1. Home
  2. Stories
  3. Teacher: Book 2 - Part 1
xTorya

Teacher: Book 2 - Part 1

By phantomblade ·

Umaga ng magising ako at una kong binisita ang laman ng telepono ko, maraming message na kadalasan ay quotes at mga gm ng mga dati kong estudyante, binura ko lahat ng bagong message. Bago ko mabura lahat ay isamh hindi ko kilalang numero ang natanggap kong txt.

"Good moring, ingat sa pagpasok" nabasa ko ng binuksan ako ang txt.

Hindi ko naging ugali na sumagot at makipagtxt sa mga taong hindi ko kilala o hindi agad nagpakilala, kaya binura ko lang din ito at ginawa ko na ang morning rituals ko.

Maligo, kumain, magbihis at pumasok sa paaralan.

Subalit ng palabas na ako sa bahay namin ay agad akong tinawag ng kapatid ko.

"Kuya may pumunta dito kahapon, estudyante mo ata yun, babae sabi pumunta ka daw sa kanila sa sabado, debu daw niya 18 message ka daw" sabi ng kapatid ko.

Tumago lang ako bilang sagot, bago ako tuluyang maglakad, dahil hindi ako interesado kung sino yung tinutukoy ng kapatid ko na estudyante ko.

Nakarating ako sa paaralan na medyo late na ako dahil sa trapik, pero kahit nakakinit ng ulo ang trapik sa lugar papunta sa paaralan na pinapasukan ko ay naging maganda naman ang pakiramdam ko ng makarating ako sa classroom ko, dahil napaka tahimik ng mga estudyante ko, nakaupo lang silang lahat at matyagang naghihintay sa akin.

Subalit ng umupo ako sa table ko at ng binuksan ko ang drawer ko ay may panibagong sulat na naman akong natanggap.

Hindi ko na ito pinag aksayahan ng panahong basahin, pinunit ko ito at tinapon sa basurahan.

Normal na araw lang ang dumaan sa akin ng araw na yun, nagturo ako sa ibat ibang section, nagtraining ng volleyball at nang pauwi na ako, nakita ko na naman sa labas ng gate ang dalawang dalagita na uubos na naman sa laman ng wallt ko.

"Hello sir!!!" bati sa akin ni apple.

"Oh napadalaw kayo." sabi ko
"Sir galing kami kahapon sa inyo, kaso wala kayo ii" sabi Margarette
"Ahh kayo pala ang nagpunta, sabi nga ng kapatid ko, teka sino ba ang magdedebu?" tanong ko.

"Ako sir" sagot ni Margarette
"Huh? ee di ba 1sr year college ka lang? pano ka magdedebu?" tanong ko.

"Sir nagstop ako nung elementary kaya mas matanda ako sa mga kabatch ko." sagot ni Margarette.

"Ahh ee bakit kasi wala man lang invitation?" tanong ko.

"Meron sir eto ohh, pinuntahan ka lang namin kahapon kasi ikaw ang gusto kong unang imbitahan" sabi ni Margarette sabay abot sa akin ng invitation.

"Ahh ee may partner ka na ba?" tanong ko
"Ay sir huli ka na sa balita, may boyfriend na yan" banat ni apple.

Medyo nakaramdama ako ng konting selos ng marinig kong may boyfriend na pala si Margarette, selos na hindi dahil sa gusto ko siyang maging girlfriend, kundi selos na parang may kahati na ako sa atensyon niya at sa oras niya.

"Ahh mabuuti naman kung ganun." sagot ko na parang wala ako sa mood.

"Selos ka sir?" banat ni apple.

"Bakit naman ako magseselos, hindi ko naman girlfriend si Margarette." sagot ko
"Ee kapag ako nagka boyfriend? magseselos ka sir?" tanong ni apple.

"Hindi rin." sagot ko.

"Hmmp ewan!!" sagot ni apple.

"Sir punta ka huh, formal; attire po sir." singgit ni Margarette.

"Oo sige pupunta ako, tara kain muna tayo" yaya ko sa kanilang dalawa.

"Yes!! tara sir" banat ni apple sabay hawak sa braso.

Subalit ng magsimula kaming maglakad ay isang pamilyar na dalagita pa ang nakikita kong parating na makakasalubong namin.

"Patay!!" nasabi ko na lang sa sarili ko.

"Phantom uuwi ka na at sino siya?" banat ni jizel na masamang natingin kay apple dahil nakahawak ito sa braso ko.

"Girlfriend niya ako, bakit? ikaw sino ka?" pambabara ni apple.

"Ano ba yan, napaka bata pa napaka landi na!" mahinang sabi ni jizel subalit narinig ito ni apple at Margarette.

"Anong sabi mo? sino malandi?" biglang banat ni Margarette na kita ko na naman ang muka niya na unti unting tumatapang na parang handa na naman sa pakikipag basag ulo.

"Girls sandali lang, hindi niyo ba nakikilala ang isat isa? Margarette easy ka lang, jizel sila yung kasama kong kumain sa inyo nung birthday ni jean." sagot ko.

