1. Home
  2. Stories
  3. ZACK ANd SAb Book 1 - Chapter 33
Lagablab

ZACK ANd SAb Book 1 - Chapter 33

By supertoyantz ·

MAY PAHINTULOT MULA KAY SUPERTOYANTZ NA ILATHALA ANG KUWENTONG ITO SA LAGABLAB

Chapter 33

Halos di naramdaman nina Zack ang oras..

Nagkagulatan pa sila ng tumunog ang buzzer tanda na tapos na ang break nila..

"Nak ng patis.. Ni hindi nag init ang pwet ko ah.. " reklamo ni Denzel..

Tahimik na napatingin si Zack sa kaibigan..

Naaawa sya dito dahil sinisolo nito ang bigat ng sitwasyon nila..

Nais nyang tumulong pero wala syang magawa…

"Kaya mo pa yan tol.. Tiis lang.. " pagbibigay suporta nya sa kaibigan.

Ngumiti si Denzel at tumango..

"Ano pa nga ba?.. Ganito talaga.. " nakangiting sabi nya.

Lumapit si Rigor sa coach..

"Sir.. Baka pwede ng pumasok ?.. " tanong nya..

Napatingin si Zack at Denzel kay Spolstra..

Tahimik itong nakaupo at nag iisip..

"Sir ako rin po.." sabi ni Zack.

Tumingin ang coach sa dalawa..

Nagkibit balikat ito at umiling..

Nagulat sina Rigor at Zack..

Akmang mag rereklamo sila ng hawakan ni Denzel ang magkabila nilang balikat.

"Trust our Coach guys.. Sya ang nakakaalam.. " malumanay nyang sabi..

Nagkatinginan sina Rigor at Zack..

"P-pero.. Alam naming pagod ka pa .." sita nila..

Nag stretch si Denzel ng braso nya at pinalabas ang muscle..

"Yakang yaka pa.. " biro nya..

Atubiling tumango sina Zack at Rigor..

Sumipol ang ref..

Tinapik ni Denzel ang mga kaibigan at nakangiting pumasok muli sa court para ituloy ang laban..

"Wooooo !!.. " sigaw ng mga nakapulang fans..

Halos mapuno ng sigawan at cheerings para sa mga kalaban nina Denzel..

May mangilan ngilan din namang nag checheer para sa kanila.. Pero di na ito naririnig dahil natatabunan ng makapal na bilang ng kalabang cheerings..

Alumpihit na nakaupo si Sab..

Nais nyang may gawin pero di nya alam kung ano..

"Ano ka ba Sabina.. " saway ng ina..

Napakagat labi si Sab..

Sinulyapan nya si Zack nag sumisigaw para i-cheer ang mga kakampi..

Ilang saglit lang ay nagulat sya ng tumili ang katabi nyang si Heidi..

"Go guys !!!.. Kaya nyo yan !!!.." sigaw nito..

Tumingin si Sab sa kaibigan..

"Sis.." bulong nya..

Nahihiyang ngumiti si Heidi sa kanya..

"This is all I can do for them.. Cheer.." kiming sabi nito..

Ngumiti si Sab at biglang hinalikan sa pisngi ang katabi..

"Yes sis.. But your not alone.. Tara… Duon tayo sa tapat ng bench nila.. I'm sure okay lang yan.. " aya ni Sab..

Nanlaki ang mga mata ni Heidi..

"You mean lalapit tayo ?.. Shucks Sab nakakahiya.. Pagtitinginan nila tayo.. " tarantang sabi nito..

Umingos si Sab.

"To hell I care.." nakasimangot nyang sabi..

Tumingin si Saimon sa anak.

"Oh saan ka naman daw pupunta ?.. " tanong nito..

Ngumiti si Sab..

"I'm helping them Dad.. Wait lang.." nakangiting paalam nya..

Napatango na lang si Saimon sa anak..

"Take care.." tanging nasambit ni Saimon..

Tila bumagal ang pag ikot ng orasan para kina Denzel..

Ramdam nya na ang paggapang ng pawis sa katawan..

Pagod at Pressure ang naghahalo sa utak nya..

Pero di nya ito dapat pansinin..

Kailangan nyang maging matatag bilang Team Captain..

