1. Home
  2. Stories
  3. ZACK ANd SAb Book 1 - Chapter 15
Lagablab

ZACK ANd SAb Book 1 - Chapter 15

By supertoyantz ·

MAY PAHINTULOT MULA KAY SUPERTOYANTZ NA ILATHALA ANG KUWENTONG ITO SA LAGABLAB

Chapter 15

Nakapwesto na ang lahat..

Pero nagulat si Zack…

Di nya kilala ang magiging sentro nila..Umikot sya para tingnan ang mukha nito.. Pero nanlaki ang mga mata nya..

"Teka pare.. S-si Rigor yan ah.." sita nya..

Ngumisi si Denzel..

Nag apir sila ni Rigor..

"Late din sya pare.. Di ka kasi nagbibilang .. Sabi ni Coach 9 tayo.. Eh kanina pa tayo 8 lang eh.. Engot ka kase.. " tatawa tawang sabi ni Denzel..

Napangiti na lang si Rigor.. Nilapitan nya si Zack..

Tarantang lumayo ang binata..

Natawa na lang si Rigor..

"Tangnang to.. Makikipagkamay lang eh.." sabi nya..

Napatingin si Zack kay Denzel..

Napailing ang binata sabay akbay kay Rigor..

"Tropa na sya pare.. Mabait naman pala itong kapreng to eh.. Mapapakinabangan pa.." sabi nya.. Sabay sikmura kay Rigor..

Napangiwi ang binata..

"Tado !.. Bakit ka nanununtok.." sigaw nito..

"Trip ko lang.." landi ni Denzel..

Tinantya ni Zack kung nagsasabi ng totoo ang kaibigan nya..

"Sus naman to.. Alam na din nila Primo na nagbati na kami ni Rigor.. Actually.. Nag iinuman kami kahapon.. Pero di alak.. Juice lang .. Haha.. " biro pa ni Denzel.

Napangiti na si Zack..

Inabot nya ang nakalahad na kamay ni Rigor..

"Sorry sa mga nagawa ko pare.." sabi nito..

Ngumiti lang si Zack.

"Wala yon.. Sige na.. May laban na kame sa talunan.." sabi na lang nya..

Napangiti din si Rigor.

"Sa wakas .. Magagamit ko na rin ang laki ko.. Di kasi sila naniniwala na di ako mananakit eh.. Akala nila porke ganito ang itsura ko puro away ang alam ko.. " malungkot na sabi nito..

Pero napatili si Rigor ng makaramdam ng sakit..

Kinukurot ni Denzel ang utong nya..

Tawa ng tawa ang mga nakakakita sa kanila..

"Ang drama mo Rigor..Pumwesto ka na dun.. Tangna ka.. Kapag di mo nakuha ang bola.. Maglalakad ka pauwi.." banta ni Denzel..

Nag change ang aura ni Rigor..

Naging pala away na ulit..

Lumapit sya sa gitna..

Nakaramdam ng pagkailang ang katapat na sentro ni Rigor..

Haggang baba lang nya ang binata..

Ngumisi si Zack..

Kinawayan sya ni Denzel..

Naunawaan nya ang gustong mangyari ng kaibigan.

Sureball sila sa jump ball.. Kaya kapag napunta kahit kanino sa kanila ang bola.. Alam na ang gagawin nila..

Pumito ang ref..

Hinanda ng lahat ng sarili..

Hinagis nito ang bola..

Mabilis na tumalon si Rigor..

Pero maaga ang naging pagtalon nya.

Napangisi ang kalabang sentro..

Sya naman ang tyempong tumalon..

Pero nagulat sya ng pagbaba ni Rigor sa lupa.. Muli itong tumalon ..

Nakuha nito ang bola..

Pumito ang ref..

Nagtawanan ang mga tao..

Asar na dinagukan nina Zack at Denzel ang kaibigang kapre..

"Baket?.." takang tanong ni Rigor..

"Gago.. Mali na nga ang pagtalon mo.. Ginawa mo pang rebound ang jump ball.. Gago ka ba?.." sigaw ni Denzel..

Pinagsisipa ni Zack ang paa ni Rigor..

Nagtatawanan ang mga tao..

Nawala ang kaba ng crowd dahil sa tangkad ni Rigor..

"Bobo ampota.. !.." sigaw ni Primo ..

