1. Home
  2. Stories
  3. Roy: Book 3 - Part 6
Pinoy Tambay

Roy: Book 3 - Part 6

By farut_barbakusi ·

Masiglang bumalik ng Manila si Roy pagkatapos ng napakagandang weekend kay Minda. Habang nasa high-way ay nagka-calculate na ang utak ni Roy kung paano niya susuhetuhin itong si Iyya. At the same time ay kailangan din niyang amuin ang GF na si Via. Hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob ni Via kaya't hindi ito sumama nung umuwi si Roy kay Minda.

Bago umuwi sa condo nila ay dumaan si Roy sa isang flower shop. Madilim na ang paligid at laking tuwa naman ni Roy nang makakita ng flower shop na bukas pa. Agad na nag-park si Roy at pumasok sa tindahan.

"Good evening sir." bati ng babae na mukhang siya ang may-ari ng flower shop.

"Hi." bati din ni Roy. "I need a bouquet of flowers?"

"This way sir." sabi ng babae at pinakita kay Roy ang iba't ibang klase ng bulaklak. Medyo nahihirapang mamili si Roy ng bulaklak at napansin ito ng babae na hindi naman nahiyang magtanong.

"Para saan po ba ang bulaklak sir?" tanong nito.

Ngumiti si Roy. "Pampaamo sana."

Natawa ang babae pagkatapos ay kumuha ito ng ilang pirasong bulaklak mula sa display pagkatapos ay kumuha sa kabilang display at sa kabila hanggang makabuo ito ng isang bouquet ng iba't ibang klase ng bulaklak. In-explain ng babae kung ano ang magiging itsura ng bouquet kapag inayusan. Nagustuhan naman ni Roy ang plano ng babae kaya't agad na pumayag ito.

"How long will it take for you to put it together?" tanong ni Roy.

"About an hour sir. If you want you can come back to fetch it. There's a Starbucks on the next street if you want to wait there." sabi ng babae.

"Oh good." sabi ni Roy. "Sige I'll come back after an hour."

Naglakad si Roy papuntang Starbucks. Pumasok siya sa loob at umorder ng brewed coffee para hindi siya antukin. Umupo sa table sa labas ng Starbucks si Roy at unti-unting hinigop ang kape niya. Maraming tao ang naglalakad sa kalye at maliwanag ang paligid. Naramdaman ni Roy na naging relax ang katawan niya at nagustuhan niya ito. Stressed up din siya for the past month at ang kaunting relaxation na nararamdaman niya ngayon ay parang blessing na sa kanya.

"That is not what I told you! Have I not explained it clearly enough?"

Napatingin sa likod niya si Roy. Sa dulo ay may isang babae na galit na galit na nakikipag-usap sa cellphone. Hindi na niya pinansin ito ngunit patuloy na nagsisigaw ang babae.

"Napakatanga mo! Paano ka nakatagal sa trabaho mo? Simpleng instructions lang hindi mo pa masundan!"

Hindi maiwasan ni Roy na mapatingin sa likod niya. Parang kilala kasi niya ang boses nung babae.

"I want that new bed delivered tonight! I told you, Lavender Green ang kulay na gusto ko, hindi pure GREEN! Tonto!"

Napatingin ulit si Roy. Nakita niya ang babae na tumalikod at mukhang may tinatawagan ulit sa cellphone. Na-realize ni Roy na naubos na niya ang kape niya, at dahil halos isang oras pa siyang maghihintay ay tumayo ulit ito para bumili ulit ng kape. Sa puntong ito humarap ang babae sa dulo at agad na nakilala ito ni Roy.

"Iyya?"

Hindi malaman ni Roy ang gagawin. Gusto niyang bumalik sa Flower Shop para maiwasan si Iyya. Ngunit naisip niya na if ever there is right time to speak to Iyya, siguro ngayon na

Nakatungo ang ulo ni Iyya habang nagda-dial sa cellphone ng maramdaman nito na may lumapit sa kanya. Pag-angat ng ulo niya ay nagulat pa ito nung makita si Roy na nasa harap niya.

