Ang Hiwaga Sa Daigdig Ng Mga Engkanto (Chapter 1)

Filipino Sex Stories
21 minutes
Author's Note: This story is entirely fictional. Any events and names in this series that resemble real-life are purely coincidental. This series is brought to you by kapeng barako, sa Tindi ng pait Ikaw ay ngibit and is free to read the story. Sharing of this story is allowed only with permission and credits to the author. thanks and have a nice reading.

ANG SIMULA NG LAHAT
By: BladeMaster_Elven
CHAPTER 1

"MURANG-MURA na sa dalawang libo ang pagpaparenta ko sa iyo ng apartment na ito, Mister...?" Tumingin ito. Iba ang kanyang pakiramdam sa presensya ng binata.

Napalingon siya. "Sarmiento ho," nakangiti niyang sagot sa payat at nasa katanghaliang-tapat na gulang na babae na siyang may-ari ng apartment na balak niyang rentahan. "Efraim Sarmiento po at taga-Oriental Mindoro," aniyang inilahad ang kamay sa ginang.

Tumanggi naman ito na makipagkamay sa kanya. "Huwag na," paiwas na sabi nito na ipinahid pa sa dulo ng suot nitong duster ang dalawang kamay. "Marumi ang kamay ko. Nakakahiya naman sa'yo,madudumihan lang ang makinis mong kamay. Katatapos ko lang mag-repack ng mga uling na isa pa sa pinagkakakitaan naming mag-asawa." Kahit tingin ay iwas pa rin ito sa kanya. Tila ayaw nitong mabasa ang laman ng kanyang isipan.

"Ano nga ho palang pangalan ninyo?" tanong ni Efraim pagpasok nila sa loob ng bahay. Kasunod siya ng may-ari. Alikabok ang kaagad ay sumalubong sa kanila pagbukas ng main door. Sabay pa silang nagpagpag ng mga duming pumatak sa kanilang mukha galing sa marupok na kisame ng bahay.

"Eden na lang ang itawag mo sa akin," tipid nitong sabi. "Aling Eden siguro."

Tumango siya at nagkibit-balikat na lamang sa kakimian ng kausap. Malalim ang mata ng babae at parang laging may ibig sabihin ang mga panakaw nitong tingin. Tila hinuhubaran siya. Tila gustong kainin ng bou. Tila may gustong ipahiwatig ang mga titig ng matanda.

Kung para kay Efraim lamang ay talagang maluwag na maluwag at mura pa nga ang apartment na iyon. Studio-type, may isang kuwarto na katamtaman ang sukat, may maliit na kusina at konting espasyo para sa sala.

Okay na sa kanya ang lugar na iyon kahit medyo marumi at mabaho pa ang amoy. Kayang-kaya na niyang linisin at pagandahin sa loob lamang ng isang maghapon ang bago niyang titirhan. Kahit papaano naman ay may naipundar na siyang mga personal na gamit sa bahay na ilalagay sa loob niyon. Saka na lamang siya bibili uli kapag nagkapera na siya ng medyo malaki. May natitira pa siyang komisyon na kukunin niya sa kanilang opisina.

Isang Sales Agent ng mga consumable goods tulad ng pagkaing nasa lata, mga cup noodles, at kung anu-ano pang isinu-supply sa mga groceries ang trabaho ni Efraim. Nasa Calamba, Laguna ang Main Office at pabrika ng kanilang kumpanya. At sa loob ng mahigit tatlong taon sa kumpanyang iyon ay nagkaroon na siya ng direktang kostumer na regular niyang dinadalhan ng mga kailangan nitong mga paninda sa groserya. Mula probinsya ay dumidiretso na rin sila sa Maynila. Mga supermarkets at malalaking establisimyento sa Lungsod ang kliyente nila ngayon at dito nga siya nadestino pansamantala.

