1. Home
  2. Stories
  3. ZACK ANd SAb Book 1 - Chapter 12
Lagablab

ZACK ANd SAb Book 1 - Chapter 12

By supertoyantz ·

MAY PAHINTULOT MULA KAY SUPERTOYANTZ NA ILATHALA ANG KUWENTONG ITO SA LAGABLAB

Chapter 12

Di na kailangan pang sabihing ang salita ng masaya para sa dalawang kay Zack..

Pakiramdam nya ay nabigyan na ng katuparan ang isa sa mga pangarap nya..

Halos araw araw silang magkasama ni Sab..

Sa umaga.. Sabay silang aalis ng bahay..

Sa hapon, sabay din silang uuwi..

Sumasakay lamang sila ng jeep..

Papasok at Pauwi mula sa eskwela..

Pinayagan na din ni Sab na makapagpractice ng basketball ang binata na lalong ikinatuwa ni Zack..

Kada ensayo ay laging nanduon ang dalagita..

Wala syang pakealam kahit mag isa lamang syang nanunuod..

Basta ang mahalaga ay masamahan nya ang binata..

Lumaon ng lumaon ang ganitong mga pangyayari..

Habang tumatagal ay lalong nalululong ang dalawa sa kanilang nararamdaman..

Para kay Zack.. Wala ng mas hihigit pa sa nararamdaman nyang kasiyahan..

Kasalukuyang nasa practice ang binata..

Kasama ang kaibigang si Denzel.

Pawisan na sya.

Pero di sya madaling napapagod..

Nasa 3 - points ang binata..

May practice game sila kontra kina Brix na dati ng varsity..

Kampi nya ang kaibigan si Denzel..

Kasalukuyang ito ang may tangan ng bola..

Dinidribol..

Bantay ni Brix ang kaibigan nya..

Maya maya ay lumapit na rin ang bantay sa kaibigan.

Double Team na..

Naging alerto lalo sa pagdribble si Denzel.

.

Naghahanap ng mapapasahan ..

Pasimpleng tinaas ni Zack ang kanang braso para senyasan ang kaibigan..

Di naman nagpahalata si Denzel..

Sumalaksak sya..

Dalawa ang nakaharang..

Tumakbo sya patungo sa kaliwang bahagi ng court..

Sumunod sa kanya ang dalawang bantay.

.

Corner na sya..

Pero nakangisi lang si Denzel at hinagis ang bola..

Tumalon si Zack..

Agad nyang nasalo ang bola.

Tumili sa di kalayuan si Sab ng mahawakan ni Zack ng bola..

Napangiti ng maluwang ang binata sa narinig.

Ganado nyang dinribble ang bola palapit sa ring..

Mabilis namang nakabawi ang mga kalaban at agad dumepensa..

Pero huli na.. Biglang tumalon si Zack para i-jump shot ang bola.

.

Swak.. Ringless.

Lalong dinabog ni Sab ang upuan ..

Nagpapalakpak pa sya para sa binata..

Sumipol ang coach..

"That was a nice execution between the Team of Denzel… Good Job.. Okay okay.. We will take a rest.. Pahinga muna kayo ng 30 minutes then another set of match.. Same Team.. Okay?.. Ayusin nyo.. This will decide kung sino ang gagawin nating first five.. Sa monday Start na ng Competetion.. Go go go.. Dont eat.. Just drink..I will be back in 30 minutes.." paliwanag ni Coach Spolstra..

Agad tumakbo si Zack sa bench kung saan nakaupo si Sab..

Nilabas agad ng dalagita ang dalang tuwalya para ibalot kay Zack..

Ngiting ngiti naman ang binata..

Naupo sya habang inaasikaso ng dalagita..

"Ang galing non Zack..Shoot na shoot !.." puri ni Sab..

Tumawa si Denzel sa di kalayuan..

Lumapit sya sa dalawa habang nagpupunas din ng sariling pawis.

"Ang sarap ng may cheering squad pare..Sana ako din.." biro nya..

Ngumiti lang ang dalawa.

Masaya silang nag kwentuhan habang break ng biglang lumapit si Brix.

"Hi Sab.." bati nito.

Umismid ang dalagita..

Di pinansin ang binata ..

Asar agad si Brix pero di sya nagpahalata..

"Buti naman at nandito ka ulit.. Mukhang nawiwili ka sa basketball ah.." bati muli ng binata.

Tinitigan ni Sab si Brix..

