1. Home
  2. Stories
  3. ZACK ANd SAb Book 1 - Chapter 17
Lagablab

ZACK ANd SAb Book 1 - Chapter 17

By supertoyantz ·

MAY PAHINTULOT MULA KAY SUPERTOYANTZ NA ILATHALA ANG KUWENTONG ITO SA LAGABLAB

Chapter 17

Matamang nagngitian sina Zack at Sab.

Nasa puso ang nag uumapaw na emosyon na di nila kayang pangalanan..

Ang pag sipol ng referee ang nagpahiwalay ng titigan nila..

Pulang pula ang mukha ng dalagita..

Ngiting ngiti naman si Zack.

Pakiramdam nya puno puno ng lakas ang katawan nya..

Isang huling sulyap kay Sab bago sya pumihit patalikod at nilapitan ang mga kasaman nya..

"Parang kagagaling mo lang sa masturbation pare.." biro ni Rigor..

Agad syang tinalon ni Zack para mabatukan.

"Gago.. Syempre inspired pare.." landi ni Denzel..

Pati sya kinalawit ni Zack..

Nagtawanan silang tatlo..

Muling sumipol ang referee..

Oras na ..

Isa isa na silang pumwesto..

Tahimik na ang buong gym..

Kinakabahan sila para sa school team..Di nila maiwasan ang magduda kung tatagal ba talaga sila o kung maaari ba silang manalo laban sa top 2 ng distrito..

Pumwesto na si Rigor sa gitna..

Kinamayan ang katapat na sentro..

Nabibilib ang binata dahil magsingtangkad lamang sila ng kalaban..

Sa edad na disi-sais.. Bibihira lang makakita si Rigor ng kasing height nya..Pero iba ang kaharap nya..Bukod sa matipuno din ang pangangatawan nito..

Mas mataas pa ata ito sa kanya ng isa o dalawang sentimetro..

Pero di sya lumaki na madaling masindak..

Mula ng makilala nya ang kuponan nila Zack at Denzel..Duon nya napatunayan na wala sa tangkad ang lakas..

Kungdi sa prinsipyo at tatag ng loob..

Imbes na ma-intimidate si Rigor..

Lalo pa syang nabuhayan..

Sa wakas..

May isa na ring tao na makakatapat nya sa ilalim ng ring..

Bumwelo ang binata..

Akala ni Zack si Rigor na ang pinakamatangkad na high school player ngayon taon..Pero mukhang nagkamali sya..

Halos tenga lang si Rigor ng katapat nitong sentro..

Pero mas nagulat sya ng makita ang nasa likod nito..

Tinapik ng isa pang binata ang likod ng katapat na sentro ni Rigor..

Mukhang hindi ito ang sentro ng kalabang team..

Sa likod nito ay may mas malaki pang player..

Nagkatinginan sina Denzel at Zack..

"Putsa..Kuponan ng mga kapre !.." sigaw ni Denzel..

Nagtawanan ang crowd..

Pero saglit lang..

Parang nirelease lang nila ang tensyon na nararamdaman..

Na dinagdagan pa ng mga naglalakihang mga players ng kalabang team..

Napatingin si Coach Spolstra sa kabilang bench kung saan nakaupo ang kalabang Coach..Bago sa paningin nya ang mga nakikitang players..Nuong isang araw ay bumisita sya sa eskwelahan ng nasabing team at sinulyapan ang makakalaban nila..Wala sa pagkikita nilang iyon ang dalawang naglalakihang players..Naisahan sya ng matandang Coach..

Nagsimulang makaramdam ng kaba ni Spolstra..Pero agad nya itong inalis sa kanyang sistema..Bilang isang Coach, walang puwang sa kanya ang pagiging mahina..Sya ang pinagmumulan ng lakas ng buong team kaya dapat syang maging matatag..

Sinigawan nya ang buong Team..

"Putsa !.. May libre kayong isang linggong lunch kapag tinambakan nyo yan !…" sigaw nya..

Muling nagtawanan ang mga estudyante..

Nagkatinginan ang lahat ng players..

Nagbaga ang mga mata..

Napangiwi si Spolstra at pasimpleng kinapa ang wallet..

"B-biro lang pala.." bawi nya..

