1. Home
  2. Stories
  3. Undo - Episode 8: Ctrl + Z
Pinoy Tambay

Undo - Episode 8: Ctrl + Z

By ereimondb ·

{Undo}

Sender: Dennis M. Number: +639198856+++
07:15 04/09/2011

"Martha, pakinggan mo naman ako. Please mag-usap tayo. Hindi solusyon ang paghihiwalay. Alam kong ako ang may kasalanan kung bakit nangyari iyo, at huwag mong isisi sa sarili mo ang lahat. Naandito ako Martha. Naandito lang ako."
--- Sender: Dennis M.
Number: +639198856+++
07:23 04/09/2011

"Please… Please answer the phone… Usap tayo…
--- Sender: Dennis M.
Number: +639198856+++
07:28 04/09/2011

"Hindi ako aalis dito Martha. Nasa harapan lang ako ng condo mo. Please usap tayo.

---

Sender: Dennis M. Number: +639198856+++
07:32 04/09/2011

"Ginawa ko ang lahat para sayo. Hinintay kita at kaya ko pang maghintay ngayon. Naandito lang ako sa ibaba."
--- Sender: Dennis M.
Number: +639198856+++
07:34 04/09/2011

"Martha maawa ka naman sa akin oh… Wala pa akong tulog, nag-aalala ako sa iyo. Text back please."
--- Sender: Dennis M.
Number: +639198856+++
07:36 04/09/2011

"Puwede ba ako umakyat? Puwede ba kitang akyatin? Pagbuksan mo na lang ako. Usap tayo. Usap tayo
please."
--- Sender: Dennis M.
Number: +639198856+++
07:38 04/09/2011

"Did you block me? Hindi na kita makontak. Please huwag mo namang gawin ito sa akin. Maawa ka
naman sa akin. Please ayusin natin ito."
--- Sender: Dennis M.
Number: +639198856+++
07:41 04/09/2011

"Martha… please. Talk to me."
--- Sender: Dennis M.
Number: +639198856+++
07:43 04/09/2011

"Please?"
--- Sender: Dennis M.
Number: +639198856+++
07:44 04/09/2011

"Please."
--- Sender: Dennis M.
Number: +639198856+++
07:45 04/09/2011

"Please. Please. Please. Please."

---

Saturday
April 09, 2011 – 07:56AM

Para akong tanga.

Kahit antok na antok na ang mga mata ko sa kahihintay sa kung anong balak ni Martha, ay naririto pa rin ako sa loob ng aking sasakyan at naghihintay ng milagro.

Binobombard ko na nga ng text messages, wala manlang reply.

Kahit manlang isang "K." ang matanggap ko, pero wala pa rin.

Maka-ilang ulit ko na ring sinusubukang tawagan siya sa telepono, pero iisang babae lang ang sumasagot sa akin. Sabi pa niya: "The number you dialed is either unattended or out of coverage area. Please try your call later." At ilang beses ko na din siya sinagot ng ganito: "Tangina mo naman eh! Sabihin mo sa kanya sagutin niyang ang tanginang tawag na to! Putang ina!"

Nababaliw na nga siguro ako.

Sino bang hindi mababaliw pag ganito ang nangyari sa inyo?

Halos mapapapikit na ako habang ang mga daliri ko ay busy pa din sa pagdial sa aking cellphone, nang bandang alas-otso ng umaga, ay bumulaga sa akin ang isang mapait na katotohanan.
Nakita ko si Martha na may dala-dalang malalaking bag at tumatakbo papalabas sa tinutuluyan niyang condominium.

Muntikan pa akong masakal sa aking seat belt dahil sa pagkagulat ko sa aking nakita. Dali-dali ko itong inalis at lumabas ng aking sasakyan.

Binibilisan ko ang paglalakad para maabutan ang siya.

Malalakas na pagbusina ang umalingaw-ngaw sa paligid dahil na rin sa hindi ako tumitingin sa aking dinaraanan.

Papasakay na siya ng taxi.

