1. Home
  2. Stories
  3. Teacher: Book 1 - Part 11
xTorya

Teacher: Book 1 - Part 11

By phantomblade ·

Doc, ano po ang percent na makakarecover ang pamankin ko. Tanong ng tita ni Margarette.
70% po ang chance ng pasyente na makarecover, may tinamaan po kasing internal organ kaya po sana magpray din tayong lahat sa mabilis na paggaling niya. Sabi ng doktor at lumakad na ito paalis.

Lumulutang ang pakiramdam ko sa narinig kong pahayag ng doktor, naisip ko na sana ako nalang yung nakahiga sa higaan ni Margarette. Naitanong ko rin kung bakit kailangan si Margarette pa ang lumasap ng paghihirap na kinakaharap niya, gayong maraming tao sa mundo ang masasama, bakit hindi nalang ang mga corrupt politician ang maghirap at mamatay sa sakit, bakit si Margarette pa? Bakit kailangan niyang pagdaan lahat ng ito.

Niyakap ako bigla ni Ms Diaz dahil di ko namalayan na lumuluha na pala ako sa lalim ng pag iisip ko.

Kinalas ko ang pagkakayakap ni Ms Diaz at hinawakan ko ang kamay niya, sinama ko siya papunta sa cashier office para makakuha ng kwarto ni Margarette.

Nang makarating kami sa cashier ay kinuha ko ang private room, may kamahalan ito, pero sapat naman ang pera namin ni Ms Diaz para sa dalawang linggong pagpapagaling ni Margarette.

Nasa kalagitnaan kami ng pagbibilang ng pera ng pumasok sa cashier office ang tita ni Margarette.

Mr Phantom ako na magbabayad sa lahat ng gastos sa pamankin ko, sobra na ang pagtulong na ginagawa mo para sa kanya. Sabi ng tita ni Margarette.

Hindi po, kulang pa itong kabayaran, kung hindi po dahil kay Margarette baka patay na po ako, sagot ko.

Please Mr Phantom kahit ngayon lang gusto kong tumayo bilang tita kay margarette.

Wala na akong nagawa pa kaya pinaubaya ko na sa tita ni Margarette ang pagkuha ng kwarto.

Ibinalik rin niya kay Ms Diaz ang perang binayad ko para maoperahan si Margarette.

Huwag ka ng tumanggi Mr Phantom kunin mo na yan,, pero may utang ka sa akin, kapag gumaling si Margarette samahan mo siya sa cebu magbaksyon, isama mo na rin ang girlfriend mo, kapag nagawa mo maitapak ang mga paa ng pamankin ko sa bahay ko, bayad ka na sa utang mo. Sabi ng tita ni Margarette.

Napaka simple ng kahilingan niya, pero hindi ko alam kung magagawa ko ba ang gusto niya.

Lumipas ang ilang araw kami nalang ng lolo ni Margarette ang nagpapalitan sa pagbabantay sa kanya.

Dumalaw rin ang team mates niya sa hospital subalit Hindi pa rin nagigising si Margarette.

Patuloy rin ang mga check up ng nurse sa kanya, madalang lang siyang punatahan ng doktor, pero maganda naman daw ang recovery sa katawan ni Margarette..

Pang apat na gabi na ni Margarette pero hindi pa rin siya nagigising.

Kasalukuyan akong nakaupo sa tabi ng kama niya, pinagmamasdan ko ang inosenteng muka ni Margarette, isang bata na maagang humarap sa miserableng buhay, muntik nang maligaw ang landas dahil sa mga pangyayaring hindi niya lubos na maunawaan, isang malambing na bata na naging lion dahil sa mga pagsubok sa buhay, kung kailan naman niya piniling magbago saka naman dumating ang trahedyang ito.

Nakatulog ako sa tabi ng kama ni Margarette ng Hindi ko namamalayan, dahil na rin siguro sa pagod na pabalik balik ako sa pagbili ng mga gamot niya, medyo nasa itaas na palapag kasi ang kwarto ni Margarette kahit pa sabihin may elevator nakakapagod pa rin.

Nagising nalang ako ng maramdaman kong may humahagod sa buhok ko, minulat ko ang mga mata ko habang nakayuko ako sa tabi ni Margarette, nakita kong naka mulat na ang mga mata niya at nakangite siya sa akin.

Sir!! Bakit diyan ka natutulog? Ayun ang sofa ohh, sasakit lang leeg mo diyan. Sabi ni Margarette.

Mabilis akong napabangon ng marinig ko siyang magsalita, halong pagkagulat at kasiyahan ang nadarama ko ng muli ko masilayan ang mga ngiti ng batang nagligtas sa buhay ko.

Sir!! Para kang baliw, bakit ganyan ka makatingin? Sabi ni Margarette.

Ahh ee ano!! Nagugutom ka ba? Nauuhaw? May masakit ba sayo? Sunod synod kong tanong.

Sir! Relax isa isa lang ang tanong, hindi ako nagugutom, nauuhaw opo! Tyaka masakit itong bahagi na ito ng tiyan ko, sabay turo ni Margarette sa lugar kung saan siya inoperahan.

