1. Home
  2. Stories
  3. Phone Call Chapter 37 - Now or Never
Lagablab

Phone Call Chapter 37 - Now or Never

By supertoyantz ·

Chapter 37 - Now or Never

Napanganga si Ronron sa mga narinig mula kay Jam.
Di sya makapaniwala.
Naisip nya ang gabing paulit ulit na sinisigaw ng ina ni Angel na hindi daw sya nito anak.
Nagtatakang napatingin sya sa dalaga.
"K-kung hindi sya ang anak nina Tito Angelo, s-sino ? " tanong nya.
Nagkibit balikat si Jam.
"Hindi ko alam. After nyang pinagtapat sa amin ang katotohanan, unti unti na syang nagbago. " sagot nya.
Lalong napakunot ang noo ni Ronron.
"A-anong ibig mong sabihin? " sabi nya.
Akmang magsasalita si Jam ng pabalagbag na bumukas ang pinto.
Nagmamadaling pumasok si Earl at dumiretso sa tabi ng dalaga.
Binulungan nya ito.
Kita sa mukha ni Jam ang pagkabahala at napatingin kay Ronron.
Pagkuwa'y tumayo.
"How about Aaron ? Nakita na ba sya ? " tanong nya.
Umiling si Earl.
"Nope, he' still on the lose. Nakatimbre na naman sina sa lahat ng presinto sa palibot. Kung magsumbong man sya sa pulis, tatawagan agad tayo. " sagot nya.
. . . . .
Napalunok si Ronron ng pasimple.
Di nya akalain na ganito kaseryoso ang mga ito na linisin ang lahat ng mga nakasagabal.
Tila wala ng pakialam kahit mismong matalik na kaibigan pa ang sangkot.
. . . . .
Di nagtagal ay hinatak palabas ni Earl si Jam.
Muling sinara ng mga ito ang pinto at naiwan silang dalawa ni Irish sa loob.
Napatingin si Ronron sa dalagang nagsusumiksik sa sulok.
Hindi nya malaman kung makakaramdam ba ng galit o awa dito.
Pinili nya ang una.
"Masaya na kayo ? " tanong ni Ronron.
Bagama't masakit pa ang mga tama nya sa katawan, di nya ito ininda.
Pilit nyang pinihit ang kinauupuan paharap sa nakayupyop na dalaga.
"Di ba kayo natatakot sa karma ?" muli tanong nya.
Ngunit nanatiling tahimik na humihikbi si Irish.
Nagpatuloy lang si Ronron.
"Traydor. Siguro, ginusto mo rin yung nangyari para masolo mo si Aaron. Nasan na nga ba si Aaron, pati sya, kinatalo nyo. " maasim na sumbat nya.
Sukat doon, nag angat ng ulo ang dalaga.
Nagulat si Ronron ng makita ang nanlilisik nitong mga mata.
Dahan dahang tumayo si Irish at naglakad palapit sa kanya.
. . . . .
Napaatras ng pasimple si Ronron sa nakikitang galit sa mga mata ng dalaga.
Akmang magsasalita pa sana sya ng bigla na lamang bumalandra ang mukha nya pakanluran.
Ang matining na tunog ng sampal ni Irish ang nangibabaw sa loob ng silid.
Sumirit ang sakit.
Tila mas matindi pa ito sa suntok ni Earl.
Napangiwi si Ronron at wala sa sariling dumura ng dugo.
"B-bigat ng kamay. " bulong nya sa sarili.
Pinilit nyang ipaling ang mukha at humarap sa dalaga, ngunit muli syang nagulantang ng isa na namang malakas na sampal ang sumalubong sa kanya.
Halos humiwalay ang kaluluwa ni Ronron sa natamong parusa.
Kung di lang matindi ang pagkakatali sa kanya sa upuan, malamang ay kanina pa sya nakahandusay sa sahig.
Nais nya ring pagtakhan ang sarili.
Hindi pa sya nakakaranas ng ganito karahas na sakit ngunit nakapagtatakang hindi pa rin sya nawawalan ng malay.
