1. Home
  2. Stories
  3. Phone Call Chapter 33 - Revelations
Lagablab

Phone Call Chapter 33 - Revelations

By supertoyantz ·

Chapter 33 - Revelations

Napakunot ang noo ni Ronron ng makita ang dalagang kasambay ng mga Lacson.

Nakaharap ito sa pader.

Gumagalaw galaw ang balikat nito.

"Ano kayang ginagawa nya ? " tanong nya sa isip.

Ginala nya ang tingin sa paligid.

Walang gaanong tao sa bakuran, marahil ay abala sa pagsunod sa utos ng mga amo sa loob ng bahay.

. . .

Pasimpleng lumapit ang binata.

Dahan dahan hanggang sa halos ilang metro na lang ang layo nya sa dalaga.

Natigilan sya ng marinig ang tila pakikipagtalo nito.

Sinubukan pa nyang lumapit, pero nagulat sya ng biglang lumingon si Grace.

Impit na napatili ang dalaga, mabuti na lamang at maagap na natkpan ni Ronron ang bibig nito.

"Ssshh, it's okay. Ako to, si Ronron. " bulong nya.

Kumunot ang noo ni Grace, pagkuwa'y marahang tumango.

Dahan dahang inalis ni Ronron ang kamay.

Inayos naman ng dalaga ang sarili.

"A-anong ginagawa mo dito ? " tanong nya.

Ngumiti si Ronron.

"Papasok na sana ako ng makita kita eh. Kala ko may kausap ka, pero mukhang wala naman. " puna nya at sinilip pa ang likod ng dalaga.

Natigilan si Grace.

Tila nahiya at nag iwas ng tingin.

"A-ah, ganito talaga ako. K-kamusta na si Ma'am ? " tanong nya.

Nagkibit balikat ang binata.

"They're preparing to leave. Hinihintay na lamang namin ang mga pulis. " sagot nya.

Kumunot ang noo ni Grace.

"H-ha? S-saan sila pupunta ? Bakit may pulis ? " tanong nya.

Tumiim ang mga bagang ni Ronron.

"Pupuntahan namin ang totoong pumatay kay Angel. " sagot nito.

Lalong napanganga si Grace.

"H-ha? S-sino ? P-paano mong nalaman ? " sunod sunod na tanong nya.

Natawa ng bahagya si Ronron.

"It's actually a long story. " sabi nya.

Magsasalita pa sana si Grace pero natigilan sya ng marinig ang pagbusina.

"S-saglit lang. Tingnan ko lang kung sino. " wika nya.

Tumango si Ronron.

Na curious sya kaya sumunod na rin sya.

Sabay silang nakarating sa gate.

May anim na tatlong sasakyan ang nakaparada sa labas.

. . .

"S-sino pong hinahanap nila ? " tanong ni Grace.

Ngumiti ang may edad na lalake.

"Nandyan ba si Angelo ? " tanong nito.

Napatingin si Grace kay Ronron.

Pagkuwa'y muling nagtanong.

"Opo. Sino pong sasabihin kong naghahanap sa kanya ? " tanong nya.

Ngumiting muli ang lalake.

"Pakisabi kumpare nya. Bago ka lang dito no ? " tanong nito.

Atubiling tumango si Grace.

Binalingan nya si Ronron.

"T-tatawagin ko lang sina Sir. " paalam nya.

Tumango naman ang binata.

. . .

Di pa nakakalayo si Grace ay nasalubong na nya si Angelo sa main door.

"Pare! " sigaw nito.

Napatingin ang lalaki sa labas at kumaway.

"Oy! " tanging wika nito.

Binalingan ni Angelo ang dalagang katiwala.

"Pagbuksan mo nga ng gate yung pare ko. Ninong sya ni Angel. " imporma nya.

Natigilan si Grace.

Pagkuwa'y dali daling bumalik sa gate at binuksan ito.

"Pasok na kayo sir. Pasensya na po kayo ha. " sabi nya.

Ngumiti lang ang lalaki.

"Walang problema. Mga bata, pasok tayo. " tawag nito at pumasok na sa loob.

Pasimpleng nagmasid lang si Ronron sa gilid.

Ito na marahil ang tinutukoy ng ama ni Angel na kumpare nyang hepe sa lugar na iyon.

Sa itsura, masasabi nga nyang pulis ito.

Dapat ay kampante na sya dahil nasa kanila na ang panig ng batas, pero iba ang kanyang nararamdaman sa mga oras na iyon.

Batid nyang may dahilan, kaya pinili na lamang nyang magmasid.

. . .

Tumambay sa garden ang ninong ni Angel na napag alam ni Ronron na si Supt. De Leon.

Pinakatitigan nya ang mukha nito.

Mabait ang ekpresyon ng lalaki.

Bumaling ang tingin nya sa iba pa nitong kasama at pasimpleng binilang.

Walo.

Walong lalaki ang kasama ng ninong ni Angel.

