1. Home
  2. Stories
  3. Twist of Fate Chapter : 3
Lagablab

Twist of Fate Chapter : 3

By nazo ·

Twist of Fate 3: Just The Two of us.

pag dating sa canteen ng tatlo ay tinignan ni Melissa ang dalawa na mag kahawak parin ng kamay at sabay ngiti sa kaibigang si Gwen.

at dahik sa pag ngiting yun ng kaibigan ay napatingin ang dalaga kung kanino nakahawak ang kanyang kamay ay pag lingun nya ay nakita nya ang binatang si Odin na nakangiti sa kanya kaya naman dali dali nyang binitawan ang kamay ng binata.

"so..sorry di ko sinasadyang hawakan ang kamay mo" nahihiyang pag hingi ng tawad ni Gwen sa binata.

"bakit ka nag sosorry nagustuhan ko din naman" nakangiting sagot Odin kay Gwen na dahilan para mamula ang mukha nito.

"tara kain na tayo friend at Odin dito tayo at mamaya na ang pag lalambingan" sigaw ni Melissa sa dalawang naka tayo na parehas na namumula ang mukha ngayon.

"ikaw talaga friend ang sama mo" sigaw ni Gwen sa kaibigan at agad hinawakan ng dalaga ang kamay ni Odin at hinatak eto palapit sa bilihan ng counter.

masaya ang tatlo na pumili ng makakain at gaya ng napangako ng binata sagot nya ang meryendang kakainan nila at dahil dun ay sinulit ni Melissa ang panglilibre na yun ng binata samantalang si Gwen naman ay hindi sana bibili kung hindi pa pinilit ng binata ang dala nitong pag kain.

habang sila ay kumakain ay nag paalam si Melissa dahil nag text daw ang kanyang boyfriend nag taka naman ang binata dahil may boyfriend pala si Melissa at si Gwen ay wala.

"wag kang mag alala wala akong boyfriend pero to tell you the truth may nanliligaw sakin" sinabi ng dalaga dahil nakita nya sa mukha ni Odin na nag tataka eto kung bakit wala syang boyfriend.

parang pinag sakluban ng langit at lupa ang naramdaman ni Odin dahil hindi nya alam kung anong mararamdaman sa narinig na sinabi ng dalaga.

"pero alam mo ang mataas ang chance na sagutin ko eh yung bago kung manliligaw" namumula ang mukhang sinabi ni Gwen sa Binata.

"at sino naman yun?" tanong ng binata kay Gwen.

"ikaw" mahinang sagot ni Gwen at dahil sa lakas ng daldalan ng mga ibang tao ay hindi eto narinig ni Odin.

"teka ano yun di ko narinig?" tanong ni Odin sa dalaga dahil sa lakas ng ingay na nililikha ng mga tao sa paligid.

"wala ng ulitan nasabi ko na " naka ngiting sagot ng dalaga kay Odin at dahil dito ay sabay silang nag tawanan.

parang batang nag tatawanan ang dalawa nakikisabay sila sa mga taong nasa paligid hindi nila alintana kung may makakita sakanilang dalawa.

kalahating oras ang lumipas bago bumalik si melissa at wala sa mood ang kaibigan ng dalaga.

"friend anong problem?" tanong ni Gwen sa kaibigan pero sinagot lang sya ng kaibigan ng pag iling at umalis eto ng hindi nag sasalita.

hahabol sana si Gwen para kausapin si Melissa pero pinigilan sya ng binata dahil pansin ni Odin na hindi maganda ang kinalabasan ng dapat na pag kikita nila ng boyfriend nito.

"pero kailangan nya ng kausap" sinabi ni Gwen kay Odin pero iling lang ang sinagot ng binata.

"wala ka ng magagawa hindi makakatulong ang pag damay mo sa kanya kailangan nyang mapag isa kaya dito ka lang at hayaan mo nalang sya makaka move on din ang kaibigan mo sa problema nila" paliwanag ng binata kay Gwen na mangiyakngiyak dahil narealize nyang wala syang magawa para sa kaibigan.

lumipas ang oras at dahil sa announcement na wala ng klase sa araw na iyon ay nag desisyon silang gumala muna at maaga pa naman ilang oras pa naman bago ang uwian.

"saan mo gustong pumunta?" tanong ni Odin kay Gwen habang nag lalakad sila pero hindi eto sumagot at bakas parin sa muka ng dalaga na iniisip parin nito ang kaibigan.

"kung hindi ka mag sasalita ibig sabihin ako ang bahal kung saan tayo papasyal at dahil jan sa MOA tayo manonood ng movie" sinabi ni Odin sa dalaga na nagulat sa narinig na sinabi ng binata pero mawala na syang magawa kung hindi ang ngumiti dahil hawak ni Odin ang kamay nya na matagal na nyang hindi na raramdaman.

habang nag lalakad sila tinext ni Odin ang kanyang driver na matagal ng walang ginagawa kung hindi ang linisin ang lahat ng kotse nila sa bahay.

