1. Home
  2. Stories
  3. Teacher: Book 3 - Part 14
xTorya

Teacher: Book 3 - Part 14

By phantomblade ·

Natahimik na lang siya sa isinagot ko sa kanya.

"Daddy wait lang lagay ko sa luch box ko yung bigay mo." sabi ni faith kaya ibinaba ko siya sa pagkakalong ko sa kanya. Bago siya tumakbo papunta sa terrece nila at inilagay ang ibigay ko sa lunch box niya.

"Bakit mo ba kasi ginagawa ito sa amin ng anak ko? ano ba talaga ang pakay mo sa amin?" tanong ni roxane.

"Wala, gusto ko lang maging masaya ang anak mo at makabawi sa mga nagawa kong masama sayo noon." sagot ko.

"Mommy, daddy tara na po pasok na po tayo." sabi ni faith sabay hawak sa kamay namin ni roxane.

"Mamu, papu bye po." sigaw ni faith sa parents ni roxane na nakatingin sa amin.

Kung titignan kami ay para kaming isang buong pamilya ng sandaling yun, subalit batid ko na hindi natutuwa si roxane sa ginagawa ko para sa anak niya. Si faith lang ang tanging nagsasalita ng makasakay kami sa kotse. Puro siya kwento tungkol sa mga classmate niya, kitang kita kay faith ang sigla at saya ng isang bata. Isang bata na nangungulila sa kalinga ng isang ama.

Nang makarating kami sa school ni faith ay inihatid namin siya ni roxane hanggang sa classroom niya, hanggang sa makaupo siya sa upuan niya ay hindi niya binitawan ang kamay ko. Ipinagmamalaki pa niya sa mga classamte niya na ako ang daddy niya. Nang makaupo si faith sa upuan niya ay hinalikan na siya si roxane sa pisnge para magpaalam.

Nang akmang aalis na kami ni roxane ay humabol pa sa amin si faith.

"Daddy wait." sigaw ni faith.

"Ohh bakit honey." sagot ko sabay upo para magpantay kami ni faith.

"Bakit si mommy lang ang nagkiss sa akin? dapat ikaw din tyaka hug din dapat daddy." sabi ni faith.

Hinalikan ko naman siya sa magkabilang pinsge, bago ko siya niyakap ng mahigpit. Inayos ko pa ang uniform niya bago ako nagsalita.

"Mag aral ka mabuti anak huh." sabi ko.

"Opo daddy. Susunduin mo po ako?" tanong ni faith.

"Anong oras ka ba uuwi?" sabi ko.
" 10am po." sagot ni faith.

"Sige susunduin kita at kapag may 3 star ka uli. Pupunta tayo sa jolibee." bulong ko kay faith. Kitang kita ko na namilog ang mga mata nya sa tuwa sa sinabi ko.

"Talaga po daddy?" tanong ni faith.

"Oo basta may 3star huh." paalala ko sa kanya.

"Opo daddy promise." sabi ni faith bago siya tumakbo uli pabalik sa upuan niya.

Nang tumayo ako sa pagkakaupo ko sa pintuan ng classroom nila faith ay nakita kong nagpapahid ng luha si roxane, nasa may gate na siya ng learning school nila faith. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit siya umiiyak ng sandaling yun, kaya nakaramdam na naman ako ng guilt sa sarili ko.

Ayoko na kasi makita na naiyak si roxane, ayoko na siyang masaktan kagaya ng ginawa ko noon.

Nang nilapitan ko si roxane ay hindi ko inaasahan ang gagawin niya. Bigla niya akong niyakap at lalo siyang humagulgol ng iyak. Ilang segundo rin akong niyakap ni roxane ng sandaling yun, bago niya ako binitawan dahil naglalabasan na rin ang mga magulang ng mga kaklase ni faith.

Tahimik kami sumakay ng kotse ko, habang binabaybay namin ang daan sa paaralan na papasukan niya ay hindi ko maiwasang magtanong.

"May problema ba roxane?" tanong ko sa kanya.

"Wla naman. Masaya lang ako sa ginagawa mo sa anak ko, sabik na sabik na kasi siya na magkaroon ng daddy. Natutuwa lang ako dahil ikaw ang nagpuno sa pangungulila ng anak ko. Phantom sana hindi mo paasahin ang anak ko." sabi ni roxane na hindi ko maintindihan ang ibig niyang iparating na paasahin.

Hindi ko rin magawang sumagot sa sinasabi niya dahil nabalnko bigla ang utak ko sa dapat kong isagot.

Hanggang makarating kami sa harapan ng school na pinagtuturuan ni roxane ay wala ng salita pa ang narinig sa aming dalawa.

"Salamat Phantom." sabi ni roxane sabay halik sa pisngi ko subalit napalingon ako sa kanya kaya ang nagtama sa amin ay ang mga labi namin. Hindi ko yun sinasadya, hindi ko naman kasi alam na hahalikan niya ako. Natigilan ako ng maglapat uli ang labi namin na mabilis naman niyanng inalis.

"Hmmmp wala ka pa rin pagbabago" sabi ni roxane sabay hataw sa balikat ko. Binuksan na niya ang pintuan ng kotse ko saka siya bumaba at pumasok na school.

Ako naman ay hindi ako makapaniwala na nahalikan ko uli si roxane, hindi yun ang unang kiss namin ni roxane, pero pakiramdam ko para akong highschool student na nakatikim ng unang halik sa taong matagal na niya pinapangarap. Bumilis ang tibok ng puso ko ng sandaling yun habang hawak ko ang labi ko na hinalikan ni roxane.

Ilang minuto ako nanatili sa lugar na yun bago ako nakarecover sa halik ni roxane. Pumasok ako sa paaralan namin na late na naman ako. Sa labas ko na lang ipinarada ang sasakyan ko, para pag sinundo ko si faith walang makakita sa akin na umalis ako.

Masaya akong nagturo sa paaralan na pinapasukan ko ng sandaling yun, napakagaan ng pakiramdam ko na tila hindi uubra sa akin ang kahit anong problema na dumating.
10am ng makiusap ako sa isang teacher sa school namin na kailangan ko umalis muna, pero nangako ako na babalik ako, kaya binigyan ko na lang ng sit work ang mga estudyante ko ng oras na yun.

Pinatakbo ko ang kotse ko sa pinakamabilis na makakaya nito, dahil pasado alas dyes na ako nakaalis sa school na pinapasukan ko, nangangamba ako na baka umiiyak na si faith dahil late ako. Subalit ng makarating ako sa school niya ay nakita ko na sakto lang ang dating ko dahil nagsisimula pa lang silang pauwiin ng teacher nila.

Maraming mga tricycle, bike may ilang kotse rin na nasundo ng mga kaklase ni faith.

Lumapit na ako sa gate ng school nila faith, iginala ko ang mga mata ko para mahita ko siya, subalit wala siya. Kaya pinasya ko ng pumasok sa loob ng classroom nila. Nakita ko na abalang nagkukulay si faith sa papel na hindi ko alam kung para saan yun.

"Hello honey." sabi ko.

"Daddy!!!" sigaw ni faith ng makita niya ako na nasa tabi niya.

"Ano yang ginagawa ng honey ko?" tanong ko kay faith.

"Huwag mo munang tignan daddy, mamay ko ibibigay sa inyo ni mommy ito." awat sa akin ni faith ng tignan ko ang ginagawa niya.

"Oh sige hintayin kita sa labas huh." sabi ko kay faith.

"Opo daddy." sabi ni faith.

Paglabas ko ay nakita ko na nasa gate ang papa ni roxane. Kinabahan na naman ako ng makita ko siya.

"Ohh seaman, dito ka ba nagtuturo?" bati sa akin ng tatay ni roxane.

"Ahh hindi po nakapangako po kasi ako kay faith na susunduin ko siya ngayon." magalang na sabi ko.,
"Ahh ee ganun ba? hala ee uuwi na ako. Ikaw na ang sumundo sa anak mo. Nagluluto kasi ako ng pananghalian namin." sabi ng tatay ni roxane.

"Ahh ok sige po. Salamat po." sabi ko bago sumakay ang tatay ni roxane sa bike niya. Natuwa ako ng makita ko ang bike ng tatay ni roxane may kahoy itong upuan para hindi mahirapan si faith na umupo sa bakal na halatang ginawa lang ng papa ni roxane. Natutuwa din ako sa papa ni roxane dahil nakikisakay na rin siya sa tawag sa akin daddy ni faith.

Ilang saglit pa ay lumabas si faith, napaka cute talaga niya halos pikit na ang mata niya habang nakangiti siya sa akin ng lapitan niya ako.

"Daddy!! ohh" sabi ni faith ng ipakita niya sa akin ang kamay niya na may tatlong star.

"Aba very good ang honey ko. Si daddy naman ang tutupad sa pangako niya." sabi ko.