"Syempre..Nandito si Za-.. I mean Kuya Zack.." muntik ng madulas si Sab.. Ang alam ng lahat kapatid ang turingan ng dalawa..

Napangiti na lang si Zack..

Pati si Denzel ay natatawa..

"Ah.. So pupunta ka sa game?.." tanong muli ni Brix..

Pinaikot ni Sab ang mata…

"Ngek.. Syempre.. Panunuorin ko sila.." tinuro nya sina Denzel at Zack..

Lalong nagpuyos ang damdamin ni Brix.

"Sila lang?.." tanong nito.

"Of course.. Sila lang naman ang nakikita kong marunong mag basketball sa inyo.." pang aasar nito..

Asar na tumalikod ang binata..

Rinig nya pa ang tawanan nina Denzel..

Gigil syang lumapit sa mga ka teammates na nagpapahinga.

Ilang saglit lang ay muling bumalik ang coach.. Pero di ito nag iisa..

May kasama itong dalawang lalake na may hawak na kahon..

Sumipol ang coach..

"Guys.. Come here muna.. " tawag nito..

Agad na lumapit ang iba.

Sumama si Sab sa kuya Zack nya para tingnan din ang lamang ng kahon.

Lahat napahiyaw ng buksan ng Coach ang box .. Tumambad sa kanila ang mga bagong tahing uniform..

Kulay asul ito na may black na stripes..

"Oh.. Kunin nyo na ang para sa inyo.. Tapos na ang buhay ng lumang uniforms nyo.. Kadiri din ang kulay brown.. Kulay tae.. Eto.. Bilisan nyo.. Ingatan nyo yan dahil ako ang gumastos dyan.." biro ng coach..

Nagtawanan sila..

Isa isang kumuha ang mga players..

Sina Denzel at Zack ang nagpahuli..

Napangiti si Zack ng makita ang nakasulat sa likod ng kanya..

Tiningnan nya ang coach at kumindat din ito ..

"Thanks sir.." pasasalamat ni Zack..

Tinapik lang sya sa balikat ng mabait na coach bago binalingan ang ibang players..

Nilahad ni Zack ang uniform para ipakita kay Sab..

Nanggigil naman ang dalagita.

"Akin na lang.." lambing nya.

Nakasulat sa likod ang pinagsamang pangalan nila..

Zabrina..

"Haha.. Anong susuotin nya?.." tanong ni Denzel.

Napangiti si Zack..

"Sige.. Sayo to pagtapos ng competition.." bulong nya.

Kinilig naman si Sab sa pagdampi ng hangin mula sa mga labi ng kuya nya..

NAkangiti syang tumango.

Muling sumipol ang coach.

"Oh tapos na pahinga nyo..Move guys.. Last game para sa araw na ito..Tulad ng sinabi ko.. Same team..Brix.. Bilang isa sa pinakamatagal na sa varsity.. Ikaw na ang mag lead.. Denzel.. Ikaw pa rin dyan sa kabila.. 2 quarters ulit… 10 minutes each.. Ang matatalo maglilinis ng buong gym.. Walang aangal.. You have to cooperate to your team mates in order for you to win.. Walang bibigay.. Walang magkakalat.. Walang susuko… Laban ng isa ay laban ng lahat.. Tandaan nyo.. Isa tayong fraternity dito.. And were brothers.. Understand?.." paliwanag ng Coach..

Nagsisang ayon ang lahat.

Naghati sa dalawa ang buong varsity.. Sampu sila lahat.. Sakto lang..

Lumapit kina Zack ang tatlo pa nilang kasama..

Habang lumapit naman kay Brix ang mga magiging kampi nya.

Masama ang tinging pinukol ng binata kay Zack.

Galit sya sa binata.

Mula ng makita nya si Sab ay lagi nya ng naiisip na magiging nobya nya ito balang araw..

Gwapo sya at mayaman kaya di kataka taka ang naisip nya.

Pero may hadlang..

Ang kuya kuyahan nitong si Zack na teammate nya sa varsity..

Di sya papayag.. Lahat ng gusto nya ay nakukuha nya.. At di makakaiwas si Sab..

Napangisi sya ng makaisip ng paraan para kahit papaano ay makatabla kay Zack.

Pinulong nyang mabuti ang mga kakampi.

Jump ball.

Ang pinakamatangkad sa grupo nina Denzel ang tatalon..

Laban sa pinakamatangkad sa team nila..