"Roy?" gulat na tanong nito.

"Do you need company?" tanong ni Roy.

Hindi agad nakapagsalita si Iyya. Nasa mukha nito ang pagtataka. But after a few seconds, tinuro nito ang silya sa harapan. Umupo si Roy at pareho silang nagtinginan, nagpakiramdaman. After a while si Iyya din ang bumasag sa katahimikan.

"Why are you here pala?" tanong ni Iyya.

"Oh." sabi ni Roy. "Well, I'm waiting for the bouquet of flowers that I ordered."

"Flowers?" tanong ni Iyya.

"For someone special." sagot ni Roy.

"Oh, someone special." ngiti si Iyya at iiling-iling na nagpipindot na naman sa cellphone niya. "Why? Marunong ka na rin bang manligaw boy?"

Tumawa si Roy. "Boy?" sabi nito pagkatapos ay tumahimik sandali. "Why do you always call me that?"

"Because that's what you are Roy." sabi ni Iyya. "You're just a child being forced to a high position in the company."

"No one's forcing me to do this." sabi ni Roy.

"No?" sabi ni Iyya. "Come on Roy. I'm five years older than you. When I was in your age I started from the bottom. I worked my way up, slowly but surely. My superiors threw everything at me but I proved to them, na deserving ako sa title ko ngayon."

"I survived Roy." patuloy ni Iyya. "Not because I'm the daughter of the CEO. But because I'm tough. Because I deserve. And I am the best."

"Is that why you're so hostile with me?" tanong ni Roy. "You think hindi ko pinaghirapan ang title ko ngayon?"

Hindi sumagot si Iyya.

"Well Miss Valero." sabi ni Roy. "Since you told me something about yourself, let me tell you something about mine. Yes I'm the son of the CEO, heck I'm the son of the owner of the company. But Miss Valero, I'm not just any kid you knew in your block. Like you, I strived to be the best. In school I always landed at the honor roll. First honor Miss Valero. From first year high school onwards. I was President of the student council and the school's science club and I graduated Valedictorian in high school."

Umiiling si Iyya habang nagkukuwento si Roy.

"In college I continued my desire to be the best. I graduated top of my class. I was Cum-Laude." patuloy ni Roy.

"Is there a point in this?" tanong bigla ni Iyya.

Tiningnan siyang mabuti ni Roy. "The point Miss Valero, is we are the same. We both strive to become the best and we both succeeded. Yes, magkaiba ang experience natin, but we arrive at the same destination."

"You are not like me Roy." sabi ni Iyya. "You can shout out loud your accomplishments in college, but iba ang tunay na mundo. Dito sa mundo natin ngayon, hindi na uubra ang theoretical. Application dito. Dito we need results!"

"Yes." sagot ni Roy. "But we can't achieve results kung lagi tayong nag-aaway di ba? Why do we have to be in each other's throats Iyya? Why can't we work together?"

"Work together?" tumawa si Iyya.

"YES. Work together, hand in hand to keep the company growing. Tapusin na nating ang away nating dalawa. Kailangan ko ang cooperation mo Iyya. Hindi para sa akin, kundi para sa kumpanya." sabi ni Roy.

In-extend ni Roy ang kamay niya kay Iyya. "Tell me you'll work with me Iyya." Tiningnan siya ni Iyya na parang gusto nitong matawa ng malakas, maya-maya napalitan ang itsura ng mukha niya na parang sukang suka kay Roy.

"I can't work with someone who is not experienced enough in running a company!" sabi ni Iyya. "Look at you! You're asking for my help? My cooperation? The only way I'm going to cooperate with the company is when they install someone who is experienced enough to run the company. Someone who is definitely not you."

Tiningnan siyang mabuti ni Roy. Matagal. Pagkatapos ay inayos ni Roy ang sarili niya at tumayo. "In that case Miss Valero I want your resignation papers on my desk tomorrow morning."