"Yehey!!" nakangiting sabi ni faith.

Naglakad kami papunta sa kotse na hindi pa rin tumitigil si faith sa pagkkwento ng nangyari sa school niya.

Hanggang sa makasakay kami ay panay pa rin ang kwento niya na tama lahat ang sagot niya, ipinakita pa niya sa akin ang notebook niya na puro check ng teacher niya.

Nang makarating kami sa jollibee ay lalong naging masaya si faith, subalit lalo akong humanga sa anak ni roxane, dahil kung ibang bata ang kasama ko malamang kumain na kami sa jollibee ng oras na yun, pero iba si faith.

"Daddy pwede sa school na lang ni mommy natin dalhin yung food natin para sabay natin si mommy kumain, baka gutom na din po kasi siya." sabi ni faith sa akin.

Hindi ako tumangi sa gusto ni faith, kahit hindi ko siya kasama habang lumalaki siya, alam ko na magandang klaseng pangaral ang ibinigay ng pamilya ni roxane sa kanya kaya siya naging maaalalahaning bata.

Matapos naming umorder ng pagkain namin ay bumalik na kami sa kotse ko bago namin puntahan ang mommy niya.

Nang makarating kami sa school nila roxane ay pinapasok naman agad ako ng gurad dahil kilala niya ako.

"Sir ang cute naman ng anak niyo, kamukha niyo po sir." sabi ng gurad sa akin.

Nginitian ko lang ang guard dahil hindi ko masabi sa harapan ni faith na hindi ko naman talaga siya anak.

Sa classroom ni may kami nag punta ni faith dahil hindi ko naman alam kung nasaan ang classroom ni roxane. Subalit wala rin si may at yung dati ko kasamahan na teacher ang inabutan ko na nagtuturo sa classroom ni may.

"Aba Phantom kamusta ka na, anak mo na ba yan?" tanong ni Mrs casalme.

"Ok naman po ako. Faith say hello kay teacher casalme." sabi ko kay faith.

"Hello po teacher." sabi ni faith sabay ngiti.

"Napaka cute na bata naman nito Phantom, kuhang kuha ang mata mo." sabi ni mrs casalme.

Ngumiti na lang ako, bago kami nagpaalam ni faith sa kanya. Tinawagan ko na lang ang phone ni roxane, subalit hindi naman niya sinasagot ang tawag ko.

"Daddy ang laki naman ng school ni mommy." sabi ni faith habang iniikot ikot ang mata niya sa paligid.

"Kapag big girl ka na dito ka na din papasok." sabi ko kay faith.

"Ayoko dito daddy, baka mawala ako, ayoko ng malaking school. Tyaka gusto ko sa school mo daddy." sabi ni faith.

"Naku, panget sa school ko, maraming bad student dun.dito lahat mababait." sabi ko na lang kay faithhabang nagkkwentuhan kami ni faith ay nilapitan ako ng isa sa mga varsity ko, para tanungin kung may training kami, sinagot ko naman siya, pero nakiusap din ako sa kanya na hanapin si roxane at sabihin na nadito ako. Sinunod naman ako ng varsity ko.

Ilang saglit pa ay humahangos na dumating si roxane sa lugar kung nasaan kami.

"Hello mommy!!" sigaw ni faith ng makita niya si roxane.

"Hello honey. Bakit kayo nandito?" masayang tanong ni roxane sabay halik sa anak niya.

"Mommy ohh naka 3 star ako, nagpromise si daddy na kakain kami sa jollibee kapag may 3 star ako. Kaya nandito kami mommy kakain tayo." sabi ni faith.

"Hayy naku Phantom sinasanay mo si faith sa mga reward huh, baka masanay yan." sabi ni roxane sa akin.

"Ok lang yan, minsan lang magiging bata si faith." sagot ko.

"Hmmp tara sa canteen dun na lang natin kainin yang dala niyo." sabi ni roxane.

Kinuha ni roxane ang pagkain na dala ko, kasi nagpakalong na si faith sa akin medyo pagod na rin siguro siya.

Nang makarating kami sa canteen ay hindi ko namalayan na nakatulog na si faith sa balikat ko.

"Tsk nalimutan ko sabihin sayo, pagkakagaling niya sa school lagi yan natutulog. Mamaya pa magigising yan." sabi ni roxane.

"Ok lang, sige na kumain ka na, baka gutom ka na." sabi ko kay roxane.

"Ee ikaw hindi ka ba nagugutom?" tanong sa akin ni roxane.

"Ok lang ako. Kakalungin ko na lang muna si faith." sabi ko.

"Subuan na lang kita." sabi ni roxane. Hindi na ako kumontra pa dahil kapag nagsalita pa ako ay baka magising si faith.

Nakatitig lang ako kay roxane habang sinusubuan niya ako ng pagkain ng sandaling yun, nakatingin lang din siya sa akin ng sandaling yun. Walang kahit anong salita ang namamagitan sa mesa namin, tanging mga ingay lang ng mga estudyante sa labas ng canteen ang naririnig namin, pero batid ko na kapwa kami masaya ng oras na yun, pakiramdam ko kasintahan ko uli siya, pakiramdam ko college uli kami. Pakiramdam ko siya na uli yung babaeng kasangga ko sa bawat problemang hinharap namin, pakiramdam ko hindi tumatakbo ang oras na yun, subalit kailangan kong gumising sa katotohanan na yung babaeng nasa harapan ko ay may iba ng nagmamay ari…

Isa sa pinaka mahirap tanggapin ang katotohan sa mundo, minsan mas pinipili pa nating mabuhay na lang sa kasinungaling at maramdaman na masaya tayo, kesa sa katotohanan na sakit ang kalakip.

Sa ganito ko maihahambing ang nararamdaman ko kay roxane ng panahon na yun, hindi ko na maibabalik pa ang mga araw na masaya kami noon bilang magkasintahan, pero ang katanungan naman sa isip ko ay kung paano kung magawa akong mahalin muli ni roxane. Makakaya ko bang iwanan si beverly at andrea para kay roxane at faith?.

Hindi ako kasing gwapo ng iniisip niyo, masasabi ko lang na mapalad lang siguro ako na maraming nahumaling na babae sa akin ng panahon na yan, maswerte lang siguro ako dahil may katangian ako sa pag uugali na wala ang ibang lalaki na hindi ko naman alam kung ano yun. Dahil hindi ako nagkalakas ng loob itanong sa mga babaeng napalapit sa akin ang dahilan nila kung ano ang nagustuhan nila sa akin.

Hindi ko na nagawa pa bumalik sa school ng araw na yun, dahil ayokong magambala si faith sa pagtulog niya. Alam ko rin kasi na malulungkot siya kung sakaling gumising siya na wala ako sa tabi niya. Kaya kinalong ko lang siya sa faculty room nila roxane ng araw na yun hanggang sa magising siya.

Sa totoo lang hindi ako nakaramdam ng pagod habang natutulog si faith sa bisig ko, hindi ko nga alam kung bakit hindi ako nagsasawang pagmasadan ang maamo niyang muka habang natutulog siya. Ang alam ko lang, magaan ang loob ko kay faith, dahil siguro malambing siya, madaldal at sobrang matalino. May anak din naman si andrea pero hindi naging ganito ang trato ko sa batang yun. Siguro dahil sa medyo masungit ang anak ni andrea at moody kaya hindi ko siya masyadong nagustuhan.

Hapon na ng magising si faith, dinilat lang niya ang mga mata niya bago siya umupo mula sa pagkakahiga sa bisig ko at muling yumakap sa akin.

"Daddy nasaan tayo?" garalgal na boses ni faith habang nakayakap siya sa akin.

"Nandito pa rin tayo sa school ni mommy mo. Inaantok ka pa ba honey? tulog ka pa." sabi ko.

"Nasaan si mommy?" tanong uli ni faith.

"Nagtuturo sa mga student niya." sagot ko.

"Daddy wiwi ako." bulong ni faith sa akin.

May sariling banyo ang faculty nila roxane na dati ko rin hide out kaya kabisado ko ito, nagpaalam lang ako sa mga teacher na nandun bago ko ipasok si faith. Kahit na 5years old pa lang siya ay marunong na siyang gumamit ng banyo mag isa. Alam na rin niya maghugas at maglinis ng katawan niya matapos gumamit ng banyo.

Lumabas na kami ni faith sa faculty matapos niyang gumamit ng banyo, lahat halos ng mga teacher na nandun ay natutuwa kay faith, dahil cute naman talaga siya. Hindi siya matabang bata para masabing cute. Hindi rin siya sobrang payat. Sabihin natin na sakto lang ang katawan ni faith para sa isang 5 years old na bata. Bumbawi lang si faith sa muka niya. Dahil mula sa mata, kilay, labi, ilong, pisnge. Wala ka maipipintas sa kanya. Mapapalingon kahit na sinong magulang na makakita kay faith.