Marahil ay dahil sa kagustuhan nyang iganti si Angel.
Ngunit sa kabila ng mga ito, nangibabaw ang isang katanungan.
"B-bakit ba ko nagpapakahirap sa lugar na to ?" tanong ng kanyang isip.
. . . . .
Sa kabila ng pamamanhid ng panga, naramdaman ni Ronron ang paghawak ni Irish at marahang pagpaling sa direksyon nito.
Yumuko ang dalaga at nakipagtitigan sa kanya.
Napagmasdan ni Ronron mukha nito.
Kung aalisin ang sitwasyon, siguradong mamamangha sya sa kaharap.
Ito na yata ang isa sa pinakamagandang mukha na nakita nya.
Matangos na ilong, katamtamang laki ng mga labi, mapupungay na mga mata na sinamahan ng ahit na kilay.
Sadyang maganda si Irish.
Kamukha ng crush nyang artista.
Ngunit batid nyang panlabas lamang ang ganda nito.
. . . . .
Saglit silang nagtitigan.
Kung kanina ay parang basang sisiw si Irish, ngayon ay para na itong tigreng maaari syang sagpangin anumang oras.
"Don't you ever say that to me again. " malumanay ngunit nagbabadya ang panganib sa boses ng dalaga.
Napalunok si Ronron, ngunit pinili nyang magpakatatag.
"Why ? Masakit ba ? Nakokonsensya ka ? Walang ganon Irish, wala ka non. Wala kayo non. " sa kabila ng hirap sa pagsasalita, nakuha nya pang laitin ang dalaga.
Napatiim bagang si Irish at automatikong umangat ang kamay para sana bigyan muli ng makatanggal eardrum na sampal si Ronron.
Pinikit na nito ang mga mata. Marahil ay para ihanda ang sarili sa sakit.
Ngunit sa huli, pinili na lamang nyang ibaba ang kamay at maupo sa kama sa harap nito.
. . . . .
Unti unting dumilat ang mga mata ni Ronron.
Ang inaasahan nyang pagyanig na naman sa kanyang mukha ay hindi dumating.
Bagkus, nakita nya ang dalagang hinihimas ang kwintas sa leeg nito.
Napatingin sa kanya si Irish at malungkot na napangiti.
"Alam mo bang gift sakin to ni Aaron ? " tanong nito.
Kumunot ang noo ni Ronron ngunit pinili na lamang nyang tumahimik.
Napatingin sa kawalan si Irish at tila binalikan ang nakaraan.
"I'll never forget that day. That's Earl's birthday. Nagpasya kaming icelebrate sa bahay nina Aaron kasi wala namang tao. Lima lang kami. " kwento nya.
Natigilan si Ronron ng maalala ang okasyon. Sa likod ng kanyang utak, tila may kung anong nasagi. Pilit nyang inalala kung ano nga bang meron sa kaarawan ni Earl.
Nagpatuloy pa si Irish.
Kasabay ng paghimas sa mamahaling kwintas sa leeg, binuksan nito ang isa pang pinto ng nakaraan.
. . . . .

1 year ago, 12th of July…..

Ang matinis na pagtunog ng alarm mula sa cellphone ang nagpagising sa ulirat ni Irish.
Dahan dahan nyang dinilat ang mga mata.
Madilim pa rin ang paligid.
Araw iyon ng sabado, wala silang pasok at kadalasan ay tanghali na syang gumigising.
Ngunit iba ng araw na yon, birthday ni Earl.
Napangiti sya ng maalala ang kaibigan.
Ang ngiti ay may kasamang pangungulila.
Nagpasya ang mga magulang nya na dito na sa Maynila manirahan pansalamantala dahil sa nalalapit na petisyon nya.
At dahil duon, nag desisyon na rin ang mga ito na dito na nya ituloy ang pag co-college na mahigpit nyang tinutulan.
Sulat sa huli, tinanggap na lamang nya ang katotohanang wala syang boses sa pamilyang ito.
Napabuntong hininga si Irish.
Sa pagkakaalala sa nakaambang na pag lisan, muli na naman syang binalot ng di maipaliwanag na lungkot.
