1. Home
  2. Stories
  3. Teacher: Book 1 - Part 13
xTorya

Teacher: Book 1 - Part 13

By phantomblade ·

Sa lalim ng iniisip ko hindi ko namalayan na nakatulog ako, hindi ko rin alam kung ilang oras akong nakatulog, nagising nalang ako na madilim pa sa loob ng kwarto ko, tumingin muna ako sa cellphone ko para malaman ang oras, 2:00am na pala, marami akong nakitang missed call at text tinignan ko lahat ng mga pangalan subalit kahit isa wala akong natanggap galing kay Ms Diaz, pero naka agaw ng pansin ko ang napakadami text galing sa Hindi ko kilalang number.

Binuksan ko ito at binasa, lampas sa 10 messages ang text niya subalit iisa lang ang nilalaman.

Phantom pwede ba tayong mag usap may importante kang dapat na malaman, ako ito si Ericka.

Alam kong kalandian lang ang pakay niya sa akin kaya itinago ko na ang cellphone ko sa aparador kasama ng mga perang ibinalik ni Ms Diaz sa akin.

Lumabas ako ng bahay at naghanap ng lugar na pwede akong mag inom at kahit papano ay makalimot.

Nagpunta ako sa Central Bar na malapit lang sa lugar namin, tahimik ang bar na ito background music lang ang maririnig mo dito, kadalasan mga taong gustong magkwentuhan at magrelax ang pumupunta dito, humanap ako ng pwede ko maupuan at humingi ng menu, nakapunta na ako dati dito kaya alam ko ang alak na makakapagpalasing sa akin, umorder ako ng isang order ng BADTRIP at BEER tower, hindi na ako umorder ng pulutan dahil promo ang in order ko may kasama na itong pulutan.

Ilang minuto lang ay dumating na ang order ko, napapatingin sa akin ang mga tao na kalapit ng table ko dahil napakarami talaga ng alak na nakahain sa table ko, tinanong pa ako ng waiter kung may kasama ako, nginitian ko lang siya at mukang naintindihan naman niya ang gusto ko iparating sa kanya.

Pagkaalis ng waiter ay sinimulan ko ng magpakalango at magpakalunod sa alak, eto lang yung likido na makakapagbigay sa akin ng pakiramdam para maging manhid sa nararamdaman kong sakit sa paghihiwalay namin ni Ms Diaz.

Subalit parang Hindi nakikiayon sa katawan ko ang iniinom kong alak dahil matapos ang ilang oras halos maubos ko na ang mga naorder ko, pero hindi ko pa rin nararamdaman ang tama ng alak.

Napansin ko rin na ako nalang pala ang natitirang costumer ng bar, naglilinis na rin ang ibang waiter.

Binilisan kong ubusin ang natitirang alak sa table ko at binayan ko na bill ko.

Lumakad ako palabas ng bar at nakita ko ang kalangitan na nag aagaw na ang dilim at liwanag, natawa ako ng maihalintulad ko ang nakikita ko sa kalangitan sa nararamdaman ng puso ko, binalewala ko nalang ang iniisip ko at pumara ako ng tricycle para magpahatid sa bahay namin.

Ilang saglit lang ay nakarating na ako sa tapat ng bahay namin, saktong pagtapat ko sa kanal ay biglang bumulwak ang suka ko, matapos akong sumuka ay nakaramdam ako ng hilo, pumasok ako sa bahay namin at nahiga sa sofa, hindi ko namalayan na nakatulog na naman ako.

Anak!! Gising!! May mga estudyante kang naghahanap sayo. Tinig ng nanay ko nakapag bangon sa akin.

Kahit masakit pa ang ulo ko ay pinilit ko tumayo, nakita ko sa harapan ko nakatayo si Apple, Margarette, Stephanie at si May.

Sir championship po natin ngayon, bangon ka na po! Wika ni Stephanie.

Oo nga sir nasa labas kotse ni tita Shaina, sinusundo ka pa niya, singgit ni Apple.

Subalit nanatiling tahimik si Margarette at matalim ang tingin niya sa akin, kaya bumangon na ako at naligo.

Ilang minuto pa ay nakapag ayos na ako ng sarili subalit kahit anong daming pabango ang ilagay ko sa katawan ko ay sumisingaw pa rin ang alak sa katawan ko.

Sumakay na kami ng kotse ni Shaina at halos lahat ng kasama ko ay napansin na Amoy alak ako.

Kahit inulan nila ako ng tanong at pangungulit, tanging ngiti lang ang sinukli ko sa kanila.

Nakarating kami sa venue at nagsisimula na ang laban ng boys player ko.

Championship ito, pero walang pumapasok sa isip ko para makatulong sa kanila sa laban, kahit siguro pigain ang utak ko ng mga oras na yun, puro katanungan lang kay Ms Diaz ang lalabas.

Kahit rindido ang utak ko at naging walang silbing coach ako sa player ko nagawa nilang maipanalo ang laban, walang reaksyon sa akin kahit pilitin ko man maging masaya.

Ganito pala ang pakiramdam ng iwanan ka ng taong mahal mo na hindi mo alam ang dahilan.

Akala ko noon kaya ko ng harapin lahat ng pagsubok sa buhay, nagkamali pala ako, kagaya ni Margarette kailangan ko rin ng taong tutulong sa akin upang kalimutan ang nakaraan.

