1. Home
  2. Stories
  3. Teacher Natasha - Part 18
Pinoy Tambay

Teacher Natasha - Part 18

By olive_crayn ·

"Naku miss, hindi ka sanay sa mga ganitong gawain. Siguro anak mayaman ka ano? Oo na sige na bukas ka na magbayad ng nakain mo." At pinigilan na ng lalaki si Natasha na ituloy pa ang paghuhugas. Hindi niya alam na iyong ang hinihintay na sandali ni Natasha para maituloy na ang eksenang ipinunta niya rito, sa utos ng blackmailer. Iyong pihit niya na kunwaring nakikipag-agawan pa rin at pilit maghugas ay nabuhusan siya ng tubig at ang tubig na lumalabas naman sa gripo ay tumatama sa sandok na siya namang nagpapapunta ng tubig kay Natasha.

Napanganga kunwa si Natasha dahil sa pagkakabasa, pero ang totoo ay parte ito ng pag-akto niya para maituloy na ang pakay at nang makauwi na rin. Delikado kapag nagtagal pa siya rito at ginabi, baka hindi lang ang manong ang makatikim sa kaniya. "Who knows how many others will.. ohh emm gee" Napakagat labi si Natasha at talaga namang kaakit-akit.

Kumislot na muli at tumango ang ari ni Daniel nang makitang sa pagkakabasa ng puting tela ng tshirt ay kitang kita na ang suso ng babae. At dahil basa at patuloy na nababasa, hapit na hapit ito sa katawan ng "shit, napakaseksi parang diyosa" Nang tingnan pa niya ang babae ay tila namumungay ang mga mata nito. Panabay nilang naabot ang pihitan ng gripo para patayin. (Ang totoo, humabol lang ang kamay ni Natasha para may masimulan na)

Nagkahawak ang kamay ng dalawa sa gripo pero walang pumipihit para patayin na ito. Nanatili silang nagkatitigan ng ilang segundo pa. Kasabay ng pagpihit ni Daniel ng gripo para patayin ay siya namang akap niya sa beywang ng dalaga. Nadikit siya sa basang-basang damit at ang harapan niyang protektado lang ng shorts ay dumudunggol sa harapan din ng babaeng napasandal sa dingding.

"Hmmmmm?" Malanding paungol kunwari ni Natasha. Tuluyan nang nadala ang lalaki at hinapit ang katawan ng babae palapit sa kanya. Naglapat ang kanilang labi at walang sabi-sabing naghalikan. Noong una ay basta nagdikit lang ang mga labi. Matapos niyon ay nagkatitigan sila ng ilang sandali at parang mga hayok na biglang naglabanan ng maririin na mga halik at yapos, haplos kung saan-saan. Tigang si Daniel. Nadadala naman ng sitwasyon at misyon si Natasha. Nalipat ang mga halik ni Daniel sa pisngi, tapos ay palipat sa may punong-tainga ng dalaga.

"Ugghhhh" bahagyang ungol ang kapalit ng kiliting nadama ni Natasha sa masuyong mga pagdila at halik ng lalaki. Muli siyang nilapatan nito ng halik sa labi, pababa sa leeg. "Grabe, ang kinis at ang bango ng babaeng ito. Amputi at ang linis ng kutis" sa isip-isip ng lalaki. Ang kanyang mga kamay naman ay abala sa pamamasyal sa ibat-ibang bahagi ng katawan ng babae. Kanina pa niya hinihimas ang makikinis ding legs nito, pati ang pagpisil-pisil at paglamas sa mabilog na mga puwet.

"mmmm hmmmm ahhhh ahhhaaaaa" Habol-habol ang hinga ni Natasha sa bawat ginagawa ng lalaki sa kaniya. Sa lahat yata ng mga lalaking nakatikim sa kaniya ay ito ang romantiko. Hindi dumediretso agad sa ari niya o sa boobs niya. Pinag-iinit nito lalo ang babaeng kapareha sa pamamagitan pa lamang ng halik at haplos. Napakasarap.

Muling nagawi sa labi ng babae ang paghalik niya. Tiningnan niya ang babae at namumungay talaga ang mga mata ni Natasha. Lumalaban din ng halikan ang babae. Ang bango ng bibig nito at ang linis. Pino ang labi, malambot. Nagawang mapaawang ang bibig ni Natashaa t sinamantala iyon ng lalaki para maipasok ang dila kasabay ng mga paghigop. Tila masarap ang laway ng babae. Kakaiba. Hindi kagaya ng sa misis niya noon o sa mga naimotel niya matapos siyang iwanan ng misis. Naniniwala na siyang galing sa buena pamilya ang babae. Palaisipan na lang ngayon kung paanong umabot sa ganito ang eksena.

"Damit… ahhh hmmmm.. basa." Ito lang ang naintindihan (o baka namn iyan lang ang nasabi talaga) ni Daniel sa sinabi ng babae pero naintindihan niyang kailangang tanggalin ang basang damit at giniginaw na yata ito. Binuhat niya ang babae at dinala sa kuwarto. Itinaas niya ang damit at hindi pa rin maiwasang mapahanga at mapanganga sa alindog na taglay nito. Itinapon niya sa isang sulok ang damit at muling hinarap ang babae.

"Pasensya ka na, baka matigas para sa iyo ang papag. Hindi bale, may unan naman na malaki, pwede mong higaan." Pinilit mapangiti pero nanliliit talaga si Daniel. Nakatayo pa rin sa dulo ng papag ang babae habang nauna nang umakyat doon si Daniel at nasandal sa dingding. Dasal na lang niyang hindi matauhan ang babae at maituloy ang ginagawa nila at umakyat na rin.

Nakaupo at nakasandal sa may dingding ang naghubad na ring si Daniel. Kaakit-akit tingnan ang hubo't-hubad na dalaga sa may dulo ng papag. Kanina lamang ay walang kasing-init ang kanilang halikan. Dinadama-dama rin niya ang malambot at makinis na katawan ng dalagang ito. Hah! Malaprinsesa ito. Tiyak na galing sa mataas na estado ng buhay. Pero heto at hubo't-hubad sa harapan niya. Kitang-kita niya ang mahubog na katawan nito, dibdib na pinagpala ng malaporselanang mga dyoga, ang mga hitang malalabanos, at higit sa lahat ay ang maalindog na ngiti sa magandang mukha nito.

Kaakit-akit tingnan at gusto na talagang sunggaban ni Mang Daniel si Natasha na nakakagat labi pa ring nakatingin lang sa kaniya mula sa dulo ng papag. "Ano na, titigan na lang ba tayo, miss?" Medyo naiinip na si Daniel. Isang pinong ngiti lang ang isinagot ng babae sa kaniya at nagsimula itong umakyat na rin sa papag. Nang itaas nito paakyat ang paa ay kitang-kita ni Daniel ang kanina ay nasilip niya sa labas – ang puking hindi natatabingan ng bulbol. Mamula-mula ang nakita niya at nangingintab. Basang-basa pa rin talaga ang babae doon.

Nakabukaka si Daniel doon at kitang-kita ni Natasha ang patango-tangong ari ng lalaki. Nakakadagdag ito sa libog niya kaya naman ngayong nasa papag na rin siya ay inunti-unti niya ang pagkilos pagapang sa nagyayayang batuta. Nang malapitan ay hinawakan niya ito at pinisil nang masuyo.