Ayaw nyang kakitaan sya ng konting kahinaan ng mga kasama..

Bola nina Brix..

Hawak ng binata ang bola..

Kampante nitong tinawid ang half court at nag dribble..

Tinitigan ang bantay nya..

Sinlaki lamang nya ito..

Kakilala nya ito at dating kaschoolmate..

"Traydor ka Brix.. " maasim na sabi ng bantay ni Brix..

Ngumisi ang binata at nag kibit balikat..

"Mahihina kayo dyan.. Wala akong pag asang makaranas ng championship kung dyan ako maglalaro.." pang aasar nya..

Kita sa mukha ng bantay ni Brix ang pag kaasar sa kanya..

Pero wala syang pakialam..Ang mahalaga sa kanya ang ang manalo at maipamukha sa dating kuponan na mali ang ginawa nitong pag tanggal sa kanya sa team..

Mabilis na nag dribble ang binata…

Nagcross over sya patungong kaliwa..

Sumunod naman ang bantay nya..

Eto ang hinihintay nya..

Sumugod si Brix dala ang bola patungo kay Denzel..

Tumalon sya para sa layup..

Alerto si Denzel..

Mabilis syang pumihit sa binabantayan para salubungin ang binata..

Alam nyang sasagasa ito dahil wala na si Rigor..

Kaya sya ang nag lakas loob na makipag banggaan sa kalaban..

Pero nagulat si Denzel ng ibaba ni Brix ang bola at ibigay sa sentro nila..

Wala ng nagawa si Denzel kundi panuorin ang pagtalon ng sentro ng kalaban para idakdak ang bola..

Muling naghiyawan ang fans nina Brix..

Hingal na hingal na si Denzel..

Kulang na lang bantayan nya ang lahat..

Batid nyang pagod na rin ang mga kasama nya..

Tumingin sya sa orasan.

11 minuto pa..

31 ang lamang nina Brix..

Unti unti ng nawawala ang pag asa nya ..

Hinilamos ni Rigor ang mga palad nya sa mukha..

Di nya kayang makitang madurog ang buong team ng hindi sya tumutulong..

Lumapit sya sa Coach…

Tumingin si Zack sa kaibigang si Rigor..

Seryoso ang mukha nito na lumakad palapit kay Spolstra..

Tinigitan ni Rigor ang batang Coach..

Seryosong tumitig si Spolstra sa matangkad na binata..

"Coach." bungad ni Rigor..

Tahimik na tumingin si Spolstra..

"Alam ko na alam nyo ang ginagawa nyo..Pero nagmamakaawa ako..Hindi ko kayang panuorin sila na nadudurog.." tiim bagang na sabi ni Rigor..

Nag dekwartro si Spolstra..

"Anong gustong mong gawin ko ?.. " tanong nya..

Nagtagis ang mga bagang ni Rigor..

"Ipasok nyo na po ako.. " utos nya..

Tumitig si Spolstra sa binata..Maya maya ay natawa ito ng plastik..

"At sa tingin mo kapag pumasok ka, babaliktad ang game ?.. " pang aasar nya..

Kinuyom ni Rigor ang kamao nya..

"Di po.. Pero di ko kayang maupo na lamang dito habang naghihirap sila..Gusto kong may gawin .. Coach.. Parang awa nyo na po.. " nagulat ang lahat ng lumuhod ang kapre..

Pati si Zack at nanlaki ang mga mata..

Napatayo sya..

"Di makakatulong ang pagluhod mo Regidor.. Maupo ka don at manuod.. " seryosong utos ni Spolstra sa binata.

Pero nagmatigas si Rigor..

"Papasok ako Coach.. Ayaw ko pong matalo ng di lumalaban.. " madiing sabi nya..

Tumayo ang Coach..

Natakot si Zack kaya nilapitan nya ang kaibigan at hinawakan sa balikat..

"P-pare.. Dito na lang muna tayo.. Sundin natin si Coach.. " pero maging sya ay gusto na ding maglaro..

At least kapag natalo sila..ALam nyang sama sama silang matatalo..

Lumalaban..

Pero di natinag si Spolstra..

"I know what your thinking guys.. Pero gusto kong ipaunawa sa inyo na ako ang Coach dito..So wala kayong magagawa kundi sumunod lang .." matigas na sabi nya.