Matapos ang tanghalian nagsimula ang laban ng girls player ko, maraming tao ang nanonood ang ilan ay magulang ng players ko, naroon din ang mommy ni Apple at si Shaina.

Kagaya sa laban ng lalaki wala rin akong maitulong sa mga players ko babae, kulang din naman ang kaalaman ni May para makapagbigay ng intruction at taktika para manalo ang varcity namin.

Sinubukan ko silang turuan ng play subalit error pa ang inabot ng mga players ko.

Napatulala nalang ako sa nagawa ko, nakatitig ako sa court ng volleyball pero iba ang nakikita ko, imahe ni Ms Diaz ang nabubuo sa paningin ko ng mga oras na yun, nawala rin ang sinagawan ng mga nanonood ng volleyball, tanging ngiti at maamong muka ni Ms Diaz lang ang nakarehistro sa paningin ko, subalit ginising ako ng isang napakalakas na sampal galing sa babaeng nakatayo sa harapan ko.

Bumalik ang ulirat ko at nakita ko na nakatingin sa amin ang lahat ng taong nanonood ng volleyball, tinitigan ko kung kanino nagmula ang sampal na natikman ko, nakita ko si margarette na namumula sa galit, basa nang pawis ang buong katawan.

Dahil sa babae nagkakaganyan ka sir? ikaw ang humatak sa kinalalagyan ko ngayon tapos ikaw naman ang nagpapakita ng kahinaan ngayon? Sir hindi dahil nawala si Ms Diaz wala ng silbi ang buhay mo, marami kaming umaasa sayo!! Nasaan na yung sir Phantom na nagpapayo sa akin na maging matatag? Nasaan na yung teacher na umakay sa akin sa tamang landas? Nasan na yung taong naging dahilan kung bakit gusto kong maging kagaya niya balang araw?
Kung ganyan ka palang kahina ayoko ng maging kagaya mo!!! Wika ni margarette.

Napayuko nalang ako sa mga sinabi niya, tama naman si margarette, paano mo magagawang magturo kung paano maging matatag kung ikaw mismo sa sarili mo ay mahina rin.

Naisip ko agad na kung ikukulong ko ang sarili ko sa bangungot ng kahapon, Hindi ko magagawang humakbang patungo sa kinabukasan.

Pinilit kong labanan ang sakit na narardaman ko, itinuon ko muna ang sarili ko sa nagaganap na championship sa harapan ko.

Lumiwanag bigla ang isip ko ng subukan kong kalimutan pansamantala ang problema ko, nalinaw kong nakita ang kahinaan ng kalaban namin, nagpatawag ako ng time out, kahit masama ang loob ni Margarette sa akin ay nakinig pa rin siya sa mga sinasabi ko, pinatarget ko sa kanila ang pinaka mahinang player ng kalaban namin, lahat ng kahinaan ng kalaban na napansin ko ay sinabi ko sa team ko, gumawa ako ng play para sa pag atake nila.

Madaling naintindihan ng team ko ang binigay kong instruction.

Naging mainit ang labanan sa pagitan ng players ko, kahit pa dumaan sila sa butas ng karayom nagawa nilang maipanalo ang laban.

Masaya lahat ng players ko sa tagumpay na nakamit nila, nagpaalam ako kay May na uuwi na muna ako para makapag pahinga na, pinayagan naman niya ako at nagpasalamat.

Lumakad ako palabas sa paaralan na yun para makauwi.

Subalit may naramdaman akong tumatakbo papalapit mula sa likuran ko, nilingon ko ito para malaman kung sino at napahinto siya sa pagtakbo.

Sir!! Sorry po sa pagkakasampal ko sayo kanina. Tyaka gusto ko po ipaalam sa inyo na Hindi ka mahina!! Para po sa akin ang pagpapakita ng kahinaan ay kinakailangan din ng lakas ng loob. Sir ikaw pa rin ang idol ko!! Salamat po at nakilala ko kayo!! Sabi ni Margarette.

Nginitian ko siya at nagpatuloy na akong maglakad palabas ng gate ng paaralan, Hindi pa ako nakakalayo ng muli Kong marinig ang boses ni Margarette.

SIR!! HINDI LANG SI MS DIAZ ANG HULING BABAE SA MUNDO!!
Napangiti nalang ako sa sinabi niya.

Nakauwi ako sa bahay at nagkulong lang ako sa kwarto, iniisip ko parin kung paano ko sisimulan ang buhay ko na wala na si Ms Diaz ., sanay pa naman ako na kada weekends o walang pasok sa school magkasama kami.

Araw ng sabado noon ng magpasya akong ilagay ang kalahating pera ko sa bangko at yung kalahati ay gagastusin ko sa gagawin kong paglalakbay, after ko madeposit ang pera ko sa bagong account ko, nagpunta ako sa bahay ng principal para magpaalam sa plano kong pag leave sa paaralan ng isang buwan, pinaliwanag ko sa principal ang sitwasyon ko at agad naman siyang pumayag.

Nang araw din na yun nilagay ko sa isang varcity bag ang kakailanganin kong damit at kaunting mga gamit, nagdisisyon akong iwanan ang telepono ko para walang maging sagabal sa akin.

