1. Home
  2. Stories
  3. ZACK ANd SAb Book 1 - Chapter 31
Lagablab

ZACK ANd SAb Book 1 - Chapter 31

By supertoyantz ·

MAY PAHINTULOT MULA KAY SUPERTOYANTZ NA ILATHALA ANG KUWENTONG ITO SA LAGABLAB

Chapter 31

Nagsitakbuhan sina Zack patunong locker room..

Pabalagbag na binuksan ni Rigor ang pinto.

Nagulat ang mga kapwa nila varsity..

"Hoy anong meron ?.. " tanong ng isa..

Hinihingal na lumapit si Denzel.

"Pare.. Isara mo pinto dali !.. May HALIMAW !.. " banta nya..

Nagtawanan ang lahat maliban kina Rigor at Zack.

"We?.. Di nga?.. Seryoso ?.. " parang nananantyang tanong ng isa..

Bumaling sila kay Rigor..

"How bakulaw.. Anong meron ?.. " tanong nito..

Pero nanatiling seryoso si Rigor.. Nasa mukha nito ang takot..

"P-pare.. Seryoso ba talaga ?.. " tanong ng isang players..

Dahan dahang tumango ang tatlo..

Napatingin silang lahat sa pinto..

"S-sinong magsasara.. ?.. " tanong pa ng isa..

Nagkatulakan na ang lahat..

"I-ikaw na pre.. " tinulak ng isa ang isa pa nilang kasama..

Taranta nitong sinara at nilock ang pinto..

Mabilis na nagbihis sina Zack, Denzel at Rigor..

Nagtago sila sa likod matapos nilang makapagsuot ng jerseys..

Ilang saglit lang silang naghintay ng bigla silang mapaigtad sa lakas ng pagkalabog ng pinto..

"Ayan na !!.. " tili ni Rigor..

Nagkagulo sa loob ng locker room..

Sigawan ang mga barakong players sa pangunguna nina Zack..

Malalakas na pagbayo ang dumagundong mula sa saradong pinto..

Hanggang sa ilang saglit lang ay huminto ito..

Natahimik ang lahat..

"W-wala na ata .. " takot na sabi ng isa.

Pero lahat sila nasigaw ng makarinig ng kaluskos..

Tumakbo sa isang sulok si Denzel.. Sinundan sya nina Rigor at Zack..

Pati iba nilang kasama ay napasunod na rin sa kanila..

Group hug sila sa sulok habang hinihintay ang katapusan..

"B-baka kainin tayo ng halimaw.. " naiiyak ng sabi ng isa..

Pinigilan nina Denzel ang matawa..

Napalunok si Zack..

"Lakasan mo ang iyong loob kaibigan.. Malalampasan din natin ito…" bulong nya..

Tumango ang lahat..

Ilang saglit lang..

Nakarinig sila ng pag click..

"N-nabuksan.. " bulong ni Denzel..

Natatawa si Zack kaya di sya makapagsalita..

"Simulan natin ang manalangin mga kasama.. Para sa ating kaligtasan.. " suhestyon ni Rigor..

Nagkatinginan ang lahat..

Hanggang sa isa ang mamuno para simulan ang pagdarasal..

"Ama.. Iligtas mo po kami sa halimaw.. Nawa'y makapaglaro po kami sa finals.. " taos pusong pagdadasal ng isa..

Gumaya naman ang isa maliban sa tatlo.

Halos mapatid na ang litid nina Zack sa kapipigil na matawa..

Inabot ni Rigor ang switch ng ilaw para patayin ito..

Lalong nagkagulo..

"Manalig kayo mga kasama.. Di NYA tayo pababayaan.. Lakasan nyo ang panalangin nyo.. Tawagin natin ang AMA!.. Magsi awit tayo ng PAPURI.. " sigaw ni Rigor..

Naghawak hawak sila ng kamay kahit na halos magkakadikit na sila..

"PAPURI kay PAPA J.. PAPURI kay PAPA J.. " pagkanta ni Rigor..