Marahil ay mga pulis din ang mga ito.

Pero nagtataka sya dahil walang mga hawak na baril.

"Siguro nasa kotse. " bulong nya.

Muli syang nagmasid.

Hanggang sa mapako ang tingin nya sa dalawang lalaking nakatayo sa isang tabi.

Natigilan sya. Parang kilala nya ang dalawang ito.

Pinilig ni Ronron ang ulo at pilit hinalungkat sa isip kung saan nya nakita ang dalawa.

Maya maya ay nagulat sya ng tumingin ito sa gawi nya.

Nag iwas ng tingin ang binata.

Napaigtad pa sya ng kalabitin ni Grace sa braso.

"Huy. " tawag nito.

Natawa ang dalaga.

Natawa na rin si Ronron.

"Kamusta si Tita ? " tanong nya.

Ngumiti si Grace.

"She's fine. Nag hahanda na rin sya. " sagot nito.

"That's good. Sana, matapos na ang lahat ng ito para mabigyan na ng hustisya si Angel no. " wika ni Ronron.

Natahimik si Grace.

Pagkuwa'y marahang napabuntong hininga.

"Napakawalang puso ng taong gumawa nuon sa kanya. Sana, wag syang patulugin ng konsensya nya. " bulong nya.

Napangiti si Ronron.

"Mukhang masyado ka ng attached sa family na to. That's good. " sambit nya.

Napangiti ang dalaga.

"Di naman mahirap gawin yon. Mababait ang pamilyang Lacson. From Tito Angel, Tito Paloma and of course, Angel. " kwento nya.

Ngumiti na lang si Ronron at tumango, pagkuwa'y napatingin sya sa garden kung saan nanduon si Angelo kasama ang mga pulis.

Napatingin din si Grace.

"Anong ginagawa nila ? " tanong nya.

"They're planning. Pupuntahan namin ang bahay nina Aaron. " sagot ng binata.

"I still don't believe it's Aaron. I mean, given the fact that he's inlove with Angel, parang walang sa characteristics nya ang gawan sya ng masama. " wika ni Grace.

Natigilan si Ronron at tila may napansing kakaiba sa dalaga.

Fluent itong mag english.

Parang hindi galing sa hirap.

Pinagmasdan nya ng pasimple ang kutis nito.

Kahit na medyo morena, masasabi nyang makinis.

Pati ang ngipin ng dalaga ay pantay pantay at mapuputi.

Nagsimula na syang magduda.

Isang taon pa lamang ang nararaan ng makilala ng pamilya ang dalaga.

Walang ideya ang kahit sino sa nakaraan nito.

. . .

Tinago na lamang ni Ronron ang obserbasyon at kaswal na nakipag usap.

"Lahat ng sobra masama. " tanging nasabi nya.

"Granted, pero di ko talaga maisip. Well, we really can't tell kung ano ang tumatakbo sa isip ng isang tao. But still, di ako makapaniwala. Angel's been a great friend to Aaron. All of them. " maasim na sabi ni Grace.

Napatingin si Ronron sa dalaga.

Kita nya ang galit sa mga mata nito.

Nakakatuwa na concern ito sa amo, pero mukhang higit pa ron ang pagtingin ni Grace kay Angel.

Mukhang tama ang kaibigang si Romeo, may something sa babaeng ito.

. . .

Naputol ang litanya ni Grace ng magsitayuan ang mga lalake.

Lumapit si Angelo sa kanila.

"Iho, sasama ka di ba ? " tanong nya.

Agad na tumango si Ronron.

"Of course Tito. " sagot nya.

Ngumiti si Angelo at akmang papasok na sa bahay pero sumingit si Grace.

"A-ako rin po. Isama nyo ko. " request nya.

Natigilan ang lalaki at tumitig sa katiwala.

"Delikado ang pupuntahan namin iha. " sabi nya.

Pero nagpumilit ang dalaga.

"Please po. Gusto kong sampalin si Aaron sa nagawa nya kay Angel. " sambit nya.

Nabigla sila Ronron.

Napangiti lang si Angelo at marahang tumango.

"Get yourself ready then. Kakausapin ko lang ang Tita Paloma nyo. " sambit nya at tuluyan ng pumasok sa loob ng bahay.

Tumango lang si Grace.

Naiwan silang dalawa.

"Are you sure ? " tanong ni Ronron.

"YES! Gusto ko ring marinig kung bakit nya nagawa yon. " sagot ng dalaga.

Magsasalita pa sana si Ronron ng biglang mag ring ang cellphone nya.

Agad nya itong dinukot sa bulsa at sinilip kung sino ang tumatawag.

Napangiti sya ng makita ng makita ang pangalan ni Romeo..

"Pare. " bungad nya.

"Nasan ka ? " tanong ni Romeo.

"Nandito, marami akong kwento sayo. " sagot nya.

"Papunta na ba kayo kina Aaron ? " tanong ng kaibigan.

Nabigla si Ronron.

