabi.

Umawang ang kanyang labi, para magsalita.

Ngunit walang boses na namutawi sa kanyang mga bibig.

"H-hindi. " tanging nasabi nya.

Tumayo si Ronron at tinitigan sa mga mata ang binatang di pa rin makapaniwala.

"Pare, nakita mo ba si Aaron na pinalo ako ? Tetestigo ka ba ? " tanong nya.

Natigilan lalo si Earl.

Sunod sunod na napalunok.

"O-oo pare, nakita ko sya. K-kaya nga kita nasundan sa gubat kung saan ka nila dinala. P-pero tetestigo ? B-bakit ? " tanong nya.

Tumiim ang bagang ni Ronron.

"Kung hindi ako nagkakamali, si Aaron ang gumahasa kay Angel. May ebidensya ako, at sigurado akong nasa diary yon ni Angel. Hindi ko kasi natapos basahin yung laman. Bigla na lang kasi akong nakarinig ng may nagsalita. Tapos paglingon ko, eto na nga. " wika nya sabay turo sa ulo.

Napakagat labi si Earl.

Dahan dahan syang tumayo.

"P-pero bakit naman gagawin yon ni Aaron ? " tanong nya.

Naningkit ang mga mata ni Ronron.

"Sa sementeryo, nagkaroon kami ng tsansang magkausap. Naikwento nya sa akin kung paano sila nagkakilala ni Angel. At masasabi ko base sa pagkukwento nya, inlove sya kay Angel. " dagdag nya.

Napatingin si Earl sa binata.

"Oo, matagal na. Alam namin yon maski si Angel mismo. Pero di nya pinapatulan si Aaron kasi ayaw nyang isugal yung friendship. Tinapat na rin sya ni Angel, pero sadyang makulit si Aaron. Naalala ko pa, may stalker si Angel nuon. Naikwento na nya sa amin. Lagi syang nakakakita ng love letters sa locker nya. Tapos kung anu anong regalo. Nung una sweet, pero nagbago yung stalker. Naging weird. " sabi nya.

"Bakit weird ? " tanong ni Ronron.

"Mula sa letters, chocolates at flowers, naging bathing suit, tapos stockings, tapos naging brief. Yun yung pinakamalala. Mula non, di na naglocker si Angel. Nakikilagay na lang sya ng gamit kina Irish at Jam. Kung hindi ako nagkakamali. " bitin ni Earl.

Marahang tumango si Ronron.

"Pwedeng si Aaron yung stalker. " dugtong nya.

Unti unting nakaramdam ng galit ang dalawa sa ideya.

"Bwisit sya. Akala ko tunay syang kaibigan. Okay lang naman na magkagusto sya kay Angel, pero bakit kailangan pang umabot sa ganon ?" tanong ni Earl.

Pilit pinayapa ni Ronron ang binata kahit na maski sya ay gusto na ring magwala.

Dahil sa galit na nararamdaman, di na napigilan ni Earl ang sarili.

Binuhos nya ang matinding sama ng loob sa kaibigan.

"Tang ina mo Aaron. Bakit ikaw pa ? Bakit si Angel pa ? Kasama pa sana natin sya ngayon ! " singhal nya.

Di nagsalita si Ronron.

Marami ring katanungang naglalaro sa kanyang isip, pero may oras para duon.

Batid nyang masasagot lahat ng ito sa oras na makaharap na nila si Aaron.

..

Ilang saglit pa, nagpasya syang payapain na si Earl at sabihin ang huling misyon na kailangan nilang gawin.

"Pare. Kailangan nating tapusin ito. " untag nya.

Unti unting humina ang pagtangis ni Earl hanggang sa naging hikbi.

Marahas nyang pinunasan ang mukha at hinarap ang binata.

"Kailangang magbayad si Aaron. " sabi nya.

Tumango si Ronron.

"Sa tingin mo, nasan sya ? " tanong nya.

Napaisip si Earl.

"Malamang nasa bahay nila sya. " sagot nya.

Tumangong muli si Ronron at tumingin sa labas.

Napatingin din si Earl.

Napansin nila ang pumapasok na liwanag mula sa labas.

Umaga na.

Nagkatinginan ang dalawa.

"Tara. " aya ni Ronron.

Tumango si Earl at maingat na hinawakan ang pinto.

Pero bago yon ay nilingon nya ang kasama.

"Pare, ang sabi mo kanina, may ebidensya ka. Yung diary ni Angel, paano mo nga pala yon nabasa? " tanong nya.

Napangiwi ng lihim si Ronron.

Nagdalawang isip kung sasabihin ba nya na hinatid mismo ni Angel yung diary.

Siguradong di maniniwala ito.

Kailangan nyang gumawa ng kwento.

Mabilis syang nag isip.

"N-nabasa ko yon sa kwarto nya. " sagot nya.

Natahimik si Earl.

"Pero bakit ngayon lang? I mean, isang taon, hindi man lang ba binasa yon nina Tito Angelo ?" tanong nya.

Natigilan si Ronron.

Tama ito, nakapagtataka nga iyon.

Pero kailangan nyang panindigan ang pagsisinungaling.