Nagpaalam ako sa mga kapatid ko at sa nanay ko bago ako umalis ng bahay, hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko, sumakay ako ng tricycle at nagpahatid sa bayan, nang makarating ako sa bayan, agad naman akong sumakay ng bus, nakatulog ako dahil sa medyo matraffic sa lugar namin, ginising nalang ako ng conductor na nasa terminal na pala kami, agad ko binayaran ang pamasahe ko at bumaba na sa bus, wala akong alam sa manila dahil tanging sa lugar lang naman namin ako nakkagala noon.

Naglakad lang ako ng lakad sa maliwanag na kalye ng kamaynilaan, nilibang ko ang sarili ko sa mga building na nakikita ko. Pero hindi ito sapat para makalimot ako.

Kahit kailan hindi ko naging bisyo ang manigarilyo, pero nung mga oras na yun, tumambay ako sa tabi ng isang ale na nagtitinda ng kung ano ano kendi at sigarilyo.

Bumili ako ng isang stick at sinidihan ko ito, naubo agad ako ng subukan ko itong hithitin.

Naku iho kung hindi ka marunong manigarilyo huwag mo ng pag aralan, gastos lang yan, sakit pa makukuha mo, sabi ng tindera.

Sinubukan ko lang po, kailangan ko lang po kasi makapag isip ng mabuti. Sagot ko.

Naku iho hindi yan ang makakatulong sayo, ano ba ang iniisip mo? Kung hindi mo mamasamain ee baka makatulong ako. Paliwanag ng ale.

Walang pag aalinlangan kong ikinuwento sa ale ang pinagdadaanan ko, nakita ko kung gaano siya kainteresado sa pinagdadaanan ko kahit hindi naman niya ako kilala.

Iho ang ibig mo ba sabihin ay nag iisip ka kung paano mo makakalimutan ang kasintahan mo na nang iwan sayo? Tanong ng ale matapos kong maikwento ang pangyayari.

Parang ganon na nga po. Sagot ko.

Sa mga kagaya ko mahihirap ee maipapayo ko na magmahal nalang uli ng bago para makalimot ka ng mas mabilis, subalit kung ikaw naman ay mapera, iwasan mo makita ang mga lugar o bagay na makakapagpaalala sa dati mong kasintahan, magpunta ka sa lugar na malayo sa kanya, sa lugar na makakahanap ka ng kapayapaan ng kalooban mo. Iho tandaan mo walang ibang makkatulong sayo na kalimutan siya kundi ang sarili mo, huwag kang gagamit ng ibang babae para matakpan ang sakit na dulot ng kahapon, kusang darating sayo ang tamang babae na magpapahalaga sa nararamdaman mo, lahat ng tao ay may nakatakdang makasama sa buhay, merong ilan na sumuko sa paghahanap ng kanilang kapareha dahil sa problemang dinadala mo ngayon, iho sa buhay na meron tayo ngayon, ang pagsuko lang sa mga mumunting pagsubok sa buhay ang magiging pagkatalo mo, masyadong maikli ang buhay para sayangin mo sa kalungkutan, hayaan mo na ang tadhana ang gumabay sayo patungo sa babaeng nararapat sayo.

Paliwanag ng ale.

Halos matauhan ako sa mga sinabi niya, nagpasalamat ako sa mga pinayo sa akin ng tindera at may nabuong plano sa isip ko na gusto kong puntahan.

Bumalik ako sa bahay namin at nagpatulong ako sa isang kaibigan ko na kilala ang may ari ng isang travelling agency, pinaayos ko rin ang passport ko at visa, kasabay ng pagpapabook ng byahe sa bansang matagal ko ng gustong puntahan.

Halos isang linggo ang inabot sa pag aayos ng papeles ko, kasabay na inabot sa akin ng may ari ng travelling agency ang passport, visa at plane ticket ko na back and fort, binasa ko ito at nakita ko na
October 04, 2007 Thursday 6:00 am ang flight ko papuntang korea.

October 11, 2007 Thursday 8:00 pm ang balik ko sa Pilipinas.

Nag ayos na ako ng gamit ko na dadalhin, dahil ito ang unang pagkakataon na aalis ako ng bansa, nagpapalit na rin ako ng perang magagamit ko pag dating ko sa south korea.

Bata pa ako ito na ang bansa na gusto kong puntahan, naalala ko pa nga noon ng minsan papirmahin ako ng classmate ko sa slam book, sinulat ko sa what is your ambition category makahiga sa isang kalye ng south korea at gumawa ng snow man.

Dahil lahat yun sa impluwensya ng mga korea novela at mga pelikulang napapanood ko, para sa akin isang paraiso ang korea, kaya ng mga panahon na yun tinupad ko ang isa sa mga pangarap ko.

October 04, 2007 3:00am palang tumulak na ako papuntang airport ayoko kasi mahuli sa flight at sobrang excited ako sa kung ano ang makikita ko sa korea.

Nakarating ako sa airport at nagtanong tanong sa mga guard kung saan ako dapat pumunta para sa flight ko, itinuro naman nila ito sa akin, may binayaran pa akong terminal fee, bago ako nagtungo sa waiting area ng mga pasahero.

Ilang oras ang nakalipas ng tawagin na ang flight number namin, tumayo na ako at sumabay sa mga taong naglalakad patungo sa eroplano.

Masyado akong ignorante ng panahon na yun, dahil 1st time kong sumakay ng eroplano, umupo agad ako sa isang upuan na malapit sa bintana.

Isang babae ang lumapit sa akin at maayos na nagtanong.