"P-paano mong nalaman ? " tanong nya.

Tumawa si Romeo sa kabilang linya.

"Nakausap ko na si Tito Angelo. Anyway, mag iingat kayo pare. Yung pinadala mo saking picture ng mga gamot, pinakita ko rin sa Tito kong doktor. It's just some minor medicines to help you relax. Kadalasan, ginagamit yan sa mga taong naka experience ng psychological trauma. I believe that's for Tita Paloma. " sagot nito.

Nakahinga ng maluwang si Ronron ng malamang safe naman pala ang ipinaiinom ng ama ni Angel sa kabiyak nito.

"Ah ganun ba pare ? Buti naman. Salamat talaga. Nasan ka ba ? " tanong nya

"Nandito ako sa bahay. Marami akong ginagawa. Don't worry, pupuntahan kita dyan later. Kasama ko ang tropa. " sagot ni Romeo.

Lalong natuwa si Ronron sa narinig.

"At last, nakarinig din ako ng good news. Pare, kung alam mo lang kung anong pinagdaanan ko kagabi. Sobrang nakakatakot. " kwento nya.

Natawa si Romeo.

"Mamaya ka na mangchika. Basta pare, mag ingat ka. " sabi nito.

Ngumiti si Ronron.

"Oh sige sige. Salamat ulit. Hintayin ko kayo dito. " paalam nya.

Akmang ibababa na nya ang tawag pero humabol pa si Romeo.

"Pare. " tawag nito.

"Oh baket ? May ibibilin ka pa ba ? " tanong ni Ronron.

Huminga ng malalim si Romeo.

"I don't believe it's the end. Di ko alam pero pakiramdam ko, malalim pa to. Basta, observe eveything, observe everyone. Wag kang magtitiwala kundi sa sarili mo lang. Yung phone mo, always keep it with you. Tatawagan kita pag malapit na kami ng mga alas. Basta pare, be safe. " sabi nya.

Natigilan si Ronron sa narinig.

Di nya alam pero napatingin sya sa mga pulis na kasama ng ninong ni Angel.

Partikular sa dalawang lalaking tila pamilyar sa kanya.

Sa gulat nya, nakatingin din ito sa kanya.

Agad na nag iwas ng tingin si Ronron. Unti unting bumilis ang tibok ng kanyang puso.

"S-sige pare. Putsa, kinabahan ako bigla. May mga pulis dito. Ninong ni Angel yung hepe, pero yung mga kasama nya, parang pamilyar sa akin. Di ko lang maalala. Pakiusap lang pare, bilisan nyo. " pakiusap nya.

"Wag mong ipakita na pinaghihinalaan mo sila. Basta, be calm. Si Grace, stick with her. " pabulong na sabi ni Romeo.

Nagtaka si Ronron sa narinig. Wala sa loob na napatingin sya kay Grace na inaayos ang pinag inuman ng mga bisita.

"H-ha ? Bakit sya? Anong meron sa kanya ? " tanong nya.

"Di ko talaga alam pare. Pero iba ang kutob ko sa baliw na yan. Obserbahan mo rin kilos nya. " sagot ni Romeo.

"Tutal nasabi mo na rin yan pare. Si Grace, medyo nakakwentuhan ko. Close na close sya sa family ni Angel. Lalo na kay Tita Paloma. Nadulas si Tita Paloma kanina sa Library, tapos nawalan sya ng malay. Si Grace, iyak ng iyak. Ewan, pero parang di sya normal na reaksyon ng kasambahay lang. I mean, sige sabihin na nating close sya. Pero 1 year pa lang nilang nakilala yung tao. Tapos, nakausap ko pa sya kanina, putsa pare. Mas magaling pa sakin mag english! " kwento ni Ronron.

Natahimik si Romeo sa kabilang linya.

Pagkuwa'y bigla itong bumungisngis.

"Putang ina. Ni-like ni Ate Maxima yung profile picture ko. " sabi nito.

Napanganga si Ronron sa narinig.

Di nya maiwasang sumimangot.

"Gago ka, kwento ako ng kwento dito, di ka pala nakikinig. " wika nya.

"Gago, nakikinig ako. Kinilig lang ako ng konti eh. May internet pala sa kumbento. Haha. Anyway, just be safe. Yun lang. Ay teka, pakisabi kay Grace na wag nya kong mamiss masyado, papunta na ko. " sambit ni Romeo.

Natawa si Ronron.

"Siraulo ka. Sige pare. Salamat, ingat kayo sa byahe. " paalam ni Ronron.

"Babush. " tanging nasabi ni Romeo at binaba na ang phone.

. . .

Napailing si Ronron habang sinisilid ang aparato sa bulsa.

"Siraulo talaga. " bulong nya.

Biglang may nagsalita sa likod.

"Sinong siraulo ? " tanong ng boses.

Napaigtad si Ronron at mabilis na lumingon.

"Para kang sira, wag ka kasing manggugulat! " sigaw nya.