Matatag na rin ang posisyon ni Efraim sa kanyang pinagtatrabahuhan. Katunayan, sa susunod na buwan ay magiging superbisor na siya at may ilang mga tao na siyang hahawakan. Little boss na rin kumbaga. Dulot iyon ng mahusay niyang performance sa kanyang trabaho. Hindi pa siya bumababa man lang sa quota nila. Buwan-buwan ay nakakamit niya ang malaking komisyon at ibang insentibo bukod pa sa buwanan niyang sahod sa kanilang kumpanya. Mula sa mga perang naipon niya ay unti-unti siyang nagpundar ng mga gamit at ngayon nga'y may sarili na siyang telebisyon, personal refrigerator, DVD, at maging pangunahing gamit sa bahay ay mayroon siya.

"Sigurado ka bang ikaw lang ang titira dito, Mr. Sarmiento?" tanong ng landlady sa kanya habang isinasara nito ang pinto ng kuwartong kanugnog lamang ng kusina.

"Oho, aling eden solo lang ako dito," sabi niyang iginala pa ang tingin sa kabuuan ng bahay. Nang mapadako ang tingin niya sa isang sulok ng bahay, malapit rin sa may kusina, ay napansin niya ang isang malaking kahon na selyado ng packaging tape. "Kanino ho kayang mga gamit ito?"

Napalingon si Aling Eden sa dakong itinuturo niya. "Iyang kahon d'yan sa ilalim ng mesa?" Lumapit ito roon. "Hindi ko nga alam kung naiwan o sadyang iniwan ito ng dating tumira dito. Isang set ng computer ang laman niyan. Noong isang buwan lamang namin siniyasat ng asawa ko dahil nagdududa na nga kami sa laman ng kahon na iyan. At iyon nga, computer lang pala ang nasa loob. Balak na nga naming ibenta kasi mukhang mamahalin at magandang klase talaga. Kaya lang ay nakakonsensya..."

Nagtaka rin si Efraim nang buksan ni Aling Eden ang kahon at ganap rin niyang makita ang sinasabi nitong laman ng kahon. Bagung-bagong model iyon ng computer! Sa makinis na LED monitor pa lamang na nakadungaw sa kahon ay mahihinuha nang mahal iyon.

"Baka naman ho babalikan pa," sabi niya. Inusisa ang monitor.

"Ewan ko," sabi nitong muling isinara ang kahon. "Kung babalikan iyan, e di sana noon pa! Maglilimang buwan na dito ang kahon na iyan. Kung masama lang kaming may-ari ng bahay, e baka naipagbili na nga namin iyan," tapat sa loob na sabi nito.

Natuwa naman siya sa pagiging diretso nitong magsalita. Bibihira na kasi ang ganitong klase ng tao, diretso pero totoo ang sinasabi. Lalo na dito sa Maynila. Tama ang sabi ni Aling Eden, kung sa iba nangyari iyon ay malamang pinagkakuwartahan na ang computer na naiwan sa pinarerentahan nitong apartment.

Dumukot si Efraim ng labindalawang tig-iisang libong papel sa kanyang wallet at iniabot iyon sa landlady. "Bayad ko ho para sa tatlong buwan." Apat na libo kasi ang upa niya sa nasabing bahay kada buwan.

Waring atubili naman ang babae na tanggapin ang inaabot niyang pera. "Hindi mo naman kailangang bayaran kaagad ang renta sa bahay. Okay na sa akin kahit iyong pang isang buwan lang."

Pero si Efraim ang nagpumilit na iabot ang pera hanggang sa tanggapin na nito. "Wala hong problema sa akin. Mas gusto ko nga iyong wala na akong masyadong iisipin."

"Bahala ka... pero teka muna, hijo, matanong kita. Ikaw ba ay may asawa na? O biyudo na walang anak? Pasensya ka na, gusto ko kasi'y may alam naman ako kahit papaano sa mga taong tumitira dito sa apartment ko."

Malapad na malapad ang pagkakangiti ni Efraim.

"Aling Eden, mukha na ho ba akong may-asawa?"

"Kaya nga tinatanong kita, e!" napangiti na rin ito pero kaagad ding umiwas.

"Binatang-binata ho ako. Libreng-libre pa! Kaya ho Kung may irereto kayo sa akin..."