"Hmmmm good boy, good boy", mapang-akit na sabi ni Natasha habang tinatapik-tapik pa ang may ulo ng ari ni Daniel. Lalong nag-ulol sa pagngangalit ang alaga ng lalaki. Aktong babangon siya para daluhungin na ang dalaga nang sumenyas ito sa kaniya at itinulak pa nga pabalik sa pagkakahiga. "Kinakausap ko ba ang baby boy natin, huwag kang magulo" Saway nito sa sana ay pagsisimula na sanang pagpapasarap ng hayok na ring si Mang Daniel.

"Hggghhhmmmm tangina!" Halos ay mapasigaw si Mang Daniel nang lumapit ang bibig ni Natasha sa ari niya at gawaran ito ng halik bago dila-dilaan ang pinakaulo niyon at may kasamang pagsupsop sa pinakagitna, sa may butas. Naramdaman niya noong una ang init ng hininga nito. Hindi niya alam kung paano ipaliwanag pero may kakaibang kiliti iyon. Hindi gaya ng hininga ng mga pokpok mula sa kalapit na club. "Masarap ba, Mang Daniel?" Tanong pa ni Natasha habang nakatitig sa kanya habang dinidila-dilaan paikot ang ga-bakal na sa tigas na tarugo.

"Araaaayyy" Nang hindi makasagot si Daniel ay hinigpitan ni Natasha ang hawak sa titi na parang sinasakal ito tapos ay kinurot. "Tinatanong kita" Malambing na sabi ng dalagang guro habang muling hinalik-halikan ang katawan ng titi ni Daniel saka naman muling dinilaan ang palibot ng tila helmet na ulo. Pagkatapos niyon ay isinubo niya ang ulo lamang ng titi saka sinupsop supsop na parang dumedede sa suso.

"Ohhhh… saraappp" Naibulalas na lang ng lalaki na napapakapit sa papag. Magaling ang babae. Walang panama ang mga naikama niyang bayaran. Naalala niyang ang nakapagpaexcite lamang sa kaniya nang ganito ay noong first time nila ng misis niya. Yaman nga lamang at iniwanan siya ng misis niya dahil sa maling tsismis na kumalat. Hindi naman talaga siya kumana ng ibang babae maliban sa misis niya. Nagsimula lang siya kumuha ng mga babaeng bayaran noong mangulila siya sa katawan ng babae, matapos siyang iwan.

"Malalim yata ang iniisip mo, Mang Daniel? Ititigil na ba natin ito?" Ganoon ang tanong ni Natasha pero sa tono ay parang sinasabi na 'tama na ang pag-iisip kantutan na tayo' kaya naman nakabawi agad ang lalaki. Halos limang pulgada na lamang pala ang pagitan ng mukha nila ng napakagandang babae, na hindi niya namalayang umakyat na pala mula sa kaninang paglalaro sa ari niya. Hawak pa rin naman nito at banayad na sinasalsal ang napakatigas na titi.

Nang ilalapit ni Daniel ang mukha niya para sana ay siilin ng halik ang babae, lumayo ito pero muling bumalik. Sinubukan na namang halikan ni Daniel ang babae pero muling umiwas. Pero heto na naman at halos limang pulgada ulit ang layo ng tila pagkakasarap hagkan na mga labi.

"Hmm?" Hindi nagawang magtanong ng lalaki pero mababasa sa mukha nito pati sa kunot ng noo ang pagtatanong. Hindi niya mawari kung ano ang nais ng dalaga at tila siya pinaglalaruan.

Nang mapapikit siya saglit ay nadama na lamang niya ang malambot na mga labi na dumampi sa sarili niyang labi. Napagmulatan niyang lumayo ulit ang mukha ng babae at nakatitig na muli sa kaniya. Sinuri niya ang mata nito. "Sutil ka" bulong niya dito sabay palo sa puwet nito. Pagkapalong-pagkapalo ay tila hudyat ng isa na namang marubdob na labanan ng mga halik sa pagitan ng dalawa. Nabitawan na ni Natasha ang ari ni Daniel para yumakap dito at sinamantala naman ito ng lalaki para baliktarin ang puwesto. Ihiniga niya ang babae sa papag. Ang kalahati ng katawan nito ay nakahiga nga sa malaking unan at ang bandang ibaba ay hindi nagkasya.

Pinaibabawan ni Daniel ang dalagang nakahain sa kaniya habang patuloy ang makaubos-hininga nilang halikan. Ninanamnam ng bawat isa ang labi ng kapareha. Nagkakapalitan sila ng laway at nagsusupsupan ng dila. Ang sarap at ang bango ng bibig ng babae. Bumaba sa leeg ng babae ang mga halik ni Daniel at halos nakapikit naman ang babaeng dinarama ang sarap na dulot niyon, habang malikot na hinahaplos ng lalaki ang kung anu anong bahagi ng katawan. Kung kaninang si Natasha ang umibabaw saglit at naglaro ng halikan ay pahaplos-haplos si Daniel sa likod at puwet ng babae, ngayon naman ay ang tiyan, puson at legs nito ang pinagdidiskitahan niya.

Umabot ang mga halik ng lalaki sa mayamang dibdib ng babae. "Napakakinis talaga" Naibulalas ni Daniel at muling dinaluhong ang dalawang bundok. Iginapang niya ang mga kamay at sabay na nilamas ang magkabilang suso. Hinalik-halikan niya ang pagitan ng mga iyon hanggang sa paikot ng bawat suso. Patuloy niyang nilalamas at nilalaro-laro pati ang mga utong ni Natasha. Maya-maya naman ay sinimulan niyang halikan ang magkabilang utong. Napasinghap ang babae kaya huminto si Daniel at nagtama ang kanilang paningin.

"Ayos ba?" Nakangising tanong nito sa babae. Hindi naman sumagot si Natasha pero makikita sa mga mata nito na nilulukob na talaga siya ng libog. Habang gayong magkatitigan pa rin sila ay dinilaan ni Daniel ang kaliwang utong. "Ughhhh" lumabas sa bibig ng babae. Hindi pa nakuntento doon ang lalaki at hindi inaalis ang tingin sa mukha ng dalaga. Lumipat siya ng pagdila sa kanang utong at kasabay ng pagpasada ng dila niya doon ay ang paglalaro, pagpipisil naman sa kabilang utong. "Uhhmmm hmmmm" Napakapit ang babae sa batok ni Daniel at napapikit.

"Tingnan mo ako. Panoorin mo ang ginagawa ko sa masasarap mong suso." Sabi ni Daniel kasabay ng paghinto nito. Hindi naman kinailangang ulitin ni Daniel ang sinabi. Nakatingin lang muna ang babae sa nakaambang gagawin niya. Muli niyang inilapit ang bibig sa utong at dinilaan, kasunod ay ikinulong niya ito sa bibig niya at nilalaro-laro ng dila. Magkatitigan pa rin ang dalawa habang nangyayari ito pero napapapikit-pikit si Natasha sa bawat pagkanti ng dila sa utong niya. Naliliyo siya, sarap na sarap.