. . .
Pasimple syang napangiting sa mga litrato sa side table.
Ang isang frame ay picture nilang lima.
Napangiti sya ng maalala ang araw kung kailan ito kinuhanan.
Graduation nila iyon at si Earl ang nag setup ng camera.
Muntik pa itong hindi makaabot dahil 3 seconds lang pala ang nasetup nito.
. . .
Natawa ng mahina si Irish ng maalala ang kaibigan.
Kagabi lamang ay nag usap sila nito sa telepono para kumpirmahin ang nauna ng paanyaya.
Well, di na naman sila kailangang paalalahanan dahil nakatatak na kanilang mga puso ang kaarawan ng bawat isa.
. . .
Iinot inot syang bumangot.
Saglit muna syang naupo sa gilid ng kama bago inangat ang kamay.
Pagkuwa'y sinulyapang muli ang litratong naka frame sa tabing mesa.
Napangiti ng simple si Irish at umahon ang kilig sa kanyang katawan ng masulyapan ang isa pang frame.
"Good morning baby." bati nya sa litrato.
Stolen shot yon ni Aaron habang nakatingin sa kung saan.
Napabuntong hininga si Irish.
It's now or never.
. . .
Pinindot ni Irish ang doorbell at naghintay na may magbukas ng pinto.
Hindi naman sya nainip dahil saglit lang ay unti unti ng bumukas ang maliit na gate pantao at sumilip ang matandang katiwala nina Aaron.
Napangiti ito ng makita sya at niluwangan ang bukas ng gate.
"Ay kayo pala Ma'am Irish, kanina pa po sila nandyan. " sabi nito at inakay papasok ang dalaga.
Habang naglalakad patungo sa front door, napansin nyang paroo't parito ang mga katiwala.
Napangiti si Irish at humakbang na papasok pero bigla syang pumihit.
Mula sa mamahaling bag, nilabas nya ang maliit na kahon.
Mabilis nyang inalis ang etiketa mula sa isang sikat na shop.
Siguradong magugustuhan ito ni Earl pero mabilis nya itong inabot sa matanda.
"Manang, pakitago po. Baka makita nung isa. " wika nya.
Natawa ang katulong.
"Parehas kayo ni Ma'am Jamaica. Pinatago nya rin sakin yung kanya. " imporma nito.
Nangingiting napailing na lang si Irish at tuluyan ng pumasok sa loob.
Eksaktong palabas naman si Jam hawak ang phone.
Muntik pa silang magkabungguan.
"Oy! Bruhaaa! Na miss kita! Hala sya, lalo kang gumaganda! " sigaw na bati ni Jam at mahigpit na niyakap ang kaibigan.
Agad namang gumanti si Irish ng sing init na yakap.
Matapos nuon ay napansin nya ang itsura nito.
"Oy! Where are you going ? " tanong nya.
Inangat ni Jam ang phone.
"I was about to call Angel. Kanina pa ko napupunta sa voicemail nya. Sabi naman nung bago nilang maid, nasa room lang daw. " sagot nito.
Kumunot ang noo ni Irish.
"Really ? Kala ko late na ko. Mas late pa pala ang bruha. Partida, galing pa kong Manila. Di kayo sabay ?" tanong nyang muli.
Umiling si Jam.
"Oo nga eh. Kanina, bago ako nagpahatid, dumaan pa ko sa kanila. Si Tito Angelo ang nakusap ko. ALam mo naman yon, nakapabusy. Pinapasok lang nya ko sa loob pero di ko na nga nagawa kasi nasalubong ko na yung Grace. " sagot din nya.
Nagtaka si Irish.
"Nag aalala na talaga ko sa kanya. I think we should talk to her in private. " suhestyon nya habang pinapanuod na mag dial ang kaibigan.
Napabuntong hininga si Jam.
"Wala, cannot be reached nya. Baka lowbat na kakatawag ko. " hula nya.
"Baka pinatay. " wika ni Irish.
Natigilan si pareho sa naisip.
Saglit pa silang nawalan ng sasabihin bago narinig ang masayang boses ni Earl mula sa pool area.