Tawa ng tawa si Grace.

"Nandun na sila sa labas, tara na daw. " aya nito.

Natigilan si Ronron at marahang tumango.

Di nya maiwasang mapatitig sa dalaga.

"K-kailan ka nagbihis ? " tanong nya.

Natawa si Grace.

"Ngayon lang. Kay Angel to eh, bigay nya saken. " sabi nito sabay nag paikot ikot.

Napalunok si Ronron.

Diyata't may kamukha ang dalaga pero mabilis nyang pinilig ang ulo.

"Ngapala, kinukumusta ka ni Romeo. Miss ka na daw nya. " paalala nya.

Natigilan si Grace.

Namula ang mga pisngi pero mabilis na nagsimangot.

"Pakisabi sa kanya, hindi ko sya namimiss! Kala mo kung sinong gwapo. " galit na sabi nito.

Natawa si Ronron.

"Puso mo. " biro nya.

"Eh kasi yang kaibigan mo, nuknukan ng yabang. Porke gwapo, pinagduduldulan na. Hindi na lang hintayin na sabihan sya eh. " dire diretsong sabi ni Grace.

"So, gwapo sya. ? " tanong ni Ronron.

Akmang magsasalita si Grace pero mabilis nitong binawi.

Sumimangot muli ang dalaga.

"Halika na! Tawag na tayo ni Tito Angelo! " singhal nito at nagpauna na sa paglabas.

Natawa na lang si Ronron at sumunod na sa dalaga.

. . .

Tulad ng napag usapan, kasama ng mga pulis, agad nilang tinungo ang bahay kung saan nakatira si Aaron.

Sakay ng van ang mag asawang Paloma at Angelo. Kasama nila sa loob sina Ronron at Grace.

Kasunod naman nila ang tatlong sasakyan ng pulis na kinabibilangan ng ninong ni Angel.

Inabot din ng sampung minuto ang byahe.

Mabuti na lamang at natatandaan pa ni Angelo ang daan.

Minsan na nyang sinundo ang anak dito.

Tinitimpi lamang nya ang galit dahil sa kasama nya ang asawa.

Mahigpit ang hawak nya sa manibela, dito binubunton ang sama ng loob.

. . .

Pagdating nila sa bahay, agad na pinark ni Angelo ang sasakyan at pinatay ang makina.

Humimpil naman sa likod nila ang mga sasakyan ng pulis.

Pagbaba ng sasakyan, diretso si Angelo sa gate at nagdoor bell.

Eksaktong paglabas ng katulong.

"Ano ho yun ? " tanong nito.

Tiim bagang si Angelo.

"Nandyan bang mga amo mo ? " tanong nya.

Nagtaka ang katulong kung bakit maraming bisita pero nagkibit balikat lamang ito.

"Wala ho, kakaalis lang ni Senyorito Aaron. Nasa opisina ho ang mga magulang nya. " sabi nito.

Nagkatinginan sina Angelo at Ronron.

Pagkuwa'y binalingan nya ang kumpare.

"Pare, pano to ? Wala daw tao sa loob. " sabi nya.

Lumapit ang ninong ni Angel.

"Pulis ho ako. Maari ba kaming tumuloy ? " tanong nito.

Natigilan ang katulong.

"N-naku, baka kagalitan ho ako ng mga amo ko. " sabi nito.

Naglabas ng papel ang ninong ni Angel.

"May warrant of arrest kami kay Aaron. Suspect sya sa pagkamatay ni Angel Lacson. Tawagan mong mga amo. Bibigyan ka namin ng sapat na oras para kontakin sila, kapag wala pa rin, mapipilitan kaming pumasok. " kalmadong paliwanag nito.

Natakot ang katulong.

"N-naku sige ho. Saglit lang at tatawagan ko si Senyora. " sabi nito at dali daling pumasok sa loob.

Hinarap ng ninong ni Angel si Angelo.

"Pare, we have to wait. Hindi tayo pwedeng basta na lang pumasok, wala tayong search warrant eh. Kailangang makiusap tayo sa magulang ni Aaron. They have to cooperate. " sabi nya.

Napatiim bagang si Angelo at tinapik ang balikat ng lalaki.

"Sige pare, nasa sasakyan lang kami. " wika nya at bumalik na ulit sa sasakyan.

. . .

Lumipas ang mahigit kalahating oras, may humimpil na sasakyan sa isang tabi.

Humahangos na bumaba ang isang may edad na lalake at babae.

Agad itong lumapit.

"What's the meaning of this ? Sino kayo ? " tanong ng lalaking bagong dating.

Tumayo ang ninong ni Angel at inabot ang kamay.

"Ako ho si Supt. De Leon. Kasama ko ho ang mga magulang ni Angel Lacson at gusto ho naming makausap ang anak nyong si Aaron. Suspect ho sya sa pagkamatay ni Angel. " paliwang nya.

Nabaghan ang lalaki.

Napahawak naman sa dibdib ang babae.

