1. Home
  2. Stories
  3. Teacher: Book 2 - Part 2
xTorya

Teacher: Book 2 - Part 2

By phantomblade ·

Ilang saglit pa bago ako nakapagsalita at nakapag tanong sa kanila ng ilang bagay.

"Paano ninyo nalaman na dito ako nagtuturo?" tanong ko sa kanila.

"Sus sir naman sinabi po kaya sa amin ni teacher may lahat ng nangyayari sa inyo, diba bestfriend o kayo, kaya sinabi niya po sa amin na dito kayo nagtuturo ngayon." paliwanag ni apple.

"Oo sir si teacher may ang nagsabi sa amin, gusto niya sanang sumama kanina nung sinabi namin na pupuntahan namin kayo. Kaso yung mayabang na boyfriend niya sinundo siya." sabi ni Margarette.

Napailing nalang ako sa narinig ko sa mga dati kong estudyante, kahit pala iniwan ko sila ay hindi pa rin nagbago ang tingin nila sa akin, itinuturing pa rin nila akong kaibigan.

"Sir bakit ka na naman natahimik dyan? magpapalusot ka para di mo kami mailibre, sorry ka naka 50 pesos na kami ni Margarette dun kay manong fish ball at manong mangga, ikaw magbabayad nun sir" sabi ni apple.

"Muka yatang humihina na kayo sa pagkain ngayon, bakit 50 pesos lang?" tanong ko.

"Paano sir natatakot si apple baka daw wala ka sa school na yan ee kulang pera namin pamasahe pauwi kaya konti lang binili namin." paliwanag ni Margarette.

"Ahh ganon ba? sige bayaran natin ang nakain niyo." sabiko at agad ko binayaran ang mga nagtitinda sa gilid ng paaralan na pinagtuturuan ko.

"Sir gutom pa ako, gusto ko nung mangga." sabi ni apple.

"Huwag ka muna magpakabusog, may pupuntahan tayong kainan na nadiskubre ko kailan lang sa SM napakasarap." sabimko kay apple at agad na parang nagliwanag ang mga mata niya sa narinig niyang sinabi ko.

"Talaga sir? anong kainan? anong pagkain ang sineserve nila?" sunod sunod na tanong ni apple sa akin.

"Mamaya malalaman mo rin" matipid kong sagot sa kanya.

Sabay sabay kaming nagtungo sa SM na hindi kalayuan sa pinapasukan ko, isang sakay lang ito ng jeep, subalit humaba ang byahe namin dahil sa medyo matrapik na ang oras na yun.

Hindi ko maiwasan na mapagmasdan ang itsura ng dalawa kong dating estudyante, malaki na ang pinagbago ng itsura nila, lalo na si Margarette na noon ay akala mong gangster, ngayon ay muka ng kagalang galang na kolehiyala sa unipormeng suot niya, maayos na ang buhok niya na parang kakagaling lang niya sa parlor at muka na siyang malinis tignan ngayon kesa noon.

Si apple naman kung hindi magsasalita ay talagang mabibighani ka sa itsura niya na parang dalaga na talaga, subalit kapag nagsimula ng mangulit ay maiisip mo na bata pa siyang talagang, kuminis pa lalo ang balat ni apple dahil na rin siguro sa kanyang tita shaina na alam yata lahat ng pampaganda sa katawan.

Habang nasa jeep kami ay hindi maiwasan ni Margarette na magtanong sa akin ng mga personal na bagay, dahil sa kanilang dalawa ni apple siya ang mas matured mag isip.

"Sir may itatanong lang ako sa inyo okey lang po ba?" tanong ni apple habang lulan kami ng jeep patungo sa SM
"Oo naman ano ba yun" sagot ko
"Sir ano nangyari sa inyo? bakit bigla nalang kayong nawala? bakit iniwan niyo kami ng ganun na lang? narinig ko na ang nangyari sa inyo kay teacher may, pero mas gusto kong sa inyo ko marinig ang buong detalye." seryosong tanong ni Margarette sa akin.

Nang sandaling yun ay biglang nablanko ang isip ko, para akong binuhusan ng malamig na tubig sa tanong ni Margarette, hindi ko malaman nun kung sasabihin ko ba sa kanila ang buong detalye o gagawa nalang ako ng alibi.

Hanggang sa makarating kami ng SM ay hindi ko nasagot si Margarette. Tuliro akong naglakad at umiisip ng paraan para malimuan niya ang tanong niya sa akin.

Dinala ko silang dalawa sa bilihan ng kinababaliwan kong pagkain ng sandaling yun, ang shawarma rice.

Kitang kita uli ang pagkinang ng mata ni apple ng umorder ako ng tatlo at humanap ako ng mauupuan namin sa mismong harap ng stall ng tindahan ng shawarma.

Bumili na rin ako ng mineral water na maari naming inumin, subalit ng muli kong titigan si Margarette ay nagtatanong pa rin ang mga mata niya sa akin na parang kailangan niya talaga ng paliwanag sa kung anong nangyari sa akin.

Nang maihanda na lahat ng pagkain namin ay sinunggaban agad ni apple ang pagkain niya, si Margarette naman ay nanatiling nakatitig lang sa akin, hindi niya ginagalaw ang pagkain sa harap niya.

Hindi ko siyang kayang tiisin, kaya kahit ayoko ng pag usapan ang nangyari sa amin ni psalm ng sandaling yun ay muli kong binuksan ang kwentong yun para kay Margarette.

"Ganito kasi yun Margarette, naubusan ako ng lakas, nanghina ako, nadapa, nasaktan, nagkamali at mas lalo pa akong inilubog ng mga tao na nakakilala ko ng panahon na nawala ako." sabi ko
"Sir hindi ko maiintindihan ang gusto mong iparating kung sa ganyang paraan mo sasabihin sa akin ang nangyari sayo." seryosong sabi ni Margarette.

Wala na akong nagawa kaya nilinawan ko na ang pagpapaliwanag ng naganap sa buhay ko.