Palipat-lipat ang ginawang pagpapala ni Daniel sa susong ngayon lang niya natikman. Wala pang ganito kakinis, kalinis, kaputi, at kasarap na natikman niya. Lihim siyang napangisi nang napahigpit ang kapit ng babae sa batok niya at ipinagduldulan sa bundok ng kayamanan. Sinilip niya at nakapikit na pala ang babae, ninanamnam ang bawat sarap.

Pinagapang pa ni Daniel pababa ang mga halik habang hindi tinigilan ng mga kamay ang mga suso. Napadako siya sa puson ng babae at naaamoy na niya ang puki nito, pati ang katas. Mabango. Nang-aayang lamutakin na. Pinaghahalikan ng lalaki ang paligid ng puki ni Natasha. Pati ang singit ay hindi niya pinalampas. Sinupsop at nakagat pa niya yata ang punong singit, sapat para mag-iwan ng marka. Sinibasib niya rin ng halik ang kanina pa niya sa labas pinanggigigilang mga biyas.

Puro halinghing naman ang maririnig mula sa dalaga na kanina lamang ay nanunukso at naglalaro bago nagsimula sa pangroromansa si Daniel. Heto ngayon at nag-papaubaya sa sarap at tawag ng laman.

Dahil nga ang upper body lamang ni Natasha ang nakahiga sa unan, dahil nga matigas ang papag, nagsilbi rin iyong parang patungan ng puwet at tila nagpaalsa sa harapan niya. Hindi na kinailangan ni Daniel na ibuka ang legs ni Natasha dahil kusang bumuka ito nang magsimula siyang humalik sa baba, kahit sa legs pa lang. Heto ngayon, nakataas ang tuhod ni Natasha at nakalapag naman ang paa sa papag. Sa ganoong puwesto ay isa na lang ang kulang kaya naman dinaluhong na ng lalaki ang putaheng pinakamasarap sa lahat.

Kung kanina ay padila-dila muna siya sa suso, ngayon ay walang sabi-sabing kinain na niya ang puki ng kapareha. Hindi niya pinasadahan muna ng dila. Talagang sinunggaban niya iyon na tila tigreng humuli ng kakaining usa. Kung ikukumpara, para ring kumakain si Daniel ng hinog na manga, iyong kapag yung buto na ang hinihimod at kinakain. Iyon yung matapos isubo ang bahagi, hahayaang magdulas sa labi pero may pagsupsop at kadalasan ay hinahagod ng dila. Hindi malaman ni Natasha ang gagawin sa nararamdamang ginagawa ng lalaki. Sarap na sarap siya at kanina pa siya talagang umuungol at walang pakialam sa makakarinig. "Ahhhhhh ahhhh Mang Daniel ang sarap niya. sige pa ahhhhh"

Pero huminto ang lalaki. Hindi na biro ang pagpipigil niya kanina pa. Ang iba ngang lalaki kapag ganitong kaganda siguro ang nakikitang babae e mapapamasturbate kapag napag-isa. Pero siya, heto at niroromansa niya ang babae na sa tingin niya ngayon ay halos makaabot na sa langit. "Ano siya, sinusuwerte? " Sa isip-isip ni Daniel nang magsalubong ang tingin nila ng babae na nagtataka kung bakit huminto ang lalaki sa ginagawa. "Ako ang sinusuwerte ngayon, hindi ikaw" nausal niyang hindi napigilan.

Mula sa puwesto niya sa pagkain sa puki ng babae ay tumulak siya paakyat kasama ang paa nito. Dahil doon ay napasampay iyon sa balikat niya. Dumiretso siya sa mukha nito at ginawaran ng halik sabay bulong "Ikaw ang ang pinakamasarap na putahe sa lahat ng nakain ko sa sarili kong karinderya" Napayakap sa kaniya ang babae at muli silang naglabanan ng maiinit na halik. Pero…

"Ahhhhhhh shittt kaa…." Napabitaw sa halikan ang babae nang biniglang pasukin ni Daniel ang puki niya. Napakadulas niyon dahil basang-basa hindi lang sa laway ng lalaki kundi mas lalo sa masaganang pagbukal ng katas ng libog niya. Ngumisi lang ang lalaki sa kaniya at patuloy na bumayo ng malalakas at baon na baon. Bawat baon ay parang gigil na gigil ang lalaki "Ummm ummm" samantalang si Natasha naman ay puro ungol na naman "ohh ohhh ohhh haaaaa"

Limot na ni Daniel kung kailan siya huling nakatikim ng babae. Ang huli yatang bayaran na iniuwi niya ay last year pa. Kaya naman, heto at ramdam na niya ang nalalapit na pag-abot niya sa alapaap. Sa mga ungol ng babae ay nahihinuha rin niyang paabot na itong muli sa langit. Pangalawa pa lamang naman yata ito, una ay kaninang kinakain niya ang puki. Bumagal ang mga pagbaon, pero madiin. Naghalikan silang muli. Nang bubuwelo sana si Daniel para sunud-sunurin na ang mga bayo para labasan na sila pareho ay pinigilan siya ng babae. Nagtataka niya itong tiningnan.

Bumalikwas si Natasha para dumapa sa unan. Naintindihan naman ni Daniel ang nais nito at pumuwesto na siya sa may likuran sabay angat sa puwetan ng dalaga. Madali niyang naibaon ang ari niya at sa puwestong ito ay lalo pa niyang naibabaon ang kabuuhan nito. Lalo pang nasarapan ang babae at napapakagat na lang ito sa unan. Hindi rin niya sinasabi sa lalaki na dahil sa halos ay marahas na paglalabas-masok nito sa puwerta niya ay nuusog siya sa may dingding at minsan ay nauuntog na. Ni hindi niya nga namamalayan ang iba. Naramdaman lamang niya ang ilang malakas na untog.

Heto si Mang Daniel at panay mabibilis na pagbaon na tila piston. "Ughh uggh ugghh ahhmmm oohhshitt ang sarap Daniel" usal ng babae sa pagitan ng mga ungol. Narinig pa niya ang babae na nagsabing malapit na siyang labasan. "Grabe, ang swerte talaga ni Mang Daniel. Materyales fuertes ang naitake home niya ngayon ah. Saan kaya niya nakuha iyan?" Sa isip-isip ng lalaking kanina pa nagbabate sa dilim, sa likuran ng bahay ni Daniel. Mula sa puwesto ay halos ten feet lang naman ang layo niya sa dalawang walang maya na may nanonood. Pauwi na sana siya sa bahay nila nang marinig niya ang malalakas na mga ungol at hindi nga siya nagkamali dahil may nagtatalik.

Kitang-kita niya nang dumapa ang babae at barurutin pa lalo ng nanggigigil na may-ari ng karinderyang madalas niyang kainan. Nakakalaro niya dati sa basketballa ng lalaki. Ang babae naman ay tila kolehiyala. Ang hinala niya ay walang pangmatrijula ang babae kaya pumatol sa ganitong gawain.

