1. Home
  2. Stories
  3. ZACK ANd SAb Book 1 - Chapter 4
Lagablab

ZACK ANd SAb Book 1 - Chapter 4

By supertoyantz ·

MAY PAHINTULOT MULA KAY SUPERTOYANTZ NA ILATHALA ANG KUWENTONG ITO SA LAGABLAB

Chapter 4

Maagang nagising si Sabina kinabukasan..

Masayang masaya ang pakiramdam nya dahil naalala nya pa ang pamamasyal nila ng parents nya kahapon..Bihirang bihira itong mangyari..

Takbo agad sya sa kwarto ng ama at ina..

Napangiti ang bata ng makitang tulog pa ang mga ito..

Tinakbo nya ang distansya at agad na tumalon sa kama.

"Wake up !.." tili ng bata…

Naalimpungatan ang mag asawa.

Asar na muling nagtalukbong ang ina ni Sabina..

"What are you doing Sabina..Can't you see were still sleeping?.." paos ang boses ng ina.

Napasimangot ang bata. Pero bigla din syang napahiyaw ng maramdaman ang pagkiliti ng ama..

"You woke up too early huh.." lambing ni Saimon..

Napangiti ang bata..Niyakap nya ang ama..

"Dad..I'm hungry.." suyo ni Sab..

Hinalikan ni Saimon ang buhok ng anak..Binuhat nya ito at dinala sa banyo para linisan..

Ilang saglit lang matapos mag linis ang mag-ama .. Sabay silang lumabas ng banyo..Saglit na sinulyapan ni Saimon ang natutulog na kabiyak..Napailing na lang sya..

Hawak ang kamay ng anak..Lumabas ng kwarto ang mag-ama sabay baba sa hagdan..

Nasalubong nila si Aling Salud..

"Oh..Ang aga nyong mag ama ah.." bati nito.

"Good Morning yaya." bati ni Sab..

Ngumiti ang matanda..

"Aba..Good mood ang alaga ko ah.." puri nya..

Napangiti na lang si Saimon..

"What's for breakfast yaya?..".. tanong ng bata..

Ngumiti ang matanda at nagkibit balikat..

"Ewan ko..Di naman ako nagluto eh.." sabi nya..

Nagtaka ang mag ama..

Inakay ng matandang katiwala ang dalawa patungong kusina..

Pagbungad pa lamang ay amoy na nila ang masarap na amoy ng ginisang bawang..

Agad silang natakam..Di na nagpigil pa si Saimon..Pumasok na sya sa kusina..

Nabungaran nya ang mag ina na nagluluto..Abala ang mga ito..

"Zack anak..Patapos na itong niluluto ko..Tawagin mo na si Lola Salud mo para sya na ang tumawag sa mga amo natin..Nakakahiya kasi kung ikaw ang tatawag eh.." nakatalikod si Ditas..

Pati si Zack na naghuhugas ng mga pinag gamitan ay nakatalikod sa pinto ng kusina..

Napangiti ang lahat maliban kay Sab..

Kunot ang noo ng bata dahil di nya kilala ang mga ito..

Kinalabit ng bata ang yaya at tatay nya..

"Who are they?.. tanong ng bata..

Pero imbes na sagutin..

Tumikhim si Saimon para iparamdam ang presensya nila..

Gulat na napalingon ang mag ina ..

"Ay..K-kayo po pala..M-magandang umaga po.." bati ni Ditas..

Ngumiti sina Aling Salud at Saimon..

Pumasok na sila sa loob para maupo..

Agad namang inayos ni Zack ang mesa..

Napatingin ang bata kay Zack..Kunot ang noo..

Napasimangot na tiningnan si Aling Salud..

"Yaya..Sino po sila?.. " tanong ng bata..

Agad namang pinakilala ng matandang katiwala ang mga bagong kasambahay..

"Ah..Ito nga pala si Ditas..Sya yung sinasabi ko sayo Saimon na kaibigan ng anak ko..At ito naman ang anak nyang si Zack..Mapagkakatiwalaan yang mga yan iho.." pakilala ni Aling Salud..

