1. Home
  2. Stories
  3. ZACK ANd SAb Book 1 - Chapter 3 Sabina
Lagablab

ZACK ANd SAb Book 1 - Chapter 3 Sabina

By supertoyantz ·

MAY PAHINTULOT MULA KAY SUPERTOYANTZ NA ILATHALA ANG KUWENTONG ITO SA LAGABALAB

Copyright - August 27, 2012 -Monday - 5:45 PM

( Romeo Q. Loñosa III a.k.a. TOYANTZ )

Chapter 3 - Sabina

"Sabina..Gising na..Aba talaga namang bata ito.." naiiling na sabi ng Yaya..

Dahan dahang dumilat ng mga mata si Sabina..

Una nyang nahagip ang yaya nyang nagliligpit ng mga manika nya na nilaro nya kagabi lang..

Nagtatatalak ito dahil sa dami daw ng kalat..

Pero tila manhid na ang bata..

Dahan dahan syang tumayo…

Sumandal sa kama at pinanuod ang yaya..

Napatingin naman ito sa kanya..

"Oh?..Uupo ka na lang ba dyan?.. Mag almusal ka na at paliliguan pa kita..Mamaya dadating na naman yung school bus mo na di ka pa ayos…" nakasimangot na bilin ng yaya..

Binelatan ito ni Sab..

Napailing na lang ang matanda.

Kung di lang dahil sa nawiwiwi na sya.. Di talaga tatayo sa kama ang bata..

Patingkayad nyang tinakbo ang banyo..

Di na nag abalang suotin ang pambahay na tsinelas..

Napailing na naman ang yaya..

Ilang saglit pa..Lumabas na si Sab na bagong hilamos..

"Yaya..Where's Daddy?.." tanong nya.

Sumagot ang yaya ng di lumilingon sa kanya..

"Kanina pa nakaalis..Alam mo naman ang tatay mo..Alas sais pa lang wala na dito sa bahay..Masyadong masipag yang Daddy mo eh.. Parang di ka pa nasanay.." dire diretsong paliwanag ng matanda..

Parang nawalan ng ganang ipagpatuloy pa ni Sab ang maghapon nya..

"So he forgot..As always.." bulong ng bata..

Napalingon ang yaya nya..

"Ay oo nga pala..May award ka nga pala ngayon sa school..Di mo ba nasabi sa Daddy mo?.." tanong ng yaya..

Malungkot na tumingin ang bata sa yaya nya..

"I told him already..After naming mag dinner..He said na titingnan daw nya..Pero look..Wala na sya.." sabi ng bata..

Nakaramdam ng awa ang matandang katiwala..

Ito ang isa sa sumpa ng pamilya ni Sab..

Masyadong mayaman..

Parang di nila alam na may anak sila..

Nilapag ng butihing yaya ang barbie ng bata at nilapitan ang alaga..

Lumuhod sya sa harapan nito.

"Alam mo.. Busy lang siguro ang Daddy mo..Matalino ka namang bata Sab..Alam kong naiintindihan mo na kailangan nyang mag hanapbuhay para may makain kayo..Ikaw na lang ang mag pasensya.." naawa ang yaya ..

Umamba ang luha sa mga mata ng bata..Pero agad syang tumingala para pigilan ito sa pagbagsak..

"Where's Mom?.." tanong nya.

Bumaling ang tingin ng yaya sa mga tambak ng laruan..

"T-tulog pa..Ginising ko nga kanina para sabihin na may Awarding ka ngayon dun sa essay writing nyo sa school..Pero nagalit eh.." mahinang sabi ng yaya..

Nagkibit balikat si Sab..

Wala syang pake..

Manhid na sya sa ugali ng ina..

Para pa rin itong dalaga kung kumilos..

Tumayo ang matandang yaya at inabot ang kamay sa bata..

Nakangiti naman itong inabot ni Sab..

"Dating gawi..Ako ang Lola mo.." landi ng yaya..