Matangkad lang pala ang binata.. Pero bobo pagdating sa basketball..

Asar na pumwesto sina Zack at Denzel sa kabilang court..

Sorry ng sorry si Rigor pero iniirapan lang nila ito..

"Tse.. !.." landi ni Denzel..

Nag dribble na ang guard ng kabilang koponan..

Nakatitig si Zack sa bantay nya.. Di nya inaalis ang mga mata nya sa bawat munting pagkilos nito..

Biglang tumakbo ang binabantayan ni Zack..

Tarantang hinabol nya ito.. Pero nagulat sya ng may mabanggang katawan..

Na screen sya..

Nakuha ng binabantayan nya ang bola sabay talon..

Jump Shot..

Napangiwi si Zack..

Nagdasal na sana sumablay..

Mukhang malakas sya kay Papa J. sa mga oras na iyon dahil tumalbog lang ang bola sa ring..

Nanlaki ang mga mata ni Zack ng di pa halos nakakababa ang bola .. May kamay ng nakasalo dito.

Nagbunyi ang loob nya..

Sumigaw si Denzel..

Paglingon ni Zack ay malayo na ang kaibigan.. Nasa kabilang court na…

Mabilis na binato ni Rigor ang bola kay Zack..

Sinalo ito ng binata.. Nanakit ang kamay nya sa lakas ng pwersa ng pagbato ni Rigor.. Pero di nya ito ininda .. Nag dribble sya.. May humarang na dalawang kalaban..

Nagfake dribble sya sa kaliwa.. Walang sumunod.. Badtrip..

Muling pinasa ni Zack sa kakampi ang bola..

Pero nagulat sya ng iba pala ang napasahan nya..

Kalaban ang nakakuha ng pasa ni Zack..

Nagbalik ang lahat ng tumakbo sa kabilang court para sa isa pang atake ng kalabang koponan..

Tulala si Zack..

Nahihiya sa kamaliang nagawa pero nakita nya si Rigor na mag isang nakapwesto sa ilalim ng ring..

Takbo si Denzel mula sa kabilang court..

Tumira ang kalaban.. Tinalon ito ni Rigor pero fake lang pala..

Pasa sa ilalim ng ring.. Sa kalabang sentro ang bola..

Mabilis itong tumalon para lumay up..

Pero malas..

Malakas talaga ang mga binti ni Rigor..

Parang star player ng volleyball na nag spike ang binatang kapre..

Talbog sa ring ang bola..

Nakuha ito ng kakampi nina Zack..

Nahagip ng tingin nya si Sab na nakatitig sa kanya..

Ngumiti ang dalagita.

Parang nawala ang kaba ni Zack..

Mabilis syang tumakbo patungo sa kinaroroonan ni Denzel..

Binato sa kanya ang bola..

Tumalon ang binata..

May dalawang sumabay.. Pero tulad ng ginawa ng kalaban..

Fake lang..

NAg bounce pass sya kay Denzel..

Nakapwesto ang kaibigan nya sa ilalim ng ring..

Akmang mag lalay up ang binata ng may tumalon mula likod..

Imbes na itira.. Pinatalbog ni Denzel patalikod ang bola..

Nakuha ito ng isa nilang kakampi na nasa three points..

Walang sinayang na sandali ang kakampi nila. Tumira ito..

Nag abang agad ng rebound sina Zack..

Pero di na pala kailangan.. Swak ang bola…

Natahimik ang crowd..

Mabilis na bumaba sina Zack at Denzel ..

Nilapitan nila si Rigor..

Inakbayan ang binata..

Kumalma si Zack..

Muli nyang nilingon si Sab na nakatitig pa rin sa kanya..

"Sunod na tira sa akin pare..Para kay Sab." bulong nya kay Rigor at Denzel..

Tumango ang dalawa..

Nilingon na nila ang papalapit na kalaban..

Tinitigan ni Zack ang bantay nya..

Nagulat sya ng magsalita ito.

"Pare.. Syota mo ba yung naka dilaw?.. Yung katabi nung lalaking naka amerikana?.." tanong nito..

Kinilig si Zack..

Si Sab ang tinutukoy ng bantay nya..

Nais nyang magpanggap.. Pero mas pinili nyang magsabi ng totoo..