Tumango tango si Saimon ..Tinapunan nya ng tingin ang ina ni Zack ..

Maganda ang ina ng bata..Di kataka taka na gwapo si Zack bagama't payat..

"Magandang umaga naman sa inyo..Ako si Saimon..At ito naman ang anak kong si Sabina..Sab, say Hi to our new family members.." mabait na bati ni Saimon..

Napasimangot si Sab..Tinapunan nya ng tingin si Ditas..Pagkatapos ay kay Zack..

Lalong napasimangot ang bata..

Napayuko sa hiya si Zack.

"Anak, say Hi sabi eh.." utos ng ama..

Napilitan ang bata na sumunod..

"Hi po.." bati nya..

Ngumiti ng kimi si Ditas..Nanatiling nakayuko si Zack..

"Oh tapos na ata kayong mag luto..Halika na para magsabay sabay na tayo.." utos ni Saimon..

Napailing ang mag ina..

"P-pagkatapos na lamang ho ninyo s-sir.." nahihiyang sabi ni Ditas..

Napatingin si Saimon kay Zack..

"Zack..Di mo pa ata nasasabi sa nanay mo eh.." bungad nya..

Tumingin si Ditas sa anak..Nagtatanong ang mga mata..

Umangat naman ang tingin ni Zack sa ina..

"Nay..Sya po yung bumili ng mga gamit ko sa eskwela..Yung sinasabi kong mabait na lalaki.." pakilala ni Zack..

Nanlaki ang mga mata ni Ditas..

Napayuko sya at nahihiyang nagpasalamat sa lalake..

"Naku..Maraming maraming salamat po talaga sa kabutihang loob ninyo na tulungan ang anak ko..Maraming salamat po talaga..Napakalaki po ng pagkakautang namin sa inyo..Kahit ibawas na lamang po ninyo sa sweldo namin ni Zack.." hiyang hiya si Ditas..

Natawa si Saimon at kinumpas ang kamay..Inabot nya ng ulo ni Zack para guluhin ang buhok..

"Sus naman itong dalawang to..Ano ba ito Nanay Salud?.. Tsk tsk.." natatawang sabi ni Saimon sabay baling ng tingin kay Aling Salud na nangingiti na din..

Kunot noo na naman si Sab na nakatitig lang kay Zack..

Natawa lang ang matandang katiwala..

"Wala yon no..At hindi ko ibabawas sa sweldo nyo yon.." sabi ni Saimon..

Namuo ang luha sa mga mata ng mag ina..

Pero agad itong inawat ng lalake..

"Hep hep..Sige..Pag umiyak kayo..Babawiin ko yon..Ahaha..Di no, biro lang..Kumain na nga tayo..Hmm..Mukhang masarap itong hinain nyo ah.." napahimas pa sa tyan si Saimon..

Napangiti ng kimi ang mag ina.

Naupo na si Aling Salud..Tinuro nya ang mga kalapit na silya medyo malayo sa mag ama..

Napailing na lang si Saimon ..Batid nyang nahihiya ang mag ina pero pasasaan ba at masasanay din ang mga ito..

Sabay sabay silang kumain..

"Kain ng kain..Naku ang sarap talaga..Kaw ha Ditas..May talent ka sa pagluluto.." puri ni Saimon..

Namula ang mga pisngi ni Ditas ..Kimi syang ngumiti sa among lalake..

Di talaga tinatantanan ng tingin ni Sab si Zack na nakayukong kumakain..

Pero infairness..Masarap talaga ang pagkain..

Napansin nyang ubos na pala ang kanin nya kaya umabot pa sya ..Pero maliit lamang ang mga braso nya..

Agad namang sinandukan ni Zack ng kanin ang bata..

Napasimangot lang si Sab imbes na magpasalamat..

Napangiti si Saimon kay Zack..

Mukhang mabait talaga ito..

Natapos ang masaganang almusal..

Busog na busog ang mag ama sa sarap ng inihanda ng mag ina..