"Daddy nasaan na yung jollibee ko?" tanong ni faith sa akin ng makalabas kami sa faculty room nila roxane.

"Bibili na lang uli tayo honey. Natulog ka kasi kaya kinain na ni daddy at ni mommy." sabi ko.

"Kalong mo ako daddy." lambing ni faith sa akin ng maglakad na kami papuntang jollibee.

Hindi naman kalayuan ang jollibee sa school nila roxane kaya nilakad ko na lang ito habang karga ko si faith, nakahilig pa ang ulo niya sa balikat ko ng sandaling yun.

"Ohh honey anong gusto mo pili ka na." sabi ko kay faith ng makarating kami sa jollibee.

"Paano si mommy baka gutom din siya daddy." sabi ni faith.

"Busog na si mommy mo, kumain kami, yung food mo ang kinain namin." sagot ko.

Pumili na si faith ng gusto niya at agad ko naman itong binayaran. Nagpatulong na lang ako sa crew na dalhin sa mesa ang inorder namin dahil karga ko si faith.

"Dati mabigat ba ako?" tanong ni faith.

"Hindi honey, bakit mo naman natanong?" sabi ko.

"Si papu kasi pag nagpapoakalong ako ayaw niya ng matagal kasi mabigat na daw ako." sumbong ni faith sa akin.

"Ee kasi matanda na si papu kaya mahina na siya, ee si daddy alam mo ba na ako sii superman?" biro ko kay faith.

"Tagal daddy? si superman ka?" tanong ni faith.

"Oo pero syempre secret lang natin dalawa yun." sabi ko kay faith habang sinusubuan ko siya ng binili namin pagkain.

Panay pa rin ang kwento ni faith ng sandaling yun, siya yung tipo ng bata na parang radyo, ikaw ang mauubusan sa kanya ng isasagot sa mga tanong niya. Alam ko na may mga magulang na minsan naiinis sa mga ganitong uri ng bata, pero ako, sinasabayan ko pa si faith ng mga tanong at kwento, hindi ako nagsasawa na kasama siya. Hindi lang dahil sa anak siya ng babaeng dati ko minahal, may mumunting nararamdaman kasi ako sa isang sulok ng puso ko na hindi ko maipaliwanag sa batang kasama ko.

Matapos namin kumain ay pinaglaro ko pa si faith sa playgroung ng jollibee, masaya siyang nagpadulas, naglaro ng mga bola at tumakbo sa playground ng jollibee. Hindi naman ako nangamba na baka masugatan siya dahil tadtad ng matings ang playgroung ng jollibee. Subalit hindi ko inaasahan na makikita ko sa playgroung ng jollibee ang anak ni andrea
( guys hindi ko na maalala ang screen name na ginamit ko sa anak ni andrea. Hindi ko kasi pwedeng ilagay dito ang mga tunay na pangalan ng mga tauhan sa kwento ko, para mapangalagaan ang kanilang pribadong buhay. Kaya bea na lang ang gagamitin ko pangalan niya.)kasama ni bea ang yaya nito ng tumakbo itong pumasok sa playground ng jollibee, tumalikod ako para hindi ako makilala ng yaya at ng anak ni andrea. Salamin lang ang naghahati sa dinning area ng jollibee at playgound place kaya may pagkakataon akong tignan kung sino ang kasama ni bea at yaya niya. Nangilabot ako ng makita ko si andrea na nakapila para makaorder ng pagkain. Hindi ko alam kung saan ako magtatago o kung paano ko maitatago si faith, madaldal si faith malamang ay sabihin niya kay andrea na daddy niya ako, alam ko na pagsisimulan ito ng gulo namin ni andrea kaya lalo akong kinabahan.

Halos atakihin na ako sa puso ng makita ko na magkalaro si bea at faith sa loob ng playground, nagtatawanan sila habang ibinabato ang mga maliliit na bola.

Hinugot ko na lang ang telepono ko sa bulsa ko at naisip ko na lang na tawagan si may, alam ko na hindi niya ako ipapahamak, siya lang ang makakatulong sa akin ng sandaling yun.

Mswerte ako na sinagot ni may ang tawag, nakiusap ako sa kanya na puntahan kami ni faith sa jollibee, ipinaliwanag ko sa kanya ang sitwasyon ko ng sandaling yun, kahit may pag aalinlangan at konting inis si may sa akin ay tinugon naman niya ang pakiusap ko. Ilang saglit pa ako naghintay ng dumating si may, tinawag niya si faith para maibalik sa school nila ni roxane ako naman ay nagtago sa gilid ng playground para hindi makita ni faith.

"Tita may nasaan po si daddy?" tanong ni faith na narinig ko ng lapitan niya si may.

"Sumakit ang tiyan ng daddy mo, napupoo, kaya ako sumundo sayo. Pupunta na si daddy sa school ng mommy mo, kaya dun na lang natin siya hintayin." sabi ni may.

"Sige po. Babye bea." masayang paalam ni faith sa anak ni andrea.

Nilingon ko pa sila ng makalayo sila, subalit sa kakahabol ko ng tingin kay faith ay hindi ko sinasadya na mabangga ko ang isang babae sa loob ng playground.

"Ayy miss sorry." sabi ko ng makita ko kung sino ang babaeng nabangga ko ay halos mapalundag ako sa kinatatayuan ko. Dahil si andrea ang nabangga ko.

"Ohh Phantom ano ginagawa mo dito? wala ka ba pasok?" tanong ni andrea sa akin.

"Huh meron kakauwi ko lang." sabi ko.

"Ee bakit nandito ka sa playgorund? ano ka isip bata?" tanong ni andrea.

"Ahh ee akala ko kasi may daan dito palabas, kaya dito ako dumaan, wala pala." pagpapalusot ko.

"Ahh ee kumain ka na ba?" tanong ni andrea sa akin.

"Oo kakaptapos ko pa lang." sagot ko.

"Mommy!!!" tawag no bea kay andrea ng lapitan siya nito.

"Baby lets go, eat ka muna before play." sabi ni andrea.

"Yes mommy." sabi ni bea.

"Paano Phantom, hindi tayo pwedeng magtagal na mag usap alam mo naman baka may mga matang nakatingin sa atin." sabi ni andrea.

"Ahh oo sige sige una na ako, ingat kayo." sabi ko kay andrea.

Nakaka ilang hakbang pa lang ako ng muli akong tawagin ni andrea.

"Phantom saglit. Next week may ipapasok akong pera sa bank account mo, pwede mo ng simulan ang pagpapaayos ng bahay natin, ok na din ang titulo ng lupa, nakapangalana na sayo." sabi ni andrea bago siya tumalikod.

Muli na naman akong napatingin sa kanilang dalawa ni bea habang nakain sila sa jollibee. Sila ba talaga yung dapat kong makasama at bumuo ng pamilya? bagay ba ako sa kanila? paano na si faith kapag natuloy na ang plano namin ni andrea na magsama at bumuo ng sarili naming pamilya? halos lamutakin ko na ang muka ko sa pag iisip ko ng pwedeng mangyari sa buhay ko ng sandaling yun.

Lumakad na lang ako palabas sa jollibbe para mapuntaha na agad si faith sa school ni roxane.

Halos lamunin ako ng sarili kong utak sa lalim ng iniisip ko ng sandaling yun, alam ko na naglalakad ako pero walang dereksyon ang lakad ko, mabigat ang ulo ko na parang nakadagan dito ang lahat ng problema ko. Naiinis ako sa sarili ko kung bakit lagi ko na lang binabalewala ang problema, lagi ko na lang inaasa kay batman ang magaganap sa buhay ko, kaya imbis na mabawasan ang iniisip ko ee mas lalong dumadami.

Pagdating ko sa school ay nasa gym si roxane at si faith, nakangiti si roxane sa akin, si faith naman ay kumakaway pa ng lumapit ako sa kanila.

"Ohh ano ok ka lang? hindi lang madaldal si faith, matakaw din yan. Kaya sasamain ka talaga ng sikmura kapag sinabayn mo sa kainan yan." bungad sa akin ni roxane ng makita niya ako, alam ko na si may ang nagdahilan sa kanya na nagbanyo ako kaya sinabayan ko na lang kung ano ang sinabi ni may.

"Kaya ko pa naman, tatlong araw na kasi naimbak sa tiyan ko yun, kaya ayun pinasabog ko muna sa jollibee." biro ko kay roxane.

"Kadiri ka naman, magpapasabog ka lang sa jollibbe pa." banat ni roxane.

"Daddy!! daddy!! nasaan po ang bag ko?" singgit ni faith sa pag uusap namin ni roxane.

"Nasa kotse, bakit may homework ka ba?" tanong ko kay faith.