Pero nakatitig pa rin si jizel kay apple na hindi pa rin bumibitaw sa braso ko.

"So totoo nga sinasabi niya na girlfriend mo siya?" tanong ni jizel
"Ee ano ba ang pake mo huh? sino ka ba huh? ano ka ni sir?" banat ni apple.

"Bakit hindi mo itanong sa sir mo kung sino ako." banat ni jizel.

"Napatingin sa akin si Margarette at apple, hindi ko rin alam kung ano ang isasagot ko sa kanila, dahil wala naman kaming relasyon ni jizel.

"Teka lang, pwede ba umayos kayo? para kayong mga sira!! jizel hindi ko girlfriend si apple, estudyante ko siya at magkaibigan kami, apple at Margarette kaibigan ko si jizel. Pwede ba maging magkakaibigan din kayo?" sagot ko sa kanila na medyo tinaasana ko na ang boses ko, dahil may ilang mga tao na nakatingin sa amin na parang pinaparatangan ako na girlfriend ko ang mga estudyante na kasama ko, dahil ang school uniform ng tatlong dalagita na kasama ko ay magkakaiba.

"Ano okey na ba kayo? jizel sama ka sa amin, kain tayo para maging magkakaibigan na din kayo." paanyaya ko kay jizel.

"Sir sama ako" tinig ng isa pang dalagita sa likod namin, nang lingunin ko ito ay nakita kong si jean ito.

"Ako din sir" singgit pa ng isa at nakita kong si mira ito.

Napakamot na lang ako sa ulo ko ng sabay sabay kaming pumunta sa tapsihan na pag aari ng estudyante ko.

Nang makarating kami sa tapsihan ay ako na ang umorder ng kakainin namin, pinili ko nalang ang pinaka mura, dahil paubos na talaga ang pera ko.

Pagbalik ko sa upuan namin ay agad kong napansin na sobrang tahimik nilang lahat na nakatingin sa magkakaibang dereksyon.

Hindi ko alam ang gagawin ko at sasabihin ko kaya nakigaya na lang ako sa kanila. Hindi rin ako nagsalita nang maramdaman ko na nagvivrate ang telepono ko.

"Hello ingat sa pag uwi" txt na galing na naman sa hindi kilalang number, kaya minabuti ko na lang na replayan ito para kunyari ay may ginagawa ako.

"Who you?" repley ko.

Walang ilang segundo ay sumagot ito.

"Ako yung nagpapadala sayo ng sulat." reply niya.

"Sorry pero wala akong panahon sayo, mag aral ka nalang ng mabuti para hindi masayang ang pinagpapabaon sayo ng magulang mo." sagot ko
"Wow nice ka talaga Mr Phantom, sorry pero hindi nasayang ang pangpaaral sa akin ng parents ko, kasi tapos na ako ng pag aaral." reply nito.

Nagtaka ako sa sinabi niya, tapos na daw siya ng pag aaral, kaya naisip ko hindi kaya isa sa mga kasamahan kong guro ang nagpapadala sa akin ng sulat? pero wala naman akong nakikitang kakaiba ang kinikilos sa kanila, dahil sa totoo lang wala akong kaclose na guro nung panahon na yun.

"Ahh ganun ba? ibaling mo na lang ang atensyon mo sa iba, kasi parehoi tayo ng hanap. Lalaki din kasi ang gusto ko" reply ko para matahimik na siya at mahinto na ang pagpapadala niya sa akin ng sulat.

"Hahaha hindi ka lang pala nice, joker ka rin. Sorry Mr Phantom pero nakapag research na ako sayo, alam ko na hindi ka bakla." reply nito
Hindi ko na sinagot ang txt niya dahil dumating na bigla ang pagkain namin.

Namayani pa rin ang katahimikan sa table namin, nasa magkabilang gilid ko si apple at Margarette, kaya kita ko na masama ang tingin ni jizel kay apple.

"Sir may problema ba sa table natin? bakit ang tahimik niyo?" tanong ni mira.

"Kapag hindi ka tumigil sa pagsasalita, magkakaproblema ka sa akin." sagot ni Margarette kay mira.

"Margarette ano ba?" saway ko kay margartette.

"Ee paano kasi sir tong babaeng toh, (sabay turo kay jizel) kanina pa masama tingin sa amin ni apple!!" pasigaw na sabi ni Margarette.

"Bakit? artista ba kayo? masama ba kayong tignan?" banat ni jizel
"Punyeta ka!! pasalamat ka nandito si sir?" sabi ni apple na kita kong namumula na sa galit.

"Hoy punyeta ka rin (sabay duro kay Margarette) huwag mong sabihan ng punyeta ang ate ko!!" sabat bigla ni jean'
"Ee bakit ate mo……napahinto sila sa pagtatalo ng hampasin ko ng makas ang mesa, sabay bato ko ng baso sa flooring ng kinakainan namin. Tumayo ako at binayaran ko ang kinakain namin, hindi na ako kumuha ng sukli dahil sa kahihiyan na ginawa ng mga ksama ko, lumakad ako pabalik sa mesa namin, kinuha ko ang bag ko bago ko sila tinitigan at nagsalita.