Bungisngis lang ang bata..

Magkahawak kamay nilang tinahak ang daan papuntang kusina..

Matamlay si Sab sa eskwela..

Bagamat nalalapit na ang Awarding nya..Parang walang silbi sa kanya ang nalalapit na paggawad ng parangal..

May school program sila ngayon sa eskwela..Isa sa highlights ng program ay ang Awarding na magaganap..Isa nga sya sa bida ng programa..

Pero wala syang pakealam..

Napabuntong hininga ang bata..

Nakalumbaba sya at nakatanaw sa labas ng bintana..

Paroo't parito ang mga tao..

Abala ang mga guro nila sa pag aasikaso ng program..

May darating atang kilalang personalidad..

Pero wala pa rin syang pakealam..

Naramdaman ni Sab na may humila ng buhok nya..

Napangiwi ang bata sa sakit na naramdaman..

Galit nyang nilingon ang kaklase..

Iisa ang dahilan..

Si Bryan, ang bully ng klase..

Inirapan ni Sab ang kaklase..

Pero muli nitong hinila ang buhok nya..

Galit na tumayo ang bata..

"Ano ba?.." singhal nya..

Nagtawanan ang mga batang lalake at isa isang umalis.

Gigil na muling naupo si Sab..

Binuksan ang bag at nilabas ang suklay..

Pinasadahan nya ng brush ang makintab at malambot na buhok..

Naramdaman nyang may umagaw dito..

Napalingon ang bata at pagtingin nya..Ang matandang yaya nya..

Agad napangiti si Sab..Sinalubong ng yakap ang bata..

"Oh..Ang aga aga nakasambakol yang mukha mo?..Sinasayang mo lang ang ganda mo eh.." natatawang sabi ni Sab..

Napasimangot ang bata at nginuso ang mga kaklaseng lalake na nagtatawanan sa isang tabi…

Natawa naman ang matanda.

"Ganyan talaga ang mga bata kapag may gusto sila..Gusto ka siguro nung isa kaya ka inaasar..Hayaan mo na..Harap ka nga sa yaya.." pang uuto ng yaya..

Natawa si Sab ng mahina..

"Lola kita ngayon.." biro nya..

Napangiti din ang matanda..

"Ay oo nga pala..Sige..Harap nga sa Lola?..Aysus na batang ire…Ang ganda mo talaga ..Para kang yung laruan mong manika.." puri nito..

Bungisngis si Sab..Muli nyang niyakap ang yaya..

"Salamat sa pagdating Lola.." mahinang sabi ni Sab..

Naawa naman ang matanda..Niyakap nya din ang alaga at hinagod ang likod.

"Sus..Syempre..Dadating talaga ako..Ito talaga.." nakangiting sabi ng yaya..

Ilang saglit lang ay tinawag na si Sab ng guro..

"Sab iha..Time to go na.. Magsisimula na ang program..Ay kayo pala Ma'am.." bati ng guro sa yaya..

Napangiti lang ang matanda..Kailangan nyang mag panggap na Lola ng bata kundi di sya papayagang umakyat sa entablado..

Dapat kamag anak ng estudyante ang kasama ng bata..

Di sya nagsalita…Para di na magtanong pa ang guro..

Nakangiting tumango si Sab..

Umalis na rin saglit ang guro..

Sumunod ang mag yaya..

Marami ng tao sa covered court kung saan nandun ang stage.. Pagdating nila..Agad syang sinalubong ng isa pa nyang guro para sabitan ng bulaklak na ginawang kwintas..

Inabutan din nito ang yaya nya..

Tahimik at kimi silang naupo sa isang tabi..

Nagkwentuhan lang ng kung ano ano..

Pinilit ni Sab na isipin na talagang Lola nga nya ang Yaya nya..Di naman mahirap na mapalapit ang loob sa matanda..Sadyang mabait ito..

Wala din naman kasi syang choice..Nasa ibang bansa ang mga kamag anak na kilala nya..

