1. Home
  2. Stories
  3. ZACK ANd SAb Book 1 - Chapter 13
Lagablab

ZACK ANd SAb Book 1 - Chapter 13

By supertoyantz ·

MAY PAHINTULOT MULA KAY SUPERTOYANTZ NA ILATHALA ANG KUWENTONG ITO SA LAGABLAB

Chapter 13

Sumapit ang bisperas ng unang laban nina Zack..

Araw ng Lunes..

Pinulong ng Coach ang lahat ng kanyang players para sabihin ang masamang balita.

"Guys.. I just want to tell you na nabawasan tayo ng isang kasama..Sad to say wala na si Brix.. Nag transfer sya sa ibang school.. I don't his purposes .. But we lose one good brother.. " bungad ng Coach.

Nagkaroon ng bulung bulungan..

"I don't know what to say pare.. Ayaw ko sanang lumabas na masama pero masaya ako na wala na si Brix sa Team.." bulong ni Denzel.

Nagkibit balikat lang si Zack..

Maging sya ay wala ring masabi..

"Okay.. There's no practice for today.. Take a rest para sa laban natin tomorrow..That will be tuesday.. If we will be lucky at malampasan natin ang school na makakalaban natin tomorrow.. Mag aadvance tayo sa next game.. We need to focus on this match.. Laglagan tayo guys.. They will have the crowd advantage because this first match will be held at their gym..Pero syempre.. Tulad ng sinabi ko sa inyo.. Focus is the keyword..Team Cooperation.." matigas na sabi ng Coach.

Lahat tumango.

"And one more thing.. Denzel Guzman will be the new Team Captain.. I hope na okay lang sa inyo.. " dugtong pa nito..

Muli silang tumango..

Napangiti na lang si Denzel ng batiin ng mga kasama.

"Oh sige.. Matulog kayo ng maaga.. Para maaga kayong magising.. See yah Tomorrow dito at exactly 7Am.." paalala ng coach.

Umalis na ito kasama ang Team Manager.

"Guys.. Sana Teamwork tayo.. " sigaw ni Denzel.

"Oo naman pre.." sabi ng isa..

Lahat sila sumang ayon.

"Sige.. Tulog daw ng maaga. Wag na muna mag lakwatsa.." biro pa ni Denzel..

Masaya silang nag siuwian..

Kinagabihan..

Maagang natapos ni Zack ang mga gawaing bahay.

Nag rereview sya sa hardin ng makarinig sya ng tikhim mula sa likuran..

Paglingon nya ay agad syang napangiti ng makita ang among si Saimon.

"Pwede bang tumabi iho?.." tanong nito.

Napangiti si Zack.

"Syempre naman po.." sabi nya.

Naupo si Saimon sa katapat na upuang bakal..

Saglit silang natahimik.

"Kamusta ang pag aaral?.." tanong ni Saimon..

"Ayos lang naman po.. Medyo mahirap lang ng konti pero kaya pa naman.." sabi nya.

Ngumiti si Saimon..

"Eh ang Team?.. Balita ko first game nyo na bukas ah?..Di ba dapat natutulog ka na?.." tanong nya.

Tiniklop ni Zack ang hawak na kwaderno..

"Eh.. Syempre po ayaw ko namang pabayaan ang pag aaral ko.. Bale ang basketball ay libangan ko na lang po.. " paliwanag nya.

Napangiti ng maluwang ang lalake.

"Gusto sana kitang panuorin bukas.. Kaso medyo marami akong ginagawa ngayon sa opisina.. Alam mo naman na nag ka-aberya sa isa sa mga planta natin sa Zambales di ba?.." sabi nya.

"Naku ayos lang po yon.. Nahihiya na nga po ako sa inyo.. Nitong mga nakaraang araw lagi na lang akong wala dito sa bahay tuwing hapon.. Dahil po kasi sa sunod sunod na practice.. Pasensya na po ha?.." hinging paumanhin ni Zack.