Teka lang tatawagin ko ang nurse tatanong ko kung pwede kang uminom ng tubig. Sagot ko.

Mabilis akong lumabas ng kwarto at agad na pinuntahan ang nurse station, para ibalita na nagising na si Margarette at kung pwede ko siyang painumin ng tubig.

Mabilis naman pinuntahan ng nurse ang kwarto ni Margarette, pero nagulat ako ng kasama ko na ang nurse sa kwarto ay muling nakapikit si Margarette.

Tinitigan ako ng nurse akala niya siguro niloloko ko siya pero kanina gising talaga siya.

Chineck ng nurse si Margarette, pati ang nakakabit na aparato sa tabi niya at pati ang dextrose.

Sir! Kung magigising po ng totoo ang pasyente, huwag niyo po munang papakainin or papainumin, sariwa pa po kasi ang operasyon niya sa internal organ niya, ito po dextrose ang magiging pagkain at tubig niya, pwede niyo po basain ang bulak ng mineral water at ipahid sa labi ng pasyente para mabasa lang po, may tanong pa po kayo sir? Sabi ng nurse.

Wala na salamat at pasensya na. Sagot ko.

Lumabas na ang nurse sa kwarto, nagmuka akong tanga sa harapan ng nurse, pero nakausap ko talaga si Margarette kanina, matapos ko isara ang pinto ng kwarto ay lumakad ako papunta sa tabi ng Kama ni Margarette at tinitigan ko siya.

Nagulat ako ng dahan dahang lumalabas ang dila ni Margarette, binukasan niya ng konti ang isang mata niya para makita kung wala na talaga ang nurse saka niya ako binelatan, napangite nalang ako sa ginawa yun ni Margarette.

Baliw ka noh!! Bakit di ka nagpakita kanina sa nurse na gising kana? Sabi ko.

Ee sir! Baka painumin ako ng gamot, ayoko ng lasa nun, kaya pumikit nalang ako, sir! Favor naman tulungan mo naman akong umupo masakit na likod ko, hiling ni Margarette.

Automatic ang kama ni Margarette kaya may pinindot lang ako sa ilalim at dahan dahan umangat ang ulunan bahagi ng kama niya.

Okey na ba Ms dramatic actress? Biro ko.

Okey na po sir! Patulong nalang po na makaangat ako pataas, dahan dahan lang po masakit pa yung tagiliran ko. Sabi ni Margarette.

Agad ko naman siyang tinulungan para makaupo ng maayos.

Kumuha na rin ako ng baso at bulak, kanang kamay ko ang may hawak ng baso kahit may semento pa ito, kaliwang kamay ko ang ginamit ko para basain ang bulak at ipahid sa natutuyong labi ni Margarette.

Narinig mo kanina ang sabi ng nurse bawal ka pang uminom ng tubig, babasain lang daw labi mo, sabi ko Kay Margarette.

Uhaw na uhaw na ko sir, pakiramdam ko, tuyot na pati loob ng bituka ko, kahit isang baso lang sir!! Please!!! Pilit ni Margarette.

Hindi pwede! Sundin nalang natin yun nurse, sabi ko.

Sinawsaw ko na ang bulak sa tubig para basain ang labi ni Margarette, nakatingin siya sa akin ng masama, nang malapit na ang bulak sa labi niya ay bigla niyang kinagat ang daliri ko at nabitawan ko ang bulak na hawak ko.

Tawa ng tawa si Margarette sa ginawa niyang kalokohan.

Ahh kinagat mo ako, bahala ka diyan matuyot sa uhaw, Biro ko.

Weh!! Kaya mo akong makitang nauuhaw? Nakakalokong tanong ni Margarette.

Ee ang kulit mo kasi ii, sabi ko.

Sige sir di ko na kakagatin daliri mo promise, sabi niya.

Kumuha ulit ako ng bulak at sinawsaw ko uli sa baso, palapit na ang kamay ko sa labi niya, nang tiganan ko siya, napapangiti siya kaya naiilang akong idikit ang bulak baka kagatin na naman niya ang daliri ko.

Binalik ko ang bulak sa loob ng baso at umisip ako ng paraan para hindi niya makagat ang daliri ko.

Naalala ko bigla ang chopstick na libre sa dalang pagkain ni Ms Diaz kamakailan, bumili kasi siya sa Tokyo Tokyo at Hindi ko nagamit ang chopstick, kinuha ko ito at iyon ang ginamit ko para di makagat ni Margarette ang daliri ko.

Hahaha sige ngayon kahit kagatin mo ito okey lang, biro ko.

Pinahiran ko ng bulak ang labi ni Margaratte para mabasa ito, Hindi pa rin niya mapigil ang tawa niya.

Natutuwa ako dahil okey na siya, nagagawa na niyang makipag biruan sa akin, pero ang Hindi ko kinaya ay yung sunod sunod na tanong ni Margarette sa akin..