At isa pa wala syang close sa mga relatives nya..

Ang Daddy naman nya ay laging busy sa trabaho..Di nya naman masisi ang ama dahil sadyang maunlad ang kompanya nila ng mga damit..

Ang Mommy naman nya, well, heaven know kung saang party na naman ito galing kagabi .. Kasama ng mga sosyal na amiga.

Minsan sumasagi sa isip nya na kung bakit tila walang pakialam sa kanya ang mga magulang..

Well, ang alam nya.. Base sa kwento ng yaya..Twing umuuwi daw ang Daddy nya sa gabi, di daw ito nakakalimot na bumisita sa kwarto nya at bigyan sya ng goodnight kiss..

Alam nyang di ito nagsisinungaling dahil madalas syang maalimpungatan na parang may malamig at malambot na bagay ang dumadampi sa noo nya..

Kulang na kulang sa pagmamahal mula sa magulang si Sab.

Tanging ang yaya nya ang nagsisilbing kapalit ng mga ito..

Kahit nga sa simpleng okasyon tulad ng mga programs sa school ay wala ang mga ito..

Tanging ang yaya nya ang kasama nya..

Iniwasan ni Sab ang maging malungkot..

Alam nyang kasunod na naman nito ay luha sa mga mata nya.

Natahimik naman ang yaya..Pinakikiramdaman ang alaga..

Tahimik lang itong nakaupo sa tabi ng mga kapwa estudyanteng may award din..

Nakangiti ang mukha ni Sab..Pero batid nyang di ito ngiti ng kasiyahan..

Alam nyang napipilitan lamang itong ngumiti gawa nga ng nagaganap na program..

Napapatingin ito sa kanya..

At sa tuwing magtatama ang mga mata nila..Agad syang kakaway at magbibigay ng flying kiss..

Batid nya ang kahungkagan ng kalooban ng bata.

Awang awa sya dito..

Nandito ang lahat ng materyal na bagay..Pero wala ang pinakaimportante..

Ang pamilya..

Matagal na syang naninilbihan sa pamilya ng mga Delgado..

Dalaga pa lamang sya..Ngayon ay matanda na sya at nalalapit ng magretiro..

Ng maalala ang nalalapit na pagreretiro ay muling napabuntong hininga ang matandang yaya..

Di nya alam kung paano ipaliliwanag sa bata ang kanyang paglisan..

Nakatanggap sya ng petisyon mula sa anak na nasa Canada..

Di nya hilig ang maalwang buhay..

Sanay sya sa paninilbihan..

Pero batid nyang di na sya bumabata..

Naiintindihan nya din ang pag aalala at pangungulila ng mga anak.

Gusto na din naman nyang makapiling ang mga ito..

Pero paano si Sab?..

Nasa kalagitnaan ng pagmumuni muni ang yaya ng maramdaman nya na may tumabi sa kanya..

Paglingon nya ay nag liwanag ang kanyang mukha ng makita si Saimon..

Sumenyas ito ng huwag maingay..

Bungisngis naman ang yaya..

Si Sab na ang susunod na tatanggap..

Nagsalita ang guro..

"And for the winner for the Best Essay Writing Contest..No other than.. Sabina Delgado !.." banggit ng emcee..

Nagpalakpakan ang mga tao..

Ngumiti ng mahinhin si Sab..

Walang silbi ang award nya..

Di nya kasama ang pamilya..

Hinintay nya ang yaya nya na pumanhik pero nagtaka sya dahil nakangiti pa rin ito sa upuan..

Sinenyasan nya ang yaya na umakyat..Pero umiling ito at nginuso ang bandang likuran nya.

Napalingon ang bata at halos mapanganga sya ng makita ang gwapong ama..

"D-dad?.." mahinang sabi ni Sab..

Ngumiti ng matamis ang Daddy nya..

Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kanyang isang kamay.