Pero huli na..

Nagfocus na ang lahat ng mga players nya..

Nagtawanan sina Primo sa likod ng Coach.

"Maling galaw yun Coach..Malakas kumain si Denzel.." biro ni Gustavo..

Lalong nangiwi ang mukha ni Spolstra..

"Idagdag mo pa yung bakulaw na si Rigor..Nakuw..Butas ang bulsa, wakwak ang wallet.." landi ni Vincent..

Napangiti si Sab sa biruan ng mga tropa ni Denzel at Zack..

Parang di man lang ito nakakaramdam ng kaba..Taliwas sa kanina nya pa nararamdaman..

Mabilis ang tibok ng puso nya..Kabado sya sa kahihinatnan ng laro..

Sa nakikita nya..Luging lugi sa height team nila..

Pinagsalikop nya ang dalawang kamay at nagsimulang manalangin para sa ikapapanalo ng team..

Biglang bumingisngis si Primo sa tabi nya..

Hinawakan nito ang kanyang mga kamay at pinaghiwalay..

Nagtatakang napatingin si Sab sa binata..

Ngumiti si Primo..

"Anong ginagawa mo?.." tanong nya..

"Nagpa-pray .." maiksing sabi ni Sab..

"For what?.." tanong ni Primo..

"For them to win.." sagot ni Sab..

Umiling si Primo.. Sinulyapan ang mga kaibigan..

"Don't.." saway nito..

Nagtaka si Sab..

"Why?.. Atheist ka?.." nakasimangot na sabi nya..

"Nope..It doesnt mean na di kita pinagdasal, atheist na agad ako..I believe in God ..but you have the wrong reason for praying.." sabi ni Primo..

Napakunot noo si Sab..

"Huh?.. At ano naman daw dapat?.. " tanong nya..

Ngumiti lang si Primo..

"Instead of praying for them to win.. Why don't pray for their safety?.. Wag mong iasa ang ganyang kaliit na bagay sa Diyos..Ang mga ganyang bagay ay dapat ng tao ang gagawa..You have to pray only for their health and safety after the game..Wag ng pagkapanalo.." sabi nya.

Napakurap si Sab sabay tingin sa binata..

Di sya makapaniwalang ito ang nagsasalita..Parang di bagay..

Natawa bigla si Primo.

"Hoy..Mag jujump ball na.." sabi nito..

Ngumiti si Sab..Mabilis syang nagdasal para sa kaligtasan ng team.. Ay mali pala.. Sa lahat ng manlalaro..

Pumwesto muli si Rigor sa gitna para mag jump ball..

Nagpalit ng pwesto ang center ng kalaban .. Mas matangkad ng di hamak ..Baba lang si Rigor ng bagong dating .. Pero sya dapat magpakita ng pagkailang..

Huminga ng malalim si Zack at hinanda na ang sarili..

"So, you're Zack right?.. I learned you scored 24 points sa huling laban nyo against National High.. What does it feel ?.. " biglang may nagsalita sa likod nya..

Paglingon ni Zack ay nasa likod nya ang sinasabing "Striker" ng kalaban..

"Ako nga.. Nice to meet you pare.." magalang na sabi ni Zack..Inabot nya ang kanang kamay para makipag hand shake..

Pero tinitigan lang ito ng binata..

"Owen Clyde..But for you.. Call me striker.." pakilala din nito..

Napangiti na lang si Zack ..Muli na syang umayos ng pwesto at pinagmasdan ang mag jujump ball sa gitna..

Pumwesto na ang ref sa gitna..Hawak ang bola..

Namamangha sya sa tataas ng mga kabataan ngayon..Dibdib lang sya ng dalawang players..Napailing na lang ang kalbong referee sabay ihip sa hawak na silabato..

Kailangan nyang itaas ang hagis ng bola dahil baka di na kailanganin pang tumalon ng dalawa kapag ordinaryong hagis ang gawin nya..

Sinimulan ng referee na ibato ng mataas ang bola…

Nagtalunan ang dalawang sentro..

Namangha ang lahat ng malampasan ni Rigor ang talon ng kalaban..

Natapik nya ang bola patungo kay Denzel..

Mabilis ang naging pagkilos ng binata..