"Hinding hindi na mauulit na makakasama ko kayo!!! sayang lang ang pinag aaralan niyo!!! mga wala kayong modo at respeto!!!!" sabi ko sabay lumakad ako palabas sa kainan na yun.

Sumakay ako ng jeep pauwi sa bahay namin na magkahalo ang inis at galit sa pinakita ng mga kasama ko, nang makauwi ako sa bahay namin ay dumiretso na ako sa kwarto ko. Sobrang inis pa rin ang nararamdaman ko, sumabay pa ang nangungulit sa akin sa txt kaya hindi ko na napigilan ang inis ko at naibato ko ang telepono ko, hindi ko na nabilang pa kung ilang piraso ito nawasak.

Nagpalit lang akop ng damit at lumabas ako ng bahay namin, daretso sa tindahan ng barkada ko na madalas kong tambayan.

Umutang ako ng isang boteng redhorse, para makalma ako kahit papano. Kilala naman ako ng nanay ng tropa ko kaya kahit anong utangin ko sa tindahan nila ay okey lang.

Ang isang bote ay naging dalawa, tatlo at hindi ko na nabilang kung ilan na ang nainom ko.

Nakaramdam ako ng hilo kaya pinasya ko ng umuwi sa bahay namin.

Sabalit hindi pa ako nakakalad ng makita ko ang isang tao na pamilyar sa akin, tinitagan pa ako nito at nang magkasalubong kami ay nagsalita pa ito.

"Tang inang tong gagong toh, manunuhog ng magpinsan." yun ang eksaktong narinig ko kay joel na ex-boyfriend ng pinsan ni Ms Diaz na si Mae.

Umakyat na sa ulo ko ang galit ko, kahit hilo pa ako ay mabilis akong tumalikod para mahablot si joel.

Nahawakan ko siya sa balikat at gulat siyang napalingon sa akin.

Isang suntok agad sa muka ang inabot niya sa akin ng sandaling yun, sunod sunod na sapak ang inabot ni joel sa akin, napabagsak na siya sa kalsada pero hindi pa rin ako tumigil sa kakasuntok sa kanya, pero magaling sumalag ng suntok si joel. Nakacover kasi sa muka niya ang braso niya. Kaya panay sa braso ang tama ng suntok ko.

Dahil sa alak na nainom ko, mabilis akong humina sa sunod sunod na suntok ko, alam kong naramdaman ito ni joel kaya ng sumipa siya at tinamaan ako sa dibdib, napatumba ako sa kalsada, kita ko kung gaano kabilis tumayo si joel para ako naman ang sugurin. Tinakip ko na rin ang braso ko sa muka ko, subalit makalipas ang ilang suntok ni joel ay nakarinig ako ng takbuhan murahan.

Nawala rin ang suntok ni joel, kaya inalis ko na ang braso ko na nakacover sa muka ko at nakita ko na pinagtutulungan ng mga barkada ko si joel.

Mabilis akong tumayo at inawat ko ang mga barkada ko, nagpaawat naman sila sa akin, kita kong duguan na ang muka ni joel subalit buo pa ang inis ko kaya inupuan ko saiya sa dibdib at pinagsasapak ko parin ang muka niya.

Ako naman ang inawat ng mga barkada ko, dahil may narinig na kaming paparating na mobile ng barangay.

Agad akong hinila papasok sa tindahan ng iosa sa mga tropa ko, pinaupo nila ako sa loob ng tindahan para hindi ako madamay sa gulo.

"Ano nangyari dito?" rinig kong tanong ng isang barangay tanod.

"Ayan sir nahuli namin, akyat bahay yan, pinasok bahay namin niya." rinig ko ang isa sa mga barkada ko na nagsalita.

Ang mga sumunod na salitaan ay hindi ko na masyadong maintindihan, dahil sa kalasingan at pagod sa pakikipagsuntukan.

Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako sa tindahan ng barkada ko.

Matapos ang masalimuot na pangyayari sa buhay ko ng sandaling mawala si psalm ay pinilit kong bumangon muli sa kung saan ako nadapa.

Masasabi ko na isa ako sa dapat sisihin sa pagkawala niya subalit alam naman nating lahat na ang mga araw na dumaan ay hindi na maaari pang balikan. Kahit pa magsisi ako ng paulit ulit, kahit pa ilubog ko ang sarili ko sa alak at droga ay hindi na maibabalik pa ang buhay na nawala na.

Ito ay mananatili na lamang na isang alaala na magiging pundasyon ko sa hinaharap kong buhay.
Ito ang magpapatibay sa akin upang mas lalo akong maging malakas at matatag sa kung ano man ang pagsubok na aking susuungin.

Hindi tayo dapat laging magtanong ng BAKIT sa bawat pangyayaring hindi maganda sa buhay natin, dahil para sa akin lahat ng nagaganap sa araw araw nating buhay ay may dahilan. Dahilan na dapat nating unawain at intindihin. Dahil sa paniniwala ko lahat tayo ay may kanya kanyang libro ng buhay at ang mundo natin ay isang malaking library.

