1. Home
  2. Stories
  3. ZACK ANd SAb Book 1 - Chapter 14
Lagablab

ZACK ANd SAb Book 1 - Chapter 14

By supertoyantz ·

MAY PAHINTULOT MULA KAY SUPERTOYANTZ NA ILATHALA ANG KUWENTONG ITO SA LAGABLAB

Chapter 14 -

Maagang nakapaghanda ng mga dadalhin si Zack..

Kanina pa sya nakapagwarm-up.. Nagjogging na sya palibot ng subdivision..

Nagawa na din nya halos ang lahat ng mga gawaing bahay..

Kakatapos lang maligo ng binata, kasalukuyan syang nasa kusina..

"Nay gising na po ba si Sab?.." tanong nya..

Kibit balikat lang si Aling Ditas habang nag luluto ng almusal.

Nagpasya si Zack na puntahan ang dalaga..

Napag usapan na nila na sasama ito upang makapanuod ng unang laban nila sa labas ng eskwelahan..

Inakyat ni Zack ang hagdan..

Tinungo nya ang kwarto ni Sab sabay marahan itong kinatok..

Pero imbes na kwarto ng dalagita ang magbukas..

Bumukas ang pinto ng kwarto nina Saimon..

Pupungas pungas na lumabas ang lalake..

Ngumiti ito pagkakita sa binata.

"Good Morning iho.." bati ni Saimon.

Nagtataka si Zack.. Alas singko pa lamang.. Masyado pang maaga para sa normal na paggising ng among lalake.. Pero nagkibit balikat na lamang sya at nginitian na din ito.

"Magandang umaga ho Tito.. Ginigising ko lang ho si Sab.. Nangako po ako na isasama ko sya sa first game eh.." sabi nya..

Lumuwang ang pagkakangiti ni Saimon..

"Oo nga.. First game mo .. Pero di lang si Sab ang sasama.. Pati ako.." sabi nya.

Nagulat si Zack.

Nakaramdam sya ng konting hiya.

"Naku.. Baka po magkalat lang ako. Nakakahiya.." sabi nya.

Tatawa tawang inakbayan sya ni Saimon…

"Sus .. Di yan.. Kaw pa.. Anyway, gisingin mo na ang prinsesa .. Mauuna na akong mag breakfast.." sabi nya..

Tinapik nya ang balikat ni Zack sabay naglakad patungong hagdan..

NApangiti na lang si Zack..

Sa likod ng pinto..

Lalong nagpuyos ang damdamin ni Sab..

Rinig nya ang masuyong paguusap ng dalawa sa labas..

Tama nga ang lahat ng narinig nya kagabi..

Gusto ng ama nya na maging anak ang kuya Zack nya..

Kung papipiliin siguro ito sa kanilang dalawa.. Malamang na si Zack ang piliin nito.. O kung sya man.. Mag iisip muna ito ng matagal..

Napapitlag si Sab ng makarinig ng mahihinang katok…

Taranta syang tumakbo at tumalon sa kama..

Muling nagtalukbong ng kumot..

Nag kunwaring tulog..

"Sab..papasok na ako ha." malambing na tawag ni Zack..

Pinihit nya ang seradura … Dahan dahan itong binuksan..

Una nyang nahagip ang nakatalukbong na katawan ni Sab..

Napangiti si Zack..

Dahan dahan nyang nilapitan ang kama ng dalagita..

Niyugyog..

"Sab.. Gising na.. Malalate tayo eh.." sabi ni Zack..

Umungol lang ang dalagita..

Bumaligtad ito ng higa patalikod kay Zack..

Pinalo naman ng binata ang balakang nito..

Napadilat si Sab..

"Sab.. Gising na.." natatawang gising ng binata..

Asar na bumalikwas ng bangon ang dalagita..

Inalis nya ang kamay ng binata na nakahawak sa bewang nya..

"Ano ba..Pasok ka ng pasok sa kwarto ko.. Kumatok ka ba?.." kunwaring tanong nya..

Nagulat ang binata..

Nahiya..

Agad syang tumayo mula sa pagkakaupo sa kama ni Sab ..

"S-sorry.. " hinging paumanhin ni Zack..

Inismiran lang sya ng dalagita..

Dire- diretso ito sa banyo..Pabalagbag pang sinara ang pinto..

Napahiya si Zack..

Dahan dahan syang humakbang palabas ng kwarto ng biglang bumukas ang pinto ng banyo..

Dumungaw ang ulo ni Sab..

Seryoso ang tingin nito sa kanya..

"Clean my room..Prepare my things.." utos nito..

Napakamot sa ulo si Zack..

"M-mamaya na yan Sab.. Malalate ako .." sabi nya..