Nakaramdam ng di maipaliwanag na galit sina Zack at Rigor para sa Coach..

Tahimik silang naupo at pinanuod ang mga kaibigan nilang unti unti nyang nilalampaso..

Inbound nina Denzel..

Nasa labas ang gwardya nila at pinasa sa kanya ang bola pagpito ng ref..

Mabilis nya itong tinawid sa kabila..

Sinalubong sya ng kalabang player..

No choice si Denzel kundi ipasa ang bola sa kakampi..

Pagpasa nya ay umikot sya sa ilalim ng ring para pahabulin ang bantay..

Tama ang hinala nya na hahabulin sya nito.

Nagkatinginan sya ng isa nyang kakampi ..

Mukhang nagets nito ang nais nyang mangyari..

Muling bumalik si Denzel sa ilalim ng ring ..

Nakasunod ang bantay nya pero nagulat ito ng harangan ng isa pang kampi ni Denzel..

Libre ang binata kaya tinaas nya ang kamay para tawagin ang pansin ng kakamping may hawak ng bola..

Mukhang nakita naman sya nito dahil pasimple itong tumingin sa kanya..

Nag fake ito at mabilis na hinagis kay Denzel ang bola..

Nag fake din si Denzel..Tumalon si Brix para supalpalin sana ang tira ng binata .. Pero mabilis na nagdribble si Denzel at sinugod ang basket..

Tinipon nya ang lakas para tumalon ng mataas at ilay-up ang bola..

Pero sa di nya malamang dahilan..Di nya naabot ang ring..

Bumagsak sya sa sahig ..

"Foul !.. Red number 22 !, Intentional ! " sigaw ng ref..

Napatayo sina Zack at ang iba pang teammates nya ng makita kung sino ang bumagsak ..

"Denzel !.. " sigaw nila..

Walang pakealam si Zack sa mga ref.. Walang lingon lingon nyang tinakbo ang kinabagsakan ng kaibigan..

Kita nya ang pagbagsak ng kaibigan pero nagtataka sya kung bakit tila nahihirapan itong tumayo..

"Pare.. Bawal dyan !.. " sigaw ng isang team mate ni Zack..

Pero wala syang pakialam..

Hinawi nya ang mga players at niluhod ang kaibigan..

Nakangiwi si Denzel..Hawak nito ang balakang..

"Ano pare ?.. " kinakabahang tanong nya..

Ngumiti si Denzel.

"Ayos pa tol.. Medyo masakit lang .. Pero makakatayo pa ko.. " sabi nya sabay sinubukang tumayo..

Pero muli ding umupo si Denzel..

"Ouch.. Damn !.. " bulong nya..

Ramdam nya ang pagbagsak nya..

Sinulyapan nya ang kalabang tumapik sa kamay nya at bumunggo sa katawan nya..

Nakatitig ito sa kanya at nakangisi..

"Hanep.. Mukhang ang saya mo pa pare ah.. " asar na tanong ni Denzel..

Lumingon din si Zack..

"Bakit tol ?.. Ano bang nangyari ?.. " tanong nya..

Umiling na lang si Denzel..

Lumapit sa kanila ang ref ..

"Kaya mo pa ba number 4?.. " tanong nito.

Napaisip si Denzel..Pinakiramdam ang sarili sabay tango..

"Oho.. " sabi nya..

Dahan dahang tumayo si Denzel para ipakita sa iba na ayos lang sya..Masakit ang parteng balakang nya pero di pa panahon para magpahinga..

Nilingon nya si Spolstra..

Nakatingin din sa kanya ang batang Coach..

Tumaas ang kilay nito..

Tumango si Denzel..

Tumango din si Spolstra at lumapit sa committee..

Ilang saglit pa ay tumunog ang buzzer..

"Time Out !.. Home Team.. ! " sigaw ng isa sa mga committee.

Tumakbo si Rigor para salubingin sina Zack at Denzel..

"Kaya pa pare ? .. " tanong ng kapre..

Tumango si Denzel..

Tinago nya ang pagngiwi dahil sa kirot..AYaw nyang mag alala ang mga kaibigan..

Inupo nila si Denzel sa bench..