"Ilang taon ka na ba?" Pinutol nito ang sasabihin pa sana niya.

"Twenty-six ho." Napansin ni Efraim ang muling pagiging seryoso nito. Tila may oras ang pagngiti at pagiging kaswal.

"Aba'y nasa tamang edad ka na para mag-asawa."

"Ayaw ko ho munang isipin ang tungkol sa bagay na iyan," sabi niya.

"Girlfriend?" Pangungulit pa rin ng babae.

Ganito na ba ang standard sa pagtanggap ng mangungupahan? Pati personal na buhay ay kailangan pang ungkatin ng may-ari ng bahay?

"Mag- iisang buwan na ho mula ng mag-break kaming dalawa," sumagot din naman siya. "Myra ang pangalan niya." Ipinakita pa niya ang larawan nito na nasa wallet niya. "Marami kasing bagay na hindi namin pinagkakasunduan kaya ho kami nagdesisyong maghiwalay na lamang para makapag-isip!"

Ilang saglit na namayani sa pagitan nila ang katahimikan.

"Sa mga narinig ko, halos pare-pareho ang dahilan ng mga nagkakahiwalay na magnobyong kagaya ninyo," sabi ni Aling Eden. "Kesyo maraming bagay na hindi pinagkakasunduan. E, kaya nga panahon pa makapag-adjust, hindi ba? Iyon ba ang dahilan kaya ka nagdesisyong magsolo rito? Para makalimot?" may binuksan itong maliit na silid. "Narito ang banyo ng bahay. Magkasama na ang kubeta at shower. Minsan-minsan, nawawalan din ng tubig ang tulo sa gripo."

Sinulyapan lang niya ang banyo. Umiling siya. Wala naman kasi siyang magagawa pa hinggil sa bagay na iyon. "Nasa kolehiyo pa lang ho ako, d'yan sa University of Sto. Tomas, ay hilig ko na ang mag-isa. Walang kinalaman ang ex-girlfriend ko dito. Management graduate ho ako. Mas gusto kong independent ako kahit na noong bata pa ako. Pareho na hong patay ang mga magulang ko at kung umuuwi ako sa probinsya ay sa tiyuhin ko na kapatid ng Itay ko ako tumutuloy."

"Pasensya ka na, ha?" Ngayon ay tila maamong tupa naman ang hitsura nito. Para tuloy gusto na niyang matawa. "Masyado akong mausisa. Pero huwag kang mag-alala. Hindi naman ako tsismosa. Confidential sa akin ang lahat ng sinabi mo."

"Wala ho iyon... Bale, saan nga ho pala kayo nakatira dito? Ibig ko hong sabihin ay ang sarili ninyong bahay."

"D'yan lang sa may kanto, malapit dito. Madadaanan mo pag pasok mo dito sa looban. Iyong bahay na kulay asul ang gate. Bakit gusto mong pumunta sa bahay ko."

Sinundan niya ng tingin ang itinuturo nito. Bahagya lang naman niyang nakita ang kulay asul na gate na sinasabi nito.

"Maitanong ko nga ho pala, Aling Eden..."

Tumaas ang dalawang kilay nito. "Ano 'yun?" Nauna na itong lumabas ng pinto saka iyon ini-lock.

"Taga-saan ho iyong huling tumira doon sa apartment?" tanong niya habang binabagtas nila ang daan patungo sa bahay ng mga ito.

"Si Randolf?" Huminto ito at lumingon sa kanya. "Katulad mo'y nag-iisa rin. Binata at taga-Nueva Ecija. Pero mas matanda sa iyo ng ilang taon kasi beinte nuebe na siya. Nakatatlong buwan rin siya sa apartment ko. Pero bigla na nga lamang umalis pagkalipas niyon. Ang paalam sa akin, uuwi daw muna siya sa Nueva Ecija at may importanteng aasikasuhin."

"Tapos Hindi na ho bumalik?"

Umiling si Aling Eden. "Hindi na," sabi nito. "Pero nag- long distance call naman sa akin at nagsabing doon na raw muna siya sa probinsya nila. Nakalimutan ko namang banggitin na may naiwan siyang gamit at kung interesado pa siyang balikan iyon."