Nagkatinginan na lang sila.
"L-let's try to call her after 30 minutes. If wala pa ring sagot, sunduin na natin sya. " wika ni Jam.
Wala namang nagawa si Irish kundi marahang mapatango na lang.
. . .
Lumipas ang tatlumpung minuto.
Kasalukuyang nakaupo lang sa gilid ng pool ang apat at masayang nag mimiryenda.
"I can't believe na ginawa mo talaga yon pare. " sambit ni Aaron.
Natawa rin si Earl.
"Ako nga rin eh. Nakakahiya talaga. Biruin mo, ambaho ng utot ko. Pero wala talaga kong magawa, di ko na matiis. Kung makita mo lang kung anong itsura ng katabi ko sa fx. " natatawang kwento nito.
Humagalpak sa tawa sina Irish at Jam sa kwento ng kaibigan.
Namiss nila ito.
Tinungo kasi ni Earl ang pamilya nito sa ibang lugar at nitong umaga lang muling umuwi.
Natigil ang kanilang tawanan ng pumasok ang katiwala nina Aaron dala ang mga dagdag miryendang nirequest nila.
Nakangiting inabot ni Jam ang tray at nagpasalamat pero nanlaki ang mga mata nya nang makita ang kanina pa inaantay na kaibigan.
"Angel! " sigaw ni Jam.
Napalingon ang lahat sa bukana ng salas at duon ay nakita nila ang kaibigan.
Napatayo si Aaron at sabik na sinalubong ng yakap si Angel.
Natigilan si Irish.
Bagama't namiss din nya ang kaibigan, masakit pa rin sa kanya nag nakikita.
Sa tagal ng panahon na magkakasama sila, di pa rin sya sanay.
. . .
Lumipas na ang mga oras.
Parang naibalik ang kahapon.
Tila walang nagbago.
Malutong na tawanan at asaran ang nangyari.
Sa pagitan ng mga ito, pasimpleng nag mamasid si Irish.
Isa isa nyang tinitigan ang mga kaibigan dahil baka matagalan na ang susunod o baka nga wala na.
Pero mabilis nyang winaksi ang huling naisip.
Napatingin sya kay Jam, kita nyang lalo itong gumaganda. Bagama't may kasungitan, batid nyang mabait ito at mapagkakatiwalaan. Close nga lang ito at si Angel ng kaunti pero di nya ito ikinapangamba.
Natural lang yon dahil magkapit bahay ang dalawa.
Sumunod naman nyang tiningnan ang birthday boy sa tabi nito.
Sa kanan, hawak ni Earl ang baso ng mamahaling alak na nilabas ni Aaron.
Sa kaliwa, hawak nito ang bagong cellphone.
Di magawang uminom ni Earl dahil sa kung anong ipinapakita nito kay Jam na tinatawanan lang ng kaibigan.
May napansin syang kakaiba sa binata. Bagama't hindi naman gaaanong nakapagtataka pero pansin nyang tila biglang nahilig ito sa pagsusuot ng mga alahas.
Kanina nya pa napapansin ang nangingintab na relos sa isa nitong kamay pati na ang matabang kwintas na nakasabit sa leeg.
Hindi sya sanay na maraming alahas si Earl.
Ang kilala nya ay simple lamang manamit pero dalang dala naman ang sarili.
. . .
Ipinagkibit lang nya ng obserbasyon at inasar ang kaibigan.
"Yung totoo, umaga na oh. Ayaw mo lang atang tumagay eh. Kung anu ano pang sinasabi mo kay Jam. Lasing ka na ata eh." biro nya.
Nagtawanan ang lahat at napakamot si Earl.
"Huh ? Si Earl the drunken master ? Ako malalasin ? Sus, di pa nagagawa ang alak na lalasing saken. " wika nito at tinitigan ang hawak na baso. Nag sign of the cross muna sya bago napilitang inumin ang mapait na likido.
Napangiwi ang binata sa sama ng lasa, ilang saglit pa ay sunod sunod itong inuto.
Lalong silang naghagalpakan.