May librong maraming pahina, may librong naglalaman ng ibat ibang kaalaman, librong ibat iba ang lengwahe at librong kakaunti ang pahina, subalit kahit pa gaano kaganda ang nilalaman ng isang libro, ang lahat ay magtatapos sa isang tuldok. Tuldok na pahiwatig na tapos na ang paglalakbay ng karunungan ng isang libro.

Ako si Phantom Blade, minsang sinubok ng tadhana sa mga hamon na dumating sa aking buhay, subalit pinilit na lumaban at tumayo sa bawat pagkakadapa.

Dahil para sa akin MAGIGING TALUNAN LAMANG AKO, KAPAG DUMATING NA ANG PANAHON NA HINDI NA AKO MULING BUMANGON PA.

Ito ang aking kwento.

Ito ay tunay na pangyayari ng aking buhay.

Kung may pinagkahawig man ito sa mga pelikulang napanood niyo sa kung saan man lupalop ng mundo ay hindi ko po ito sinasadya. Dahil sa dami ng pelikula na ginagawa sa araw araw, imposible naman po na walang makagaya sa tunay na buhay ng ilang bilyong tao sa mundong ito..

Sana po ay magustuhan niyo rin ang pangalawang libro ng aking buhay…

……

Matapos ang isang napaka salimuot na pinagdaanan ko sa buhay ay pinilit kong bumangon muli.

Dahil matapos kong maipagawa ang Museleo ni psalm ay nagsimula na rin akong magpasa ng resume ko sa mga paaralan sa lugar namin upang makapag turo muli, subalit mailap na sa akin ang swerte ng panahon na yun, halos lahat ng high school at elementary school, public man o private ay nagpasa ako ng resume sa kanila. Subalit kahit isa sa kanila ay walang tumawag sa akin, may isang teacher akong kaibagan sa isang paaralan na pinag applayan ko na nakapag sabi sa akin na, naging marumi ang record ko sa distrito namin, sa pagkakatanggal sa akin sa dati ko pinapasukan at nakarating pa sa ilang paaralan sa lugar namin ang balita na pambabastos ko sa pari ng simbahan namin.

Mabuti na lamang at hindi natanggal ang lisensya ko sa ginawa ko yun, kaya pinasya ko nalang na magpasa ako ng resume sa katabing bayan namin, kung saan kakaunti lamang ang nakakakilala sa akin at hindi nila masyadong alam ang naging kwento ng buhay ko.

Sa pagkakataong yun ay pinalad ako matanggap sa isang public highschool. Medyo mahirap din ang naging proseso ko sa kanila, pero sa awa ng diyos kahit mahaba at matagal ang paghihintay ko ay nakatanggap ako ng tawag sa paaralan na pinag applyan ko.

May 25 2009 monday nang panahon na ipatawag ako district office, dahil mabibigyan na ako ng assignment sa isang public high school sa katabing bayan lamang na aking tinitirhan.

Tangan ko ang ilang dokumento na ibibigay sa principal ng paaralan na pagtuturuan ko ay tinahak ko na ang bago kong paraiso.

Alas dos na ng hapon ng makarating ako sa lugar ng paaralan na pagtuturuan ko, malaki ang paaralang ito, kesa sa nakaraan kong pinagturuang paaralan.

Dumiretso agad ako sa principal office upang iabot ang papeles na galing sa district office.

"BRIGADA ESKWELA" nang panahon na yun kaya nandoon ang principal at ilang mga guro, may ilang estudyante rin, mga guro at mga magulang na nagtutulong tulong na maglinis ng paaralan.

Ang brigada eskwela ay isang programang bayanihan ng mga magulang guro at estudyante tuwing summer sa pampublikong paaralan, uoang maihanda ang bawat silid na gagamitin sa pasukan.

Mainit namn akong tinaggap ng principal ng paaralang yun at ipinakilala nila ako sa mga kasamahan naming guro.

Dahil sa bibihira sa mga lalaki ang nais na maging guro, ako lamang ang tanging lalaki na nakapasok sa paaralan na yun dahil lahat ng mga teacher na kasama ko ay puro babae.

Pati ang guard ay babae rin, kaya mistula akong nakapasok sa tribu ng mga amasona!!
Nilagay ako ng principal sa 2nd year highschool ng panahon na yun, agad niya akong sinamahan sa bago ko classroom.

Sobrang nagulat ako ng makita ko ang bago kong magiging kuta, parang gusto ko ng umuwi at bumalik nalang sa tita ko sa lucena para magtanim nalang ng mga gulay at palay.

Parang bodega ang bago kong classroom, puro sira ang upuan, sira ang kisame, punit punit na mga murals sa ding ding, bintana na parang ilang anay nalang ang pipirma ee gigiba na at ang c.r sa loob ng classroom ko mapapamura ka sa itsura, isipin niyo na lang kung gaano katindi ang c.r na mapapasuka ka muna bago ka mapatae.