"Di eh.. Baket?.." sabi nya..

Ngumisi ang katapat ni Zack..

"Arbor ha.. Ang ganda eh.. " sabi nito.

Nag init ang mga tenga ni Zack..

"Anong sinasabi mo?.. Ewan ko sayo.." pag iwas nya.

"Putsa pare.. Pag ako naging syota nyan.. Aanakan ko agad yan.." nakangising sabi nito.

Napikon si Zack..

Hinawakan nya ang jersey ng kalaban sabay tinitigan ng masama.

Pumito ang ref..

Agad na lumapit sina Denzel at Rigor sa kaibigan..

"Pare ano ba yan?.." tanong ni Denzel.

Ngumisi lang ang bantay nya..

"Eto pare eh.. Binabastos si Sab.." gigil na sabi ni Zack..

Lalong ngumisi ang kalaban nya.

"Ah.. So Sab pala ang name nya.. Cute.. " sabi nito..

Pati si Denzel nakaramdam ng inis pero bilang Captain.. Pinili nyang magpakahinahon..

Kinalma nya ang kaibigan..

"Pare.. Hayaan mo na.. Di mo sya masisisi , maganda naman talaga si Sab.. Pero ito na lang ang isipin mo.. Isa lang sya sa mga pangit na taga hanga ni Sab.. Walang magagawa yan kundi magpantasya..Wag mong ibaba ang sarili mo sa hampaslupang yan.. " seryosong sabi ni Denzel..

Nagkatitigan sila ng kaibigan..

Padarag nyang binitawan ang katapat..

Natawagan ng Intentional Foul si Zack..

Nabigyan ng isang freethrow ang kalaban..

Bola pa ulit nila..

Nag switch sila ng bantay ni Denzel..

Gumulong muli ang laro..

Tambak na ang kalaban nila..

Dahil sa bilis nina Zack at Denzel.. Idagdag pa ang lakas ni Rigor sa pagkuha ng rebound.. Wala ng magawa ang kalaban.. Puro tres na lang ang binibitawan.. Minsan pumapasok .. Pero mabilis lang din itong nababawi ni Zack..

Halos 30 points na ang lamang nila..

2 minuto na lang ang natitira sa laban..

Tambak na tambak ang kalaban..

Wala ng nag checheer sa kabilang panig..

Bola nina Zack..

Hawak ni Denzel ang bola ng ipasa nya ito sa kaibigang si Rigor..

Dahil sa walang gaanong alam pagdating sa shooting.. Tinira ni Rigor ang bola.. Nagtawanan ang audience dahil parang binato ng binata ang bola..

Sablay .. Mabilis itong narebound ng kalaban..

Nagtawanan pati mga kalaban nila..

"Malaki ka lang.. !.." sigaw ng kalabang sentro..

Napakamot si Rigor sa batok.. Hiyang hiya sya sa mga kampi pero inakbayan siya nina Denzel at Zack..

"Sorry mga tol.." nahihiyang pag hingi ni Rigor ng paumanhin sa mga kakampi.

Napangiti ang buong team..

"Wala yon pre.. Isipin mo na lang na bonus practice natin ang game na ito.. " biglang sigaw ni Denzel sabay titig sa mga kalaban..

Natigil ang tawanan ng kabilang team..

Nanggigil sila..

"Putsa ang yayabang.." sabi ng isa.

Pero tumalikod na sina Zack at Denzel..

Napangiti si Rigor..

Pabading syang lumakad palapit sa mga kaibigan na lalong ikinainis ng mga kalaban…

Inbound ng kalaban.. Nakuha ng guard ang bola..

Dahil sa kawalan ng pag asa.. Mabilis na nitong tinira ang bola..

Swerte naman na pumasok..

Pero balewala na ito..

Isang minuto na lang ang natitira..

Halos 20 pa ang lamang nina Zack..

Inbound.. Si Rigor ang nasa labas..

Sumipol ang ref para ipasa na ang bola..

Bantay sarado ang mga kampi nya..

Kinabahan si Rigor..

Di nya naisip ang lamang nila..

Basta ang nasa isip lamang nya ay wag syang pagtawanan..

MAbilis nyang binato ang bola..

Patungo ito kay Zack ..

Tinakbo ng binata ang bola.

Tinaas nya ang kamay at tinalon..