Patlang.

"O, paano? Pumasok ka muna sa loob at nang makapagpalamig," panyaya nito nang nasa may harap na sila ng gate na asul. "Ito ang bahay namin. Kami lang ng asawa ko ang nakatira d'yan. Wala kaming anak."

Tumango si Efraim. "Next time na lang ho siguro," sabi niya. "Uuwi pa ho kasi ako ng Novaliches para kunin at hakutin ang mga gamit ko."

"Malayo din ang paglilipatan mo, ano?" Bahagyang kumunot ang noo ni Aling Eden. "Sampaloc ito, tapos galing ka pang Novaliches!"

"May nakausap na ho akong tao para tulungan akong maglipat ng mga gamit ko. Inarkila ko na 'yung dyip nung kapit-bahay ko. Maingay kasi doon kaya ako lilipat. Hindi ako komportable sa kapitbahay ko na halos araw-araw na lang nagbabangayan! Dito naman ho sa Maynila ay walang kaso kahit saan ka pa nakatira. Ang importante ay may matutuluyan ka."

"Oo nga naman," sang-ayon nito. "Ano nga pala ang palayaw mo?"

"Kahit ano ho. Pero Ef lang ang tawag sa akin ng mga kaibigan ko. Iyon na rin lang ho siguro ang itawag n'yo sa akin, Ef."

"Okay. Siya sige, Ef, ingat ka na lang. Kailan mo nga pala balak na maglipat ng mga gamit mo?" Isinara nito ang gate nang paalis na siya.

"Bukas na bukas rin ho"

MAG-IIKASIYAM ng gabi nang matapos maglinis ng bahay at mag-ayos ng kanyang mga gamit si Efraim kinabukasan. Ngunit kahit na pagod ay hindi rin kaagad dalawin ng antok ang binata. Pagkatapos maghapunan ay nahiga lamang siya sa sofa at nag-isip kung ano ang maari niyang gawin. Kaya ang ginawa niya ay naglakad-lakad siya sa paligid ng kanyang tinutuluyan.

Narinig ni Ef na may malakas na ungol at halinghing malapit sa kanyang tinutuluyan. Dala ng kuryosidad, ang ginawa niya ay hinanap ang ungol at halinghing. Napangiti si Ef dahil sa may likod bahay sa may puno ng mangga na may papag, doon niya nakita ang kahera niya nagmumula ang ungol at halinghing na tila nagkakantutan. Nakita niyang tila sarap na sarap ang ginang at ang kapareha nitong lalaki. Isang batang lalaki ang tila sarap na sarap sa pagpapak sa katawan ng ginang. Sa katawan ni aling Eden.

"Malibog din pala ang babaeng kahera niya, kaya pala iba ang mga titig nito at pagtatanong nito kanina sa kanya." Bulong ni Ef habang walang sawang pinapanood ang dalawa.

Kumakabog ang aking puso at nag iinit ang aking katawan sa iniisip kong maaari akong makita ng dalawa.

"Bahala na!"

Nagulat ako sa aking nasaksihan, hubad ang pang-itaas ng lalaki na naka higang lalake sa papag, at si aleng eden na hubo't hubad din ay nakapatong sa ibabaw ng lalakeng ito at walang tigil sa pagbayo sa matigas na burat nito. Medyo naka subsob ng bahagya ang mukha ng ginang at ang lalake naman ay sinususo ang ang utang nito, palipat lipat ito sa magkabilang utang ng ginang. Naka bilog ang bibig ng aking asawa tanda ng matinding sarap na dinadanas nito habang pinanonood ang ginagawang pag suso sa kanya ng lalake. Panay ang gapang ng mga kamay ng lalake sa likod ni aleng Eden pababa sa magkabilang p'wet nito papunta sa mga hita at pabalik muli pataas papuntang likod at babalik na naman pababa.

