1. Home
  2. Stories
  3. ZACK ANd SAb Book 1 - Chapter 25
Lagablab

ZACK ANd SAb Book 1 - Chapter 25

By supertoyantz ·

MAY PAHINTULOT MULA KAY SUPERTOYANTZ NA ILATHALA ANG KUWENTONG ITO SA LAGABLAB

Chapter 25

Kahit hindi agad nakatulog kagabi si Zack..Nagawa pa din nyang gumising ng umaga..

Pinaglabanan nya ang antok ..

Kailangan nyang gampanan ang mga trabahong nakaatang sa kanya kaya kahit na masakit pa ang mga mata, bumangon na sya at kumuha ng damit..

Maya maya ay dumiretso agad sya sa banyo..

Ang lamig ng tubig ang nagpagising ng diwa nyang aandap andap pa..

Paglabas ay naghihintay na ang ina bilang susunod na maliligo..

"Oh ang aga mo ah.." puna ng ina..

Ngumiti lamang si Zack.

Wala syang ganang makipag usap kahit kanino maliban kay Sab..

Mabilis syang lumabas ng banyo ..

Nilagay sa basket na para sa mga maruruming damit ang mga pinagbihisan nya..

Tahimik syang lumabas ng kwarto at tinungo ang floor map at basahan..

Ingat na ingat na huwag makagawa ng ingay, sinimulan ni Zack ang daily chores nya..

Sa bawat hagod ng basahan at floor map..Parang naririnig rinig nya pa ang masasakit na salita mula sa bibig ni Sab..

"Amo ako dito.. Taga silbi ka lang.." buong buong nakarating sa mga tenga ni Zack ang sinabi ng dalagita..

Masakit..

Gusto nyang hangaan ang sarili kung paano nya nagawang itago ang palihim na pag iyak sa ina..

Nakatalikod lamang sya at tahimik na humihikbi..

Sinosolo ang sakit na dulot ng dalagita..

Napakasakit ng mga salitang binitiwan ni Sab para kay Zack..

Dama nya ang sugat na iniwan ng bawat salita sa kaliit liitang himaymay ng pagkatao nya..

Di lamang ipinamukha nito kung ano ang tunay nyang katauhan sa bahay na ito kundi para pang pagyurak sa pagkatao nya ang pagkakasabi nito..

Di nya maiwasan ang mapabuntong hininga.

Napailing pa sya sa ideyang pilit na pumapasok sa isip nya.

"Wag kang masyadong balat sibuyas Zackarias !.." pang aasar ni Zack sa sarili..

Totoo..

Katotohanan ang naisip nyang iyon.

Ano nga ba naman ang pinagtatampo nya sa dalagita?.. Totoo naman talaga ang sinabi nito na ito ang AMO at isa lamang syang hamak na TAGA SILBI..

Malinaw ..

Walang labis..

Walang kulang..

Buti pa si Sab..

Sya itong mas matanda, parang sya pa ang nalalabuan sa sitwasyon nila..

Muli syang bumuntong hininga..

Akala nya magkaibigan sila..

Akala nya lalampas pa duon ang kaya nilang abutin..

Pero binakuran na ng dalagita ang pagitan nila..

Mataas na bakod na kahit si Rigor ay di kayang talunin..

Napangiti si Zack ng malungkot sa naiisip ..

Pinapasaya na lamang nya ang sarili habang naglilinis sa ikalawang palapag ng bahay..

Napahinto sya ng tumapat sa kwarto ng dalagita..

Kung dati rati ay kakatok lamang sya ng dalawang beses sabay dire diretso ng papasok..

Ngayon ay parang nagkaruon ng kuryente ang seradura ng pinto..

Ni hindi nya mahawakan ito..

Parang kapag hinipo nya ang pinto ay mamamatay sya.. O di kaya ay isang bahagi ng pagkatao nya ang mawawala..

Imbes na pihitin..

Nilampasan na lamang ni Zack ang kwarto at nagtungo na sa hagdan..

Bawat baitang ay masusi nyang nilinisan at nilampaso..

Halos magmukha ng salamin ang bawat bahagi ng hagdan dahil dito naibuhos ni Zack ang lungkot na nararamdaman..

Ni hindi na nya napansin ang oras..

Napokus na sya sa paglilinis at nahulog na sa malalim na pagiisip..

Naramdaman na lamang nya ang presensya ng ina sa likuran..

"Anak..Alas syete na ha.. " untag ni Ditas..

Nanlaki ang mga mata ni Zack..

"Hala !.. Naku po.." sigaw nya..

Mabilis na kumilos si Zack at niligpit ang mga ginamit na pang linis ng pigilan ng ina..