Pero bigo syang maabot ang pasa ni Rigor..

Nagtawanan na naman ang kalabang crowd..

Nanliit na si Rigor sa hiya…

Pero inakbayan syang muli ni Denzel at Zack..

Piningot nila sa tenga ang binata..

"Ayos lang pre.. Matututo ka din.. Relax kase.. PUtsa.. Sino bang may kaya ng 22 rebounds?.. Ako nga 3 lang rebound ko .. Pota ka.. Abnormal ang talon mo.." pang uuto ni Denzel..

NApangiti si Rigor..

Mabilis silang pumwestong muli..

"Bwahahaha.. Tangnang kapre to.. Ang sakit na ng tyan ko sayo !.." sigaw ng nasa likod ni Sab..

"Ahahahaa.. Sinabi mo pa.. Mataas lang tumalon pare.. Pero napaka bano .. Wala.. Walang kwenta.." sabi pa ng isang katabi nito..

Asar na nilingon ni Sab ang nagtatawanan sa likod nya.

"Hoy !.. Kung wala kayong sasabihing maganda.. Better shut your mouth !.." sigaw nya..

Natigil sa pagtawa ang dalawa..

Ngumisi ang isa pa nilang kasama..

"Aba aba.. May fans pala ang kalabang Team dito.. Alam mo miss ganda.. Wag ka na makelam.. " sabi ng isa.

Sumagot ang katabi nitong kulot na may hikaw sa tenga..

"Oo nga pare.. Ang ganda nya.. Anong name mo miss?.. Hatid ka na namin pauwi.." nakangising sabi nito.

Narinig ito ni Saimon kaya pagalit nyang sinaway ang mga binata..

"Guys.. Give respect please.." mahinahon nyang sabi..

Nagtawanan ang tatlong lalake.

"Ay si Congressman.. Mukhang nahihilig tayo sa bata ah.. " pang aasar ni Kulot..

Nagpuyos ang loob ni Saimon..

Pero batid nyang pag pumatol sya sa mga ito ay sya ang magmumukhang walang pinagkatandaan..

Imbes na patulan.. Inakbayan nya si Sab..

"Don't mind them baby.." bulong nya sa anak..

Napangiti na lang si Sab at nagfocus sa panunuod sa Kuya Zack nya..

Pero di pa rin tumitigil sa pang aasar ang mga lalake sa likod nila..

"Naks.. Ang sweet.. Magkano kaya ang inoffer nya dyan pre?.." tanong ng isa.. Pabulong pero rinig pa rin ng iba..

Sinikap magpigil ni Saimon..

Pero talagang napuno na sya..

Nilingon nya ang tatlong bastos na binata..

Pero nagtaka sya dahil paglingon nya iba na ang nakapwesto sa likod ng mga ito..

Ngumisi sa kanya ang tatlong binata sa likod ng mga bastos na binata..

Napangiti na lang sya..

"Uy pare.. Mukhang masaya si Congressman ah.." patuloy ng isa..

Pero nagulat sya ng maramdaman nyang basa na ang likod nya..

Tarantang tumayo ang binata at pinagpag ang likod..

Basa nga ito .

Paglingon nya sa upuan ay may yelo..

Nagtaka sya kung saan galing ang tipak ng yelo..

Pagtingin nya sa likuran nya at nakita nya ang tatlong gwapong binata na umiinom ng soda..

"Pare naman.. Di namin makita eh.." sabi ni Primo..

Napakunot noo ang kulot na binata..

"Sayo ba galing itong yelo?.." tanong nya..

Pero di sya pinansin ni Primo..

Patuloy itong sumisipsip ng soda..

Asar na muling naupo ang kulot..

Tumawa sya dahil sa kapalpakan ng malaking binata na kalaban ng school varsity nila..

Pero nahinto ang pagtawa nya ng muli syang makaramdam ng malamig na bagay sa likuran nya.

Taranta na naman syang tumayo..

"Putsa.. Ikaw naglagay ng yelo ano?.." sigaw nito..

Kunot noong tumayo din si Primo..

Nanliit si Kulot ng malaman nya ang diperensya ng height nila..

Hanggang baba lamang sya ni Primo..

"Ayan.. Kailangan ko pang tumayo para makanuod ng tama.." nakatitig ng seryoso si Primo habang umiinom ng SODA..