"Ganito yun, nagpakamatay ang kasintahan ko dahil hindi ako matanggap ng pamilya niya, namatay siya nung sandaling pinipilit kong ayusin ang buhay ko, pinapangarap ko noon na yumaman, para matanggap ako ng magulang niya. Pero hindi na niya kinaya yung bigat ng pagkawala ko, nakita niyo naman ang itsura ko sa libingan niya diba. Hindi pa doon nagtapos yun, akala ko matibay ako sa problema, akala ko kaya ko na ang lahat ng pwedeng harapin sa buhay, pero nagkamali ako. Dahil mahina pala ako, kahit nilango ko sa bisyo ang katawan ko para mamanhid man lang ako kahit saglit sa sakit na nararamdaman ko, pero bigo pa rin ako lalong naging miserable ang buhay ko ng panahon na yun, nabastos ko ang pari sa simbahan, nakikipag away ako ng walang dahilan, dinampot ako ng pulis sa dami ng gulong kinasangkutan ko. Hanggang sa puntahan mo ako sa bahay, nagkita tayo diba, lango ako sa alak ng sandaling yun, tinawanan ko pa nga ang sampiga mo. Kasi nung panahon na yun, manhid ang katawan ko sa kahit ano man na sakit na dumapo sa akin, pero yung puso ko may sugat na hanggang ngayon hindi pa rin gumagaling. Pagpasensyahan niyo sana ako kung inwan ko kayo, kung tinalikuran ko kayo, kung bumitaw ako sa pangarap mo Margarette na ako mismo ang bumuo. Minsan kasi kailangan nating tanggapin sa sarili natin na may kahinaan tayo, na hindi lahat ng problema kaya natin." paliwanag ko kay Margarette.

"Sir alam mo ba na nagtampo ako sayo nung graduation namin? umaasa kasi ako na dadating ka, na maipapakita ko sayo na may suot akong toga, na may diploma na ako at gusto ko rin sana na ipakita sa inyo na pumasa ako sa entrace exam sa college sa kursong kagaya mo. Pinuntahan ko pa yung room mo sir, yun H.E room na dati nating tambayan. Umaasa ako na nandun yung taong gumabay sa akin , yung taong nagbigay ng dahilan para magkaroon ako ng pangarap, yung taong nagpahalaga sa nararamdaman ko. Alam mo sir sobrang lungkot ko nung graduation ko na yun, kasi sabi ko sa sarili ko okey lang na wala si papa sa graduation ko kasi nasa langit na siya at iniwan na niya ako. Kaya kahit ikaw lang sana dumating sa araw na yun masaya na ako. Sir naalala mo pa ba nung tinanong kita dati kung kagaya ka rin ba ni papa na iiwanan lang din ako, diba sumagot ka sir na hindi mo ako iiwan sa lahat ng laban ko, bakit wala ka sir nung tumatanggap na ako ng parangal? yung kaisa isang medalya ko na nakuha ko nung gradution dahil sa volleybal yun sir, dahil sayo yun, kaya gusto ko sana ikaw ang magsabit sa akin nun. Pero wala ka sir!!!" paliwanag ni Margarette na halos sabay kaming tinuluan ng luha sa mga mata.

"Sorry talaga Margarette, nung graduation niyo nasa lucena na ako ng sandaling yun, pilit akong bumabango sa pagkakadapa ko, kung hindi ko kasi ginawa ang pagpunta doon, baka hindi niyo na ako nakakakusap ngayon. Ilang beses ko kasi naisip ang iba pang gamit ng baril. Natakot ako sa magagawa ko sa mga maiiwan ko kaya ko pinasya na lumayo muna sa lugar natin, sana maintindihan mo."Sabi ko"
Hindi ko masisisi si Margarette kung may tampo o galit man siya sa akin ng sandaling yun,masyado pang bata ang isip niya para maintindihan ang mga bagay na pinagdaanan ko.

Pero nagulat ako sa mga sumunod pa niyang sinabi, matapos humupa ang luhang tumulo sa mga mata niya.

"Naiinitindihan kita sir, gusto ko lang sayo mismo manggaling ang lahat ng nangyari sayo, dahil bukod kay teacher may, yung tita shaina ni apple naikwento rin sa amin ang pinagdaan mo. Alam namin na hindi biro yun, pero sana sir nilapitan mo rin kami ng panahon na yun. Gusto ko rin makabawi sa magagandang pinakita mo sa akin. Kagaya ng pangako mo noon, nagpapasalamat ako kasi hindi mo nga ginaya si papa na iniwan ako. Kaya sir tutuparin ko rin ang pangako ko sayo, magiging teacher din ako kagaya mo" paliwanag ni Margarette.

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko ng sandaling yun, kung malulungkot ba ako, matutuwa o maiinis sa nangyari sa buhay.

Ang alam ko lang ng sandaling yun ay may dalawa pa palang estudyante na hindi ako nakakalimutan at hindi masama ang tingin sa akin.

Para akong nanaginip ng gising ng makita ko sa harapan ko na nakatayo at may matamis na ngiti sa akin ang dalawang dalagita na hindi ko akalain na makikita ko sa lugar na yun.

Ang isa ay nakauniform ng isang malaking unibersidad sa kamaynilaan at ang isa ay suot ang uniform sa dati ko pinagtuturuang paaralan.

Napakunoot pa ako ng noo at ilang ulit ko na ipinikit ang mga mata ko kung totoo ba ang nakikita ko.

Subalit isang tapik sa braso ko ang nagpatunay na hindi ako nanaginip, talagang nakatayo sa harapan ko si apple at si Margarette.

"Sir bakit ka tulala? hanga ka sa beauty namin noh?" biro ni apple.

"Hindi sa beauty natin tulala yan sir, tulala yan kasi magpapalibre ka na naman sa kanya" sabi ni Margarette.

Wala akong masabi ng sandaling yun, akala ko kasi kinalimutan na nila ako, akala ko galit sila sa akin dahil iniwan ko sila nung panahon na sunod sunod akong dinagukan ng tadhana.

Ilang saglit pa bago ako nakapagsalita at nakapag tanong sa kanila ng ilang bagay.

"Paano ninyo nalaman na dito ako nagtuturo?" tanong ko sa kanila.

"Sus sir naman sinabi po kaya sa amin ni teacher may lahat ng nangyayari sa inyo, diba bestfriend o kayo, kaya sinabi niya po sa amin na dito kayo nagtuturo ngayon." paliwanag ni apple.