Sinabayan sya nina Zack ..

"Putris.. Ansakit na ng tyan ko.. " pagpipigil ni Denzel..

Napapitik si Zack sa daliri nya..

"Guys.. Magpatay patayan tayo.. Kunwari mga patay na tayo.. Dali para di tayo kainin … ! " suhestyon ni Zack..

Napatingin sa kanya ang lahat..

Tila tinatanya kung seryoso ang binata sa sinabi nito..

Pero di nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Zack.. Nanatili itong seryoso.. Walang bakas na nagbibiro lamang ito..

Tumango ang isa at sinulang ilatag ang sariling jersey.. Nahiga ito at pumikit.. Ginaya naman ng iba ang ginawa nung nauna maliban kina Zack, Denzel at Primo..

Nagkatinginan ang tatlo at pasimpleng tinungo ang pinto..

Dahil sa kadiliman.. Di sila halata..

Dahan dahan nilang binuksan ang pinto at sabay sabay na lumabas..

Tatawa tawang nagtakbuhan patungo sa gym..

"Lekat na.. Bakit kaya sarado itong pinto ?.. Nasan na ba yung mga ungas na yun ?.. " asar na sabi ni Coach Spolstra..

Kinalabog nya ang pinto..

Pero sa gulat nya ay nakarinig sya ng sigawan mula sa mga players nya..

"D-Diyos ko.. Anong nangyayari sa loob ?.. " kinakabahang tanong nya..

Dali dali nyang kinapa ang wallet para hanapin ang susi.. Pero napamura din sya ng di ito makapa.. Naalala nya na naiwan nya pala ito sa faculty nila..

"S-saglit lang mga bata.." bulong nya..

Parang si "The Flash" na tinakbo ni Spolstra ang faculty..Hinalughog ang bag para hanapin ang wallet.. Ng makita ito ay dali dali nyang sinara ang bag sabay takbo muli palabas ..

Mabilis nyang narating ang nasabing locker..

Nanginginig ang kanyang mga kamay sa pagsuksok sa susi..

"Damn.. Pumasok ka !.. " bulong nya..

Hanggang sa wakas ay maisuksok nya ang susi..

Pero nagulat nya dahil pagpihit nya sa susi ay bukas na ito..

Lalong lumakas ang kabog sa dibdib ni Spolstra..

Dahan dahan nyang binuksan ang pinto..

Nanayo ang balahibo nya ng mapansin ang mga kalat sa loob..

Madilim ang paligid..

Lalo syang kinabahan..

"Oh my God.." kinakabahang tanong nya..

Kinapa nya ang gilid para hanapin ang flash light na nakatago sa isang locker..

Ng makita ito ay mabilis nyang sinuyod ang paligid..Hanggang sa malaglag ang panga nya ng makita ang mga players nya na nakahandusay na tila wala ng buhay..

Dala ng matinding takot..

Lumabas si Spolstra at muling tumakbo patungo sa principal's office..

Nakasalubong nya sa hallway ang principal..

"Oh Coach.. Anong nangyari sayo ?.. Di ba simula na ng game ?.. Eto nga't manunuod din ako.. " nakangiting sabi nito..

Pero nagtaka ito ng makita ang takot sa mukha ng batang Coach..

"S-sir.. May nangyaring aksidente.. Samahan nyo po ako.. " sabi nya..

Napakunot ang noo ng principal..

"Huh ?.. Come on.. Mamaya na ang joke time.. Sige na .. Sabay na tayo sa Gym.. " sabi nya..

Pero sumigaw si Spolstra..

"I'm not Joking sir !.. Please believe me !.. Yung mga bata.. Nakahandusay sa locker .. P-parang wala ng buhay.. " malakas na sabi nya..

Nanlaki ang mga mata ng Principal..

"Oh my God.. Come on.. Call the other Teachers.. Oh my God.. " takot na sabi nito..

Mabilis na nalikom ang ibang teachers..

Tinakbo nila ang locker..

