1. Home
  2. Stories
  3. ZACK ANd SAb Book 1 - Chapter 28
Lagablab

ZACK ANd SAb Book 1 - Chapter 28

By supertoyantz ·

MAY PAHINTULOT MULA KAY SUPERTOYANTZ NA ILATHALA ANG KUWENTONG ITO SA LAGABLAB

Chapter 28

Dilat na dilat ang mga mata ni Zack..

Nakatihaya lang sya at nakatitig sa kisame..

Araw na ng laban nila..

Huling laban para madetermina ang kampeyon..

Kanina pa gising ang kanyang diwa..

Alam nyang maaga pa.. Pero di nya masisisi ang sarili dahil talagang kinakabahan sya..

Di na nakatiis ang binata, maingat syang bumangon para di magising ang ina..

Sinulyapan nya ito at napuno ng pagmamahal ang kanyang puso..

Himbing na natutulog ang nanay ni Zack..

Nakatuwaan nya itong pagmasdan kaya saglit syang tumitig sa nakapikit nitong mukha..

Maputi din ang nanay nya ayon sa kwento nito..

Pero dahil na rin siguro sa maagang napasabak sa hirap ng buhay kaya tila nasunog ang balat nito..

Naging morena tuloy ang kanyang ina..

Kahit lumaki sya sa hirap.. Di nya pagsisisihan ang naging buhay nila..

Iginapang sya ng ina at patuloy na iginagapang para sa pagtatapos..

Malaki ang paghanga nya para dito..

Ito ang kanyang sandigan sa pagharap sa problema..

Tila nadagdagan ng ilang taon ang edad ng kanyang ina dahil sa dami ng trabaho nuong nangungupahan pa sila sa kanyang tyahin..

Malaki ang pasasalamat nya ng makilala ang among lalake..

Dahil dito kaya di na nila kailangang isipin pa ang magiging tirahan at pagkain..

Kahit pag aaral nya ay sinagot na din nito..

Talagang nagpapasalamat sya dito at sa pamilya nito..

Pero higit ang pasasalamat nya sa Diyos na naging daan para makilala nya ang mga magulang ni Sab..

Gumalaw ang kaliwang braso ni Ditas para kamutin ang ilong..

Napangiti si Zack..

Maganda din ang kanyang ina..

Lamang ay di ito nakapag tapos ng highschool kaya ganito ang naging buhay nila..

Pero tulad ng nasabi na nya sa sarili..

Hinding hindi siya nagsisisi na itong babaing ito ang kanyang naging ina..

Bata pa sya nuon ng gawin ang una nyang pangako..

Ang alagaan ang ina sa abot ng kanyang makakaya..

Kahit saan sya magpunta ay isasama nya ito..

Kahit may pamilya na sya..

Ganuon nya kamahal ang ina..

Ilang saglit ding nakatitig si Zack sa ina bago sya nagpasyang magligpit ng hinigaan..

Dahan dahan nyang tiniklop ang folding bed na tulugan sa tabi ng kama ng ina at masinop itong ginilid sa pwesto nito sa likod ng pinto..

Ingat din ang pagkilos na humugot sya ng mga damit at nagtuloy sa banyo para maligo.

Kalahating oras ang lumipas ng matapos si Zack sa paliligo.. Sumulyap sya sa relos sa dingding at natawa..

"Alas tres pa lang pala.." natatawang sabi nya sa sarili..

Dahil sa kasabikan sa darating na laban ay di sya gaanong nakatulog.. Kaya eto ang naging resulta.. Ang aga nyang nagising..

Lumabas sya ng kwarto matapos ayusin ang mga pinagbihisan..

Diretso sya sa ilalim ng hagdan para damputin ang mga gamit panlinis..

Mabilis nyang ginampanan ang morning routines nya..

Nilampaso nya ang hagdan at lahat ng madaanan..

Matapos maglinis sa loob ng bahay ay lumabas si Zack para asikasuhin ang mga kotse ng amo..

Isang Honda CRV at isang lumang Mercedes..

Sabay na nya itong pinaliguan..

Naghahati na ang liwanag at dilim ng matapos si Zack.

Pagpasok nya sa loob ay nasalubong nya ang ina na nagpapainit ng tubig..

"Ang aga mo naman masyado anak.. Ah oo nga pala.. Ngayon na nga pala yung huling laban nyo ano ?.. " nakangiting bati nito..

Tumango si Zack at naupo sa harap ng ina..

"Kinakabahan ka ba?." tanong ni Ditas..