"Oo sir si teacher may ang nagsabi sa amin, gusto niya sanang sumama kanina nung sinabi namin na pupuntahan namin kayo. Kaso yung mayabang na boyfriend niya sinundo siya." sabi ni Margarette.

Napailing nalang ako sa narinig ko sa mga dati kong estudyante, kahit pala iniwan ko sila ay hindi pa rin nagbago ang tingin nila sa akin, itinuturing pa rin nila akong kaibigan.

"Sir bakit ka na naman natahimik dyan? magpapalusot ka para di mo kami mailibre, sorry ka naka 50 pesos na kami ni Margarette dun kay manong fish ball at manong mangga, ikaw magbabayad nun sir" sabi ni apple.

"Muka yatang humihina na kayo sa pagkain ngayon, bakit 50 pesos lang?" tanong ko.

"Paano sir natatakot si apple baka daw wala ka sa school na yan ee kulang pera namin pamasahe pauwi kaya konti lang binili namin." paliwanag ni Margarette.

"Ahh ganon ba? sige bayaran natin ang nakain niyo." sabiko at agad ko binayaran ang mga nagtitinda sa gilid ng paaralan na pinagtuturuan ko.

"Sir gutom pa ako, gusto ko nung mangga." sabi ni apple.

"Huwag ka muna magpakabusog, may pupuntahan tayong kainan na nadiskubre ko kailan lang sa SM napakasarap." sabimko kay apple at agad na parang nagliwanag ang mga mata niya sa narinig niyang sinabi ko.

"Talaga sir? anong kainan? anong pagkain ang sineserve nila?" sunod sunod na tanong ni apple sa akin.

"Mamaya malalaman mo rin" matipid kong sagot sa kanya.

Sabay sabay kaming nagtungo sa SM na hindi kalayuan sa pinapasukan ko, isang sakay lang ito ng jeep, subalit humaba ang byahe namin dahil sa medyo matrapik na ang oras na yun.

Hindi ko maiwasan na mapagmasdan ang itsura ng dalawa kong dating estudyante, malaki na ang pinagbago ng itsura nila, lalo na si Margarette na noon ay akala mong gangster, ngayon ay muka ng kagalang galang na kolehiyala sa unipormeng suot niya, maayos na ang buhok niya na parang kakagaling lang niya sa parlor at muka na siyang malinis tignan ngayon kesa noon.

Si apple naman kung hindi magsasalita ay talagang mabibighani ka sa itsura niya na parang dalaga na talaga, subalit kapag nagsimula ng mangulit ay maiisip mo na bata pa siyang talagang, kuminis pa lalo ang balat ni apple dahil na rin siguro sa kanyang tita shaina na alam yata lahat ng pampaganda sa katawan.

Habang nasa jeep kami ay hindi maiwasan ni Margarette na magtanong sa akin ng mga personal na bagay, dahil sa kanilang dalawa ni apple siya ang mas matured mag isip.

"Sir may itatanong lang ako sa inyo okey lang po ba?" tanong ni apple habang lulan kami ng jeep patungo sa SM
"Oo naman ano ba yun" sagot ko
"Sir ano nangyari sa inyo? bakit bigla nalang kayong nawala? bakit iniwan niyo kami ng ganun na lang? narinig ko na ang nangyari sa inyo kay teacher may, pero mas gusto kong sa inyo ko marinig ang buong detalye." seryosong tanong ni Margarette sa akin.

Nang sandaling yun ay biglang nablanko ang isip ko, para akong binuhusan ng malamig na tubig sa tanong ni Margarette, hindi ko malaman nun kung sasabihin ko ba sa kanila ang buong detalye o gagawa nalang ako ng alibi.

Hanggang sa makarating kami ng SM ay hindi ko nasagot si Margarette. Tuliro akong naglakad at umiisip ng paraan para malimuan niya ang tanong niya sa akin.

Dinala ko silang dalawa sa bilihan ng kinababaliwan kong pagkain ng sandaling yun, ang shawarma rice.

Kitang kita uli ang pagkinang ng mata ni apple ng umorder ako ng tatlo at humanap ako ng mauupuan namin sa mismong harap ng stall ng tindahan ng shawarma.

Bumili na rin ako ng mineral water na maari naming inumin, subalit ng muli kong titigan si Margarette ay nagtatanong pa rin ang mga mata niya sa akin na parang kailangan niya talaga ng paliwanag sa kung anong nangyari sa akin.

Nang maihanda na lahat ng pagkain namin ay sinunggaban agad ni apple ang pagkain niya, si Margarette naman ay nanatiling nakatitig lang sa akin, hindi niya ginagalaw ang pagkain sa harap niya.

Hindi ko siyang kayang tiisin, kaya kahit ayoko ng pag usapan ang nangyari sa amin ni psalm ng sandaling yun ay muli kong binuksan ang kwentong yun para kay Margarette.

"Ganito kasi yun Margarette, naubusan ako ng lakas, nanghina ako, nadapa, nasaktan, nagkamali at mas lalo pa akong inilubog ng mga tao na nakakilala ko ng panahon na nawala ako." sabi ko
"Sir hindi ko maiintindihan ang gusto mong iparating kung sa ganyang paraan mo sasabihin sa akin ang nangyari sayo." seryosong sabi ni Margarette.

Wala na akong nagawa kaya nilinawan ko na ang pagpapaliwanag ng naganap sa buhay ko.

"Ganito yun, nagpakamatay ang kasintahan ko dahil hindi ako matanggap ng pamilya niya, namatay siya nung sandaling pinipilit kong ayusin ang buhay ko, pinapangarap ko noon na yumaman, para matanggap ako ng magulang niya. Pero hindi na niya kinaya yung bigat ng pagkawala ko, nakita niyo naman ang itsura ko sa libingan niya diba. Hindi pa doon nagtapos yun, akala ko matibay ako sa problema, akala ko kaya ko na ang lahat ng pwedeng harapin sa buhay, pero nagkamali ako. Dahil mahina pala ako, kahit nilango ko sa bisyo ang katawan ko para mamanhid man lang ako kahit saglit sa sakit na nararamdaman ko, pero bigo pa rin ako lalong naging miserable ang buhay ko ng panahon na yun, nabastos ko ang pari sa simbahan, nakikipag away ako ng walang dahilan, dinampot ako ng pulis sa dami ng gulong kinasangkutan ko. Hanggang sa puntahan mo ako sa bahay, nagkita tayo diba, lango ako sa alak ng sandaling yun, tinawanan ko pa nga ang sampiga mo. Kasi nung panahon na yun, manhid ang katawan ko sa kahit ano man na sakit na dumapo sa akin, pero yung puso ko may sugat na hanggang ngayon hindi pa rin gumagaling. Pagpasensyahan niyo sana ako kung inwan ko kayo, kung tinalikuran ko kayo, kung bumitaw ako sa pangarap mo Margarette na ako mismo ang bumuo. Minsan kasi kailangan nating tanggapin sa sarili natin na may kahinaan tayo, na hindi lahat ng problema kaya natin." paliwanag ko kay Margarette.