Dahan dahang binuksan ni Spolstra ang pinto at kinapa ang ilaw..

Napasigaw sila ng makita ang mga kabataang nakahiga sa sahig…

"Oh no.. !.. Call the Medics !.. " sigaw ng isang babaeng teacher..

Pero nagulat sila at napasigaw ng dumilat ang isa..

"H-hala.. Anong nangyayari.. " tanong ng isang player..

Nakatulog na din pala ang iba sa tagal ng paghihintay nila kaya di sila gumagalaw..

Mabilis nyang ginising ang mga kasama..

"Oy mga pre.. Gising.. Yari tayo !.. " tarantang paggising nya sa iba pa..

"N-nabuhay sila ?.. " takot na tanong ng Principal..

"It's a miracle.. " pasasalamat ng isang teacher..

Nilapitan ni Spolstra ang mga players nya para icheck..

"Ayos lang ba kayo ?.. " tanong nya..

Parang namaligno ang mga ito..

"S-sir.. W-wala na ba yung halimaw ?.. " tanong ng isa..

Nagtaka ang Coach..

"Halimaw ?.. Walang halimaw.. Sino bang may sabi sa inyo na may halimaw ?.. " tanong nya..

Nagkatinginan ang lahat at napasimangot..

"Sina Zack.." asar na sabi ng isa..

Napangiwi ang Coach.

"Nagpauto na naman kayo ?.. " tanong nya…

Nahihiyang tumango ang lahat..

"S-sabi nya kasi sir.. Hinahabol daw sila ng halimaw.. " pag amin ng isa.

Nanlaki ang mga mata ng Coach..Batid nyang sya ang humahabol sa tatlo kanina.

"Siraulo talaga !!!!.. Magsitayo nga kayo !!!" sigaw nya..

Kasama ang iba pang players.. Asar na tinakbo ng Coach ang mga siraulong players nya..

Tawa ng tawa sina Zack pagdating sa bench nila..

Naghiyawan ang mga tao ng pumasok ang tatlo.

"Wooooo !!!!!.. Galingan nyo guyss… " sigaw sa isang panig.

Nalula sina Rigor sa dami ng nanunuod..

"Hanep.. Artista na ko.. Nanay !!!.. Sikat na koooooo.. " sigaw ni Zack..

Nagtawanan ang mga tao pati na sina Ditas sa isang tabi..

Kumakaway sila sa fans..

"Oh autgraph ?. Sige lang.. Hi pretty.. " feeling pogi si Rigor..

Pati si Denzel ay nasa isang panig ..

Pero napangiwi sya ng may bumatok sa kanya..

Nilingon nya ito at nagulat sya ng makita si Annette na nakasimangot kasama nina Primo..

"Oh loko.. Mambababae ka pa ha.. " tatawa tawang sabi ni Gustavo..

Lalong nag ingay ng pumasok sina Coach at ang iba pang players..

Pero nagulat sila ng sakalin ng iba ang tatlo..

Imbes na magalit.. Natatawa na lang sina Spolstra dahil sa ginawa ng tatlo sa kanila..

Pinagkukurot nila sina Denzel, Zack at Rigor sa singit at kung saan saan..

"Tangna nyo.. Muntik nyo na kaming mapaniwala dun ha.. " sabi ng isa..

"Sino kayang unang humiga ?.. " biro ng isa pa..

Lalo silang nagtawanan..

Lumapit sa kanila ang isang ref..

"Sir.. Simula na natin ang game.. Late na po kayo ng 15 minutes.. " sabi nito..

Nagpasensya si Spolstra.

"Pasensya na po.. Nagkaroon lang ng di inaasahang kalokohan sa pagitan ng mga players ko.. Walang problema.. " sabi nya..

Nagtawanan muli sina Zack..

Sumipol na ang ref para tawagin naman ang mga kalaban..

Nahinto sa pagtawa si Zack ng makita nya na isang tumayo si Brix..

Sa gulat nya.. Lumapit ito sa kanya .

"Long time no see.. Zack.. " nakangiting bati nito..