Pero kagaya ng una kong beses sa pagtuturo sa private highschool, wala akong magagawa kundi tanggapin ang kung ano man ang maibibigay sa akin, dahil baguhan ako at dayuhan sa lugar nila.

Kahit pa gaun kamiserable ang classroom ko ay pinagtyagaan ko itong linisin, katulong ang mga kaibigan ko na wala namang ginagawa sa buhay, una naming inayos ang mga sirang arm chair, sunod ang kisame, bumili rin ako ng pintura para mapintahan ang dingding ng classroom ko at sunod naman naming inayos ay ang mga murals sa dingding, huli ang c.r na kahit isa sa amin ng mga kaibigan ko ay walang may gustong maglinis, kaya bumayad nalang ako ng tao na malakas ang sikmura para linisin ang c.r.

Matapos namin malinis at maisaayos ang lahat sa classroom ko ay alak at masarap na pulutan lamang ang bayad ko sa mga kaibigan ko.

Pero bago ako tuluyan pumasok sa paaralan at maging ganap na guro uli, nagpatattoo muna ako sa kaliwang braso ko ng larawan ni psalm, may pakpak ito na mistulang angel na may apat na luha.

Ang apat na luha sa mata ng angel sa braso ko ay may ibig sabihin at hindi ko na ito maaari pang isulat dito.

Ilang araw pa ako naghhinaty sa pagbabalik ko sa harapan ng mga estudyante, sobrang nasasabik akong maging normal uli ang takbo ng buhay ko, kung pwede lang na hatakin ko na ang mga araw ng sandaling yun ay ginawa ko na para lang makapag simula na ako sa pagtuturo.

Kahit napaka tagal ng mga araw ng panahon na yun ay dumating rin ang huling araw ng linggo bago ang pasukan.

Pinasya ko noon magsimba at humingi ng patawad sa mga kasalanang nagawa ko.

Umupo ako sa gitnang bahagi ng mga nakahalerang upuan ng simbahan, nakatutok lamang ang mga mata ko sa altar at sa paring nagsisimula ng magmisa, nang mahagip mahagip ng pandinig ko ang dalawang babae sa tabi ko na nag uusap na tila kilala ako ng mga ito.

Nang lingunin ko upang makilala kung sino ba ang babaeng katabi ko ay halos mapalundag ako sa kinauupuan ko sa gulat.

Hindi ko inaasahan na muli kaming magkikita ng taong minsang naging parte ng buhay ko sa loob ng simbahan na yun at katabi ko pa siyana hindi man lang namalayan na siya pala yung babaeng nakaupo sa upuan na yun bago ako umupo, dahil kahit noon pa ay hindi ko naging ugali ang makipag titigan sa ibang tao, sanay akong laging nakayuko lamang at malayo ang tingin sa iba.

Nang sandaling yun gusto ko na sanang tumayo at lumipat ng upuan, upang makaiwas ako sa kung ano man ang hindi magandang mangyayari sa pagitan namin.

Subalit mistulang isang pelikula ang isip ko at paarang naaninag ko pa ng mga mata ko kung paano ko nilakad ang gitnang bahagi ng simbahan noon at pagisisgawan ang pari, kaya kahit gusto ko ng tumayo at lumakad palayo sa kinauupuan ko ay mistulang may umaawat sa akin.

Subalit ang kaba at pangamba sa dibdib ko lalong umigting ng biglang magsalita ang babaeng katabi ni Ms Diaz.

"Uy tita si sir Phantom pala katabi mo, hello sir kamusta po." sabi ni tintin sa mahinang paraan, dahil nagsesermon na ang pari ng oras na yun.
Ngiti lamang ang isinukli ko kay tintin, subalit nahagip ng paningin ko si Ms Diaz na wala man lang reaksyon sa narinig niyang sinabi ng pamankin niya.

Kahit ilang segundo ko lang nasilayan ang muka ni Ms Diaz ay halata ko pa rin sa kanya ang sama ng loob sa akin at galit dahil sa nangyari sa relasyon na meron kami dati.

Subalit hindi ko inaasahan na ang bagyo palang nasa tabo ko ay may lalakas pa ng hindi ko inaasahan, mistulang naipit ako sa pagsasalubong ng langit at lupa ng sandaling patapos na ang misa na dapat ay nakakahinga na ako ng maluwang ay biglang dumating ang dalawang kapatid na lalaki ni Ms Diaz.

"Bayaw!! nandyan ka pala, ibig sabihin ba nito okey na kayo jni bunso?" biro ni kuya billy habang patapos na ang misa.

Kitang kita ko uli kung paano siringan ni Ms Diaz ang nakakatandang kapatid sa sinabi nito kaya agad itong natahimik, pero nagawa pa rin niyang magpatawa.

"Sorry Phantom, hindi pala bayaw, dapat pala ex bayaw" biro uli ni kuya billy sabay lakad palayo sa upuan namin.