"Sir alam mo ba na nagtampo ako sayo nung graduation namin? umaasa kasi ako na dadating ka, na maipapakita ko sayo na may suot akong toga, na may diploma na ako at gusto ko rin sana na ipakita sa inyo na pumasa ako sa entrace exam sa college sa kursong kagaya mo. Pinuntahan ko pa yung room mo sir, yun H.E room na dati nating tambayan. Umaasa ako na nandun yung taong gumabay sa akin , yung taong nagbigay ng dahilan para magkaroon ako ng pangarap, yung taong nagpahalaga sa nararamdaman ko. Alam mo sir sobrang lungkot ko nung graduation ko na yun, kasi sabi ko sa sarili ko okey lang na wala si papa sa graduation ko kasi nasa langit na siya at iniwan na niya ako. Kaya kahit ikaw lang sana dumating sa araw na yun masaya na ako. Sir naalala mo pa ba nung tinanong kita dati kung kagaya ka rin ba ni papa na iiwanan lang din ako, diba sumagot ka sir na hindi mo ako iiwan sa lahat ng laban ko, bakit wala ka sir nung tumatanggap na ako ng parangal? yung kaisa isang medalya ko na nakuha ko nung gradution dahil sa volleybal yun sir, dahil sayo yun, kaya gusto ko sana ikaw ang magsabit sa akin nun. Pero wala ka sir!!!" paliwanag ni Margarette na halos sabay kaming tinuluan ng luha sa mga mata.

"Sorry talaga Margarette, nung graduation niyo nasa lucena na ako ng sandaling yun, pilit akong bumabango sa pagkakadapa ko, kung hindi ko kasi ginawa ang pagpunta doon, baka hindi niyo na ako nakakakusap ngayon. Ilang beses ko kasi naisip ang iba pang gamit ng baril. Natakot ako sa magagawa ko sa mga maiiwan ko kaya ko pinasya na lumayo muna sa lugar natin, sana maintindihan mo."Sabi ko"
Hindi ko masisisi si Margarette kung may tampo o galit man siya sa akin ng sandaling yun,masyado pang bata ang isip niya para maintindihan ang mga bagay na pinagdaanan ko.

Pero nagulat ako sa mga sumunod pa niyang sinabi, matapos humupa ang luhang tumulo sa mga mata niya.

"Naiinitindihan kita sir, gusto ko lang sayo mismo manggaling ang lahat ng nangyari sayo, dahil bukod kay teacher may, yung tita shaina ni apple naikwento rin sa amin ang pinagdaan mo. Alam namin na hindi biro yun, pero sana sir nilapitan mo rin kami ng panahon na yun. Gusto ko rin makabawi sa magagandang pinakita mo sa akin. Kagaya ng pangako mo noon, nagpapasalamat ako kasi hindi mo nga ginaya si papa na iniwan ako. Kaya sir tutuparin ko rin ang pangako ko sayo, magiging teacher din ako kagaya mo" paliwanag ni Margarette.

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko ng sandaling yun, kung malulungkot ba ako, matutuwa o maiinis sa nangyari sa buhay.

Ang alam ko lang ng sandaling yun ay may dalawa pa palang estudyante na hindi ako nakakalimutan at hindi masama ang tingin sa akin.

Sunod sunod na malalakas na kaba ang naramdaman ko ng sandaling tumingin ako pabalik sa kinauupuan namin nila Margarette at apple. Nakita kong kasama nila ang ilan sa mga dati kong varsity. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang mga batang kasama ko sa pag akyat sa hagdan ng pangarap na minsan kilalanin ang paaralan namin sa buong distrito ng laguna, subalit iniwan ko sa kalagitnaan ng laban.

Walang reaksyon ang mga muka nila, lahat sila ay pawang nakatitig lamang sa akin habang hawak ko ang baso ng isang punong slurpee,ayoko silang harapin at kausapin, ayokong marinig ang bawat hinanakit at sama ng loob ng bawat isa sa kanila, kaya pinasya kong tunguhin ang pinto ng 7-Eleven at lumisan nalang sa lugar na yun, subalit isang hakbang ko pa lamang ay nabungaran ko na agad ang isang taong gusto ko rin iwasan.

Nagkatitigan kami ni Ms Diaz habang papasok siya sa loob ng 7-Eleven, hindi ako agad napansin ni tintin dahil nakatuon ang atensyon niya sa mga dati niyang kateam mate.

Todo bati si tintin sa mga kaplayer niya at kamustahan, subalit nanatiling tahimik ang lahat dahil nasa aming dalawa ni Ms Diaz nakatuon ang atensyon nila. Ako naman ay tila napako na sa kinatatayuan ko ng mga sandaling yun dahil hindi ko alam kung paano ako hahakbang at kung saan ako pupunta.

Nagulat nalang ako ng lapitan ako ni Stephanie at ni apple, hinila nila ako papalapit sa kumpulan nila at halos manlamig ang buong katawan ko ng bigla silang tumahimik, hinawakan naman ni Margarette ang damit ko at pilit akong hinila paupo sa tabi niya, napabitaw sa kamay ko si apple at Stephanie bago ako tuluyang makaupo sa tabi ni Margarette.

Hindi ko magawang tumingin sa mga mata ng taong nasa harapan ko, sobrang nahihiya talaga ako sa kanila, alam ko kasi na alam nila ang nangyaring gusot sa buhay ko, ang mga pagkakamali at mga kahihiyan na pinaggagawa ko nung sandaling iniwan ko sila.