Lalo akong kinabahan. Nanlaki ang aking mga mata. "Martha!!! Martha!!!" Pasigaw kong tawag sa kanya. Nakita ko siyang saglit na tumingin sa akin.
Nakita ko.

At para siyang walang nadinig at lalo pang nagmadaling sumakay ng taxi. Tumakbo na ako.
Tumakbo na rin ang kanyang sinasakyan.

Nakita ko na lang ang aking sarili na parang gustong mapaluha at maglupasay sa gitna ng kalsada. Putang ina!
Ang sakit pala ng ganito?!

Para akong ginago. Para akong niloko.

Nakita ko ang mga mata niyang saglit na sumulyap sa akin. Para siyang walang puso, walang nararamdaman, manhid.

Tangina!

Ano bang nagawa ko? Ano bang naging kasalanan ko sa kanya para pagdusahan ang ganitong mga bagay at pagkabigo. Ginawa ko naman ang lahat ah? Kulang pa ba? Para magmadali siya at takasan ako o ang mga problema naming dalawa?

Umiikot ang paningin ko.

Magkahalong stress, antok, pagod, pagkalito, gutom, at kung anu-ano pang hindi ko mapangalanan dahil sa sobrang sakit.

Naglakad na lamang ako pabalik sa aking kotse. Sandali akong napatigil at napatanga.
Napatingin ako sa aking cellphone at muling pinindot ang call button.

"The number you dialed is either unattended or out of coverage area. Please try your call later."

fuck!

Wala na. Game over. Time is up.

Bakit? Bakit niya sa akin ginawa iyon? Wala pa nga yatang twelve hours na naging kami. Pakiramdam ko buong concert lang ni Bruno Mars na naging magBF/GF kami.

Kaya pala hindi nag "I love you too" ang walang hiya!

Kasi kung mahal niya rin ako, hindi niya gagawin ang mga bagay na makakasakit sa akin. Tulad na lamang kung paano ko siyang tratuhin at ipadama sa kanya kung gaano siya kahalaga.

Umasa ako na kahit papaano ay magbabago ang pagtingin niya sa akin.

Umasa ako na sa wakas, ay dumating na din ang araw na magiging kami, pormal at wala nang tinatapakan na tao.

Umasa ako na pinapahalagahan din niya ang bawat paghihirap at paghihintay ko para sa kanya. Halos isang taon dre.

Halos isang taon.

Kaya heto ako ngayon, nakatulala habang nakaupo sa sofa. Ayokong kumilos.
Gusto ko lang manatiling nakatanga.
Buong-buo pa sa aking tainga ang mga pinagsasabi sa akin ni Martha. Ngayon ko lang ninamnam ang bawat pangungusap na binitiwan niya. "Stay away from me…"
"Go home."
"Leave me alone." "I'm not worthy"

At ang pinaka-bullshit sa lahat…
"I'm so sorry…"

Sorry. Really?
Yun lang ang puwede niyang sabihin sa akin pagkatapos ng lahat?

Mas matatanggap ko pa siguro kung hindi niya ako sinipot sa concert. Mas matatanggap ko pa siguro kung pinili niya si Kat kaysa sa akin. Mas matatanggap ko pa siguro kung binasted na lang niya ako. Mas matatanggap ko pa siguro kung hindi siya pumayag sa kasunduan namin.

Pero hindi eh…

Sinipot niya ako tol.

Pinili niya ako kaysa kay Kat.

Hindi niya sinabi sa akin na basted ako.

Pumayag siya sa kasunduan namin, dahil naramdaman kong may pagtingin na rin siya noong nasa
Batangas kami.

At kahit pa nangyari ang mga iyon, anong napala ko? Wala! Supalpal.
Iniwan niya ako. Nagmadali siyang sumakay ng taxi kahit pa nakita niya akong papalapit sa kanya. Nagmukha akong katawa-tawa, nagmukha akong manyak na iniiwasan, at higit sa lahat, nagmukha akong tanga.

