1. Home
  2. Stories
  3. Teacher: Book 2 - Part 3
xTorya

Teacher: Book 2 - Part 3

By phantomblade ·

"Phantom dederetsuhin na kita, gusto kong buhayin ang sports sa paaralan natin, nabalitaan ko kasi na magaling kang coach at trainor sa volleyball, naging player ka rin pala mula highschool hanggang college at alam mo ba na maraming public school ang gustong matranfer ka sa kanila pero hindi ako pumayag. Mula kasi ng magretiro yung huling lalaking teacher dito sa paaralan natin ay nahinto na ang pagsali ng paaralan natin sa sports, kaya mo ba akong matulungan na muling buhayin ang sports?" tanong ng principal sa akin.

"Ahh yun po ba, opo maam kaya ko po." sagot ko kahit medyo alangan ako sa gagawin ko.

Pinakita sa akin ng principal ang ground at ilang mga lumang gamit ng paaralan na ginagamit na pang ensayo sa mga player ng lahat ng sports.

Marami sa mga gamit ang hindi na mapapakinabangan at ang ilan ay pwede pa.

Matapos ko makita lahat ng kagamitan ay pinabalik na ako sa classroom ko ng principal namin, binigyan niya ako ng isang linggo para ayusin at kumpunihin ang mga sirang gamit na maaari pang magamit at kung may kulang daw ay sasabihin nalang sa president ng P.T.A parents teachers association.

Lumakad ako pabalik sa classroom ko masaya kong nakita na tahimik ang lahat ng estudyante ko kahit iniwan ko sila, nakaupo naman si Mira sa upuan ko sa mismong harapan ng mga kaklase niya.

Tahimik kong binalikan ang lesson plan ko at nang muli akong magsusulat ay nagulat ako sa papel na kulay pink na naka ipit sa gilid ng table ko.

Hindi ko alam kung sino ang nag ipit ng papel na kulay pink sa gilid ng table ko, kinuha ko ito at binuksan upang mabasa ang nilalaman nito.

"Sir smile ka po lagi, hindi po bagay sayo yung lagi kang nakasimangot" yun ang eksaktong nakasulat sa papel na yun, may smiley pa sa ibabang bahagi nito.

Nilibot ko ang mata ko sa mga estudyante ko na subsob sa paggawa ng sit work nila, wala akong makitang kaduda duda na magbibigay sa akin ng ganong sulat kaya pinasya ko nalang na itago sa wallet ko ang papel na yun at muli akong nagsulat sa lesson plan ko.

Mabilis lumipas ang maghapon ko ng araw na yun, lahat halos ng ibang section na tinuturuaan ko ay pawang ilag sa akin dahil sa kabagsikan na pinapakita ko sa kanila, ayoko na kasing magkaroon pa ng kaibigan o kalandian na estudyante ng sandaling yun.

Subalit minsan kahit pa anong pigil mo na mangyari ang isang bagay ay hindi mo pa rin ito mapipigil kung ito ay nakatadhana na mangyari.

Huling klase ko na ng hapon nang magpasya akong gumawa ng isang announcement sa bulletin board para ipaalam sa lahat ng estudyante sa paaralan na iyon na muling bubuhayin ang sports.

Lahat ng event na alam ko ay nilagay ko sa nasabing paskil, kinausap ko rin ang principal upang makahingi ako ng tulong sa ibang teacher na maaaring maghandle ng ibang events, pumayag naman ang principal at isa isa niyang pinatawag ang mga guro na maaring maging coach.

Kinuha ko na ang pagiging coach ng volleyball boys and girls, yung ibang mga teacher ay bahala na sa kung saan sila maassign ng principal.

Kinabukasan pagpasok ko pa lang marami ng mga estudyante na nag aabang sa pintuan ng classroom ko, inulan nila ako ng kung ano anong klaseng tanong tungkol sa pagbuo uli ng mga magiging varcity ng school.

Dahil sa sobrang excited ng iba, nalimutan na nila na isa akong terror teacher. Napatahimik na lang sila ng wala akong isinagot sa mga tanong nila, isa isa silang yumuko at halatang kinakabahan sa naging reaksyon ko sa sinasabi nila nila.

"Magsipasok kayo sa classroom niyo at intindihin niyong mabuti ang nakasulat sa bulletin board natin. Ang late mamaya sa try out huwag na kayong umasa na makakapasok. Ayoko ng maraming tanong. " sabi ko sabay lakad papasok sa loob ng classroom ko, tahimik na umalis ang mga estudyante na nagtatanong sa akin.

Daretso ako sa table ko at isang papel na pinunit na notebook na naman ang nakita ko na nakapatong sa table ko.

Binuksan ko ito, habang nakasimangot ako na tumititig sa mga estudyante ko, walang nakatingin sa akin ng oras na yun dahil lahat sila ay tahimik na sa unahang bahagi nakatingin.