Umiling si Saimon.

"Sus na batang ito..Wala yon no..Gawin mo ang gusto mo.. Di ako nagagalit ni hindi ako nag iisip ng masama dyan.. Ang akin lang.. Wag mong pababayaan ang pag aaral mo.. Pero sa tingin ko naman, di ko na kailangang sabihin pa sa iyo yan.." natatawang sabi nya.

Napangiti din ng kimi si Zack.

"Di naman po.." sabi na lang nya.

"At ayon din sa mga teachers mo.. Matataas ang mga nakukuha mong marka.. Balita ko running for valedictorian ka iho.." proud na pagbabalita ni Saimon.

Kunot noo si Zack.

"P-po?.. Di ko po alam yon.." sabi nya.

Tuluyang natawa si Saimon.

"Alam ko.. That was supposed to be a secret.. Pero ewan ko ba.. Excited akong ibalita sayo.. Sorry for ruining the suprise iho.. " sabi nya..

Napangiti na lang si Zack.

"Salamat ho sa pagtulong nyo sa amin ni Inay .. Napakalaki po ng utang na loob namin sa inyo.. Di ko po alam kung paano ito pagbabayaran.. Kaya nga po hanggat kaya ko.. Kahit ano pong gusto nyo.. Ibibigay ko.." taos pusong sabi niya..

Umilig iling si Saimon..

"You don't have to thank me that much iho.. Ikaw ang katuparan ng mga pangarap ko.. Alam mo ba yon?.." sabi nya.

Kumunot ang noo ni Zack.

"P-po?.. Ano pong ibig nyong sabihin?.." tanong nya..

Tumayo si Saimon.

Sinulyapan nya ang mga nag gagandahang mga bituin sa kalangitan..

Bumuntong hininga ang lalake..

Nagtatakang napatayo din si Zack at lumapit sa amo..

"May problema po ba kayo?.." tanong ni Zack..

Ngumiti si Saimon.. Ginulo nya ang buhok ng binata sabay inakbayan ito.

Halos mas matangkad na sa kanya ang binata..

At sigurado syang tatangkad pa ito..

Lalong naging proud ang pakiramdam ni Saimon.

Matalino..

Gwapo..

Mabait at mapagmahal na anak.

Lahat ng katangian nanaisin ng isang ama para sa isang anak na lalake..

Muli syang napabuntong hininga.

Ang tanging pangarap nya..

Isang magmamana sa apelyido nya.

"Alam mo ba na halos pare pareho ang mga pangalan ng mga ninuno ko?.." bungad ni Saimon..

Umiling si Zack.

"Tama ang narinig mo.. Mula sa Lolo ko.. Hanggang sa hmm.. Siguro syam na sunod sunod na salin lahi ang may pangalang Saimon sa angkan namin..Naputol lamang ito ng mag kaanak ng nag iisang babae ang Lolo ko.. Yun nga ang Mother ko. Halos itakwil ng Lolo ko sa tuhod si Lolo.. Di ko alam.. Pero napakabigat ng tradisyon na hinahawakan ng angkan namin.. Sinasalin ang pangalan namin.. Pero naputol ito ng ipanganak nga si Mama.. Nag iisa lang sya dahil naging komplikado ang naging panganganak ni Lola.. Muntik na daw nya itong ikamatay.. Pinapili ng doktor si Lolo.. Kung aling buhay ang dapat mawala.. Pinili nya syempre pareho.. Malaking pera ang kinailangan para maisalba ang buhay ng magina.. Isinanla ni Lolo ang lahat ng ari arian nya.. Di sya tinulungan ng tatay nya.. Dahil nga sa wala naman daw maasahan kay Lola.. Di naman daw sya nito mabigyan ng anak na lalake.. So bakit pa bubuhayin… Nagalit si Lolo.. Di sya pumayag kaya di sya humingi ng tulong sa Lolo ko sa tuhod..Nagtagumpay ang operasyon.. Pero naghirap sina Lolo.. Kayod kalabaw si Lolo ng mga panahon iyon.. Lahat ng trabaho ginawa nya mabuhay lamang ang mag ina.. Nagbunga naman.. Muling umangat ang kabuhayan nila Lolo dahil sa kasipagan at angking talino.. Nakapagtapos si Mama ng Cum Laude sa kursong Business .. Nakilala nya si Papa.. Nagbunga ang pagmamahalan nila.. " salaysay ni Saimon..