Ngumiti si Zack..

"Opo Nay.. Sana po manalo kami.. Para naman di masayang yung ilang linggo din naming pinagpaguran.. At saka magandang pabaon na din po yun.." sabi nya..

Ngumiti din si Ditas..

Eksaktong tumunog ang takure kaya naman mabilis nya itong inasikaso..

"Oh mag kape ka.. Ay teka di ba pampakaba yan?.. Baka kabahan ka sa pag shoot.. " biro niya..

Natawa si Zack..

"Si Nanay talaga.." naiiling na sabi nya..

Pinagtimpla ni Ditas ang anak ng kape..

Matapos iabot ay nagsalang na sya ng sinaing at muling naupo para pagmasdan ang anak..

"Nanay naman eh.. Wag nyo po akong titigan.. " reklamo ni Zack..

Natawa si Ditas …

Imbes na sundin ang anak ay lalo nya itong tinitigan..

"Ang laki laki mo na anak ko..Ilang taon pa at magkakapamilya ka na.." parang malungkot nitong sabi.

Napangiti si Zack..

"Natural naman Nay.. Ayaw nyo bang magkaapo?.. " biro nya..

Nagkibit balikat si Ditas..

"Di naman sa ganuon.. Pero syempre di ko lang mapaniwalaan na parang ang bilis ng panahon.. Dati ay kalong pa kita sa kandungan ko at pinaghehele.. Ngayon kita mo naman.. Balikat mo na lang ako eh.." biro niya..

Natawa si Zack at muling humigop ng kape..

Namayani sa kanila ang katahimikan..

"H-hindi ka ba nagsisisi na naging mahirap tayo?.." biglang basag ni Ditas sa katahimikan..

Napalingon si Zack na nanlalaki ang mga mata..

"Ano bang sinasabi nyo Nay?.. Wala akong pinagsisisihan kundi yung pagkain ko ng maanghang na adobo nyo.." biro nya..

Natawa si Ditas pero di ito umabot sa kanyang magagandang mga mata..

"Nay naman eh.. Yan napapala nyo kasi nuod kayo ng nuod ng drama eh.. " angal ni Zack..

Muling natawa ang nanay nya.

Pero bigla itong sumeryoso.

"Paano kung biglang magpakita ang tatay mo ?.. " tanong ni Ditas..

Nabigla si Zack…

Batid nyang maaari ngang mangyari ang bagay na iyon pero pilit nya itong winawaglit sa kanyang isip..

Masaya na sya..

"Kuntento na ako sa inyo Inay.. Masaya ako sa maniwala po kayo o hindi.. Hindi ko po masasabi kung anong magiging reaksyon ko pero ngayon pa lang parang nagagalit na po ako… " madiing sabi nya..

Hinaplos ni Ditas ang palad ng anak..

Di sya nakatiis kaya dinampot nya ito at hinagkan..

"Di ba sabi ko sayo wag kang magagalit sa kanya?..Ako ang sisihin mo .. Di kasi ako nakapag aral.." masuyong hiling nya..

Pero nagkandailing lang si Zack..

"Wala po akong pakealam kung Suma Cum Laude pa po kayo.. Mahal ko po kayo… Nagagalit ako sa kanya hindi dahil sa nahihirapan ako kasi mahirap tayo.. Kundi dahil sa pinabayaan ka nyang maghirap.. Pero tapos na po iyon Inay.. Wag na po natin syang pag usapan.." tila sya ang naging matanda sa pangangaral sa ina..

Napangiti si Ditas..

Bagamat nangingilid na ang mga luha sa gilid ng kanyang mga mata ay pilit nya itong pinipigilan..

Pasimple syang tumingala para kahit papaano ay di ito makita ni Zack..

Muling humigop si Zack ng kape .

"Mag aaral kang mabuti anak.. Yan ang magiging sandata mo sa paglaki mo.. Di mo mararanasan ang maapi sa aspeto ng edukasyon dahil alam mo ang bawat bagay.. Yan ang magiging panlaban mo sa pagharap sa hamon ng buhay.. Saka na ang PBB Teens na yan.. May oras para dyan.. Samantalang ang pag-aaral ay di mo dapat sinasayang lalo na't sa sitwasyon mo na paaral ka lamang.. Sayang kasi ang pagkakataon kung magbubulakbol ka lang iho.. Alam kong matalino ka kaya alam kong alam mo kung ano ang nais kong sabihin at iparating sa kukote mo.. " litanya ni Ditas.

