1. Home
  2. Stories
  3. Phone Call Chapter 34 - The Last Clue
Lagablab

Phone Call Chapter 34 - The Last Clue

By supertoyantz ·

Chapter 34 - The Last Clue

Natulala ang lahat sa laman ng kahon.

Isa isang nilabas ni Ronron ang mga gamit at nilatag sa kama.

Bagama't may kalumaan na ang iba, kilalang kilala ni Paloma ang mga gamit ng anak.

"K-kay Angel yang mga yan. " bulong nya at napahawak sa ulo.

Agad namang umalalay si Grace pero maging sya ay napako ang tingin sa mga gamit sa kama.

Lumapit Supt. De Leon at isa isang tiningna ang mga ito.

"Headbands, suklay, tali, pamaypay, gamit na tissue, mga sulat. Ordinaryo tong mga to. Pero ito, sando, bra, panty. Hindi ito normal. May mga burda pa ang iba. Higit sa lahat, itong Picture ni Angel na may nakasulat na "Akin Ka Lang!." It looks like, matagal na stalker ni Angel itong anak nyo. " sabi nya at sinulyapan ang ama ni Aaron.

Nag iwas ito ng tingin at piniling manahimik na lamang.

. . .

Sa gilid, tulala lang si Angelo.

Sari't saring emosyon ang naghahalos sa kanyang utak pero pilit nyang kinalma ang sarili.

Pero bigo sya dahil ang katangi tanging kayaman nya ang pinag uusapan.

Nagningas ang kanyang mga mata at dahan dahang nilapitan ang ama ni Aaron.

Walang sabi sabing kinwelyuhan nya ito at sinalya sa pader.

"You better call your son and tell him this, kahit saang impyerno sya magtago, hahanapin ko sya. Kung ako sayo, gawin mo na ang lahat para mahanap mo sya. Dahil kapag ako ang nauna, patawarin ako ng Diyos pero magkikita sila ni Angel sa kabila. " bulong nya.

Nanlaki ang mga mata ng ama ni Aaron.

Agad namang binitawan ni Ronron ang kahon at pumagitan sa dalawa.

Niyakap nya si Angelo at pilit na inilayo.

"Tito, alam ko pong mahirap to sa inyo pero wag po muna tayong gumawa ng hakbang na pagsisisihan lang natin. " bulong nya.

Ganun din ang ginawa ni Supt De Leon.

"Sir, wala na ho ba kayong alam na kontak ng anak nyo ? " tanong nya.

Marahang tumango ang ama ni Aaron.

Sumingit si Grace.

"Mawalang galang na ho. Pero parang wala naman ho kayong kaalam alam sa nangyayri sa anak nyo. " wika nya.

Napatingin sa kanya ang lahat pero walang nagsalita.

Tumango si Supt. De Leon.

"Tama sya. Wala ka man lang kaide ideya sa ginagawa ng anak mo ? Sabi mo, nag iisang anak nyo si Aaron. Pero bakit parang wala kang alam sa mga activities nya ? " tanong nya.

Napalunok ang ama ni Aaron at malungkot na yumuko.

"S-susubukan kong tawagan yung resthouse namin sa Tagaytay. " sabi nya at nagpaunang lumabas ng silid.

Tinawag ni Supt. De Leon ang mga kasamahang pulis.

"Get all the evidences. After that, seal this room. I don't want anyone to come here, I mean ANYONE. " utos nya.

Agad namang tumango ang mga ito.

. . .

Sa salas, marahang binaba ng ama ni Aaron ang cellphone at napabuntong hininga.

"Yes, nandun nga ang anak ko. " sabi nya.

Nagliwanag ang mga mata nina Paloma at Grace.

Tumayo si Angelo at binalingan ang kumpare.

"Puntahan na natin sya pare. " wika nya.

Tumango si Supt. De Leon pero pinigilan sila ng ama ni Aaron.

"You don't have to, papunta na sya dito. May kinuha lang daw sya. Maybe an hour or two. For the meantime, I have to call my lawyers. Make yourself comfortable. I'll have my maids for your needs, just let them know. If you need me, nasa study lang ako I'll have to call my lawyers. " paalam nya.

Akmang pipigilan ni Angelo ang lalaki pero pumagitan na si Supt De Leon.

"Pare, karapatan nyang tawagan ang mga abugado nila. Now, all we have to do is to wait for Aaron to come and ask him directly. " sabi nya.

"Can't we just arrest him ? " tanong ni Angelo.

Umiling si Supt. De Leon.

"Okay lang pare. Since na may warrant na namn tayo. Pero mas maganda kung liwanagin na muna natin dito. Iba na kasi pag pumasok na ang mga abugado. Nagiging komplikado na ang mga simpleng bagay. " sabi nya.

"Hindi simpleng bagay ang nangyari! Nawala ang anak ko at yung hayup na yon ang may kagagawan! " sigaw ni Angelo.

Agad namang kinalma ni Ronron ang lalaki.

"Tito, relax po. " bulong nya.

Ngunit tinabig lang nito ang kamay nya.

Napabuntong hininga na lang si Ronron.

Nauunawaan nya ang nararamdaman ng ama ni Angel. Maging sya ay di na rin masukat ang nararamdamang galit kay Aaron pero nais nya munang mag isip ng tama.