Excuse me sir, diyan po ang upuan ko, eto po ang ticket ko, sabi ng babae
Dahil sa tanga ako, sinagot ko pa siya.

Huh!? Ee nauna ako dito ee may ticket din ako ohh, sabay abot ko sa kanya ng ticket ko.

Napatawa nalang ang babae sa sinabi ko ako naman ay medyo naasar ng bahagya.

Lumapit sa amin ang flight attendant.

May problema po ba? Tanong nito sa amin.

Ee miss kasi nauna ako dito pinapaalis niya ako tama ba yun? Tanong ko.

Sir pasensya na po, kasi bago kayo bumili ng plane ticket pinapapili kayo ng upuan patingin nga po ng ticket niyo.

Inabot ko ang ticket ko sa flight attendant.

Ahh sir dito po kayo ayan po number ng upuan magkatabi po kayo ni maam. Sabi ng attendant.

Gusto ko ng umuwi sa sobrang kahihiyan na ginawa ko, bakit ba naman kasi hindi ko alam na may number pala ang upuan sa eroplano, akala ko parang bus lang.

Lumipat nalang ako ng upuan at nilabas ko ang jacket na bigay sa akin ni Shaina, kahit Hindi ako inaantok pinilit ko nalang matulog.

Ilang minuto ako nakapikit pero hindi ko magawang matulog sa loob ng eroplano, naiisip ko pa rin kasi yun kahihiyan na ginawa ko.

Dinilat ko nalang ang mga mata ko at nagmasid sa kung anong pwede ko mapaglibangan sa loob ng eroplanong yun.

Hi!! First time mo sumakay ng eroplano noh!? Tanong ng babae katabi ko na inagawan ko ng upuan kanina.

Ahmmp oo sagot ko.

Ahh kaya naman pala! Ano naman ang gagawin mo Seoul? Magttrabaho ka or kagaya rin kitang back packers? Tanong niya.

Huh? Anong back packers? Pagtataka ko.

Back packers ang tawag sa mga taong gumagala sa kung saan saan na dala lang ay back pack na bag. Paliwanag niya.

Ahh okey, oo siguro back packers nga ako, wala naman kasi akong plano magtrabaho sa Seoul. Sagot ko.

May kilala ka ba na pupuntahan mo sa south Korea. Tanong niya.

Actually wala ee. ikaw pang ilan byahe mo ito? Tanong ko.

Dapat pang apat na, nung 1st time ko kasi naiwan ako ng eroplano sa Japan dapat ako nun, yung 2nd ko Cambodia, then Thailand, taz eto Seoul. Paliwanag niya.

Mahilig ka palang gumala!? Hindi ka ba natatakot na lumalabas ka ng bansa na ikaw lang mag isa. Tanong ko.

Medyo, kinakabahan pero masaya naman kasi kapag mag isa ka lang, maoupuntahan mo lahat ng gusto mong puntahan. Sagot niya.

Paano mo mapupuntahan yung mga lugar sa Korea na gusto mo puntahan ee diba 1st time mo lang din dito. Tanong ko.

Oo, pero nakapag research na ako ng mga lugar sa Korea na pupuntahan ko, and meron website ng mga back packers na makakakuha ka ng idea sa mga lugar, pagkain at pwedeng pagtayuan ng tent.

Paliwanag niya.

Galing naman, nakaready ka pala talaga sa byahe na ito. Sabi ko.

Oo naman! Bakit ikaw saan ka ba unang pupunta? Tanong niya.

Hindi ko alam, kung saan lang siguro ako dalhin ng mga paa ko basta malayo sa Pilipinas. Sagot ko.

Saying naman ang byahe mo kung maghahanap ka pa ng lugar na puountahan mo, tyaka bakit mo kailangan lumayo sa Pilipinas? Sakit ba sa puso? Tanong niya.

Parang ganon na nga, sagot ko.

Walanjumo dapat iniwan sa bahay ang problema kapag nabyahe ka, kasi hindi mo maeenjoy ang magagandang lugar na makikita mo, kasi lagi mo iisipin yan babaeng pinoproblema mo, teka babae nga ba ang problema mo o lalaki? Biro niya.

Ano ba sa tingin mo? Tanong ko.

Ewan ko!! Marami kasi akong kilala na kilos at pormang lalaki pero lalaki rin pala ang hanap. Sagot niya.

Hindi ako silahis o bading, babae ang kasintahan ko. Sabi ko.

Ahh so pwede ko ba malaman ang story mo? Tanong niya.

Dahil sa naging palagay na ang loob ko sa kanya, ipinaliwanag ko lahat ng nangyari sa amin ni Ms Diaz.

Walanjumo naman pala pinagdadaanan mo, malupit brad!! Bakit mo pa kailangan bumyahe? Dapat sinulat mo nalang ang kwento mo kay ate Charo sa MMK tapos nagtext ka para mahulaan ang pamagat ng kwento ng buhay mo, baka manalo ka pa ng load. Biro niya.

Baliw, gusto ko lang talagang makalimot. Sagot ko.

Paano ka nga makakalimot kung nasa puso mo pa siya bakit Hindi mo iwan dito sa eroplano lahat ng alaala niya? Tapos bumuo ka sa Seoul ng bagong masasayang alaala Palaiwanag niya.

Iiwan ko dito ang alaala niya, pag uwi ko dito uli tayo sasakay ee di babalikan ko rin,? Banat ko.