Ayoko ng umiyak pa, ayoko ng magpaliwanag pa ng sandaling yun, sapat na kay apple at Margarette ko nalang sabihin ang kung ano man ang buong katotohanan sa mga nangyari sa akin.

Subalit ang katahimikan sa nagibabaw sa pagitan naming lahat ay binasag ni Margarette.

"Ganito ba natin dapat salubungin si sir? dapat ba tahimik kayo? diba kaya tayo nandito para kamustahin si sir, para makasama natin uli siya kagaya ng dati. Kung tatahimik lang kayo dapat hindi na kayo pumunta." mahinahong sabi ni Margarette.

"Pasensya na sir, hindi lang talaga namin alam kung paano kayo kakamustahin, hindi namin alam kung paano kayo unang kausapin, kaya po medyo natahimik kami." sabi ng isa ko varsity
"O nga sir nakarating kasi sa aming lahat ang nangyari sa inyo, pinuntahan namin kayo sa bahay niyo nung nabalitaan nami9n na may mabigat kayong problema. Pero wala kayo sa bahay niyo sir." singgit pa ng isa.

Sunod sunod ang mga salitang sinabi nila, mga pagdamay at pangungumusta na halos paulit ulit lang kaya napayuko nalang ako at hindi na sila pinansin.

Ngunit isang tinig pa ang narinig ko ng sandaling yun na hindi ko inaasahan na masasabi niya yun.

"Pasensya kana Phantom ako kasi ang nagsabi sa kanila na makipagkita kami sayo , nasabi kasi ni tintin sa akin na nag "GM" (group message) si apple at nabasa niya na kasama ka daw nila, kaya naisip ko na itxt si apple para makasama mo uli ang mga dati mong varsity, hindi mo naitatanong simula ng mawala ka sa paaralan natin, ako yung pumalit sayo bilang coach trainor nila. Pero lahat ng alam ko galing sayo inaapply ko lang sa kanila, hindi ko alam kung nahihiya ka ba sa amin o ayaw mo lang kaming kasama kaya ka nakayuko diyan. Pero sana minsan maisip mo na yang mga batang nasa paligid mo, madalas kang hinahanap at umaasa na babalik ka sa court ng volleyball para turuan mo uli sila." sabi ni Ms Diaz habang ako ay napatingin na lang sa kanila.

"Pwede ko pa naman siguro kayong turuan uli ng volleyball, yun lang naman ang magagawa ko para sa inyo. Pasensya na talaga kayo kung bigla na lang akong nawala.noon. Maraming dahilan na nangyari sa buhay ko na ayoko ng pag usapan pa. Sana maintindihan ninyo." paliwanag ko.

"Hindi ka naman namin pinipilit magpaliwanag, ang gusto lang ng mga bata makasama ka uli, sabi nga nila, gusto nilang maulit yung araw na unang beses mo silang nilibreng kumain." sabi ni Ms Diaz.

"Oo nga sir, tyaka yung mga picnic natin dati, yung swimming tyaka yung nagchampion tayo sa san pablo, ang saya nun sir." singgit ni tintin.

"Ahh ganun ba? gusto niyong maulit lahat yun?" tanong ko.

"Oo naman sir" sagot nilang lahat.

Hindi na ako nagsalita pa, tumayo na ako sa kinauupuan ko, umikot ako sa mga batang nakaupo sa paligid ko atagad kong hinila patayo si Stephanie, bago kami lumakad papunta sa pinto ng 7-Eleven.

Ang mga mata ng lahat ng nagtataka kung ano ang gagawin ko, maski si Stephanie ay hindi rin maalis ang pagtatanong, hindi ko siya sinagot nagpatuloy lang ako sa paglalakad at nang marating ko ang lugar na pakay ko ay agad kong inutusan si Stephanie na itxt sila para sumunod kung nasaan kami.

Nakita kung paano nagning ning ang mga mata ni Stephanie ng maalala niya kung bakit kami nasa loob ng jollibee.

"Sir di ba yung araw na unang beses kayong nagkausap ni Ms Diaz ee nung araw na nandito tayo sa jollibee kasi nag usap tayo about sa nangyari sa atin." tanong ni Stephanie.

"Oo dito yung lugar na yun kaya dapat dito tayo kumain, para mas mabalikan natin lahat ng nangyari noon." sabi ko.

"Mabalikan lahat? ibig niyong sabihin sir magsesex uli tayo?" biro ni Stephanie.

"Baliw ka!! hindi na mangyayari yun, itxt mo na sila baka magbago pa ang isip ko." sagot ko.

Agad naman tinext ni stepanie lahat ng mga kasama namin ako naman ay pinaayos ko ang mauupuan namin ng mga dati ko varsity bago ako pumila sa counter para umorder ng aming makakain.

Ilang saglit lang ay naging maingay na sa loob ng jollibee, alam ko na natatandaan nila ang naganap ng sandaling kumain kami noon sa mismong lugar n aito.

Matapos kong umorder ay nagpatulong ako sa mga cre ng jollibee na buhatin ang mga tray na inorder ko para madala sa mesa namin.

Nang mailapag na sa mesa ang pagkain ay isa isa na silang nag agawan ng hamburger fries at softdrinks, ako naman ay pinagmamasdan ko lang ang ginagawa nila na parang walang pinagbago, para pa rin silang mga bata.

Subalit ang sumunod na naganap ay hindi ko inasahan na naalala pa nila.

"Apple bakla ba si sir?" tanong ni tin tin

"Hindi ahh, lalaki kaya yan." sagot ni apple

"Paano mo naman nalaman na lalaki nga si sir ee wala naman siyang girlfriend" banat ni tin tin.

"TIN-TIN NGAYON WALA PANG GIRLFRIEND SI SIR, PERO NARARAMDAMAN KO NA PARATING NA SIYA" sagot ni apple sabay tawanan silang lahat dahil yun ang eksena namin ni Ms Diaz noon. Pulang pula si Ms Diaz kakatawa sa kalokohan ng mga kasama namin ng sandaling yun.

Napuno ng biruan ang mesa namin at mahabang kwentuhan na nauuwi sa asaran. Hanggang sa magpasya na kami umuwi na dahil gumagabi na ng sandaling yun.