Binasa mo ang nilalaman ng sulat at halatang minadali ng gumawa ang pagkakasulat nito.

"Good morning sir. Aga aga highblood ka na naman, diba sabi ko po kahapon smile ka lang palagi.good luck po sa maghapon" yan ang laman ng sulat na hindi ko na naman alam kung kanino nanggaling, pero bilang guro nila madali kong malalaman kung kanino galing ang sulat na ito, dahil bakas pa sa papel ang mga sulat ng computation, ginamit niya ang notebook niya sa math para sulatan ako at yun ang malaki niyang pagkakamali.

"Makinig kayong lahat, ilabas niyo ang notebook niyo sa math. May gusto lang akong makita ipasa niyo lahat kay mira." sabi ko na sinunod naman nila na walang pag aalinlangan.

Kinolekta ni mira lahat ng notebook ng mga kaklase niya at inabot niya sa akin ang higit sa 40 pcs na notebook.

Binigyan ko uli sila ng sit work bago ko sinimulang halughugin ang bawat isa sa notebook nila. Gamit ang pilas na papel na sinulatan ng taong hindi ko alam kung sino ay sinimulan kong hanapin kung kanino nanggaling ang sulat.

Matagumpay kong nakita kung kaninong notbook ito, subalit wlaang pangalan kung kanino ba yung notebook na yun, pero mas matalas ang utak ko kesa sa kanila.

"Makinig kayong lahat, kilala niyo naman siguro kung alin dito notebook niyo diba?" tanong ko.

"Opppoooo" sagot nilang lahat.

"Sige magsitayo kayong lahat, ang makakakuha ng notebook nila pwede ng umupo, mira halika dito, ipamahagi mo sa kanila ang mga notebook nila." utos ko kay mira.

Isa isang tinawag ni mira ang may pangalang notebook at nang maubos ang notebook ay saka ko inilabas ang huling notebook na hawak ko.

"Sino ang hindi nakakuha ng notebook nila" tanong ko sa mga estudyante ko.

"Ako po sir wala yung notebook ko wala pa." sabi ni mira sa tabi ko.

Inabot ko sa kanya ang notebook niya na hawak ko kasabay ng papel na sinulatan niya.

"Ano po ito sir" tanong ni mira
"Ee di basahin mo." sagot ko.

Agad naman binasa ni mira.

"Sir hindi po ako sumulat niyan, notebook ko nga po yang hawak niyo, pero kilala ko po kung sino sumulat niya." sabi ni mira.

Hindi na ako kumibo ng sabihin yun ni mira, inabot ko na sa kanya ang notebook niya at tumayo na ako para makapag simula na kami magklase, pero biglang bumulong si mira sa akin.

"Sir admirer mo siya, lagi niya sinasabi sa akin na crush ka niya" bulong ni mira
"Go back your sit now!!" kauna unahan kong sigaw na nagawa kay mira.

Lahat halos ng kaklase niya ay nagulat sa pagsigaw ko, wala silang idea kung bakit ako sumigaw.

Kitang kita ko ang pagkapahiya ni mira sa buong klase ng sigawan ko siya, pakiramdam ko si psalm ang sinigawan ko at pinahiya sa mga kaklase niya.

Ilang segundo ko rin tinitigan si mira at kahit saang angulo ko siya tignan ay nakikita ko pa rin ang imahe ni psalm sa kanya.

Pinilit ko magklase kahit batid ko na may damdamin akong nasaktan, kaya matapos ang klase ko sa kanila ay agad ko pinatawag sa labas si mira para makausap ko siya.

Kita ko ang lungkot sa muka niya ng sumunod siya sa akin.

"Mira pasensya na kung napagtaasan kita ng boses kanina, hindi ko sinasadya nagulat lang talaga ako." sabi ko habang naglalakad kami ni mira papunta sa canteen.

Nang makarating kami sa canteen ay agad kami naupo, nakatitig lang si mira sa mata ko ng sandaling yun.

Ayokong lumambot ang puso ko, ayokong masira ang image ko bilang isang terror teacher, pero hindi ako sanay makasakit ng damdamin ng isang estudyante, lalo na kung kagaya ni mira na ang buong pagkatao ay parang copy paste ni psalm.

"Alam mo sir, ngayon ko napatunayan na hindi talaga terror, ikaw lang yung teacher na humingi ng sorry sa estudyante na sinigawan niya. Bakit ba kailangan mo pang maging terror sir? may problema ba? tanong ni mira.

Hindi ko pa lubusang kilala si mira ng sandaling yun kung mapapagkatiwalaan ba siya kaya pinasya ko muna na itago sa kanya ang tunay kong dahilan sa pagiging terror.