"Wala po pero may ibibgay po ako sa inyo ni mommy ee." sabi ni faith.

"Mamaya na anak pag uwi na natin, isang klase na lang si mommy pwede na tayong umuwi." sabi ni roxane.

"Sige po mommy, play lang kami dito ni daddy." masayang sabi ni faithinubos lang namin ni faith ang oras namin sa gym ng school nila roxane, kumuha lang ako ng bola ng volleyball para may magamit kami ni faith.

Halos maligo na kaming dalawa sa pawis ng bumalik si roxane para sunduin kami.

"Phantom sira ka talaga, basang basa na kayo ng pawis." sabi ni roxane ng makita niya kami ng anak niya na naglalaro pa rin. Kahit nagbabatuhan lang kami ng bola ni faith na pabalik balik, hindi ako nakaramdam ng pagka boring sa piling niya, kaya siguro hindi ko naramdaman ang oras.

"Faith anak tama na yan, hubarin mo na yang uniform mo magkakasakit ka niyan ee." sabi ni roxane.

"May dala ka ba pamalit ni faith?" tanong ko kay roxane.

"Wala hindi ko naman kasi alam na pupunta kayo dito ee." sabi ni roxane.

"Sorry, pero wait lang gagawa ako ng paraan." sabi ko.

Mablis akong lumabas ng school nila at naghanap ako sa labas ng mga nagtitinda ng mga damit pambata, hindi naman ako nabigo dahil katabi lang ng school nila roxane ang palengke kaya madali akong nakahanap. Pero wala akong idea sa size ng damit ni faith pinagbasehan ko lang ang katawan niya habang nakayakap siya sa akin kanina.kulay pink na parang duster ata ang tawag sa ganun ang binili ko, may tatak itong winnie the pooh, bumili rin ako ng bimpo na pwedeng ilagay sa likod niya at isang maliit na pubos sa malapit lang din na pharmacy store.

Nang makabalik ako sa school ay wala ng suot na pang itaas si faith, inalis na ni roxane baka daw kasi matuyuan ng pawis ang bata.

"Wow daddy ang ganda naman niya." sabi nifaith ng makita niya ang binili ko sa kanya.

Magkatulong kami ni roxane na binihisan si faith at nilagyan din namin ng pubos ang buong katawan niya, yung bimpo hindi na ipinalagay ni roxane sa likod ni faith dahil nangangati daw si faith sa tela ng bimpo.

Lalong naging cute si faith sa binili ko damit sa kanya, medyo maluwag lang sa kanya ng kaunti ang damit na nabili ko pero ayos naman dahil bagay sa kanya ang kulay na lalong nagpacute sa itsura ni faith.

"Phantom sa kotse niyo na ako hintayin, kukunin ko lang ang mga gamit ko." sabi ni roxane.

Kaya naglakad na kami ni faith palabas sa school, nakahawak siya sa kamay ko.

Subalit bago ako makalabas ng tuluyan sa gate ng school ay nakasalubong ko si may. Masama ang tingin niya sa akin, halata na inis siya sa nalaman niya.

"Phantom kung hindi mo kayang pangatawanan ang nasimulan mo, huwag mo na lang ituloy. Kaya ba ng kunsensya mo na saktan yang batang kasama mo?" sabi ni may na parang sinibat ang puso ko.

"May magpapaliwanag ako, pero sana huwag muna ngayon." sabi ko.

"Huwag ka sa akin magpaliwanag Phantom. Itama mo lang yung ginagawa mo ok na ako. Masakit umasa Phantom sobrang sakit. Kaya sana maisip mo ang ginagawa mo." seryosong sabi ni may bago siya lumakad palayo sa amin ni faith.

Palabirong tao si may, marunong sumakay sa kalokohan, pero oras na magsalita siya ng seryoso alam kong tama ang lahat ng sinasabi niya.

Subalit paano ko bibitwan si faith, sa nakikita kong saya at sigla niya sa tuwing magkasama kami ay hindi ko kayang talikuran siya. Hindi ko rin kayang talikuran si andrea na bumuo ng plano na hiwalayan ang asawa niya para sa akin, halos isakripisyo ang lahat ng bagay na meron siya para sa akin. Lalo na si beverly na nagawang magmahal uli dahil sa inaakala niya seryoso ako sa kanya.

Kahit sino sigurong nilalang ang magsuot ng sapatos ko ng panahon na yun ay sasakit ang ulo sa kung ano ba ang dapat ko gawin.

Haggang makarating kami sa bahay nila roxane ay malalim ko pa rin iniisip ang binitawang salita ni may.

"May problema ba Phantom?" tanong ni roxane ng kami ay papasok na sa bahay nila.

"Huh? wala naman. May iniisip lang talaga ako." sabi ko.

"Pwede ko ba malaman yung iniisip mo?" tanong uli ni roxane.

Sasagot pa lang ako ng hilahin kami ni faith sa sala nila, nandun ang papa at mama ni roxane ng kami ay paupuin ni faith na magkatabi sa sofa.

"Daddy ohh para sayo, eto naman sayo mommy." sabi ni faith sabay abot sa amin ng papel na nakatupi.

Nang buksan ko ito ay sulat kamay ito ni faith may drawing itong stick man na magkakahawak ang kamay, sa drawing ni faith ay tatlong stick man ito na may nakasulat pa na mommy, daddy and me.

Binasa ko ang sulat ni faith sa akin ng sandaling yun.

Daddythank you po kasi may daddy na ako, thank you din po sa egg, bread and choco. Sana po daddy hindi ka na umalis para lagi ako happy. I love you po daddy
--faith

May mga wrong spelling pa sa pagkakasulat ni faith, pero yung meaning ng sumat niya, pinawi ang problemang dinadala ng isip at puso ko. Hindi ko napigilan na yakapin si faith ng sandaling yun. Pinipigilan ko lang mapaluha, dahil baka isip[in ng pamilya ni roxane ay sobrang o.a ko. Laro lang naman ni faith na tawagin akong daddy, masyado akong nagpaapekto.

"Honey totoo ba love mo si daddy?" tanong ko faith.

"Opo, pati mommy, pati si mamu, pati si papu." sagot ni fait sa akin.

Kung ako pinipigilan ko maluha, iba naman si roxane, dahil halos umagos na ang luha niya habang binabasa niya ang sulat sa kanya ni faith.

Napakaswerte ni roxane at ng pamilya niya na nagkaroon sila ng kapamilya na kagaya ni faith, sana lang hidni siya magbago hanggang sa paglaki niya. Sana maging mabuti siyang bata at hindi sana siya makakilala ng Phantom Blade sa buhay niya na gagamitin at sasaktan lang siya.

Araw-araw ko ng hinatid at sinusundo si faith sa school niya, bumibili na lang ako ng jollibee kapag susunduin ko na siya para makabalik ako agad sa pianapasukan kong school. Bago naman ako umuwi sa bahay ee dumadaan naman ako kila roxane para makipag laro kay faith o kung minsan naman ay turuan siyang gumawa ng mga homework niya. Nawalan na ako ng panahon kila mikay at kat, kahit puro text nila na nagyaya na lumabas kami ay tinatanggihan ko na muna sila, dahil ang importante sa akin ay si faith. Si beverly naman ay sobrang bihira lang kung magkita kami dahil busy siya sa trabaho niya.

1st week ng november ng ganapin ang district meet na sinalihan namin ng mga varsity ko sa paaralan na pinapasukan ko, aaminin ko na hindi ko sila naaasikaso kaya mabuti dahil sa naging busy ako, natalo ang boys at girls lang ang nachampion para tumulak paabante sa unit meet. Kahit nalagasan ako ng manlalaro ay parang balewala lang sa akin noon, dahil siguro ang atensyon ko ay wala na sa kanila.

After ng game papunta na dapat ako kila roxane para makita at makasama ko si faith, subalit hindi ko inaasahan na kakausapin ako ni malou ng sandaling yun.

"Phantom pwede ba tayong mag usap?" tanong sa akin ni malou ng magkita kami sa gate ng school.

Kahit ayaw ko ng makausap si malou ay pinagbigyan ko pa rion siya dahil may mga kasabay akong varsity ng sandaling yun, ayoko na mapahiya siya.

"Ok lang," sagot ko.

"Pwedeng tayo lang dalawa?" tanong uli ni malou.

"Sige pero bilisan lang natin kasi may importante akong lakad." sabi ko kay malou.

Lumakad kami papasok uli sa school, sa classroom niya kami nag usap ng sandaling yun, medyo kakaunti na rin naman ang estudyante nun.

"Phantom galit ka pa sa amin ni mara?" tanong ni malou sa akin.

"Hindi ako galit sa inyo, inis lang ako, pero yung inis na yun hindi na mawawalala kasi hindi ko naman kayong binastos o kahit ipahiya sa ibang tao kagaya ng ginawa niyo sa akin." sagot ko.