"aba himala at nag text ang alaga ko?" sinabi ni Paul sa kasama nitong si Aljor dahil sa ilang buwan na nag tratrabaho sya bilang driver ng binata ay dalawang beses palang nya etong napag maniho.

kaya naman nag mamadali etong hinanda ang sasakyan ng binata at baka mag bago pa ang isip nito at mahirap na ngayon lang sya nakakapag drive.

nasa sakayan na ang dalawa at nag aantay na pinag taka ni Gwen kaya hindi na nya naiwasang mag tanong sa binata.

"ah anong ginagawa natin dito?" tanong ng dalaga kay Odin dahil ng pumasok sila ay hindi naman sila nag antay ng sasakyan na jeep o ano pa man dahil kahit punuan basta makaka upo ang dalaga ng maayos ay sasakay sila pero ngayon.

medyo matagal narin silang naka tayo at nag aantay at ng biglang huminto ang isang itim na van at bumukas ang pintuan nito at sa loob ay walang naka sakay kung hindi ang driver.

"sakay na Odin at baka mahuli ako nyan" sinabi ni Paul sa amo ng sumilip eto sa bintana ng kotse.

"sakay kana Gwen" naka ngiting sinabi ni Odin sa dalaga na agad namang sumakay na walang pag dadalawang isip at pag dududa dahil malaki ang tiwala nya sa binata.

"wow ang ganda naman dito kaninong van eto?" tanong ng dalaga na agad sinagot ng driver ni Odin.

"nako mam sa boyfriend nyo po eto at alam nyo ba na after ilang buwan ay ngayon lang ulit nagamit ang sasakyang eto dahil mas gusto ng boyfriend mo na mag lakad nalang salamat mam at naka pag trabaho ulit ako" sagot ni Paul sa dalaga na agad namang namula ang muka dahil sa narinig na sagot ng driver.

hindi na nakapag salita si Gwen at tumingin nalang sya kay Odin na walang imik at naka tingin sa bintana at hindi manlang nagalit sa narinig na sinabi ng driver.

tahimik silang bumyahe papunta sa MOA pero habang bumabyahe sila ay hindi nakatiis ang dalaga at nag simula syang libutin ng tingin ang van ng binata at nakita nya sa likod ang isang kakaibang bagay na naka sabit.

"puweding mag tanong?" tanong ni Gwen kay Odin na nakatingin parin sa bintana at biglang napalingon dahil sa kinalabit sya ng dalaga.

"ano yun?" nakangiting tanong ni Odin sa Dalaga naka ngiti at nag aantay ng sagot mula sa binata kung ano ang bagay na naka sabit sa van.

"eto ano ba eto? ngayon lang ako nakakita ng ganito" tanong ni Gwen kay Odin habang tinuturo nya ang nakasabit na katana sa van.

"ah yan ba Nagamaki ang tawag dyan binigyan ako ng teacher ko sa kendo ng pabalik na ako dito sa pinas" sagot ni Odin kay Gwen at ilang sandali lang ay dumating na sila sa MOA.

sinama nila si Paul sa pamamasyal pero lumayo ng kaunti si Paul sa dalawa dahil alam nito na para sa amo ay isa etong date at ngayon lang nya nakitang naka ngiti ang binatang amo at dahil dito ay masaya sya para sa amo.

"hello mam?" sagot ni Paul ng tumawag ang ina ni Odin sa kanyang cellphone dahil nag paalam dito ang driver na susunduin nya ang among binata.

"kamusta saan kayo nandun ni Odin?" tanong ni Alice sa driver ni Odin.

"mam may kasama po kaming isang babae at sa tingin ko kaedad sya ni Odin at sa totoo lang ngayon ko lang nakitang ngumiti si Odin" sagot ni Paul sa among si Alice.

"ah ganun ba sige bantayan mo lang silang dalawa siguraduhin mo na hindi sila mapapano" sagot ni Alice kay Paul.

"pero mam kung may mananakit sa kanilang dalawa diba dapat sila ang dapat kung bantayan at baka sila ang masaktan" sagot ni Paul kay Alice dahil isang malaking pakiusapan kay Odin bago eto pumayag na kunin sya bilang driver bodyguard.

dahil ng nag aapply sya ay ang binata ang mismong sumubok sa kanya kung kaya nya etong protektahan dahil lumaking basag ulo si Paul ay sanay syang makipag away.

pero ng makaharap nya si Odin ay para syang batang laruan na binugbog ni Odin hindi nya manlang nakanti ang binata kaya dinaan nalang nya sa isang pakiusap na may pinag aaral syang kapatid kaya kailangan nya ng trabahong eto.

"bahala ka pero bantayan mo sila ok" huling bilin ni Alice bago tapusin ang tawag dahil aalis na eto para sumunod sa asawa.

"paul bilisan mo at kakain na tayo" pag tawag ni Odin sa driver habang kinakawayan din sya ng dalaga.

kaya naman syang sumunod sa dalawa dahil ayaw nyang masira ang araw ng binatang amo kasama ang magandang dalaga na sa tingin nya ay may pag tingin ang binatang amo.

itutuloy….

Twist of Fate Copyright © By Nazo

Sites the Author is Present : (Story Library in Facebook and Lagablab.net) any site that not in the list is not allowed to post the story