Di na sila aasa sa jump ball kaya mag aabang na lamang sila sa pagtapik ng bola..

Sumipol ang coach.

Tumalon ang dalawang naglalakihang manlalaro..

Tulad ng inaasahan.. Di man lang nakahawak sa bola ang kampi nina Denzel… Pero ayos lang dahil natapik ang bola palapit kay Zack..

Humanda ang binata na saluhin ito pero nagulat sya ng malapit na ang bola, bigla syang natulak mula sa likod.

Napaluhod si Zack sa lakas ng pagtulak sa kanya.

Paglingon nya ay nakangising mukha ni Brix ang tumambad sa kanya.

Nahindik si Sab mula sa bench..

"Hoy !.. Bakit mo sya tinulak?.." sigaw nya.

Nagkibit balikat lang si Brix.

"Aksidente.. Nag aagawan kame .." dahilan nito.

Pero halatang labas sa ilong..

Kunot noo lang si Denzel na inalalayan ang kaibigan..

"Pare.. Mukhang mainit ka kay bansot.. sige lang.." sabi nya..

Tumango si Zack.. Palalampasin nya na ang pagtulak sa kanya..

Umayos na sila para sa depensa..

Kalahating oras ang lumipas.. Dikit ang laban..

Lamang ng dalawang puntos ang kuponan nina Brix.

Masakit na ang katawan ni Zack.

Di lang si Brix ang laging nakakabangga at tumutulak sa kanya.. Kundi ang buong kalabang team..

Kanina pa nag iinit si Denzel pero mabuti na lamang ay malakas ang kontrol nito..

Halata na nila ang kanina pang pananadya ng mga kalaban ..

Pero ayaw nyang umangal na masakit na ang katawan dahil baka magalit lang lalo si Sab.

Nasa ilalim ng basket si Zack.

Katabi ang gumaganap na sentro nila..

Pasimple syang binulungan nito.

"Pare.. Mukhang may galit sayo sina Brix ah.." puna ng kakampi.

Napangiti na lang ng kimi si Zack..

"Ewan ko tol.. Wala naman akong ginagawang masama e.." sabi nya.

Di nya inaalis ang tingin sa binabantayan..

Tumawa ang sentro nila..

"May gusto sya sa chicks mo.." sabi nito.

Nagkibit balikat lang si Zack.

Alam nya yon..

Hawak ni Brix ang bola.

Lamang ang kuponan nya ng dalawang puntos..

Pero di sya masaya.. Hanggat nakatayo pa ang karibal nya sa puso ni Sab..Di sya makukuntento..

Pinasa nya sa kakampi ang bola.. Sabay takbo sa malapit kay Zack.

Dalawang minuto na lang..

Hinabol ni Zack ang bantay..

Dinikitan ito para di makakuha ng bola.

Tumakbo ito papunta sa ilalim ng basket .. Agad syang pumihit .. Pero nagkamali sya..

Screen pala..

NAipit si Zack sa nakaharang sa kanya .. Walang iba kundi si Brix.

Nakalayo na ang binabantayan ni Zack.

Pagtingin nya ay nanlumo sya dahil dalawa ang magiging kalaban ng sentro nila..

Ang binabantayan nito at ang binabatanyan nya..

Pinasa ng may hawak ng bola sa sentro ng kalaban..

Akmang titira .. Tumalon ang sentro nila. Pero peke lang pala.

Nag bounce pass ito patungo sa binabantayan ni Zack ..

Lay up..

Napapikit na lang ang binata dahil sa kagagawan nya..

Pero nahagip ng mata nya ang kaibigang si Denzel na mabilis na tumatakbo..

Naabutan nito ang lay up.. Dumaplis sa daliri ni Denzel ang bola kaya sumablay ito..

Rebound ng sentro nila..

Di nag isip si Zack..

Mabilis syang tumakbo patungo sa kabilang ring..

Nagulat si Brix..

Sinundan nya ang binata ..

Pero huli na..

Nakalay up na si Zack..

Aabot sana si Brix kung singtangkad sya ni Zack.. Pero maliit nga sya..

Kahit tumalon sya ay kinulang ang height nya.

.

Pumasok ang tira ni Zack.

Nag sisigaw na naman di kalayuan si Sab..

Tatakbo na sana si Zack pabalik sa kabilang ring pero napangiwi sya ng kumirot ang kanang talampakan..

Mabilis ang naging reaksyon nya.

Agad nya itong tinago kay Sab.