Gusto nyang malaman mula sa bibig nito mismo ang dahilan kung bakit nito nagawa ang ganuong karumal dumal na krimen.

. . .

Tulad ng napag usapan, hinintay nilang makauwi si Aaron.

Isang oras rin ang lumipas bago sila may narinig na pagbusina.

Agad na napatayo ang lahat.

Dali daling lumabas ang nanay ni Aaron na agad nilang sinundan.

Hindi pa nakakababa ng sasakyan, humahagulgol ng niyakap ito ng ina.

"Bakit Ma ? What's the problem ? " tanong ni Aaron.

Pero natulala siya ng makita ang mga lumabas ng tahanan.

Napanganga ang binata ng makilala ang mga magulang ni Angel.

Agad nyang inabot ang kamay dito para magmano pero nagulat na lang sya ng tumama ang kamao nito sa kanyang panga.

. . .

Napahiyaw ang ina ni Aaron at galit na tinulak si Angelo pagkuwa'y dinaluhan ang anak.

Agad namang inawat ng mga pulis ang lalaki.

Hilong napasadlak sa gilid ng sasakyan ang binata.

Gulat na gulat sya sa pangyayari.

"A-anong.. B-bakit ho ? " tanong nya.

Galit na dinuro ni Angelo si Aaron.

"Anong bakit ? HA! Anong bakit ? Matapos ng ginawa mo sa anak ko ? Magtatanong ka sakin ng ganyan ? Akala mo ba, habang buhay mo na lang maitatago ang kasalanan mong hayup ka? " hiyaw nya.

Nawala ang pagkahinahon na kanina'y pilit nyang pinaiintindi sa sarili.

Balot ng galit at hinagpis, nais nyang iparanas sa binata ang pighati ng mawalan ng mahal sa buhay.

. . .

Tarantang napaatras si Aaron.

Napatingin sya sa ina.

"W-what's happening Ma ? Pa ? Anong sinasabi ni Tito Angelo ?" tanong nya.

Malungkot na nag iwas ng tingin ang kanyang ina.

Napabuntong hininga naman ang kanyang ama.

Lalong nag taka si Aaron pero nanlaki ang kanyang mga mata ng lumapit ang isang lalaki na hawak ang isang kahon.

At hindi nya maaaring maipagkamali, kanya yon.

"P-paanong. B-bakit nasa iyo yan ? AKIN yan! " sigaw nya.

Nagkatinginan ang laht.

Pagkuwa'y marahang binuksan ni Supt. De Leon ang kahon.

"Sa iyo ba ang lahat ng ito ? " tanong nito.

Bumangis ang mga mata ng binata.

Kumalas sya sa pagkakayakap ng ina at dinamba ang lalaki.

Pero mabilis na umawat ang ibang mga kasama nito.

"HOY! WAG MONG GALAWIN YAN! AKIN YAN! " galit na sigaw nya.

"Aaron, anak. Please stop! " humarang na rin ang kanyang ama.

Pumiglas si Aaron.

"No Pa. You don't understand. Akin yan! Walang pwedeng gumalaw nyan! " sigaw nya.

. . .

Napuno ng komosyon ang lugar.

Sa kabila ng sigawan, nagulat sila ng biglang pumailanlang ang lagapak ng isang sampal.

Napahawak si Aaron sa pisngi.

Halos mayanig ang kanyang kaluluwa.

Sinundan nya ang pinanggalingan nito at natulala ng makita ang galit na mukha ni Paloma.

"T-tita. " bulong nya.

"Don't you ever call me Tita again. I trusted you. To think na irereto kita sa anak ko. I will never forgive you Aaron. You'll pay for what you have done. " mariing sambit ni Paloma.

Takang napatingin si Aaron sa babae.

"W-wala akong ginawang masama. Hindi ko alam ang mga sinasabi nyo. " sabi nya.

Niyakap ng ina ang binata at umiyak sa dibdib nito.

Lalong nalito si Aaron.

"Ma, what's the problem ? Why are you crying ? Wala kong ginawang masama! Ano ba ito ? " pasigaw na tanong nya.

Pero lalong napaiyak ang kanyang ina ng isa isang lumapit ang mga pulis at posasan ang binata.

Nagpumiglas si Aaron pero sadyang malakas ang mga ito.

Lumapit ang isang lalaki at naglabas ng papel.

"You're under arrest Aaron Saavedra. You have the right to remain silent. Anything you do or say can be used against you in the court of law. May karapatan kang tumawag sa abogado mo. " pahayag nya.

Nanlaki ang mga mata ni Aaron.

"H-ha ? Anong kasalanan ko! Hindi nyo pwedeng gawin sakin to. Wala akong ginagawang masama. Ano ba! Bitawan nyo ko ! " sigaw nya sabay piglas.

Lumapit si Angelo.

Maagap naman syang hinarang nina Ronron.

Napatingin si Aaron sa binata.

"Pare, Ron. Ano ba to. Ano bang nangyayari ? " tanong nya.

Malamig ang mga matang tiningnan ni Ronron ng diretso si Aaron.

"Pagbabayaran mong ginawa mo pare. " diin nya.

"Ano ngang ginawa ko! " sigaw ni Aaron.