"Sorry talaga Phantom, nagpadala kasi ako sa emosyon ko noon, akala ko lalambingin mo ako, akala ko susuyuin mo ako, kapag ginawa ko yun. Hindi ko alam na magiging ugat pa pala yun ng tampuhan natin." sabi ni malou.

"Kalimutan na natin yun, kasi kinalimutan ko na kayo ng kapatid mo." sabi ko kay malou.

Nakikita ko na namumugto ang mga mata ni malou ng sandaling yun kaya inunahan ko na siya, ayoko makita siyang umiiyak dahil lumalambot ang puso ko sa tuwing nakakakita ako ng babaeng umiiyak.

"Malou kung wala na tayong pag uusapan, alis na ako. Kanina pa ako hinihintay ng pupuntahan ko." sabi ko sa akanya sabay talikod, subalit palabas pa lang ako sa pintuan ng classroom ni malou ng bigla akong manlamig at halos magtayuan lahat ng balahibo ko ng marinig ko ang mga sumunod niyang sinabi.

"Phantom buntis ako. Magtatatlong buwan na akong buntis Phantom. Ikaw ang ama ng dinadala ko." ang sabi ni malou sabay buhos ng luha sa mga mata niya.

Hindi ko halos maigalaw ang katwan ko sa mga narinig kong sinabi ni malou, paano ko siya mabubuntis ee lagi niyang sinasabi sa akin na safe siya kapag pupuntukan ko siya loob. Yun ang eksaktong nasabi ko sa sarili ko matapos kong marinig ang sinabi ni malou.

Kusang lumakad ang mga paa ko palapit kay malou ng sandaling yun, kusang yumakap ang mga bisig ko sa kanya na walang tigil sa pag iyak. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang lahat ng mga problemang nakaatang sa balikat ko, hindi ko pa nagagawan ng solusyon ang isa kong problema may isa na naman dumarating.

Sa ganyang paraan ako binayo ng problema noon, mga problema na ako mismo ang gumawa.

Hinid ko na maalala kung ilang minuto kami magkayakap ni malou sa loob ng classroom niya, kumalas lang ako sa pagkakayakap sa kanya ng mag simula na siyang magtanong tungkol sa kung ano ang plano ko sa batang dinadala niya.

"Ilang linggo na akong napapansin ni mama sa bahay, iniiwasan ko na lang siyang kausapin dahil alam ko na magagalit siya kapag nalaman niyang buntis ako, gusto ko munang kausapin ka kung ano ang plano mo sa anak natin." sabi ni malou.

"Buhayin mo ang anak natin, yan ang plano ko malou, kung kailangan na harapin natin ang mama mo gagawin ko para sa anak natin, huwag na huwag kang gagawa ng bagay na ikakapahamak ng anak natin. Hindi kita mapapatawad malou kapag ginawa mo yun." sabi ko sa kanya.

"Wala akong iniisip na ganyan, halos dalawang buwan ko ng iniisip kung paano ko ito sasabihin sayo dahil nga sa galit ka sa akin. Pero kahit minsan hindi ko naisip na ipahamak ang anak natin. My god Phantom ganyan ba ang pagkakakilala mo sa akin?" sabi ni malou.

"Sinasabi ko lang yung nasa isip ko malou, hindi kiya pinaparatangan, sa totoo lang walang pumapasok sa isip ko ngayon. Hindi ko rin alam kung ano ang issasagot sa mama mo kung sakaling harapin natin siya." sabi ko.

"Papanindigan mo ba ang bata?" seryosong tanong ni malou.

"Oo naman ako ang tatay niya, pero hindi ko alam kung magiging maayos tayong mag asawa. Malou may girlfriend na ako ngayon." sabi ko kay malou na muli na namang naging sanhi sa pag agos ng luha niya.

"Hindi kita pipilitin na maging asawa ko Phantom, kailangan ko lang na may makakaramay ngayon. Kailangan ko lang na harapin si mama at ipagtapat sa kanya ang kalagayan ko, hindi ko kayo guguluhin ng girlfriend mo, pero sana maging tatay ka sa anak natin." sabi ni malou.

Sa pagkakataong ito ay muling pumasok sa isip ko si faith, bakit ang anak ni malou naiparamdam ko ang pagiging isang ama bakit sa tunay kong anak na dinadala ni malou parang nag aalangan ako, masama na ba talaga akong tao o sadyang takot lang ako sa responsibilidad ng pagiging ama.

Nang oras na yun ay napagdesisyunan namin ni malou na harapin na ang magulang niya, kailangan na naming ipaalam ang sitwasyon niya nakahanda na ako sa kung ano man ang mapagtapusan ng pag uusap namin.

Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ng dumating kami sa bahay nila malou, lalo na ng madtanan pa namin si mara sa sala nila kasama ang mga kaklase nito. Ang mama naman niya ay nakaupo sa harapan ng dining table nila na parang may inaasikasong mga papel.

Pakiramdam ko naging slow motion ang bawat paghakbang namin ni malou patungo sa kinauupuan ng mama niya, kitang kita ko rin ang matatalim na tingin niya sa amin dalawa ni malou.

Nang tuluyan na kami makalapit sa upuan ng mama niya, parang nabasa na nito ang nilalaman ng mga utak namin.

"Umupo kayo." mahinahong sabi ng mama ni malou.

Magkatabi kaming umupo ni malou sa dinning table nila, nanlalamig na ako ng sandaling yun pero yung pawis ko parang gripo na tuloy tuloy lang sa paglabas.

Nakita ko na may hinahanap ang mama ni malou sa bag niya ng ito ay tignan ko, nagulat nalang kami ni malou bigla niyang ilapag sa mesa ang isang pregnancy test. May dalawang guhit ito na kulay pula.

Sa pagkakataong ito ay batid ko na alam na ng mama niya ang tungkol sa pagdadalang tao ni malou. Tinitigan kami ng mama niya na parang naghihintay ng paliwanag sa amin, mistula kaming mga estudyante na pinapagalitan ng principal sa nagawa namin kasalanan.

"Mama sorry po" sabi ni malou sabay iyak na naman, hindi ko alam kung saan kumukuha si malou ng luha. Ang dami na niyang nailuha pero parang unli yung luha niya ng oras na yun.

"Nandyan na yan. Wala na akong magagawa. Hindi ako nagkulang sa kakapangaral sayo malou. Hindi mo naman ako pinakinggan. Ang gusto ko marinig ngayon ay kung ano ang plano niyo sa magiging apo ko at pagsasama niyong dalawa." seryosong sabi ng mama ni malou sa amin dalawa.

Ilang minuto kami natahimik ng sandaling yun, dahil wala naman talaga kami plano, hindi ako nakapag isip ng plano o kung ano ba talaga ang dapat kong gawin sa amin ni malou.

"Paninidigan ko po ang anak ko." sabi ko.

"Aba dapat lang. Sa anak ko anong plano mo?" sabi ng mama ni malou.

"Mama hindi pa namin napapag usapan ni Phantom ang tungkol sa amin, mas gusto sana naming unahin ang kalagayan ng bata." sabi naman ni malou.

"So ano malaya lang yan lalaking yan? matapos kang buntisin ganun na lang? aba malou mag isip ka nga. Teacher ka hindi ka GRO, ano na lang ang sasabihin ng mga kapwa niyo guro kung makikitang lumobo ang tiyan mo tapos wala kang asawa." medyo may diin na salita ng mama ni malou. May point naman siya, alam ko na iniisip lang din niya ang kalagayan ng anak niya, subalit paano namin ipapaliwanag sa mama ni malou na wala naman talaga kaming relasyon.

"Mama please nasa tamang edad na kami, hayaan niyo po muna kami magdesisyon ng nararapat sa amin." malumanay na sabi ni malou.

"Hayaan na naman malou? pinabyaan ko naman kayo ahh, ano ginawa niyo? diba ayan nagpabuntis ka sa lalaking yan. Simula pa lang ng makita ko yang lalaking yan, duda na ako na hindi gagawa ng mabuti yan sayo. Pinaiwas kita, hindi mo ako sinunod tapos ngayon sasabihin mo hayaan ko uli kayo? hoy lalaki kung inaakala mo na papayag ako na sa ganito lang tayo magtatapos, nagkakamali ka." pagbabanta ng mama ni malou.

"Wala naman po akong sinasabi na pababayaan ko ang anak niyo ee. Ang sa akin lang po hindi pa namin napapag usapan ang dapat namin gawin ni malou." sagot ko para makaiwas sa kung ano mang gulo na naman na kakaharapin ko.

"Anong dapat pag usapan at pag isipan? buntis ang anak ko kailangan pa ba pag isipan ang gagawin mo? kung lalaki ka lama mo dapat ang gagawin mo." pasigaw na sabi ng mama ni malou.