Sabay sabay kami tumayo at humakbang palabas ng pinto.

Subalit isa pang biro ang hindi ko inaasahan na magkakatotoo pala.

"Sir hindi mo ba kami ihahatid ni tita? banat ni tintin"

"Ang totoo nauhanan mo lang ako, plano ko nga na ihatid kayo" ganting biro ko na akala ko ay biruan lang talaga, pero nagulat nalang ako ng hilahin ni tintin ang kamay ko papunta sa sakayan ng tricycle pauwi sa bahay nila.

Kahit medyo may pag aalinlangan sa aking isip ng sandaling yun ay hinatid ko pa rin si tintin at Ms Diaz. Sinigurado ko muna na nakasakay na si apple at Margarette bago kami nagtungo sa sakayan pauwi sa bahay nila Ms Diaz.

Kapwa kami tahimik ng sandaling yun, nangingibabaw pa rin sa pagitan naming dalawa ang ilangan at kahiyaan.

Si tin tin lang na pamankin niya ang kwento ng kwento ng kung ano ano.

Hanggang sa makasakay kami ng tricycle at makarating sa bahay nila ay nanatili akong tahimik.

Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa kong paghatid sa kanila, dahil nung sandaling yun ayoko pa talaga makita ang pamilya ni Ms Diaz, sobrang nahihiya ako sa nangyari sa relasyon namin.

Kaya ng makarating kami sa harapan ng compound nila ay pinasya ko ng magpahatid muli sa tricycle para makauwi na ako.

Pero pinigilan ako ni Ms Diaz, nakiusap siya na baka pwede raw muna kami mag usap, nagtalo na naman ang masama at mabuti sa isip ko alam ko na hindi maganda ang patutunguhan ng pag uusap namin, dahil nababakas ko sa muka niya na parang gusto na naman niyang pag usapan ang nakaraan na matagal ko ng kinalimutan.

Sasagutin ko palang sana si Ms Diaz na sa ibang araw na lang kami mag usap ng biglang lumabas si kuya billy sa gate ng compound nila.

"Ohh ex bayaw hinatid mo pala si bunso, ibig bang sabihin niya ee muling ibalik ang tamis ng pag ibig?" biro ni kuya billy.

"Ahh ee hindi naman nagkita lang kami ng mga dati ko varcity kaya hinatid ko na si Ms Diaz gabi na kasi." palusot ko.

"Halika muna sa loob at maghapunan na muna kayo." sabi ni kuya billy sabay hila sa kamay ko pababa sa tricycle.

Wala na akong nagawa kaya binayaran ko nalang ang tricycle, bago kami pumasok sa loob ng compound nila Ms Diaz, daretso kami sa loob ng bahay nila at nagulat ako sa ibinalita nila sa akin na namatay na pala ang nanay nila nung nakaraang buwan lang kaya mag isa na lang si Ms Diaz sa bahay nila.

Medyo naawa ako ng bahagya sa kanya dahil may mabigat rin pala siyang pinagdaan, sayang at hindi ko siya nadamayan. Nung namatay kasi ang tatay ko hindi niya ako iniwan at tinulungan niya akong makabangon sa pagkawala ng tatay ko.

Subalit kagaya ng lagi ko sinasabi ang nakaraan ay hindi na maibabalik pa. Mas masarap nalang lasapin ang umaga kahit pa may natuyong luha sa iyong mga mata.

"Phantom kamusta ka na pala? nabalitaan namin kay tintin na wala ka na rin pala sa dati ninyong pinapasukan ni bunso" seryosong tanong ni kuya billy sa akin.

"Koey naman ako, sa public na ako napasok ngayon, sa kabilang bayan lang" matipid kong sagot na parang nahalata yata ni kuya billy na ayoko na talagang magtagal pa sa lugar nila.

"Kuya tara sa labas nandon si kuya vicente, nagyaya inom daw tayo. Phantom nandyan ka pala maganda gabi," singit bigla ni kuya nestor.

Nginitian ko lang siya at tumango bilang pagbati sa kanya.

Agad naman nagpaalam ang dalawang kuya ni Ms Diaz at naiwan kami na kaming dalawa lang sa malamig na sala ng bahay nila.

Hindi ko alam kung magpapaalam na rin ba ako o mananatili pa ako sa lugar na iyon ng sandaling yun.

Subalit sa lalim ng pag iisip ko ng alibi para makauwi na ako ay hindi ko inaasahan ang mga sumunod na salitang lalabas sa bibig ni Ms Diaz.

"Kamusta ka na Phantom?" tanong ni Ms Diaz
"Eto okey naman, ikaw kamusta?" sagot ko
"Eto okey rin naman sa bago kong eskwelahan na pinapasukan, ikaw kamusta yung bago mo pinapasukan"? tanong uli ni Ms Diaz.

"Okey din naman, medyo mahirap lang mag adjust lugar at mga estudyante pero kaya naman." sagot ko
"Phantom napatawad mo na ba ako sa mga nagawa ko sayo noon?" biglang tanong ni Ms Diaz
"Oo naman nakalipas na yun, kalimutan na natin yun." sagot ko na may ngiti sa labi.

"Siguro sayo madaling kalimutan kasi hindi ikaw yung nagkamali at nawalan ng isang tapat na karelasyon, ako kasi alam mo hanggang ngayon nagsisisi ako sa mga nagawa ko. Sa pagiging childish ko, kung pwede ko lang sanang itama lahat ng pagkakamali ko noon. Siguro mag asawa na tayo ngayon." sabi ni Ms Diaz
"Nagkamali rin ako at nawalan din ako ng taong minamahal, ang pinagkaiba lang natin yung taong nawala sayo, pwede mo pang makita, makausap at pwede mo pa rin hingian ng patawad sa mga nagawa mong pagkakamali, pero ako hindi ko na pwedeng makausap pa at kahit matitigan man lang yung taong mahal ko na nawala sa akin. Kung ako ang mabibigyan ng pagkakataon na maibalik ang kahapon. Pipiliin ko yung araw na nakilala ko si psalm" paliwanag ko kay Ms Diaz
"Bakit mo gustong balikan yung araw na nagkakilala kayo?" takang tanong ni Ms Diaz.