"What?" sabi ni Iyya. "Are you shitting me?"

"What do you think I'm doing?" tanong ni Roy, matigas ang dating ng mukha ni Roy at nagtataging ang mga bagang niya. "Playing a game with you? No Miss Valero. I offered you a peace treaty pero sinampal mo ito pabalik sa akin. You clearly have no respect for me and I have no reason to respect you! Your resignation papers. Tomorrow."

Tumayo si Iyya at dinuro si Roy. "Who do you think you are!"

"I am your superior that's who!" sigaw ni Roy mas malakas na ang boses niya ngayon kay Iyya. "You stick that in your head Miss Valero."

"Ang galing mong sisantihin ako." sabi ni Iyya. "Bakit? Kaya niyo na bang patakbuhin ang kumpanyang ito ng wala ako? Do you think na papayag ang Presidente natin sa desisyon mo?"

Tiningnan siya ni Roy. Pagkatapos ay hinugot ang cellphone niya at may tinawagan. "Hello, Eddie. Hi it's Roy. I believe we have to let Miss Valero go. Yes that's what I said. I need a unified sales team, and I need my managers on my side. Unfortunately, Miss Valero does not think that way."

"What the fuck?" hindi malaman ni Iyya ang gagawin. Matalim ang titig ni Roy sa kanya habang kinakausap ang presidente ng kumpanya.

"Oh sure." tawa si Roy habang kausap ang Presidente ng kumpanya nila. " Yeah, I'll make sure mama knows. Thank you Eddie, see you tomorrow." pagkatapos ay binulsa na ni Roy ang cellphone niya at tinitigan si Iyya. Hindi makapagsalita si Iyya at nakatingin lang ito kay Roy. Halatang nabigla si Iyya sa mga nangyari.

"Your resignation paper tomorrow Miss Valero." ulit ni Roy. "I want it on my desk at 9 am." Walang sabi-sabing tumalikod si Roy at iniwan si Iyya na walang nagawa kundi maupo na lang.

SA CONDO nila two hours later, dumating si Roy na may dalang bouquet ng bulaklak. Nasa dining room si Via at kumakain. Nilapitan siya ni Roy, hinalikan muna sa pisngi bago ibigay ang mga bulaklak.

"Para saan ito?" tanong ni Via.

"For you." sabi ni Roy, pagkatapos ay hinawakan ang kamay ni Via. "I'm sorry love."

Tiningnan siya ni Via, mayamaya ay yumakap ito kay Roy. "I'm sorry too love."

Niyakap ng mahigpit ni Roy si Via. "I love you." at hinalikan niya sa labi ang kasintahan. Matagal pagkatapos ay tinulak siya palayo ni Via. "Okay tama na, kumain ka na ba?"

"Hindi pa. Ano ba ulam?" tanong ni Roy.

"Mechado." sabi ni Via pagkatapos ay nagpunta sa kusina para kumuha ng plato.

"Wow, yung paborito ko pang ulam!" sabi ni Roy. "Ano ba ang okasyon?"

Hindi muna siya sinagot ni Via. Hinainan muna si Roy. Pagkatapos ay bumalik sa kinakain niya.

"There is something you are not telling me." sabi ni Roy. Ngumiti si Via sa kanya na parang nanunukso pero hindi nagsalita. Hindi naman makuha ni Roy ang gustong iparating ni Via.

"Ano nga?" tanong ni Roy.

"Do you notice anything different?" sabi ni Via sabay kagat sa prutas na kinakain nito. Hindi talaga makuha ni Roy. Tiningnan niya ang girlfriend, napakaganda pa rin nito at wala namang pinagbago siyang nakikita dito. Tiningnan niya ang paligid thinking na baka may biniling bagong gamit si Via.

"Ako ang tingnan mo Roy!" sabi ni Via.