Sir!! Bakit po ako may sugat sa tagiliran? Tyaka bakit ako naospital? Kanina po kasi sir nung natutulog ka iniisip ko ang nangyari, naalala ko lang po hinihila ako ni joey para sumama sa kanila, tapos dumating kayo at nagkagulo na, yun lang po ang naaalala ko sir, tanong ni Margarette.

Hindi ko alam kung tama ba na sabihin ko sa kanya ang tunay na pangyayari o gumawa nalang ako ng kwento para Hindi na siya mag alala pa.

Nagtalo ang isip ko at mas nanaig ang katotohanan, dahil kung gagawa ako ng kwento alam kong malalaman din naman niya ang katotohanan, kaya pinasya kong ipagtapat sa kanya kung ano talaga ang nangyari.

Lakas loob ko sinabi lahat ang kinuwento sa akin ni Ms Diaz , tahimik lang na nakinig si Margarette.

Pero ng sabihin kong may namatay na isang lalaki sa nakaaway namin ay nagbago ang itsura ng muka niya.

Sino po ang namatay sir? isa po ba sa sinaksak ko? Makukulong po ba ako? Tanong ni Margarette.

Hindi ko kilala kung sino yung namatay, internal hemorage ang kinamatay niya, sa tingin ko yun yung lalaking iniumpog ko ang ulo sa haligi ng waiting shed, yung tatlong sinaksak mo nasa hospital din lahat, buhay naman sila, Hindi tayo makukulong pinagtanggol lang natin ang sarili natin, tito ni Ms Diaz ang humahawak sa kaso, nahuli na daw ang iba at yung tatlong nasa ospital pag gumaling sila, daretso sila sa kulungan. Paliwanag ko.

Nanatiling tahimik si Margarette ng marinig niya ang mga sinabi ko, nakatingin lang siya sa bintana ng kwarto niya.

Huy!!! Tulala ka na naman!! Sabi ko kay Margarette.

Nahihiya lang ako sayo sir, Hindi ko natupad ang pangako ko sayo na hindi na ako makikipag away uli. Sagot ni Margarette.

Wala ka naman kasalanan, natural lang na ipagtanggol ang sarili, basta tandaan mo lang na hanggang kaya mo umiwas sa gulo, umiwas ka. Sagot ko.

Naalala ko na po sir kung bakit ko nasaksak yung mga yun, nakita ko po na bumagsak kayo at duguan, may dala pong tubo si jonjon at bigla niya hinataw ang braso mo sir, sabi niya.

Hayaan na natin yun, ang mahalaga gising kana at maipagpapatuloy mo na ang pag ayos ng buhay mo, sagot ko.

Salamat po sir!! Alam po ba ni lolo ang nangyari sa akin? Tanong niya.

Oo umuwi lang siya para kumuha ng mga gagamitin natin dito sa hospital baka bukas ng umaga nandito na siya. Sagot ko.

May nagpunta ba ditong maputi at matabang babae? Tanong niya.

Oo tita mo siya diba, kasama pa yung dalawang anak niyang babae, sabi ko.

Nagdulot na naman ako kay tita ng problema, sabi ni Margarette.

Ee gusto mo ba makabawi sa tita mo? Tanong ko.

Syempre naman po!! Sagot niya.

Bilisan mo magpagaling dalawin natin siya sa cebu, sagot ko.

Tayong dalawa lang sir? Tanong niya.

Syempre hindi, sama natin lolo mo at si Ms Diaz, sagot ko.

Maganda yang idea mo sir! Nauhan mo lang ako yayain talaga kita magpunta kila tita, maganda sa lugar nila kasi malapit lang daw sila sa el nido, may mga resort pa daw po na pwede nating puntahan. Masayang wika ni Margarette.

Kaya nga magpagaling ka okey, namimiss kana nga ng team mates mo, lalo na si Apple wala na daw siyang kasama kumain. Sabi ko.

Salamat po sir, sabi ni Maragrette.

Para saan? Tanong ko.

Sa lahat lahat sir, kahit hindi maganda ang ugaling naipakita ko sayo nung una, nandyan ka pa rin para gabayan ako, kahit bali pa yang kamay mo eto ka pa rin po para bantayan ako dito sa hospital. Sabi ni Margarette.

Ako ang dapat magpasalamat sayo kasi niligtas mo ako, kung hindi mo siguro sinaksak yung mga kaaway natin, baka wala na ako ngayon. Tyaka tungkulin ko naman gabayan ang lahat ng estudyante ko, kasama sa trabaho ng pagiging teacher yun, para kasi sa akin Hindi sa pagsasara ng aklat at pagkaubos ng chalk natatapos ang responsibilidad ng isang teacher, nasa kung paano ko mahihila sa pagbabago para sa magandang kinabukasan ang bawat isa sa inyo. Nangangarap ako na balang araw makakasalubong kita sa daan at makikita ko nakasuot ka ng kagalang galang na damit, kahit hindi mo ako pansinin, masaya na akong malaman na nagtagumpay ka at may magandang buhay. Paliwanag ko.