"Drunken master ? Baka hika master! " dagdag pa ni Angel.
Nagtawanan silang muli.
Napatingin si Irish sa kaibigan.
Simula't sapul, kinainggitan na nya ito.
Nasa dalaga na ang lahat ng kaibig ibig na bagay.
Pati ang kanyang nag iisang minamahal.
Hindi nya alam kung hanggang saan aabot ang nararamdaman nya pero wala talaga syang alam na gawin para paglabanan ito.
Isa si Aaron sa dahilan kung bakit sya napapayag ng mga magulang na lumuwas na lang ng Maynila.
Nais nyang mapalayo dito.
Bagama't mahirap, kailangan nyang subukan dahil batid nyang wala syang laban kay Angel.
. . .
Napatitig si Irish sa kaibigang dalaga.
Alam kaya nito ang nararamdaman ni Aaron ? Hindi siguro dahil wala namang nagbago.
Ilang buwan na rin ng ipagtapat nito ang tungkol sa totoong relasyon sa pamilya Lacson.
Bagama't nabigla silang lahat, hindi ito naging dahilan para lumayo ang loob nila sa isa't isa, bagkus ay lalo nilang minahal ito.
Mahal nya si Angel bilang kaibigan at kapatid, ngunit sa hindi nya maintindihang kadahilanan, ayaw nyang makita ito at si Aaron na nagmamahalan. Sa ibang babae baka pwede pa pero hindi si Angel.
Hindi nya alam pero sadyang masakit.
Winaksi nya ang nasa isip at dumako ang paningin sa kalapit na upuan.
Si Aaron, ang matagal na nyang minamahal ng lihim.
HIndi nya alam kung alam na nito ang feelings nya at nag tatanga tangahan na lang.
Buo na ang kanyang plano.
It's now or never.
Sa naisip, inagaw nya ang baso kay Earl at mabilis na sinalinan ng alak pagkuwa'y tinunggal ng ilang segundo lamang.
Natulala ang lahat.
Natawa si Irish at binaba ang baso.
"Ganito ang pag inom. Walang sabit. " pagyayabang nya pero bigla din syang umubo.
Nagkatinginan na lang ang apat at pagkuwa'y humagalpak na lang rin ng tawa.
Maya maya ay lumabas ang nanay ni Aaron na nakaroba.
"Kids, hinay hinay lang ha ? Enjoy the night. Wag na kayong lumabas at baka kung mapano pa kayo. If you need food, there's plenty of it sa kitchen, snacks or cake. Nag bake ako kanina. " nakangiting wika nito.
Naghiyawan ang lima.
Tumayo si Earl at nilapitan ang nanay ni Aaron.
"Oh narinig nyo ? Ubusin daw natin ang supply nila dito. " biro nya.
Natawa ang nanay ni Aaron at niyakap ang binata.
"Happy birthday iho. Hala at baka kanina pa ko hinahanap ng tito nyo. Enjoy your day. " sambit nya sabay halik sa pisngi.
Gumanti ng yakap si Earl.
"Thank you so much Tita. " wika nya.
Tinapik lang ng ginang ang binata.
Tumayo si Aaron at hinalikan sa pisngi ang ina.
"Kami ng bahala dito Ma, sleep ka na. " sabi nya.
Tumango lang ang ginang at kumaway sa mga kabataan.
Gumanti naman ang lima.
. . .
Mag aala una ng madaling araw, tahimik na ang kabahayan.
Sa salas, sinalin na ni Earl ang huling patak ng alak at inangat.
Nagkanda duling duling na sya sa pagtitig dito.
Isa isa nyang tinitigan ang mga kaibigan.
"G-guys, may gusto lang akong sabihin sa inyo. " wika nya sa lasing na tono.
Tinatamad na napatingin sa kanya ang apat.
"Hindi ako sanay uminom, kanina pa ko sumusuka sa cr. Oo na, inaamin ko na. Hindi ako nagkape, sumuka talaga ko. " pagtatapat nya.
Naghagikgikan ang mga babae.
Ngumiti lang si Aaron.
"Alam ko gago. Kasama mo ko. " paalala nya.