Nagkaayos kami ng sandalintg yun, gumaan ang pakiramdam ko kahit papano ng makita ko muli na ngumiti siya. Kaya nagpaalam na ako sa kanya para sa mga susunod kong klase.

Mabilis tumakbo ang oras ng maghapon na yun, hanggang sa dumating ang takdang oras ng simula ng try out game ng magiging future players ko.

Mabilis kong tinahak ang lugar na kilalagyan ng mga bago kong manlalaro, napakaraming nais maging varcity, 24 lang ang kailangan ko para sa babae at lalaki kong player.

Ayokong magsimula uli na magturo sa mga batang walang alam sa paglalaro, kaya mabuti kong sinala ang bawat estudyante na nais maging varcity, nagsimula ako sa depensa, sunod ay ang opensa, huli ang foot work at talas ng mata.

Binukod ko lahat ng marunong sa depensa at atake, wala akong pake kung sino ang maalis at kung sino ang matatanggap, kailangan ko ng isang malakas na hukbo na muling bubuhay sa pangalan ko na minsang nasira dahil sa aking mga pagkakamali.

Ayoko ng ulitin pa ang mga nangyari noon, ayoko ng magkaroon ng kaibigan sa mga player ko, ayoko ng may maganap na makamundong pagnanasa sa mga bago kong player, gusto ko ng maging coach talaga , yan ang gusto kong mangyari ng sandaling yun na hindi ko alam kung tama ba o mali.

Dahil lang sa kagustuhan ko na makaiwas sa mga tukso ay ito na lang ang naging paraan ko.

Madali ko naman nahanap ang kakailanganin kong player para sa babae at mga lalaki.

Kaya pinasya ko na kahit dapat araw ng pahinga ko ng araw ng sabado ay minatamis ko ng magturo sa kanila, agad ko silang pinauwi at sinabihan na bukas ay alas sais ng umaga ang training namin, ang late ay umuwi na lamang.

Walang biruan at walang kahit na anong hindi tungkol sa volleyball ang sinsabi ko sa kanila, kagaya ng mga dati kong varcity ay pinatawag ko rin ang mga magulang nila, upang ipaalam sa kanila na magiging varcity ang mga anak nila.

Pinaalalahanan ko rin sila sa mga dapat at hindi dapat nilang ikilos, disiplina ang mabuti kong itinanim sa bawat utak ng mga bagong varcity na hawak ko.

Nalaman ko rin ng sandaling yun na ang respeto pala ay maaring iutos sa mga magiging estudyante mo, dahil lahat sila ay binantaan ko na isang beses lang silang magkamali na bastusin ako, tanggal sila sa varcity at sinisigurado ko na magkakaroon sila ng record sa guidance councilor na dadalhin nila hanggang college. Kita ko ang bawat takot sa muka nila sa mga pagbabanta ko na alam ko naman na kaya kong gawin.

Subalit kagaya ng sabi ko, kahit pa anong iwas ko sa kasalanan kapag ito ay nakaguhit na sa tadhana ay hindi ito mapipigilan pa maganap nino man.

Kinabukasan ay alas otso na ako ng umaga nakarating sa school namin, dahil sa tinanghali ako ng gising at medyo may kalayuan talaga ang bahay namin sa paaralan na pinapasukan ko.

Kaya kahit late ako ay ako pa ang galit sa mga bago kong player dahil nakita ko silang naghahabulan at nagtatawanan.

"Anong ginagawa niyo?" tanong ko na ikinabigla ng lahat.

"Wala naman po kaming gagawin sir, kasi wala pa kayo" sagot ng isang dalagita na pamilyar ang boses na nanggaling sa likuran ko.

Nang lingunin ko ito ay nakita ko na si mira pala ito at hindi ko alam kung bakit siya kasama sa mga bago kong player.

"Bakit ka nandito? kasali ka ba?" tanong ko kay mira.

"Hindi ako nakapag try out kahapon sir kasi wala akong dalang pamalit na damit, dati akong varcity nung elementary ako, dont worry marunong ako sir" pagmamalaki ni Mira.

"Kumpleto na sila, hindi ko na kailangan ng dagdag pang player" sagot ko sabay lakad patungo sa isang bench ng gym namin para ilapag ang agamit ko.

Naging tahimik ang kapaligiran ng dumating ako, hindi ako sanay sa ganitong ambiance, dahil noon sobrang saya ng bawat training namin, hindi ako nakakaramdam ng pagod, kadalasan pa akong nakakalimot sa oras dahil sa saya,
Nang maibaba ko ang gamit ko ay muli kong binalikan ang mga player ko.

Tahimik lang silang nakatayo at hinihintay ang pagsisimula namin ng training kaya sinimulan kong ipaliwanag sa kanila ang unang gagawin mula sa strecthing hanggang sa mga drills ay isa isa kong ipinaliwanag sa kanila, subalit ng matapos akong magpaliwanag sa kanila ay nakita kong nakaupo sa isang sulok ng gym si Mira.