"Ikaw ang stalker na matagal ng nanggugulo kay Angel. At dahil sa hindi mo sya makuha, pinatay mo sya. " bunyag ni Ronron.

Napanganga si Aaron sa narinig.

Akmang magsasalita pa sana sya pero mabilis na syang ipinasok sa isang kotse.

Napasigaw ang binata at tinawag ang mga magulang.

Pero tanging pag iyak na lamang ang nagawa ng mga ito.

. . .

Mabilis ang naging mga pangyayari.

Nakasuhan si Aaron sa salang pagpatay kay Angel isang taon na ang nakakaraan.

Muling nabuksan ang kaso at ang dating "Suicide" ay napalitan ng "Murder"

Sinurender ang ebidensya sa mga pulis pero dahil hindi ito sapat para sabihing ang binata na nga ang direktang gumawa ng krimen, di-netain muna ito.

Mula ng dumating sa presinto, di na nagsalita si Aaron.

Tanging sa mga magulang at abagudo na lang ito nagkikipag usap.

Hindi na rin naman nagpumilit sina Angelo at Paloma.

Pagod na rin sila.

Dagdag pa ang sakit na muli na namang nabubuhay sa kani kanilang mga puso.

Pinili na lamang nilang yakapin ang isa't isa sa gilid at hintayin ang mga abugado ang mag ayos ng lahat.

. . .

Maya maya, dumating sina Irish at Jamaica.

Gulat rin ang mga ito sa nangyari.

Agad nilang dinaluhan ang mag asawa.

"Tita. " tawag ni Jamaica.

Kumalas si Paloma sa pagkakayakap sa kabiyak at sinalubong ang dalaga.

Mahigpit silang nagyakap.

Di na napigilan ang emosyon.

Ganun din ang ginawa ni Irish, si Angelo naman ang niyakap nya.

"Tito, be strong po. " bulong ng dalaga.

"S-salamat iha. " ganti ng lalaki.

. . .

Sa gilid, tahimik lang si Ronron.

Naisip nyang kontakin ang kaibigan.

Akmang ilalabas nya ang cellphone ng mapatingin sya kay Irish.

Nakatitig ito kay Aaron.

Batid nya ang damdamin ng dalaga.

Ngayon ay nais nyang malaman kung may kinalaman ba ito.

Imbes na tawagan, tinago ni Ronron ang aparato at nagmasid.

. . .

Di nakatiis, lumapit sina Irish at Jamaica sa selda kung saan mag isang nakakulong si Aaron.

Sumama si Ronron at pumwesto sa isang tabi.

Napatingin ang binata sa kanila pero mabilis itong nag iwas.

Parehas silang luhaan.

Hinawakan ni Jamaica ang rehas.

"W-why ? " tanging tanong nya.

Ngunit walang namutawi sa bibig ni Aaron.

"S'shes a great friend Aaron. " mapait na wika ni Irish.

"Matagal ka nyang hinanap. Ikaw pala ang stalker nya. Pinahirapan mo sya Aaron. N-naging tapat sya sayo. Alam mong gagawin nya ang lahat para sa ikaliligaya mo. Pero bakit ? Bakit umabot sa ganito ? " tanong ni Jamaica.

"Please, tell us na wala kang kasalanan. Please Aaron. " humagulgol na si Irish.

Marahas na napatingin si Aaron.

"Mahal ko si Angel! " madiing sabi nya.

Nagulat si Ronron ng makitang luhaan na rin ito.

Hinampas ni Jamaica ng rehas.

Napahagulgol si Irish.

"Hindi ka nya mahal A. Hindi ka nya mahal. Matagal mo ng alam yan. " sumbat nya.

Napaupo si Aaron at hinilamos ang mukha.

Humarang na ang abugado ng binata at pilit na pinalayo ang mga babae.

. . .

Naiwan si Ronron sa gilid.

Sinulyapan nya si Aaron.

Hinintay nya munang makalayo ang iba bago sya nagsalita.

"Bakit mo nagawa yon ? " bulong nya.

Nag angat ng mukha si Aaron.

Galit, pagod at sakit.

Di sya nagsalita.

Nagpatuloy si Ronron.

"Nakita ko ang kahon Aaron. Nabasa ko na rin ang diary ni Angel. Palulusutin ko na ang ginawa mong pananakit at pagkidnap sa akin. Pero bakit mo nagawa kay Angel ang bagay na iyon ? " tanong nya.

Napatingin si Aaron sa binata.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo. " tanging nasabi nya.

Napahawak si Ronron sa rehas.

Pinakita ang bukol sa parteng batok.

"Ito, hindi mo to natandaan ? " tanong nya.

"Umalis ka na. " sagot ng binata.

Napahigpit ang hawak ni Ronron sa rehas.

"Ayaw ko sanang dagdagan pa ang kaso mo. Pero matigas ka. Magsasampa na rin ako ng reklamo para mabulok ka sa kulungan. " mahina ngunit madiing sambit nya.

Napakunot ang noo ni Aaron.

Marahan syang tumayo at hinarap ang binata.

"Fuck you ka Ron. Akala ko kaibigan kita. Pero traydor kang hayup ka. Wala akong kinalaman dyan sa sugat mo at sa pagkidnap sayo. " bulong nya.