Kumunot ang noo ni Earl.
"Huh ? Di ba si Jam yon ?" tanong nya.
Natawa si Jam at binato ng unan ang kaibigan.
Nagpatuloy si Earl.
"Ah basta, salamat pare. Salamat talaga. Una, dito sa birthday. Kung bibigyan ako ng isa pang taon, dito ko ulit gustong mag celebrate. " mahinang wika nya.
Naiinis na bumangon si Jam.
"Kung makapagsalita ka, parang last birthday mo na. " wika nya.
Natawa si Earl.
"Nah, we can't say what will happen in the future. Basta ako, cherish what I have right now and to hell with the future. " sagot nya.
Natawa si Irish.,
"Lasing na nga, amerikano na eh. " pang aasar nya.
Natawa lang si Earl.
Tinaas nya ang huling tagay at muling pinasadahan ng tingin ang mga kaibigan bago inisang lagok ito.
Sumirit ang pait ng alak.
Halos masuka suka na sya ngunit pinilit nya pa rin itong lunukin.
Napahiyaw si Earl.
"Whooo! Shit talaga tong alak mo Aaron. " wika nya.
Nagtawanan sila.
Tumayo si Aaron.
"Guys. " sabi nya.
Napatingin sa kanya ang iba at tumango.
Kumunot ang noo ni Earl pero napanganga sya ng maglabas dukutin ni Aaron mula sa kung saan ang isang box.
"For you pare. " wika nya sabay abot sa kaibigan.
Natulala si Earl.
"W-what's this ?" tanong nito.
Ngumiti si Aaron at nagkibit balikat.
"Open it. " sagot nya.
Napalunok si Earl.
Inalis nya ang balot at napanganga sa nakitang susi.
"A-ano to pare ? " tanong nya.
"Susi tanga. " sagot ni Aaron sabay tawa.
"Alam ko gago, pero bakit mo ko binibigyan ng susi ? " tanong ni Earl.
Napangiti lang si Aaron.
"Remember yung sinabi mong motorcycle na nakita natin dati ? " sagot nya.
Unti unting nangilid ang luha sa mga mata ni Earl.
"W-wag mong sabihing, b-binili mo sakin yon ? " tanong nya.
"Gago, wala kong pera pa. Susi muna. " pang aasar ni Aaron.
Natawa si Earl.
"Hahaha, ayos lang pare. Salamat dito. " wika nya.
Pero tumawa din si Aaron.
"Di biro lang. Nasa gilid ng kotse ko. Yung tinatanong mo kanina kung ano ba yung nakabalot. Remember nagalit pa ko sayo nung aalisin mo yung takip ? Gago ka eh. Anlikot mo, muntik ng masira yung surprise ko. " kwento nya.
Napanganga si Earl.
Wala syang masabi kundi dinamba nya lang ang kaibigan.
"S-salamat pare. Salmat talaga. Babawi ako. " naiiyak na sabi nya.
Nagtawanan lang sila.
Sumunod na naglabas ng kahon si Irish.
"Oh, nadampot ko sa labas. " wika nito.
Natigilan si Earl at napatingin sa kahon.
Unti unti na namang nangilid ang mga luha sa kanyang mata.
"Shit naman, wag ganito. Sana bukas na lang. " naiiyak na sabi nya.
Natawa lang si Irish at inabot ang kahon.
Nanginginig na binuksan ni Earl at napanganga sya sa nakitang tatak.
"S-shit, shit talaga. I, m-mahal to! " hiyaw nya.
Napangiti lang si Irish at nginuso ang suot nitong relos.
"Pano yan ?" tanong nya.
Agad na hinubad ni Earl ang suot na relo.
"300 lang to sa bangketa. " naiiyak na sabi nya at mabilis na sinuot ang regalo ni Irish.
Napangiti sila sa kaibigan.
Lumapit si Jam at niladlad ang T-Shirt.
Lalong naluha si Earl ng makita ang t-shirt na may mukha ng paborito nyang banda.
Pero tinuro ni Jam ang isang bahagi ng damit.
"D-don't tell me. " wika nya.