Alam mo sir, bukod sa daddy ko, ikaw palang yung pangalawang narinig ko na nangarap para sa akin, ayoko po mangako sir, pero gagawin ko po ang lahat para matupad ang pangarap ko, limang taon mula ngayon hahanapin kita sir para ipakita sayo na tutuparin ko ang pangarap mo para sa akin. Sagot ni Margarette.

Bakit anong course ba ang plano mo kunin sa college? Tanong ko.

Teacher din po sir, gusto ko pong maging kagaya niyo, gusto ko din po makatulong sa mga batang kagaya ko. Kaya iwasan niyo na rin po makipag away huh! Para makita niyo balang araw na magiging teacher din ako kagaya niyo, huwag kayong aalis kagaya ni daddy, lahat nalang kasi ng malapit sa akin nawawala. Paliwanag ni Margarette.

Hindi ako mawawala nandito lang ako, kung mahirapan ka sa course mo pwede kitang matulungan, basta galingan huh!! Sabi ko.

Inabot na kami ng umaga sa pag uusap ni Margarette sa dami ng pinag usapan namin, nagkulitan, asaran at tawanan.

Napahinto lang kami ng may biglang kumatok sa pinto ng kwarto ni Margarette.

Binuksan ko ito at nakita kong doktor pala ito ni Margarette.

Good morning sir, check ko lang po ang pasyente. Sabi ng doktor.

Pinapasok ko ang doktor at nakita kong naka pikit na naman si Margarette kaya nakaisip ako ng paraan para makita ng doktor na gising na siya.

Hindi pa ba nagkakamalay ang pasyente? Tanong ng doktor.

Kinindatan ko ang doktor at mukang nakuha niya ang nais kong sabihin.

Dok Hindi pa nga po ee, apat na araw na rin po siyang Hindi nagpapalit ng damit, pwede niyo po akong tulungan hubaran po natin siya, dok kayo na po magpunas ng buong katawan niya, hahanap po ako ng pamalit na damit niya. Sabi ko sa doktor.

Nang palapit na ako sa higaan ni Margarette ay napansin kong nangangatog ang kamay niya, pinipigil ko ang pagtawa ko para hindi niya ako mapansin na niloloko ko lang siya.

Iho bakit hindi kaya pajama muna ang hubarin mo para madali natin siyang linisan. Biro ng doktor.

Pati ang doktor ay pinipigil ang pagtawa niya, dahil halata na kay Margarette na kinakabahan na siya.

Nang subukan kong hawaka ang garter ng pajama niya ay bigla siyang dumilat at inawat ang kamay ko.

Ang sama mo sir!!!! Akala ko ba magkakampi tayo? Tanong ni margarette.

Hindi na namin napigilan ng doktor ang tumawa.

Ee kailangan kasi na makita ni doc, na gising kana, sabi ko.

Ee papainumin lang naman ako ng gamot niyan, ayoko ng gamot, sabay takip ni Margarette sa bibig niya.

Hindi kita papainumin ng gamot iha, lahat ng gamot mo sa dextrose namin sinasaksak, kaya relax ka lang, ano ba nararamdaman mo ngayon? Tanong ng doctor.

Inalis ni Margarette ang takip sa bibig niya at sinagot ang doktor.

Nararamdaman po? Naiinis po ako Kay sir Phantom, kasi binuking niya na gising na ako. Sagot ni Margarette.

Napatawa kami sa sagot ni Margarette na parang bata na nagtatampo sa kalaro.

Hindi yun iha, i mean sa katawan mo may masakit pa ba? Tanong ng doktor.

Opo dito sa tagiliran ko masakit pero Hindi naman masyado, parang sugat lang po. Tapos po nauuhaw ako pwede na po ba akong uminom ng tubig? Tanong ni Margarette.

Ahhh okey, yung sakit ng tagiliran mo, siguro 2weeks bago mawala yan, depende sa recovery ng katawan mo, sa uhaw naman 4-5 days pa bago ka makainom ng tubig baka kasi mamaga ang internal organ mo na inoperahan namin, Hindi ka naman made dehydrate kasi meron kang dextrose. 2weeks from now makakalabas kana kaya magpagaling kang mabuti huh!! Sabi ng doktor kay Margarette.

Lumabas na ang doktor at sinara ko na ang pinto.

Bumalik ako Kay Margarette para makipag kulitan uli, subalit masama ang tingin niya sa akin.

Ang samo sir, huhubaran mo ako sa harapan ng doktor na yun? Wika ni Margarette.

Hindi ko gagawin yun, baliw ka talaga, trabaho ng nurse na linisan ka hindi nang doktor, tyaka nung inoperahan ka nakita na niya ang buong katawan mo pati bituka mo, normal na yun sa doktor. Sagot ko.

Hmmmp kahit na sir, pero may point ka sir ang lagkit na nang katawan ko, gusto ko ng magpalit ng damit at maligo. Sabi ni Margarette.

Hindi ka pa pwedeng maligo, punas lang daw pwede sayo, teka tatawag ako ng nurse para malinis ka na at makapagpalit ng damit, sabi ko.