Hindi ako makagalaw sa pinagtataguan ko dahil sa gulat ko sa mga mabilis na pangyayari. Hindi ko din alam ang aking mararamdaman dahil sa sobrang sarap at intense na nagaganap sa kanilang ginagawa.

Patuloy ko silang pinanood sa kanilang ginagawa ng mga may 15 minutos. Pagtapos nun ay tumigil si aleng eden sa pag bayo, parang napagod at naghalikan muna silang dalawa, sabik na pag hahalikan, nagdidilaan pa sila at palitan sa pag sipsip ng dila.

Gumigiling nalang ang ginang habang sila ay nag lalaplapan. Kumalas si aling eden at saglit silang nag-usap at naka ngiti sa isa't isa nang biglang tumayo ang babae at kumuha ng sigarilyo sa may bangko at sinindihan ito, ngayon ko lang nakita ang babae na nanigarilyo. Lumapit ang lalake sa kanya at nakihithit sa kanyang yosi. Muli silang naghalikan at nagdilaan. Ibinaba ng lalaki ang sigarilyo sa may kanto ng bangko at tumalikod ito mula sa lalake, naka hawak sa may papag, at bahagyang bumukaka at naka bukaka ng kaunti, ang lalake naman, na ngayon ko lang napansin ang haba ng kargada, ay pum'westo sa kanyang likuran at itinutok nito ang kanyang malaking burat sa puke ng malibog na ginang at dahan dahang umulos, paunti unti siyang bumabayo, mahina at maliliit ang ulos, si aleng eden naman ay napatingala, naka bukas muli ang kanyang bibig at halos nakapikit ang mata ngunit naka lingon siya sa kanyang likod, pinanonood lalaki.

Magkahalong hirap at sarap ang makikita mo sa kanyang mukha. Maya maya pa ay binitawan na ng lalake ang burat nito at humawak na sa magkabilang balikat ni aleng eden. Sinasalubong ng paatras ni aling eden ang bawat bayo ng lalaki, hindi manlang tumuwad ang ginang, ibig sabihin ay abot na abot ng matigas na burat ng lalaki ang kanyang kweba, nabilib ako.

Tumigas ang aking pitong pulgadang burat at sinimulan ko na ito himasin sa labas ng aking pantalon.

Bumilis ang bayo ng lalake at napa oooooohhhhh ng malakas ang ginang. Hindi kaya ito nadidinig ng ibang kapitbahay? O, kaya naman, nakikita sila dahil open area ang punong manga sa likod bahay na tila pahingahan. Tumingin ako sa paligid, tahimik ang paligid, maliban nalang sa paminsan minsang pagdaan ng sasakyan, hindi naman ako kita at natatakpan ako ng mga dahon ng puno sa kanyang kinatataguan.

Dinig ko ang pag sampal ng puson ng lalake sa pwet ni aling eden. Yumakap ang lalake upang malamas ang malulusog na dede ni aling eden, panay ang ungol nilang dalawa, sa oras na ito, inilabas ko na ang aking sobrang tigas na burat at sinimulan na itong salsalin. Sinasabayan ko silang dalawa.

Huminto ang lalake sa pagkantot sa ginang, tinanggal ang burat niya sa pagkababae ni aleng eden na dahilan upang mapa ungh! si aling eden.

Hinila nito ang babae patungo sa papag at pinahiga ito. Ibinukaka ni aling eden ang kanyang mga hita at pumatong naman ang batang lalake. Muli nitong itinutok ang kanyang matigas na burat sa matambok at naglalawang puke ng ginang, at ibinaon ang galit na sandata. Napaliyad si aling eded at napa buka muli ang kanyang bibig sabay napa ooooooohhhh na may halong libog.

Sagad na sagad ang pag baon nito dahil nag dikit ang kanilang mga bulbol at puson. Isiniksik ng lalaki ang kanyang isang kamay sa likod ng ginang papunta sa puwetan, sumunod ang kabilang kamay sa kabilang pisngi ng pwet sia aling eden.

Sapo sapo nito ang magkabilang pwetan ni aling eden na talagang gustong kumapit upang lalong maibaon ang kanyang malaking burat. Panay ang ungol nilang dalawa kahit wala pang bayuhan na nagaganap.