Magkahawak kamay silang lumapit sa gurong nakatokang mag bigay ng medalya..

Parang nuon lang napagtanto ni Sab ang nagaganap na paggawad ng parangal..

Shocked sya sa biglaang pagdating ng ama..

Nakangiting tinanggap ni Saimon ang medalya at certificate ng anak..

Isinuot ang medalya sa leeg ni Sab at hinalikan ito sa pisngi..

"Congratulations anak..Im so proud of you.." mahinang sabi nito.

Nanigas si Sab sa sinabi ng ama..Kahit ayaw nya..Bumalong ang masaganang luha sa kanyang mga mata..

Mahigpit nyang niyakap ang leeg ng ama at humagulgol sa balikat nito..

Napangiti naman ng mahinhin si Saimon at inakay sa ibaba ng stage ang anak..

Iyak ng iyak si Sab..

Nauunawaan naman ito ng ama..

Batid nya ang pagkukulang nya..

Naluluhang lumapit ang matandang katiwala sa mag ama..

"Buti nakarating ka Saimon.." Saimon lang ang tawag ng yaya dahil sa dati nya ding alaga ito..

Napakamot sa batok si Saimon..

"Pasensya na kayo ah..Na trapik eh..Hala ..Tama na yan iha at masisira yung image mo..Ang ganda ganda ng anak ko tapos iyakin pala.." biro ng ama..

Natatawang sinuntok ng bata ang tyan ng ama at muling yumakap dito.

Natawa na din ang dalawa.

"Oh..It's almost lunch time na..Where do you want to eat.?.. Syempre celebration kasi nga may award na naman ang baby ko.." pagmamalaki ni Saimon..

Napangiti ang dalawa.

Nagkatinginan ang mag yaya..

"McDO !.." sabay nilang sigaw..

Nagtawanan ang tatlo at tinahak na nila ang kotse ng ama..

Habang nasa loob ng sikat na fastfood resto..Di mapigilan ni Sab ang magkwento sa ama.

Lahat lahat ng nasa loob nya..

Lahat ng pangarap nya.. Pati yung mga kinatatakutan nya..

Mga adventures sa school at sa mga field trips nila.

Lahat ng ito ay pilit nyang pinagkakasya dahil batid nyang isinisingit lang sya ng ama sa masikip na schedule nito.

Natatawa si Saimon sa anak..

"Oy..Kumain ka muna kaya?.. " biro nya.

Napangiti lang ang bata..

Ngumuya at humigop ng coke..

Pero muli itong nagbida sa ama..

Napangiti ang yaya..

Pinagmasdan nya ang alaga..

Ito na ang hinihintay nyang pagkakataon..

Tinitigan nya si Saimon..

Napatingin naman din sa kanya ang lalake.

"May gusto akong sabihin sa inyo.." bungad ng yaya.

Nahinto sa pagbibida si Sab at nakinig sa mabait nyang yaya..

Nagpunas naman ng bibig si Saimon..

"Ano yon Nanay?.." tanong nya.

Ngumiti ng malungkot ang yaya at hinaplos ang buhok ni Sab..

"A-alam nyong matagal na ako sa pamilya ninyo Saimon..Maliit ka pa lamang.." sabi ng yaya..

Napakunot noo ang mag ama.

"Alam ko Nanay..At nagpapasalamat po ako sa inyo..Pati na sa pagtingin tingin ninyo kay Sab..Di na kayang tumbasan ng pera ang mga nagawa nyo para sa pamilya.. " nakangiting sabi ni Saimon..

Ngumiti ng malungkot ang yaya..

"Di ko naman kailangan ng sobrang pera Saimon…ALam mo yan…Minahal kita na parang tunay kong anak.." sabi ng matanda.

Sumingit si Sab..

"Eh paano po ako?.." nakasimangot na tanong ng bata..

Nagtawanan ang dalawa..

"Syempre ikaw ang apo ko di ba?.." sabi ng yaya..