"Kaya mo pa Denzel ?.." tanong ni Spolstra..

Tumango si Denzel ng mabilis at ngumiti..

"Kaya pa Coach.. Oras na po.. " sabi nya..

Ngumiti si Spolstra..

"Sino sa kanila ang threat ? .. " tanong nya..

Napaisip si Denzel at tiningnan ang mga kalabang players.

"Number 09.. Mataas at malakas tumalon.. Number 22 at number 21 , Parehas three pointer.. Si Brix . Mabilis tumakbo at magaling magpasa..Tapos yung isa. Number 08, masipag dumipensa.. Perfect Team sila Coach.. Mahilig sila mang harass.. Nakikipag pisikalan sila sa bawat player natin.." pag aanalyze nya..

Tumango si Spolstra..

"Pero ?.. " tanong nya pa..

Ngumiti si Denzel.

"May kahinaan sila.. " sabi nya..

Ngumisi ang Coach..

Nacurious sina Zack at ang iba pa..

"Yang lakas nilang yan may weakness pa ?.. " tanong ni Zack..

Tumango si Denzel..

"Yeah.. Yang lakas nila ang kahinaan nila.. " sabi nya..

"Ano ?.. " tanong ni Zack..

"Teamwork.. Dating gawi pare.. " nakangiting sabi ni Denzel..

Tumango si Spolstra..

Inakbayan nya sina Zack at Rigor..

"Gigil kayo di ba?.. Lumayas na kayo dito at pumasok sa loob.. Time to get rough.. Kung kelangan makipagsuntukan kayo sa court .. Gawin nyo..Kung ano ang ginagawa nila sa inyo kanina.. Doblehin nyo.. Kaya ko pinagpahinga sina Zack at Rigor dahil sila ang hahabol sa skor..Pero syempre.. Di nila kaya yan kung di kayo magtutulungan..Salamat sayo Denzel.. " pasasalamat ni Spolstra sa binata..

Nag thumbs up si Denzel..

Napangiwi sina Zack at Rigor..

"Ikaw kasi pare.. Tiwala lang dapat kay Coach.. " sabi ni Rigor..

Siniko sya ni Zack..

"Gagong to.. Sino kaya ang walang tiwala ?.. May paluhod luhod pa daw.. Kahiya ka pre.. " pang aasar nya..

Nagkatawanan sila..

Napangiti si Spolstra..

Unti unti ng bumabalik ang team nya..

Pero kulang pa..

"Zack iho.. " pagtawag ni Spolstra..

Lumapit si Zack..

"Po ?.. " tanong nya..

Tinuro ni Spolstra ang ring..

"Kapag lumampas sa 50 points ang score mo.. May regalo ako sayo.. " nakangiting bulong ni Spolstra sabay kindat..

Nanlaki ang mga mata ni Zack..

"Di ko kaya yon Coach.. 4 Points pa lang ata skor ko.. " nakangiwing sabi nya..

Pero umiling ang Coach..

"Alam ko na kaya mo..Di ba guys ?.. Kaya ni Zack na umiskor ng lambas pa sa 50 points ?.. " sigaw nya..

Napatingin ang lahat pati ang kabilang team..

Nag tawanan ang mga tao.

"Kaya yan.. Sa panaginip.. " pang aasar ng isa sa mga fans nina Brix…

Natawa din ang mga kalaban nina Zack.

Naasar sina Rigor pero pinili nilang tumahimik na lang..

"Kaya mo yan iho.. Mag tulungan kayo.. Tandaan mo ang premyo.. One of a kind yon.. " pang aakit nya..

Nag kibit balikat si Zack..

"Wala hong mawawala sakin.. "sabi nya..

Ngumiti ang Coach at sinitsitan si Denzel..

"Sabihin mo nga na Time out pa.. " sabi nya..

Kinalabit nya si Rigor..

"Bakulaw.. " pang aasar nya..

Napakamot si Rigor sa batok nya sabay ngumiti ng nahihiya..

"S-sorry po Coach kung nawalan ako ng tiwala sa inyo.. " pag hingi nya ng paumanhin..

Pero nagulat sya ng sikmuraan ng Coach..

"Ayos lang yon.. Mabait kang kaibigan Rigor.. Pero may hamon ako sayo.. " bulong nya..