Tumaas ang isang kilay ni Sab..

"Do I have to repeat it again?.." tanong nya..

Napapitlag si Zack..Dahan dahan syang tumungo..

"S-sige." mahinang sabi nya..

Nagbunyi ang loob ng dalagita.. Muli nyang binalagbag ang pagsara sa pinto ng banyo..

Tahimik na nagisip si Zack..

Nagtataka sya..

Kahapon lamang ay sweet at malambing ang dalaga sa kanya..

Pero ngayon..

Kataka taka talaga..

Pinilig nya ang ulo.

Mabilis syang kumilos at niligpit ang kama ng dalagita..

Eto naman talaga ang trabaho nya nuon pa..

Binuksan ni Zack ang closet..

Isa isang sinulyapan ang mga magagarang damit ni Sab..

Kahit underwear ng dalagita ay sya ang kadalasang namimili..

Abala sya sa pamimili ng may tumikhim sa likod nya..

Paglingon nya ay di nya naiwasan ang panlalaki ng mga mata ng makita ang itsura at ayos ng dalagita..

Nakatapis lamang ito ng twalya.. Tumutulo ang tubig mula buhok.. Patungong mukha.. Patunong leeg.. Hanggang sa dibdib..Pababa..

Napatingin din si Zack sa mala labanos na hita ni Sab..

Parang kinakapos sya ng paghinga..

"Nasan na mga susuotin ko?.." basag ni Sab sa katahimikan..

Nagulat si Zack..

Para syang ginising mula sa isang magandang panaginip..

NApangiti sya ng kimi..

Hiyang hiya sa sarili..

"A-ah.. Di ko kasi alam kung ano ang trip mong suotin this day eh.." palusot nya..

Muling umismid si Sab..

Sya na ang namili ng mga gamit..

Napapikit si Zack ng tumabi sa kanya nag dalagita para humanap ng mga gagamitin.

Langhap na langhap nya pinaghalo halong amoy ng dalaga..

Sabon, shampoo.. at natural na aroma ng isang babae..

Muling napalunok si Zack..

Di na bata si Sab para di nya pagnasaan..Lalake sya..

Pero batid nya ang limitasyon nya.

Dahan dahang tumalikod ang binata at naglakad palabas ng closet..

Nagtatakang napalingon si Sab..

"Hoy !.. Wag ka munang lalabas !.." sigaw nya..

Di lumilingon si Zack..

"S-sige.. Dito lang ako sa kama mo.." nabubulol na sabi nya..

Mabilis na lumabas ng closet si Zack..

Binelatan lang sya ng dalagita..

Inip na si Saimon sa salas..

Kanina pa sya bihis..

"Ditas .. Nasan na ba yung mga bata?.." tanong nya.

Nagkibit balikat lang ang babae.

"Di ko alam.. Baka nasa taas pa.." sabi nya..

Mahigit isang oras na kasing nasa itaas ang dalawa..

Nagtataka na sina Saimon at Ditas.

"Akyatin nga natin.." sabi ni Saimon..

Tumango naman si Ditas.

Magkasama nilang tinahak ang daan paakyat sa kwarto ni Sab..

Bukas ang kwarto..

Sumilip ang lalake..

Napakunot noo sya ng makita si Zack sa paanan ni Sab..

"Anong ginagawa mo iho?.." tanong ng lalake.

NApakamot si Zack sa batok..

"T-tinatapos ko lang pong lagyan ng manicure si Sab .." sabi nya.

"Eh di ba may laban kayo ngayon alas syete?.. Late na tayo !.." sabi ni Saimon.

Malungkot na tumango si Zack..

Nilingon nya si Sab na abala sa pagsusuklay.. Ni hindi man lang kinakabahan o nag aalala..

Naawa naman si Ditas sa sitwasyon ng anak.

Batid nyang kanina pa gustong umalis ni Zack pero mukhang nag tantrums na naman si Sab.

Napabuntong hininga na lang si Ditas.. Dahan dahan syang umalis dahil ayaw nyang makita ang kalagayan ng anak..

Nagalit si Saimon kay Sab..

Nilapitan nya ang dalagita..

"Anak naman.. Alam mong ngayon ang first game ni Zack tapos uutusan mo pang maglinis ng kuko mo ?.." tanong ng tatay ..

Hinipan ni Sab ang mga daliri sa kamay sabay ngumiti at nagpacute..

"Ang ganda ng color di ba Dad?.." tanong nya..

Napabuntong hininga si Saimon.

"Yea yea.. So tara na..Di ka na nahiya dyan sa Kuya Zack mo.." sabi nya..

Nagsalubong ang mga kilay ni Sab.

"Why should I?.. " taray nya.