Naalala ni Saimon ang tinda ni Zack na kakanin..Paborito nila itong mag ama..Napatingin sya sa babaeng naghuhugas ng plato..

"Ah Zack..Sino nga ulit yung nagluto nung kakanin na binili ko sayo?.." tanong nya.

Napatingin si Zack sa ina..

Kiming napangiti lang si Ditas..

"Ah …Masarap talaga yon sobra..Pwede bang igawa mo kami non every sunday?.. Kung okay lang sayo.." utos ni Saimon..

Tumango ang babae..

"Oho naman sir.." sabi nya..

Kinumpas ni Saimon ang kamay..Umiling iling..

"Saimon..O kaya Mon nalang..Wag ng sir..Di naman ata nalalayo ang edad natin eh..At ikaw Zack…Tito Saimon or Tito Mon..Kapag tumanggi ka..May palo ka sa pwet.." biro pa nya..

Nagkatinginan ang mag ina..Mahinhin silang napangiti sa isa't isa..

"S-sige ho..S-saimon.." mahinang pagtango ni Ditas..

Muling umiling si Saimon..

"Wala ng ho at po ..Si Zack na lang..Ahahaha..Anyway, if ever na may kailangan kayong mag ina..Just tell me na lang okay?… At pagtapos nyo dyan .. Follow me sa garden.. May pag uusapan tayo in terms of sweldo and benefits okay?.." nakangiting bilin nya..

Napatango ang mag ina..

Nakangiti namang umalis si Saimon ..Pinuntahan nya ang anak na nanunuod ng TV..

Nilampasan nya na lamang ito, dumiretso na sya sa garden..

Di nagtagal, may tumikhim sa likod nya..

Agad syang napalingon at napangiti sa mag ina.

Minwestra nya ang kaharap na bakal na upuan..Tahimik na umupo sina Ditas at Zack..

Natawa bigla si Saimon..

"Hoy!..Wag nga kayong mahiya..Ituring nyo na kaming parang pamilya nyo dito..Ganito talaga kami nina Aling Salud dito sa bahay..Parang Lola na sya ni Sab ..Parang nanay ko na din sya since sya ang dati kong yaya.." bungad ng lalake..

Ngumiti ang mag ina..Tumingin sila sa among lalake..

"Anyway..Tulad ng nasabi ko na..Since na wala kaming kasama dito..Teka.. Stay-in ba kayo o uwian?.." tanong nya..

Sumagot si Ditas..

"P-pwede po bang Stay-in?.." sabi nya..

Ito ang matagal na pinag-isipan ni Ditas..Kapag umuwi pa sila sa inuupahang bahay..Mapapagastos lang sila sa pagbayad ng upa, kuryente at tubig..Kapag dito sila maninirahan..Maayos na tirahan, masasarap na pagkain at may TV pa ang magiging kwarto nila..Para sa anak nyang si Zack..

Tumango si Saimon..

"Yun naman talaga ang gusto ko..Pero syempre..Kayo ang mag dedecide..Since na stay-in na nga kayo..Ituring nyong parang bahay nyo na din itong bahay namin..Okay ba yon?.." wika nya..

Napangiti ng mahinhin ang mag ina.

Lumapit si Sab sa ama ..Niyugyog ang braso nito..

"Daddy..I want milk.." ungot ng bata..

Agad na tumayo si Zack..

"Ako na po sir.." sabi nya..

Kunot noo si Saimon..

Nahiya si Zack..

"Ako na po T-tito.." mahinang ulit nya..

Ngumiti ng matamis si Saimon..

"Oh baby..Si kuya Zack na daw ang mag pe-prepare ng milk mo..Come, sunod ka sa kuya.." utos ng ama.

Napasimangot ang bata..Tinitigan nito si Zack na nakayuko..

Nagdabog si Sab..Pumasok sa loob ..

Nahiya naman si Saimon sa inasal ng anak..

"Pagpasensyahan nyo na si Sab..Mahiyain lang kasi yan sa ibang tao..Masasanay din sya sa inyo.." sabi nya.

Tumango ang mag ina..