Ee ayoko sa nurse di ko naman kilala yun baka tomboy pa yun, pagnasaan pa ako. Ikaw nalang maglinis sa akin sir, sabi ni Margarette.

Ayoko nga, lalaki ako hindi pwedeng ako maglinis sayo at magpalit ng damit, sagot ko.

Bakit naman? Pagnanasaan mo ba ako? Tanong niya.

Hindi ahh. Sagot ko.

Ee Hindi naman pala, game linisan mo na ako. Sabi ni Margarette.

Paano? Ee nakita mo may semento kamay ko, mamaya nalang pagdating ni Ms Diaz papalinis kita. Sabi ko.

Pumayag naman si Margarette at nakahinga ako ng maluwag, ayoko kasi mahaluan ng libog ang pagkakaibigan namin ni Margarette.

Ilang oras pa at dumating na si Ms Diaz lumabas ako ng kwarto ng simulan ng linisin ang katawan ni Margarette, tinawagan ko muna ang tita niya at ibinalita ko na nagising na si Margarette at maganda na ang pakiramdam niya, nagsabi ang tita ni Margarette na babalik daw dito bago makalabas sa ospital ang pamankin niya bago ibaba ang telepono.

Mabilis lumipas ang dalawang linggo, dumalaw sa kanya lahat ng classmate niya, team mates at pati si Apple na nagbabantay pa ng overnight kapag walang pasok kinabukasan. Napabilis ang paggaling ni margarette at nailabas na siya sa ospital.

Ako naman ay matagal pa ang bubuniin kong paghihirap sa semento sa buong braso ko.

Halos sabay kami bumalik ni Margarette sa paaralan, sa tulong na rin ng mahal kong kasintahan ay nagagampanan ko pa rin ang pagtuturo kahit may semento pa ang braso ko. Si ms Diaz ang gumagawa ng lesson plan ko at ilang mga visual aide.

Sa volleyball training naman si may ang tumulong sa akin, hindi muna nagttraining si Margarette para mas maging maayos ang lagay niya, kasama lang namin siya sa training ground para mapanood niya ang galaw ng mga kakampi niya.

Naging maayos ang takbo ng buhay namin sa paaralan, nakabalik na kami sa dati namin mga ginagawa.

Kung dati dalawa lang kami ni ms Diaz na magkasama kumakain ng lunch ngayon anim na kami.

Naging daily routine na nang buhay namin ang kumain ng lunch sabay sabay sa H,E room kasabay namin ni Ms Diaz si Tintin, si May, si Margarette at si Apple.

Todo kwentuhan at tawanan kami pag nakain parang magbabarkada lang ang turingan.

Sir kailan niyo plano magpakasal ni Ms Diaz? Para maging Mrs Blade na siya, tanong ni Apple.

Ahh baka next year siguro, wala pang eksaktong petsa pag uusapan pa namin. Sagot ko.

Aba dapat sir abay kaming tatlo di ba Tintin, di ba Apple, sabi ni Margarette.

Ee paano naman ako? Tanong ni may.

Ma'am pwede kayong flower girl o kaya ring bearer, biro ni Tintin.

Hmmp ginawa niyo naman akong bata niyan. Sagot niii may.

Wait lang sir abay na usapan ee nakapag propose kana po ba kay Ms Diaz? Tanong ni Apple.

Nagkatitigan kami ni Ms Diaz dahil hindi ko pa nga ginagawa ang magpropose.

Kailangan pa ba yun? Ee ginayuma lang naman akoo ni Ms Diaz. Biro ko.

Napatawa silang lahat sa Biro ko.

Ahh ako pa talaga nang gayuma huh! Kaya pala nung una mo akong makita sa faculty room pati bag mo naiwan mo, natulala ka sa beauty ko, bawi ni Ms Diaz.

Hindi na ako nakasagot pa dahil totoo naman talaga na namangha ako ng una kong makita si Ms Diaz .

Napuno ng biruan at tawanan ang H,E room ng tanghaling yun.

Matapos kami kumain ay bumalik na kami sa aming mga trabaho, pero malalim pa rin ang iniisip ko, gusto kong bigyan si Ms Diaz ng isang surprise prosal, gusto ko yung tipong kakaiba.

Ayoko ng masyadong simple, mas okey yung unforgettable dahil isang beses ko lang itong gagawin sa buhay ko.

Nag search ako sa internet at kumuha ng idea sa mga videos na pinapanood ko na nagppropose.

Naghanap din ako ng pagawaan ng sing sing na maaari kong maibigay kay ms Diaz.

Kinasabwat ko ang lahat ng mga kapatid ni ms Diaz , mga varcity ko, mga teacher, ilang estudyante pamilya ko at pati na rin si may.

Nabuo ko ang plano na gawin ito sa harapan ng paaralan na pinagtuturuan namin.

Nahirapan akong simulan ang plano ko para sa proposal kay Ms Diaz, dahil ayokong malaman niya ito, halos pareho ang oras namin at lagi kaming magkasama.