Nagtitigan sila.

Natawa ng sarkastiko si Ronron.

"Masaya ako't nakilala ko ang mga kaibigan ni Angel. Mahal ko sya Aaron kaya mahal ko rin ang mga kaibigan nya. Ito ang lamang ko sayo, minahal ako ni Angel. Minahal ng lampas kaibigan. " siwalat nya.

Natulala si Aaron.

"W-what do you mean ? " tanong nya.

"Girlfriend ko si Angel. Sa maniwala ka o hindi. Kaya ako napadpad dito. Binyahe ko ang Maynila para sa kanya. Hindi ko alam na matagal na syang wala. Hindi ko maipaliwanag kung paano pero alam kong minahal namin ang isa't isa. At gagawin ko ang lahat para mabulok ka sa kulungan. " sabi ni Ronron.

Napahampas sa rehas si Aaron.

"Putangna mo Ronron. Wala akong kasalanan. Hindi ko alam kung bakit nyo sakin binibintang ang lahat ng ito. " wika nya.

"Hanggang ngayon, matigas ka pa rin. Oras na magpakita si Earl, sinisiguro ko sayong mabubulok ka na dyan. " maasim na sabi ni Ronron.

Natigilan si Aaron.

"S-si Earl. Tama, kontakin mo sya! Alam nya ang lahat! " wika nya.

Napatingin sa kanila ang mga pulis.

"Boy, alis dyan. " utos ng isa kay Ronron.

Matapos silang magtitigan, sumunod ang binata at lumapit sa mga magulang ni Angel.

Pero bago pa sya makalayo, narinig nyang pinatatawag ni Aaron si Earl.

Napakunot noo sya.

Bakit nanaisin ni Aaron na kontakin si Earl kung ito mismo ang mag didiin sa kanya ?

. . .

Lumipas ang mga oras.

Malungkot na bumyahe sina Ronron kasama ang mga magulang ni Angel.

Nasa likod sila ni Grace.

Tahimik.

Walang nagsasalita.

Parehong hindi matanggap ang naging resulta.

Dahil sa hindi sapat ang ebidensya kay Aaron, nagawa nitong makapag pyansa bagay na mariin nilang tinutulan, pero bigo.

Nag assign ng pulis sa bahay ng binata.

Pati sa bahay ng mga Lacson bilang proteksyon para sa maaaring mangyari.

. . .

"M-magpahina na lang muna kayo siguro, Tito, Tita. " suhesyton ni Grace ng makauwi sila.

Di na nagsalita ang mag asawa at tahimik na lamang umakyat sa hagdan.

Binalingan ng dalaga si Ronron.

"Ikaw, alam kong pagod ka rin. Take a rest. Ako na ang bahala dito. " wika nya.

Dahil sa pagod at dami ng iniisip, nawala na ang atensyon ng binata sa mga tanong patungkol kay Grace.

Pinili na lamang nyang ngumiti ng kimi at magpasalamat ng mahina.

Pagkuwa'y sumunod na rin sa mag asawa at dumiretso sa kwartong pansamantala nyang ginagamit.

Bago pa makapasok, napatingin si Ronron sa sumunod na kwarto.

Napangiti sya at lumapit sa saradong pinto.

Hinimas.

"Malapit na mahal ko. Malapit mo ng makuha ang hustisya. " bulong nya.

Napangiti si Ronron.

Humakbang na sya palapit sa sariling silid ng makarinig ng marahang pag "click"

Kumunot ang kanyang noo.

Muling lumapit sa saradong pinto at sinubukang buksan ito.

Nagulat sya ng hindi na nya kailangang pihitin ang doorknob.

Kusang bumukas ang pinto.

Napalunok si Ronron at tumingin sa paligid.

Unti unti na ring bumibilis ang tibok ng kanyang puso.

Gusto nyang tumakbo at magkulong sa silid, pero may kung ano sa likod ng kanyang isip na nagsasabing may makikita syang importante sa loob.

Kaya kahit na halos panawan na sya ng lakas, lakas loob nyang binuksan ang kwarto.

. . .

Walang laman ang silid.

Napahinga ng malalim si Ronron.

Ngumiti at pasimpleng pumasok sa loob.

Dahan dahan nyang sinara ang pinto.

Maingat na huwag makagawa ng ingay dahil batid nyang nasa harap lamang ang mag asawa.

Diretso syang naglakad sa loob at pinagmasdan ang paligid.

"Konti na lang baby cake. Makukuha mo na rin ang hustisya. Di ako titigil hangga't di napapanagot si Aaron. " mahinang sabi nya.

Napangiti ng malungkot si Ronron.

Di maipaliwanag na kahungkahagan ang bumabalot sa kanyang pagkatao.

Pakiramdam nya ay pagod na pagod sya kaya naisip nyang maupo sa malambot na kama.

Di pa sya nakuntento, hinimlay nya ang pagal na katawan at tumitig sa kisame.

Pilit binalikan ang mga nangyari sa araw na iyon.

Samu't saring mga tanong na pumupuno sa kanyang utak.

Mga tanong na mahirap hanap ng sagot.

. . .

Napabuntong hininga ang binata.

Umihip ang malamig na simoy na hangin.

Napangiti sya.

"I missed you baby. " bulong nya.