Tumango lang si Zack..

"Sayo din.. Dyan ka na pala nag transfer.. " sabi lang nya..

Ngumisi si Brix..

"Kasi.. Kung nandyan pa rin ako.. Di ako mabibigyan ng chance na ilampaso ka.. " sabi nya..

Nahindik si Zack..

"Ikaw ang bahala.. Di naman ako nakikipagkumpetensya sayo.. Ang mahalaga lang sa akin ay makapaglaro ng patas at mag enjoy.. " paliwanag nya..

Pero natawa si Brix..

"Anyway. Kamusta na kayo ni Nerica ?.. " biglang tanong nya..

Napakunot noo si Zack..

"Okay lang naman.." sagot nya..

Hinakawan ni Brix ang baba..

Mula sa likod nya ay naglabas sya ng isang envelop..

Binigay nya ito kay Zack..

Nagtatakang kinuha naman ito ng binata..

"A-ano naman to ?.. " tanong nya..

Nagkibit balikat si Brix..

"Uhm well.. See for yourself.. Enjoy !.. " pang aasar nya..

Lumayo na si Brix para bumalik sa mga kasama..

Nagtatakang binuksan ni Zack ang envelope pero halos mabitawan nya ito ng makita ang litrato nila ni Nerica..

Isa dito ay yung mismong paghahalikan nila ng babae sa carpark ng eskwelahan..

Nahindik si Zack..

Napatingin sya kay Brix na nakatingin din pala sa kanya..

"Enjoy.. " paglilipsing ni Brix..

Tumiim ang mga bagang ni Zack..

Gigil na nilamukos nya ang mga nasabing litrato..

Akmang lalapitan nya si Brix pero sumipol na ang ref..

"Game na !.. " sigaw ni Rigor..

"Rwarrr !.. " pagsakay ng iba pa..

Nagtawanan sila maliban kay Zack..

Hawak nya ang nasbing envelop..

Di nya alam kung anong gagawin nya sa mga ito..

Ilang saglit pa ay naramdaman nya ang patapik ni Primo sa balikat nya..

"Simula na pre.." sabi nito..

Nasa likod pala nya si Primo .. Katabi ito ng kanyang ina..

Nasa gilid din sina Saimon at ang asawa nitong si Bridgette..

"Galingan mo iho.. " pag cheer ng among lalaki..

Napangiti ng kimi si Zack..

Nagtaka naman si Primo..

"Pards.. Simula na hoy.. Bitawan mo na yang envelope mo at pumunta ka na dun.. Mag jump ball na hoy.. " untag nya kay Zack.

Nagulat naman ang binata..

"S-sorry. " sabi nya sabay tayo..

Pero muli syang tinawag ni Primo..

"Langyang to… Maglalaro ka na hawak yang envelope na yan ?.. sigaw nito..

Nagtawanan ang audience na nakarinig …

Nahihiyang bumalik si Zack at atubiling iniwanan ang envelope sa upuan nya .. Hanggang sa agawin ito ni Primo..

Napahiyaw si Zack at sinikap na bawiin ang envelope pero ngumiti si Primo at inupuuan..

"Di ko bubuksan.. Sige na.. Laro ka na boy.. " sabi nya..

Atubiling napatingin si Zack sa envelope ..

"Sige na hoy !.. Paimportante pota.. " sigaw na ni Primo..

Ngumiti ng kimi si Zack at lumapit sa kaibigan..

"P-pare.. Kahit anong mangyari.. Wag mo yang ipapakita kay Sab.. " bulong nya..

Nagtataka man.. Tumango si Primo at nagthumbs up..

"Sige.. " sabi nito..

Nagkatitigan sila..

Hanggang sa lumapit na si Rigor at Denzel at kalawitin nila si Zack sa braso.

"Game na !.. " sigaw ni Spolstra..

Naghiyawan ang mga tao..

Sumipol ang ref..

Pumwesto ang mga manlalaro sa gitna para mag jump ball..