Hindi niya ako pinili. Wala siyang pinili sa amin dalawa ni Kat. Parehas kaming kaya ang ibigay ang lahat sa kanya, pero mas minabuti niyang lumayo. Magpakalayo-layo.

Kahit pa gumawa si Kat ng isang death defying stunt, eh hindi pa rin niya kinayang panindigan ito. Kahit pa naghintay ako sa kanya ng matagal ay hindi pa rin niya ako kayang panindigan.

At sa halip ay iniwan niya kaming nakatanghod sa kung ano ang magiging desisyon niya. Watdapak dre?
~~~

Saturday
April 09, 2011 - 11:36AM

Humigit-kumulang dalawang oras nang nakatunganga't nakatanga si Dennis. Nakatingin ito sa kawalan
at tagus-tagusan ang pagkakatitig niya sa nasa harapang telebisyon.

~~~

Saturday
April 09, 2011 – 01:15PM

Apat na oras na ang nakalipas, at ngayo'y nakahiga na si Dennis sa sofa. Nakatingala pa rin ito at tila binibilang kung ilang butiki ang puwedeng maglakad sa kisame. Pamaya-maya ang pagtunog at pagreklamo ng kanyang tiyan dahil sa gutom, ay tila hindi niya ito pinapansin.

~~~

Saturday
April 09, 2011 – 03:54PM

Makalipas ang halos pitong oras, ay matatagpuang nakabulagta ang ating bida sa sahig. Hindi dahil sa nahimatay ito sa matinding depresiyon o gutom, kundi nais nitong pakiramdaman ang lamig ng kanilang floor tiles. Nakatitig pa rin siya sa kanyang cellphone, umaasa na baka sakaling magbago ang isip ni Martha.