Tahimik.

Napakatahimik ng paligid at unti unting gumaan ang pakiramdam ni Ronron.

Tanging pag lagitik ng kamay ng orasan ang kanyang naririnig.

"12:33 na pala. Tanghali na " tanong nya sa sarili.

Tanghali na pero kataka takang hindi man lang sya nakakaramdam ng gutom.

Nagkibit balikat lang sya. Marahil ay dahil sa pagod at dami ng iniisip.

Naisip ni Ronron na tawagan ang mga magulang pero sa huli ay nagbago ang kanyang isip dahil siguradong mag aalala lamang ang mga ito.

Saka na lang pag tapos na.

Kinuha ni Ronron ang isang unan at mahigpit na niyakap.

Marahan nyang pinikit ang mga mata at nagpahinga.

. . .

Ilang saglit lang, pakiramdam ni Ronron ay mabigat ang kanyang dibdib.

Dahan dahan nyang minulat ang mga mata.

Ginala nya ng tingin sa paligid hanggang sa madako ang paningin nya sa bintana.

Halos panawan sya ng ulirat ng makitang may nakatayong babae.

Nakatingin ito sa labas at hinahangin ang malago at mahabang itim na buhok.

Naisip ni Ronron ang sumigaw.

Pero lalo syang inalihan ng takot ng walang boses na lumabas sa kanyang bibig.

Pinilit nyang kalmahin ang sarili sa kabila ng mabilis na tibok ng kanyang puso.

"B-baby ?" tanong nya ng marahan.

Natuwa dahil may boses na.

Akmang sisigaw sya ng biglang magsalita ang babae.

"Hi, baby cake. " sagot nito ngunit nanatili pa rin itong nakatalikod.

Napalunok ng sunod sunod si Ronron.

Mabilis na mabilis ang pagpintig ng kanyang puso.

Sinubukan nyang gumalaw.

Pero sa malas, hindi pa rin sya makakilos.

Unti unting lumingon ang babae.

Pinikit ni Ronron ang mga mata dahil batid sa takot na makita na naman ang bangkay ni Angel.

Pero muli itong nagsalita.

"Natatakot ka sakin baby ? " wika nito sa nagtatampong boses.

Natigilan si Ronron.

Nilakasan ang loob at dahan dahang minulat ang mga mata.

Para lamang mapahiyaw ng makitang nasa tabi na ng kama si Angel.

Tulad ng inaasahan, bangkay na ito.

Nanginig sya sa takot.

Inipon ang lakas para piliting tumayo.

Pero bigo pa rin sya.

Muling nagsalita ang kalansay.

"Akala ko, mahal mo ako ? " tanong nito.

Natigilan si Ronron at napatitig sa bungo.

Tinapangan nya ang loob at pilit na nagsalita.

"S-sorry. Nabigla kasi ako. " mahinang wika nya.

Umangat ang kamay ng babae at hinaplos ang kanyang pisngi.

Nilabanan ni Ronron ang takot.

Ngumiti sya at dinama ang haplos nito.

. . .

Naupo si Angel sa kanyang tabi.

Hanggang sa unti unti itong mahiga sa kanyang dibdib.

Amoy ni Ronron ang nakasusulasok na amoy ng bangkay.

Pero pinigilan nya ang takot at inangat ang isang kamay para yakapin ang dalaga.

Sa tuwa, naiangat nya naman ito.

Pinaglabanan niya ang kaba, inangat nya pa ang kabilang braso at pinalibotsa kasintahan.

Maikling oras din ang lumipas.

Tanging pagyakap lamang ang nagawa nila.

Hanggang sa magsalita si Angel.

"Salamat baby. Salamat sa mga sakripisyo mo. " wika nya.

Ngumiti si Ronron at hinaplos ang buhok ng dalaga.

Wala na ang takot.

Tanging pag ibig at pangungulila na lang ang nangibabaw.

Inangat nya ang isang kamay at hinawakan ang baba ng babae para iangat ito.

Nabigla si Ronron sa nakita.

Hindi nakakatakot na bangkay ang tumambad sa kanya kundi ang mala diyosang mukha ni Angel.

"Happy ? " tanong nito.

Napabuntong hininga si Ronron.

"Hindi ako natatakot sayo baby. Lahat ng ginawa ko, para sayo yon. " wika nya.

Umangat ang isang kamay ni Angel at hinaplos ang pisngi ng binata.

"I know. Nararamdaman ko. Gusto kong magpasalamat ng taos puso sayo. Kung di ka nagpunta dito, baka hindi na ako nabigyan ng hustisya. " sabi nya.

"Masaya ako at nakilala kita. Nakilala ko ang mga taong importante sa buhay mo. Alam ko kung gaano ka nila kamahal at alam ko rin namang mahal mo sila. Pero sad to say, hindi lahat baby. " mapait na wika ni Ronron.

Malungkot na ngumiti si Angel.

"Alam ko. Pero hindi ako nag sisisi sa binigay kong pagmamahal. Ang pinagsisisihan ko lang, bakit ngayon ka lang dumating ? " tanong nya.

Napangiti si Ronron.

"Ako rin. Masakit mang tanggapin, pero ganito talaga eh. Ang gagawin ko na lang, ipangako sayo na hindi ako titigil hangga't hindi napaparusahan ang may sala. " sagot nya.