Si Rigor para sa team nila habang mas matangkad ng konti kay Rigor ang kalaban nya..

Malaki ang pangangatawan nito at kalbo pa.

Isa isang tiningnan ni Denzel ang mga kalaban..

Maging sya ay nagulat ng makita si Brix sa kabila.. Pero wala syang pakealam sa binata..

Ang focus nya ay ang kaibigang si Zack..

Tila tulala ang kaibigan nya..

Nakatingin din dito si Brix..

Nakangisi..

Tila may masamang niluluto laban sa kaibigan nya..

Nakita din nya ang inabot nitong envelope.. Kahit di nya alam ang laman nito… Masasabi nyang may kinalaman ito kung bakit natahimik si Zack..

Nagsisimula na syang kabahan para sa kaibigan..

Muling sumipol ang ref..

Nakapwesto na si Zack sa likod ni Rigor..

Malapit sya sa point guard nila..

Pilit nyang iniiwasan ng tingin si Brix..

"Jump Ball.. " sigaw ng babaeng ref..

Sumipol ito..

Pumwesto na si Rigor para tumalon..

Natahimik na rin ang crowd..

Hanggang sa ihagis ng ref ang bola.

Buong pwersang tumalon si Rigor..

Hawak nya ang bola..

Pero nagulat sya dahil nahawakan din ito ng kalaban..

Nagkatitigan pa sila sa ere hanggang sa pareho silang muling bumagsak sa lupa ..

Hawak nila ang iisang bola ..

Sumipol ang ref..

"Illegal jump for red number 09.. " sigaw ng ref na ang tinutukoy ay ang kalaban ni Rigor sa jump ball..

Naghiyawan ang crowd..

Bola nina Zack..

Inbound nila ..

Pinasa ng pointguard nila kay Denzel ang bola..

Nagdribble ito patungo sa kabilang ring..

Hanggang sa mapansin nya si Rigor na tahimik lang..

"Pards bakit ?.. " bulong ni Denzel..

Napatingin si Rigor..

"Nakita ko.. Di man lang sya bumwelo sa pagtalon.. Pero halos lampasan na nya yung pinakamataas kong talon.. " mahinang sabi nito..

Nagulat din si Denzel.

Napatingin sila sa mga kalaban..

Nakangisi si Brix..

"Mapapalaban kayo samen guys.. I mean.. Ex- Team mates.. " nakangising sabi nya..

Di sya pinansin ni Denzel..

Nagdribble sya at pumasok sa loob .. Sumalaksak ang binata..

Pero wa epek dahil hinarang sya ng dalawang naglalakihang kalaban..

Mabilis na pinagana ni Denzel ang isip nya.. Binalik nya sa labas ang bola..

Pinasa nya ito sa kakampi nya at mabilis naman din nitong pinasa kay Zack..

Nasalo ni Zack ang bola..

Pumorma syang titira pero nagulat sya ng dalawa ang nagbantay sa kanya..

Pinilit ni Zack na magdribble.. Pero muntik ng masundot ng isa ang bola kaya binalik nya ito kay Rigor..

Nagpump si Rigor..

Sinubukan nya kung matigas ang katawan ng bantay..

Gumamit sya ng pwersa..

Pero ni hindi nya matulak ang bantay nya..

Sumuko si Rigor at binalik kay Denzel ang bola..

Napansin na ni Denzel ang oras kaya mabilis syang nagdribble pero sinalubong sya ng dalawa na namang bantay..

Hanggang sa maubusan na sila ng oras..

Tumunog ang buzzer at sumipol ang ref..

Napa "awww.." ang crowd..

Di makapaniwala sina Denzel, Rigor at Zack sa nangyayari..

Kahit si Spolstra ay nagulat sa galing ng mga kalaban nila..

Napatingin sya sa kalabang coach..Ni hindi ito ngumingiti..

Eto ang Champion last year.. Ngayon alam na nya kung bakit..

Pero di sila dapat mawalan ng kumpyansa..

Bola nina Brix..