Takbo agad ito sabay hagis sa tumatakbo nilang gwardya..

Pero mabilis din ang kalaban..

Nakapwesto na agad ang dalawa sa mga ito para salubungin ang papalapit na gwardya nina Zack..

Nagdribble patungo sa gilid ang Guard .. Sumunod ang dalawang kalaban para ipitin ang nasabing gwardya.. Pero decoy lang pala sya..

Nagbounce pass ito kahit di nakatingin..Pabalik kay Zack..Hinintay naman ng binata ang palapit na bola..Wala syang bantay..Sisiguraduhin nyang papasok ang 3 points nya para makalamang agad sila..

Pero nagulat sya ng may humarang na tao sa papalapit na bola..

Pagtingin nya ay guard din ng kabila..

Mabilis itong tumakbo patungo sa kabilang courtside kung saan nagaabang ang magkapatid na kapre..

Hinagis pataas ang bola..

Tumalon si Rigor para sana maintercept ang bola pero masyadong mataas ito..

Sakto sa board ang tama..

Nagbounce pabalik sa power forward ng kalaban ..No sweat.. Dunk !..

Easy two points.

Nagulantang ang buong gym..

Pati sina Denzel ay di naitago ang pagkagulat sa bilis ng pangyayari..

Di nila akalain na mabibilis ang dalawang guards ng kalaban.

Inbound ni Zack.. Pasa sa pointguard nila..

Tinawid ng binata ang bola sabay pasa kay Denzel..

Tumayo si Denzel sa bandang gitna..

Pinagmasdan ang mga kalaban..

Dalawang guards na parang ninja.. Dalawang kapre na nagsisilbing tore sa baba ng ring.. At ang captain nilang si Striker na sureshot daw pagdating sa shooting..

Perfect team ang kalaban nila.

Pero imbes na kabahan..

Nachallenge pa si Denzel..

Kinindatan nya si Zack..Ngumiti ang kaibigan nya..Pati si Rigor ay napangiti ..

"Don't back off.. Fight !.." sigaw nya..

Salaksak agad si Denzel papasok..

Hinarang sya ng bantay nya..

Nag double team sa kanya..

Pero bluff lang pala ang ginawa ng binata..

Pinasa nya ito kay Rigor..

Nasalo agad ni Rigor ang bola..Pero paglingon nya dalawang naglalakihang players ang nasa harap nya..

Gamit ang matigas na katawan..

Binomba ni Rigor ang bola..

Di nya matulak ang pinagsamang pwersa ng dalawang matatangkad na players sa harap nya..

Hawak ni Rigor ang bola..

Nakatayo lang sya..

Nanganganib na maubusan ng oras..

Agad namang kumilos ang Striker ng kalaban para i-sandwich si Rigor..

Lalong ninerbyos ang binata.

Kailangan nya ng itira ang bola.

Tinaas nya ang kamay..

Para sana itira..

Pero wala talagang puwang para makatira man lang sya..

Suko na ang loob nya..

Aabutan na sya ng oras..Ng may mahagip ang kanyang mga mata..

Pagtingin nya sa bandang likod ng matatangkad na players..May kamay na kumakampay..

Napangiti si Rigor..

Gamit ang buong lakas.. Tumalon sya..

Tumalon din ang tatlong bantay nya..

Pero fake lang pala..

Binato ni Rigor ang bola kay Zack na libre sa 3 points..

Di na nag-pacute pa ang binata..

Mabilis nyang tinitigan ang ring sabay shoot ng bola..

Agad na pumorma ng rebound ang dalawang malaking players..

Box out agad ng isa si Rigor pero napangisi ang binata..

Di nya kailangang makipagtalo sa rebound..

Si Zack ang tumira kaya di na sya kailangan pang makipagbuno ng lakas para lamang dito..

Imbes na mag abang para sa bola..

Umalis na si Rigor sa ilalim ng ring..

Di na sya lumingon..

Pumito ang referee..

Swak ang bola..

Tama ang hinala ni Rigor..

Naghiyawan ang crowd..

Mabilis na bumaba ang buong team para salubungin ang pagdating ng mga kalaban..

Tinapik lang nila sa balikat si Zack..