Tahimik na tumitig lang si Angel sa mga mata ng binata.

Pagkuwa'y ngumiti at marahang bumangon.

Nagtaka si Ronron.

Sinubukan nyang kumilos.

Tagumpay naman sya.

Marahan syang naupo sa gilid ng kama at pinagmasdan ang kasintahan.

"Tinatanaw kong malaking utang na loob ang ginagawang mong ito Ronron. " bulong ng babae.

"No problem baby. " agad na sagot ni Ronron

Napangiti ng malungkot si Angel.

Dahan dahan syang naglakad patungo sa isang drawer at pinakatitigan ito.

Nagtaka si Ronron.

"W-what's the problem ? " tanong nya.

Ngunit di nagsalita ang dalaga.

Bagkus ay ngumiti lamang ito.

Unti unting lumiwanag ang paligid.

Nanlaki ang mga mata ni Ronron ng paunti unting manlabo ang kanyang mga mata.

"T-teka. Angel! Ano to ? Marami pa kong tanong sayo! Teka. Angel!!! " sigaw nya at sinundan ang kasintahan.

Tumakbo sya ng tumakbo.

Kadiliman.

Kinain na ito ng kadiliman.

Hanggang sa pati sya ay pumaimbulog sa dako paroon.

. . .

Napabalikwas ng bangon si Ronron.

Mabilis nyang nilingon ang tingin sa paligid at nagulat ng makitang nasa silid pa rin sya ni Angel.

Walang nagbago maliban sa wala na ang kasintahan.

Saglit syang napaisip.

"N-nananaginip na naman kaya ako ? " tanong nya sa sarili.

Dahan dahan syang tumayo at muling naupo.

Masakit ang kanyang likod pero di nya ito inalintana.

Napatingin sya sa drawer.

Naalala nya si Angel kaya nilapitan nya ito at marahang binuksan.

Para lamang mapanganga ng makita nag bagay na matagal na nyang hinahanap.

"D-diary. Bakit nandito to ? " tanong nya sa sarili.

Sa nanginginig na kamay, dinampot ni Ronron ang diary ni Angel.

Naupo sa kama at huminga ng malalim bago binuksan.

Hindi nga sya nagkamali.

Ito ang diary ni Angel.

Ito mismo ang mga nabasa nya.

Agad nyang pinihit ang pahina sa likod at hinanap ang mga pinunit na parte.

Di naman sya nabigo dahil nandito pa rin ito.

Muli nyang pinasadahan ng tingin ang bawat detalye hanggang sa mapako ang atensyon nya sa pangyayaring ginahasa si Angel.

Napatiim bagang si Ronron.

Pero natigilan sya ng may mapagtanto.

"K-kung hindi ako nagkakamali, dapat may ganun sya. " wika nya.

Napalunok si Ronron.

May mga pahina pa syang hindi nababasa.

Nanginginig ang mga kamay, dahan dahan nya itong binuklat pero nagulat sya ng biglang may kumatok sa pinto.

. . .

Dala ng katarantahan, hindi na nagawang buksan ni Ronron ang nalalabing parte ng sulat.

Agad nya itong sinilid sa loob ng diary at tarantang naghanap ng magpagtataguan.

Hindi na nya ito maaaring ibalik sa kinalalagyan dahil masyadong simple ito.

Kailangan nya ng mas safe na lugar.

Napatingin sya sa banyo.

Dali dali syang tumakbo sa loob ngunit bigo syang makahanap ng taguan.

Muli nyang narinig ang mga katok.

Lalong nataranta si Ronron.

Naalala nya si Aaron.

Sa huli, pikit mata na lamang nyang siniksik sa ilalim ng kama tulad ng ginawa nito sa kahon.

Pagkuwa'y pilit na kinalma ang sarili at huminga ng malalim bago binuksan ang pinto.

Tumambad sa kanya si Grace na akmang isusuksok na ang susi ng kwarto.

Nasa likod nito ang mag asawang Paloma at Angelo.

Napakunot ang noo ng dalaga.

"A-anong ginagawa mo dyan ? " tanong nito.

Naumid ang dila ni Ronron.

Wala syang maapuhap na dahilan.

Nagsalita si Angelo at tinapik sya sa balikat.

"Ayos lang iho kung gusto mong mahiga sa kwarto ng anak ko. Nauunawaan ko ang nararamdaman mo. " sabi nya.

Ngumiti lang din si Paloma.

Magkayakap silang tinungo ang hagdan.

. . .

Napangiti na lang din si Ronron at nakahinga ng maluwag.

Pero natigilan sya ng makitang nakatitig pa rin sa kanya si Grace.

"B-bakit ? " tanong nya.

"Paano kang nakapasok ? " tanong ng dalaga.

Pinilit ni Ronron ang matawa.

"D-dito sa pinto. Ano ka ba. " biro nya.

Pero di ito tumawa.

Bagkus, inangat nya ang bungkos ng susi.

"Nakikita mo to ? Nakalock yang kwarto. Nilock ko yan. " giit ng dalaga.

Natulala si Ronron.

Nagsimula ng mamawis ang kanyang palad pero pinilit nya pa ring magsinungaling.