Mamaya pagbaba natin sa Seoul sa c,r mo iwan para mapulot ng mga koreano Biro niya.

Naaliw akong makupagkulitan at makipagkwentuhan sa kanya habang nasa byahe kami, napaka sarap niya kasing kakwentuhan Hindi siya nauubusan ng mga kwento, para siyang si Apple na kapag asaran ang usapan ee naginging genius.

Ilang oras ang ginugol namin sa eroplano bago kami tuluyang nakarating sa south Korea.

Nakasunod pa rin siya sa akin hanggang sa makuha ko ang gamit ko.

Ayun yung c,r ilabas mo na lahat ng alaala ng babae na ng iwan sayo. Sabi niya
Huh? Paano? Tanong ko.

Simple lang pumikit ka at isipin mo lahat ng pinagsamahan niyo tapos maghilamos ka, isipin mo na sumama sa tubig lahat ng masasakit na pangyayari sayo. Paliwanag niya.

Hindi ko alam kung inuuto lang niya ako pero ginawa ko pa rin, kahit may ilang koreano sa loob ng c,r na tinitingnan ako, ginawa ko pa rin ang sinabi ng babaeng yun.

Ilang minuto ang lumipas bago ako makalabas sa c,r na yun, hindi ko maipaliwanag pero gumaan ng konti ang pakiramdam ko matapos Kong gawin ang sinabi niya.

Paglabas ko sa c,r hinanap ko agad ang babaeng kausap ko kanina pero Hindi ko na siya makita, nagpasya nalang akong lumabas na sa airport at simulan ang paglalakbay ko sa south Korean.

Sumakay ako ng taxi at nagpahatid ako sa hotel na kasama sa package ng binili kong plane ticket, nag check inn ako at natulog dahil sa pagod ko sa byahe.

Dahil hindi ko naisara ang kurtina ng salamin na bintana, nagising ako sa sikat ng araw na ditektang tumatama sa akin, nakaramdam din ako ng matinding ginaw na parang nasa loob ako ng freezer, hindi ko na nagawa pang maligo ng mga oras na yun, dinoble ko nalang ang tshirt ko at saka ako nagjacket, pero tagos pa rin ang lamig ng panahon, ber month na kasi kaya malamang malapit na akong makakita ng snow dito sa south Korea.

Tiningnan ko agad ang menu ng hotel subalit Hindi kilala ang mga pagkain nila na hinahanda, may allergy ako sa sea foods kaya hindi ako pwedeng sumubok ng kung ano anong pagkain.

Lumabas nalang ako ng hotel at naglakad lakad baka sakaling makakita ako ng pilipino restaurant pero sadyang Hindi nakaayon sa sikmura ko ang kapalaran, naghanap nalang ako ng taxi at nagpahatid sa lugar na pwede kong makainan mall or market ang plano ko.

Maswerte ako dahil kapwa pilipino ko rin ang driver ng taxi na nasakyan ko, dinala niya ako sa isang parang palengke at nagbigay pa siya ng calling card para matawagan ko daw siya kung magpapahatid uli ako.

Bumaba na ako sa taxi at naglakad lakad sa parang maliit na palengke na yun, may mga nakadisplay sa mga tindahan na malalaking kaldero na may laman na halo halong gulay na may kula pula pang parang sarsa.

Nakakita ako sa isang estante ng siopao at agad ako bumili ng dalawa, bumili rin ako ng mineral water, kinain ko ang siopao habang naglilibot ako, may nakita rin akonh noodles house kaya pumasok ako at umorder ng isa, pero ng lasahan ko ito Hindi ko malaman ang lasa, sinubukan ko tanungin ang isang matanda na kung anong soup ang hinihigop ko subalit Hindi kami magkaintindihan, dahil Hindi siya marunong mag english, lumapit sa akin ang isang babaeng koreana at siya ang nagpaliwanag sa akin ng soup na inorder ko.

Halos bumaligtad ang sikmura ko ng malaman ko na aso pala ang laman na sangkap ng sabaw na hinihigop ko, hindi ko naka ugalian na kumain ng aso kahit minsan dahil may alaga akong ako, mahal ko ang mga aso kaya galit ako sa mga kumakain nito. Subalit isa na ako sa nakahigop ng sabaw ng aso.

Tumayo ako sa table ko at agad na binayaran ang in order ko.

Naglakad nalang ako sa isang park na malapit sa palengke na pinanggalingan ko.

Napaka ganda ng lugar sa Korea, ibang iba ito kumpara sa Pilipinas, malinis at talagang nakakarelax pagmasdan ang mga puno at halaman sa park na yun, may mga ilang mga magkasintahan pa akong nakita na masayang namamasyal, Hindi ko maiwasang maalala si Ms Diaz , yung mga masasayang araw namin na magkasama, namimiss ko rin kapag tinotoyo siya.

Kinalimutan ko nalang ang pag iisip ko at humanap ako ng telephone booth para matawagan ang taxi driver, para makapag Simula na akong makapaglibot sa Korea.

Tatlong araw akong sinamahan ng taxi driver na yun sa paglilibot ko, dinala niya ako sa museum, mall at mga historical site ng Korea.

Pang apat na araw ko ng ihatid ako ng taxi driver sa isang pantalan, pinapasakay niya ako sa parang isang yate pero masmalaki ng konti ito, papunta raw iyon sa NAMI island, gusto ko sana isama ang driver subalit tumanggi siya dahil may mga service pa raw siya nung araw na yun.