Tumango si Sab at muling pinagpatuloy ang pagkain..Nakinig na lamang sya sa dalawa.

"Mahal ko na ang pamilyang ito..Ayaw ko sanang gawin ito pero kailangan din ako ng mga anak ko Saimon.." malungkot na paliwanag ng yaya..

Natigil ang pagsubo ni Sab..Napatingin sa yaya ..

Di nya magets ang gusto nitong sabihin..

Pero ramdam nya na di ito maganda..

"So..Gets ko na Nanay..Si Ben nga pala nasa Canada na po ano?.." malungkot na din ang boses ni Saimon..

Tumango tango ang yaya.

"Gusto kong pormal na magpaalam sa inyo..Nakuha ko na ang sulat ni Ben..Approve na daw yung petition ko..Isang linggo na lamang ako dito.." malungkot na sabi ng matanda.

Nahindik si Sab…Nabitawan ang kinakaing burger at tinitigan ang yaya..

"Y-yaya?.." mahinang tawag ni Sab.

Pero di sya nililingon ng yaya nya.

Nagsimula ng bumalong ang luha sa mga mata ni Sab..

Ayaw nya..

Di sya papayag na umalis ang yaya nya..Kinalabit nya ang ama..

"Dad..Di naman aalis ng matagal si yaya di ba po?.. " tanong ni Sab..

Pero malungkot na tumingin lang ang ama nya..

Lalong naiyak si Sab..

"Yaya..Sama po ako.." sabi ng bata..

Napailing ang matanda..

Nagdabog si Sab..

"Bakit ayaw mo?..Yaya sasama po ako !.." sigaw nya..

Pero muling umiling ang yaya nya..

Nagdabog si Sab..

Pinagsisipa nya ang paa ng mesa nila..

Nagalit si Saimon sa anak..

"Sabina !.." saway ng ama..

Natameme si Sab.. Pero di sya tumigil sa pag iyak..

"Apo..Maiintindihan mo din ang yaya.." sabi ng matanda.

Naging malungkot ang atmosphere nila..

Tahimik silang kumain lamang.

Ilang saglit..

Binasag ni Saimon ang katahimikan.

"Mahirap na pong maghanap ng mapagkakatiwalaan sa panahon ngayon..Alam nyo yan.." malungkot na sabi ng ama..

Tumango tango ang matanda..

"Alam ko..Kaya bago ako umalis..Ipapakilala ko sa inyo ang papalit sa akin..Mas kumbenyente sya dahil magaling syang magluto..Dagdag pa na magaling din syang mag alaga..Pero may isang problema.." sabi ng yaya..

Napating si Saimon..

"Ano yon Nanay?.." tanong nya..

"May anak sya..Kailangan nyang isama ang anak nya dahil dadalawa na lamang silang namumuhay.." sabi ng yaya..

Nagkatinginan ang mag ama..

"Yan ho bang taong yan eh rekomendado nyo?.. Baka ho?.. " pinutol ni Saimon ang sasabihin nya.

Tumango ang matanda..

"Alam kong tinutukoy mo..At oo .. Mapagkakatiwalaan ito..Kaibigan sya ng anak kong si Lagring ..Yung kinwento ko dati sayo.." sabi ng yaya..

Napatango si Saimon..

"So kelan po sya dadating?.." tanong nya.

Ngumiti ang matanda..

"Tanggap na ba sya?.." sabi nya..

Napatingin si Saimon sa anak na umiiyak..

"Sige po..Kailangang may tumingin sa anak ko…Pero baka ho mahati ang atensyon nya sa anak nya at dito kay Sab.." sabi ng ama..

Umiling ang matanda.

"Marunong ng magsarili itong anak nya..Matalinong bata ..Makakatulong mo pa sya sa bahay..Magkakaroon na ng lalaki habang wala ka..Mabait yon..Sinisigurado ko sa inyo.." nakangiting sabi nito..

Umiling si Sab..