Nagtaka naman si Saimon sa inaasal ng anak.

Pero di nya ito pinansin at tinapik sa balikat ang binata…

"Sige na iho.. Grab your things at ako na ang maghahatid sayo.." sabi nya..

Napatingin si Zack kay Sab na nakasimangot na.

"Okay na yan Sab.. Mamaya ko na lang sya tatapusin..Promise.." sabi nya.

Pero inirapan lang sya ng dalagita.

Huminga ng malalim si Zack..

Dahan dahan syang tumayo at nagpasintabi sa mag ama..

Mabilis syang lumabas ng kwarto..

Tinakbo na nya ang hagdan patungong kwarto nilang mag ina.. Hinablot ang pinahiram na duffle bag ni Saimon..

Binuksan nya ito para siguruhing nanduon ang uniporme at sapatos nya na hiniram nya kay Denzel.

Ayos..

Kumpleto na pala..

Mukhang inayos na ng ina.

Ng maalala ang ina ay takbo agad sya palabas..

Nakita nya itong nagdidilig ng halaman..

Agad nyang niyakap ang inang si Ditas at hinalikan sa pisngi.

"Nay .. Alis na po kame.." mabilis nyang sabi..

Tumango lang si Ditas.

Dahil sa nakatalikod .. Di nakita ni Zack ang luhang lumalandas mula sa mga mata nito patungo sa pisngi..

Awang awa sa anak..

Nasalubong ni Zack si Saimon sa bukana ng hagdan..

"Ready?.." nakangiting tanong ni Saimon sa binata..

Tumango si Zack..

Magkaakbay silang nagtungo sa garahe..

Sumakay sila ..

Binuhay ni Saimon ang makina .. Pero nagulat sya ng biglang bumukas ang pinto at mabilis na sumakay si Sab.

Nagkatinginan ang dalawang lalake..

Ngumiti si Saimon .. Pati si Zack ay di maiwasan ang kiligin..

Mapapanuod ni Sab ang unang laban nya.

Bumusina si Saimon..

Agad namang tinakbo ni Ditas ang malaking gate para buksan ito..

Tumabi sya sa bintana para gawaran ng masuyong halik sa noo ang anak.

"Galingan mo anak.. Tambakan mo sila.. " biro nya..

Ngumiti ng maluwang si Zack.. Proud sa nanay nya..

"Para sa inyo nay.. " sabi nya..

Ngumiti lang si Ditas..

Ayaw nyang tingnan si Sab.

Dahan dahan syang lumayo para makadaan ang kotse..

Kumaway na lang sya at pinanuod na mawala ang sasakyan sa paningin bago tahimik na sinara muli ang gate..

Late si Zack para sa warm up..

Tarantang sinalubong sya ni Denzel..Nakakunot ang noo ng kaibigan..

"Tangna pre.. San ka galing?.." tanong nya..

Napakamot si Zack sa batok..

"T-tinanghali ng gising pre.. Pasensya na talaga.." pagdadahilan nya.

Napasimangot lang si Sab sa gilid.

"Anyway.. Pare.. Si Tito Saimon.. Daddy ni Sab.. Amo ko.." pakilala nya..

Ngumiti lang si Saimon sabay ginulo ang buhok ng binata.

"Anong amo.. Ito talagang batang to.. Nice meeting you iho.. Denzel right?.." tanong nya..

Ngumiti si Denzel..

Lumapit si Coach sa kanila..

Nagkamay si Derek Spolstra at Saimon..

"This way sir.. Dito kayo sa likod ng bench namin para makapag bigay kayo ng suporta para kay Zach..Come.." aya nya..

Nakangiting sumunod si Saimon.. Seryosong nagkatitigan pa sina Sab at Zack..

Nakalayo na sila ng bumulong si Zack..

"Para sayo ang unang shoot ko Sab.." mahinang sabi nya..

Napahinto si Sab sa paglakad..

Maingay man sa gym ng eskwelahan kung saan sila dumayo para panuorin ang laban nina Zack.. Di maikakailang narinig nya ng buo ang sinabi ni Zack.. Di rin nya maiwasan ang makaramdam ng kilig..

Nakatalikod ang dalaga..

"Galingan mo.." bulong nya..

Di na ito narinig ni Zack..

Nagpalit na ng jersey si Zack.. Nagtungo sila sa isang classroom ng kalabang eskwelahan na magsisilbing gym at locker nila..

Binigay sa Coach ang susi ng nasabing room..

Maingay sa labas..

First game kasi at knock out game ang mangyayari.. Kapag matalo sila.. LAglag na sila.. Wala na.. Di na sila makakausad pa..

Kaya focused ang buong team.. Seryoso si Coach Derek..

Pinulong nyang mabuti ang buong team..