Napatango si Jam.
"Yup, pirmado yan boy. " pagyayabang nya.
Napatalon si Earl at mahigpit na niyakap si Jam.
"Oh my, the best talaga kayo. " naiiyak na wika nya.
Sa malayo, napangiti si Angel at nahihiyang nilabas ang isang tila album.
"Earl kulit, di to singmamahalin ng mga gift nila. Pagpasensyahan mo na. " sabi nya sabay abot ng album.
Napatingin ang lahat at nakiusyoso.
Isa silang natouch ng makita ang mga pictures ni Earl pati na ng tropa.
Cute na cute itong naka compile.
Natouch hindi lang ang binata kundi ang tatlo.
Napangiti.
Si Earl naman ay di makapagsalita.
Tanging pagluha na lamang ang kanyang nagawa.
. . .
Madaling araw na ng maalimpungatan si Irish.
Pakiramdam nya ay lumulutang sya sa ere.
Dahan dahan nyang dinilat ang mga mata. Natigilan sya ng mapansin nyang tila gumagalaw ang langit.
Kinurap kurap nya pa ng mga mata at duon nya lang napagtantong kisame pala iyon.
Napatingin sya sa kabilang dako.
Malapad na dibdib ang sumalubong sa kanya.
Ilang saglit lang ay naramdaman nyang unti unti na syang ibinababa ng kung sinuman sa malambot na kama.
Napatingin sya sa maamong mukha ni Aaron.
Wala sa loob na inangat ang kamay.
"H-hi. " bulong nya.
Ngumiti ang binata.
"Hello, sleep ka pa. It's only past 2. Nakatulog ka na sa sofa kaya inakyat na lang kita dito para kumportable ka. " kwento nito.
Wala na sa sinasabi ng binata ang atensyon ni Irish kundi sa mapulang labi nito.
Walang pumapasok sa kanyang tenga.
Inangat nya ng kamay at umangkla sa leeg ni Aaron.
Inipon nya ang lakas ng loob at walang sabi sabing diniin ang sariling labi sa mga labi rin nito.
. . .
Napatda ang binata.
Nanigas ng ilang segundo bago unti unting naramdaman ang paggalaw ng mga labi ng dalaga.
Dahil sa tama ng alak, nagustuhan nya ang nangyayari kaya nagpatangay na lamang sya sa agos.
Matagal.
Unti unting lumalalim ang kanina'y paggalaw lamang ng mga labi.
Hanggang sa pakiramdam ni Irish ay uminit ang silid.
Marahan na gumapang ang kanyang kanang kamay sa braso ng binata patungo sa matigas nitong dibdib.
Maging si Aaron ay unti unti na ring nadarang.
Hiniga nya ang dalaga at diniinan.
Marahas, lalo pa silang nag patupok sa init na patuloy na kumakalat sa kanilang sistema.
Hanggang sa unti unting nag laho ang kay Irish.
Marahil ay sa pagod at kalasingan, nalunod ang dalaga sa kadiliman at ang huling naalala nya ay ang pagsuot ni Aaron ng makintab na bagay sa kanyang leeg kasabay ng marahang bulong.
"For you. " mahinang sabi nito.
Napangiti si Irish.
Sa nakapikit na mga mata, muli nyang dinampian ng halik si Aaron at sinalita ang nararamdaman.
"Mahal kita Aaron. " sambit nya sa bulol na boses at tuluyan ng nilamon ng antok.
. . . .
Dahan dahang sinar ni Aaron ang pinto ng silid.
Napalunok sya ng sunod sunod.
May tila kung anong binuhay si Irish sa kanyang sistema pero hindi nya ito mapangalanan.
Sa kanyang batang edad, hindi pamilyar sa kanya ang sensasyon.
Tila may kung anong init ang nais kumawala sa kanyang katawan.
Muli syang naglakad pababa ng hagdan para naman damputin si Angel.
Una nyang hinatid sa sariling silid si Jam katabi ni Irish.
. . .
Humakbang si Aaron sa mga paa ni Earl na nakahambalang sa daan.