Napangiti si Zack.. Tumango tango sya sa ina..

"Marami nga po sa mga kaklase ko ang nagkaasawa na Inay.. Naalala nyo po ba si Juanita na anak ni Aling Gorya ?.. Yung katabi natin dati sa palengke .. Nasalubong ko po nuong pauwi ako minsan.. Di ko lang nabati kasi kasama ko si Sabina.. Pero Inay, may karga po syang bata pwera pa yung nasa sinapupunan nya.. Sa tingin ko po ay mag dadalawang buwan na yon.. " pagtsismis ni Zack..

Nanlaki ang mga mata ni Ditas sa chismax ng anak..

"Diyos miyo.. Si Juanita na Anak ni Gorya?.." di makapaniwalang sabi nya..

"Si Nanay paulit ulit. " bulong ni Zack..

Pero nagulat sya ng batukan ng ina..

"Kita mo nga naman ang pangyayari ano.. Dati kung yabangan ako nuon na kesyo ang anak daw nya ang mag aangat sa kanya sa kahirapan.. Naku sus.. Buti na lang di ako gumanti ng yabang.. Buti di kita pinagmalaki ng ganuon.. Kundi baka naging ganun ka din.. Hay nako Zackarias.. Wag na wag mo tutularan ang nangyari duon kay Juanita kundi naku.. Kukurutin kita sa singit talaga.. Napakabata mo pa !.. Makapaghihintay yang asa-asawa na yan.." nagtatalak na si Ditas sa anak..

Napangiwi si Zack..

"Nanay talaga.. Alam ko na po yan.. Kinwento ko lang naman sa inyo… " sabi nya..

Hinawakan ni Ditas ang pisngi ng anak at nilapirot..

"Wag na wag kang mag aasawa agad.. Kung kaya mo, ibalik mo muna ang pabor na binigay ni Saimon sayo.. Matuto kang lumingon sa pinanggalingan mo anak ng hindi ka madapa sa pagtahak mo sa daan patungo sa hinaharap.. Tandaan mo yan.. !.. " mahina pero madiin na bilin ng ina..

Napangisi si Zack.

Naisip nyang biruin ang ina..

"P-pero Nay.. Di po ba ninyo matatanggap kung sakaling ganun nga ang kahinatnan ko?.. N-natatakot na po tuloy akong sabihin sa inyo.. " bulong nya..

Sinamahan pa ng seryoso at tila malungkot na mukha..

Napahinto ang nanay ni Zack sa pagtatalak at pinakatitigan na lang sya..

Tila inaarok kung totoo ba o hindi ang sinabi nya..

"Tumitig ka anak.. " utos ni Ditas..

Pinilit ni Zack na tumitig sa ina ..

"Ulitin mo ulit.." utos pa nya..

Pero bago pa nasabi ni Zack ang sinabi nya kanina ay nakatikim na sya ng madiin na kurot sa braso mula sa ina..

"A-aray po Nay.. " natatawang angal ni Zack..

Gigil na gigil ang nanay nya .. Nanlalaki ang butas ng ilong nito at pinagsasabunutan pa sya..

"Joke lang Nay.. Ahahaha.. " pag iwas ni Zack..

"Alam ko.. Di ka marunong magsinungaling.. Kita ko sa mga mata mo.. " sabi ni Ditas.

Napangiwi si Zack..

"Eh bakit ginigulpi nyo pa din ako?.. " tanong nya..

"Para alam mo ang mangyayari sayo kung sakaling ulitin mo pa ulit yan.. Loko ka.. Last mo na yan.. " gigil na banta ni Ditas sa anak..

Lalong natawa si Zack..

Ilang saglit silang nagkulitan ng huminto si Ditas para asikasuhin ang sinaing.. Tumingin sya sa relos na nakasabit sa dingding..

"Maaga pa.. Masyado ka kasing maaga nagising eh.. " sabi nya..

Nagkibit balikat si Zack..

"Excited po Nay eh.. Sana swertihin kami.." wika nya..

Muling naupo si Ditas ..

"Enjoy mo lang anak ang paglalaro.. Manalo man o matalo, ikaw pa rin ang champion sa buhay ko.. " drama nya..

Napangiwi si Zack..

"Oh subukan mong umepal.. Jojombagin kita.. " banta ni Ditas..

Lalong napangiwi si Zack..

"Ano ba yan Nay.. Kumukorni na kayo ha.. " natatawang banat nya..

Muli syang kinurot ng ina..

Nagtawanan sila ng biglang napahinto si Ditas..