"Sige na..Mag-almusal ka na..Si Sabina ba ginising mo na?.." tanong ni Ditas..

Akmang sasagot si Zack ng may magsalita sa itaas na bahagi ng hagdan..

"Di na po kailangan Nanay Ditas.." sabi ng boses..

Sabay na napalingon ang mag ina..

Nagulat pareho sa ayos ni Sab..

Nakabihis na pamasok ang dalagita..

"Di ba kayo magsasabay?.. Naku ito talagang si Zack oh.. tingnan mo nga at bihis na si Sab tapos ikaw gusgusin ka pa.." sita ng ina sa anak..

Saglit nagkatinginan sina Zack at Sab..

"S-saglit lang .." paalam ni Zack..

Pero nagulat sya ng tumanggi ang dalagita..

"No need.. Sasabay ako kay Dad..Bihis na din sya.." sabi ni Sab..

Ilang saglit lang ay pababa na din si Saimon na nakabihis..

"Hay naku..Late na ako sa meeting ko mamaya.. Traffic na naman sigurado..Di na ako mag breakfast Ditas..Late na eh.. Sa office na lang.. Oh bakit di ka pa bihis Zack?.. " puna ni Saimon..

Napakamot si Zack sa batok nya..

"E-eh.. K-kasi po.." wala syang maisip na dahilan..

Sumabat si Sab..

"May practice sila first thing in the morning Daddy.. Kaya excuse sya sa first at second subject nila..Kahit late na sya pumasok Dad.." palusot ni Sab sabay tingin kay Zack… Tinaas nito ang isang kilay na parang sinasbing sumakay na lamang sya..

Tumingin si Saimon sa binata..

"Is that true iho?.." tanong nito..

Muling napakamot sa batok si Zack sabay ngiti ng kimi..

Di sya sanay magsinungaling.. Lalo na sa taong pinagkakautangan nya ng malaki..

Pero kailangan nyang sakyan ang tinahing kasinungalingan ng dalagita..

Kung di sya sasang ayon sa sinabi nito ay maaari itong mapahiya o baka mapagalitan pa ng ama..

Kaya kahit labag sa kalooban..Nilunok ni Zack ang pride at nagsinungaling sa harap ng ina at among lalake..

"O-opo .. " mahinang sabi nya..

Saglit natahimik ang mga tao.

Tiningnan ni Saimon ang relo..

"So.. It's just the two of us my baby..Come .. Traffic na talaga .." nagmamadaling lumabas si Saimon..

Mabilis namang sumunod si Zack para ihanda ang kotse..

Nalinis na nya ito nuong isang araw..

Pero napansin nya na medyo marumi na ang bandang ilalim nito..

Mukhang di naman ito alintana ni Saimon ..

Walang kyeme itong sumakay at hinagis sa likuran ang atache' case..

"Faster baby.. We have to go .." sabi ni Saimon sa anak..

Dumaan sa harap ni Zack si Sab.

Di nya mapigilan ang pagpikit ng mga mata dahil sa mabangong amoy ng dalagita..

Pagdilat nya ay nagtataka sya kung bakit nakatayo sa gilid nya si Sab…

Parang may hinihintay..

Napatingin sya sa dalagita..

"P-pasok ka na.." sabi ni Zack.

Tiningnan ni Sab ng maarte ang pinto..

"Open it.." utos nya..

Muli.

Naramdaman ni Zack ang kalamigan ng dalagita..

Di nya alam ang dahilan..

Siguro yung hindi nya pagsundo dito..

Pero parang sobra na..

Napailing na lang sya at winaksi ang unti unting pagbangon ng hinanakit sa puso nya..

Dahan dahan nyang pinagbuksan ng pinto ang dalagita sa tabi ng ama nito..

Sumaludo sya sa among lalake at ngumiti ng peke para itago ang pagluha ng puso nya..

Bumukas ang bintana sa gawi ni Sab..

"The gate.." mahinang utos nito..

Ni hindi man lang sya tinitingnan..

Tahimik at mabilis na tinakbo ni Zack ang malaking gate na bakal..

Binuksan ito at pinadaan ang kotse..

Huminto sa tapat nya ang sasakyan.. Binaba ni Saimon ang bintana sabay abot ng kung ano sa binata..

"Oh.. Pang gastos mo .." sabi ng lalake..

Inabot ni Zack ang binigay ni Saimon.. Di nya alam kung ano ito ..

Pasimple nyang binuklat at nanlaki ang mga mata nya ng makita ang liman daang piso na nakatupi..

Agad na tinapunan nya ng tingin si Sab..