Sumakay naman ako sa malaking yate na yun at ilang minutong naghintay ng pasahero, bago ito umandar, dumaan kami sa pagitan ng dalawang bundok, para itong malawak na ilog na napapalibutan ng mga puno at halaman. Napakayaman talaga ng Korea sa likas yaman kakaiba ang rock formation ng kabundukan nila, malalaki at makukulay ang mga dahon sa puno, maraming kakaibang uri ng ibon na sa Korea ko lang nakita, ang tubig na dinadaanan namin sadyang napakalinaw, tanaw ko pa ang ilang isda na sumusunod sa amin, sa likod na bahagi kasi ako nakapwesto kaya tanaw ko lahat ng magagandang dinadaanan namin.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa byahe, sobrang nalibang kasi ako sa magandang tanawin na pinagmamasdan ko.

Huminto sa isang pantalan ang sinasakyan namin, isa-isang nagbabaan ang mga kasabay kong pasahero, nang makababa ako at matanaw ang isla na pinagdalhan sa amin, mas lalo akong namangha dahil sa taglay nitong ganda, nakahalera ang mga punong matataas sa dadaanan mo na parang sundalo na nakasaludo sa parating na general, dito ginanap yung isang episode ng endless love na sinusubaybayan ko dati, nakita ko rin na meron palasyo dito na ginaya sa jewel in the palace, may mga wax din na ginawa na replika ng mga tauhan sa koreanovela na iyon.

May ilang bakal din na rebulto ang mga sikat na Korean actor at actress.

Busy ako sa pag kuha ng litrato sa mga magagandang tanawin na nakikita ko ng biglang may kumalabit sa balikat ko, nilingon ko kung sino ito at nagulat ako sa nakita ko kung sino ito.

Hello!! Kamusta? Sabi niya.

Siya yung babae na nakasabay ko sa eroplano.

Eto okey lang, ikaw kamusta? Tanong ko rin.

Okey lang din, saan kana nakapuntang lugar sa korea? Tanong niya.

Sinabi ko lahat sa kanya ang mga lugar na napuntahan ko na at napatawa siya.

Ano ba yang pinupuntahan mo pang bata naman yung mga lugar na yun, sagot niya.

Ee wala naman kasi talaga akong alam na lugar dito, mabuti na nga lang may nakilala akong pilipino na taxi driver at dinala niya ako sa mga lugar na yun, tapos nung 1st day ko nakahigop pa ako ng sabaw na gawa pala sa aso. Paliwanag ko.

Napatawa siya sa sinabi ko.

Dapat pala sinaman nalang kita, sabi niya.

Ee ikaw kasi ee bigla ka nawala sa airport, sagot ko.

Ikaw kaya ang nawala, nag c,r kaya ako tapos pag labas ko naghintay akong sayo sa tapat ng c,r ng lalaki, Hindi kana lumabas, nakiusap pa Nga ako sa guard na icheck yung c,r kung nandon ka pa, kaso wala kana pala. Paliwanag niya.

Ee kasi paglabas ko hindi na kita makita kaya akala ko umalis kana. Sagot ko.

Oh siya hayaan na natin yun, saan ka natutulog? Tanong niya.

May kasamang hotel accommodation yung plane ticket ko kaya, nasa hotel ako, ikaw saan ka nagsstay? sagot ko.

Hotel? Boring naman!! May baon akong tent kaya kapag oras ng matulog napunta ako sa mga lugar na pwede magtayo ng tent, hindi ka kasi makakapamasyal mabuti kung may hotel ka, lagi ka uuwi para bumalik sa hotel, Hindi kagaya ng tent, tuloy ang paglalakbay pagkagising. Sagot niya.

Huh? Ee paano ka naliligo at saan ka jumujebs? Tanong ko.

Sasama kita mamaya sa isang tent site na pinupuntahan ko, para malaman mo sagot sa tanong mo. Ngayon mag gala muna tayo. Sabi niya
Teka lang hindi pa natin alam pangalan ng isat isa ee ako nga pala si …

Ooooppss wait lang hindi naman natin kailngan magkakilala di ba, maglaro tayo, walang magbibigay ng kahit anong information sa pagkatao natin, pero kailangan bago tayo bumalik ng Pilipinas kilala na natin ang isat isa, bawal madaya huh!! Walang tinginan ng passport, ang unang makaalam ng identity ng isa sa atin ang panalo, kung sino ang talo, manlilibre same restaurant na mapipili ng nanalo, ano okey ba sayo yun? Tanong niya.

Oo game ako, pero ano itatawag ko sayo? Tanong ko
Bahala ka na umisip, basta ako may naisip na akong pangalan mo, "T-J" sabi niya.

Bakit naman TJ.

Tanong ko.

Trip to jeruslem, di ba mang aagaw ka ng upuan. Sabay tawa ng malakas.

Baliw ka talaga, sige zakura naman ang itatawag ko sayo. Sabi ko.

Zakura? Saan naman galing yun? Pagtataka niya.

Anime character yun, pinapanood ko noon, nakikipaglaban siya kapangyarihan niya nagmumula sa card, kagaya mo di ba back packers ka sabi mo, naglalakbay ka gamit mo passport mo na parang kapangyarihan para makapunta sa ibat ibang lugar. Paliwanag ko.