"Ayaw ko..!.." sigaw nito..

Pero hinawakan ng ama ang kamay ng anak.

"Baby..You have to accept it now..May family din si Yaya at kailangan sya nito..Wag kang maging makasarili anak..Matagal ng nagtiis si Yaya na malayo sa pamilya nya..Matanda na sya para magtrabaho pa..Wag kang ganyan anak.." paliwanag ng ama..

Humikbi si Sab..

Ngumiti ang yaya nya..

"Susulatan kita apo.." sabi ng matanda.

Hikbi pa rin ang bata.

Napatingin ang ama sa yaya..

"Kelan ho sila pwedeng makausap?.." sabi ni Saimon..

Ngumiti ang matanda at tumango..

"Sa lalong madaling panahon.." sabi nito.

Dalawang araw ang lumipas..Araw ng sabado..

May nagdoorbell sa gate ng mga Delgado..

Agad na tinakbo ng yaya ang gate dahil ito ang araw na napagusapan nila ni Ditas..

Ang magiging kapalit nya..

Agad syang napangiti ng makita ang ulo ng babae..

Kinawayan sya nito.

"Ditas !.." sigaw ng yaya..

Napangiti din ang babae..

"Aling Salud..!.." sigaw nito.

Lumapit ang yaya at agad na pinagbuksan ang gate na bakal..

Lumabas sya at nakita nya ang mag ina..

Nakaupo ang anak nitong binatilyo sa gutter at nagpapahinga..

"Oh Zack..Pumopogi ka ah.." biro ng yaya..

Ngumiti si Zack at lumapit sa dalawa.

"Kayo din po Lola Salud..Ang laki po ng bahay na to.." puri ni Zack..

Natawa ang yaya..

"Dito na kayo titira mula ngayon..Hala at ipasok mo ng lahat yan Zack..Bakit konti lang dinala nyo?.." tanong ng matanda..

Nahihiyang ngumiti si Ditas..

"Yan lang po ang lahat ng gamit namin Aling Salud.." sabi nya..

Napangiti lang ang matanda at pinapasok ang mga bagong dating..

Wala pa ang among lalake nya..

Namasyal ito kasama ang mag ina.

Bilang regalo sa pagkakapanalo ni Sab..

Ilang saglit pa..Tinuro ng matanda ang magiging silid ng mga ito na nasa kusina din..

Dati nyang silid ito na iiwan na nya..

"Oh ayan..May TV kayo dito at sariling electric fan..Maalwan ang buhay dito Ditas..Kung ano ang kinakain ng amo natin..Yun din ang kakainin nyo.." sabi ni Aling Salud..

Napatango tango si Ditas ..

"Isilid mo na sa drawer ang mga gamit mo.." utos nito.

Napangiti si Ditas..

Kung dati rati sa karton ng gatas sya naglagay ng mga damit nila ni Zack..

Ngayon may drawer na silang sarili..

Ayaw man nya, pero talagang namumuo ang luha sa kanyang mga mata..

Pilit nya itong tinago sa anak..

"At yung mga gagawin mo dito..Bukas ko na ituturo sayong lahat..Kabisaduhin mo ha Ditas?..Ayaw kong mapahiya.." sabi ng matanda.

Napatango tango lang ang babae..

"M-maraming salamat Aling Salud..Tatanawin kong malaking utang na loob ang ginawa nyong ito.." naiiyak na sabi ni Ditas..

Kumumpas lang ng kamay ang matanda.

"Sige na ..Ilagay nyo ng lahat yung mga damit nyo.." sabi nya.

Tahimik nilang sinilid ang mga gamit nilang mag ina.

Kokonti lang naman ito.

Masayang pinanuod ng matanda ang mag ina ..

Ng matapos ang mga ito..

Inaya nya sa kusina sa kusina si Ditas at Zack..

Naupo ang mga ito sa upuan at pinagpatuloy ang pag mimiryenda..