Napangiti si Zack..

"Kayo po yon.." sabi nya.

Tumango si Saimon..

"Tama..Alam ni Mama ang tungkol sa tradisyon ng angkan namin.. Kakatwa .. Naiinis sya sa kalakarang ito pero sinunod nya ang pangalan ko sa tradisyon.. Ang katwiran ni Mama ay di sya sumusunod sa paniniwala ng angkan.. Ito ay pagpupugay daw sa pagmamahal na binigay ni Lolo sa mag ina nya.. Kaya parehas kami ng pangalan ni Lolo.. Bale nag skip lang kay Mama ang tradition ng pamilya.. Kakatuwa no?.." biro nya.

Napangiti lalo si Zack..

"Ayos naman po pala. Kamusta na po ang mama at papa nyo?.. " tanong nya.

Malungkot na ngumiti si Saimon.

"Maaga silang kinuha ng Panginoon.. Sa edad na Kwarenta.. Naaksidente sina Mama nuong minsang mamasyal sila sa ibang bansa.." sabi nya.

.

Nahiya naman si Zack..

"P-pasensya na po.." bulong nya.

Ginulo ni Saimon ang buhok ng binata.

"Matagal na yon.. Alam kong masaya na silang magkakasama nila Lolo at Lola.. Im proud of them.. So much.." napatingala pa ang lalake..

Ngumiti si Zack.

"Wag mo sanang mamasamain itong sasabihin ko.. Pero di ko alam.. Parang na iintindihan ko din ang pakiramdam ng may anak kang lalake .. May magdadala ang apelyido mo sa hinaharap.." bunyag ni Saimon.. Tinitigan nya ang binata.

Napatingin din si Zack sa among lalake..

"P-pero babae po ang anak nyo.." sabi nya.

Malungkot na ngumiti si Saimon..

"Alam ko.. And Im proud of Sabina.. Pero syempre.. Di mo maiiwasan ang ganuong isipin.. Gusto ko din syempre ng may kalarong basketball twing weekend.. Yung may maiiwanan ako sa mag ina ko .. Kampante akong papasok sa trabaho dahil alam kong may makisig at matapang akong anak na lalaki na maiiwan sa bahay..Yun bang makakasama ko sa pag jojogging..Yung magmamana ng mga gamit ko .." wala sa loob na kwento nya.

Di alam ni Zack ang dapat sabihin.

Pero naisip nyang di naman siguro dapat pang magkomento pa sya sa sinabi ng among lalake..

Nakakabigla..

Totoo..

Parang sinasabi nito na gusto nitong maging anak sya nito ng totoo..

Nakakatuwa..

Nakakataba ng puso..

Pero batid nya ang limitasyon.

Nandito sya sa bahay na ito para manilbihan..

Pagbayaran ang dami ng utang na loob nilang mag ina sa pamilya nina Sab.

Wala syang balak manulot.

Swerte sa kanilang mag ina ang pamilyang ito..

Sapat na yon..

Oo nga at wala syang kinalakhang ama..

Naiisip nya din minsan na sana ay Tatay nya si Saimon..

Nabuhay ang pag nanais ni Zack na mag karoon ng totoong ama..

"Mula po pagkabata ko.. Wala akong kinagisnang ama..Minsan naiinggit ako sa mga kalaro kong bata nuon.. Sila kasi sinusundo ng mga tatay nila pagsapit ng hapon.. Ako.. Kusang umuuwi kasi di naman ako maharap ni Inay.. Wala si Inay sa bahay ng mga ganuong oras.. Nasa palengke sya nagtitinda.. Ako taga bantay ng bahay.." malungkot na pagbabahagi ni Zack..