Lumapit sya sa tulog na tulog na si Angel.
Masuyo nya itong tinitigan at muli na namang umahon ang matagal na nyang kinikimkim na damdamin para sa dalaga.
Hinaplos nya ng pisngi nito.
Napangiti ng kimi at napabuntong hininga.
"Kung sana ikaw ang nagsabi ng sinabi ni Irish, hindi mo alam kung gaanong saya ang mararamdaman ko. " bulong nya at tuluyan ng binuhat ang dalaga.
Buong pag iingat na inakyat nya ito sa hagdan.
Malapit na sya sa bukana ng biglang gumalaw si Angel.
Pumalag ang dalaga at muntik na nya itong mabitawan.
"N-nasusuka ko. " hiyaw ni Angel.
Nataranta si Aaron.
"S-sa Room ko. " turo nya ngunit sa halip, sa kabilang pinto pumasok ang dalaga.
Guest room yon at duon sana nya balak matulog katabi ni Earl tulad ng dati nilang ginagawa kapag nag o-overnight ang mga ito.
Mabilis syang sumunod.
Marahil ay dahil sa sanay na si Angel sa bahay ay hindi na ito nahirapang hagilapin ang banyo.
Sumunod si Aaron at duon nga nya naabutan ang dalagang sumusuka sa bowl.
Binuksan nya ang ilaw at tinabihan ito kasabay ng paghagod sa likod.
Hindi sya nakaramdam ng pandidiri bagkus ay pag aalala.
. . .
Mahilig limang minuto ring sumuka ang dalaga bago lantang gulay na sumandal sa pader.
Nakaramdam ng awa si Aaron.
Lumabas sya ng banyo para maghanap ng twalya.
Pagbalik nya ay nagulat sya ng makitang tulog na tulog si Angel.
"Hoy!" sita nya.
Pero tila walang narinig ang dalaga.
Napailing na lang si Aaron.
Muli nya itong binuhat at hinatid na lang sa kama.
Duon na lang sila sa sala matutulog ni Earl.
Akmang aalis na sya ng makita nya ang damit ng dalaga.
May suka ito.
Nagtalo ang kunsensya kung papalitan nya ba ito o hahayaan na lang.
Sa huli, naisip nyang mangangamoy ang kaibigan kung pababayaan na lamang nya ito.
. . .
Pikit matang inalis ni Aaron ang t-shirt ng dalaga.
Pilit nyang iniiwasang mapatingin sa dibdib nito.
Mahal nya si Angel.
Pakiramdam nya ay hindi tamang pagsamantalahan nya ito.
Pero mahirap ang hindi mapalingon, tinatalo sya ng tama ng alak.
Natigilan sya ng sumagi ang isang kamay sa dibdib nito.
Napalunok si Aaron.
Unti unting napatingin.
Pero sa huli ay inatake sya ng kunsensya at dali daling binihisan ang minamahal.
Di nagtagal ay natapos din ang kanyang kalbaryo at napalitan ng damit nya ang dalaga.
Dali daling umalis si Aaron at lumabas ng silid.
Pagkasara ng pinto, napasandal pa sya at pinikit ang mga mata.
Buong buo sa kanyang imahe ang mayamang dibdib ni Angel.
Saglit lang iyon pero hindi sya makapaniwalang nabuhay ang kanyang pagkalalake.
Mabilis na mabilis ang tibok ng kanyang puso.
Pilit winawaksi ang kanina pa nag lulumikot sa kanyang utak.
Humakbang palayo.
Nasa bukana na sya ng hagdan ng bigla syang mapahinto at sinulyapan ang saradong pinto kung saan himbing na natutulog si Angel.
Sa likod ng kanyang utak, nagsusumiksik ang isang ideya.
Parang sinasaniban ng demonyo, unti unti syang pumihit at humakbang pabalik.
Tumigil sa tapat ng saradong pinto.
Napatitig sa doob knob, dahan dahang inangat ang kamay at mahigpit itong hinawakan.
Napalunok sya ng tatlong ulit.
"It's now or never. " bulong nya sabay pihit.

ITUTULOY !!!