"Eh ano ba ang dapat kong makita?" tanong ni Roy na gulong gulo na. Pinandidilatan siya ni Via na parang may tinuturo ito. Nagkamot ng ulo si Roy dahil hindi pa rin niya makuha ang gustong sabihin ng GF. Maya-maya napadako ang mata niya sa kinakain ni Via at napakunot noo siya.

"Kelan mo pa nagustuhang kumain ng hilaw na mangga?" buong pagtatakang napansin ni Roy. "You hate anything sour---"

Biglang natigilan si Roy. At once naintindihan niya ang gustong sabihin ng GF. Nanlalaki ang mga matang tiningnan na mabuti si Via, lalo na ang tiyan nito.

"You mean…."

"Congratulations Roy." sabi ni Via. "You're about to become a daddy."

"How… How did you know?" sabi ni Roy.

"I consulted my OB-Gyne a few days after nung last contact natin." sabi ni Via. "Nakaka-experience kasi ako ng pagkahilo and I suspect that something must have been happening in my body na."

"And?" tanong ni Roy.

Kumagat ulit sa manggang hilaw si Via. "Why do you think na kinakain ko ito? All at once parang nakapakasarap ng manggang hilaw."

Niyakap ni Roy si Via. "Wow, magiging daddy ulit ako!"

Tinulak siya ni Via. "What do you mean 'ulit'?"

"Ooops! Wrong word. Sorry mahal, magiging daddy na pala ako." sabi ni Roy na biglang nanlamig sa pagkakadulas ng dila.

"That's better." sabi ni Via. "So, daddy. What is your plan now?"

"Ano pa ba? Eh di magpakasal na tayo! Alangan namang pagdebatehan pa natin ito. Nakabuo na tayo ng baby natin. I-set na natin ang araw ng kasal natin!"

Pumunta sa telepono si Roy at pinindot ang numero ng telepono ni Minda para ikuwento ang magandang balita. Naramdaman niya na niyakap siya ni Via mula sa likod.

"Sigurado ka ba talaga?" tanong ni Via.

Humarap si Roy kay Via. "Oo naman mahal. Siguradong sigurado ako. Ikaw, sigurado ka ba sa akin?"

Ngumiti si Via pagkatapos ay hinalikan ang labi ni Roy. "Well, wala na akong choice di ba?" Pareho silang nagtawanan at niyakap ulit ni Roy si Via.

"Iimbitahan ko lahat ng kakilala natin." sabi ni Roy. "This is going to be a very big event!"

"Kumain ka muna mahal." sabi ni Via. "Mamaya mo na tawagan sina mama."

"No, hindi na makakapaghintay ito." sabi ni Roy pero bago niya makumpleto ang numero sa telepono ay biglang tumunog ang cellphone niya. Tiningnan niya ito pagkatapos ay binaba ni Roy ang handset.

"Love, sandali lang ha? Sasagutin ko lang ito." sabi ni Roy palabas ng bahay.

"Bakit hindi mo na lang sagutin dito?" tanong ni Via.

"Mahina ang signal." sabi ni Roy.

SA LABAS, tinawagan ni Roy ang nag-text sa kanya.

"Hi tita." bati ni Roy.

"Roy." sabi ni Valerie mula sa kabilang linya. "Roy, I need you to come over."

"Tita I'm a bit tired na. Saka Valerie and I have something we want to tell you." sabi ni Roy.

"Roy, I need you." sabi ni Valerie. "Can't you come over for just an hour?"

Naramdaman ni Roy na tumigas ang sa kanya. "Tita, hindi mo na ba talaga mapigilan?"

"Nangangailangan ulit ako Roy." sabi ni Valerie. "Hindi enough sa akin ang last time na narinig ko lang kayo. Kailangang makita kita. Kailangang mahawakan kita. Kailangang maramdaman kita."

"If I come tita, I would go all the way with you. Is that okay?" tanong ni Roy.

Tumahimik ang kabilang linya. Maya-maya narinig ni Roy na umungol si Valerie.

"Roy, nilabasan ako sa sinabi mo. Pumunta ka na dito. You can do whatever you want with me… Just come here!"