~~~

Saturday
April 09, 2011 – 06:00PM

Nagpasiya ang ating bida na tumayo at magpunta sa kusina upang kumuha ng isang basong malamig na tubig. Pagkabukas niya ng ref at tumambad sa kanya ang limang hiwa ng pizza pie, malamig at may katigasan. Kinuha niya ang mga ito at sunod-sunod na kinain… nilamon. Halos mabulunan si Dennis dahil sa kanyang ginagawang katangahan, kaya naman ay nagpasya na siyang kumuha ng pitsel sa ref. Ngunit tumambad naman sa kanya ang tatlong lata ng San Mig Light. Nagpalit ito ng isip at kinuha ang beer sa halip na tubig. Binuksan ito at dire-diretsong nilagok. Uhaw na uhaw ang binata. Maluha-luha ito dahil halos mabilaukan sa kanyang pag-momoment. Nang matapos ay sandali siyang tumunganga. Tila may naalala nanaman siya. Ngunit nabuhayan ito nang bigla siyang may naisip siyang magandang ideya. Ting!
Dali-dali itong umakyat. Naghubad. Naligo. Nagbihis. Lumabas ng kuwarto. Bumaba ng hagdan. Kinuha ang kanyang susi. Ooops… Nalimutan niya ang kanyang pitaka sa itaas. Umakyat ulit. Pumasok sa kuwarto. Kinuha ang kanyang pitaka. Isinuot ang kanyang relo. Lumabas ng kuwarto. Bumamaba ng hagdan. Binuksan ang main door. Kindado ito. Binuksan ang kanyang sasakyan. Pinaandar. Binuksan ang car stereo at car aircon. Inilagay sa drive ang kambyo. Humarurot.

~~~

The Reserve Bar
Citi Golf Plaza, Julia Vargas Ave, Ortigas, Pasig

Gusto ko lang uminom. Gusto ko lang talaga magpakalunod sa alak.

Hindi rin ako yung uri ng tao na tumatawag sa kaibigan kapag problemado. Mas gusto ko munang sarilinin ang mga pinagdadaanan ko, at sinisikap na bigyan ng benefit of the doubt ang mga nangyayari.

Medyo kilala na rin ako sa bar na ito dahil madalas kami tumambay dito ng mga kabarkada ko. May kalayuan sa Metrowalk, may kalayuan sa kabihasnan pero okay na ito, para atleast walang gugulo sa pagmomoment ko.

Black Russian ang inorder kong maiinom, at pumuwesto lang ako sa may gilid ng bar.

Usually ito ang inoorder ko sa tuwing naandito ako, kasama na ang Fish & Chips. Gustong-gusto ko ang paghalo nila ng five parts vodka at two parts coffee na alcoholic drink.

Sarap na sarap ako habang hinahagod nito ang akin lalamunan. Aaminin ko.
Sa isipan ko, gusto ko pa ring bigyan ng pagkakataon si Martha na bumalik at magpaliwanag. Alam ko kung sakaling darating siya ngayong gabi, ay kaya kong kalimutan ang lahat, tatanggapin siya na kahit walang pali-paliwanag.

Text pa rin ako ng text.

Sinusubukan ko pa rin siyang tawagan.

Pero wala eh. Wala akong natatanggap na kahit anong response sa kanya.

Malinaw na malinaw pa sa sikat ng araw na ayaw na niya akong makita at makasama, pero heto pa rin ako, umaasa at naghihintay.

Hanggang ngayon nagtatanong ako. Tinatanong ko ang aking sarili kung talaga bang deserve ko na magawan ng ganitong bullshit.
Hindi naman ako pangit. Hindi naman ako bad breath.
Hindi naman ako madumi pumorma. Gentleman naman ako.
Mahaba ang pasensya.

Siguro nga tatanga-tanga ako pagdating sa ganito.

Siguro nga mabilis akong magpadala at magtiwala sa tao.

Pero ano ang gagawin ko? Ganito ako eh. Ganito lang siguro ako magmahal. Hopeless Romantic na naging helpless romantic.
Wala na sigurong gamot sa ganito. Sa madalas umasa at mag-assume. Sa nag-aabang na maghihiwalay ang iba at umaasang sa iyo ibabaling ang atensiyon nung taong iyon.

Pero hindi ko rin naman masisisi ang sarili ko dahil siya na mismo ang nagsabi noon, bago kami nagkahiwalay mula sa isang buwan na pagsasama, na aayusin niya muna ang gusot na mayroon sila ni Kat bago siya pumasok sa isang relasyong kasama ako.

Yun ang alam kong ibig niyang sabihin noon sa akin.

Yun ang alam kong nais niyang ipaabot ng bawat pagluha niya. O sadyang iyon lamang ang nais kong ipapaniwala sa sarili ko? Puta! Isa pa nga nitong iniinom ko.
"Boss, isang glass pa. Black Russian."
"Mukhang may dinadala tayo boss ah. Work related ba yan o chicks? Hehehe…"

Hindi ko masagot ang pakialamerong mokong na ito.

"Huwag kayong mag-alala boss, mahal kayo nun. Hehehe…"

Tinangaun ko na lang si manong baka kasi duraan niya pa ang vodka ko.

"Bacardi Cocktail please…" Saad ng isang babae na biglang sumulpot sa aking kaliwa.

Mabilis na pumasok sa butas ng ilong ko ang bango ng kanyang pabango. Kaya naman kaagad akong napalingon sa kanya.