Siguradong mag aalala ang dalagita.

Imbes na tumakbo..

Naglakad na lamang si Zack pabalik..

Akala nya nagtagumpay na syang itago ang nararamdaman pero tumabi sa kanya si Denzel.

"Pare.." sabi nito..

Tumango si Zack.. Ngumiwi ..

"Wag mong sabihin kay Sab pare.." pakiusap nya.

Tumango si DEnzel.

"Kaya mo pa?.." tanong nito.

Pinakiramdaman ni Zack ang paa..

"Oo pre.. Kaya pa.." sabi nya.

Tinitigan sya ng kaibigan..Bago muli itong bumalik sa pwesto.

Inabangan nilang lima ang pagdating ng mga kalaban.

Inis na nag dribble si Brix..

Kada tingin nya kay Sab ay nahuhuli nya itong nakatitig lamang kay Zack..

Parang nangangarap ng gising ang dalagita..

Lalo lamang syang nagpuyos sa binata.

Sa inis.. Sumalaksak sya..

Binangga nya ang bantay..

Tumira.

Tumalon ang sentro ng kalaban..

Supalpal ang bola..

Pero nakakuha sya ng foul..

Tahimik na nagdribble sa free throw si Brix.

Ang isip ay naglalaro kung paano makukuha si Sab ..

Tinira nya ang bola..

Pero nagtawanan ang mga kapwa nya players dahil kapos ito..

Ngitngit ang binata..

Muling binigay sa kanya ng coach ang bola.

Nag dribble syang muli..

Nag focus..

Tabla ang score kaya kailangan nilang pumuntos..

Akmang titira na sya ng biglay sumigaw si Sab.

"Go Zabrina !!!…" sigaw ng dalagita..

Alam nya ang ibig sabihin non.. Di sya tanga para di maintindihan ang simpleng lambingan ng dalawa..

Dala ng inggit at galit..

Muling sumablay ang tira nya.

Agad na nag abang sina Denzel at Zack kasama ang sentro nila para sa rebound..

Nakapaikot sila sa ring..

Boxed out na ang mga kalaban at walang makalapit..

Sure na sa kanila ang rebound..

Tumalbog ang bola sa ring at nag bounce ito patungo sa pwesto ni Zack..

NApangiti sya..

Buong pwersang tumalon ang binata.

Nakuha nya ang bola..

Pero nagulat sya dahil pagbagsak nya..May taong nakaabang sa babagsakan ni Zack..

Sinubukan nyang kontrolin ang sarili..

Nagtagumpay syang iiwas ang katawan sa direktang pagtama sa taong nakaabang sa baba nya..

Dahilan para lumagpak sa sahig si Zack..

Nagsigawan sina Denzel at ang iba pa.

"Tangna mo Brix !.. Papatayin mo si Zack !.." sigaw ni Denzel..

Mabilis na nilapitan ng kaibigan nya si Zack.

.

"Pare.." tanong ni Denzel.

Ngumiti si Zack..

"Okay lang pre.. Pwet ko yung unang tumama.." palusot nya..

Pero ang tutoo ay balakang nya ang unang lumagpak sa sahig..

Galit na kinwelyuhan ni Denzel si Brix na tulala din sa di kalayuan.

Akmang susuntukin nya ang binata ng sumipol ang coach.

"Guys guys.. Denzel.. Tama na yan.. Di nya siguro kasalanan.." saway nito.

.

Gigil na gigil si Denzel..

"Sinadya nya yon Coach.. May galit talaga ito sa kaibigan ko.." sigaw nyang muli.

Agad pinagitnaan ng ibang manlalaro sina Denzel at Brix.

Tulala lang ang binata na nakatingin kay Zack ..

Di nya gustong mapahamak ang binata .. Ang nais nya lang ay agawin ang bola pagtapos ma rebound ni Zack.. Naisip din nya na patirin ito pagtapos.. Pero sa di inaasahang pangyayari.. Na sahod nya ang binata.

Pero sa una lang sya nagsisi.. Sa nakikita nyang paghihirap sa mukha ni Zack.. PArang naging gantimpala sa kanya ..

Ngumisi sya..

Kumunot ang noo ng Coach..

"Brix Palomar.. Magpaiwan ka .. Guys tapos na ang laro… Walang nanalo… You can all go home.. Tulad ng sinabi ko.. Maiwan ka Brix.." ma-autoridad na utos ng Coach..