"Dyos miyo! Hindi magagawa ng anak ko yan! " histerikal na sabi nito.

Agad naman inalo ng lalake ang asawa nya.

"Calm down honey. " pag aalo nya.

Ngunit naiyak lang ang babae.

"Hindi magagawa ng anak mo ito Ernesto. Hindi! " palahaw nito.

"Alam ko, lalabas din ang totoo. " sabi ng lalake.

Lumabas na rin ng sasakyan ang mga magulang ni Angel.

Kasunod nito sina Ronron at Grace.

Agad namang pinakilala ni Supt. De Leon ang mag asawa.

"Ito ho ang mga magulang ni Angel Lacson. Si Angelo at Paloma Lacson. Pare, ito ang mga magulang ni Aaron. " sabi nya.

Nagkatitigan ang mga ama pati na ang mga ina.

Matigas na nagsalita ang ama ni Aaron.

"Walang kasalanan ang anak ko! " giit nya.

Sumagot din si Angelo.

"Kung ganun, nasan ang anak mo ? " tanong nya sa kalmadong tono ngunit nagbabadya na rin ang galit.

Natahimik ang mga magulang ni Aaron.

Eksakto namang lumabas ang kasambahay na kinausap nila kanina.

Lumapit dito ang mag asawa.

"Nasan ang senyorito mo ? " tanong ng lalake.

"Pagkaalis nyo ho, dumating si Senyorito. Nagbihis lang ho sya tapos umalis ulit. " paliwanag ng katulong.

Natigilan ang ama ni Aaron.

Bumaling sya sa mga pulis.

"W-wala daw sya. " sabi nya.

"Maaari ho ba kaming tumuloy sa loob ? " tanong ng hepe.

Galit na sumingit ang ina ni Aaron.

"Sinabi na ngang wala ang anak ko! Bingi ba kayo ? " singhal nya.

Galit na ring sumingit si Paloma.

Pero inawat sya ng asawa at pilit na kinalma.

Pumagitang muli ang hepe.

"Misis, nauunawaan ho namin ang nararamdaman ninyo. Pero kailangan nyo hong makipag koopera para sa ikabibilis ng pagresolba ng kaso. Kapag tinago pa ho ninyo sa amin si Aaron, lalo lang lalala ang lahat. " paliwanag nya.

Napasinghap ang mag asawa.

"Hindi namin tinatago ang anak namin! Hindi namin sya kailangang itago dahil wala syang kasalanan! " sigaw ng lalake.

Kalmado pa rin ang hepe.

"Kaya nga ho, maaari ba kaming makapasok sa loob para ho mapatunayan natin yan. Hindi ho sa sinasabi kong sinungaling kayo pero parte ho ito ng imbestigasyon. Nakikiusap ho sana ako na makipag koopera kayo bago pa lumala ang sitwasyon. " paliwanag nya.

Natahimik ang mag asawa.

Nagkatinginan bago marahang tumango ang lalake.

"Buksan mong gate Insyang. Papasukin mo sila. " utos nya sa katiwala.

Agad naman itong tumalima.

Inalis ang lock at binuksan ang malaking gate.

"Maraming salamat ho. Mauna ho kayo para nakita nyong patas ang lahat. Samahan nyo ho kaming mag ikot sa buong kabahayan. " sabi ng hepe.

Tumango naman ang ama ni Aaron.

Yakap ang asawa, nag pauna na syang pumasok sa loob.

Sumunod ang hepe pati na ang mag asawang Angelo at Paloma.

Di naman nagpahuli sina Grace at Ronron samantalang nag paiwan sa labas ang ibang pulis.

. . .

Tulad ng napag kasunduan, inikot nila ang buong kabahayan.

Nagsilabasan narin ang mga katulong.

Bawat silid ay binusisi.

Lahat ng sulok.

Hanggang makaratin sila sa second floor ng bahay.

Apat ang kwarto.

Inuna nila nag pinakadulo.

Nagpaiwan na si Ronron sa bukana ng hagdan.

"Dito na lang ako Tito. " sabi nya.

Tumango si Angelo at sumama sa mga pulis.

Diretso sila sa mga kwarto.

Nagmasid lang si Ronron.

Labas masok ang mga ito sa bawat silid.

Hanggang sa maasim na napangiti ang ama ni Aaron.

"Sinasabi ko na sa inyo, wala dito ang anak ko. " sabi nya.

Hindi na nakapag pigil si Angelo.

Kinwelyuhan nya ang lalaki at sinalya sa pader.

"God dammit! Nawala na sa akin ang anak ko. Ilabas mong anak mo kung ayaw maranasan ang mawalan ng anak! " gigil na bulong nya.

Nanlaki ang mga mata ng lalaki.

"T-that's illegal. H-help! Binabantaan ako ng lalaking to! " sigaw nya.

Agad namang umawat sina Ronron.

"Tito, tama na po. " sabi nya.

Kinalma ni Angelo ang sarili.