Pero lahat ng bagay may paraan, nasa kung papaano lang natin ito gagawin.

Palihim kong kinausap ang mga taong makakasama sa gagawin kong proposal, si may ang umasikaso sa cheering squad ng school, si Apple, margarette at Tintin naman ang sa mga players.

Kinausap ko rin ang tito ni Ms Diaz na pulis, humiling ako sa kanya ng assistant para sa araw ng proposal ko, dahil sigurado akong traffic ang aabutin sa kalsada ng tapat ng paaralan.

Kinausap ko rin ang pamilya ni Ms Diaz, sinabi kong mahalaga na makapunta sila sa araw at oras ng proposal ko.

Ganun din ang pamilya ko.

Tumakbo sa naaayon sa kagustuhan ko ang lahat, nagagawa kong makapag practice kasama ang cheering squad at mga players ko na hindi nalalaman ni Ms Diaz.

Nabuo na namin ang lahat ng mga plano ko, alam kong magdudulot lahat ito ng labis na kasiyahan kay Ms Diaz .

September 21, 2007, Friday 5:00pm
Hinding Hindi ko malilimutan ang araw at oras na iyon.

Pinuntahan ko si Ms Diaz sa faculty room para makauwi na kami, agad naman niya inayos ang mga gamit niya.

Wala ka ba training ng volleyball? Tanong ni Ms Diaz.

Wala pinauwi ko ng maaga mga players ko, medyo Hindi maganda pakiramdam ko, pagsisinungaling ko.

Sa bahay kana magpahinga, may gamot din ako sa kwarto inumin mo para hindi tumuloy sa sakit yan. Sabi ni Ms Diaz.

Lumabas na kami ng faculty room at naglakad na palabas sa gate ng paaralan.

Nakita na kami ng isang asset ko kaya tumakbo na siya palabas.

Bago palang kami nakakalapit sa gate ay naririnig ko ng tumutugtog ang sound system na ipinaset up ko sa janitor kanina.

Anong meron? Tanong ni Ms Diaz.

Ewan ko sa mga yan, sagot ko.

Tara panoorin muna natin mukang practice yan ng cheering squad, sabi ni Ms Diaz.

Dinala ko siya sa gitnang bahagi para tumakbo ng naaayon ang lahat.

Remix hip hop beat ang unang sinasayaw ng cheering squad, dahil oras ito ng uwian, kumapal ng todo ang mga tao, pati kasi ang mga dumadaan at mamalengke ay nanood na rin.

Habang abalang nanonood si Ms Diaz ng sumasayaw ay pasimple kong hinanap ang pamilya ni Ms Diaz. nakita ko agad sila di kalayuan sa kinatatayuan namin, sumenyas pa ng okey sign si kuya billy.

Nakita ko rin ang pamilya ko na nasa tamang pwesto.

Ilang minuto ang lumipas magsimula ng mapalitan ang tugtog, ito yung uso noon na pinaghalo halo ang mga kantang pang sayaw sa isang performance, remix ang tawag dito.

Tatlong cheering squad lang ang natira sa gitna na sumasayaw.

Mabilis na pumasok sila Stephanie, Margarette, Tintin at Apple, naka school uniform lang silang sumabay sa sayaw ng tatlong cheering squad, ilang saglit pa ay mas uminit pa lalo ang tagpo ng nakisali na rin ang iba kong mga player na lalaki sa sayaw, napuno ng sigawan at hiyawan ang tapat ng paaralan.

Sabay kami ni May na sumali sa sayaw at naki sabay sa step na pinagpraktisan namin.

Kung naaalala niyo ang pacontest dati sa abs-cbn na sayaw barangay, ganun ang ginaya namin, may mga student kasi kami na magaling sa pag tumbling kaya mas naging maganda ang performance namin.

Matapos ang sayaw namin ay mabilis na inabot sa akin ng janitor ang Mikropono.

Tumaas sa pin aka mataas na antas ang kaba ko ng mga oras na iyon, tatlong metro pakaliwa kay Ms Diaz ang kinalalagyan ng pamilya niya, hindi niya ito napansin dahil sa dami ng taong nanonood.

Lumakad ako papunta sa kinalalagyan ng pamilya niya at nagsimula na akong magsalita.

Kuya billy, kuya Nestor, ate Celia, ate mely at sa inyo po mama!?. Pormal ko pong ipinagpapaalam ang bunso ninyo, nais ko po siyang pakasalan, wala po akong kayanamanan na maaaring ipagmalaki, pero ipinapangako ko po sa inyo na hindi magbabago ang pagmamahal na ibibigay ko sa bunso ninyo, kagaya po ng pangako ko, hinding hindi ko po siya papaiyakin, gagawin ko po ang lahat ng makakaya ko upang maitaguyod sa mabuting paraan ang pamilyang bubuuin namin. Hinihiling ko po ang basbas niyo para hingin ang kamay ni --- Diaz na nag iisang babae na gusto kong makasama sa pagtanda.