Lalim naman, nahiya tuloy ako sa pinangalan ko sayo. Sagot niya.

Okey lang yun, tara simulan na natin ikutin ang south Korea.

Kung saan saan kami nagpunta, tumikim ng mga pagkain na hindi kilala ng mga sikmura namin, tumawa, naglakad, tumakbo at hindi ko alam na mahuhulog pala ang loob ko sa babaeng ito.

Napaka simpleng babae ni zakura, hindi siya yung tipong makalaglag panga kapag nakita mo ng malapitan, pero siya yung klase ng babae na kapag kasama mo, wala kang ibang gagawin kundi ang tumawa.

Matapos kami makapaghapunan sa isang kainan, nagyaya si zakura na magpunta daw kami sa casino.

Kahit wala akong kahilig hilig sa sugal, sumama nalang ako sa kanya.

Nagpapalit siya ng chips at nag ikot ikot kami sa malalaking table na may mga naglalaro ng cards, meron din mga slot machine, meron din mga roulette na may mga numbers at kulay na pwede mo tayaan at marami pang iba na halos hindi ko alam kung paano laruin.

Okey lang ba kung maglalaro ako ng game cards? Tanong ni zakura sa akin.

Oo naman sige lang, sagot ko.

Baka naman umalis ka na naman, kagaya ng ginawa mo sa akin sa airport, tanong niya.

Hindi! Promise sige na enjoy ka lang, dito lang ako, sagot ko.

Talag huh!! Oh eto chips maglaro ka rin ng kahit ano. Sabay abot niya sa akin ng limang chips.

Tama na ang isa hindi naman ako marunong magsugal, maipapatalo ko lang yan. Sagot ko.

Umupo na si zakura sa upuan kaharap ng malaking table, ako naman ay nag ikot ikot muna sa loob ng casino na yun, natuwa ako ng makita ko na nagbebenta pala sila ng mga sigarilyo at alak. Bumili ako ng isang soju at isang fruit juice na pwede kong gawing chaser, umupo ako sa isang upuan na katapat ang isang slot machine at sinimulan ko inumin ang binili ko alak.

Halos apat na oras na ang lumipas mula ng umupo si zakura at makipaglaro ng game cards, pero hindi pa rin siya natatapos, naubos ko na rin ang alak na binili ko. Dahil siguro sa lamig ng panahon Hindi man lang umepekto sa akin ang soju.

Ilang minuto pa ako naghintay at natanaw ko ng palinga linga si zakura, may hawak siyang kulay itim na bagay na parang ginawa niyang bag.

Tumayo ako para lapitan siya, napatingin siya sa akin ng papalapit na ako sa kanya, nagulat nalang ako ng salubungin niya ako at patakbong yumakap sa akin.

Ohh may problema ka ba? Tanong ko.

Wala! Masaya lang ako, matagal na akong naglalaro ng black jack pero ngayon lang ako nanalo ng ganitong karaming chips, sabay taas ng kulay itim na hawak niya.

Panyo pala yun na binuhol ang apat na kanto para mailagay ang mga chips niya.

Mabuti kung ganon tara na uwi na tayo, sabi ko.

Teka lang, papalit lang muna natin ito ng cash, sagot niya.

Magkano ba papalitan yan? Tanong ko.

Hindi ko alam di ko pa naman binibilang, pero estimate ko malaki ang napanalunan ko, look naubos ko yung chips ng dealer, nakatatlong palit sila ng tauhan bago ako huminto sa paglalaro, baka kasi matalo pa ako, ee malaking bagay na ito sa paggagala natin. Paliwanag ni zakura.

Hinila na niya ako sa counter ng casino iyon at pinapalit ang mga napanalunan niyang chips, habang binibilang ng isang korean na babae ang mga chips, kumuha ako ng isang kulay red na chips at inabot ko kay zakura.

Para saan naman ito? Tanong niya.

Remembrance mo, sabi mo ngayon ka lang nanalo ng ganito di ba, sana eto na rin yung last na pupunta ka sa casino, sabi ko.

Napangiti nalang siya sa sinabi ko at itinabi ang binigay ko chips, bago kunuha ng isang chips at inabot sa akin.

Yan remembrance mo rin, sana hindi ka matutong magsugal, sabi niya.

Hindi ko tinanggap ang inaabot niya, kinuha ko sa bulsa ko ang chips na binigay niya kanina sa akin.

Meron na ako ohh! Tyaka wala talaga akong plano matuto ng sugal. Sagot ko.

Matapos mabilang ng cashier ang chips ay nagulat ako sa dami ng perang inabot niya sa amin. Halos dalawang dangkal ito, hindi ako makapaniwala na ganito kalaki ang panalo ni zakura sa larong yun.

Puno ng gamit ni zakura ang bag niya, kaya bag ko ang hiniram niya para ilagay ang perang napanalunan niya, bago kami mabilis na lumabas ng casino, dahil maraming mga koreano ang nakatingin sa amin, kinakabahan ako baka may mga gawin silang masama sa amin lalo pa at dayuhan lang kami sa bansa nila.

Maswerteng may pilahan ng taxi sa gilid ng casino at agad along hinila ni zakura para makasakay.

Anong pangalan ng hotel na naka check inn ka? Tanong niya.

Pinakita ko sa kanya ang isang parang ATM card na ginagamit kong susi sa pinto ng kwarto ko.

Pinakita ito ni zakura sa driver at umandar na ang taxi.