"Pasalamat ka, may mga tao. " sambit nya.

Takot na umatras ang ama ni Aaron.

"I'll sue you! Sasampahan ko kayo ng kaso! This is tresspassing! " sigaw nito.

Mahinahong pumagitna ang hepe.

"Nagpaalam ho kami sa inyo ng maayos sir. Anyway, wala ho ba kayong kontak sa anak nyo ? Can you call him ? " tanong nya.

Natigilan ang lalaki.

Nag iwas ng tingin.

Akmang susugod si Angelo pero naawat sya ni Ronron.

"Damn you! Tawagan mong anak mo! " sigaw nya.

Napalunok ang lalaki at marahang tumango.

Nilabas nya ang cellphone.

Sa nanginginig na kamay, nagsimula syang tumipa at pagkuwa'y tinapat ito sa tenga.

Nag ring.

Pasimpleng tumingin ang lalaki sa mga pulis at kina Angelo.

"W-walang sumasagot. " sabi nya.

Nilahad ng hepe ang kamay.

"Can I have it ? " tanong nito.

Napalunok ang lalaki at inabot ang cellphone.

Patuloy lang itong tumutunog.

Hanggang sa sumuko na si Supt. De Leon.

"Walang sumasagot. I think we have to trace him. Kailangan natin ng dagdag na tulong sa gamit. " sambit nya.

Nalaglag ang mga balikat ni Angelo.

. . .

Maging si Ronron ay tila nawalan na rin ng pag asa.

Biglang naalala nya ang kaibigang si Earl.

Agad na hinanap ng kanyang mga mata ang kasambahay na nagbukas sa kanila ng gate.

Pasimple syang lumayo sa mga tao at marahang bumaba ng hagdan.

Tagumpay syang makapuslit.

Diretso agad sya sa kusina.

Mabuti na lamang at sumama syang mag ikot.

Kahit papaano ay nakabisado nya ang bahay.

. . .

Bumungad kay Ronron ang hinahanap.

Nagtitimpla ito ng juice na marahil ay para sa mga bisita.

"H-hello po. " bati nya.

Muntik ng mabitawan ng katulong ang kutsara.

"Diyos kong mahabagin, sino ka ba ? " gulat na tanong nito.

"Ako ho si Ronron. Kasama ho ako nila Tito Angelo, yung father po ni Angel. Friend din ako ni Aaron. " paliwanag ni Ronron.

Natigilan ang kasambahay.

"K-kaibigan ka ni Senyorito ? " tanong nya.

Marahang tumango si Ronron.

"Oho. " sagot nya.

Halata sa mukha ng babae na hindi ito naniniwala, pero pinili na lamang tumahimik.

Lumapit si Ronron.

"May itatanong lang ho sana ako. " sabi nya.

Di lumingon ang babae.

"Bilisan mo. Marami pa akong ginagawa. " malamig na sabi nito.

Naunawaan ni Ronron ang damdamin ng babae.

Pero di sya nagpatinag.

"G-gusto ko lang hong malutas na ang kaso. Mangyari lang ho, may isa pa kaming kaibigan. Earl ho ang pangalan nya. Nasan na ho sya ? " tanong nya.

Napahinto sa paghahalo ng juice ang babae at kunot noong napatingin sa kanya.

"Si Sir Earl ? " tanong nito.

Nagliwanag ang mga mata ni Ronron at mabilis na tumango.

"Oho. Nauna ho syang magpunta dito. " sabi nya.

Umiling ang babae.

"Hindi sya nagpunta dito. " sambit nito.

Napanganga si Ronron.

"H-ha ? Eh sabi nya pupuntahan daw nya si Aaron dito. Sure ho ba kayo ? Alam nyo ho ba ang itsura ni Earl ? " tanong nya.

Nilapag ng babae ang kutsara at tinitigan sya sa mga mata.

"Iho, labing limang taon na akong naninilbihan dito sa pamlyang ito. Kilala ko ang mga kaibigan ni Senyorito dahil kaunti lang naman sila. Kilala ko sina Jamaica, Irish, Earl at si Angel. Matagal na silang di nagagawi dito. Mula ng mawala si Angel. At hindi ako naniniwalang si Senyorito Aaron ang gumawa ng krimen." kalmado pero matigas na sabi nito.

Nagulat si Ronron sa nalaman.

"G-ganun ho ba ? S-sige ho. Salamat. " sambit nya.

Di na nagsalita ang katiwala at tinuloy na nito ang ginagawa.

Tahimik na lumabas ng kusina si Ronron.

Nahulog sya sa malalim na pag iisip.

. . .

Dahil sa maraming katanungan ang naglabasan, di napansin ng binata ang dinadaanan.

Nagulat na lang sya ng biglang may tumukod na kamay sa dibdib nya.

Pagtingin nya ay nasa harap na nya si Grace.

Kunot ang noo nito.

"San ka galing ? " tanong nya.