Nakatingin din ang dalagita sa perang hawak nya na bigay ng ama nito..

Blangko ang ekspresyon ng mukha..

Di na bago ang pagtanggap ni Zack ng pera mula kay Saimon pero parang sa mga oras na ito ay nakakapaso ang naturang salapi..

Gusto nyang ibalik pero alam nyang magtatanong at magtatalo pa sila ng among lalake..

Lalabas pang maarte sya kung di nya tatanggpin ang pera..

Sa huli..

Unti unting tiniklop ni Zack ang pera sa kamay at yumuko sa among lalake..

"S-salamat po.. " naluluhang sabi nya..

Ginulo lamang ni Saimon ang buhok ng binata at bumusina na..

Pag-angat ni Zack ng ulo ay nagtama ang mga mata nila ni Sab..

Di nya mabasa ang sinasabi ng ekpresyon ng mukha nito..

Pero nagulat sya ng biglang ngumisi ang dalagita at tumaas ang kilay..

Di na nya nagawang magtanong pa dahil sumibad na ang kotse palayo..

Wala na syang nagawa kundi tanawin na lamang nag papalayong sasakyan..

Ramdam sa katawan ang nanunuot na tingin ng dalagita na parang sinasabing ang kapal ng mukha nya..

Walang ganang pumasok si Zack at sinara ang malaking gate..

Tahimik lamang syang pumasok sa loob ng bahay at dumiretso sa kusina..

Nadaanan nya ang ina na naghahanda ang agahan nila..

"Oh.. Talaga bang di mo na kailangang pumasok ngayong una at ikalawan mong subject?.. " tanong ni Ditas..

Ngumiti lamang si Zack..

Hindi sya umoo pero di rin naman sya tumanggi..

Naupo lamang sya sa mesa at nilahad ang perang inabot ni Saimon..

Napangiti na lamang si Ditas..

"Inabutan ka na naman pala .. Ipunin mo … " suhestyon nito..

Tumango si Zack..

Nilapag nya ang pera at tinitigan..

"N-nay.. Di po kaya nakakahiya na ?.. " tanong nya..

Natigilan si Ditas sa pagsasalin ng kape sa baso at napalingon sa kanya..

"Kung tatanggi ka.. Baka sabihin nila na nagmamalaki tayo o kaya ang arte mo..Di mo naman pinilit yan anak, kusa nilang binibigay yan sayo bilang pang gastos mo nga daw di ba?.. Kung nahihiya ka..Ipunin mo.. Di ka naman nagkukulang na iho di ba?.. Kumpleto na ang mga gamit mo kahit na mumurahin lamang .. May damit ka pa naman .. Kailangan mo ba ng perang iyan anak?.. " tanong ni Ditas sa mahinang boses..

Tinuloy nito ang pagsalin ng kape sa baso at tinulak patungo kay Zack..

Nagpasalamat ang binata..

Dahan dahan nyang sinipsip ang mainit na kape..

Nakahinga sya ng maluwag..

Kahit paano ay gumaan ang mabigat nyang nadarama sa paghigop ng kape..

Hindi nya alam kung paaano nangyari yon pero ramdam nyang kaya nya ng ngumiti ng kimi kahit papaano..

Sinulyapan nya ang ina na naupo sa tabi nya..

Blangko din ang ekpresyon sa mukha nito..

Parang naaawa sa kanya na hindi..

Tinitigan ni Zack ang mukha ng ina..

Ngumiti ito ng mapansin ang pagtitig nya..

"Oh baket anak?.." tanong ni Ditas..

Ngumiti din si Zack at umiling..

"Mahal na mahal ko po kayo.." sabi nya ng taos puso..

Naantig ang puso ni Ditas sa sinabi ng anak..

Napangiti sya ng maluwang ..Di mapiligan ang pag iipon ng luha sa gilid ng mga mata…

Inabot nya ang pisngi ng anak at hinimas ito..Tinitigan ang mga mata , ilong , labi at muling bumalik sa mga mata..

"Mahal na mahal din kita anak ko..Napakaswerte kong ina sa pagkakaruon ng anak na tulad mo.. Maunawain na, mabait pa.." lambing ni Ditas sa anak..

Ngumiti si Zack..

"Pogi pa.." dugtong ni Ditas..

Nagtawanan sila..

Inurong ni Zack ang pera papunta sa ina..

"Di ko kailangan nyan Nay.." sabi nya..

Tinitigan lamang ni Ditas ang pera..

Umiling sya at muling tinulak ito patungo sa anak..