Siyempre, matanglawin nanaman ako. Kahit nakatagilid si ate, eh kitang-kita ang kanyang kaseksihan. Naka-kulay dilaw siyang maliit na dress at kitang-kita ko ang kanyang makinis na legs.

Puwede!

Pag-akyat ng mata ko ay nagulat ako nang nakatingin na rin siya sa akin. Sa gulat ko eh napangiti ako sa kanya.
Sa tingin ko naman eh okay lang sa kanya yung ginawa ko dahil nginitian din naman niya ako.

Kaagad kong iniwas ang aking tingin nang ibigay na ng pakialamerong bartender ang aking pangalawang baso na Black Russian.

Mula sa gilid ng aking mata, ay nakikita kong nakatingin pa rin siya sa akin. Siyempre hindi ako nagpapahalata na alam ko, at tuloy-tuloy pa rin ako sa aking ginagawang pag-inom. Maya-maya ay naramdaman ko nang umupo siya sa aking tabi sa bar.

Bahagya akong napalingon at napadungaw ako sa kanyang suso. Para kasing maya-maya ay bubulwak na ito mula sa kanyang suot at gusto kong ako mismo ang makakakita ng momentous event na ito.

"Hi… I think I know you…" Saad ng babae sa akin. "Hi… Talaga?" Sagot ko naman.
"Yah… Sa ka din ba nagwowork?"
"Oo. Bakit? Doon ka rin ba?"
"Hihihihi! Sabi ko na eh. Sa ka din nagtatrabaho eh! Hihihi…" "Ahh… small world hehe…"
"Yah! Hihihi… I'm Jenny by the way. Sa Finance Department ako." "Ooohh.. That's cool. I'm Den."
"Den… From IT Dept right?" "Yeah… IT…"
"Hihihihi…"
"Pano mo naman nalaman na sa IT ako?"
"Hmmm… Nakikita kasi kita sa floor, madalas may hawak kang wires o kaya naman keyboard… So naisip
ko lang na baka tiga-IT ka…"
"Hehehe… That's cool really… Good guess."

Ganda ng ngiti niya. At gusto ko yung ginawa niyang move na makipag-usap sa akin. Sabi sa inyo hindi ako pangit eh. Hehehe…
Maya-maya eh dumating na yung inorder niyang drink at inabot sa kanya ng bartender.

"So… are you with someone?" Tanong ko sa kanya. "Yes… Doon kami sa may table malapit sa door…"

"Na-bore ka ba sa kanila kaya ka naandito? Hehehe…"
"Hihihihi… Exactly! Well may kanya-kanya kasi silang partners eh… So I am the "odd one out" basically…" "Hehehe… I feel you… Ganyan din ako everytime I'm with my friends…"

"But don't get me wrong… Mababait naman silang kaibigan… And I just want to order this drink… Sa katunayan nga eh babalik na din ako doon…" Saad niya sa akin sabay kindat.

"Okay… Enjoy the night, Jen." Saad ko sa kanya.

"You too… Den." Sagot niya sa akin sabay lakad papalayo.

What the fuck?

Now I'm flirting. Pero parang kaagad akong nasupalpal dahil mabilis siyang nakawala sa akin.

"Boss… mukhang trip ka nung chick ah. Hehehe…" "Hindi nga tol eh… Nakawala… Hehehe."
"Tingin ng tingin pa rin boss eh oh… Kitang-kita ko mula dito… Huwag ka lang magpapahalata." "Talaga?! Bigyan mo pa nga ako nito… Isang baso pa."
"Sige boss."

Okay din itong pakialamerong bartender eh, lumelevel-up ang pakikialam niya sa akin dre.

"Hi!" Saad nanaman ng babaeng biglang sumusulpot sa aking tabi. "Oh! Hi!" Sagot ko sa kanya.
"Mag-isa ka ba?" "Ah eh…"
"Baka gusto mo jumoin sa amin doon? Ikaw bahala…" "Ah eh… hindi ba nakakahiya?"
"Hindi naman… Well, kung gusto mo lang naman…" "Sure… Sure… Walang problema sa akin…"
"Okay, let's go?"
"Boss alak niyo… Hehehe…"
"Salamat tol…"

Kaagad akong dumukot ng pera sa aking bulsa at ibinigay sa pakialamerong bartender. At dahil naman nagdilang-anghel ang mokong eh binigyan ko na rin ng malaki-laking tip.

"Keep the change pre."
"Salamat boss… Sabi sa inyo eh… Hehehe…"

Okay.

Dahil sabi nga ni daddy na grab every opportunity na darating sa buhay mo, sige pagbibigyan ko ang sarili ko ngayong gabi.

Ipinakilala niya ako sa kanyang apat na kasamahan at mukha namang okay lang sa kanila na naroroon ako sa kanilang lamesa. Katrabaho ang pakilala sa akin ni Jen kaya naman siguro naging okay agad sa kanila.

"So parehas pala kayo tiga-?" "Yeah."
"Anong work mo?" "IT Supervisor"

"Ahh… Okay… Sup ka pala… parehas kayo ng baby ko… di ba baby?" Saad ng isang babaeng kapit na
kapit sa kanyang maskuladong boyfriend.

"Yeah dude… Sup din ako pero more on system analysis at data migration…" "Ahh… that's awesome… Really awesome…" Plastik na sagot ko.