Sumunod na si Zack sa bata..

Naiwan sina Ditas at Saimon sa garden..

"So yun nga..Ituring nyong parang bahay nyo na ito..If ever na may kailangan kayong gamit..Wag kayong mahihiyang sabihin sa akin o kaya kay Bridgette..Yung asawa ko..Tulog pa kasi eh.." sabi ng lalake..

Tumango si Ditas..

"Tapos..Kain lang kayo kung gusto nyo..Walang problema kahit ano galawin nyo dyan sa ref .." nakangiting sabi ni Saimon.

Muling tumango si Ditas..

Natawa ang lalake..

"Para kang pabo..Tango ka lang ng tango ah.." natatawang sabi nya.

Natawa na din si Ditas..

"Eh wala akong ibang masabi eh…Kesa naman puro salamat.." nakangiting sabi nya..

Unti unting napapalagay ang loob nila sa isa't isa..

"Sabagay nga naman..Anyway, yung sahod nyo…Katulad na lang din kay Nanay Salud..Five Thousand Monthly sayo tapos Three Thousand kay Zack plus benefits and bonus..Like yung sa pasko..Pero okay lang ba kung wala kayong day off?.. Lumalaki na kasi si Sab eh.." sabi ni Saimon..

Nanlalaki ang mga mata ni Ditas..Walong libo kada buwan…Dagdag pa ang mga benepisyo..

Ni sa hinagap ay di nya maisip ang sarili na humahawak ng ganoong kalaking pera..Naluha si Ditas..Makapagaaral na din si Zack ng maayos..

"Oh oh..Wag kang umiyak no..Anong nakakaiyak don?.." saway ni Saimon..

Agad pinahid ni Ditas ang mga luha sa kanyang mga mata..

Natawa sya ng bahagya..

"Pasensya na..Ang iniisip ko kasi Dalawang Libo lang ang sasahurin namin ng anak ko kasi nga libre na lahat..Salamat talaga S-saimon.." naiiyak na sabi ni Ditas..

Natawa si Saimon ng mahina..

"Ikaw naman…Tulad nga ng sinabi ko sa inyo…Pamilya na tayo..Tsaka all around naman gagawin nyo dito..Kaya dapat lang na malaki ang sahod nyo..At hiwalay kayo ni Zack..Teka..May kamag anak ba kayo?.." tanong nya..

Tumango si Ditas..

"May nakatatandang kapatid pa ako..Duon kami dati nangungupahan sa likod ng bahay nila.." imporma nya..

Tumango naman ang lalake..

"So yun nga..Starting now yung start nyo dito..Feel free..Hanggang 8PM lang ang work nyo sa may time kayo para manuod ng TV or kahit anong gusto nyo.." dagdag pa nya..

Tumango tango si Ditas..

"Okay na ha..Welcome to the family na lang..Wait mo ko dito para pirmahan yung contract nyo..Pagsamahin ko na lang yung sa inyo ni Zack.." sabi ni Saimon..

Nagkamay silang dalawa..

Akmang aalis na ang lalake ng humabol pa si Ditas..

Tumingin sa kanya si Saimon ng nakangiti..

"Ano yon?.." tanong nya..

Ngumiti ng kimi si Ditas..

"Eh si Zack kasi..Nag aaral sya ..May pasok sya sa umaga..Ayos lang ba na pumasok sya?.." nahihiyang tanong nya.

Naupong muli si Saimon..Napaisip..

Kinabahan si Ditas..

"Oo nga pala..Teka saan ba sya nag aaral?.." tanong ng lalake..

Sinabi naman ni Ditas ang pangalan at lugar ng eskwelahan ni Zack sa dati nilang tinitirhan..

Natahimik si Saimon..

"K-kahit bawasan mo na lang yung sweldo ni Zack..Kasi half day lang sya eh.." sabi ni Ditas..

Pero umiling ang lalake..