"Guys.. Remember.. We are only 9 in this Team.. Alam ko.. We are outnumbered.. But don't forget, this is only figures.. Kung inaakala nyong 9 lang kayong dumayo dito para makipagsapalaran.. Nagkakamali kayo.. Nandito ako.. So that makes us 10.. Pero di lang yon.. Nandito din yung friends ni Zack.. 11 na tayo.. Pero hindi lang ito ang gusto kong ipaalam sa inyo..Di porke tayo ang dayo.. Manliliit na tayo.. Oo.. Masasabing homecourt advantage nila ito.. Pero papayag ba kayong magpa-intimidate na lang basta?.. Para saan ang pinaghirapan nyo this past few days?.. Sasayangin nyo na lang ba sa iisang laban lang?.. " bungad ng Coach..

"Hindi !.." sabay sabay na sigaw ng mga players.

.

NApangiti si Coach Spolstra.

"Isipin na nila ang gusto nilang isipin.. Kapag may mang asar sa inyo.. Hayaan nyo lang.. Yan ang lamang nila kasi nga nandito sila sa balwarte nila.. Pero lagi nyong ifofocus ang utak nyo sa iisang bagay… Ang manalo.. Mananalo tayo.. Pwede ko bang marinig ang sigaw ng Team?.." sabi nya.

Napangiti ang lahat ng players.. Nagkatinginan sila..

"Malakas ang Ating TEAM !.." sigaw nina Zack at Denzel..

"Malakas ang Ating TEAM !.." sagot ng iba pa..

"Malakas ang Ating TEAM !.." sagot din ni Coach Spolstra.

Sigawan sila..

"Pero syempre.. Don't forget to seek for guideness .." sabi ng Coach..

Natahimik ang lahat..

Isa isang yumuko para manalangin.

Lahat nakatiim ang bagang..

Lahat nais manalo.. Pero sa malinis na paraan..

Walang susuko..

Natapos ang taimtim na pagdadasal ng may kumatok..

Binuksan ito ng Coach..

"Sir.. It's time.." sabi ng isang Committee.

Napatango si Coach..

Sinulyapan ang mga players.. Di na sya nagulat ng makita ang nagbabagang mga mata nito.. Kabaliktaran kanina na nahihiya at kimi dahil sa dami ng mga manunuod.. Lahat kontra sa kanila..

Napangiti na lang sya at niluwagan ang bukas ng pinto..

"Go get you first win !.." matigas na bigkas ng Coach..

Walang sumigaw ng tawagin ang Team nina Zack..

Inaasahan na nila ang ganitong uri ng pagtrato..

Nakaka kaba naman talaga.. Pero sabi nga ng coach.. Focus..

Umupo sila sa bench nila..

Nasa likod nya mismo ang piniling upuan ni Sab..

Di nya nililingon ang dalagita.

Lumakas ang sigawan ng tawagin ang makakalabang koponan..

Nanlaki ang mga mata ni Zack.

"Ang lalaki pare.." bulong nya kay Denzel.

Pero wapakels ang kaibigan nya.. Nagtetext lang ito..

Nagtaka si Zack..

"Sinong katext mo?..Bebot?.." biro nya.

Ngumisi si Denzel..

"Tropa pre.." bulong nya..

Napangiti din si Zack..

Ilang saglit lang may bumatok kay Denzel..

Tawa ng tawa sina Primo sa likod nila..

"Tangna nyo.. Late kayo ah.." reklamo ni Denzel..

NApangiti lang si Zack..

"Ayos pare… Sure talo kayo nyan.." biro ni Gustavo..

Kinotongan ni Zack at Denzel ang binata.

"Bakit kayo lang..?..Asan si Vincent?.." tanong nya..

Kibit balikat ang mag pinsan.

"Ayun sa canteen.. Alam mo na.. Hehe..Chibog.." sabi ni Primo..

Nagtawanan sila.

Mabilis na pinakilala ni Zack sa kay Saimon at Sab ang mga bagong dating na kaibigan..

Ngumiti lang ang mag ama..

Ilang saglit lang..

Pumito na ang ref..

Tumayo na ang mga players..

Nag apir sina Denzel at magpinsan.. Pati sya nakipag apir..

Nilingon ni Zack si Sab.. Sabay dahan dahang hinubad ang T-Shirt na suot nya.. Naiwan ang jersey..

Natulala lang si Sab ng maalala ang nakasulat sa likod ng binata..

Di nya maiwasan ang kiligin ..

Binaling nya ang tingin..

"Goodluck.." sabi nya..

Ngumiti si Zack..

"Thanks.." bulong ng binata..

Tumakbo na sya para sa jump ball..

ITUTULOY !!!