"Guys… by the way… I want to officially announce that we are planning to get married this June…" Muling saad ni Johnny Bravo. Natuwa naman silang lahat nang madinig ang announcement nito. Hindi ko alam kung bakit ngayon niya pa sinabi kung kailan pa ako sumama sa grupo nila.

"That is so sweet… Congratulations friend…" Saad ni Jen.

"I knew it! Sabi ko na magtatagal talaga kayo… like forever!" Saad naman ng isang may katabaan babae na halos ipitin ang kanyang may kapayatang boyfriend.

"Thank you guys… I'm so happy nga when he proposed… And I am so freakin excited sa kasal namin… Hihihihi…" Sagot ng girlfriend ni Johnny Bravo na kamukha ni Betty Boop.

"Well, I think we are just meant to be… I'm very much contented sa buhay ko… Napromote ako, nabili ko na dream car ko, 65% na nagagawa sa bahay namin, and now I'm getting married. That's more than enough right? More thank enough… Hehehe…" Saad ni Johnny Bravo.

Muntikan kong maibuga ang vodka na iniinom ko sa pagmumukha ng mokong na ito. Napansin nila na para akong nasamid at sabay-sabay silang natahimik at napatingin sa akin. "Are you alright dude?" Tanong sa akin ni Johnny Bravo.
"Ahh… Yeah… I'm okay…" Sagot ko.

"How about you Den? Are you married?" Tanong sa akin ni Jen. "I'm single." Sagot ko sabay ngiti sa kanila.
"Single as in… Single "single" or Single but in a relationship?"

Paksyet!

Gusto kong mag Kawarimi no Jutsu (Body Replacement Technique) para iwasan ang tanong ng mga ito.

"I'm single "complicated" type of relationship." Parang tanga kong isinagot
"Thant's interesting… What's the deal about that?" Tanong ni Johnny Bravo. "No label. As long as we are both happy then… that's how the deal works."
"O-kay… No label means no commitment or love? Tama ba?"
"Exactly…"

"No love? Okay yun ah…" Saad ni Jen.

"Maybe there is love… One way or another…"

"Paano ka tatagal kung walang love?" Tanong ni Betty Boop.

"Well, I think the point is kung gusto niyo ang isa't isa, kung masaya kayong magkasama at nagkakaintindihan kayo to make things work or to make that relationship work, I guess pareho lang yan sa naka-label or naka-tag na relationship. Who believes in love anyway? Pagdating ng panahon, kapag nagkasawaan na kayo, naiirita na siya sa itsura mo, hindi na niya napapahalagahan ang effort mo, nabubuwiset na siya sa kadramahan mo, at some poin you know, maghihiwalay at maghihiwalay din kayo." Paliwang ko sa kanila.

Tahimik silang lahat na nakikinig sa akin. Nahuhuli ko pa silang nagtitinginan sa isa't isa.

Hindi ko rin alam kung papaano ko nasabi iyon sa harapan nila. Ganito na ba talaga ako?
Dati ako yung uri ng tao na hinihikayat ang isa pang tao na maniwala sa putang inang pag-ibig na yan.

Ngayon naman ako na mismo ang nagpapamukha sa kanila ng katotohanan na baka nga hindi nag-eexist ang love love na yan.

Kasi kahit ano pang ginawa mong pagpapahalaga, paghihirap, pagpapakatao, pagtitiwala mo sa taong minahal mo, eh darating ang isang araw na bigla ka na lang nila kakalimutan, hindi paninindigan at iiwanan.

"Wow… That's so cruel… But it happens right? Shit happens…" Saad ni Jen. "Reality bites…" Dagdag ko.
"Well, that's your own perception about love dude, we do respect it. I guess, lets just call it a night… Pupunta pa kasi kaming Cavite bukas ni baby… We have to leave early." Saad ni Johnny Bravo.

Alam kong nasa cloud-nine pa silang dalawa ng girlfriend niya kaya nagbubulag-bulagan lang siya sa riyalidad na sinabi ko.

Tama siya, opinion ko yun at desisyon niyang hindi maniwala.
"Thank you guys for letting me hang out with you… Have a wonderful night guys…" Saad ko. "Nice meeting you dude…"
"Nice meeting you Dennis…"

Sabay-sabay silang nagtayuan at mabilis na lumabas ng bar.

Hinayaan ko na lamang sila dahil gusto ko pang uminom ng uminom ng uminom ng uminom.

"Hindi ka pa ba uuwi?" Saad ni Jen na bigla nanamang sumulpot sa aking tabi. "Oh Jen! Hindi pa eh… Maaga pa. Hehe…"
"I think I want to stay…" Muling saad ni Jen.

"Sure… I would be more than greatful…" Sagot ko sa kanya. "Do you have any other plans in mind?"
Hmmm…

"I guess I have a better idea…" Sagot ko.

Tuluyan na siyang sumama sa akin papalabas ng bar. Tuluyan na siyang sumama sa trip ko ngayong gabi.
Hindi ko nga lang alam kung hanggang saan siya tatagal. Hindi ko alam kung hanggang kailan siya makiki- ride sa mga gusto ko.