"Oy, no need for that..I was thinking that maybe, I-trasfer ko na lang si Zack sa school ni Sab since na medyo malayo yung school nya from here..Gagastos pa kayo ng pamasahe..Where kung magkaschool silang dalawa..May service na sila pareho, tapos may titingin pa sa anak ko..Ayos yun di ba?. " nakangiting paliwanag ni Saimon..

Napangiwi si Ditas..Napansin ito ng lalake..

"Oh baket?.. Ayaw mo ba don?.. " tanong nya..

Yumuko ang babae at pinaglaruan ng kamay ang mesang salamin..

"S-sabi ni Aling Salud..Sa private school daw nag aaral si Sab..Di ko kayang pag aralin si Zack duon..P-pasensya na..Pero kung gusto mo…Ihahatid sundo na lang sya ni Zack.." mahinang sabi ni Ditas..

Natawa si Saimon ng bahagya..

"May sinabi ba akong ikaw ang gagastos?.. Syempre ako na magpapaaral kay Zack mula ngayon no.." natatawang sabi nya..

Umangat ang tingin ni Ditas sa lalake..Muli, namuo ang luha sa kanyang mga mata..Napapikit sya at muling dumilat..

"H-ha?.." tanging nasabi nya.

"You heard it right..Ako na magpapaaral kay Zack from now on..Hanggang sa makatapos sya.." paliwanag ni Saimon..

Humikbi si Ditas..Pinunasan nya ang mga luha pero talagang umagos na ito pababa..

"S-salamat ng marami sayo…Napakalaking tulong itong ginagawa mo..Asahan mong pagsisilbihan namin kayo hanggat gusto nyo.." madamdaming sabi ni Ditas..

Umiling si Saimon..

"Wala yon no..Sus naman..Gusto ko lang makatulong..Tsk..Sige na nga..Dyan ka lang at kukunin ko muna yung kontrata..Para naman may panghawakan tayo sa isa't isa..Wag mong mamasamain yon ah..?.. " paliwanag nya.

Tumango tango si Ditas sa lalake..

Nakangiting pumasok ng bahay si Saimon..

Lumiko sya muna sa kusina para kamustahin ang anak..

Pagbungad pa lamang nya ay rinig nya na ang pag uusap nina Sab at Zack..

"Anong name mo?.." tanong ng batang babae..

"Zackarias Hidalgo..Ikaw?.." tanong ni Zack..

"Sabina..Ilang taon ka na?.." boses ni Sab..

"Mag 10 na ako sa February..Ikaw?.." boses ni Zack..

Rinig pa ni Saimon ang tunog ng pagpingki ng kutsara sa babasaging baso..

"Ay!..Ako din eh!.. February din Birthday ko !..7 na ako .." sabi ng batang babae..

Lalong napangiti si Saimon..

"Ahaha..Ang galing no..Magkaparehas tayo ng Month.." nangingiting sabi ni Zack..

Sinilip ni Saimon ang mga bata..Nakita nyang nakaupo si Sab sa high chair nito habang hinahalo ni Zack ang isang basong gatas..Inabot ng batang lalake ang gatas sa batang babae..Tinikman naman ito ni Sab..Nilasahan..Saglit lang ay napangiti ito..

"Ang sarap ah..Gawa mo ulit ako bukas ha.." sabi ni Sab..

Tumango naman si Zack..

"Ayos lang..Kung gusto mo, araw araw na kitang titimplahan..Basta okay lang sa Daddy mo.." sabi nya..

"Mabait si Daddy ko.. Okay lang don no.." sabi ng bata..Muli itong uminom..

Napangiti si Saimon sa pagmamalaki ng anak..

"Ah mukha nga..Ang swerte mo..May mabait kang magulang.." malungkot na sabi ni Zack..

"Bakit?..Nasaan Daddy mo?.." inosenteng tanong ni Sab..

Lalong nalungkot si Zack..

"W-wala na..Patay na daw sabi ni Nanay.." sabi nito..

Nahabag naman ang puso ni Saimon sa sinabi ng batang lalake..

Napaisip si Sab..

"Sige..Gusto mo hiram mo Daddy ko?.. Basta wag mo kunin ha..Bait yon .." suhestyon ng bata..