Galit na dinuro ni Denzel si Brix.. Pero di sya pinansin nito..

Nakasingit si Sab sa naglalakihang players.. Nanlaki ang mga mata nya ng makita si Zack na nakahiga sa sahig..

Dinamba nya ang binata.

"K-kuyaa !.." tili ni Sab..

Napangiti si Zack.

Agad nyang inayos ang mukha para magmukhang di sya nasaktan..

"Oy !.." natatawang bati nya.

Di maintindihan ang nararamdaman..

Kaninang pagkakita nya sa pagbagsak ni Zack ay parang nahulog ang puso nya..

Natulala sya ng ilang saglit..

Ngumiti si Zack..

Pinilit ang sarili na maupo..

Napangiwi ang binata.. Kailangan nyang tumayo..

Mas masakit kapag nakaupo sya..

Inalalayan ni Denzel ang kaibigan.

"Ano pare?..Kaya pa?.. Baka gusto mong magpahospital?.." biro nya.

Natawa si Zack..

"Sira.. Pahatid naman kami pare.." ungot nya sa kaibigan.

Sinusundo si Denzel ng driver nito tuwing hapon.

"Sure pare.. No prob..Teka tawagan ko na si Manong .." sabi nya.

Iika ika na lumapit sina Sab at Zack sa pinto nila.

Kinawayan pa nila ang kaibigan si Denzel bago ito umalis sakay ng kotse..

Matapos siguraduhing nakalock na ang Gate pinilit maglakad ng dalawa..

Nakaakbay si ZAck sa dalagita.

Kahit hirap..Pinipilit ni Sab na wag ipakita sa kuya nya ang hirap nya..

Baka tumanggi itong mag paalalay..

Sya na ang nag doobell..

Nagulat si Ditas pagkakita sa anak.

Nakaakbay ito sa dalagitang anak ng amo nila.

"Zackarias !.." sigaw ni Ditas.

Natawa ang dalawa.

"Nay naman eh.. Parang nakakita ng multo.." biro ni Zack..

Natawa si Sab ..

"Nay Ditas.. Patulong po.." ungot nya.

Saglit lang natulala si Ditas.. Mabilis syang kumilos para alalayan ang dalawa..

Hinatid nila sa kwarto ang binata..

"Anong nangyari?.." tanong ng ina..

NAgkatinginan ang dalawa.

Nagpasya si Zack na wag ipagtapat ang buong pangyayari para na rin di masyadong mag alala ang ina..

"Aksidente lang Nay.. Di naman po grabe.." sabi nya.

Nagsalubong ang kilay ni Ditas.

"Anong di grabe eh di ka na nga makalakad?.." tanong nya.

Ngumiti si Zack.

"Ano pong gagawin dyan Nay?.." tanong ni Sab.

Napatingin sila sa dalagita.

"Magbihis ka muna Sabina.." utos ni Ditas.

Pero tumanggi si Sab.

"Mamaya na po.." sabi nya.

"Ako na ang bahala dito anak.." sabi ni Ditas.

Umiling lang ang dalagita.

"Ako na po please?." lambing nya.

Nagtataka si Ditas.

Pero di na sya kumontra pa.

"Hala.. Punasan mo ang parteng nasaktan kay Zack.. Tapos dampi dampian mo ng labakarang may yelo.." utos nya.

Agad na kumilos ang dalagita.

"Nay patulong po.." pa cute ni Sab.

Natawa na lang ang mag ina.

Kinagabihan..

Maginhawa na ang pakiramdam ni Zack..

Nakaupo sya sa harap ng mesang kainan at pangiti ngiti ..

Naiisip nya ang malambing na pagpupunas ni Sab sa katawan nya kani kanina lang.

Kinikilig sya sa nakikitang pag aalala ng dalagita.

Nasa kalagitnaan ng pangangarap si Zack ng makarinig ng kaluskos..

Paglingon nya ay agad na bumilis ang tibok ng puso nya ng makita ang kaakit akit na itsura ni Sab..

Nakapantulog lamang ang dalagita .

"Okay ka na?.." mahinang tanong nito.

Ngumiti si Zack at tumango..

"Salamat .." sabi nya.

Ngumiti din si Sab..

"Dun tayo sa room ko.." lambing ng dalagita..

Napangiti si Zack..

Sinubukan nyang tumayo..

Nagtagumpay sya..

Di naman pala masama ang pagkakabagsak nya.