"AHhhh heto na, bilisan mo pa hetoo nahhhh ahhhhhh ohhhhhhh" Nagsasalpukan na ng kadyot ang dalawang magkapareha na ngayon ay nagbalik sa missionary position. plak plak plak plak Iyan ang mga tunog na nagmumula sa banggan ng mga katawan nila. May basang tunog naman na nanggagaling sa patuloy na paglabas-masok ng titi sa puki. Halos panawan ng ulirat ang babae dahil sa paghugos ng lahat ng libog at pagtipon iyon sa may puweta niya at tapos ay parang pinakawalang tubig sa dam na dumaloy palabas. "haaa haaa haaa haa haaa" parehong hiningal ang dalawa sa katatapos na pagniniig. Nanatiling Nakapatong sa ibabaw ni Natasha si Daniel ng ilang minuto habang hinahalik-halikan ang dalaga.

Nang makabawi sila pareho ay nahiga silang magkatabi. Hindi na nila napansin na may kasabay sila kanina sa pag-abot sa glorya. Puro mura ang lumalabas sa bibig ng lalaking kanina ay nakasilip habang nasa daan ito at pauwi sa bahay nila.

Nanatili sila sa ganoong puwesto na walang imikan.

Matagal na rin mula nang maganap ang engkwentro sa karinderya. Bumalik pa nga siya noong kinaumagahan nun kahit walang utos si MyMaster. Binayaran niya ang nakain niya, at muli siyang kinain hindi lang ng may-ari ng karinderya kundi pati nung lalaking nakasilip sa kanila dati. Nagkataon kasing tatalilis na sana siya matapos nilang magtalik, at dala naman niya ang auto niya ay may biglang nagsalita sa gilid niya. Ang sabi nito ay mayaman pala ang pokpok na ito. Paglingon niya dito ay nakababa ang shorts nito at nagbabate. Mahaba ang sandata nito at para namang naaakit na lumapit ang dalagang guro doon. Isang mabilisang banatan ang naganap.

Heto nga, ilang buwan rin ang nagdaan at nagmistulang normal na naman ang mga araw ni Natasha. Normal nga bang maituturing ang mga araw na wala siyang suot na undies o bra man lamang? Normal ba itong halos ipagbuyangyangan niya sa lahat ng makasalubong ang pinakatatagong puri niya? Ano nga ba ang normal? Matagal nang hindi mawari ni Natasha kung ano nga ba ang kahulugan ng normal. Basta okay na muna siya sa mga araw na hindi siya ipinuputa ng blackmailer. At least, nakakagawa siya ng mga hakbang kontra dito. Isa pa ay naging abala rin naman siya sa mga gawain sa pinagtuturuang paaralan. Isa siya sa mga punong-abala sa nakaraang dalawang patimpalak na idinaos ng departamento nila. Nastress nga siya noon lalo sa kasagsagan ng palatuntunan kasi minsan ay may kulang o may nawawala o may nasisirang kagamitan, at siya rin ang umaasikaso sa mga panauhin.

Pero heto, hayahay na muli ang mga araw niya. Katatapos lamang ng pananalasa ng bagyong Glenda. Maswere naman at walang pinsalang naidulot sa paaralan o sa kabahayang kalapit kina Natasha. May nakita lamang siyang mga nagliliparang plaka ng sasakyan, yero, tumbang puno, at iba pa. Pero sa seryosong pinsala o namatay ay wala naman, sa awa ng Diyos.

At dahil nakakarelaks na ang dalagang guro ay nakangiti siya ngayong Sabado. Maganda ang pasok ng araw niya. Maganda rin ang panahon. May sahod na. Nagbigay rin ng extrang panggastos ang Dad niya at tinanggap na rin niya para hindi magtampo. Nakabawas siya ng 3kg sa timbang. Pagtapat pa niya sa salamin ay nagpose pa ito na parang model. Seksi sa pink very short cotton shorts. Makinis na kutis. Maputi. Magandang teacher. Pwedeng mag-artista. "Hayyyy napakaraming dahilan para mapangiti." Nakangiting bulalas pa nito habang parang ewan lang na tila kausap ang sarili sa salamin. Kumakanta-kanta pa siya habang nagluluto.

At sa ganda nga ng araw niya ay tanghali na nang mapansin niya ang isang kahon na nakatabi sa may pintuan. Nagtataka man ay hindi siya kinabahan noong una. Pero nang mabasa ang nakasulat doon: "Aking Natasha", kinabahan na siya at sinagilahan muli ng mga damdaming nalimot niya nitong mga nakaraang buwan. Hindi pa rin pala tapos sa kaniya ang blackmailer. Heto na naman. "Nakikisama lang ba ito kapag busy ako sa trabaho?" Pagtatakang bulong ni tasha sa sarili pagkat nawiwirduhan na siya sa timing ng lalaking blackmailer niya. Ang alam lamang niya ay maysamaligno ito pagkat nakapaglalagay ng mga gamit sa location ni Natasha, nakakakuha ng mga bagong pictire niya, di naman niya nahuhuli sa pangontrang cctv niya, at hindi niya ngayon magets kung bakit pumapasok ito ngayon sa eksena na naman na naman na naman na naman… na naman… kung kailan… "hmmm bakit kaya niya itinatiming sa panahong hindi ako subsob sa trabaho? Hindi yata at may bait naman sa kukote nitong blackmailer. Kaya ko kayang daanin sa usapan ito? Ano kaya ang hitsura nito? Pogi kaya? Cute kaya siya?" sunod sunod ang mga katanungan sa isipan ng dalaga. "Ay! Ano ba?! bakit parang naeexcite kang makita ang hitsura un e kahit kasing guwapo ni Brad Pitt yan e nuknukan ng sama naman niya! " Awat nito sa pilyang sarili.

"Hmmm well pag naman pala Brad Pitt pwede na kahit anong gawin niya sa akin" Bulalas niyang tumatawa. Madali na nga lang niyang natatanggap ang sitwasyon niya at nakakapagbiro hindi gaya noon na purong takot ang nadarama niya.

Sumalampak siya sa carpet at iniisa-isang inilabas ang laman ng karton. As usual, mga seksing damit. "May taste ka rin naman e, sayang nuknukan ka nga lang ng kamanyakan!" usal ng dalaga habang inuusisa ang mga damit. May dress na pulahin. May simpleng shorts na cotton. May tops na hanging. High heels. May iba pa. May handbag pa at mga abubot. Kung siya siguro e bibili rin siya ng mga ganito. Cute naman e. Hindi kaya bakla si MyMaster tapos may galit sa kaniya? Iniwan ba ito ng papa dahil nanligaw na lang ke tasha? Pero wala syang maalala na ganoong eksena.