Natawa si Saimon sa sinabi ng anak..

Natawa din si Zack..Ginulo nya ang buhok ng batang babae..

"Ngek..Di pwede no..Pero ayos lang..Andyan naman si Nanay eh..Masaya na ako sa kanya..Kaya dapat ikaw, wag kang magpapasaway..Kasi maswerte ka, buo ang pamilya mo eh.." pumiyok ang tinig ni Zack..

Kunot noo ang batang babae..

Mabilis nitong naubos ang gatas ..

Humingi pa ito kay Zack pero tumanggi na ang batang lalake..

Napasimangot si Sab at nagdabog..

"Di na pwede..Kasi nakarami ka na eh..Mamaya naman pagtulog mo..Wag ka na magalit.." saway ni Zack.

Napangiti si Saimon..Nagpasya syang iwan na ang mga bata ..Baka naiinip na si Ditas sa garden..

Pumanhik sya sa kwarto nilang mag asawa…Agad nahagip ng mga mata nya ang asawa na himbing pa ring natutulog..Napailing na lang si Saimon..

Tinungo nya ang drawer ..Kinuha ang Flash Drive at muling lumabas ng kwarto..Tinungo naman nya ang library kung saan naruon ang computer..

Saglit nyang hinintay na sumindi ito..Nang ayos na, sinaksak nya ang Flash Drive at hinanap ang kopya ng kontrata na ginagawa nya para sa mga ganitong bagay..

Inedit nya ang mga pangalan at kung magkano ang sweldo nito..

Ng matapos ang lahat..Saglit nya itong pinasadahan para ma double check..Binuksan nya ang printer..Hinintay na ma print ang kontrata..

Sya na ang unang pumirma..Hawak ang mga dokumento..Muli syang lumabas ng library at pinuntahan si Ditas sa garden.

Paglabas nya, wala na ang babae sa upuan nito..

Nagtaka naman sya pero saglit lang itong nawala..

Hawak pala nito ang hose at dinidiligan ang mga halaman na matagal ng walang nag aasikaso..

Napangiti na lang si Saimon..

Nilapag nya ang kontrata at muling naupo..

Pinagmasdan nya ang pagdidilig na ginagawa ng babae..Mukhang napansin na nito ang presensya nya kaya napatingin ito sa gawi nya..Nahihiyang ngumiti ang babae..Pinatay nito ang hose sabay nagpunas ng kamay..Muli itong naupo sa tapat nya..

"Sorry..Tagal mo eh.." mahinang sabi ni Ditas..

Ngumiti lang si Saimon..

"Eh chineck ko lang yung mga bata..Mukhang mag kasundo na sila..Anyway, eto na ..Dito ka pumirma.." tinuro ni Saimon ang dapat na pirmahan ni Ditas.

Mabilis naman itong nagawa ng babae..

Nagkamay silang dalawa..

"Teka, marunong ka sa gardening?.. " tanong ni Saimon..

Umiling si Ditas..

"Si Zack ang mahilig dyan..Kasi may alagang orchids yung kapatid ko..Sya yung nag aalaga nun dati..Diniligan ko lang naman eh.." nakangiting paliwanag ng babae..

Napaisip si Saimon..

"Okay lang ba na sya na ang mag alaga ng mga yan?..Wala na kasing nag aasikaso eh..Di naman maharap ni misis..Kasi di nya hilig yan eh..Ako lang ang nagpalagay nyan kasi nga maganda ang aura ng maraming bulaklak.." sabi nya..

Ngumiti si Ditas..

"Oo naman no..Sige..Sabihin ko sa kanya..Kanina pa nga nya gustong pakialaman yan eh..Kating kati na sya kahapon pa..Mukha daw di napuputulan ng mga tuyong dahon.." sabi nito..

Ngumiti sila sa isa't isa..

Muli silang nagkamay at napaalam na si Saimon sa babae.

Pumasok ito..

Nadatnan nya ang anak at si Zack na nanunuod ng telebisyon..

Agad na tumayo ang batang lalake..Pero pinigilan ito ni Saimon..