Tiklop ang dalawang tuhod niya na nakatitig lang sa akin, muli na namang kinurot ng tagpong yun ang puso ko, ang panahon at alaala ko ay muli na namang ibinabalik ng batang si Mira. Kuhang kuha niya ang titig sa akin ni psalm nung sandaling maglaro kami sa snow nung nasa South Korea pa kami, kusa ng lumakad ang mga paa ko patungo sa dereksyon ni mira, nanag makalapit ako sa kanaya ay wala akong maisip na sasabihin.

Hindi mo maintidihan kung bakit parang nakikisabay pa ang hangin ng umagang yun, dahil parang napakalungkot ng bawat simoy nito.

"Sir hindi na ba talaga ako pwedeng sumali?" nakakaawang tanong ni mira sa akin na parang kilala na niya ako, dahil sa ganung bagay ako malambot.

Yung tanong niya na parang iiyak na at mga matang nagpapaawa.

Kaya kahit pinipilit kong maging mabagsik na lion ay titiklop pa rin ako sa isang maamong pusa na kagaya ni Mira.

"Tumayo ka diyan, kumuha ka ng isang bola susubukan ko kung talagang marunong ka. Kapag hiundi ko nagustuhan ang laro mo, hindi ka pwedeng sumali" sabi ko at kita ko kung paano nagliwanag ang muka niya.

Mabilis siyang tumayo sakinauupuan niya at mabilis niyang tinakbo ang lagayan namin ng bola para kumuha ng isa.

Naglaro kami ni Mira habang patuloy sa drills ang mga bago kong manlalaro. Hindi nga nagsisinungaling si Mira ng sabihin niya sa akin na marunong siyang maglaro ng volleyball, dahil hindi lang siya marunong, magaling siya sa lahat ng aspeto, mabilis siyang kumilos, mataas tumalon at walang arte kahit madapa pa siya.

Kaya ng matapos sa drills ang mga kakampi ni Mira ay itinigil ko na ang pakikipaglaro sa kanya.

"Sir tanggap na po ako?" tanong ni Mira.

Tinitigan ko lang siya, bago ako tumango, bilang sagot sa tanong niya.

Muli ay nakita ko na naman ang matamis na ngiti ni psalm sa katauhan ni Mira, masayang masaya siya ng pasalihin ko na siya sa training program ko.

Nagsimula kami ng training sa depensa, dahil sa marunong na silang lahat ang ginawa ko na lang sa kanila ay lalo silang pabilisin at mas patalasin ang mata isip galaw at tamang pagkontrol ng bola.

Yun ang paulit ulit namin ginawa ng maghapon na yun.

Hanggang sa dumating ang lunch break.

Lahat sila ay pawang naghihintay sa gate ng paaralan dahil lunch break ko pinapunta ang mga magulang nila.

May ilan na maagang nakarating at may ilan na huli na.

Pinakain ko muna ang mga player ko bago ako nagsimulang magpameting sa mga magulang nila.

Subalit may isang babae na umagaw sa pansin ko.

Maputi siya, matangos ang ilong, mahaba at makintab ang buhok, sexy at taglay niya ang maamong muka na kadalasan kong gusto sa isang babae..

Hindi ko maintindihan kung bakit habang umiiwas ako sa mga bagay na ikakapahamak ko na naman ay lalo lang silang naglalapitan.

Isang babae na naman ang umagaw ng atensyon ko ng sandaling ipatawag ko ang mga magulang ng mga bago ko player.

Alam ko na hindi siya nanay ng isa sa mga manlalaro ko dahil napaka bata pa ng itsura niya para magkaroon siya ng anak na high school student, kaya para matapos na ang pagtatanong ko sa isip ko ay pinapasok ko na lahat ng ng magulang sa classroom ko kasama ang mga manlalaro ko.

Pinasulat ko muna sila ng attendance, bilang katunayan ko na present sila sa araw na iyon.

"Magandang tanghali po sa inyong lahat, ako nga po pala si Mr Phantom Blade ako po ang magiging coach and trainor ng mga anak ninyo, kaya po ako nagpatawag ng pagpupulong ay para personal ko po na masabi sa inyo ang aking mga alituntunin at ilang mga rules and regulation habang ang inyo pong mga anak ay nasa aking pangangalaga. Una ko pong gustong ipaalam sa inyo ang magiging monitoring natin sa mga bata, papagawain ko po sila na magiging attendance list po nila sa bawat araw na kami ay mag eensayo, kumpleto po ang details nito, mula sa petsa, buwan taon, oras ng simula ng training at oras ng tapos ng training." sabi ko.

"Para saan naman yang attendance list na yan?" tanong ng isang tatay sa akin.