Marami pa siyang mga naiisip na posibilidad at naputol rin ang pag-usisa niya sa mga kagamitan nang tumunog ang doorbell. Dumating na ang bills ng tubig at kuryente. Nangangamoy lansangan ang mamang nag-abot nito at pinapirmahan yung receiving end para naman sa VISA bill niya. Nahuhuli pa niya nitong binibistahan ang pangangatawan niya. Tumingin ito noong una sa mukha niya at parang nagulat, tapos sa gawing dibdib, naglagi ang tingin doon at napapakagat-labi. Tapos habang sinusulatan niya yung papel ay sa legs naman niya nakatingin. Narinig pa niya itong napalunok ng laway ng kung ilang beses. Pagtalikod pa nga ay narinig niya itong nagsabing 'ambango tangina chick hot'

Inilapag niya ang bills sa mesa at binalikan ang mga gamit na pihadong padala na naman ni MyMaster. Wala naman siyang mahanap na tarhetang magsasabi ng target o misison. "Mission talaga ay? hahaha" Natawa ang dalaga sa naturan niya. Parang nagbibigay kasi ng misyon itong blackmailer na ito sa tuwing mag-iiwan ng paper bag dati. Sa tarheta nakasulat kung saan pupunta at kung sino ang … well… pagpuputahan sa kaniya. Hindi lang niya maintindihan kung ano kaya ang kapalit o nakukuha ng blackmailer sa ginagawa nito. Kung titingnan naman kasi, base sa pagproprofile niya dati sa mga nakaulayaw niya dala ni MyMaster, si ninong Mayor lang naman at yung bayaw niya kay Ayen ang maituturing na may kaya. Ang iba, estudyante, tubero/allaround guy, o kung sino lang.

Gaano na rin ba katagal itong blackmailer na ito? Nakailang pasko na rin yatang nagdaan e. Kung titingnan rin naman, nag-enjoy si Natasha sa mga pagtatalik na naganap. Pero iyon ay habang nagaganap ang pagtatalik. Iyon ay sa panahong talagang mataas ang kalibugan sa katawan niya, na dala na rin sa pagkadala niya sa sitwasyon. Kung papipiliin siya siyempre ay hindi niya nanaising mangyayari ang mga iyon. Oo, nakakaexcite nga rin ang mga eksena minsan at nakakadala pero hindi tama. Hindi niya nais na mangyari ang mga iyon. Naipangako na nga niya sa sarili na babasagin na niya ang katotohanan tungkol sa nagaganap. Kaunti na lang talaga at pakiramdam niya ay malalaman na niya kung sino itong blackmailer na ito.

Pamilyar sa kaniya ang mga lugar na kinaganapan ng pambababoy sa kaniya ng hinayupak na blackmailer. Nahinuha niya mula roon na isa itong taong kilalang kilala siya dahil pati sa taste niya sa mga kasuotan ay kabisado nito. Kung hindi ito isa sa mga naging ex niya, o ex ng kaibigan niya, pwedeng isa ito sa mga kaibigan niya noon na ewan naman niya ngayon kung ano ang motibo. Maaaring paghihiganti ang motibo kaya iniisip niya kung kanino kaya siya nagkasala. Pero wala naman siyang nakaaway nang malakihan noon. Itong blackmailer na ito ay pihado ring nagresearch talaga dahil alam nito ang pasikot-sikot noon sa probinsya nila. Sino naman kaya ang mag-aaksaya ng panahong gawin sa kaniya ito?

But then again, may mga nabasa siya dati ukol sa mga talagang perversity ang laman ng isipan. TIpo bang gagawin ang lahat ng perversity na makapagbibigay sa kanila ng hanap na excitement and fun. Halintulad dito ang mga nudist na ang kaibhan lamang ay sarili nila ang ipinapakita nila, hindi ang ibang tao ang ibibilad sa mata ng madla. "Ay, hindi pala nudist, iba pa iyon sa exhibitionist", paalala niya sa sarili.

Gaano katagal na rin bang single siya? Hindi na yata napasok sa isipan niya mang-estima ng manliligaw dahil pre-occupied siya sa trabaho pa lang at dumagdag naman ang blackmailer. Nagkasex life nga siya pero… ewan. Pakiramdam niya ay ibinabaon ang pagkatao niya sa bawat nagaganap. Dumating nga dati ang punto na gusto niyang magwala at magpaputok ng mga baril sa bawat makita niya pero nakontrol niya ang kabaliwang hatid ng mga nagaganap. Napanatili niya ang sanity niya.

"At maganda at sexy pa rin!" bulalas niyang parang inaalo ang sarili sa gitna ng nakakastress na mga naiisip niya ngayon.

Samantala, sa labas ay tuwang tuwang nakasilip ang delivery boy sa may bintana ng apartment. Kitang-kita niya kung paanong umaalog ang malulusog na dyoga sa bawat kilos ng babaeng tumanggap ng mga sulat kanina. Ang mga legs, mapuputi nakaka ummm. wow! At ang ganda pa nito. Hindi niya mamukhaan kung sinong artista o beauty queen. Tigas na tigas siya dito pa lang at palinga-linga rin. Mabuti na lamang at abala sa panonood ng SHowtime ang mga tao sa kalapit na bahay. HIndi napapansin ang kanyang pamboboso. Kumuha pa siya ng mga picture mula rito sa sinisilipan niya. Kanina nga muntik sumilip ang utong nung babae nung sana ay magpapalit yata ng damit, isusukat yung mga binili nito. "Hubad hubad hubad!" yun ang sinisigaw ng manyak na isipan ng lalaki. Pero sa kasamaang palad ay nagbago ang isip ng babae at ibinaba ang damit. Gayunpaman, hindi nakalampas sa paningin ng lalaki ang napakaseksing tiyan ng babae. Halos walang bilbil at napakaputi. Napapahaplos at pisil pa siya sa alaga niya sa ibabaw ng maong niya. Napapamura pa siya lalo kapag gumagalaw ang babae at nababago ang anggulong nakikita niya. Kanina pa siya nadedemonyong pasukin na ito!

Habang nagsusukat ng damit ay naulinigan niyang nagkakagulo sa labas. Tiyak na malapit lamang ito sa bahay niya. SInubukan ni Tasha na sumilip sa may bintana pero mga usisero lamang ang nakikita niya. Napilitan siyang buksan saglit ang pintuan para na rin malaman kung ano ang nangyayari sa labas. Nakita niya ang isang lalaki na napalibutan ng mga tao at may mga pulis na naroon din, kasama ang isang patrol car.

Namukhaan ni Natasha ang lalaki na parang hinuli. Ito yung nagdeliver kanina. Pero bakit? Nahihiya naman siyang magtanong pero mukhang nakatingin sa direksyon niya ang mga usisero pati na rin ang mga nasa gitna.

"Miss, mawalang galang na, nahuli kasi namin itong lalaking ito na nakasilip diyan sa bintana niyo. Wala po bang nawawala sa mga gamit niyo o baka may kasamahan ito at lookout lang?" DIrektang tanong ng lalaki na noong una ay nahiyang magtanong at medyo nautal din. Pagkakita kasi niya sa nagbukas sa pinto ay nahinuha niyang isa yata itong artista o modelo. Napakaganda gayong ang simple naman ng suot nito… bagama't napakaseksi yatang pambahay nun. Baka naman sinisilipan lang ito ni manong?

Napatingin ang dalaga sa lalaking itinuturo nilang nakasilip sa bahay. Tiningnan niya ito ulo hanggang paa at palipat-lipat din ng tingin sa mga pulis na rumesponde. Naririnig rin niya ang bulungan ng mga usisero. Pero ang hindi niya maunawaan, na hindi niya napansin kanina, ay ang suot na shirt ng manong delivery boy. Nakasulat dito ang salitang "MASTER" padiagonal. Mukha namang seryoso ang nangyayari at mukha namang hindi totoong magnanakaw ang lalaki gaya ng suspetsa ng mga pulis.