"Mama matagal na kaming hiwalay ni Phantom, kaya hindi namin alam kung ano ang gagawin, hindi ko alam na buntis ako ng maghiwalay kami." sabi ni malou.

"Kung kayong dalawa ee walang planong magsama mas mabuti pa na lumayas kayong dalawa dito sa bahay ko." sabi ng mama ni malou nalabis kong ikinabahala.

Tumayo si malou mula sa pagkakaupo saka niya tinahak ang hagdan nila, ako naman ay nanatiling nakayuko lang sa harap ng mama ni malou.

Ilang minuto pa ay bumbaa si maloun dala ang isang malaking bag, nang makita ko siya ay mas lalo akong kinabahan. Hindi pa ako handang mag asawa, huwag sanang sabihin na malou na magsama na kami, dahil hindi ko siya matatangihan sa kalagayan niya, anak ko ang dala niya at ayokong mapahamak siya.

Lumaabs ng bahay nila si malou at mabilis ko naman itong sinundan.

"Malou sandali lang." awat ko kay malou.

"Phantom ilayo mo ako sa bahay namin, ayoko na dito please." sabi ni malou.

"Ate sandali lang, ano ba nag nangyayari." sabi ni mara ng ito ay humabol din sa ate niya.

"Tatawagan kita mara, huwag muna ngayon please." sabi ni malou.

Mabilis ko na lang binuksan ang pintuan ng kotse ko para makasakay si malou, bago namin nilisan ang bahay nila.

Pinatakbo ko lang ang kotse ko kung saan kami makarating.

"Malou saan tayo pupunta." tanong ko kay malou.

"Hindi ko alam Phantom, hahanap ako bukas ng apartment na pwde kong tirahan, ihatid mo na lang ako sa hotel dun na lang ako magpapalipas ng gabi." sabi ni malou.

Hindi ako pumayag sa sinabi niya, hidni ko alam kung ano ang mangyayari sa kanya sa motel kung iiwan ko siya kaya pinasya ko na bahay na lang namin siya dalhin, may kwarto naman ako na pwede niyang tulugan.

Bago kami dumating sa bahay ay hidni ko na lama kung paano ko ipapaliwanag sa pamilya ko ang sitwasyon ni malou, alam ko na labis silang mabibigla, pero hindi ko naman pwedeng iwanan na lang basta si malou. Pagdating ko sabahay ay parang sinadya naman ng pagkakataon na madtanan ko na kumpleto ang mga kapatid ko na nanonood ng tv sa sala namin, nandun din ang nanay ko at ilang mga pinsan na babae.

Dala ko ang gamit ni malou ng pumasok kami sa bahay namin, lahat halos sila ay nakatingin sa akin at kay malou. Alam ko na nababasa na nila ang dala kong problema, kaya nilakasan ko na lang ang loob ko ng patayin ko ang tv at kinausap ko ang pamilya ko.

"Nay si malou kasamahan ko teacher, baka pwedeng dito muna siya sa atin. Nay buntis siya, sorry nay!." sabi ko na labis nilang ikinagulat.

"Kuya nag usap na tayo diba, wala munang mag aasawa hanggang hindi pa kami nakakapagtapos" sabi ng kapatid kong babae.

"Wala naman mababago, mag aaral pa rin kayo, hindi naman namin sinadya yung nangyari, aksidente lang sana maunawaan niyo sana." sabi ko sa mga kapatid.

"Aksidente kuya? ano yan nahagip ng rumaragasang titi kaya nabuntis? sabi ng bunsong kapatid kong lalaki na naging sanhi ng tawanan sa sala namin. Nakatiki tuloy siya ng batok sa mga kapatid namin at sa ate namin dahil sa kalokohan niya.

"Anak kung ano man ang pasya niyo dalawa ay tatanggapin ko,bukas ang bahay natin para sa inyo,apo ko ang dinadala niya kaya hindi ako tutol sa kung ano man ang plano niyo." sabi ng nanay ko na hindi ko akalain na sasabihin niya. Akala ko kasi magagalit din siya pero tinanggap niya ng bukal sa loob niya si malou sa bahay namin.

Pinasya namin ni malou na sa bahay na lang namin siya muna tumira hanggang sa manganak siya, saka na namin isipin ang para sa amin dalawa kapag maayos na niyang nailabas ang bata.

Hindi ko na maihatid si faith sa school niya tuwing umaga dahil kasabay ko na si malou sa umaga kapag napasok sa school namin, kaya sinusundo ko na lang siya, hindi ko na rin siya maibili palagi ng jollibee dahil nagsisimula na akong mag ipon sa panganganak ni malou. Bumuo na rin ako ng plano para kay andrea at beverly ng sandaling yun, subalit hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin sa kanila, ayokong humingi ng tulong sa alak at droga dahil alam ko na problema lang din ang magiging dulot nito sa akin.

Walang magulang na makakatiis sa sarili niyang anak. Isang kasabihan na kahit hindi pa lumalabas ang anak namin ni malou ay naramdaman ko na, halos ganito din kasi ang nararamdaman ko kay faith ng sandaling yun. Buo na ang pasya ko, kahit patagalin ko pa relasyon ko kay andrea at beverly, darating pa rin talaga ang oras na kailangan may masaktan. Nang panahon na yun ay buo na ang pasya ko na si malou ang piliin na makasama dahil dinadala niya ang anak ko. Una kong kinausap si beverly sa isang coffee shop sa manila na malapit lang sa trabaho niya, ipinaliwanag ko ang sitwasyon ko at kalagayan ni malou. Hanga ako sa lawak ng isip ni beverly, kahit nakita ko na nasaktan siya sa ibinalita ko ay taos puso niya itong tinanggap, subalit may isa lang siyang kahilingan sa akin. Kung maaari daw ay huwag na akong magpapakita sa kanya kahit kailan.

Kay andrea hindi ko alam kung paano sisimulan sabihin ang kalagayan ko, alam ko higit kanino man sa mga naging babae ko, siya ang labis na masasaktan. Ilang araw ko rin pinagplanuhan sabihin sa kanya subalit hindi ko magawa. Hindi ko kayang makitang masaktan at mabigo uli si andrea. Itinigil ko na muna ang plano ko pakikipag kalas kay andrea.

Pinalipas ko muna ang mga araw na baka makaisip ako ng mas magandang paraan o baka maresolba pa ang problema na meron ako.

Sa bahay namin naging set up na ng pagtulog namin ay katabi ko na ang kapatid kong lalaki sa sala. Si malou na ang natutulog sa kwarto ko, ayoko kasi magtabi kaming matulog ni malou dahil baka maging kambal ang anak namin.

Si faith naman ay lagi na lang nagtatampo sa akin, dahil sa hindi ko na siya madalas nadadalaw.

Hanggang dumating ang araw ng inter ---, ako ang magiging head coach ng babae at lalaki. Asst. Coach ng lalaki si may, si roxane naman ang sa babae.

Maayos naman ang lahat ng papel na kakailanganin namin, nagawa naman namin ni roxane ang dapat gawin. Naayos na rin ni may ang uniform at kakainin ng mga player sa isang buong linggo.

Subalit hindi ko pa nasasabi kila may at roxane ang sitwasyon ko sa bahay namin, hindi ko kayang sabihin kay roxane na may kinakasama na ako sa bahay namin, dahil ng mga panahon na yun ay sobrang close na namin, nagbibiruan na kami gaya dati. Nakakapag open na siya ng mga problema niya sa akin, nagpapatulong sa akin sa mga reports at computation ng grades kapag nalilito na siya. Yung pinapangarap kong samahan namin ni roxane na sana bumalik ay natupad na, subalit alam ko na muli siyang lalayo sa akin kapag nalaman niya na nakabuntis ako.

December 06, 2009 sunday ng tumulak kami papuntang san pablo ng mga player ko, sakay kami ng isang mini bus na inarkila ng school nila roxane. Nasa unahang bahagi kami ng bus nakaupo ni roxane, puro kwentuhan at biruan pa kami nun, hanggang sa mapagod siya at humingi ng favor na baka pwede daw gamitin niyang unan ang balikat ko. Hindi ko naman siya tinaggihan, yumakap pa si roxane sa braso ko bago niya isinandal ang ulo niya sa balikat ko, para akong tanga ng sandaling yun, nangangarap kasi ako na kasintahan ko siya. Masakit man marinig ni malou ee sa totoo lang mas masaya ako kapag kasama ko si roxane.

Ilang oras din ang itinagal namin sa byahe dahil sa medyo matrafic na ng panahon na yun sa bandang dulo ng slex. Kung pwede nga lang sana na tumagal pa ang byahe namin para hindi pa umalis si roxane sa pagkakaunan sa balikat ko ee ok lang sana akin.