Ako naman ay napangiti nalang sa inasal ng kapatid ni Ms Diaz, dahil kahit may hindi kami magandang nakaraan ay nagagawa pa rin nilang makipag biruan sa akin.

Ilang saglit pa ang lumipas ay natapos na rin ang misa at kahit hindi ako binati ni Ms Diaz ng peace be with you ay okey lang sa akin yun, dahil alam ko naman na wala akong kasalanan sa nangyari samin at ang higit sa lahat ay naka move on na ako sa paghihiwalay namin.

Lumakad ako palabas ng simbahan at umuwi sa bahay namin, kumain ng hapunan, hinanda ang mga gagamitin ko sa bago kong paaralan at nagsimulang matulog.

Ala sais ng umaga ng ako ay magising, kumain ng almusal, naligo, nagbihis at lumakad na patungo sa bago kong paraiso.

Masaya kong tinahak ang daan patungo sa paaralan at ewan ko ba kung dahil ba sa sobrang saya ko o sadyang may katangahan lang ako, dahil ang tinahak kong lugar na papasukan ay yung dati kong pinapasukan na paaralan.

Nasa gate na ako ng maalala ko na hindi pala ako dun magtuturo, may ilang bumabati sa akin na mag aaral ko dati ng good morning at binabati ko rin naman sila.

Subalit nakakahiya pa rin ang nagawa ko ng may ilan na nagtanong kung magtuturo na ba daw uli ako sa school nila.

Hindi ko sila nasagot sa tanong nila dahil sa kahihiyan ay tumalikod nalang ako at mabilis na naglakad palayo sa lugar na yun.

Halos 30minutos rin ang ginugol ko sa byahe bago ko narating ang gate ng bago ko paaralan.

Tinahak ko agad ang faculty room at nag time in, may ilang guro na bumati sa akin at binati ko rin naman sila, subalit ayokong makipagtsismisan sa kanila. Kaya agad ko ng tinahak ang bago kong classroom.

Nang marating ko ang classroom ko ay nakabukas na ito, dahil iniwan ko sa guard ang susi ng pinto ng room ko para kung mahuli man ako ng pasok ay mabubuksan niya ito.

Sa unang tapak ko sa loob ng classroom ko ay masasabi ko na sobrang nanibago ako sa mga estudyanteng handle ko.

Mahirap lang din naman ang pamilya ko, subalit dahil sa scholar ko ay nakaranas ako ng private nung highschool ako at college, then after ko makagraduate ay nakapag turo ako sa private uli.

Kaya masasabi ko na malaki ang pinagkaiba ng mga bata sa private at public.

Mula sa itsura, pananamit, kilos at sa kagamitan ng mga mag aaral ay halata mo kung sino ang mas nakakaangat sa buhay.

Napansin ko agad ang suot ng ilang lalaki kong estudyante, karamihan sa kanila ay silk pants na brown na hindi plantsado, polo na ang panloob na tshirt ay mas mahaba pa ang manggas kesa sa soot na polo, sapatos nila ay karamihan rubber shoes imbis na black shoes.

Ang mga babae naman ay may ilan na hindi plantsado ang uniform, blouse at bra lang ang suot, hindi man lang nagsando spara matakpan ang bra, may ilan na parang hindi nagsusuklay, iba iba ang kulay ng medyas, may ilang babae na ang sapatos ay sneakers. May isa pa akong napansin sa kanilang lahat, karamihan ay luma ang bag at may ilan akong napansin na may tahi pa ng ibang kulay na sinulid.

Hindi ko tuloy maiwasan na muling magalit sa gobyerno natin.

Naisip ko na habang nagpapalaki ng bayag ang mga inihalal natin sa bawat municipal hall nila, habang nilulustay nila ang buwis ng taong bayan upang mabuhay ng magara ang pamilya nila, eto may mga mag aaral dito sa harapan ko na nagtitiis sa mga lumang gamit, makatapos lang ng pag aaral.
Subalit ang huli kong napansin sa mga bago kong estudyante ay wala silang pakielam kung may guro na sa likuran nila, patuloy lang sila sa pakikipagdaldalan, may ilan na nagsusuklayan ng buhok, may nagbabatuhan ng kung anong bagay.

Kaya isang pamamaraan ang naisip kong gawing pagpapakilala sa kanila kung sino ang bagong guro nila.

Binaba ko ang bag ko sa table sa likuran ng mga estudyante ko at binuhat ko ng isang kamay ang isang arm chair na walang nakaupo, sabay bato ng malakas papunta sa pintuan ng c.r namin.

Dahil sa lakas ng pagkakahagis ko ng arm chair ay nawasak nito ang nakasaradong pintuan ng c.r namin at isang napakalakas na tunog ang nakapagpatahimik sa kanilang lahat.

Hindi ko sila makuha sa tingin kaya isang marahas na bagay ang aking ginawa, subalit ang ginawa ko yun ay kailangan ko ng gampanan ng isang buong taon.

ANG PAGIGING ISANG TERROR TEACHER!!!!!

Mistulang mga angel na natahimik ang mga estudyante ko sa ginawa kong paghagis ng arm chair sa pintuan ng c.r namin.