"Gusto kong balikan ang oras at panahon na yun, para hindi na kami nagkakilala, hindi na ako sasakay ng eroplano at hindi na ako pupunta ng South Korea. Hahayaan ko siyang magliwaliw mag isa ng sandaling yun, baka sakaling nagbago pa ang takbo ng tadhana, baka sakaling hindi siya namatay, baka sakaling sa ibang pagkakataoin kami nagkakilala." pahayag habang tumutulo ang luha sa mata ko at hindi ko napansin na tumabi na pala sa akin si Ms Diaz para punasan ng hawak niyang panyo ang luhang gumuhit na naman sa pisngi ko.

Ayoko na talagang pag usapan ang tungkol kay psalm ng sandaling yun, kaso hindi ko mapigilan ang sarili ko sa bawat taong magtatanong ng tungkol sa nakaraan namin si psalm ay para akong binabalutan ng sobrang kalungkutan at panghihina ng kalooban.

Alam kong nagtutunog korni na ang story ko sa inyong mga mambabasa ko, pero ito talaga yung nagyari ng mga panahon na yun kaya kailangan ko itong isulat.

Matapos pahiran ni Ms Diaz ang luha sa pisngi ko ay nginitian ko siya at nagpasalamat, bago ako tumayo at nagpasya akong magpaalam na sa kanya.

Subalit nagulat nalang ako ng bigla rin tumayo si Ms Diaz at kahit mas matangkad ako sa kanya ng ilang pulgada ay nagawa niya akong halikan sa labi na labis kong ikinagulat.

Nanlamig ang buo kong katawan at hindi ako agad nakagalaw sa ginawang yun ni Ms Diaz, pero aaminin ko na nung sandaling maglapat muli ang mga labi namin ay parang bumalik lahat sa alaala ko ang dati naming pagmamahalan, ang hirap ipaliwanag ng pero batid ng katawan ko ang pamilyar na pakiramdam na matagal kong hindi naramdaman.

Subalit mabilis gumuhit sa isip ko at parang may kumurot sa puso ng bigla kong maalala si psalm, marahan ko hinawakan sa magkabilang balikat si Ms Diaz upang magbitaw ang mga labi namin.

Ayokong magtunog mayabang kung sasabihin ko na hindi ako nasarapan sa halik niya, subalit hindi ko magawang magsaya ng todo ng mga sandaling yun.
Hindi pa sapat ang panahon, hindi pa tuyo ang sugat na dulot ng kahapon at ayokong paasahin muli si Ms Diaz sa mga bagay na hindi ko na maibibigay ng sandaling yun.

Ayoko rin siyang gamitin para makalimot at magpasarap lang, minsan ko siyang minahal ng totoo, nirespeto at naging karamay sa lahat ng bagay, kaya kahit sabihing istupido ako ng ilan ay ayos lang sa akin.

Sa totoo lang hindi basehan sa akin kung ilang lalaki na ang gumamit sa katawan ng isang babae, kahit pa sabihin nating may anak na siya o kahit sabihin pa na galing ang isang babae sa club o beerhouse, kaya ko pa rin siyang mahalin.

Para sa akin hindi basehan sa pagpili ng mamahaling babae ang kapirasong laman na ginagamit sa pampasarap at pampainit ng mga gabing malalamig, dahil kung opinyon ko mismo ang tatanungin niyo, mas gusto kong magmahal ng babaeng galing sa isang masalimuot at pagkakamaling relasyon na naging matino nang dahil sa akin, kesa sa babaeng matino nga pero naging pakawala naman ng dahil sa pagkakamali ko.

Hindi ako malinis na lalaki, kung tutuusin marami na rin akong natikman na babae, mula pa nung ako ay bata pa lamang, kaya isa ako sa mga lalaking walang karapatan na humanap ng babaeng malinis, dahil batid ko na ako man ay may bahid din ng putik sa katawan.

Nakayuko akong nilayo ang katawan namin ni Ms Diaz ng sandaling yun, walang salita na lumalabas sa bibig ko, pero alam ko na naiintindihan niya ang nais ko. Mas pinili ko nalang ang tumahimik kesa mapahiya si Ms Diaz ng mga oras na yun.

Ilang minuto rin kaming nakatayo, bago niya binasag ang katahimikan na namamagitan sa amin.

"Ayaw mo na ba sa akin Phantom?" mahinang tanong ni Ms Diaz
Tinitigan ko muna siya at tinantya ko kung kaya ba niya ang mga susunod kong sasabihin, naging maingat rin ako sa sasabihin ko dahil ayoko siyang masaktan.

"Hindi naman sa ayaw ko sayo, pero alam mo naman ang nangyari sa huling babae na minahal ko, hindi pa ako handa na pumasok sa isang relasyon ngayon. Sariwa pa lahat ng naganap sa akin sana maunawaan mo" mahinahong pagkakasabi ko.

"Wala na siya diba, bakit hindi mo siya makalimutan? nandito ako Phantom pwede pa tayong magsimula uli" dagdag ni Ms Diaz
Hindi ko alam ang isasagot sa kanya ng sandaling yun, dahil alam ko na masasaktan na si Ms Diaz sa mga susunod kong sasabihin kaya sinubukan ko na lang na titigan siya, subalit imbis na makakuha ako ng sagot sa tanong niya ay parang may kung anong tumasak sa dibdib ko ng makita kong nangingilid ang mga luha ni Ms Diaz, isa ito sa kahinaan ko, ang makakita ng babaeng umiiyak sa harapan ko lalo na kung ako ang may kasalanan.

"Kaya ba ayaw mo na sa akin, dahil sa may iba ng gumamit ng katawan ko? dahil ba kay Mr perez?" muling salita ni Ms Diaz na tuluyang nakapagpadaloy ng mga luha sa kanyang mga mata.