Dahil ng sandaling natutulog si roxane sa balikat ko, hindi ko maiwasan na hindi pagmasadan ang muka niya, walang pinagbago sa itsura ni roxane nung college pa kami, napaka ganda pa rin niya, hawig ni roxane si isabel granada kung kilala niyo yung artistang yun. Halos carbon copy niya si faith, kapag nga tinitigan mo si roxane ng matagal ang makikita mo sa kanya ay ang muka ng anak niya na si faith.

Nang makarating kami sa san pablo laguna ay ginising ko na si roxane, dahil kailangan ko bumaba para ipasa sa mga coordinator ang papel ng mga player ko.

Kagaya noon, wala pa rin pinagbago ang mga coach na makakalaban ko, sanay pa rin sila sa plastikan, hindi ko na lang sila pinansin puro tango lang ako sa mga sinasabi nila. Nang makuha ko na ang quartes number namin ay bumalik na ako sa bus para papilahin ng maayos ang mga player na kasama ko.

Kagaya nung unang beses akong nagpunta sa lugar na yun, binatasan ko pa rin ang mga player ko na maging disiplinado. Wala naman kumontra sa kanila dahil halos bawat training namin ay pinapaalala ko sa kanila ang mga gagawin nila kapag nasa san pablo na kami.

Naging maayos ang lahat ayon sa kagustuhan ko, mas disiplinado pa nga ang mga player na kasama ko ngayon, kesa nung nakaraan. Ang tatlong araw na pamamalagi namin sa san pablo ay nagawa naming makarating agad sa finals, waiting ang boys and girls ko para sa championship ng may makarating sa amin masamang balita galing sa bahay nila roxane.

Naka confine si faith, stage 3 na ang dengue ng bata ng dalhin ng mga magulang ni roxane ang anak niya sa ospital.

Iniwan ko na sa pangangalaga ni may ang mga player namin, hindi ko alam kung makakaya niya pagsabayin ang babae at lalaki kung sakaling sumalang na kami sa championship, alam na rin ni may ang taktika ng mga coach na kalaban namin kaya buo ang tiwala ko na makakaya ni may ang lumaban sa kanila.

Halos liparin namin ni roxane ang daan mula sa san pablo laguna hanggang sa ospital ng muntilupa.

Pasado alas onse na ng gabi kami nakarating ni roxane sa ospital, daretso kami sa emergency para tanungin kung nasaan ang kwarto ng ni faith.

Itinuro naman ito sa amin at agad namin itong pinuntahan, inabutan namin na nagbabantay ang tatay ni roxane.

"Papa ano nangyari." tanong ni roxane ng kami ay makapasok sa kwarto ni gaith, nakahiga ang bata sa kama at may dextrose sa kamay habang natutulog.

"Dengue daw sabi ng doktor, stage3, inoobserbahan nila si faith, bumaba kasi ng husto ang platelets niya, kapag daw hindi nagbago ang platelets count niya kailangan na daw siyang salinan ng dugo bukas." sabi ng tatay ni roxane.

Hindi mapakali si roxane ng sandaling yun, panay ang himas niya sa noo ni faith na halos maluha luha na sa kalagayan ng anak niya.

Pinauwi na namin ang tatay ni roxane ng dumating kami sa ospital, kahit pagod kami ni roxane sa maghapon pagccoach at pagbayahe pabalik sa lugar namin ay halos hindi na namin ito maramdaman ng makita namin na nakaratay si faith sa kama ng ospital.

Ala una ng madaling araw ng sabihan ko si roxane na magpahinga na muna, ako na ang bahala kay faith para makabawi siya ng lakas. Ako na ang naupo sa tabi ni faith at si roxane naman ay nahiga na sa maliit na sofa ng kwarto ng ospital na yun. Dahil na din siguro sa pagod nakaulog din ako sa tabi ni faith.

Umaga na ng dumating ang doktor para bisitahin si faith ay nagsimula na akong kabahan, nakita ko sa muka ng doktor na parang nag aalala ito.

"Doc may problema po ba?" Sabi ko sa doctor ng lapitan ko ito na may binabasang report galing sa nurse. Sa pagkakaalam ko laboratory result ang binabasa niya.

"Ikaw ba ang ama ng bata?" Tanong sa akin ng doctor.

"Ahh opo ako po." Sagot ko na medyo natataranta.

"Mababa ang platelets count ng bata, kailangan siyang masalinan ng dugo, maaaring ikapahamak niya kapag lalong bumaba ang counts ng platelets niya, nadadamay na din ang white blood cells ng bata. Type O positive ang bata, sa red cross marami silang stock ng blood type ng pasyente. Kami dito wala dahil kulang kami sa kagamitan para sa pag iimbak ng dugo. Kung pupunta pa kayo sa red cross baka hindi natin maagapan ang bata, kung willing kayong magpakuha ng dugo ipapalit natin ang makukuhang dugo sa inyo sa asia hospital. Isa sa inyong dalawa ng ina ng bata ang blood typeO positive, yun makukuha natin typeO positive lang ang papalitan ng Asian hospital. Sabi ng doctor.

"Doc bakit hindi nalang yun dugo namin ang isalin sa anak namin?" Tanong ko.

"Hindi pwedeng isalin sa anak ang dugo ng sarili niyang magulang. Baka magkaroon ng komplikasyon sa pasyente." Paliwanag ng doktor.

Mabilis kong ginising si roxane at ipibaliwanag ko sa kanya ang sinabi ng doctor, kapwa kami sang ayon na magbigay ng dugo para kay faith.

Sabay kaming sinuri ng mga nurse kung fitted ba kaming kuhanan ng dugo, pareho kaming pumasa ni roxane sa mga test, tag isang bag ng dugo ang kinuha sa mga braso namin ni roxane. Matapos naming kuhanan ng dugo ay pinagpahinga kami ng nurse saglit bago niya kami pinabalik sa kwarto ni faith.

Ilang saglit pa ay dumating na ang nurse sa kwarto ni faith para sabihin na isa lang sa amin ni roxane ang kablood type ni faith, hindi ko pa alam ang blood type ko ng sandaling yun dahil hindi pa naman ako nakapag donate ng dugo kahit minsan.

"Maam ang blood type niyo po ay A positive. Sir kayo po O postive, yung blood niyo po ang ipapalit namin sa asian hospital, on the way na po ang isang nurse namin 15minutes po masasalinan na ng dugo ang pasyente." Sabi ng nurse.

"Miss pakitawagan pabalik yung may dala ng dugo ko, hindi ko anak ang pasyente, mahabang paliwanag kung ikkwento ko pa, please pabalikin mo yung nurse na yun." Sabi ko sa nurse na kausap ko.

"Sir sure ba kayo, hindi po kasi talaga pwede isalin sa anak kapag ang dugo galing sa magulang." Sabi ng nurse na halos sabay lang sa pagbukas ng pintuan ng kwarto ni faith, nakita ko na papasok ang nanay at tatay ni roxane.

"Phantom hayaan mo nang dalhin ang dugo mo para mapalitan." Sabi bigla ni roxane sa malumanay na paraan, nakatitig Lang siya sa akin ng sandaling yun.

Hindi ko alam kung bakit kinabahan ako ng marinig ko yun kay roxane, parang may hinihintay akong ipagtapat niya sa akin na Hindi ko pa alam. Yan ang eksaktong naramdaman ko ng oras na yun . Nang makalabas ang nurse sa kwarto ni faith ay hindi pa rin napuputol ang pagtitig sa akin ni roxane.

"Anak panahon na siguro para malaman niya." Sabi ng nanay ni roxane na lalong nakapagpakaba sa dibdib ko.

Nilapitan ako ni roxane sa kinatatayuan ko bago niya ako niyakap. Ramdam na ramdam ko ang bawat malalalim na hininga niya ng sandaling yun, ang bawat hikbi at pagpipigil niya ng luha ay tila sibat na unti unting bumabaon sa dibdib ko.

"Phantom ikaw talaga ang daddy ni faith, patwarin mo ako kung hindi ko agad nasabi sayo. Gusto ko muna kasi kilalanin ka muna kung karapat dapat ka na ba bilang ama sa anak natin." Sabi ni roxane habang patuloy na umaagos ang luha sa mata niya.

Halos manlamig ang buong katawan ko sa nalaman ko ng oras na yun, hindi ko alam kung dapat ba akong magalit o maging masaya sa ipinagtapat ni roxane sa akin. Problema ba o biyaya ang dulot sa akin ng balitang ito. Kusang gumuhit ang luha sa mata ko ng pagmasdan ko si faith na nakahiga sa kama ng ospital, sinisi ko ang sarili ko ng sandaling yun kung bakit wala ako nung pinanganak si faith, bakit hindi ko man lang narinig ang unang salitang sinabi niya, bakit wala ako ng panahon nag aaral na siyang maglakad, bakit wala ako nung una siyang ngumiti. Bakit naging ganito ang buhay ko!!!? Yan ang mga katungan sa isip ko ng sandaling yun.