"Di sakin binigay yan anak.. Sayo… Kung wala kang pag gagamitan.. Ipunin mo na lang tulad ng mga nauna..Ngayon, kung babawiin nila..Eh di isoli mo.. Kung may kailangan ka sa eskwela.. May pambili ka na..Sige na.. Baka magtampo si Saimon kapag nalaman nyang tinanggihan mo ang binigay nya.." sita ni Ditas sa anak..

Napatitig si Zack sa pera..

Ramdam nya pa rin ang sakit ng mga titig ni Sab ng inabot nya ito sa ama nito..

"Nay.. Sa tingin mo po.. Buhay pa kaya si Itay?.. " biglang banat ni Zack..

Nagulat man si Ditas..

Pilit nya itong tinago ..

Tinitigan nya ang anak ..

Ngumiti ng kimi para itago ang kabang nararamdaman..

"D-di ko alam anak.. " sabi nya..

Sumimangot si Zack..

"Masama ang ugali siguro ng Tatay ko .. Iniwan nya tayo sa ganitong sitwasyon.. " galit na sabi ni nya..

Pero batid ni Zack ang pinagmumulan ng galit nya..

Inggit .. Pero hindi..

Mas lampas pa duon..

Nahindik si Ditas sa sinabi ng anak..

Kinulong nya ang mukha nito sa dalawang kamay at pilit na hinuli ang mga mata..

Ramdam nya ang panginginig ng mga bagang ni Zack tanda na nagpipigil lamang ito ng galit..

Ngumiti sya ng matamis para ipakita sa anak na ayos lamang ang lahat..

"Wag mong sabihin yan anak.. Kahit anong ginawa ng tatay mo.. Nagpapasalamat pa rin ako sa kanya.. " sabi ni Ditas.

Marahas na napailing si Zack.

"Di nyo kailangang magpasalamat sa kanya Nay.. Naghihirap tayo dahil sa kanya.. Kailangan pa nating manilbihan sa iba para lamang lumamon.." mapait na sabi ni Zack..

Lalong sinikap ni Ditas na payapain ang loob ng anak..

Batid nya ang ragasa ng emosyon sa puso nito..

Parang unos ang nararamdaman ni Zack sa mga oras na ito..

Pero hinaplos nyang muli ang pisngi ng anak at tinitigan ng matiim..

"Nagpapasalamat ako sa kanya.. Dahil kung di dahil sa kanya.. Wala ka.. Wala akong lakas.. Wala akong tapang .. Wala akong takot… Wala akong saya..Wala akong lakas ng loob para gumising at magpatuloy sa bawat araw na nagdadaan… Ikaw anak ang dahilan ng buhay ko.. Sayo ako dumidipende.. Kapag umiiyak ka.. Doble ang luha ko.. Kapag nasasaktan ka, parang ako ang sinasaktan nila..Ikaw ang dahilan ng luha ko. Ikaw ang dahilan ng tawa ko.. Lahat lahat.. Ikaw ang pinaghuhugutan ko ng lahat anak.. Kaya wag kang magalit sa kanya.. Nagpapasalamat ako dahil nabuo ka.." umagos ang luha sa mga mata ni Ditas..

Natulala si Zack..

Di nya alintana ang sasabihin ng kung sinong makakakita sa kanila..

Niyakap nya ang ina sa sobrang pagmamahal at pag galang na nararamdaman nya.

"W-wag kang maiingit sa iba anak.. Kung sila kumakain ng tatlong beses o higit pa sa isang araw.. Kahit na naranasan nating malipasan ng gutom sa kalye.. Nagpapasalamat pa rin ako .. Dahil andyan ka sa tabi ko at palaging nakangiti..

Kung magagara ang damit nila sa bawat araw na lumilipas.. Mas masaya akong magsuot ng basahan basta nakangiti ka sa tabi ko ..

Ni hindi mo ako hinilingan ng laruan o kahit anong luho ..

Pero sa kabila nito..Sana mapatawad mo ako anak..

I-ito lamang ang kayang ibigay ni Nanay.. " basag ang boses ni Ditas..

Nagkandailing iling si Zack..

Pakiramdam nya bumalik sya sa pagkabata..

Lumuhod sya sa sahig at humagulgol sa kandungan ng ina.

"Di po ako naiingit sa mga materyal na bagay Inay.. Mas higit pa kayo sa lahat ng kayamanan sa mundo.." umiiyak na sabi ni Zack..

Lumuluhang hinagod ni Ditas ang buhok ng pinakamamahal na anak..

Ilang saglit silang nasa ganuon posisyon ng makarinig ng paghikbi..

Agad silang nagkalas..

Pagtingin nila ay pumasok sa kusina si Bridgette na nagpupunas ng sipon at luha ..