Panay ang tulo na din ng pre-cum ko habang nag sasalsal ako.

Nagsimula nang kumadyot ng lalake at nagsimula na ding mag aaaahhhh sssshhhiiiiittt ang ginang at biglang bigkas sa pangalang aaaaaaahhhhh aaannttttooonnnn!

Yumakap na ang ginang sa katawan ni anton. Itinaas na din ni aling eden ang kanya mga hita na naka bukaka at panay ang bayo ng pwet ni anton, matagal na kinantot nito ang ginang at nakita kong bumibilis ng husto ang kantutan nila hudyat na malapit na silang labas.

Unang nagpa hiwatig ang ginang ng umungol ito ng katagang: Ohhh anttonnnn! antonnn! Malapit nako! Shit! Shit! Aaaahhhh!

Malakas na din ang pag kalog at paglangitngit ng papag.

"Ako din, sabay tayo! Sabay tayo! Aaahhh!" Ang sagot ni lalake.

Bigla silang sabay umungol ng malakas. Aahhh Shhiitt! Ahhh! Ooooh!

Ang ungol ni aleng eden parang may kahalong pag iyak ang tunog. Talaga ata nasarapan at malakas ang pag cum niya. Pinutukan din ako kasabay silang dalawa.

Nanginig silang parehas at diniing husto ng lalake ang pagka baon ng kanyang burat, pinipiga ang tamod sa loob ng kaselanan ni aling eden.

Nanghina sila parehas at nanatiling magkapatong, humihingal, hanggang naka idlip.

Dahan dahang umalis si Ef sa kinatataguan niya. "Matitikman din kita balang araw aling eden!" Ito ang nasa isipan ni Ef habang bumabalik sa kanyang apartment. Alam ni Ef na hindi 'yun ang asawa ni aling eden. Dahil bago niya kinuha ang apartment ay alam niyang nasa 50's na ang edad at isang security guard ang asawa.

Bigla niyang naisip na pakialaman ang computer na nakakahon. Hindi naman siguro magagalit ang tunay na may-ari niyon kung titingnan niya. At saka isa pa ay alam naman ng landlady niya.

Napabalikwas si Efraim at agad na tinungo ang lugar kung saan naroon ang kahon. Dali-dali niya iyong binuksan at maingat na inilapag ang monitor, keyboard, at CPU o central processing unit ng computer sa mesang sadyang pinagpapatungan niyon. Kasama na rin doon ang mga kableng kakailanganin para gumana ito.

"Bagong-bago pa ito, a!" Humahangang sabi niya. Isa-isa niyang pinagkakabit ang mga kable. Nang maisaayos ay ini-on niya ang switch. Mayamaya pa ay nagbo-boot na ang computer.

Habang hinihintay iyon ay iniayos at binuksan na rin niya ang kanyang pocket wifi. Pagkuwa'y isinaksak niya sa usb port ng cpu ang isang wifi dongle upang makasagap ito ng connection sa kanyang pocket wifi. Kumpleto siya ng mga ganoong gamit dahil kailangan niya rin iyon sa kanyang trabaho. Pero ang laptop na gamit niya ay pagamit ng opisina at iniiwan din sa opisina pagkauwian na.

Blangko at kulay berde ang desktop ng monitor nang magbukas iyon. Iilan ang maliliit na icon na naghanay pababa sa gilid ng screen.

Dinobol-click niya ang google chrome icon para mag-browse sa internet,

Windows didn't shut entirely. Restore?

Napakunot-noo siya. Usually ay lumalabas ang mensaheng iyon kapag namatay bigla ang computer habang nagsu-surf pa ang gumagamit ng computer. Puno ng kuryosidad na pinindot niya ang restore. Gusto niya kasing makita ang huling website na binisita ng may-ari ng computer.

www.paralleldimension.com

Iyon ang website na bumulaga kay Efraim.

Kakaiba ang opening web page na iyon. Kinilabutan kaagad si Efraim. Gabi pa naman at hindi pa niya gaanong kabisado ang lugar na nilipatan niya.