"Para po sana malaman ninyo kung totoo po ba na nagtraining ang anak niyo o hindi, batid naman ng bawat isa sa atin dito na mapanganib na ang panahon ngayon lalo na sa mga babae, kaya gusto ko po sana na makasigurado tayo kung saan ba sila talaga galing." sabi ko.

"May babayaran ba sa pagsali ng anak ko sa volleyball na yan?" tanong ng isang nanay na halatang kuripot.

"Wala po silang babayaran sa pagtuturo ko, libre ko po itong ibinabahagi bilang isang guro, kung may babayaran man po sila ay yun po ay kung gusto nila na magkaroon ng uniform." sagot ko.

"Hindi ba naman maapektuhan ang pag aaral ng mga anak namin sa volleyball na yan." tanong uli ng isang nanay na halatang bungangera.

"Hindi naman po, dahil ang oras po ng ensayo namin ay sa oras ng uwian kapag weekdays, saturday naman po whole day kami. Kapag lumaban na po sila sa ibang school automatic po na exempted po sila at kung mapatapat sa periodical exam ang araw ng laban ay mabibigyan po sila ng special exam." paliwanag ko.

"Diba sabi mo sir delikado ang panahon ngayon, kung uwian ang oras ng training ng mga bata, baka gabihin sila sa pag uwi niyan." sabat ng isang tatay.

"Hindi po kami aabutan ng gabi, kasi po ang 1st and 2nd year po ay 3pm ang uwi, ang 3rd at 4th year naman po 3:30 Pm, pagsasabayin ko na po sila ng oras sa pag eensayo, bali 3:30 ang start namin hanggang 5:30. Hindi pa naman po siguro madilim yun, at kung sakali man po na nangangamba kayo sa kaligtasan ng mga anak ninyo, maari niyo po silang sunduin dito sa paaralan o kaya naman po ay huwag ninyo ng pasalihin sa volleyball" madiin kong pagsasalita para makabawi ako sa mga banat ng mga magulang na kaharap ko.

Ilang segundo silang natahimik sa banat ko, alam ko na kahit pa binara ko ang ilan sa kanila ay naging magalang pa rin ako, hindi ako lumabas na kahiya hiya sa harap nila.

"May katanungan pa po ba kayo? kung wala na po ay maari na po kayong makauwi, salamat po sa pagpunta at pagtitiwala sa anak ninyo." sabi ko na kahit pilit na ngiti ay hindi ko ginawa.

Isa isa na silang naglabasan sa classroom ko, ako naman ay kinuha ko ang attendance list at iniligay ko sa isang folder para katunayan na nakausap ko sila.
Subalit bago ko isilid ang papel na pinirmahan nila ay hinanap ko muna ang pangalan ng babaeng nakaagaw ng atensyon ko.

Madali ko naman mahahanap dahil ang ginawa ko pagpapirma sa kanila ay pangalan ng player katabi ng pangalan ng magulang, nakita ko na kasama niya ang isa sa mga player ko na si jean kaya nakita ko na ang pangalan niya.

Siya si jizel pero hindi ko alam kung kaano ano ba siya ni jean. Binalik ko na ang papel sa folder at lumabas na ako sa classroom para makapag simula na auling magtraining, subalit ang ikinabigla ko ay kung baklit si jizel ay nasa gym at hindi pa rin umuuwi.

Muling natahimik ang kwentuhan at tawanan ng mga player ko ng magsimulka na akong lumapit sa kanila, isa isa na silang pumila at maghintay ng kung ano ang ipapagawa ko. Subalit bago pa man ako magsasalita ay nagulat ako ng may biglang sumampa sa likuran ko at piniringan ako sa mata.

"Sino ako?" boses ng babae na pilit niyang pinapalaki na parang boses ng dimonyo. Naririnig ko pa na may kasama siyang tumatawa, pero ang damdamin ko na kailangan kong mag galit galitan palagi ay pinairal ko na.

"Hindi ako natutuwa kung sino ka man, alisin mo ang kamay mo at bumaba ka sa likuran ko!!!!" sigaw ko sa babaeng nakasampa sa likuran ko.

Naramdaman kong lumuwag ang pagkakatakip ng kamay sa mata ko, bago tuluyang umalis ang babaeng nakasampa sa likuran ko.

"Sir sorry, bad mood ka po yata?" tinig ng babae sa likuran ko.

Masamang muka ang sinalubong ko sa kanya ng lingunin ko kung sino ang babaeng yun.

Halos mapahiya ako ng makita ko na si apple pala ang sumampa sa likod ko at kasama niya si Margarette, tin tin at ilang mga dati kong varcity.

Hindi ko alam kung hihingi ba ako ng sorry sa kanila o ipagpapatruloy ko ang galit galitan mode ko ng sandaling yun.