Sya ang naglabas at pinasa nya ito sa kakampi.

Mabilis nilang binaba ang bola..

Tulad ng lumang depensa..

Nasa gilid ni Rigor sina Zack at Denzel..

Nasa ilalim sya ng basket..

Lumapit sa kanya ang katapat na player..

Sinikap nyang harangan ang bola na makuha nito..

Pinasa ng may hawak ng bola kay Brix..

Nag fake ang binata ..

Tumalon ang bantay nyang point guard..

Mabilis nya itong pinasa sa kakamping bantay ni Zack..

Ng makuha nito ang bola ay nag dribble ito at nag step back..

Nanlaki ang mga mata ni Zack..

Nasa three points ang kalaban nya..

Tumalon ito at tumira.. Buong pwersa ni Zack nag inabot ang bola pero bigo sya.

"Rebound !.. " sigaw ni Zack..

Pero ngumisi ang bantay nya at bumaba na..

"Asa ka pang sasablay yan.. " pagyayabang nito..

Box out agad si Rigor..

Pero wala syang kalaban sa rebound..

Kaya pala..

Sureball ang tumira..

Ringless.

Tulad ni Zack ang kalibre..

Pasok ang bola..

Sumipol ang ref..

"Three points.. " sigaw nito..

Napanganga ang lahat ..

Pumalakpak si Denzel para tawagin ang pansin ng mga kakampi..

"Tres lang yan guys.. Sige lang.. Bawi tayo.. " sabi nya..

Inbound nila.

Nakatalikod ang isa nilang kakampi para kunin ang inbound ..

Bumaba na ang iba..

Sumigaw si Rigor..

"Likod !.. " sigaw nya sa kakampi..

Napatingin ito..

Pero huli na ang lahat..

Nakuha na ni Brix ang bola at nilay-up agad..

Easy two points ..

Nanlulumong napatingin na lang ang mga audience..

Napalapit si Denzel at Zack sa dalawang kakampi nila para sabihan ito na ayos lang..

Pero lumapit din si Brix..

"Kamusta ?.. Ano na nangyari ?.. Haha.. Pahirapan nyo naman sana kami ha. " pag aangas nito..

Umalma si Denzel pero pinigilan sya ni Zack.

"Ayos lang yan pare.. Ganyan talaga.. Lalo lang tayong di makakaiskor kapag pinatulan mo yan.. " bulong nya..

Tumango si Denzel.. Kinalma nya ang sarili..

"Sige pare.. " sabi nya..

Muli nilang binaba ang bola.

Hawak ni Denzel ang bola..

Sinulyapan nya si Zack..

Mahigpit itong binabantayan ng bantay nito kaya malabong makaiskor pa ang kaibigan sa mga oras na ito..

Nakita nya si Rigor na pasimpleng kumakaway..

Napangiti sya..

Tulad ng practice nila..

Nagdribble sya sa kabila ..

Patungo kay Zack..

Nagcut si Zack sa loob..

Nahawi ang mga bantay ..

Sinundan nila si Denzel at dinouble team..

Pero tumalon ang binata at hinagis sa ere ang bola..

Nagaabang si Rigor para sa alley oop..

Pero nagulat sya ng may kumalawit ng bola sa ere..

Natulala na lang binata sa taas ng talon ng kaharap..

"I can't believe this.. " bulong ni Spolstra..

Malakas nitong pinasa ang bola pababa sa tumatakbong si Brix..

Di na nag isip pa sina Zack at Denzel..

Hinabol nila ang binata..

Pero ng malapit na sila ay huminto ito at pinasa ang bola sa isa pang kakampi mula sa likod..

Yung player na bantay ni Zack ..

"Three pointer yan !.. " sigaw nya..

Ngumisi ang may hawak ng bola..

Nilapitan sya ng mga kakampi ni Zack at binantayan .. Pero bago pa ito makalapit ay naipasa na nya ang hawak patungo sa isa pang kakampi nya..

Tumira ito agad mula three points..