"Eh, wala naman pong nawawala at saka awla pong ginagawang masama si kuya. Actually po, may ipinagagawa ako sa kanya at siguro e kanina pa siya kumakatok kaya sumisilip at tumatawag doon sa may bintana. Nagkataon po kasi na napaidlip ako sa kuwarto. Pasensya na po kayo kuya, sir." Pagsisinungaling ng dalaga. Sa isipan niya, inaakala niyang may kaugnayan itong nagaganap kay MyMaster. O siguro ang lalaking ito ay si MyMaster kung hindi man ay alalay ni MyMaster.

Halatang hindi tuluyang naniniwala ang mga tao pero maririnig na may pumupuri at may tumututuya rin sa kabaitan ng seksing guro na kapitbahay nila. Ito yung mga usiserong hindi naman talaga kalapit ng bahay ni tasha kundi ay sa ikalawang kanto pa. Malamang sa hindi ay nakatambay ang ilan sa kalapit na tindahan. Ang mga katabi kasi ni tasha ng bahay ay mga masasabi ring may class. Napakamot naman ng ulo ang pulis. "Ahy, ganun ho ba ma'am? Naku sorry tsong, napagkamalan ka namin. Eh, alam mo naman kasi sa panahon ngayon e maraming mga kawatan at masasamang loob"

Masama man ang loob ay unti-unting naglakad palapit sa gurong kanina lamang ay sinisilipan niya. Hiyang-hiya ang delivery boy dahil sa kabila ng kalokohang ginawa niya ay heto, ang biktima pa niya ang nakatulong sa kanya.

Samantala ay puno naman ang isipan ni Natasha ng kung anu-anong mga scenario. Posible kayang alam lahat ito ni MyMaster? O itong mamang ito si MyMaster? Pakulo kaya niya ito? O baka naman gusto niyang itong lalaking ito ang makapareha niya, kasabay ng mga damit na bagong hatid?

Hindi niya malaman kung ano na naman ang gagawin pero hindi maipagkakailang naeexcite siyang malaman ang susunod na mangyayari sa tunggaliang ito. Alam niyang malapit na niyang mahuli ang MyMaster na ito. At kapag nangyari yun, hindi niya patatawarin ito at nang maibaon na sa limot ang lahat ng kaganapang may kaugnayan dito.

"Uy.. hindi mo ba ako naririnig, kuya? Kako po, ano po ba kasi ang ginagawa mo dun sa may bintana ko daw kaya nagdatingan ang mga pulis?" Nakailang tanong muna si Natasha bago nagrehistro sa utak ng lalaki na heto siya at kapapasok lang sa kasasarang pintuan ng bahay ng magandang dalaga. Muli niyang nakita nang malapitan ang babae at talaga namang nasisilaw siya sa kaputian nito at makinis pa ang kutis. Gayunpaman ay hindi mawala ang hiya sa loob niya dala ng kaganapan kanina. Bantulot pa nga siya ng bulungan at yakagin ng dalaga na pumasok muna sa bahay at doon na hintaying mawala ang mga tao bago siya lumarga na muli sa trabahong paghahatid ng mga padala/sulat.

Nakangiti pa ang babae sa manong delivery boy at itong lalaki ay nabibighani. Maputi at pantay-pantay na ngipin, pinong ngiti, magandang mata… artista nga yata ang kanina ay sinisilipan niya. Sa pagkakaalala sa sinisilip niya kanina ay napababa sa dibdib ng babae ang tingin niya. Hindi yata at nakabakat ang utong nito! Wala yatang bra ito! Lihim na kumislot ang sandata niya bagaman at pinipigilan niya ito dahil hiyang-hiya pa rin siya sa kabaitang natamo mula sa dalaga.

"MASTER"

Bakit nga ba? Nagkataon lang ba talaga na may nakasulat na master sa damit nitong naghatid sa mga suot niya ngayon at sa mga isinusukat niya kanina. Hindi kaya… "Kuya, sinisilip mo kanina nung nagsusukat ako ng damit ano?" Panghuhuli ng dalaga sa lalaki gayong mas malamang sa hindi ay tama siya.

"Ma'am sorry po sorry po.. lalaki lang po. Kahit sino naman po kasi ang makakita sa inyo maaano po.. ano. basta alam niyo na po yun" Paputol-putol ang pagkakasabi nito pero naintindihan naman ni Natasha. Lalo siyang napangiti pero nag-iisip pa rin na posibleng palabas ang lahat ng ito at nakahanda ang mga isasagot. Sinubukan niyang ipush, "nakakaanong ano po ba kuya?" Habang tinanong niya ito ay umupo siya sa sofa para naman mapatagilid siya at mas mabistahan ng lalaki ang legs niya. Napansin nga niya itong napalunok kaya nginitian niya at nagmuwestrang maupo rin.

Habang paupo ang lalaki ay lalo naman itong hindi nakapagsalita. Nang ulitin pa ng babae ang tanong ay lalo pa siyang nahiya. "Kung sino mang lalaki malilibugan po sa inyo sa seksi at ganda niyong yan" Ayan po yung totoo ma'am. Sorry po talaga, hindi na mauulit" Makatotohanang pagmamakaawa ng lalaki.

Hinihintay ni Natasha na tumunog ang selpon niya para sa posibleng utos ni MyMaster pero nakakailang minuto na siya ng pagpapatagal sa usapan ay wala pa ring mensahe o tawag. "Saglit lang kuya silipin ko kung may mga usisero pa sa labas" Anito at kunwang sumisilip sa labas pero ang totoo ay nag-iisip siya ng kung paano panatilihin muna sa bahay itong isang posibleng link kay MyMaster. Sa pagkakasilip niya sa may bintana ay para syang medyo nakatuwad kaya nanlaki ang mata ng lalaki at hindi na mabilang kung ilang beses syang napalunok. Naiimagine niya sa posisyon na iyon ang pagsasayaw ng Mocha Girls sa mga bar. Yung tipong lap dance na talaga namang tigas na tigas na siya. Sinaktuhan niyang nakatalikod ang babae at inayos ang ari niyang tirik na tirik.

Hindi naman nakalampas sa paningin ni Tasha ang ginawa ng lalaki at ang totoo ay medyo namamasa na naman sa baba dahil kung gaano katagal na rin namang walang nakaulayaw. Pero dito? Sa lalaking ito? Oo may mga nakaniig siyang ganito pati magbabalut pa nga pero hindi sa kagustuhan niya… well medyho kagustuham. "Basta, napilitan lang ako nun" Pangungumbinsi pa niya sa sarili.

"Saglit lang kuya ha, ipagtimpla na rin kita ng juice. Hintay lang tayo mga 5 minutes siguro wala na tong mga uzi sa labas" Habang nasa may kusina siya ay sinusulyapan niya ang lalaki. Nakita niya itong hinahaplos haplos ang nakapamukol na ari. Sa sapantaha ni Tasha ay malaki ang itinatago ng delivery boy. Pero hindi. Hindi siya papayag na muling mahulog sa patibong ni MyMaster. Kung may gusto siya, siya ang pumunta rito! TUmapang ang loob ng ating bida habang palapit na muli sa sala dala ang miryenda at inalok ang lalaki.