"Sir sory talaga eto kasing si apple ee, may pasurprise surprise pang nalalaman." sabi ni Margarette.

"Okey lang yun, bakit kayo nandito? paano niyo nalaman na nandito ako?" masungit pa ring tinig ko.

"Galing kami sa bahay ninyo sir, sabi po ni tita nandito kayo kaya pumunta kami," sabi ni Margarette.

"Di ba sir promise mo sa amin tuturuan mo kami maglaro." singgit ni apple.

"Bakit hindi man lang kayo nagtxt sa akin?" tanongf ko.

"Sira ang dami na namin txt sa inyo pati missed call, di naman kayo nasagot" sabi ni apple.

"Ahh ee nandun sa drawer ko yung phone ko, maglalaro na ba kayo ngayon?" tanong ko.

"Pwede ba kaming sumali sir?" tanong nilang lahat.

"Oh sige sumabay na kayo sa mga bago kong varcity" sagot ko sabay talikod sa kanila.

Hinarap ko naman ang mga bago player at kita ko sa muka nila ang pagtataka kung bakit parang mabait ako sa mga estudyanteng kakadating lang.

"Sir tama ako diba hindi naman tlaga terror teacher." singit ni mira sa gilid ko.

Tinitigan ko lang siya at nakuha naman niya ang nais ko, dahil mabilis siyang bumalik sa pwesto niya at pinagsimula ko na uli silang mag strecthing.

Kasama nila ng grupo nila Margarette ay magkasabay ko tinuraan ang lahat ng batang kasama ko, subalit lingid sa kaalaman ko may isang mata pala sa paligid ko na hindi ko inaasahan na magiging parte rin ng buhay ko.

Naging maganda ang pagsama nila apple sa training namin ng mga bago ko manlalaro ng oras na yun, dahil after ng mga drills at ball control na pinagawa ko sa kanilang lahat ay pinaglaban ko silang lahat.

Observation na lang ang ginawa ko kung sino ba ang mas kailangan pa ng matinding pagsasanay sa kanila.

Mabilis natapos ang unang araw namin sa pagttraining, nakahanda na ako sa pag uwi kasama sila apple at Margarette nang lapitan ako ni jean.

Nakatingin sa akin lahat ng bago kong manlalaro na parang may importante silang sasabihin.

"May kailangan ka ba jean?" tanong ko sa player ko.

"Ahh ano po kasi sir, ahhm invite ko po sana kayo, birthday ko po kasi ngayon. Naghanda po si mama bahay kaya si ate jizel po ang umattend ng meeting kanina." nahihiyang sabi ni jean sa akin.

"Salamat sa imbitasyon, may pupuntahan pa kami, next time na lang." masungit kong sagot.

Napayuko na lang si jean sa sinabi ko, halata sa kanya na napahiya siya, medyo kinurot din naman ako ng kunsensya ko ng sandaling yun. Pero ang utak ko ay nagdidikta sa akin na dapat ko silang iwasan na maging kaibigan kung gusto ko talagang maayos ang buhay ko.

"Sus wala naman tayong pupuntahan sir, tara jean sama kami. Binibiro ka lang niyan ni sir. Margarette tintin hawakan niyo sa braso yan si sir tara" sabi ni apple.

Wala na akong nagawa ng sabay akong hawakan ni tintin at Margarette sa magkabilang braso at may tumutulak pa sa likuran ko.

"Okey sige sige, huwag niyo na akong hawakan, sasama na ako pero after nating kumain uuwi na tayo. Marami pa akong lesson plan na hindi nauupdate." sabi ko sa kanila.

"Oo na lang tara na gutom na ako sir, kapag di tayo sumama sa kanila, im sure ubos ang pera mo sa amin" sabi ni apple.

Napaisip ako bigla, dahil kung hindi nga kami pupunta kila jean kapag nagyaya si apple na kumain, malamang ubos ang pera ko sa mga kasama niyang mga dati ko ring varcity.

"Sir lakarin na lang po natin yung bahay namin, malapit lang naman po." sabi ni jean.

Wala na akong nagawa kundi ang sumama sa kanila, subalit habang naglalakad ako ay napansin ko ang isang pares ng mata na nagmamasid sa bawat kilos ko.

Muli ay nanumbalik na naman ang paghanga ko sa ate ni jean na si jizel.

Hindi siya mapormang babae.
Napaka simple lang ng suot niya ng araw na yun pero nakakabighani na para sa kalahi ni adan ang appeal niya.

Habang naglalakad kami papunta sa bahay ni jean ay hinila ako ni Margarette sa likurang bahagi, kung saan walang makakarinig sa pag uusap namin.

"Sir pwedeng magtanong?" sabi ni Margarette.

"Oo naman, ano yun?" sagot ko.

"Sir bakit ang sungit mo sa kanila? sa amin hindi ka naman ganyan dati ahh." tanong ni Margarette.