"Oh shet.. " bulong ni Rigor..

Pasok ang bola..

Ringless din tulad ng nauna..

"D-dalawa ang 3-pointer nila.. May isang mas mataas tumalon kay Rigor at mas bumilis pa si Brix kaysa sa dati.. Oh men.. " nanghihinang bulong ni Spolstra..

Kailangan nyang gisingin ang mga player pero duda sya na magagawa nya yon dahil maging sya ay nakakaramdam na rin ng panghihina kahit kasisimula pa lang ng laban..

Labag man sa kalooban..

Lumapit sya sa committee para tumawag ng time out..

Napatingin ang lahat sa bench nila ng marinig nila ang buzzer..

"Time out !.. Home Team !.. " sigaw ng ref..

Nagtaka si Denzel ng makita si Rigor..

"Pare.. " tawag nya ..

Tumingin ang binata..

"Oh.. " tanong nya..

Pero umiling si Denzel..

"Wala.. POgi mo.. " biro nya..

Natawa si Rigor pero di ito umabot sa mga mata nya..

Bumalik na sya sa bench..

Lumapit si Zack sa kaibigang si Denzel..

"Baket ?.. " tanong nya..

Nginuso nya si RIgor..

"Si Rigs.. " pagturo ni Denzel sa kaibigan..

Nagtaka si Zack..

"Baket ?.. Anong problema ng kapre ?.. " tanong nya..

Napatingin si Denzel kay Zack..

"Hinihingal na sya.. " tila maging ito ay di makapaniwala..

Natulala si Zack at nilingon ang kaibigan na nakaupo sa bench at umiinom..

Tama si Denzel..

Tagaktak na ang pawis ni Rigor..

"T-teka.. Kakasimula pa lang ha.. Wala pang tatlong minuto oh.. " puna din nya..

Napatango si Denzel at nilingon ang mga kalaban..

"Ang lakas nila.. " wala sa loob na usal nya..

Lumakad na sya patungo sa bench at tinabihan si Rigor..

Sumunod si Zack pero dinaanan sya ni Brix..

"Masaya ba ?.. " nakangising tanong nito..

"Ayoko ng away Brix.." pag iwas ni Zack..

Natawa si Brix..

"Duwag ka pa rin pala Zack hanggang ngayon..Takot ka sa mga hamon.." pang aasar nya..

Pero nilampasan lang sya ni Zack..

"Di ako takot Brix.. Ayaw ko lang ng gulo.. " sabi nya..

Pero muling tumawa si Brix..

"Di lang yun ang tinutukoy ko Zack.. ALam ko ang feelings mo kay Sabina..At alam ko din na di mo kayang sabihin yan sa kanya.. Nakakaawa ka.. Amo sya at katulong ka lang..Yun siguro ang dahilan mo.. " pang aasar nito..

Napahinto si Zack..Yumuko sya para itago ang galit..

Pero napaisip din sya..

Ano ba ang kinakainis nya eh tama naman ang sinabi ng binata..

Natatakot syang aminin kay Sab ang nararamdaman..

Takot syang harapin ang magiging resulta nito..

Kaya imbes na galit para kay Brix.. Galit para sa sarili nya ang nag sisimulang umusbong sa pagkatao nya..

Lumakad na sya patungo sa bench ..

"At sa tingin ko.. Lalong lalabo ang tyansa na maamin mo yan sa oras na makita ni Sab ang litrato na binigay ko sayo.. Marami ako nyan .. Ahaha.. Good Luck ..Tulad ng sabi mo.. ENJOY !.. " tatawa tawang sabi nito habang naglalakad pabalik sa bench nila..

Unti unting gumapang ang takot sa katawan ni Zack.

Tulala syang naupo sa tabi ni Denzel..

Di na pumapasok sa utak nya ang sinasabi ng coach..

Parang sa mga oras na iyon ay gusto na nyang umuwi at magkulong sa kwarto..

Hintayin na lang ang oras na huminto na ang pagtibok ng puso nya..

ITUTULOY !!!