"H-ha ? Eh paano akong makakapasok kung nakalock tong kwarto ? Ano ka ba ? " tanong nya.

Naningkit ang mga mata ni Grace.

"That's why I'm asking. Paano kang nakapasok ? Don't tell me may nagbukas sa loob ? " tanong nito.

Napanganga si Ronron.

Nag iwas sya ng tingin.

Sakto namang may lumapit na isang kasambahay.

"Ser Ronron, pinapatawag ho kayo nina Ser Angelo. May naghahanap po sa inyo. " sabi nito.

Nakahinga ng maluwag si Ronron.

Tinapik nya sa balikat si Grace at dali daling sumunod sa katulong.

. . .

Pagbaba sa hagdan, nakasalubong ng binata si Angelo.

"Oh, andyan ka na pala iho. May bisita ka. " nakangiting sabi nito.

Nagtaka si Ronron.

Naisip nya si Romeo kaya di nya maiwasang mapangiti.

Agad syang sumama sa lalaki at tinungo ang direksyon ng hardin.

Para lamang magulat ng makita ang nakangiting si Earl kausap si Paloma.

"Pare! " sabi nito.

Agad itong lumapit at walang sabi sabing niyakap sya.

Napatingin na lang si Ronron sa mag asawa.

Inakbayan ni Angelo ang kabiyak.

"Glad that you came Earl. Mag usap muna kayo ni Ronron. Dito lang kami sa loob if ever you need us. " sabi nya.

Ngumiti ng matamis si Earl at sumaludo.

"Thank you po Tito. " wika nito.

. . .

Tahimik si Ronron.

Nawala ang ngiti ni Earl at napalitan ng lungkot.

"Kamusta ka na pare ? " tanong nya.

Napahinga ng malalim si Ronron.

"Eto, ganun pa rin. Ikaw ? " tanong nya.

Nag iwas ng tingin si Earl.

"Masakit. Masakit sa akin ang nangyari. Best friend ko si Aaron. " sagot nya.

Tinapik ni Ronron ang binata sa balikat bilang pagdamay.

Tahimik lang si Earl at pasimpleng tumalikod.

Nagulat na lang sya ng biglang umalog ang balikat nito.

Mabilis na kumilos si Ronron at inakbayan ang binata.

"Sshh, that's fine. Iiyak mo lang pare. " bulong nya.

Buong pait na tumangis si Earl sa balikat nya.

Pinili na lamang ni Ronron na manahimik para bigyang laya ang kalungkutan ng binata.

Hanggang sa maya maya ay nagpahid ito ng luha at tumawa ng mahina.

"P-pasensya na pare. " wika nya.

Ngumiti si Ronron.

"That's okay. Nagpapasalamat ako at nandito ka. " sambit nya.

Umiling si Earl.

"No. Ako ang dapat na magpasalamat sayo. Mabuti na lang at nakipag tulungan ka para madakip si Aaron. salamat pare. Malaki ang utang namin sayo. " wika nito.

Napahinga ng malalim si Ronron.

"Pero hindi sapat ang ebidensya natin pare. Mahina ang nakita namin sa kwarto nya. Isa lang ang pinapatunayan non, si Aaron ang stalker pero hindi yon nangangahulugan na sya ang nagtulak sa kanya sa bangin. " sabi nya.

Saglit na nalito si Earl.

"Akala ko, nakakulong na sya ? " tanong nya.

Umiling si Ronron.

"No, nagpyansya sya. Mahina ang ebidensya kaya nakapag pyansa si Aaron. " sagot nya.

Dumaan ang takot sa mukha ni Earl pero mabilis itong nawala.

Nagtaka si Ronron.

Ngunit hindi sya nagsalita.

Namayani ang katahimikan sa pagitan nila hanggang sa lumingon ito sa kanya.

Nakangiting tinapik ni Earl ang balikat nya.

"Don't be sad pare. Pasasan ba't makakahanap din tayo ng ebidensya na magdidiin sa kanya. Syangapala, kaya ako nagpunta dito, gusto ko sanang itanong sayo kung nakita mo na ba yung diary nya ? Wala ba sa mga ebidensya na nakuha nyo sa kwarto ni Aaron ? " tanong nito.

Natigilan si Ronron ng maalala ang diary.

Naisip nyang aminin sa binata na nasa itaas lamang ito pero sa huli ay pinili na lamang nyang umiling.

"Sad to say, wala pare. Yun sana ang tanging bagay na mag didiin sa kriminal. " sabi nya.

Muli, natahimik si Earl pero mabilis itong ngumiti.

"Tama ka pare. Makikita din natin yon. Syangapala, may request sana ako sayo. For the last time. " wika nya.

Kumunot ang noo ni Ronron.

"Ano yon pare ? " tanong nya.

"Naisip kasi namin nina Irish at Jam na for the last time, bisitahin ang Nirvana. Alam kong di ka tatanggi kung aayain kita. " sagot ni Earl.

Natigilan si Ronron.

"N-nakausap mo na pala yung dalawa. " wika nya.

Tumango si Earl.

"Tinawagan ko kanina. Sunduin ko sana si Jam sa kabila pero sabi ng maids nila, nakaalis na daw kasama si Irish. Kaya susunod na lang tayo. " imporma nya.

Napaisip si Ronron.