"Nakakainis kayong mag ina..Ang aga aga pinaiiyak nyo ko.." naiiyak na sabi nya..

Nagkatinginan na lamang sila at nagtawanan..

"Pumasok ka na nga Zack !.. Magbihis ka Ditas at mamamasyal tayo .. Wag ka ng tumanggi.. Kainis talaga !.." garalgal na utos pa ni Bridgette..

Napailing na lamang si Zack at mabilis na kumilos para humabol sa first subject nya..

Sa school..Kasalukuyang magkatabi sina Sab at Princess sa tabi ng bintana..

Wala pa ang teacher nila para sa first subject..

Parang bruhang tumatawa si Princess ng ikwento ni Sab ang ginawa nya kay Zack kaninang umaga..

"Talaga sis?.. Akala ko pa naman may gusto ka na sa kuya mo eh.. " sabi ni Princess..

"Excuse me.. Di ko sya kapatid .. Nagkataon lang na sabay kaming lumaki at utos ni Dad na ituring ko daw syang kuya since na mag isa lang nila akong anak.." sabi ni Sab..

Nagkibit balikat lamang si Princess..

"Ayos lang yan.. Teka.. Ano pa ba ang plano mo ?.. Bakit ka nga ulit nagalit sa kanya?.." tanong pa nito..

Umiling si Sab..

Ayaw nyang ikwento sa iba ang nakita nya kahapon sa parking area..

Kung saan hinalikan si Zack ng kung sinong babae..

Masakit na masakit ang naramdaman nya.. Nais nya itong ikwento pero nahihiya syang magtapat ..

At isa pa.. Wala syang mapiling pagkwentuhan.. Kahit ang kaibigang si Princess ay ayaw nyang bahagian ng nararamdaman nya..

Lalo na sa mga magulang nya.. Dahil siguradong pagagalitan lamang silang dalawa ni Zack..At talagang kahiya hiya pag nagkataong malaman nilang may gusto sya sa binata..

Biglang napahiyaw si Sab sa reyalidad na naisip nya..

Sa wakas napangalanan na rin nya sa sarili ang matinding silakbo ng damdamin sa twing masusulyapan nya si Zack.

Pagibig..

Pagibig pala ang dahilan kung bakit sobra sobrang hapdi ang lumatay sa pagkatao nya ng masaksihan ang mga kaganapan kahapon..

Napatingin sa kanya si Princess..

"Hala.. Ano na nangyari sayo?.. Luka luka to.." puna nya..

Napasimangot na lang si Sab..

Parang ayaw nyang tanggapin na sya lang ang umiibig kay Zack..

Kailangan nyang pangalagaan ang nararamdaman..

Sawa na sya sa paghahanap ng atensyon..

Oras naman para sila ang humabol sa kanya..

.

"Oy sis..Ano bang plano mo pa?.." tanong ni Princess.

Napatingin sa kanya si Sab..

"Anong plano?.. " takang tanong nya..

Umikot ang mga mata ni Princess na parang nayayamot..

"Hellooo.. Masaya ka na don?.. Di mo man lang pahihirapan?.. Di ba sabi mo galit ka sa kanya?.. Ayaw mo naman sabihin kung bakit.." sabi nito..

Tumango si Sab.

"Oo nga .. Galit ako .." sabi nya..

"O .. So okay na sayo yung ginawa mong pag-isnab at konting pagpahiya sa kanya kanina?.. Lubus lubusin mo na !.. " pang eenganyo ni Princess.

Napaisip si Sab..

"K-kailangan pa ba yon? .. " parang nalilitong tanong nya..

Di nya ata kayang saktan pa ng higit sa ginawa nya kanina ang binata..

"Oo naman.. Para malaman nya na iba ka magalit.. Para matakot sya sayo.." dagdag pa ni Princess..

Napatingin sa labas ng bintana si Sab..

"Ewan ko.. Di ko alam ang gagawin ko.." sabi nya..

Pero inakbayan sya ni Princess.

"Ako na bahala mag isip.. Basta pumayag ka lang.. What are friends for di ba?.. " tanong ng dalagita.

Muling nagkibit balikat si Sab..

"Basta ewan ko.. Bahala ka.. Andyan na si Ma'am.." sabi nya..

Pumasok na ang teacher nila..

Mabilis na bumalik sa kanya kanyang pwesto ang mga estudyante..

Naupo si Princess sa bandang likuran at tinitigan si Sab ..

Unti unting sumilay ang ngiti sa mga labi nya..

Pero kung titingnan mo sa malayo.

Parang demonyong nakangisi ang dalagita habang nag iisip ng kung anong kasamaan..

ITUTULOY !!!