Nilingon ni Ronron ang kusina.

"N-naglibot libot lang. " sagot nya.

Naghihinalang napatingin si Grace sa pinanggalingan ng binata.

"Bakit mag isa ka ? Tresspassing yun hoy. " wika nito.

Kumunot ang noo ni Ronron.

"Really ? Di ko alam eh. Pero ano bang alam mo don ? Sabi mo mahirap lang ang family mo ? " tanong nya.

Natigilan si Grace.

Nag iwas ng tingin.

Pagkuwa'y tumawa ng mahina.

"Di ba pwedeng mag basa ? Masyado mo naman akong minamaliit. Di porke mahirap kami, di na ako pwedeng mag aral. " sabi nya.

Ngunit di nagpatinag si Ronron.

Naisip nyang magtapon ng ilang impormasyon.

"Anyway, bago kasi ako umuwi, galing ako sa Nirvana. " wika nya.

Napatango si Grace.

"Nakwento mo na yan. Anong bago ? " tanong nya.

"Si Earl ang naghatid sakin. Bago kami mag hiwalay, sabi nya pupuntahan nya daw si Aaron dito. Pero nagtanong ako dun sa nagbukas sa atin ng gate, di daw nagawi si Earl dito. Matagal na. " kwento pa ni Ronron.

Natahimik si Grace.

Tila nahulog sa pag iisip.

Napaisip din si Ronron.

Pero hindi tungkol kay Earl, kundi sa dalaga sa kanyang harap.

. . .

Maya maya ay nagsalita si Grace.

"I think, we have to call Aaron from different number. " suhestyon nya.

"Bakit ? " tanong ni Ronron.

"Baka iniisip nya, alam na ng parents nya ang nangyari. Baka alam nyang nandito tayo. Baka alam nyang inutusan natin yung parents nya na tawagan sya kaya di nya sinasagot. " sagot ni Grace.

Napataas ang isang kilay ni Ronron at ngumiti.

"You have a point. Kunin natin yung number ni Aaron sa father nya tapos tayo tumawag. " sabi nya.

Ngumiti ang dalaga at tumango.

. . .

Magkasama silang bumalik sa salas kung saan nag uusap ang lahat.

Pasimpleng lumapit si Ronron kay Angelo.

"Tito. " bulong nya.

Napatingin ang lalaki sa kanya.

"Yes iho ? " tanong nito.

Ngumiti si Ronron.

"Can you come with me ? " tawag nya.

Bagama't nagtataka, agad na tumayo ang lalaki.

Tinapik nya lang sa balikat ang asawa.

Sumunod sya sa binata.

"Ano yun ? " tanong nya.

Lumabas si Grace sa gilid.

Nagtaka si Angelo.

Nagsalita si Ronron at pinaliwanag ang gagawin.

"Tito. Pwede mo bang kunin yung number ni Aaron sa father nya ? Kami ang tatawag ni Grace. Baka kasi kaya di nya sinasagot ay alam na nya ang sitwasyon. Maybe pag ibang number, bigla nyang sagutin. " paliwanag nya.

Natigilan si Angelo pagkuwa'y unti unting napangiti.

Agad syang tumango at binulungan ang hepe.

. . .

Di nagtagal, hawak ni Angelo ang isang pirason papel laman ang hinihinging numero ng dalawa.

Agad na ni tinipa ni Ronron ang numero, pero napamura sya ng hindi magtagumpay sa pagtawag.

"Wala kong extra load! " inis na sabi nya.

Natawa si Angelo at nilabas ang cellphone, pero naunahan sya ni Grace.

"Ako na, akina na number. " wika nya at nag dial.

Natigilan si Ronron sa nakita.

Mas bago pa sa kanya ang cellphone ng dalaga.

Pero di na sya nagkomento pa.

Hinayaan nyang i-dial nito ang numero at nag abang.

. . .

Napatingin si Grace sa dalawa ng magsimulang mag ring.

"Ringing. " imporma nya.

Tumango lang sina Ronron at Angelo.

Naghintay sila ng ilang saglit, pero tulad ng nauna, walang sumasagot sa tawag.

Akmang ibababa na ni Grace ang cellphone ng awatin sya ni Ronron.

"T-teka. " pigil nya.

Nagtaka ang dalaga.

Naputol ang tawag.

"Wala na. " sabi nya.

"Tawagan mo ulet. " utos ni Ronron.

Nagtataka man, tumango ang dalaga at sinimulang i-dial ang numero.

Muli, tanging pag ring lamang ang narinig nya.

Pero nagulat sila ng maglakad si Ronron at nagsimulang umakyat sa hagdan.

. . .

Napatingin ang ama ni Aaron sa binata.

"Hey! That's illegal! Di ka pwedeng umakyat dyan ng mag isa! " sigaw nya.

Pero di nagpatinag si Ronron.

Mabilis na tumayo ang lalaki at akmang pipigilan ang binata pero humarang si Angelo sa daan.