Nakaramdam ng gulo ang dalawa pang kasama ng kulot kaya tumayo din sila para sana takutin ang matapang na binata..

Pero nanliit sila ng tumayo din sina Gustavo at Vincent sa tabi ni Primo..

Seryoso na ang mukha ng tatlo..

"Kulang kayong tatlong bubwit sa amin.. Bago matapos ang laro.. Humanap kayo ng sasama sa inyo.. TApos bumalik kayo dito ..Kahit saan.. Kahit ilan kayo.. Di namin kayo aatrasan.. " seryosong sabi ni Primo..

Nanliit ang tatlo.. Nagkatinginan sila..

Isa isang umalis sina Kulot.. Pero bago sya umalis.. Binilinan nya si Primo..

"Sa likod ng building na yon..Ang yayabang nyo eh dayo lang kayo dito.." sabi nito..

Inirapan lang siya ni Primo..

Muli silang tumili nina Gustavo at Vincent para bigyang suporta sina Zack at Denzel..

"Go papa Z.. !.." sigaw ni Primo..

Napabungisngis si Sab..

Natawa din si Saimon.. Sinulyapan nya si Primo at lihim na nagpasalamat sa binata sa pamamagitan ng tingin..

Ngumisi lang si Primo..

Sa isip sip ni Saimon .. Mababait ang mga kaibigan ni Zack..

Pero bumulong si Primo sa kanya..

"Sir.. SAgot nyo ho pamasahe namin pauwi ha.." sabi nito..

Imbes na magalit.. Bumunghalit ng tawa si Saimon sa banat ng binata..

Back to ballgame..

28 seconds na lang ang nalalabi..

Last posession nina Zack..

Hawak nya ang bola.

Wala ng may ganang magbantay sa kanya..

Nilapitan sya ng ibang players para makipagkamay..

Gumaganti ng kamay ang binata.

Pero nagulat sya ng may tumapik sa hawak nyang bola..

Pagtingin nya ay yung bantay nya kanina na nagkagusto kay Sab..

"Pare.. Anong Pager number ni Sab?.." tanong nito..

Di na lang ito pinansin ni Zack..

Pero hinabol pa sya nito.

"Pare naman.. Sige na.. Promise kapag nakaiskor ako sa kanya.. Papasa ko sayo.." nakangising sabi nito.

Sukat duon ay di na nakapagpigil si Zack..

Bumwelta sya ng lingon sabay sinuntok sa panga ang binata..

Hilo itong bumagsak sa sahig.

Mabilis na pinalibutan si Zack ng kalabang team.. Tinulak tulak sya.. Yung iba hinablot ang uniporme ni Zack..

Tarantang napatakbo si Denzel sa kaibigan..

Pati si Rigor ay sumugod..

NAgkaroon ng komosyon dahil sa pagsuntok ng binata sa kalabang player..

Mabilis na naharang ni Denzel ang sunod sunod na tulak para kay Zack..

Pati si Rigor bumalik ang mabangis na anyo para protektahan ang kaibigan..

Nakatitig lamang si Zack sa sinuntok nya.

Kulang pa ang nagawa nya..

Pakiramdam nya nanunuot pa sa utak nya ang sinabi nitong pambabastos kay Sab..

Pinilit nyang kumawala sa pagkakayakap ni Rigor..

Mabilis syang nakalapit sa nakabulagtang binata .. Malakas nya itong tinadyakan sa tagiliran..

Napaigik sa sakit ang kalaban ni Zack.

Sumipol ang ref..

Nag flagrant foul si Zack..

Pinatalsik sya sa laro..

Sinamahan ni Coach Spolstra ang binata patungong room na naka assign para maging dug-out nila.

Duon nya kinompronta ang binata.

"Damn it Zackarias !..Anong naisip mo at bigla mong binanatan ang bantay mo?.." sigaw ni Coach..

Di nakaramdam ng pagsisisi si Zack..

Tahimik lamang syang nakikinig sa sermon ng Coach..

Mainit pa rin ang kamao nya..

Nais nyang burahin ang mukha ng binata ..

Kung di lamang sya naawat at napalibutan agad.. Malamang na ganun nga ang nagawa nya..

Gigil na gigil sya..

Napamura na naman ang Coach..

Inalog na ang binata na tulala at nakangisi pa..