Isang malaking paniki na nakabuka ang pakpak at bilog na bilog ang nagniningas niyong mga mga mata. Iyon ang larawang bumuluga sa kanya. Magaling ang gumawa. Buhay na buhay at kumakampay-kampay pa ang malapad niyong mga pakpak. Pero mas nakaka-excite ang mga mata ng paniki na tila nanghihipnotismo kapag tinititigan ng matagal.

Downloading pictures... nakasulat sa dakong ibaba ng monitor.

11 characters left....

Balak sana niyang tingnan ang iba pang websites pero tila may humahatak sa kanya na alamin ang kabuuan ng pahinang iyon.

Iginalaw niya ang mouse sa ibabaw ng kulay asul na pad. Isa-isa niyang pinagpipindot ang mga maliliit na icon sa screen. Tungkol lahat sa katatakutan!

DARE TO SCARE YOURSELF!

Paulit-ulit na nagpa- flash ang katagang iyon sa screen.

EXPLORE FILIPINO MYTHS AND FOLKLORES!!!

Filipino?

Naging interesado si Efraim. Akalain ba niyang isang Pilipino ang gumawa niyon. Isang kababayan niya na tingin niya'y haling na haling sa mga katatakutan at kababalaghan.

Kahit ganon ay na-proud din naman siya. Hindi rin halos pahuhuli ang mga Pinoy sa pinakamagarbong teknolohiya. Ang kayang gawin ng mga banyaga ay tinatapatan ng mga malikhaing akda ng mga Pilipino!

Naagaw muli ang atensyon niya ng muling magbago ang larawang ipinapakita sa monitor. Ngayon naman ay isang white lady. Nakatabing ang mahaba at itim na itim na buhok nito sa harap ng mukha.

Gumagalaw rin ang kamay nito na tila nag-aanyaya.

Lalapit.

Lalayo sa screen.

Tapos mawawala.

Lilitaw ang mga katagang...

ANG LAGUSAN...

Mapapalitan iyon ng larawan ng isang madawag na lugar. Isang madilim na kagubatan. Sa gitna ay may maliit na daan patungo sa isang liwanag.

Tapos unti-unting maglalaho ang Liwanag.

Lilitaw ang white lady. Nag-aanyaya...

ANG LAGUSAN...

Paulit-ulit lang. Ang liwanag. Ang gubat. Ang daan.

Ngunit habang tinititigan ni Efraim ay para siyang napapamilyar sa lugar. At higit pa doon. Tila siya naaakit sa pag-anyaya ng babaeng nakaputi ngunit hindi makita ang totoong mukha at anyo.

"This is so crazy!" aniyang ipinilig ang ulo. "Naapektuhan ako sa walang kakwenta-kwentang bagay na nasa computer na ito!"

Kung kanina ay humahanga siya sa gumawa niyon, ngayon ay naiinis na siya. Isang baliw ang gumawa niyon! Sabi nga sa terminong pangkanto ay praning!

Wala na bang ibang maisip ang lumikha niyon? Bakit horror? Bakit hindi informative na tulad ng ibang nakikita niya. Basta hindi katatakutan!

Kinikilabutan kasi siya.

Ibang klaseng mentalidad ang dala ng website!

Dahan-dahang napalingon si Efraim. Bigla ay nag-iba ang pakiramdam niya. Parang kanina pa may mga matang nakatitig sa kanya. Duda pa nga niya ay nakangisi iyon at tuwang-tuwa sa nakikitang reaksyon niya.

Nagsimulang mangalisag ang mga balahibo sa buo niyang katawan.

At kataka-takang biglang lumamig ang pakiramdam niya!

"I should stop this damn thing! Dapat Hindi ko na ito pinakialaman!"

Humarap muli siya sa computer para i-shut down na iyon. Subalit bago niya nagawang i-exit ang nabuksan niyang pahina ay muling nag-flash sa screen ang ganitong mga kataga:

DO YOU WANT TO EXPERIENCE PARALLEL DIMENSION AND WIN 1 MILLION PESOS INSTANTLY?