"Why don't you come then ? " tanong nya.

Natigilan ang ama ni Aaron.

Napatayo na rin ang mga pulis pati na sina Paloma.

Mula sa itaas ng hagdan, nagsalita si Ronron.

"Tito Angelo, I think I heard something sa kwartong to. Pero naka lock. " sabi nya.

Tumango si Angelo at binalingan ng tingin ang ama ni Aaron.

"Kaninong kwarto yung tinutukoy nya ? " tanong nya.

Napalunok ng sunod sunod ang lalaki.

"Pero napasok na natin yan kanina. Di ba ? " balik tanong nya.

Galit na kinwelyuhan ni Angelo ang ama ni Aaron.

"Sagutin mong tanong ko, kaninong kwarto yon ? " tanong nya ng mariin.

Agad namang pumagitna ang hepe.

"Sagutin nyo na lang ho sir. " wika nya.

Nag iwas ng tingin ang lalaki.

"K-kay Aaron. " pag amin nya.

Nagkatinginan sina Angelo pati na ang pulis.

"Nasan ang susi ng kwartong yon ? Buksan mo! " utos nya.

Napahinga ng malalim ang lalaki at nilabas sa bulsa ang susi ng silid ng anak.

Agad na inagaw ito ni Grace at patakbong umakyat sa hagdan.

Inabot nya kay Ronron ang susi.

Sumunod ang lahat sa binata hanggang sa tagumpay silang makapasok sa loob ng kwarto.

. . .

Tumambad sa kanila ang marangyang silid ni Aaron.

Bagama't napasok na nila ito, di naman nila masyadong binusisi ang bawat sulok dahil nga wala silang search warrant na dala.

Inikot ni Ronron ang mga mata sa paligid, pagkuwa'y binalingan si Grace.

"Call the number again. " utos nya.

Agad namang tumalima ang dalaga.

Muli nyan tinawagan ang number ni Aaron at nagulat sila ng pumailanlang ang ring.

Mabilis na kumilos si Ronron.

Hinanap ang pinanggagalingan ng tunog hanggang sa matigilan sya.

Mabilis nyang inalis ang kumot at tumambad sa kanya ang mamahaling cellphone.

"Kay Aaron ho ba to ? " tanong nya sa ama ng binata.

Napatingin ang lahat sa ama ni Aaron.

Marahan itong tumango.

"Kung ganon, wala na palang way para makita natin sya. " siwalat ni Ronron.

Bagsak ang balikat ng lahat.

Humikbi si Paloma at mabilis syang inalo ni Grace.

. . .

Nagpasya ang lahat na lumabas na.

Pero sa di malamang dahilan, parang may nagsasabi kay Ronron na maghanap pa.

Ginala nya ang tingin sa paligid.

Hanggang sa mapako ang tingin nya sa kama.

Inalis nya ang makapal na kutson.

Napahiyaw ang ama ni Aaron sa nakita.

"Hoy! What are you doing ? Wala kang karapatang gawin yan! " sabi nya.

Pero di nagpa awat si Ronron.

Halos mabaliktad na nya ang kutson pero wala syang nakitang kakaiba.

Di pa rin sya nagpatinag.

Ginala nyang muli ang tingin sa paligid.

Wala namang kakaiba.

Naglakad sya paikot sa kama.

Hanggang sa may masipa syang kung ano.

Natigilan si Ronron ng makita ang isang pirasong sapatos.

Dinampot nya ito at napakunot noo.

"Ito ata yung suot ni Aaron kagabi. " bulong nya.

Hinanap nya ang isa pa.

Yumuko at tagumpay naman itong nakita sa ilalim ng kama.

Pero may napansin syang kakaiba.

Agad nyang nilabas ang cellphone at binuksan ang flashlight.

Natigilan sya ng may makitang kung ano sa dulo.

Sinubo ni Ronron ang dulo ng phone at gumapang sa ilalim ng kama.

. . .

Napahiyaw ang ama ni Aaron pero inawat lang sya ng mga pulis.

Dumapa din si Angelo. Tinulungang ilawan ang binata gamit ang sariling cellphone.

Maya maya ay gumapang paatras ang binata.

Napaatras ang lahat hanggang sa makalas ito.

Pero natigilan sila ng may ilabas pa mula sa ilalim ng kama si Ronron.

Isang kahon.

"Ano yan iho ? " tanong ni Angelo.

Umiling si Ronron.

"Hindi ko rin po alam Tito. " sagot nya at naupo sa kama.

"Open it! " sigaw ni Grace.

Tumango si Ronron.

Pero umawat ang ama ni Aaron.

"That's invading of privacy! Kakasuhan ko kayo! " sigaw nya.

Di nagpatinag ang binata.

Dahan dahan nyang inalis ang takip ng kahon na lalagyan ng sapatos.

Para lamang mapanganga ng tumambad sa kanila ang laman.

"H-hinde!. " tanging nausal ni Ronron.

ITUTULOY!!!