May ilan na yumuko at hindi makatingin sa akin, pero lahat sila ay bakas ang takot at pagkagulat sa ginawa ko.

Lumakad ako papunta sa harapang bahagi ng classroom ko dala ang attendance list ko na lahat ng mata nila ay sa akin nakatuon, umupo ako sa table at nagsimulang magsalita.

"Ako si Phantom Blade at ako ang magiging adviser niyo, ngayon palang ssabihn ko na sa inyong lahat na hindi uubra sa akin ang mga ugali niyo na parang pang kanto, kung hindi man kayo naturuan ng tamang disiplina ng mga nakaraan ninyong teacher ee sa akin matututo kayo. Hindi ako mahirap pakisamahan, irespeto niyo ako at irerespeto ko rin kayo, matuto kayong gumalang sa kin at sa lahat ng magiging guro ninyo ngayong taon na ito. Ayokong maging worst section ang klaseng ito. Sa hindi kayang sumunod sa mga panuntunan ko, maaari na kayong lumabas sa pintuan." seryosong pagkakasabi ko sa harapan ng mga bago kong estudyante.

Kahit ganun ay may kaba rin sa dibdib ko ng mga sandaling yun, dahil baka may isang pumalag sa estudyante ko at mapatulan ko ee matanggal pa ang lisensya ko sa pagtuturo.

Sa awa ng diyos ay wala naman sa kanilang pumalag o umalma sa sinabi ko.
Matapos ko magsalita ay pinatayo ko silang lahat sa unahan na dala ang lahat ng gamit.

Gusto ko kasing iayos ang upuan base sa pagkakasunod sunod ng height nila, ginaya ko rin ang idea ng dati kong guro nung high school ako na alternate ang upuan ng mga babae sa mga lalaki.

Gamit ang attendance list ko ay tinawag ko isa isa ang pangalan nila at binigyan ng permanente nilang upuan.

Mistulang mga robot na utusan ang mga estudyante ko ng oras na yun sa nais kong kalagyan nila.

Walang nagsasalita kahit isa sa kanila, maski bulong ay walang makagawa dahil na rin siguro sa takot sa akin, karamihan ay nakayuko lang na sinusunod ang bawat iutos ko.

Matapos ko silang bigyan ng kanya kanyang upuan ay muli ko silang kinausap ang at nagbigay ng ilang rules ang regulation.

"Yang upuan niyo ngayon ang magiging permanente niyong upuan hanggang matapos ang taon, ayoko ng palipat lipat kayo ng upuan, tandaan niyo yan. Ayoko rin ng palaaway sa klaseng ito, dahil kung basag ulo ang hanap niyo dapat sa kulungan kayo pumasok at hindi sa paaralan. Hanggang maaari ay magsuot kayo ng proper uniform, sa mga lalaki, yung panloob niyo na tshirt siguruhin niyong puti, at kung mas mahaba ang manggas ng panloob niyo sa polo niyo, pwede niyo namang tiklupin yan paangat para naman magmuka kayong estudyante, yang mga buhok niyo, dapat clean cut at ayokong ayoko na may kulay yan na para kayong mga sisiw na palabunutan o yung mga rugby boy sa 7 eleven. Kung kaya ninyo bumili ng black shoes, yun ang gamitin niyo kung wala naman ay pwede na ang kahit anong sapatos, ayokong makakakita ng nakatsinelas, dahil papauwiin ko talaga kayo sa bahay niyo.

Sa mga babae naman, mas lalo dapat kayong kumilos ng naaayon sa kasarian niyo, pumasok sana kayo na plantsado ang palda at blouse, ayoko ng estudyante ko na parang prostitute, wala akong makikita na naka make up, kahit lip gloss hindi pwede sa akin. Yang mga panloob niyo kung maari ay magsuot kayo ng pandobleng sando bago kayo magblouse. Sa sapatos kung may black shoes kayo, yun ang gamitin niyo at hindi yang mga sneakers na para kayong member ng gang. Ang medyas itim at puti lang, hidni kayo dancer para magsuot ng ibat ibang kulay ng medyas. At higit sa lahat ugaliing MALIGO at MAG TOOTHBRUSH bago kayo pumasok. Nagkakaintindihan ba tayo?" sabi ko sa mga estudyante ko.

Ooooooppppppoooooooo!!!! yan ang sagot nilang lahat.

Matapos kong magbigay ng ilang paalala sa kanila ay nagsimula ang unang araw ko ng pagtuturo sa pagpili ng kumakatawan sa aming klase.

Hinayaan ko silang pumili mula sa president hanggang sa muse at escort ng klase.

Pinagmamasdan ko lamang sila sa ginagawa nilang nomination hanggang sa botohan, nakakaaliw silang panoorin habang nagnoominate ng bawat leader, dahil para lang silang nagttrip, kadalasan kasi nilang ninonominate yung mga kaklase nilang parang hindi angkop sa leader na pagpipiliaan.

Hindi ko maiwasang matawa ng inominate nila ang kaklase nilang bingot sa escort at ang muse ay isang bakla.