"Basta sa umaga..Alas sais pa lang umaalis na si Saimon..Yung among lalaki..Ganun talaga kaaga..Dapat handa na ang almusal nya..Ayaw nya sa light breakfast Ditas..Dapat may sinangag sa mesa..Naiintindihan mo ba?.. Kaya mo bang gumising ng mas maaga pa sa alas singko?.." tanong ng matanda.

Tumango si Ditas..

Sisiw sa kanya ang pag gising ng maaga dahil sanay sya dito..

"At ikaw Zack..Kung kaya mo… Halinhinan mong linising yung tatlong kotse..Depende sa araw ang pag gamit nyan..Yung Van twing sabado..Tapos yung itim na kotse sa among lalake yon..Yung pula sa babae..Kaya mo ba iho?.."tanong pa nito.

Tumango si Zack..

"Pati yung halaman..Sayo na yon..Kaya mo ba ?.. " muli nitong tanong..

Muling tumango ang bata..

"Ayos na pala eh..Yung normal na gawaing bahay..Kayang kaya nyo na yan…AKo ngang mag isa nakaya ko..Kayo pa kaya..Wag maglilikot ha Zack..Kung makakita ka ng nakakakalat na pera..Wag na wag mong pupulutin..O kaya pulutin mo tapos ibigay mo agad kay Sir Saimon mo..Okay ba?.." tanong ng matanda.

Nagkandailing si Zack..

"Di ko po kayang magnakaw " sabi nito..

Napangiti ang matanda at ginulo ang buhok ng bata..

"Good good..Ditas ..Yung paglalaba twing Sabado..Plantsa sa Linggo tapos pwede ka ng magpahinga ng buong araw matapos mong magplantsa..Day Off nyo yon.." nakangiting sabi ng matanda..

Napangiti ang mag ina at sabay na tumango.

Ilang saglit pa ay nagdilim na..

Nagluto sila ng hapunan..

May narinig silang busina..

Tinapunan ng tingin ni Aling Salud si Zack na nagpupunas ng mga muwebles..

"Ikaw na iho..Kapag tinanong ka..Sabihin mo na ikaw yung anak nung bagong katiwala.." nakangiting utos ng yaya..

Mabilis ang naging pagkilos ni Zack.

Agad nyang tinungo ang malaking gate na bakal at binuksan ito..

Pumasok ang itim na kotse..

Pumarada..

Isa isang bumaba ang mag anak at napatingin sila sa bagong dating..

Nilapitan ni Saimon ang binatilyo..

"Sino ka iho?.." tanong nya..

Nahihiyang sumagot si Zack..

"A-ako po yung anak ng bagong katiwala S-sir." sabi nya..

Inangat ni Zack ng ulo nya at nanlaki ang mga mata nya..

"Ikaw ?.. " sabi ni Saimon..

Napanganga naman si Zack.

"K-kayo po pala ang may ari nito.." mahinang sabi nya.

Natawa si Saimon at inakbayan ang bata..

"Sus..Kayo palang mag nanay yon..Ahaha..Okay na…Sige..Tanggap na kayo..Isara mo na yan..Kumain na ba kayo?.." tanong nya..

Umiling si Zack..

"Ah ganun ba… Sige mag hapunan na kayo..Bukas na tayo mag usap usap lahat…Pagod kami eh..Kumain na kami sa labas..Ito ngang si Sab nakatulog na oh.." sabi ni Saimon..

Tumango lang si Zack at yumuko..

Napangiti si Saimon sa kakimian ng binatilyo..

Hinayaan na lamang nya ito..

Sa isip isip ay masasanay din ito sa bahay nila.

Binuhat nya ang anak at inakyat sa kwarto nito..

Kampante syang nagpalit ng damit at tinabihan ang kabiyak na himbing ng natutulog..

Di na sya nag alala sa bahay nya dahil batid nya na malinis ang kalooban ng mga bagong katiwala..

ITUTULOY !!!S