"Hindi mo ako naiintindihan ee, yung nakaraan wala na yun. Ang kalaban ko kasi ngayon itong sarili ko, natatakot na akong magmahal uli dahil lahat halos ng babaeng minahal ko nawawala sa akin, ilang beses na akong nakarinig ng pangako na hindi ako iiwan, pero nasaan na sila di ba wala na. Mahirap kalabanin ang sariling takot natin, kaya sana maintindihan mo ako, ayokong paasahin ka na balang araw magiging tayo uli, ayokong gamitin ka lang para makalimot ako, dahil ang totoo hindi ko pa alam sa ngayon kung kailan uli ako magkakaroon ng lakas upang magmahal uli o kung magagawa ko pa ba na magmahal uli. Maganda ka at matalino alam kong maraming handang manligaw sayo, huwag mo sayangin ang sarili mo sa kagaya ko," paliwanag ko kay Ms Diaz.

Lalong naghina ang tuhod ko sa naging reaksyon niya, dahil halos walang tigil na dumadaloy ang luha sa mga mata niya ng sandaling yun.

Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, bigla ko siyang niyakap para kahit paano ay maibsan ang sakit ng mga salita ko na tumama sa kanya.

Alam ko na kahit anong iwas ang gawin ko,hindi ko magagawang hindi siya masaktan sa maririnig niya, wala na akong choice ng sandaling yun kundi magsabi ng katotohan.
Nagpaalam na ako kay Ms Diaz ng sandaling yun para makauwi na sa amin, pagdating ko sa bahay sobrang bigat ng pakiramdam ko, hindi ko alam kung paano ko hahawakan ang sarili kong buhay ng sandaling yun, para akong puppet na may taling sumusunod lamang sa nagpapagalaw sa akin, dahil bawat emosyon na mararamdaman ko ng sandaling yun ay pakiramdam ko na nakatali pa rin ako sa anino ng alaala ni psalm.

Pakiramdam ko ay kasintahan ko pa rin siya, pakiramdam ko ay nasa paligid lamang siya na nakatingin sa akin, pakiramdam ko ay pinagtataksilan ko siya kapag may iba akong minahal na babae.

Sa kakaisip ko ng mga bagay na yun ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Tanghali na ako ng magising, mabilis kong hinagip ang cellphone ko para makita ang oras, nalintikan na dahil late na ako ng higit sa isang oras.

Binilisan ko ang kilos, kumain naligo nagbihis at umalis ng bahay.

Subalit kahit anong bilis ng kilos ko ay hindi ko kayang awatin ang oras, kulang kulang dalawang oras ako late ng marating ko ang paaralan na pinapasukan ko. Mabilis kong tinungo ang classroom ko at kita kong nagkakagulo pa rin ang mga estudyante ko na parang nasa loob ako ng sabungan.

Subalit ng makita nila ako ay isa isa silang nagsiupo, bakas ko sa muka ng bawat estudyante ko ang takot sa akin, kaya kahit late ako ng araw na yun ay pinilit ko rin sumimangot at maggalit galitan para sa anyo ng isang terror teacher.

Mabilis akong nagdiscuss ng lesson namin ng araw na yun at binigyan ko sila ng sit work para maiupdate ko ang ibang subject sa lesson plan ko para sa ibang section.

Subsob akong nagsusulat ng may isang estudyante ang lumapit sa akin ng hindi ko inaasahan.

"Sir eto po pala yung mga pinapadala niyo sa amin kahapon, ako na po ang nagkolekta" tinig ng isang dalagita sa tabi ko.

"Pakilagay nalang diyan sa mesa sa likuran ko kung saan kasya at umupo ka na ayoko ng istorbo!!!!" masungit kong sita sa estudyante ko.

"Alam mo sir hindi bagay sayo ang masungit, tyaka alam ko hindi ka naman talaga masungit. nakita kita kahapon sir may kasama kang dalawang estudyante sa SM naglalaro kayo sa TOMS WORLD nainig kong sinabi nung nakakulay blue na palda na namimiss ka na raw nila, ibig sabihin non sir, mabalit ka sa dati mong school diba" mahabang salita ng dalagita sa tabi ko.

Nang lingunin ko ito ay muli ko na namang nakita ang imahe ni psalm sa katauhan ni Mira, kaya hindi ko magawang magalit sa kanya.

Nginitian ko muna siya bago ako muling nagsalita.

"Ahh ganun ba? siya umupo ka na at tapusin mo na ang ginagawa mo" pilit kong pagsusungit sa kanya pero batid ko na hindi ko maitodo ang galit ko.

Bumalik naman siya sa upuan niya, pero nakatingin pa rin siya sa akin habang nakangiti.

Binaliwala ko nalang siya at bumalik ako sa pagsusulat, subalit hindi pa ako nakakatagal sa pagsususlat ay may dumungaw sa pintuan ng classroom ko.

"Excuse me po sir, pinapatawag po kayo ng principal nasa building po siya ng 4th year." singgit ng isang binatilyo sa pinto ng classroom ko.

"Ahh sige susunod na ako" sagot ko.

Hindi ko na inimis ang lesson plan ko na sinusulatan, tumayo ako at naglakad.

"Mira maglista ka ng maingay sa pisara, ang maililista mo isang linggong maglilinis ng kubeta" utos ko na agad namang sinunod ni Mira.

Nang makarating ako sa kinalalagyan ng principal ay nakita ko lamang ito na nakikipagtsismisan sa mga guro.

"Maam pinatawag niyo raw po ako." magalang na sabi ko
"Ahh oo Phantom halika muna, diyan muna kayo mamaya ko na titignan yung mga kinukwento niya" paalam ng principal sa mga kausap niyang teacher.

Lumakad kami ng principal papunta sa school ground, hanggang makarating kami sa gym ng paaralan.

"Phantom nakausap ko kasi ag principal sa dati mo pinasukan na aaralan, maganda naman pala ang record mo at naibalita rin nila sa akin ang pinagdaanan mo. Pero hindi yun ang pakay ko kaya kita ipinatawag."Sabi ng principal.

Nagtataka man ako sa pakay niya sa akin ay magalang ko pa rin siyang kinausap.

"Ano po ba ang nais niyo maam" magalang na tanong ko
"Alam mo naman siguro na bago ako maging principal ay kung san saan muna ako nadistino dito sa laguna. Marami na akong nakilalang guro, hindi lang kasi isang guro sa ibang paaralan ang nakakakilala sayo" sabi ng principal.

Medyo kinabahan na ako ng sandaling marinig ko ang sinabi ng principal ko, pumasok agad sa isip ko lahat ng kagaguhan na ginawa ko nung panahon na problemado ako.