~~~

Everytime I see you all the rays of the sun
Are streaming through the waves in your hair
And every star in the sky is taking aim at your eyes
Like a spotlight

The beating of my heart is a drum and it's lost
And it's looking for a rhythm like you
You can take the darkness from the pit of the night
And turn into a beacon burning endlessly bright

I've gotta follow it 'cause everything I know
Well it's nothing till I give it to you

But I'm never gonna make it without you
Do you really want to see me crawl
And I'm never gonna make it like you do
Making love out of nothing at all

Out of Nothing at All
(Making Love)
Out of Nothing at All
(Making Love)
Out of Nothing at All
(Making Love)
Out of Nothing at All
(Making Love)
Out of Nothing at All
(Making Love)
Out of Nothing at All
(Making Love)

(Making Love Out Of Nothing At All by Air Supply)

Nagpalakpakan ang lahat ng mga tao sa videokehan malapit sa Julio Vargas.

Gustong-gusto nila ang pagkakakanta ko ng isang klasik mula sa paborito kong grupo – Air Supply. Pati si Jen ay natatawa sa aking pinaggagagawa at mukhang okay lang naman sa kanya ang ginawa kong pagwawala.

"Hahaha… Anong pinaghuhugutan mo Den? Feel na feel mo ang pagkanta ah…" "Hehehe… Ayos ba? Paborito ko yang kanta na yan eh…"
"Nakakatawa kasi pati mga high notes gusto mong abutin… But you did great so don't worry. May talent ka pala talaga sa pagkanta."
"Yeah… Hidden talent… Itatago ko na lang… Hehehe…" "No seriously… You did great."
"Thank you… Thank you… Thank you…"

Matapos niya akong pinagbigyang kumanta sa videokehan ay agad naman kaming pumasok sa aking sasakyan.
Dahil full tinted namana ng car windows eh siyempre kaagad ko namang sinunggaban si Jenny. Pumuwesto kami sa bandang likuran ng aking kotse. May kasikipan pero talagang tiniis na lang namin sa
ngalan ng kalibugan.

