1. Home
  2. Stories
  3. REGINA... Ang unang bahagi
Filipino Sex Stories

REGINA... Ang unang bahagi

By sweetcouple02 ·

Regina, yan ang pangalan ko. Kilalang kilala ako noon nung ako ay nasa kolehiyo.

May katangkaran ako at pinagpala na magkaroon nang maamong mukha, maganda at seksing pangangatwan at ang higit sa lahat naging crush ng bayan.

Madalas kasali ako sa mga beauty contest ng campus kaya nakilala ako. At isa pa kaliwat kanan ang mga manliligaw ko at isa na rito si IVAN isang barsity player ng campus.

Matangkad,guwapo at iniidolo ng lahat lalo na ng mga kababaihan at isa na ako dito.

Nang ligawan nya ako hindi muna ako nagpakita ng interest ayaw kong malaman nya na may gusto din ako sa kanya.

Isa pa ayaw ko munang mag ka bf gusto ko munang maka tapos ng pagaaral at makamit ang pinapangarap na maging isang sikat na modelo balang araw.

Pero nangyari ang hindi inaasahan. Ako din pala ang lulunok sa mga sinabi ko

Nangyari ito noong inimbitahan ako sa isang handaan, kaarawan ng aking matalik na kaibigan

Imbitado ang lahat at isa na nga dito si IVAN.

Nagkainuman, hanggang sa nagkalapit kami sa isat-isa at nagkakwentuhan

Hindi naman ako nainuman talaga ng alak pero dahil sa alok at kakakulit nang ilan kaya ko sila napagbigyan.

Hindi ko na namalayan na napaparami na pala ang aking naiinum, at dala marahil ng espiruto ng alak na lasing ako at na blanko.

Nagising na lang ako sa isang kuwarto at katabi ang lalaking unang naka angkin sa akin…si IVAN

Galit na galit ako nun sa sarili ko, hindi ko kasi nagawang mag control.

Dahil sa minsan lang akong makadalo sa ganung mga kasiyahan kaya hindi ko namalayang napasobra na pala ako.

Galit na galit din ako kay IVAN sinamantala nya kasi ang aking kahinaan.

Pero anu pa ang magagawa ko, nangyari na ang lahat.

Simula ng gabi nayun ay hindi ko na sya pinansin kahit na madalas syang lumapit sa akin at humihingi ng paumanhin.

Ayaw kong malaman nang iba ang namagitan sa amin, lalo na ng pamilya ko

Paano na ang pagaaral ko, ang mga pangarap ko…

Pero sa awa ng dyos nakapagtapos naman ako, buti na lang at hindi nagbunga ang nangyari sa amin ni IVAN.

Araw ng graduation ng lapitan nya ako at muli humingi sya sa akin ng sorry

tila malambot yata ang puso ko nang araw na yun at isa pa napaka gwapo nya sa kanyang porma

kaya pinatawad ko sya.

Tuwang-tuwa naman ang loko, kita naman kasi sa kanya ang senseridad sa paghingi ng tawad

Isa pa iyun na rin marahil ang huling araw na kami ay magkikita.

Isang taon ang lumipas, may maganda na akong trabaho. Paminsan-minsan sideline ko ang pagmomodelo.

Kahit papaano natutupad nang paunti-unti ang pangarap ko.

Pauwi na ako sa amin ng may masalubong ako

Sa hindi inaasahang pagkakataon muling nag krus ang landas namin

Ang lalaking unang pumitas ng aking pag ka birhen..si iVAN

Hindi na ako nakaiwas pa ng ayain nya akong pumunta sa isang maliit na kainan para duon ay makapag kamustahan kami.

Kamustahan at kwentuhan sa dating mga kaibigan ang naging topic nang aming usapan

Habang nagkukwento sya, hindi ko naman maiwasang hindi humanga sa kanya

Mas lalo kasi syang gumuwapo at gumanda pa ang katawan nito

Kaya ng matapos ang aming usapan, nagpalitan kami ng numero

At yung gabi nayun nagsimula ang lahat

Bawat araw ay nagpapalitan kami ng mga sweet na minsahe

Nandyan na yung kamusta ka na?,kumain ka na ba?, wag kang papagutom ha?

At paminsan-minsan pa ay nagkikita at lumalabas kami

Hanggang sa natagpuan ko na lang ang aking sarili na na inlove na sa kanya

At gayun din sya sa akin

Saan pa ba hahantong ang lahat, kundi sa kasalan na

Kaya hindi na ako tumanggi pa nang alukin nya akong iharap sa dambana

Hindi naman tumanggi ang aking pamilya, gayun din ang mga magulang nya

Kaya natuloy din ang mahaba naming paglalakabay sa isang simpleng kasalan.