Mamaya na ang celebration..Focus muna.

Napangiti ang Striker ng kalaban..

Tama ang research nila para sa team na ito..

Tulad nya.. Shooter din ang player na may nakasulat na Zabrina sa likod..Na di nya maintindihan..Para sa kanya.. Kakornihan ang nakatatak sa jersey ng kalaban..

Hawak ang bola..Mabagal nya itong diniribble patungo sa kabilang court..

Sinulyapan nya ang mga kakamping players..

Nakapwesto na ang mga ito..

Paglapit nya sa court..Napangiti na lang ang binata ng agad na lumapit sa kanya si Zack..

Seryoso ang mukha ni Zack..Ayaw nyang makalampas ay makaiskor ang bantay nya..Di na sya kailangan pang sabihan ng Coach o ng kaibigan si Denzel..

Nakatitig sya sa mukha nito..Seryoso..

Umamba ng crossover ang bantay ni Zack..Pero alisto sya..

Kaya di na ito tinuloy ng kalaban..

Nakadipa ang binata..

Nag aabang sa gagawin ng kaharap..

Imbes na mainis..Nachallenge pa ang Striker na kalaban nina Zack..

Di sya kailangang magmadali sa pag iskor..Mahaba pa ang oras..

Malaki ang lamang nila pagdating sa statistics..

Tatlo sa kalaban nila ay mataas ang kartada..Yung Denzel ay ang nagsisilbing Team Captain..

Mabilis itong kumilos sa kabila ng kalakihan ng katawan..

Yung sentro naman nila ay Rigor ang pangalan.. Sa pagkakaalam nya ay di marunong ng dribbling ang binata..

Kaya laging nasa gitna at di gumagalaw..

Eto namang nasa harap nya ay si Zack Hidalgo.. Shooting guard na tulad nya..

Napangisi ang Striker..

Mabilis syang kumilos..

Nagcrossover sya ulit patungo sa kaliwa..Tulad ng inaasahan… Mabilis na sumunod sa kanya si Zack..

Pero ito ang hinihintay nya..

Na open ang gitna dahil umalis si Zack..

Naglapit ang dalawang matatangkad na players..

Nahagip ito ng kanyang mga mata kaya binato nya ang bola pataas..

Nagulat si Zack..

Tinalon nya ang bola pero kulang ang height nya..

Nakuha ito ng Power Forward ng kalaban..

Akmang titira ito..

Tumalon naman ang kakampi nyang nagbabantay dito..Pero fake..

Tinuloy nito ang pagtalon..

Para i-jumpshot ang bola..

Libre..

Wala ng sagabal..

Bibitawan nya na ang bola ng bigla syang magulantang..

Nagtaka sya sa nangyari..

Nawala sa kamay nya ang bola..

Pagtingin nya ay nasa kabila na ang mga kalaban nya.

Hawak na pala ni Denzel ang bola..

Kasama nitong tumatakbo si Zack.

Isa lang ang bantay..

Si Striker lang..

Mabilis na nakaisip ng diskarte si Denzel..

Tinitigan nya si Zack na kasabay na tumatakbo…

Naging alerto naman ang striker..

Imbes na salubungin si Denzel.. Si Zack ang nilapitan nya..

Alam nyang ipapasa ng binata ang bola .. Ready na sya ..

Pero mali…

Tinuloy ni Denzel ang pag lay up..

Pasok ang bola..

Dagundong na naman sa gym..

Nag apir ang dalawang binata.

Tulala ang striker..Nawala na ang ngiti sa mata..

Nag time out ang Coach nila..

Nagulat sya dahil masyado itong maaga..

Nagmeeting sila..

Di sya kinakausap ng matandang Coach..

Nagsintir ang loob ng binata..

May nakaready na twalya si Sab sa paglapit ni Zack..

Napangiti ang binata..

Kinilig pero tinago nya ito sa dalagita..

30 seconds lang ang timeout kaya mabilis silang nagpahinga.

Pagbalik nila..

Inbound ng kalaban..

Sa halfcourt agad..

Mabilis na nagpasahan ang mga ito..

Napunta ang bola sa center na bantay ni Rigor..

Alisto ang binata.

Pinasa sa bantay nya ang bola.