Nacurious si Rigor..

"Ano po yon ?.. " tanong nya..

Nilingon ni Spolstra ang paligid..

"Nawala sila eh.. Kanina nakita ko yon..Nakita mo ba yung babaeng kasama nung bebot ni Zack?.. Si Sabina ?.. Classmate nya ba yun ?.. " tanong nya..

Napangisi si Rigor…

Siniko nya ng mahina ang Coach..

"Oyy.. Kadiri kayo Coach.. Bata pa nun ha.. " biro nya..

Pero kinotongan lang sya ng Coach ..

"Sira ulo.. May napansin lang kasi ako.. Mukhang may gusto sayo eh.. " pang chismis nya..

Nanlaki ang butas ng ilong ni Rigor at ngumiti na parang baliw..

"Grabe Coach ah.. Tsismis yan.. Sa tingin nyo naman maniniwala ako.. .. Pero sa tingin nyo talaga Coach meron ?.. " tanong nya..

Natawa si Spolstra at inakbayan ang binata..

"Basta ako bahala.. Pero di yun yung hamon ko sayo.. Nakita mo ba yung number 09 ng kalaban ?.. Anong masasabi mo ?." tanong nya..

Tiningnan ni Rigor ang tinutukoy ni Spolstra..Tumiim ang bagang nya..

"Malakas sya Coach.." mahinang pag amin nya..

"Eh bakit parang may pahabol pa yang sinasabi mo ?.. " panunubok ni Spolstra..

Ngumisi si Rigor at kinabog ang dibdib..

"Mas malakas ako sa kanya.. Rwarrr !.. " umatungal sya na parang leon..

"Angas nito.. Pero sa tingin ko naman talaga mas malakas sya.. " biglang banat nito..

Nagtampo si Rigor at niyakap ang sarili..

"I thought you have trust in me.. But it seems that you have'nt.. Why Coach ?.. Why.?.. " tila sinaniban na si Rigor ng masamang espiritu…

Namangha si Spolstra pero pinilig nya ang ulo..

"Bakit ?.. May patunay ka ba na mas malakas ka ?.. " tanong nya..

Ngumiti si Rigor ..

"Wala pa Coach.. Ngayon pa lang.. " matapang nyang sabi..

Ngumiti din si Spolstra..

"Yun ang hamon ko.. Gusto kong di na sya makaiskor.. Ay mali.. Lahat ng papasok sa shaded area.. Kita mo yan ?.. Kapag lumampas sila ng freethrow.. Dapat di na sila makakaiskor..Gusto kong pagharian mo ang ilalim ng basket.. Lahat ng rebound kainin mo..Sayo ang zone na yan at walang makakaagaw kahit sampung number 09 pa ang sumugod.. Do you understand me ? .. " paghamon nya..

Nanlisik ang mga mata ni Rigor..

"I understanding you Coach.. I can also management.. " bumalik na si Rigor sa sarili nya..

Tila nais masuka ni Spolstra sa binigkas ng binata pero pinilit nya na lang ang sarili na sakyan ito..

"Sige na.. Kwento mo sa pagong.. " tumalikod na si Spolstra..

Ninalahad ni Denzel ang palad nya..

"Time to get nasty guys.. Gusto nila ng pisikal.. Pipisikalin natin sila.. Pero sa depensa yon.. Ibahin natin ang opensa.. Tulad pa rin tayo ng dati.. Tulungan.. " sabi nya..

Ngumiti ang lahat..

"An eye for an eye.. " sabi ng isa..

"Tooth for a tooth.. " sabi ni Zack..

Nacurious si Rigor..

"Alam ko yan ah… Gums to gums.. " may masabi lang..

Nais nilang itakwil ang binata sa sinabi nito pero pinili nilang wag na lang itong pansinin..

"Sige na sige na.. Nandyan na yan eh.. Tanggapin natin kung ano sya.. Anyway.. Let's Rock !.. " sigaw ni Denzel..

"Rock !!!.. " pagsigaw din ng lahat..

Nagulat ang lahat ng marinig ang malakas na sigaw mula sa kuponan nina Zack..

Naghiyawan ang mga kalabang fans..