Grabe kinabahan ako sa mga tingin ng mga lalaki sa atin sa casino, mga muka silang mafia, sabi ni zakura.

Ako nga rin medyo kinabahan, bakit ba naman kasi napakalaki ng napanalunan mo. Tanong ko.

Syempre kasama kita, ikaw ata ang swerte, alam mo ba simula ng umupo ako at naglaro hindi ako natalo kahit isang beses, nung tumayo nga ako para umayaw masama na tingin sa akin ng dealer. Paliwanag niya.

Sus yaan mo na yun, wag ka nalang uli mag casino para iwas sa problema. Sagot ko.

Sumandal siya sa sandalan ng taxi at inihilig ang ulo niya sa balikat ko.

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa hotel na tinutuluyan ko.

Nagparegister si zakura para magkarecord siya sa hotel, bago kami sumakay ng elevator at makarating sa kwarto ko.

Inabot niya sa akin ang parang ATM card na susi ng pinto at binuksan ko na ang kwarto ko.

Pumasok ako at inilapag ang bag ko sa isang table, nang lingunin ko si zakura ay nakatayo lang siya sa may pintuan.

Ohh? Bakit Hindi ka pa pumasok? Tanong ko.

Dalawa lang tayo dito? Balik na tanong niya.

Oo bakit? Sagot ko.

Hindi ba nakakahiya? Tanong uli niya.

Ano naman nakakahiya? Gusto mo kuha nalang tayo ng kwarto mo marami naman yung napanalunan mo. Sagot ko.

Hindi huwag na okey na ito kaso ano ee,, sabi niya.

Nagets ko na ang ibig niya sabihin kaya kusa na akong dumepensa para mapanatag ang kalooban niya.

Kasi iniisip mo na baka may gawin ako sayong masama? Huwag kang mag alala lisensyado ako tao hindi ko hahayaang masira ang pinaghirapan ko ng higit sa limang taon sa kolehiyo para lang sa paggawa ng masama, isa pa nakakasama ko rin ang mga estudyante ko na matulog kapag may mga activity kami out of town, sa kama kana matulog sa sofa nalang ako. Paliwanag ko.

Wahahahaha so you mean teacher ka pala, ngayon lamang na ako sa pustahan natin, Banat ni zakura.

Napakamot nalang ako sa ulo, magaling talaga siyang umarte kaya nawala sa isip ko yung pustahan namin.

Nagshower muna ako bago naghanda sa pagtulog, si zakura naman ay naglinis lang ng katawan.

Kailan ang flight mo pabalik sa Pilipinas? Tanong niya.

Thursday pa, ikaw? Sagot ko.

You mean dalawang araw ka nalang dito? Ako kasi saturday pa ang flight ko, gusto magpapalit ka ng flight para sabay tayong umuwi? Suhestiyon niya.

Kapos na ko sa budjet kung mag extend pa ako. Sagot ko.

Ayusin natin papel mo bukas papa change flight natin, treat ko na yun sa pagiging lucky guy mo sa akin, sa mga gastos mo wala naman problema yun, malaki yang napanalunan ko Hindi ko kayang ubusin lahat yan. Paliwanag niya.

Nakakahiya naman sayo, sabi ko.

Okey lang yun, bakit kung ikaw ba nanalo ng ganyan kalaking pera dito, Hindi mo ba ako ililibre? Tanong niya.

Syempre ililibre kita. Sagot ko.

Yun naman pala ee, T,J may tanong ako sayo, sabi niya.

Sige ano yun? Sagot ko.

Anong mga bagay ang gusto mo makita at magawa dito sa korea?tanong niya.

Ahhmp noon ko pa pangarap makakita ng snow, sinabi ko sa sarili ko gagawa agad ako ng snow man kapag nakakita ako ng snow, tyaka gusto kong humiga sa kalye ng seoul ikaw ano pa ba gusto mo gawin dito tanong ko.

Gusto ko tikman ang lasa ng snow, tyaka magpapicture kay lee min ho sobrang crush ko kasi siya,Sabi niya.

Cool sige simulan natin lahat yan mga gusto natin gawin bukas, tawagan natin yung kaibigan ko taxi driver tanong natin kung saang lugar dito sa korea na may snow. Kaso baka mahirapan tayo sa lee min ho na yun di ko kasi kilala yun.

Sagot ko.

Salamat TJ huh! Alam mo magkaiba kayo ng sinagot ng boyfriend ko ng sabihin ko yun, nonsense daw ang mga maiisip ko tapos titikaman ko pa ang snow e kagaya lang naman daw yun ng lasa ng ulan. Paliwanag niya.

Teka may boyfriend ka pala ee bakit di mo siya kasama dito? Tanong ko.

Nasa amerika na siya, kasama ng magulang niya, plano niyang kunin ako kapag lumabas na daw yung green card niya, tyaka isa pa hindi niya alam na nandito ako, ayaw niya kasi na lumabas ako ng bansa na ako lang mag isa. Sagot ni zakura.

Paano kung makita niya mga photos mo dito sa Korea? Tanong ko.

Okey lang wala na siyang magagawa kasi nagawa ko na gusto ko, kahit magalit pa siya. Matapang na tugon niya.

Wow astig, matulog na muna tayo, para bukas maaga tayong makapamasyal, sabi ko.

Sige goodnight teacher TJ biro niya.

Sige goodnight din card captor zakura.