"Sige lang ..Wala namang gagawin eh..Nuod muna tayo..Ano na nangyari anak kay Dora?.." tanong ng lalake sa anak nito..

Tumabi sya sa bata..

Ngumiti si Sab sa ama..

"She's going to help the baby bird to find her way home..Swiper no swiping !.. Swiper no swiping !.. Swiper no Swiping !!!!.." tili ni Sab..

Napangiti sina Saimon at Zack sa bata..

Nagpapadyak pa si Sab..

Di naman maintindihan ni Zack ang pinapanuod ng bata..

Pero enjoy naman sya kaya nanuod na lang sya..

Mabilis na lumipas ang maghapon sa pamilya..

Nakilala na din ng mag ina ang asawa ni Saimon na si Bridgette..Pormal lang ang pakikitungo ng babae..Di tulad asawa nito na magiliw at mabait..

Gabi na, magkatabing nakahiga sina Zack at nanay nya..

Binuksan ni Zack ang paksa na kanina pa sya nahihiyang sabihin..

"Nay..Pano bukas?..Papasok po ako..M-may pera po ba tayo na ipang papamasahe ko?..Okay lang po saken kahit walang baon.." mahinang sabi ni Zack..

Napangiti ang nanay nya..

"Baka tumigil ka na sa pagpasok don anak.. " bungad ni Ditas..

Di naitago ni Zack ang pagkabigla..

Napaupo sya at tumitig sa ina..

"N-nay..Kahit po lakarin ko na lang..A-yaw ko pong tumigil…Makikiusap po ako kay Sir Saimon na kahit wag na akong swelduhan..Ayaw ko po talagang tumigil sa pagpasok nay.." naiiyak na sabi ni Zack..

Natawa naman si Ditas..

"Sino ba nagsabi sayo na titigil ka?.." nakangiting sabi nya..

Nagtaka si Zack..

"Sabi nyo baka di na ako pumasok dun sa school?.." tanong nya.

Tumango ang nanay nya..

"Tama..Sabi ko nga na baka di ka na pumasok don..Pero di ko sinabing titigil ka na.." natawa si Ditas sa itsura ng anak.

Nakanganga si Zack..

Di malaman kung iiyak o maiinis sa ina..

"Nay naman eh.." reklamo ni Zack.

"Haha..Kasi napagpasyahan ko na ilipat ka na ng school..Dun sa private..Para mas mapagbutihan mo ang pag aaral mo.." biro ni Ditas..

Natawa si Zack..

"Nanay oh..Nagiging joker na.." sabi nya..

Pero nagseryoso si Ditas..

"Di ako nagbibiro anak..Pero joke lang yung ako ang magpapaaral sayo..Si Saimon.." sabi nya..

Nagulat si Zack… DI sya makapaniwala sa sinabi ng ina..

"T-talaga po nay?.." tuwang sabi ni Zack.

Tumango si Ditas sa anak..

"Ang bait talaga ni Tito Saimon.." sabi nya..

Naluha na si Ditas pero di nya ito pinakita sa anak..

"Oo anak, kaya wag mong sirain ang pagtitiwala at kabaitan nila..Magsipag ka sa mga gawaing bahay dito..Wag mong hintayin na utusan ka pa nila..Magkusa na lang tayo.." bilin nya kay Zack.

Tumango tango ang bata..

"Opo nay..Mag aaral din po akong mabuti para di ako mapahiya sa kanila..Matutupad na yung pangarap ko nay.." nakangiting sabi ni Zack..

Naluha si Ditas sa anak..

Alam na alam nya ang pangarap ni Zack ..Pero di nya ito kayang ibigay..Nuon, ngayon posible na ang pangarap ng anak nya..

Hinaplos ni Ditas ang pisngi ng anak..

"Ano nga ulit ang pangarap mo anak?.. " tanong nya.

Ngumiti si Zack sa ina..

"Ang maging isang magaling Doktor balang araw inay .. " sabi nya..

Ngumiti ng maluwang si Ditas..

ITUTULOY !!!