Sa totoo lang parang bumalik ang buhay ko nung elementary ako sa nakikita kong ginagawa ng mga bago kong estudyante, dahil ganun din kami noon kung mantrip ng mga kaklase namin. Yun nga lang ang teacher namin noon ay hindi kagaya ko na kayang sakyan ang bawat trip ng estudyante.

Nang maihalal ang bingot na escort at baklang muse ng klase ko ay nakielam na ako, kahit pa nagmuka akong kj sa mata nila ay kailangan ko pa rin itama ang maling ginagawa nila.

Ako na ang pumili ng escort at muse ng klase ko, sa maniwala man kayo o hindi ang pinili kong muse sa klase ko ay ang batang babae na kahawig ni psalm, sa mata, sa hugis ng muka, kung paano tumawa at kumilos ang estudyante kong babae na pinili kong maging muse ay parang binuhay niya muli si psalm sa katauhan niya, lalo pa akong natuwa sa kanya ng titigan niya ako ay parang nakita ko uli ang dati kong kasintahan na nasa piling na ng panginoon.

Hindi ko maiwasan na titigan rin siya ng sandaling yun, gusto ko sanang yakapin ang batang yun, para kahit paano ay maramdaman ko uli na nasa tabi ko pa si psalm, subalit alam ko na mag iiba ang tingin sa akin ng mga estudyante ko sa gagawin ko. Ginawa ko nalang siyang apple of the eye ko, in short foavoritism.

Mira ang tawag ko estudyante kong yun short for Mirasol.
Sa kanya ko ipinagkatiwala ang attendance ng buong klase namin at siya palagi ang pinupuri ko sa tuwing may magagawa siyang magandang bagay.

Subalit hindi ko maaring ipahalata sa ibang kaklase niya ang kakaibang pagtingin ko sa kanya, kaya kung ano ang pagpuri na ginagawa ko sa knaya sa klase ay ginagawa ko rin sa iba. Pero hindi ko pa rin nakakalimutan na kailanga kong maging terror teacher, dahil eto na yung una kong pagpapakilala sa kanilang lahat.

Noon ko lang nalaman na hindi pala madali ang maging isang terror teacher, nakakapagod palang maging masungit, laging galit, mag isa lang akong kumakain ng lunch sa canteen, lahat ng estudyante takot lumapit sa akin. Hindi kagaya noon na may mga kasabay akong kumain ng lunch at kakulitan, may mga estudyante akong kasamang maghanap ng amoeba kapag uwian na ng hapon, dahil sa mga piso pisong tuhog na kinakain namin dati.

Nung sandaling yun ay hindi ko maiwasang malungkot at maalala si Margarette at apple. Lalo na ng umuwi ako ng hapon. Habang palabas ako ng gate ng paaralan ay nahagip na agad ng pang amoy ko ang ibat ibang kakanin na nag aabang sa labas ng paaralan.

Napahinto ako sa paglalakad ng pagmasdan ko ang mga estudyante na kumpol kumpol sa bawat malaking payong ng mga tindero at kanya kanya sila ng tuhog ng kung ano man ang tinitida ng mga tindero sa labas ng paaralan. Parang nakita ko pa ang sarili ko sa kanila habang masaya akong kasama si apple at Margarette na nakikipag unahan sa pagsawsaw sa mga garapon ng sauce.

Napabuntong hininga na lamang ako sa nakikita ko.

Subalit sa lalim ng pag iisip ko ay isang tinig ang narinig ko mula sa kaliang bahagi ng kinatatayuan ko.

"Sir Phantom tara!! kain po tayo, pero libre niyo po ako" isang tinig ng batang babae na ang rumehistro sa isip ko ay ang matakaw na si apple.

Subalit wala siya sa lugar na iyon at nagtaka pa ako kung sino kayang bata ang naglakas loob na ayaing kumain ang isang terror teacher na kagaya ko….

Para akong nanaginip ng gising ng makita ko sa harapan ko na nakatayo at may matamis na ngiti sa akin ang dalawang dalagita na hindi ko akalain na makikita ko sa lugar na yun.

Ang isa ay nakauniform ng isang malaking unibersidad sa kamaynilaan at ang isa ay suot ang uniform sa dati ko pinagtuturuang paaralan.

Napakunoot pa ako ng noo at ilang ulit ko na ipinikit ang mga mata ko kung totoo ba ang nakikita ko.

Subalit isang tapik sa braso ko ang nagpatunay na hindi ako nanaginip, talagang nakatayo sa harapan ko si apple at si Margarette.

"Sir bakit ka tulala? hanga ka sa beauty namin noh?" biro ni apple.

"Hindi sa beauty natin tulala yan sir, tulala yan kasi magpapalibre ka na naman sa kanya" sabi ni Margarette.

Wala akong masabi ng sandaling yun, akala ko kasi kinalimutan na nila ako, akala ko galit sila sa akin dahil iniwan ko sila nung panahon na sunod sunod akong dinagukan ng tadhana.