Tulad ng naiimagine ko kanina pa, ay ganda nga talaga ng suso nitong si Jen. Doon ko ibinabad ang aking mukha at halos hindi ako makahinga dahil sa ginagawa niyang pagdiin at pagngudngod sa akin. Hinahalikan ko siya sa leeg, sa ilalim ng kanyang tenga at siyempre sa kanyang malambot na labi.
"Oooooooh so goooood…" Mahina niyang pag-ungol. Hindi ko alam pero…
Parang hindi ako ganoon kagigil sa kanya.

Kahit pa sarap na sarap ako sa ginagawa kong pagpapak sa kanyang suso, eh sadya yatang wala ako sa wisyo.

Bigla akong huminto.

"Sorry…" Saad ko sa kanya.

"Are you okay? Gusto mo doon na lang tayo sa place mo?" "Antipolo pa ako."
"Puwede naman tayo sa condo ko, kaso huwag lang tayo masyadong maingay. May kasama kasi ako sa
condo eh…"

"I'm sorry… I think I'll just go home." Diretsahan kong saad kay Jen. "What???"
"Sorry… Wala ako sa mood at wala rin ako sa wisyo…" Dagdag kong paliwanag sa kanya.
Maya-maya ay bigla akong nagising nang dumampi ang kanyang kamay sa aking mukha. Hindi upang
ito'y haplusin kundi para sampalin.

Nawala ang kalasingan ko sa sobrang lakas.

"fuck you! Tiniis ko ang ka-emohan mo… Tiniis ko ang kadramahan mo… Tiniis ko pa makasama ang isang loser na tulad mo… And this is what I get? Jerk!" Galit na galit na saad ni Jen. Kanina lamang ay para siyang hindi makabasag-pinggan na tipo ng babae, ngayon ay nagtransform siya sa sobrang kalibugan.

Hindi na lang ako sumagot.

Nakayuko na lang ako at hinayaan siyang ayusin ang kanyang sarili. Ibinalik niya ulit ang dalawa niyang suso sa hapit na hapit na kasuotan.

"Your dumb! I think you deserve to be lonely for the rest of your life!!!" Saad sa akin ni Jenny sabay dabog ng pintuan ng aking kotse.

Reality bites.

Tinamaan ako sa sinabi niya sa akin.

Iniisip ko kung deserve ko na maranasan ang ganitong kabiguan.

Iniisip ko kung deserve ko na balewalain ng babaeng pinahalagahan ko ng lubusan.

Iniisip ko kung deserve ko ba talaga na maiwan mag-isa.

At parang si Jen pa ang nagbukas ng posibilidad na baka nga karapat-dapat ko itong maranasan lahat. I deserve to be lonely for the rest of my life.
Kahit gusto kong balikan ang mga nangyari sa aking nakaraan para itama ang mga pagkakamaling nagawa ko, at kung bakit na-deserve ko ang ganitong uri ng karma.

Pero wala… Walang Ctrl + Z. Walang Undo button. Walang rewind. Walang replay.
Maya-maya ay biglang sumagi sa aking isipan ang isang babae na sa tingin ko'y mas malala pa ang
kanyang pinagdadaanan sa mga oras na ito. Si Kat.
Ano na ba ang nangyari kay Kat?

Kamusta na kaya siya?

Hindi ko lang dapat iniisip ang sarili ko, dahil parehas kami ni Kat na iniwanan ni Martha. Ako ang nanloko.

Ako ang nang-agaw.

Ako ang nang-gago at nanggulo ng relasyon.

Mas may karapatang masaktan si Kat sa mga nangyaring ito. Bigla ako napatahimik.
Nag isip-isip ako, hanggang sa makarating ako sa isang desisyon. Susubukan kong itama ang mga nagawa kong pagkakamali.
And were you ever what you seemed?
Or was I a fool who fell in love with his own dream
And now you say you want to leave start a new life today
Those words I thought you'd never say

How do you heal a broken heart?
That feels like it will never beat this much again
Oh no
I just can't let go

How do you heal a broken heart?
That feels like it will never love this much again
Oh no

Tonight I'll hold what could be right
Tomorrow I'll pretend to let you go

(How Do You Heal A Broken Heart by Chris Walker)