"S-siguro, pinapanatili nila ang pagkapribado ng mga gamit ni Angel. K-kahit wala na sya, di nila nagawang pakialaman yung mga private things nya. Tulad ng diary, nakapasok ako sa room ni Angel. Sabi nina Tita, wala silang binago o ginalaw. Kung ano iyon ng iniwan ni Angel, ganun pa rin daw yon ngayon. M-maselan daw kasi si Angel. " sagot nya.

Napatangu tango si Earl.

Napangiti ng kimi.

"Tama ka, maselan si Angel sa mga gamit nya. Well, sa tingin ko, kailangan nating isecure yung diary. For sure kakailanganin yon ng mga pulis. " sambit nya.

Napatango si Ronron.

"Yes, tatawag na ko sa pulis. " sabi nya sabay labas ng phone sa bulsa na kataka takang di kinuha ng mga kidnappers o nalaglag man lang.

Umiling si Earl.

"W-wag pare. " pigil nya.

Nagtaka si Ronron.

"Bakit ?" tanong nya.

"G-gusto kong makompronta muna si Aaron. Magtanong. Liwanagin ang mga dahilan nya. Gusto kong mula sa bibig nya manggaling ang lahat. Pero bago yon, kailangan muna nating makuha yung diary. " sagot ni Earl.

Natahimik si Ronron.

"Ganun ba ? Sige. " wika nya.

Pero natigilan sya ng maalala ang diary.

Nasan na ito ?

Sa burol ?

Hindi.

Marahil ay nakay Aaron.

..

Sa naisip ay nanlaki ang mga mata ni Ronron.

"P-pare. " sabi nya.

Napalingon si Earl.

"Mamaya na pare. Takbo papunta sa kotse. Tapos drive tayo pauwi kina Angel. " bulong nya habang tumitingin tingin sa paligid.

"H-hindi pare. Sa tingin ko kailangan na talaga nating makita si Aaron. " sabi ni Ronron.

Natigilan si Earl.

Pero di sya nagsalita at mabilis na tinakbo ang lugar kung saan nakapark ang kanyang sasakyan.

Agad namang sumunod si Ronron.

Walang sali salita, sabay sila halos sumakay at mabilis na binuhay ni Earl ang makina.

Di na sya nagpatumpik tumpik pa, agad nyan pinasibad ang kotse.

Nasa kalsada na sila ng muling magsalita si Earl.

"Anong sinasabi mo pare ? " tanong nya.

Napabuntong hininga si Ronron.

"Sa tingin ko, kailangan na nating harapin si Aaron. " sagot nya.

Kumunot ang noo ni Earl.

"Pero bakit agad agad ? Mas maganda kung hawak na natin yung diary, para wala na syang kawala. " giit nya.

Pero umiling si Ronron.

"Natatandaan mo ba yung kwento ko kanina ? Sabi ko, binabasa ko yung diary sa burol nung makita mong pinalo ako ni Aaron. Kung di ako nagkakamali, nasa kanya na yung diary at alam na nya ang mga nakasulat doon. " bulalas nya.

Napapreno bigla si Earl dahil sa gulat.

"Whaaattt ! " sigaw nya.

Napangiwi si Ronron.

"O-oo pare. Sorry dahil wala kong nagawa. Alam mo naman yung nangyari saken di ba ?" paalala nya.

Galit na pinalo ni Earl ang manubela.

Tumama ang kanyang kamay sa busina at lumikha ito ng ingay.

"Fuck fuck fuck ! " sigaw nya.

Hinawakan ni Ronron sa balikat ang kaibigan.

"Relax pare, may oras pa tayo. " sabi nya.

Huminga ng malalim si Earl at pinayapa ang sarili.

"Right. Sorry pare, na carried away lang ako. You know, yung natitira nating ebidensya para maidiin si Aaron, napasakamay nya pa. Di natin alam baka sinunog na nya yon. " sabi nya.

Nanghina rin si Ronron sa ideya.

Pero di sya nagpatalo.

"Kaya pa natin to. Bilisan natin, puntahan natin si Aaron. " sabi nya.

Napaisip si Earl.

"Ganito na lang, ibababa kita sa bahay nina Angel. Sabihin mo kina Tito Angelo ang lahat. " wika nya.

Nabigla si Ronron sa narinig.

"H-ha ? Pero paano ka ? " tanong nya.

Napatiim bagang si Earl.

Humigpit ang hawak nya sa manubela.

"I also love Angel. Ngayon ko lang aaminin ito. Pero masaya na kong kaibigan nya. Di ako tulad ni Aaron na di makuntento sa kung anong kayang i-offer ni Angel. Hayup sya. Magtutuos kami. Pare, please, stay out of this. Ayaw kong pati ikaw ay mapahamak. " pakiusap nya.

"P-pero pare. " pigil ni Ronron.

Ngunit nagmamakawang tiningnan ni Earl ang binata.

"Please pare. " mahinang sabi nya.

Natigilan si Ronron.

Nag isip.

Tinimbang ang sitwasyon.

Hanggang sa marahang tumango bilang pag sang ayon.

"S-sige. Pero mag iingat ka. " tanging nasabi nya.

Ngumiti ng kimi si Earl.

"I know. Alam kong di ako pababayaan ni Angel. Para sa kanya itong gagawin natin pare. " sabi nya.

Napangiti rin ng unti unti si Ronron.

"Yes. For Angel. " sabi nya.

"For Angel. " wika ni Earl.

Ilang saglit pa, mabilis na nyang pinasibad ang sasakyan.

ITUTULOY !!!