Binomba din nito pero matigas ang katawan ni Rigor kaya di man lang nauusog ang binata..

Tumalon ang kalaban..

Napangiti ito ng di nakahabol si Rigor..

Pero mali..

Nanlaki ang mga mata nya ng tumalon ng mataas ang binata..

Humarang ang kanang palad ni Rigor at hinawakan nito ang bola..

Di nito naitira ang hawak..

Gigil na pinalo ni Rigor ang bola..

Talsik ito patungo sa guard nina Zack..

Di na kailangan ng usap usap..

Mabilis na tumakbo sina Denzel at Zack..

Todo hiyawan na naman sa crowd sa ginawang pagsupalpal ni Rigor sa mas mataas na kalaban..

Hawak ni Denzel ang bola..

Naghiwalay sila ng takbo..

Pumwesto si Denzel sa 3 points..

Si Zack din sa kabilang 3 points..

Di alam ng bantay nila ang gagawin..

Tinakbo nito ang pwesto ni Denzel na titira na sana..

Nag double team ang bantay sa kanya..

Tumira si Denzel ng mabilisan..

"Wala yan !.. " sigaw ng Striker..

Wala nga..

Pero nagbounce ang bola..Tumama ito sa gilid ng ring at tumalbo patungo kay Zack..

Nakangisi ang binata na inantay ang pagdating ng bola..

Paghawak nya..

Huminga sya ng malalim sabay tira..

Muli..

Swak ang bola..

Nagsigawan na naman ang crowd..

Nag - apir sina Denzel at Zack..

Mabilis na lumipas ang first half..

Maingay na ang buong gym..

Di sila makapaniwala sa nakikita nilang tinatakbo ng laban..

54-47 ang iskor..

Lamang ang eskwelahan nila ng tatlong puntos..

"Go go go !.. " sigaw ng karamihan sa crowd..

Nabubuhayan na ang mga tao..

Nasa bench ang buong team at kasalukuyang nagpapahinga..

Hingal na ang lahat..

Pero at least lamang pa sila..

Lumapit si Spolstra sa mga binata at pinulong ito..

"Guys.. So far you have done well.. Natutuwa ako sa pinapakita nyo..Pero sad to say it's not enough… " sabi nya.

Nagtanguan ang lahat..

"Rigor..Good job for getting many rebounds..Ang ganda ng block na ginawa mo dun sa center nila..Iho, malaki ang tsansa nating manalo dahil sayo.. " puri ni Spolstra sa binata..

Nanlaki ang butas ng ilong ni Rigor at siniko si Denzel na hingal kabayo..

"Kita mo pare?.. Si Coach na nagsabi nyan ah.." pagyayabang nya..

Pero bigla syang napangiwi ng sikmuraan ng kaibigan..

"Denzel.. Try to outsmart yung bantay mo.. I trust you iho.. You have to stay strong … " bilin nya sa Team Captain..

Tumango lang si Denzel..

Muling nagbuzzer..

Tapos na ang pahinga nila.. Second half na..

"Guys.. Ingat kayo dun sa striker.. Di pa sya kumikilos.." paalala ng Coach..

Tango ang sinagot ng lahat..

Pabalik na sila sa court ng tawagin ni Spolstra si Zack..

"Iho..Come here muna.." tawag nya.

Mabilis na lumapit si Zack.

"Yes sir?.. " tanong ng binata.

"Ingat ka..Kanina pa masama ang tingin sayo nung striker.." bilin nya..

Ngumisi lang si Zack..

"May crush saken Coach.." biro nya..

Ngumiti ang Coach..Mabilis na bumalik si Zack sa mga kasama nya..

Akmang uupo na si Spolstra ng mahagip ng mata nya ang ginagawa ng kabilang team..

Kita nya na binubulungan ng kalabang Coach ang Striker na sinasabi nila..

Tatango tango lang ang binata sabay biglang ngisi..

Tumitig ito kay Zack.

Mabilis na nagtungo ang striker sa court..

Bago umupo ang Coach ng kalaban.. Sumulyap ito kay Spolstra.. Sabay ngisi..

Nakaramdam ng kaba ang batang Coach para sa mga players nya..

ITUTULOY !!!…