"Naku! Nakakahiya naman po. Ako na ang gumawa ng mali sa inyo, niligtas niyo pa ako tapos pamimiryendahin pa. Ano po.. nakakahiya na po sobra." Bantulot ang lalaki na sumalo sa miryenda.

Gustong matawa ni Natasha sa lalaki. Kada kagat kasi nito sa miryendang ihinain niya ay sinasabayan nito ng hagod ng tingin sa alindog ng dalaga. At kapag umiinom naman ng juice ay tila ba iba ang nasa isip nito sa paglagok niyon. Kungdati ay mababastusan siya dito pero matapos nga ang mga napagdaanan na ay kumbaga "child's play" na ito. Nginitian pa niya ito nang matamis habang inuusisa niya ang lalaki sa trabaho nito at sa pamumuhay nito. Nalaman niyang maayos na tao naman pala ito, at nakapagpaaral na ng dalawa niyang anak. "Iyon ay kung totoo ang lahat ng ito at hindi pakana ni MyMaster", paalala niya sa sarili.

Magkahalo ang kaba at excitement sa loob ni Natasha. Kinakabahan siya dahil baka mamaya nga ay pakana na naman ito ni MyMaster at ngayong heto at plano niyang lumaban ay baka lalo siyang masadlak sa pamblablackmail. "Baka mamaya irelease niya sa publiko o sa internet ang mga kuha niya sa akin" Naisip pa niya. Excited naman siya dahil heto na yata ang pinakamalapit na pangyayaring alam niyang related kay MyMaster pero pwede siyang lumaban. Muntik magkahulihan kanina sa mga pulis. Siguro… excited din siya in another way, yung makamundong excitement… bulong naman ng konsensya niya – na agad niyang sinaway.

Everything was uneventful afterwards, anyway. Hindi niya alam kung magaling ang acting, naturuan o talagang walang alam ang lalaking ito. Pero marami pa ring palaisipan na lalong nagpagulo sa isipan niya. Naisip naman niyang tingnan ang mga kuha ng mga sariling camera sa loob at labas ng bahay. Mukha namang legitimate nga ang sinabing naninilip lang talaga ito kanina noong isinusukat niya yung mga padala ni MyMaster. Speaking of which… nasaan na nga ba ang padala ni MyMaster?

Binalikan niya sa gilid ang mga damit na kanina ay isinusukat niya. Hinalughog niya ang kanina ay lalagyan ng mga ito. May hinahanap siya. "Hayun! Sinasabi ko na nga ba at meron pa akong nakalimutan" sambit niya. Ito ang tarheta. Kadalasan kasi ay may utos na nakasingit sa tarheta kapag may padalang mga damit. Padalang hindi niya malaman kung paanong nakakarating sa kaniya. Ni hindi nga niya nakita dati sa cctv kung sino ang naglalapag sa mga paper bags. Ito namang kahon na ito ay nakita niyang inilapag ng namboboso kanina.

"Hmm.." Napapaisip si Natasha kasi ay may panty this time at skirt na sakto lang ang haba, kita ang legs niya pero hindi naman micro mini. Binasa na niya ang nakasulat sa tarheta. Base dito, at gaya ng inaasahan niya, ibubuyangyang na naman siya ng duwag na blackmailer. Napabuntunghininga nang malalim ang dalagang guro. Miyerkules ngayon at bagama't walang pasok sa pinagturuan niya ay marami naman siyang plinanong sana ay gagawin. Sa rutang ibinigay sa kaniya, siguro naman walang makakilala sa kaniya.

Magkahalong damdamin ang muli ay lumulukob sa guro – dismayado sa muli ay tila pagkalamang ni MyMaster sa tunggalian ngayon linggong ito, nanlulumo dahil heto siya muling isasalang sa kabastusan ng imoral na blackmailer, kinakabahan. Gayunpaman ay dinala na niya sa kuwarto ang mga damit at saka naman nakayukong pumasok na sa banyo para makaligo at sumunod sa utos na muli ni MyMaster.

Habang naliligo ay iniisip niya ang gagawin niya at kung paano susunod sa utos na iyon habang sasabayan niya ng pagmanman at paglaban. May mga bagay naman na hindi ibinawal sa kaniya at ngayon nga ay pinayagan siyang magpanty, wala pa ring bra. Gayunpaman ay medyo nasa katawan pa niya ang kanina ay pagkaexcite niya noong nasa bahay ang inakala niyang si MyMaster o alagad nito. Hindi pa rin naman niya tuluyang tinanggal ang suspetsa pero unlikely naman kasi base sa nakita niyang personalidad nito.

Gumayak na rin siya paglabas sa banyo, kahit medyo malalim ang iniisip at tila wala sa sarili. Nagulat pa nga siya pagharap sa salamin dahil tila bumata ang hitsura niya. Suot niya ang may kanipisang tops bilang kapareha ng skirt na sa bawat hakbang ay tila ihinahangin. Isinuot rin niya ang salamin niyang may manipis na frame, habang ang buhok na tinuyo sa blower naman ay itinali niya nang mataas sa likod, ganoon kasimple ngunit lutang na lutang ang kagandahan niya. Kaunting wisik ng pabango, hand bag, sandal na may 1-inch heel lang, at handa na siyang lumarga.

Huminga muna siya ng malalim bago humakbang palabas ng bahay at naglakad patungo sa hintayan ng sasakyan. Pinagtitinginan pa siya ng mga nadaanang kabataan pati ng mga guwardya.

Hindi naman niya kinailangang mababad sa paningin ng mga nalilibugang mga mata bago niya nakita ang sinabi ni MyMaster na sakyan niya. Pinara na niya ito nang may ngiti.

Pagtingin pa lamang ni Natasha sa loob ng jeep ay tila ba gutom na agad ang lahat ng kalalakihan sa nakikita nila. Kapansin-pansin kasi ang kalakihan ng dibdib ng babaeat kung titingnan pang maigi o papansinin ay malalaman mong wala ring suot na bra. Paghakbang at pagsampa naman niya sa jeep ay umangat ang palda niya, sapat para makita ng mga pasahero ang nakasisilaw at mahabang biyas niya. Nangiti na lamang ang dalagang guro nang makitang tila lumuwang ang kanina ay aakalaing punong jeep. May tatlong puwestong lumuwang para maupuan niya. Magic!

Hindi na niya kailangan pang magpalinga-linga para mapansin ang mga "pasimple" at "patagong" tingin ng mga kalalakihan at mga matatalim na tingin naman ng mga babae. Ni hindi pa nga niya nasasabing "bayad po" ay may mga kamay na agad na handang iabot ang bayad niya. Mga lalaki ang katabi niya at ang katapat naman din niya ay pawang kalalakihan, tila mga construction worker kung ibabase sa mga dalang gamit o pwede ring sa palengke. Nagkukunwa na lamang siya na hindi niya napapansin ang mga tingin ng mga ito. Mandin ay sinadya niyang malilis lalo ang skirt niya. Ang katabi naman niya ay kapwa nangkikiskis ng braso. Ang gagaspang at ang kakapal ng mga braso nila!