Napangiti din si Saimon.

"Dati po.. May program sa school.. Ang dapat naming gagawin ay papuntahin ang mga Tatay namin .. Tatanungin kung anong trabaho nito..Syempre.. Wala akong mapapunta.. Nahihiya akong sabihin kay Inay yung tungkol sa Program namin.. Ayaw ko syang istorbohin sa pagtitinda.. Alam ko.. Kapag sinabi ko sa kanya yon.. Pupunta sya.. Tapos wala kaming benta ng araw nayon.. Mangungutang si Inay ng gagastusin namin para sa susunod na araw.. Magdodoble kayod na naman sya.. Kaya di ko na lang sinabi..Pinagtawanan nila ako sa room.. Pero wala akong pakialam.." pumiyok ang boses ni Zack.

.

Dumaloy sa alaala nya ang mga malulungkot na pangyayari sa kabataan nya..

Nuong minsang may nakaaway sya dahil sa pagtatanggol sa Inay nya.

"M-minsan po.. Napaaway ako.. Kasi sabi nila malandi daw si Inay.. Kasi wala daw akong tatay.. Sinuntok ko po yung nagsabi non.. Pinalo ako nung nanay nya.. Pero wala pa rin po akong pakialam.. Kahit siguro mabugbog ako.. Wag lang nilang sasaktan ang nanay ko.." marahas na pinahid ni Zack ang luha na tumakas sa kanyang mga mata..

Namangha si Saimon sa pagmamahal na inaalay ni Zack para sa kanyang ina.

Lalo syang nanggigil sa binata.

Lalo syang nanggigil sa ideyang sana ay may ganito din syang anak.

Tahimik silang nakinig sa huni ng mga insekto sa paligid.

"Malapit ka ng grumaduate iho.." iniba ni Saimon ang usapan.

Napangiti si Zack.

Pinunasan nya ang mga mata.

"Opo.. Salamat po ulit sa inyo.. Sa inyong lahat.." taos pusong sabi nya.

Natawa si Saimon.

"Sabing wala yon eh.." natatawang sabi nya.

Muli silang natahimik.

"San mo gustong mag college?.." tanong ni Saimon..

Napakamot sa batok si Zack.

"Baka ho huminto muna ako.." sabi nya.

Kinalas ni Saimon ang pagkakaakbay sa binata.. Hinarap nya ito sa kanya..

"At baket?.." tanong nya.

Nahihiyang nagbaling ng tingin si Zack..

"K-kulang pa po yung ipon namin ni Inay.." mahinang sabi nya.

Sukat duon ay natawa ang lalake.

"At para saan naman kasi yung iniipon mo?.." tanong nya..

"Para po sa pag - cocollege ko.." mahinang sagot ni Zack..

Ginulo ni Saimon ang buhok ng binata.

"Ako na ang bahala sa pag aaral mo sa kolehiyo .." sabi nya.

Nanlaki ang mga mata ni Zack.

"D-di na po.." sabi nya.

Ngumiti lang si Saimon..

"Ano bang kurso ang kukunin mo?.." tanong ni Saimon..

Nagdaydream si Zack.

"Doktor po.. Alam kong mahal.. Kaya nga po nagiipon ako eh.." sabi nya.

Bumilib na naman si Saimon..

"Good.. At least alam mo ang gusto mo… Anyway.. Tulad ng sinabi ko sayo… Ako ang gagastos sa lahat.. Wag ka ng umangal.. Magtatampo na ako eh.." sabi nya.

Natawa silang pareho..

"MAraming maraming salamat po.." naiiyak na namang sabi ni Zack.

Di mapigilan ni Saimon ang sarili .. Niyakap nya ang binata..

"Walang anuman.. Ituring mo na akong pangalawang ama mo…" sabi nya sa binata.

