1. Home
  2. Stories
  3. Twist of Fate Prologue
Lagablab

Twist of Fate Prologue

By nazo ·

Twist of Fate Prologue : The Boy and The Girl

ang kuwentong eto ay tungkol sa dalawang tao na pinag tagpo ng tadhana at pinag hiwalay ng

dahil sa kailangang umalis ng isa pa punta sa malayong lugar at ang isa naman ay naiwan at

nangakong mag hihintay sa pag babalik ng lumisan.

Si Odin Hernandez ay isa sa masuwerting tao na merong gift na tinatawag ng iba na Photographic

memory bukod dito ay may kaya ang pamilya nila magandang lalaki rin ang binata at may taas na

5'8 maputi mabait na anak.

mahilig mapag isa si Odin at hindi nya hilig ang makialam sa problema ng may problema dahil ang

kayweran nya ay may sarili syang problema bakit nya isasali ang problema ng iba kung ang sa

kanya ay hindi nya masolusyonan.

"Odin tutal ay tulala ka dyan at naka silip sa bintana at hindi ka nakikinig sa lesson ko ay sagutin

mo ang sample problem na nasa board" galit na sinabi ng professor sa inaantok na si Odin.

walang imik na tumayo ang binata at lumapit sa board para sagutin ang sinabing problem ng prof

at lahat ay nagulat at kahit ang professor ay hindi makapaniwalang tama at walang maski isang pag

kakamali.

ngayon ay 1st year college na si Odin at galing sya sa Japan at dun sya nag aral mula elemantary

hanggang highschool at pinabalik sya ng kanyang magulang dahil mas tiwala sila sa pag cocollege

sa pinas.

"sa susunod pag tatawagin mo ako sir hirap hirapan mo naman ang tanong at problem na ibibigay

mo sakin" sinabi ni Odin sa Professor na ngayon ay nakaramdam ng kaunting takot sa mag aaral

na si Odin.

matapos ang pang yayaring yun ay tahimik na bumalik ang lahat sa klase at mabilis lumipas ang

oras at natapos ang klase.

nag lalakad si Odin papunta sa sakayan ng jeep dahil ayaw nyang gumamit ng sasakyan kahit na

may sarili syang sasakyan at driver.

"Odin ikaw ba yan? ikaw nga" masayang pag tawag ng babae kay Odin na nag pahinto sa pag

lalakad ng binata.

ang tumatawag kay Odin ay si Gwendalyn Francisco maganda maputi mahaba ang buhok na

hanggang likod at matalino may taas na 5'5.

kasama ni Gwen ang kaibigan nyang si Melissa Aquino malapit na kaibigan ni Gwen.

"teka friend kilala mo ba sya?" tanong ni Melissa kay Gwen ng lapitan nila si Odin na huminto sa

pag lalakad dahil sa pag tawag sa kanya ni Gwen.

"oo friend kilala ko sya" sagot ni Gwen kay Melissa ng makalapit sila kay Odin na may ngiti sa

muka si Gwen dahil sa muli nyang nakita ang kaibigan.

"teka sino ka?" tanong ni Odin sa dalaga na talagang kinagulat nito at ng kasama nyang kaibigan.

sinampal ni Gwen si Odin dahil sa narinig na tanong nito at hindi sya maka panilawa sa kanyang

narinig mula kay Odin.

" Bobo bobo hindi ako maka paniwalang naniwala ako sayo dati ang bobo mo" sigaw ni Gwen kay

Odin at tumakbo eto palayo na agad namang sinundan ni Melissa.

naiwanang nakatayo ang binata at hinawakan nya ang kanyang pisngi matapos nyang matanggap

ang isang malakas na sampal sa babae na hindi nya kakilala.

"anong problema ng taong yun?" tanong ni Odin sa sarili habang hawak hawak ang pisngi na

katatapos lang matanggap ang sampal mula sa galit na dalaga.

"friend sino ba yung lalaking yun?" tanong ni Melissa sa kaibigang si Gwen dahil ngayon lang nito

nakita na manakit ang kaibigan.

"sya yung sinasabi ko sayo friend sya yun" sagot ni Gwen kay melissa at dahil sa narinig ni Melissa

ay nagulat sya na ang binatang si Odin ang pinag mamalaki ni Gwen ay hindi nakilala ang kaibigan

nya.

mabilis lumipas ang buong araw ng unang pag kikita ng dalawa at sumapit ang kinabukasan hindi

makatulog ang dalaga dahil sa ngyari ng makita nya si Odin at ang binata naman ay pilit inaalala

kung sino ang dalagang sumampal sa kanya pero ang tanging pumapasok sa isip nya ay ang pag

sampal sa kanya nito.

inaantok na pumasok si Odin dahil sa pag iisip ay hindi sya halos nakatulog mabuti nalang ay isang

madaling subject lang ang meron sya ngayon at ilang oras ang bakante bago ang kasunod na

subject kaya makakapag pahinga sya.

mabilis lumipas ang oras at natapos ang subject ni Odin kaya naman dali dali syang pumunta sa

library ng university para mag hanap ng mapupuwestuhan at matutulugan bago ang susunod

nyang klase.

kumuha ng isang libro si Odin at humanap ng mapupuwestuhan para makatulog ay tinakip nya ang

libro sa harapan nya ng makakita sya ng puwesto sa sulok at nag simulang umidlip.

kagaya ni Odin inaatok din si Gwen at kasama si Melissa ay pumunta rin silasa Library para mag

aral at para makaidlip din si Gwen habang gumagawa ng assignment si Melissa para sa kanilang

dalawa.