Alam ko naman na mapapagkatiwalaan si Margarette kaya ipinaliwanag ko sa kanya ang lahat ng dahilan ko kung bakit ayokong maging malapit sa mga bago kong manlalaro.

"Alam mo Margarette ayoko na kasi yung maging kagaya niyo sila, ayoko ng magkaroon uli ng kaibigan tapos makakagawa ako ng kasalanan, alam mo naman yung nangyari sa amin ni apple diba. Hindi kasi maiiwasan yun kapag naging sobrang lapit mo na sa mga estudyante. Yun ang isa sa mga iniiwasan ko." paliwanag ko kay Margarette.

"Sir kung magiging istrikto ka sa kanila, paano mo matutulungan yung mga kagaya ko dati, yung mga estudyante mo na kailangan ng teacher na kagaya mo? ibig sabihin ba sir wala ka ng pakielam sa kanila? parang hindi na ikaw yung super hero na kilala ko." biro ni Margarette.

"Alam mo hindi naman sa lahat ng oras yung kapakanan ng iba ang iisipin mo, hindi naman masamang isipin mo rin yung sarili mong kalagayan, yung nararamdaman mo at yung pinagdadaanan mo. Tandaan mo Margarette minsan kailangan mo ring gamutin yung mga sarili mong sugat bago ka gum,amot sa sugat ng iba." paliwanag ko.

"Alam mo sir kaya kita idol ee, para kasing kahit napakabigat na nung pasan mo, hindi pa rin halata sayo, nagagawa mo pang umisip ng paraan para maging matatag ka, sana magawa ko rin yan sir kapag ako na yung nasa katayuan mo." sabi ni Margarette.

"Huwag mo pangarapin na tumayo sa mga sapatos ko Margarette, baka hindi mo kayanin. Ang lagi mo lang isipin at gawin ay yung alam mo na makakaiwas ka sa mga bagay na alam mong ikakapahamak mo. Madaling isipin na matatag ka at kaya mo lahat ng unos, pero minsan sa buhay ng tao habang nagpapakatatag ka lalong ibabagsak sayo ng sabay sabay ang problema hanggang sa tanggapin mo na lang na hindi ka pala talaga matatag." sabi ko kay Margarette
Natahimik si Margarette sa sinabi ko, wala na siyang maitanong pa hanggang sa nakarating kami sa bahay nila jean.

Daretso kami sa mga upuaan na nakahilera, may mga nag iinuman at may videoke pa, sinalubong kami ng tatay ni jean at nakipagkamay pa sa akin, magalang ko naman silang kinamayan at nagpakilala.

Tumulong na si jean sa pag aasikaso sa mga team mates niya para makakain, ako naman inabutan ni jizel ng plato habang kausap ko ang tatay ni jean.

"Sir Phantom eto nga pala yung panganay ko, siya yung pinaattend namin kanina, busy kasi si misis." sabi ng tatay ni jean,
Dun ko lang nalaman na magkapatid pala sila at tatlo silang babae dahil ang bunso ay grade6 na rin at kahit hindi magkakamuka ang magkakapatid ay masasabi mo na lahi sila ng maganda.

Sinamahan akong kumuha ng pagkain ng tatay ni jean, patuloy lang siya sa pagkkwento ng kung ano ano na hindi ko naman naiintindihan, kaya panay tango at ngit na lang ako sa kanya.

Nang makakuha ako ng pagkain ay nilubayan na rin ako ng tatay ni jean, naupo ako sa pagitan ni Margarette at apple.

Binilisan ko talaga ang pag ubos ng pagkain ko para makauwi na ako kami, dahil hindi ko talaga gusto ang magtagal pa sa lugar na yun.

Nang matapos ako sa pagkain ko ay hinintay ko lang na matapos kumain ang mga datio kong playe, bago kami magpaalam kay jean, subalit sa hindi inaasahang pagkakataon ay sumingit ang tatay ni jean.

Nagprisinta siya na ihatid na kami sa uuwian namin, kahit sa kabilang bayan pa ang lugar namin. Wala na akong nagawa gamit ang van nila jean ay inihatid kami ng tatay niya.

Kasama namin si jizel; sa sasakyan at makalipas lang ang ilang minuto ay nakarating na kami sa lugar namin. Isa isa nang nagbabaan sila Margarette at mga kasama nito, subalit hinawakan ng tatay ni jean ang braso ko at nakiusap sa akin na kung maaari akong bumalik sa kanila para makapag inuman, wala na akong nagawa kundi sumang ayon sa kanya dahil inabot na ako ng hiya.

Tatlo kaming sakay ng van nila ng bumalik kami sa lugar nila at nagsimula na akong mapasabak sa isang pangyayari na muli ay pagsisisihan ko na naman.