Mahigpit na yakap ang sinukli ng mama ni Ms Diaz sa mga sinabi ko, tapik sa balikat naman ang ginawa nila kuya billy at kuya Nestor bilang pagsang ayon.

Matapos kong hingiin ang kamay ni Ms Diaz sa pamilya niya ay siya naman ang hinarap ko, lumakad ako papunta sa kanya.

Pinatugtog ng janitor ng school ang kantang kailangan ko'y ikaw by regine velasques, pero instrumental lang ito, back ground music na lalong nagpadagdag sa kaba ng dibdib ko.

Palapit pa lang ako kay Ms Diaz ay nakahawak na ang kamay niya sa muka niya at walang tigil ang pag agos ng luha sa mga mata niya.

Nang tuluyan ko na siyang malapitan ay huminga muna ako ng malalim bago ako nagsimulang magsalita.

Una sa lahat gusto kong magpasalamat sayo, sa pagmamahal na binigay mo sa akin, salamat sa suporta sa lahat ng bagay, salamat sa pagdamay mo sa oras na nanghihina na ako, salamat dahil nakilala ko ang isang katulad mo na hindi nagsawang iparamdam araw araw ang pagmamahal na walang hinihiling na kapalit, ako na yata ang pinaka maswerteng lalaki sa mundo dahil nagkaroon ako ng kasintahan na kagaya mo, ikaw yung babaeng gusto kong makasama sa pagbuo ng mga pangarap ko sa buhay, ikaw yung babae na gusto kong makita sa bawat pagdilat ng mga mata ko sa umaga, wala man akong kayamanan gaya ng iba, itataguyod ko naman ang pamilya natin sa malinis na paraan, hindi magbabago ang pagmamahal ko sayo, kahit naging mabilis ang pangyayari sa buhay natin, sigurado akong ikaw ang babaeng gusto ko makasama sa pagharap sa altar.

Kagaya ng sabi ko sayo noon, ang pagmamahal ko sayo ay hindi matatapos sa til death do us part, but until life after death.

Nilabas ko ang singsing mula sa bulsa ko at lumuhod ako.

Please!! Will you marry me? Sabi ko.

Nagsigawan ang mga tao at nagtilian ang mga estudyante sa ginawa ko, pero ang mas nakapagpakilig sa kanila ay ng sumagot si Ms Diaz.

Yes!! I will marry you, i want to be your wife! Sagot ni Ms Diaz.

Sinuot ko ang singsing sa daliri niya kasabay ng mahigpit na yakap, pinakawalan na rin ng mga estudyante ang mga confetti sa roof top ng paaralan.

Sobrang kaligayahan ko ng mga oras na yun, parang ayoko ng tumakbo ang oras habang yakap ko si Ms Diaz sa mga bisig ko. Pinapasok ko lahat ng tumulong sa akin para maging tagumpay ang proposal ko, pinapunta ko silang lahat sa H,E room at pinagsaluhan namin ang pinaluto ko sa canteen, nagkausap usap rin ang pamilya namin ni Ms Diaz .

Akala ko tapos na lahat ng problemang pwede kong kaharapin subalit nagkamali ako.

May mga parating pa palang unos na magbabaon sa akin ng husto para masubok ang pagiging matibay ko sa buhay
September 2007, 2weeks matapos ang proposal ko kay Ms Diaz, naganap ang area meet.

Isa itong competion ng bawat school sa lugar namin, hindi ito kagaya ng laro sa San Pablo, walang premyo dito, dahil kasama sa curiculum ng dep,ed ang area meet.

Tatlong araw magaganap ang laban limang school kami na kasali sa area namin.

Mas mabilis ang proseso dito, isang talo out na kayo.
1st day ng laban namin sa area meet halos lahat ng magulang ng mga players ko kasama nila, present din ang mommy ni Apple at tita Shaina niya.

Si Margarette ang nilapitan ko agad dahil siya lang ang bukod ranging walang parents na kasama.

Okey ka lang ba? Tanong ko Kay Margarette.

Ayos lang sir, medyo kinakabahan lang, ngayon lang ako lalaban ng ganito ii, sagot niya.

Don't worry nandito naman ako, tyaka kayang kaya mo yan, kapag natalo tayo saksakin mo nalang mga kalaban natin, joke!! Biro ko.

Baliw ka talaga!! Sir favor naman, gusto ko itrintas buhok ko para Hindi humarang sa mata ko mamaya kaso hindi ako marunong, paki trintas naman sir!! Sabi ni Margarette.

Huh!! Lalong Hindi ko kaya yan, teka tatanong ko sa mommy ni Apple kung marunong siya, sagot ko.

Nilapitan ko ang mommy ni Apple at kinausap ko agad kung marunong siyang magtrintas, sa kasamaan palad si Shaina pala ang nagtali ng buhok ni Apple, ayoko sana siyang kausapin pero para kay Margarette ginawa ko pa rin.

Hello Shaina, pwede makahingi ng favor sayo? Nagpapatali kasi ng buhok yung player ko kaso hindi naman ako marunong baka pwede mo siyang talian, kung okey lang naman, sabi ko.