Nasa kalagitnaan na ng biyahe nang isagawa niya ang kapilyahang iniutos ni MyMaster. Isa na lang noon ang nasa tapat niya at medyo lumuwang ang jeep. May dalawang bakla at lima yatang ale sa kabilang dulo ng jeep tapos itong tatlong lalaking para bang nakapalibot sa kaniya. Sinadya niyang huliin ang tingin ng lalaki sa tapat niya. Hindi iyon magkandatuto noon sa pagtingin sa dibdib niya at sa legs pati sa artistahing hitsura ng babae. Nang magtama ang tingin nila ay babawi sana ng tingin ang napahiyang lalaki pero nginitian pa siya ni Natasha. Nagprecum na agad noon ang lalaki at tila bubulwak ang lahat sa loob ng sumikip na pantalon niya.

Nanlaki ang mata ng lalaki nang makitang ang babaeng pilit niyang sinisilipan at binibistahan ay ngumiti sa kanya kasabay ng pagbuka ng hita nito. Kitang-kita niya suot nitong panty. Pero higit pa doon! Ang puti ng singit! Ang tambok ng pu… Nakacrosslegs na ulit ang babae pero mas kita na ngayon ang pigura ng legs nito. Sunod-sunod ang paglunok ng laway ng lalaking hindi malaman kung napaglalaruan ba siya ng engkanto o baka naman diwata talaga ang nasa harap niya. Ilang beses pang "hindi sinasadyang" masilipan ng lalaki ang babae sa tuwing magpapalit ito ng pagkakapatong ng paa.

Hanggang sa pumara na ang babae ay nakatunganga pa rin si Nato. Walang panama ang mga napagkikita nilang magkakatrabaho sa mga putahan na nagkalat sa metro manila. Malaporselanang kutis? Maputi? Mahabang legs? Maputi hanggang singit? Magandang ngiti? artista ba yun? o anghel? Nagmadali na siya papunta sa baraks nilang mga trabahador at nagsariling sikap dala ang alaalang hindi pa rin lubos na mapaniwalaan.

Samantala, nakarating na sa MRT si Natasha. Mahaba ang pila at tiyak na siksikan. Siyempre, hindi siya sa pambabae/buntis/matanda/bata sasakay. Doon siya sa may mga lalaki. Sa MRT, sobrang siksikan at nagkakatulakan. Pero iba kapag babae lalo na at maganda, hindi nila itinutulak at mas pinapaboran pang hindi masiksik masyado. Iyon nga lamang ay hindi maiiwasan na minsan may mga dumidikit na maya't-maya ay tumitigas at kung saan-saan napupunta. May hindi rin nakakatiis na humihimas.

Kagaya nito, ramdam na ramdam ni Natasha na may nakatutok sa eksaktong gitna ng puwet niya. "Holdap" Lakas loob pang bulong sa kaniya ng lalaki. Malapit iyon sa tainga ng dalaga at nahihingahan pa niya ito. Hindi pa nakuntento ang lalaki ay yumakap pa ito sa babae. Para tuloy silang magsing-irog doon sa MRT. Ang labas ay "boyfriend protecting girlfriend" kaya naman nagsitalikod ang ibang lalaki. Ganoon pala sa karamihan ng mga lalaki. Kapag ang isang babae ay tila inari ng isang lalaki, at sa publiko lantarang ipinakita, parang natural na umiwas ang iba. Siyempre hindi sa lahat, alam ni tasha iyon. Kaya nga may mga salawahan e hihi

Hindi niya makita ang hitsura ng lalaki sa likuran niya. Siksikan pa rin at ni hindi siya makabiling lalo na at nakayakap ang lalaki. Matipuno ito. Wala naman itong ibang ginagawa kundi ang ipagdiinan ang katigasan ng ari nito sa may puwet ng babae. Sinubukang lumingobn ni tasha pero sinaway siya nito, "Huwag kang lilingon", matigas na boses na tila militar kung mag-utos. Ganoon sila hanggang lumuwang nang kaunti sa may Cubao. Hindi pa rin siya binitawan ng nakayakap sa kanya. Gayunpaman ay hindi na nakatodo ang diin ng harapan nito sa puwet ng dalagang guro. "Para siguro hindi obvious na manyak siya", sa isip-isip ng babaeng ni hindi napansin na nagbigay-laya siya sa manyak.

Hustong nakarating sa istasyong bababaan, binitawan siya ng nakayakap na lalaki pero ramdam niyang kasunod lang niya ito at narinig pa niyang, "Huwag kang lilingon". Napailing si Natasha na medyo nangiting alanganin na ewan. "What's the deal with this guy? Nakachancing na, nakapangmanyak na, ano pa ba?" bulong nito sa sarili.

Pumasok siya sa mall na kasama sa madaraanan pababa sa may sakayan papunta sa address na tinukoy ni MyMaster.

"Aking tasha, handa ka na ba?" Narinig niyang malakas na sabi ng lalaki mula sa likuran niya.

Napalingon ang dalagang guro. Isang mamang nakahoodie ang nasa likuran niya. "fall you bullshit kang duwag kang tang ina mo ka!" HIndi napigilan ni Tasha na murahin ang lalaking bumaboy at nagpababa sa pagkatao niya nitong mga nakaraang taon. Dahil sa isang nakaraang aksidenteng nangyari ay ganito ang kinahinatnan niya.

"Easy ka lang aking tasha, alam mo naman siguro ang mangyayari kapag nanlaban ka pa? Ikaw rin, baka talunin pa ng scandal mo ang scandal ni Jennifer Lawrence?" Nakakalokong tawa pa ang isinagot ni MyMaster. Natigilan naman si tasha sa tinuran ng lalaki. Natahimik siya, "Sino ka ba? Bakit mo sa akin ito ginagawa?" May halong pagmamakaawang tanong nito sa blackmailer. Hirap na hirap na siya sa pinaggagawa niya, kahit pa sabihing may mga sandaling nag-enjoy din siya. Tao rin naman siyang minsan ay nadadarang.

Humalakhak si MyMaster at umalingawngaw ito sa kabuuhan ng parking area. Kanina pa nakatingin ang guard sa direksyon nila subalit hindi naman ito lumalapit. Marahil ay naguguluhan sa nangyayari. Nakita ito ni Tasha na nagradyo. Wish lang niya na sana ay may rumesponde. Pero mukhang inaakala lang ng mga ito na may magjowang umeeksena sa parking. "Hindi mo pa rin ba ako kilala? Sino pa ba ang tanging makakaalam sa nakaraang iyon, ang gabing iyon kasama ang mga foreigner na iyon. We were model students, Tasha. Top of the class! But what happened?"

Noon lamang napansin ni Natasha ang boses ni MyMaster. Babae ito. May halong hikbing… "Ashley, ikaw ba…" Hindi na nagawang dugtungan pa ni Natasha ang sasabihin dahil hinubad ni MyMaster ang hoodie nito – si Ashley, ang babaeng kasama niyang pinagsasaan ng mga foreigners sa loob ng isang gabi – walang tigil. Siya ang kasama niya sa larawan na tila lango sa alak o droga sila sa piling ng mga naglalakihang ari.