Dali dali syang pumasok sa loob ng kwarto nila.

Nagtatakang napatingin na lamang si Zack..

Saglit lamang naman nawala si Ditas at pagbalik nito ay nasa likod nito ang mga kamay..

"Pikit ka anak.. " sabi nya..

Napangiti si Zack..

"Ano na naman yan Nay ?.. " sabi nya..

Pero ngumuso lang si Ditas..

"Sige na anak.." lambing nya..

Napailing na lang si Zack at sinunod na ang gusto ng ina..

"Iangat mo kamay mo sa ere.." utos pa ni Ditas..

Talagang ngiting ngiti na si Zack..

"Oh ayan.. Nanay kapag nilagyan nyo ng gagamba yan jojombagin ko kayo.. " biro nya..

Humagikgik lang si Ditas..

Alam nya ang kahinaan ng anak ay malaking gagamba pero hindi iyon ang nasa likod nya..

Nilabas nya ang kahon at binuksan ito..

Matapos ay nilabas ang laman nito at sinuot sa kaliwang kamay ng anak..

"Oh dilat na.." utos ni Ditas..

Tila ayaw ng dumilat ni Zack.. Ramdam nya ang bagay na nakasuot sa kaliwang pulso nya ..

Dahan dahan syang dumilat at kinumpirma ang hinala..

Napatitig sya sa kamay at pagkatapos ay sa ina..

Masuyong hinaplos ni Ditas ang buhok ng anak..

"Maligayang kaarawan anak ko.. Alam ko malayo pa pero excited na akong ibigay sayo eh.. Baka kasi makita mo ng di sinasadya .. Di na surpresa yon pag ganon.. " nakangiting bati nya..

Tila naging bato na si Zack sa kinauupuan..

Oo nga at naranasan nya na ang mabigyan ng ina ng mga regalo.. Pero itong nasa kamay nya ang pinakamahal sa tingin nya..

Pero di yon ang nagpapatulala sa kanya.. Kundi yung ideya na naalala pa ito ng ina..

Pinilit ni Zack ang magsalita..

Pero bigo syang mahanap ang boses..

Ni pagbulong ay di nya magawa..

Sinubukan nyang gumawa ng kahit anong tunog na magmumula sa lalamunan nya pero naging tila ungol na lamang ito..

Lumandas na din ang masaganang luha sa kanyang mga mata..

Ni hindi nya nga naramdaman ang pagiipon nito .. Basta na lamang sila bumagsak ng sabay sabay..

Naninikip ang paghinga ni Zack..

Nakatitig sya sa kumikinang na bato ng relos na kinabit ng ina..

Hinaplos nya ito.. Nanginginig pa ang kanyang mga kamay..

"N-nay .. " sa wakas ay may nabuo na din syang salita..

Napangiti si Ditas sa anak..

Niyakap nya ito at dinala sa dibdib nya..

"Maligaya ako at ikaw ang naging anak ko.. Wag mong isipin ang presyo.. Pinag ipunan ko yan ng paunti unti.. Di ko na kailangang sabihin sayo na ingatan mo yan dahil alam kong iingatan mo talaga yan para sa akin.. " nakangiting sbi nya..

Tumango si Zack..

Lalong naglaglagan ang mga luha sa kanyang mga mata ..

Kinuha nya ang kamay ng ina at hinagkan..

Ramdam nya ang kalyo sa mga ito..

Tanda na masipag talaga ang kanyang ina..

"P-pero Nay.. Sana po binili nyo na lang ng para sa inyo.. O kaya yung di gaanong mahal.. " naiiyak na sabi ni Zack..

Pero umiling lang si Ditas..

"Matanda na ako anak.. Di ko kailangan nyan.. Ikaw ang dapat makaranas ng mga ganyan kung di dahil sa mahirap lamang ako.. Pag pasensyahan mo na ulit ang nanay mo.. " hinagkan ni Ditas ang buhok ng anak..

Tila mainit na kanlungan ang nasumpungan ni Zack.

Pinalibot nya ang dalawang kamay sa katawan ng ina at niyakap ito ng mahigpit..

Kahit malamig ang panahon ay di nya naramdaman dahil sa init ng yakap ng ina..

Pumikit sya at nagpasalamat sa isipan..

"Mahal kita Nay.. Mahal na mahal.. Aalagaan kita hangga't humihinga ako.. Pangako ko po. " bulong ni Zack..

Ngumiti na lamang si Ditas at ginantihan ang yakap ng anak..

ITUTULOY!!…