Sino ba sa mga yan? Masungit na sagot ni Shaina.

Ayun yung nakaupong kausap ni Apple, sabay turo ko sa pwesto nila Margarette.

Sige, kukuha lang ako ng Sanrio (goma na panali sa buhok) sagot ni Shaina.

Salamat huh!! Sabi ko.

Halata pa rin kay Shaina ang pagkainis sa akin, Hindi ko naman siya masisisi, kahit ako man ang ipahiya at laitin malamang kamuhian ko rin ang taong gumawa sa akin ng ganon.

Habang inaayos ni Shaina ang buhok ni Margarette ay nagtungo ako sa committee table para makuha ko ang schedule ng laban ng mga players ko.

Ibinigay ko kaagad kay Ms Diaz at Kay May ang copy ng laban ng babae, silang dalawa kasi ang naging coach ng babae sa volleyball.

Patapos ng itrintas ang buhok ni Margarette ng bumalik ako sa kanila.

Sir, may sinasabi po si tita Shaina tungkol sayo. Sabi ni Apple.

Heh!! Apple tumahimik ka nga, saway ni Shaina sa pamankin.

Tumakbo si Apple palapit sa akin at talagang kinikilig pa siya ng sabihin niya sa akin na.

Sir alam mo ba? Sabi ni tita style mo daw bulok, sabi ni Apple.

Huh!!? Bakit naman? Tanong ko.

Ee kasi pwede naman daw ako nalang magsabi sa kanya na trintasan niya si Margarette, ee ikaw pa daw ang lumapit para makausap siya. Sabi ni Apple.

Nilingon ko si Shaina at talagang namumula ang mukha niya, hindi na niya maawat si Apple dahil hawak niya ang buhok ni Margarette.

Ahh ganon ba? Actually gusto ko naman talagang makausap ang tita mo Apple, para makapag sorry sa kanya, papatawarin kaya ako ng tita mo? Medyo malakas na pagkakasabi ko kay Apple para marinig ni Shaina.

Aba sir sa tingin ko papatawarin ka niya, tignan mo si tita namumula tapos pinipigilan ang tawa, di ba pag ganyan nagbblush ibig sabihin may crush di ba sir!!? Tanong ni Apple.

Ee sino kaya crush ng tita mo Apple? Tanong ko.

Ee DI IKAW!!! sabay na sagot ni Apple at Margarette sabay tawa ng malakas, kaya napatingin sa amin ang ibang mga taong kasama namin.

Kaso sir di na kita pwedeng maging Tito kasi ikakasal na kayo ni Ms Diaz. Sabi ni Apple.

Pwede naman Mistress si tita Shaina mo Apple, singit ni Margarette.

Hui tama na yan baka maoffend na si Shaina sa mga sinasabi niyo. Sagot ko.

Natapos na ang pagtrintas ni Margarette at masamang tingin ang sinukli ni Shaina sa akin, nginitian ko na lang siya at saka biglang may kumurot sa likuran ko.

Anong problema ng babaeng maharot na yun at ang sama ng tingin sayo? Tanong ni Ms Diaz.

Ewan ko sa kanya, nginitian ko na nga lang ii, sagot ko.

Napakalandi talaga niya, dinadaan ka pa sa masamang tingin, halata namang nagpapansin lang sayo. Umayos ka Phantom huh!! Makita ko lang na nilalandi ka niyan, pag uumpugin ko ulo niyo. Banta ni Ms Diaz.

Ohh relax mainit na naman ulo mo, lambing ko.

Ohh uminom ka muna, sabay abot ni Ms Diaz ng coke in can.

Ang aga aga softdrinks agad? Hmmp kailan ka ba makikikig sa akin na itigil mo na ang softdriks? Kapag may sakit kana? Tanong ko kay Ms Diaz.

Ikaw na binigyan, magagalit ka pa, dyan kana nga, makipag landian ka nalang sa haliparot na yun, masungit na wika ni Ms Diaz.

Sabay lakad palayo sa akin, mabilis kong sinundan si Ms Diaz at kinausap ng maayos pero mas lalong uminit ang ulo niya, Hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganon? Malaki ang pinagbago ng ugali niya sa mga nakalipas na araw, madalas siyang iretable sa akin at napaka bilis uminit ng ulo.

Hindi ko na muna inintindi ang kung ano man ang ikinikilos ni Ms Diaz nagfocus ako sa laban ng mga players ko.

Isang court lang ang ginamit kaya mas naging madali sa akin na monitor lahat ng laban ng mga players ko.

Bago magtanghalian nanalo na ng tig isa ang boys and girls ko, masaya ang lahat sa resulta ng laban namin.

Dumating na rin ang pagkain namin galing sa school namin, nanatiling iwas si Ms Diaz sa akin kahit ilang beses ko siyang tinangkang kausapin.

Hinayaan ko nalang at Kay Margarette na lang ako sumabay kumain.

Hapon na nang muling lumaban ang girls players ko at nanalo uli sila.

Bukas na uli ang laban ng lalaki dahil pagabi na.