Tahimik kami nakabalik sa lugar nila jean kasama ko sa van ang tatay niya at ate niyang si jizel.

Tatay lang ni jean ang panay ang kwento, sagana lang ako sa tango ngiti at tawa habang tahimik lang na nakikinig sa amin si jizel.

Nalaman ko buhat sa tatay nila na 3rd year college na pala si jizel sa kursong i.t information technology sa pup siya nag aaral kaya alam ko na ginto ang utak niya, kahit hindi pa nila sabihin. Karamihan kasi ng nag aaral sa pup ay matatalino, sila nga yung binansagan na scholar ng bayan. Pagbalik namin sa bahay nila ay marami na ang tao garahe nila, hindi na rin ako pinasali ng tatay ni jean sa inuman ng mga kasama niya dhil karamihan sa mga ito ay lasing na at medyo magugulo na.

Kasama ko si jizel na pumasok sa loob ng bahay nila, daretso kami sa sala at natagpuan ko doon ang mga kabataan n nag iinuman kasama ang player ko na si jean.

"Sir buti po bumalik kayo, upo po kayo sir" bati ni jean sa akin.

Agad naman akong umupo sa tabi niya kasama ang mga kAbataan na hindi ko kilala.

"Sir mga pinsan ko nga po pala, si ate leslie, ate mina ate kim kuya leo kuya mon, ate Mirriam at si ate jisel kapatid ko po sir, mga at at kuya si sir Phantom nga pala teacher ko at coach ko sa volleyball." Pakilala sa akin ni jean.

"Sir mukang bago lang po kayong teacher sa school ni jean ahh,." Sabi ni Mirriam.

"Ahh oo ngayong taon lang ako nakapagturo" sagot ko.

"Sir hindi niyo po naitatanong graduate po ako sa school niyo ni jean last 2 years ago," sabi ni Mirriam.

"Hindi lang ikaw3 noh lahat kaya tayo" singit ni leslie.

"Napangiti na lang ako sa mga barahan nila.

"Sir ngayon lang ba kayo nakapag turo o galing na kayo sa ibang school?" tanong ni Mirriam.

"Galing na ako sa private, lumipat lang ako sa public, may okey kasi ang mga benefits sa public." sagot ko at pagtatakip sa nakaraan ko.

"Coach ka rin diba sir, ibig sabihin magaling ka rin mag volleyball?" tanong ni mina
"May konting alam lang naman ako, hindi naman super galing." sagot ko para hindi ako magtunog mayabang.

"Sir hindi niyo po ba alam na si jizel varcity yan ng volleyball mula pa nung elementary siya hanggang ngayong college, madalas pa yan sa straa." sabi ni mirrian.

"Oo sir alam niyo ba na may offer sa kanya sa ang N.U national university at U.S.T. University of sto tomas, scholar sana yan kaso ayaw nila tito na mag aral siya sa manila, delikado daw kasi dun," singit ni mina
"Pero mas magaling kaya ako kay ate," singit ni jean.

Hindi na ako nakapagsalita pa sa sunod sunod nilang pagsasagutan, panay tawa na lang ako at abot ng tagay kapag ako na ang iinom.

Madilim na pero patuloy pa rin kami sa pag inom, akala siguro nila malalasing nila ako sa halo halong alak, dahil una namin ininom matador, tapos gin, tapos redhorse at huli naman ang isang case na beer pale pilsen.

Sanay sa alak ang bituka ko kaya hindi nila ako malasing, subalit kung hindi ako tinatalaban ng alak ay mas lalong parang walang epekto sa kanila ang iniinom namin. Dahil siguro sa bata pa sila kaya malakas pa ang bahay alak nila.

Nang maubos namin ang isang case ng beer ay gusto pa nilang uminom pero wala ng alak kaya naglabas na ako ng pera, pero inawat ako ni jean.

Tinawag niya ang tatay niya at ilang saglit l;ang ay dala na nito ang isang case na redhorse at isang kwatro kanto na gin.

Hindi ko alam kung ano ang tama ng pinaghalong redhorse at gin dahil hindi pa namin nasusubukan ito ng mga kaibigan ko, pero unang tagay ko palang kakaibang init sa katawan ang naramdaman ko, alam ko na tatamaan ako sa iniinom namin at sa dami na rin ng nainom namin.

Kung pwede lang sanag mag pausok ng damo ng sandaling yun, mauubusan sila ng pera sa akin dahil hindi ako tatamaan ng alak kapag kargado ako ng usok galing sa damong mahiwaga, pero iniwasan ko na ang bisyong yun.

"Sir okey ka pa po ba?" tanong sa akin ni jean
"Oo okey lang, ikaw kaya mo pa ba?" tanong ko.

"Hindi naman ako natagay sir ee, kapag may tama na ako hindi na nila ako pinapatagay." sabi ni jean.