Napangiti si Saimon..

"Oy anong oras na.. Matulog ka na.." sabi nya.

Ngumiti ng maluwang si Zack.. Yumuko sya at nagpasalamat.

Magkaakbay silang pumasok sa loob..

Tarantang tumakbo si Sab pabalik ng kwarto..

Luhaan..

Di matanggap sa utak ang lahat ng narinig..

Di sya makatulog kaya hinanap nya ang Kuya Zack nya.

Akala nya nasa kwarto nito..

Pero pagsilip nya ay tanging si Nanay Ditas ang natutulog duon..

Sinilip nya ang sala.

Wala..

Naalala nya ang paboritong lugar ng Kuya nya..

Sa Hardin.

Napangiti sya at binagtas ang daan..

Kahit madilim ay di sya natatakot..

Napahagikgik pa sya ng makalapit..

Rinig nya ang boses ng kuya Zack nya.

Nagpasya syang gugulatin nya ito..

Pero nagtaka sya ng makarinig ng isa pang boses.

Nakilala nya ang boses ng ama..

NAg uusap ito..

Mukhang masinsinan base sa hina at seryoso ng mga tinig..

Lumapit sya at pasimpleng nagtago sa likod ng halaman.

.

Dahil sa tahimik ng paligid..

Kahit bulungan ng dalawa ay rinig nya.

Kita nya din ang pag akbay ng kanyang ama sa binata.

Masaya si Sab dahil sa kabaitan ng ama.

Pero nagulat sya sa tinakbo ng usapan..

Di sya tanga para di mabasa ang mga nilalaman ng mga salita ng ama..

Di man diretsahan pero para na ring sinabi nito na dismayado ito dahil babae ang naging anak..

At yun ay walang iba kundi sya.

Dismayado ang ama sa kanya.. Dahil babae sya..

Napupunta ang atensyon at pagmamahal nito sa Kuya Zack nya..

Sa kuya Zack nya na di nya kaano ano..

Ang pagmamahal na dapat tanging binubuhos ng pinakamamahal na ama ay napupunta sa di nya kaano ano..

Nagngitngit ang loob ni Sab.

Batid nya ang atraksyong nararamdaman nya sa kuya nya..

Pero naglaho ito ng marinig ang lahat ng sinabi ng ama.

Kulang na lang ay sabihin nito na sana ay si Zack na lang ang naging anak nito at di na sya.

Muntik ng madapa si Sab sa pag akyat sa hagdan.

Mariin nyang sinara ang pinto at tinakbo ang kama..

Dumapa sya..

Duon ibinuhos ang sigaw na kanina nya pa pinipigil.

Naiiyak sya..

Bumuhos ang masagang luha sa mga mata ni Sab.

Kaya pala.

Kaya pala kahit anong achievements nya sa schools.. Balewala.. Dahil ang tiningnan lamang nito at inaasahan ay ang mga naaccomplish ng Kuya Zack nya.

Sa pagkakaalala sa naging usapan ng dalawa..

Lalong nagpuyos ang damdamin ni Sab.

Akala nya dahil sa mabait ang kuya nya.. Di nito sasamantalahin ang kabaitan din ng ama nya.

Pero nagulat sya sa naging reaksyon nito..

Oo nga.. Sa una ay tumanggi ito sa alok ng Daddy nya na pag aralin ito hanggang College.. Pero papayag din pala ito..

Nagiinarte lang pala..

Hungkag na hungkag ang pakiramdam ni Sab..

Di pala sya importante sa ama.

Dapat magalit sya dito.

Pero di nya maintindihan ang nararamdaman..

Siguro dahil sa ama nya ito.

Kay Zack nabunton ang lahat ng sama ng loob ni Sab.

Nakatulog syang masama ang loob sa binata..

Nagtatampo sya..

Mali..

Di lang basta tampo..

Kundi Galit..

Galit para kay Zack..

ITUTULOY !!!