Nagpauna na ang dalagita sa pag akyat sa kwarto nya.

Sumunod si Zack.

Pumasok si Sab sa nakabukas na pinto ng kwarto ..

Diretso sa tapat ng bintana kung saan kita ang maliwanag na buwan..

Naupo ang dalagita..

Sumunod si Zack.

Pumwesto sya sa likod ni Sab..

"Sara mo yung Door.." ungot ng dalagita..

Sumunod ang binata..

Muli syang bumalik sa likod ng dalagita..

Tumayo si Sab.

"Sit.." utos nya..

"Ikaw?.." tanong ni Zack.

"Sit.." muling utos ni Sab..

Wala ng nagawa si Zack kundi ang sumunod na lang.

Naupo sya sa silya paharap sa bintana..

Lilingunin nya sana ang dalagita ..

Pero nagulat sya ng biglang kumandong sa kanya si Sab..

Walang nagsalita..

"S-sab.." bulong ni Zack.

Napapikit si Sab sa dapyo ng hangin mula kay Zack patungo sa tenga nya.

Tila isa itong musika.

"Zack.." ganti nya.

Napangiti silang dalawa.

Sinandal ni Sab ang katawan sa malapad na katawan ni Zack..

"Sab.." bulong muli ng binata.

Lumingon si Sab.

Nagtama ang kanilang mga mata.

Di na naghintay ng sasabihin ang dalagita.

Mabilis nyang sinakop ang labi ng binata.

Automatikong napapikit si Zack ..

Kanina nya pa nais na hagkan ang dalagita pero nagdadalawang isip sya.

Mabuti naman at si Sab na ang gumawa..

Akmang palalimin nya ang halik ng tumayo si Sab..

Hinila nya ang kamay ni Zack..

Nagtatakang napatayo ang binata.

Dahan dahan nilang tinungo ang malaking kama ng dalagita.

Nahiga si Sab..

Tinapik ang katabing pwesto.

"Higa ka.." sabi nya.

Nag alala si Zack na baka may makakita sa kanya.

"Sige na.. Naka sara yung door.." utos ng dalagita.

Atubiling humiga si Zack pero hinawakan ng dalagita ang kamay nya at hinatak ng malakas.

Natatawang napahiga na din si Zack sa tabi ni Sab.

Inayos ng dalagita ang pwesto nila..

Ginawa nyang unan ang braso ng binata at kampanteng pumikit.

"Sab.." bulong ni Zack..

"Yes?.." sagot ng dalagita.

Natahimik silang dalawa.

Hinagkan ni Zack ang buhok ni Sab..

Tahimik nilang pinalipas ang mga sandali..

Punong puno ng emosyon ng mga oras na iyon si Zack.

Nais nyang ipagtapat ang nararamdaman sa dalagita..

Siguro.. Iyon na ang tamang oras.

Kahit na mabigo.. Mas mabuti na iyon kesa di nya nagawang magtapat.

Huminga ng malalim ang binata..

"Sab.. " untag ni Zack..

Walang sumagot..

Malamang na naghihintay si Sab ng sasabihin nya.

Bumilis ang tibok ng puso ni Zack..

Muli syang huminga ng malalim bago sinabi ang nilalaman ng puso..

"Sab.. Alam ko.. Suntok sa buwan itong nararamdaman ko sayo.. Wag mo sanang isipin na bantay salakay ako.. Pero gusto kong malaman mo na.. Na…" pa putol putol si Zack.

Nahihiya sya sa kakornihan.. Pero batid nyang kailangan nya itong gawin.

Ito na ang tamang oras..

Muli syang huminga ng malalim..

"M-mahal kita Sabina .." bulong ng binata.

Matagal na katahimikan ang pinalipas ni Zack..

Nagtataka sya kung bakit parang walang kasagutan ang dalagita.

Dahan dahan nyang hinawakan ang baba ni Sab at pasimpleng tiningala sa kanya..

Nais sumabog sa tawa ni Zack ng makitang himbing na natutulog si Sab sa tabi nya.

Natawa na lamang sya sa sarili..

Pero ng matitigan nya ang maamong mukha ni Sab..

Muli syang binalot ng pag ibig.

Dinampian nya ng masuyong halik ang labi ng dalagita.

Bago hinigit ito palapit sa kanya at dahan dahang pumikit..

"Mahal kita Sab..Mahal na mahal.." bulong nya.

Unti unti na din syang kinain ng antok..

ITUTULOY !!!