Hinawakan ko na lang si roxane sa balikat niya at marahan kong kinalas ang kamay niya
Sa pagkakayakap sa akin para lapitan ang anak ko, lumuhod ako sa hinihigaan ni faith. Hinawakan ko ang kamay ng natutulog kong anak. Napakainit ng palad niya dulot ng lagnat na epekto sa kanya ng dengue.

"Anak patawarin mo si daddy kung ngayon lang tayo nagkakilala, patawarin mo ako dahil wala ako sa tabi mo habang lumalaki ka, hindi man lang nagawa ni daddy ang responsibilidad ko sayo anak. Anak magpagaling ka na, babawiin ni daddy lahat ng araw na nasayang sa atin dalawa. Anak gagawin kp lahat para hindi mo maranasan ang hirap na dinaanan ko, gagawin ko ang lahat para maibigay sayo ang buhay na pinapangarap ko. Honey patawarin mo si daddy." Sabi ko habang walang tigil na umaagos ang luha sa mga mata ko.

"Daddy bakit ka po umiiyak?" Sabi ni faith na medyo garalgal ang boses. Hindi ko namalayan na nagising pala siya. Umupo siya ng dahan dahan para tignan kami lahat, marahil nagtataka ang anak ko kung bakit kami umiiyak.

Niyakap ko si faith ng sandaling yun at paulit ulit kong sinabi na.

"Honey lagi mo tatandaan mahal na mahala na mahal na mahal ka ni daddy huh.!!"" Sabi ko na hindi ko na mapigilan ang luha na patuloy na umaagos sa mata ko, dahil sa labis na pangungulila ko kay faith.

"Love din po kita daddy. Huwag mo po akong iiwan daddy." Sagot ni faith kahit medyo garalgal pa rin ang boses niya.

"Hindi anak, kahit kailan hindi ka na iiwan ni daddy. Magpagaling na honey." Sabi ko kay faith ng dahan dahan ko siyang ihiga sa kama niya.

Namayani ang katahimika sa kwartong yun, matapos ko makausap si faith. Marami akong gustong malaman sa nakaraan namin ni roxane ng sandaling yun. Ilang minuto pa kami nanatili sa kwarto ni faith ng dumating ang doctor para masalinan ng dugo si faith,
Sobrang naawa ako sa anak ko ng makita ko kung paano siya umiyak ng saksakan siya ng injection sa braso, kung pwede lang na ako na lang ang saksakin ng kahit ilang injection para lang gumaling ang anak ko ay tatanggapin ko. Huwag lang siyang maghirap ng ganun.

Nakatulog na si faith matapos siyang masalinan ng dugo, pinauwi na rin muna kami ng mga magulang ni roxane para makapag pahinga kami at makapagpalit ng damit.

Habang naglalakad kami ni roxane palabas sa ospital ay hindi ko na napigilan na tanungin siya.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin noon na buntis ka? Bakit pinili mo pang umalis?" Sabi ko bigla habang naglalakd kami ni roxane.

"Hindi ko gustong itago sayo ang pagbubuntis ko Phantom. Makinig kang mabuti.dalawang buwan matapos kami magpunta sa baguio nakumpirma ko na buntis ako, alam mo na wala akong ibang naging kasintahan kundi ikaw lang,. Bumalik ako sa laguna ng magsimula ang klase, sinubukan kitang kausapin at ipagtapat sayo ang kalagayan ko, pero nakita ko na yakap mo si rina habang palabas kayo ng campus. Kung lumingon ka lang sana sa paligid mo ng panahon na yun, baka sakaling nakita mo ako. Nung oras na yun pinasya ko na bumalik na sa baguio dahil wala na akong aasahan sayo, hindi mo na mababago ang sarili mo sa pambababae. Yan ang naisip ko kaya nabuo ang plano ko na iluwal si faith at palakihin na mag isa. Nung nakaraang taon bumalik kami dito sa laguna dahil nagretiro na si papa sa trabaho niya

Nagkatrabaho ako sa paaralan na pinaggalingan mo, nahuli lang talaga ako ng pag aapply kaya hindi tayo nagkasabay magturo sa school na yun. Nakilala ko si may at ang ilang mga varsity na naging kaibigan mo, hindi ako naniniwala sa sinasabi nila na nagbago ka na, kasi galit galit pa rin ako sayo hanggang sa nagkita tayo uli. Ayoko na sanang sumabay kay may ng araw na yun dahil ayoko ng magkaroon pa tayo ng uganayan, ayoko na rin na muli kang pumasok sa buhay naming mag ina. Pero eto hindi ko alam kung anong kagagahan ang pumasok sa isip ko at kinaibigan pa kita para subukan at malaman ko kung totoo ang sinasabi sa akin ng mga nakakakilala sayo. Wala ka na rin namang silbi sa bhay namin ni faith, kaya ko buhayin at palakihin si faith na mag isa. Pero yung bata na ang kusang naghanap ng daddy sa buhay niya. Nag imbento ako na may kasintahan ako sa ibang bansa para sabihin kay faith na pag uwi ng boyfriend ko magkakaroon na siya ng daddy. Pero nakilala ng anak natin, siguro lukso na ng dugo ng bata kaya tinawag ka niyang daddy, hindi ako sang ayon nung una na twagin at ituring kang daddy ni faith, naisip ko kasi na baka paasahin at saktan mo lang ang kalooban ng anak natin. Pero nagkamali ako kasi itinuring mong anak si faith, pinahalagahan mo siya at pinasaya. Pinuno mo ang kakulangan sa anak ko na dapat matagal mo ng ginawa. Ang galit ko sayo na nandito sa puso ko ng matagal na panahon ay naglaho sa kabutihan na ipinakita mo sa akin at sa anak natin. Bago pa magclebrate ng birthday si faith balak ko ng ipagtapat sayo ang katotohanan hindi lang ako makakuha ng tamang tyempo. Phantom sana hindi magbago ang pinakita mo sa anak natin, huwag mo na sana siyang iwanan." Paliwanag ni roxane.

Matapos kong marinig ang kwento ni roxane ay hindi ko magawang magalit sa kanya, ako ang dapat sisishin kung bakit hindi ko nakasama si faith mula ng siya ay pinanganak, masyado akong gago, malibog at mapaglaro nung college ako kaya siguro eto na yung karma ko. Kung pwede ko lang ibalik ang panahon, hinding hindi ko na gagawin pa ang nagawa ko nung college ako.

Sinamahan ako ni roxane pauwi sa bahay namin dahil kailangan kong kunin ang kotse ko para mabilis kami makabalik sa ospital, hindi ko muna sinabi sa kanya ang tungkol kay malou, naisip ko kasi na hindi pa tama yung oras para ipagtapat ko sa kanya na may kapatid na si faith.

Wala si malou sa bahay ng oras na yun nasa school siya at nagtuturo, kitang kita ko ang gulat sa mata ng nanay ko ng makita niya si roxane. ( close ang nanay ko at si roxane, nasa GP Book3 ang kwentong yan).

"Roxanne ikaw na ba yan iha?" Tanong ng nanay ko ng makita niya si roxane.

"Opo tita ako na po ito, kamusta po kayo? Si tito kamusta na po?" Sabi ni roxane dahil hindi niya pa alam na pumanaw na ang tatay ko.

"Ahh ee mabuti naman ako iha eto malakas pa, ang tito mo? Ayan na siya." Sabi ng nanay ko sabay turo sa abo ng tatay ko na nakadisplay sa altar na ipinasadya namin.

"Wala na si tito? Kailan pa tita?" Tanong ni roxane.

Iniwan ko muna si roxane at nanay ko sa sala namin, habang kumukuha ako ng damit na magagamit sa pagbabantay ko sa ospital, naligo na rin ako, para guminhawa naman ang katawan ko.

Halos isang oras ang itinagal ko sa paliligo at pag aayos ng gamit. Bago kami umalis ni roaxe.

Natuwa ako kay roxane na hindi niya muna sinabi sa nanay ko ang tungkol kay faith, sinabi lang niya na may surprise daw siya sa nanay ko na labis niyang ikakatuwa. Ang nanay ko naman ay masaya sa sinasabi ni roxane na surpise.

Sa bahay naman nila kami nagpunta, naligo rin si roxane at nag ayos ng gamit. Ako naman ay lumabas muna para bumili ng pwede namin makain ni roxane.

Halos kakatapos lang ni roxane na ma ayos ng gamit niya ng makabalik ako sa bahay nila.

Niyaya ko siyang kumain pero nagulat na lang ako sa kanya ng bigla niya akong yakapin at halikan sa labi.

Hindi naman torrid ang halik niya, smack lang ito. Pero may diin na kasama.