"Di ako makapaniwala na bayolente ka palang tao Zackarias.." sigaw nito..

Napatingin si Zack sa Coach..

"Akala ko ang bait mo.. Pero nasa loob pala ang kulo mo..Punyeta.. Alam mo ba ang magiging sentensya ng ginawa mo?.. Pwede kang mapatalsik sa susunod na game.. O kaya di ka na makalaro sa buong competition !.." muling sigaw nito..

Nahindik si Zack..

"S-sorry po.." duon nya lang napagtanto ang nagawa.

Pero talagang di sya nakakaramdam ng pag sisisi..

Bumuntong hininga ang Coach..

"Labas sa ilong ang pag sosorry mo Zack.. Alam ko na may dahilan ka.. Pero sana naisip mo ang maaaring mangyari.. Di lamang ang paglalaro ang nilagay mo sa alanganin.. Pati ang mga kasama mo sa Team.. Pwedeng malagay tayo sa watch list.. Konting foul na gagawin nila ay magiging masama na ang impresyon ng iba.. " napapailing ang Coach..

Lalong nahindik si Zack..

Napaupo sya at hinawakan ang ulo..

"Aaminin kong di po ako nagsisisi sa panununtok sa kalaban ko Coach.. Pero di ko po gusto na malagay tayo sa alanganin.. Ang buong Team.. Sorry po talaga Coach.." sabi nya.

Napangiti ng malungkot si Coach..

Tinabihan nya ang binata sa pagkakaupo nito..

"Ano ba kasi ang pumasok sa kukote mo at sinapak mo na lang bigla?.. Di ka pa nakuntento.. Sinipa mo pa.." sabi niya.

Luhaan na si Zack..

Sising sisi sya sa maaaring maging sitwasyon ng mga kakampi sa Team..

Tinitigan nya ang mabait nyang Coach..

"K-kasi po.. Binastos nya po si Sab.. Kung ano anong sinabi nyang masama.. Sabi nya aanakan nya daw si Sab.. Nagalit ako Coach.. Sorry po talaga.. Sorry po.." humagulgol na si Zack..

Nakakaunawang hinagod ni Coach Spolstra ang likod ni Zack..

Napangiti ang dalagita ..

Napasandal sya sa dingding habang hawak ang puso nyang mabilis na mabilis ang tibok..

Yun pala ang dahilan kung bakit bigla na lamang nanuntok ang binata..

Di nya maiwasan ang kiligin..

Kanina, kitang kita nya ng sapakin ni Zack ang kalapit na player.. Bago iyon ay nakita nyang nag uusap ang mga ito.. Di nya alam kung ano ang pinag uusapan nila… Bigla na lamang bumulagta ang katapat ni Zack..

Gusto nyang lapitan ang binata.. Pero hinawakan sya ng ama at sinabing kaya na daw ni Zack ang sarili nya..Baka kung ano pa daw ang mangyari sa kanya..

Nais nyang yakapin si Zack sa mga oras na iyon.. Mabuti na lamang ay naprotektahan sya nina Denzel at Rigor kung hindi ay malamang na lamog na sa bugbog ang binata..

Napatalsik sa laro si Zack..

Nagkaroon ng tyansang makaskor ng 5 points ang kalaban..

Pero mahusay itong nadepensahan nina Denzel at ng buong TEAM.. Kahit wala sina Zack at ang Coach.. Nanalo sila..

Di mapakali si Sab..

Pasimple syang umalis sa tabi ng ama na masayang binabati ang mga players.

Sinundan nya ang daan na tinahak nina Zack at ng Coach..

NAkita nya ang saradong classroom..

Aalis na sana sya ng marinig ang sigaw ni Coach Spolstra..

Pasimple syang gumapang sa dingding .. Sinilip ang binata..

Duon nya nakita si Zack na nakaupo at nakayuko..

Rinig nya ang pag uusap ng dalawa..

Tinatanong ng Coach ang dahilan ni Zack kung bakit nanapak na lamang ito basta..

Nais nya ding malaman ang dahilan kaya nakinig sya kahit bilin ng ama na masama ang nakikinig sa usapan ng iba..

Naghintay sya na sabihin ni Zack ang dahilan nito..