"friend diba si Odin yun?" tanong ni Melissa sa kaibigan na nabuhayan sa tanong ng kaibigan at ng

tignan nya ay si Odin nga at tahimik na natutulog.

"oo nga tara friend samahan mo ako mag sosorry ako" sagot ni Gwen kay Melissa habang dala

dala nila ang libro.

"sige friend una kana at hahanapin ko lang yung kulang pa nating libro" sagot ni Melissa kay Gwen

kaya naman nauna na ang dalaga sa puwesto ni Odin.

"ah odin sorry nga pala sa kahapon kung sinampal kita" pag hinge ng tawad ng dalaga sa binata

pero hindi eto sumasagot sa kanya nangiti nalang si gwen ng makita nyang tulog pala ang binata.

medyo natagalan sa pag hanap si melissa dahil sa dami ng libro sa library kaya naman ng mahanap

nya eto at makapunta sa lugar kung saan naka upo si Odin ay natawa sya sa inabutan nya.

tulog ang dalaga sa tabi ni Odin at parehas pa sila ng puwesto nakatakip ang libro sa harapan nila

para hindi sila halatang natutulog at habang tulog ang dalawa ay gumawa na ng assignment si

Melissa.

makalipas ang isa't kalahating oras ay nagising na si Odin mula sa pag kakatulog nya at nagulat sya

ng batiin sya ni Melissa.

"oh gising kana pala kamusta ang tulog?" tanong ni Melissa sa binata habang gumawa eto ng

assignment.

"teka ano nga palang pangalan nyo?" tanong ni Odin kay Melissa kung anong pangalan nilang mag

kaibigan.

"ako nga pala si Melissa Aquino at ang katabi mo po ay si Gwendalyn Francisco" pakilala ni Melissa

sa kanilang dalawa sa Binata.

matapos marinig ang pag papakilala ni melissa ay tumayo na si Odin para ibalik ang libro at umalis

dahil malapit na ang klase nya.

"paki sabi sa kaibigan mo pasensya na kung hindi ko sya kilala dahil hindi ko talaga sya kilala" bilin

ni Odin kay Melissa habang paalis tumango nalang ang kaibigan ng dalaga.

ilang minuto pa ang nakalipas bago nagising si Gwen at nagulat sya ng wala na ang katabi nyang si

Odin ng makaidlip sya.

"o friend sarap ng tulog mo ah" pang asar ni Melissa sa kaibigan at natatawa pa sya ng kaunti dahil

sa gulo ng buhok ng kaibigan.

"si… si Odin?" tanong ni Gwen sa kaibigan habang nag mamadaling kunin ang suklay at para

maayos nya ang kanyang buhok.

"ah oo nga pala sabi nga pala ng prince charming mo pasensya na daw at hindi ka nya kilala kasi

hindi ka daw nya talaga maalala" sagot ni Melissa sa tanong ni Gwen na nag palungkot sa dalaga.

"okay lang kung hindi nya ako kilala di mag pakilala" sagot ni Gwen sa kaibigang si Melissa.

"good luck naman sayo jan friend basta wag mo akong madamay damay jan mahirap paki bagayan

yang si Odin na yan di ko sya maread friend" sagot ni Melissa sa kaibigan.

natapos ang araw na yun at uwian na gaya ng dati ay walang ginawa si Odin sa klase kung hindi

ang tumunganga at mainip.

sa pag labas na pag labas ni Odin ay nandun si Gwen naka tayo at sinalubong sya ng isang ngiti.

"oh Gwen anong ginagawa mo dito?" tanong ni Odin sa dalaga ng makita nya etong nakatayo sa

harap ng classroom kung saan sya nandun.

"ano ba sa tingin mo inaantay kita para mag sorry sa ginawa kung pag sampal sayo nung

nakaraang araw" sagot ni Gwen kay Odin.

"wala yun at isa pa hindi dapat ikaw ang nag aantay may itsura ka pa naman" sagot ni Odin sa

dalagang nag aantay sa kanya.

"at bakit naman?" pag tatakang tanong ni Gwen sa binata.

"babae ka at hindi ligtas na umuwing mag isa ang isang gaya mo lalo na pag mag didilim na kaya

wag kang mag rereklamo kung ihahatid kita dahil konsensya ko pa kung may mangyari sayo"

nahihiyang sagot ni Odin kay Gwen at lihim naman sa binata ay natuwa ang dalaga sa narinig na

sagot ng binata.

kaya naman sabay silang lumakad papunta sa sakayang at hinatid ni odin ang dalaga sa kanilang

bahay pero habang nasa nasasakyan sila ay ibinigay ni Gwen ang cellphone number nya at hininge

naman nya ang sa binata.

itutuloy….

Twist of Fate Copyright © By Nazo

Sites the Author is Present : (Story Library in Facebook and Lagablab.net) any site that not in the list is not allowed to post the Story