Kung sya ang papipiliin, ayaw na nyang balikan ang Nirvana pero di nya maintindihan ang sarili, marahan syang tumango.

"M-magpapaalam lang ako kina Tito. " wika nya.

Ngumiti si Earl at tumango.

"Sa kotse na ko. Pakisabi salamat. " sambit nya at nagpauna na sa labas.

Pinagmasdan na lamang ni Ronron ang binata pagkuwa'y pumihit na papasok sa bahay.

Di nya napansin ang isang pares ng mga matang kanina pa nakamasid sa kanila.

. . .

Tulad ng napag usapan, nagkita kita ang apat sa paborito nilang tagpuan.

Hungkag na pakiramdam. Tila natagpuan nila ang isa't isa.

Malungkot na nakaupo sina Jamaica at Irish sa buhanginan.

Nasa gitna nila si Earl.

Nakatingin sa kalmadong karagatan.

Nakatayo si Ronron sa likod.

Masaya na syang pinagmamasdan ang tatlo.

Pinili nyang bigyan ito ng privacy para alalahanin ang pinakamamahal na kaibigan.

Hanggang sa mag unat ng kamay si Earl at pinag untog ang dalawang dalaga.

Tatawa tawang lumayo ang binata at tumakbo palapit sa kanya.

Hinabol naman sya ng dalawang dalaga.

Napuno ng tawanan.

Natawa na rin si Ronron.

Umiwas sya para makorner si Earl.

Napahiyaw ito ng dambahin ni Irish.

Napaluhod ang binata sa buhangin.

Agad na tumalon ang dalawang dalaga at pinaulanan ito ng kiliti.

Tawa ng tawa si Earl.

Halos mangisay na sya sa buhangin sa ginagawa ng dalawa.

. . .

Napangiti si Ronron.

Napakagandang pagmasdan ng tatlo.

Sa tagpong ito, namiss nya ang mga kaibigan.

Dinukot nya ang cellphone sa bulsa at kinontak ang numero ni Romeo para alamin kung nasaan na ito.

Pero sa malas, out of coverage ang binata.

Nagkibit balikat na lang si Ronron, marahil ay nasa byahe na ang mga kaibigan.

Muli, napangiti sya at sinilid ang cellphone sa bulsa.

Pinagmasdan nya ang tatlo na nakahiga sa buhanginan at nagtatawanan.

Hanggang sa tumayo si Irish.

Nagulat sya ng alisin nito ang suot na T-Shirt. Tanging bra na lamang ang natira at pagkuwa'y tumakbo sa dagat.

Napatayo din si Jam.

Ginaya nya ang kaibigan at hinubad din ang blouse pagkuwa'y tinaklob kay Earl.

Tatawa tawa itong sumunod sa dalaga.

. . .

Bumangon si Earl at lumingon sa kanya.

"Pare, ambango oh! " biro nito.

Natawa si Ronron.

"Gago. " tanging nasabi nya.

Tumawa ng malakas si Earl at sumenyas na lumapit.

Di na nakipagtalo si Ronron.

Marahan syang naglakad patungo dito.

"Why don't you join them ? " tanong nya.

Ngumiti si Earl at unti unting inalis ang T-Shirt.

"Sinabi mo pa! Lulunurin ko tong dalawang babaitang to. " sabi nya.

Natawa si Ronron ng ihagis sa kanya ni Earl ang mga damit nila.

Pero natulala sya ng may mapansin sa balikat ng binata.

May peklat ito.

Nag isip sya.

Pinilit hukayin ang kukote kung saan ba nya nakita ang peklat hanggang sa mapanganga ng maalala ang diary.

. . .

Nanlaki ang mga mata ni Ronron at nabitawan ang mga damit.

Pasimple syang lumayo at tinungo ang gilid ng kubo.

Sa nanginginig na mga kamay, hinugot nya ang cellphone sa bulsa at mabilis na tinawagan si Romeo.

Nagpasalamat sya ng makitang kumonekta ang tawag.

"Please Rom, sagutin mo na. " sabi nya.

Mukhang abala ang kaibigan dahil hindi nito sinasagot ang tawag.

Kinansel nya ito at muling nag dial.

Habang naghihintay, naisip ni Ronron na silipin ang tatlo.

Pero nanlaki ang mga mata nya ng makitang may ibang tao sa dagat.

Lalo syang natakot ng makita nyang buhat buhat ng dalawang lalaki sina Jamaica at Irish.

Base sa nakikita nya, kapwa walang malay ang dalawa.

Nanginig si Ronron at mabilis na nag isip ng plano.

Pero nagulat na lang sya ng may nagsalita sa likod nya.

"Nandito ka lang pala. " sabi ng boses.

Di na nagawa ni Ronron na lumingon dahil may kung anong matigas na bagay ang pumalo sa kanyang ulo.

Hilo syang bumagsak sa lupa.

Naitapon nya ng cellphone di kalayuan.

Pinilit nyang tumayo pero malakas na tadyak sa sikmura ang tuluyang nagpatumba sa kanya sa damuhan.

Sa nanlalabong paningin, pinilit nyang sinuhin ang may sala.

Tanging ang nakangising mukha na lamang ni Earl ang huli nyang nasilayan.

ITUTULOY !!!