Di sya nabigo.. Sinabi ng binata ang rason kung bakit ito bigla na lamang nanuntok..At di nya maiwasan ang mapangiti..

Sya pala ang naging dahilan ni Zack..

Nais syang protektahan ng binata..

Kinilig ng bongga si Sab..

Mabilis syang umalis sa pinagtataguan at bumalik sa tabi ng ama..

Nagtaka si Saimon ng biglang sumulpot ang anak..

"San ka galing iha?.." tanong nya..

Pero kumindat lamang sa kanya si Sab..

Lumapit na ito kina Denzel na nagpapahinga..

"Congratz guys.." sabi ng dalagita..

Ngumiti ang buong Team..

Lumingon si Denzel sa dating pwesto ng mga kaibigan..

"Nasan na naman ba yung mga gagong yon?.." tanong nya sa sarili..

Pinahupa muna ng TEAM ang sitwasyon bago pasimpleng sumakay muli sa service nila..

Sumama si Denzel sa kotse nina Saimon ..

"Dito ako.. Aircon.." sabi nya..

Natawa nalang si Saimon at Sab..

Nasa tabi ni Saimon si Denzel habang magkatabi sina Sab at Zack sa likod..

Nagpupunas ng pawis ang binata.

Imbes na paandarin ang sasakyan.. Binuhay lamang ni Saimon ang makina..

Tinitigan nya ang binata sa likod ng reaview mirror..

"Zack iho.. Alam kong may dahilan ka.. Pwede ko bang malaman?.." tanong nya..

Ngumiti ng malungkot si Zack..

Bago pa man sya makapagsalita.. Lumapit si Sab sa ama at bigla itong binulungan..

Kunot noo si Saimon ..

"Paano mo nalaman yan iha.?.." tanong nya.

Ngumiti ang dalagita..

"Basta na kase.. Im hungry na eh.." ungot nya..

Nagtawanan sila..

"Eh nakaupo lang tayo ah.. Dapat sila ang gutom.." sabi ni Saimon..

Napanguso si Sab..

Natatawang pinaandar ni Saimon ang kotse pero nagulat sya ng may tatlong binatang humarang sa harap nya..

Nagulat sina Zack at Denzel ng makita ang itsura ng mga kaibigan..

Mabilis nila itong binaba..

"Oy anong nangyari?..Sinong nakaaway nyo?.." tanong ni Denzel.

Ngumisi si Primo.. Pinagpag ang maruming suot..

"Chicken feed.. Anyway.. May utang sa amin si Sir.." sabi nya..

Kinatok ni Primo ang salamin..

Natawa si Saimon..

"Di tayo kakasya mga iho.." sabi nya..

Napaisip si Primo..

"Zack and Sab.. To the front.." utos nya..

Nahindik si Zack..

Umiling sya dahil alam nyang kanina pa sya tinatarayan ni Sab.. Amoy pawis pa sya.

Pero nagulat ang binata ng nakangiting lumipat ng pwesto si Sab..

Tumingin pa ang dalagita sa kanya…

"Oh ano ba?.. Nagugutom na kame pare.." sabi ni Primo..

Dahan dahang tumabi si Zack kay Sab sa harapang upuan..

Napapikit sya sa bango ng dalagita at sa lambot ng katawan nito..

Nag siksikan ang mga kaibigan nya sa likod..

Nagrereklamo si Denzel.

"Putsa.. Kanina ang luwag.. Ang lamig.. Ngayon di na tayo kaya ng Aircon !.." reklamo nya..

Pero nagtawanan lang ang mga kaibigan nya..

Pinaandar na ni Saimon ang kotse..

Imbes na tingnan si Sab.. Binaling ni Zack ang pangingin sa labas ng bintana habang nagpupunas ng pawis sa batok..

Pero inagaw ni Sab ang bimpo nya..

Ito na ang nagpatuloy sa pagpupunas ng pawis sa likod nya..

Napangiti na lang si Saimon sa dalawa.

Nagkakantahan sina Primo at Gustavo na sinasabayan ni Vincent ng beatbox..

Aliw na aliw si Saimon sa mga sakay nya..

Masaya silang bumyahe pabalik sa eskwelahan para ipagdiwang ang pagkapanalo..

Tahimik lang sina Sab at Zack..

Ninanamnam ang simpleng pagtatabi nilang dalawa..

ITUTULOY !!!