"Oh ayan na.. Handa na silang matalo.. " pang aasar ng iba..

"I doubt.. Go Teaaammmmm !!!!!.. " boses ng isang babae..

Napalingon sina Zack sa pinanggalingan nito..

Tila nabatubalani sya ng makita si Sabina na suot ang binigay nyang jersey..

"Fight ! Fight ! Fight !.. " sigaw ni Heidi..

May hawak silang pompoms na kinuha nila mula sa stock room..

Napangisi si Rigor at tinakbo si Spolstra..

"Coach coach.. " excited na sabi nya..

"Oo na.. Oo na..Mamaya na kita papakilala.. " nakangiwing sabi ng Coach..

Ngumisi na lang si Rigor at pinagmasdan ang magandang dalagita..

Napangiti sina Saimon, Bridgette at Ditas..

"Anak mo talaga.. " naiiling na sabi ni Bridgette..

"Hayaan mo na .. This is the least that she can do for her Kuya Zack.. " nakangiting paliwanag ni Saimon..

Napangiti si Ditas..

"Kaya mo yan Anak !.. " di na nya napigilan ang mapasigaw..

Tumingin si Zack sa ina..

"Nay !.. Mananalo po kami ! " proud na pagtawag nya..

Natouch si Ditas.. Di nya akalain na di mangingimi si Zack na tawagin syang Inay sa harap ng maraming tao..Kanina pa sya tahimik dahil akala nya ayaw ng binatang ipaalam sa karamihan na sya ang ina nito.. Masakit. Pero nauunawaan nya ang anak..

Pero sa narinig ay lalo nya itong minahal.. Handa si Zack na ipaalam at ipagmalaki sa buong mundo na sya ang Nanay nito..

Dahil dito..

Tinipon ni Ditas ang lakas ng loob at muling sinigaw ang pangalan ng anak..

"Zack !.. Laban !.. " sigaw nya.

.

Napangiti ang mag asawa at gumaya na rin..

Malakas ang sigawan ng sumipol ang ref para ilahad ang pagpapatuloy ng laro..

Pumasok sina Zack sa court at hinanda ang sarili..

Halos mapatid na ang litid nina Sab sa kakasigaw pero mukhang imposible talagang matalo nila ang madaming cheerings ng kalaban..

Pero napahinto ang lahat ng umugong ang labas ng gym..

Ilang saglit pa ay pumasok ang laksa laksang tao..

Pinaghalong estudyante at teachers..

Nasa harap nito ang tatlong unggoy na sina Primo, Gustavo at Vincent..

"Sinong mananalo ?.. " pasigaw na tanong ni Primo..

Di na nya kailangang ulitin ang tanong..

Dumagundong ang malakas na sigawan..

"Tayoo !!!!!!!!.. " sabay sabay na sigaw ng mga estudyante..

Napangiti si Denzel at nag thumbs up sa mga kaibigan..

Tumango sina Primo..

"This is the least that we can do pare.. All the remaining percent of winning is up to you guys.. " sabi nya …

Ngumiti lang sina Denzel..

Lumapit si Rigor sa gitna at dinuro ang mga kalabang players..

"Mararanasan nyo ang pakiramdam ng matoasted.. Oh yes…. Gigilingin namin kayo…" sigaw nya..

Naghiyawan ang mga fans ng buong school ..

Sa kabila ng sigawan ..

May dalawang nilalang na di naghihiwalay ang tingin..

"Kaya mo yan.. " bulong ni Sab..

Tila naunawaan ito ni Zack..

Tumango sya.

Tinuro nya ang sarili..

Napakunot ang noo ni Sab..

Maya maya tinuro ni Zack ang puso nya..

Muling kumunot ang noo ni Sab.

Di nya ma gets ang nais sabihin ng binata..

Ilang saglit pa ay tinuro ni Zack ang dalagita sabay tumalikod na..

Kunot noong inulit ulit ni Sab ang ginawa ng binata hanggang sa matigilan sya..

Tulala si Sab ng magets ang sinabi ng binata..

Nais nyang magsisigaw..

Pero pinili nyang manahimik at namnamin ang nais sabihin ng binata..

"I heart you too.. Or should I say, I love you more.. " bulong nya..

ITUTULOY !!!