Click here!!!

Nanlaki ang mata niya pagkabasa sa nakasulat sa screen.

Isang milyong piso para sa pagtuklas tungkol sa Parallel Dimension?

"Kalokohan! Sino namang Poncio Pilato ang magbibigay ng ganoong halaga para lang malaman ang tungkol sa parallel dimension? At sinong mas loko ang susubok na gawin ang walang katiyakang pagtuklas at paghahanap dito?"

Sa inis ay basta na lamang niya pinindot ang on-off button ng computer. Dumilim ang paligid. Saka lamang naisip ni Efraim na hindi nga pala niya nabuksan ang main switch ng ilaw sa sala. Iyong liwanag na nanggagaling sa ilaw na nakakabit sa poste ng kuryente sa labas ang inaasahan niya kanina.

"Shit!"

Inisip niya kung nasaan ang kanyang kuwarto. Kung nasa mesa siya na malapit sa kusina, kanan niyon ay kuwarto na niya.

Dahan-dahan siyang humakbang at kinapa ang paligid. Madilim na madilim.

Brownout?

Dinig niya ang sigawan ng mga tao sa labas nang biglang maputol ang kuryente

"Brown out na naman! Kailan ba gaganda ang serbisyo ng damuhong kuryente na 'yan?" malakas na sigaw ng isang lalaki sa labas.

Nailing na napatawa si Efraim pagkarinig sa sinabi nito.kumusta na kaya ang dalawang nilalang na nakita niyang nagkakantutan. malamang nakatapos na ang mga 'yun bago nag brown out.

Paghakbang niyang muli ay nasagi niya ang isang silya. Nakapa niya ang mesa.

"Malapit na. Konting hakbang na lang," sabi niyang ipinagpatuloy ang marahang paghakbang.

Ilang sandali lang naman ay nakapa na niya ang seradura ng pinto ng kanyang kuwarto. Umingit ang pinto at sinalubong siya ng maalinsangang hangin pagbukas niyon.

Kinapa niya ang kanyang kama. "Hay, sa wakas! Buwiset na buhay 'to!" Ibinagsak niya ang katawan sa malambot niyang higaan. Wala na siyang balak na magsindi pa man lamang kahit na kandila. Hindi rin naman kasi siya sanay matulog ng mayroong liwanag.

Wala pang isang minuto ay napabalikwas na naman siya nang hindi matagalan ang pagkaalinsangan. Dali-dali niyang hinubad ang suot na damit saka muling humiga.

Napabuntung-hininga siya. Hindi maalis sa isip niya ang website na napuntahan niya. Kakaiba ang paksa! Nagsasalimbayan ang mga iyon sa isip niya.

www.paralleldimension.com

ANG LAGUSAN...

ISANG MILYON PARA SA BUONG DETALYE UKOL SA PARALLEL DIMENSION!!!

Para saan? Anong dahilan?

Ano ang tungkol sa parallel dimension?

Minsan lang siya nakabasa ng artikulo hinggil dito. Ang pagkakaunawa pa nga niya, ang parallel dimension ang naghahati sa daigdig ng mga tao mula sa mundo ng mga maligno at lamang-lupa. Kumbaga, parang may isang pader na hindi nakikita ngunit nagsisilbing panghiwalay sa magkaibang lugar at panahon.

Time-space warp!

Ngunit gaano katotoo? Sinong makapagpapatunay?

ANG LAGUSAN...

Anong lagusan? Nasaan ang eksaktong lugar na sinasabi sa computer? May gubat. May liwanag. Hindi naman niya maintindihan!

Nakatulugan na ni Efraim ang pag-iisip sa bagay na iyon. Ngunit nagising siya nang maulinigan ang pamilyar na tunog kapag nagbubukas ng computer.

Napabalikwas siya. Bigla siyang kinabahan.

May liwanag. A, may kuryente na.

Lumabas si Efraim para tingnan kung nakabukas ang computer. At halos lumuwa ang mata niya nang makitang iyong website na iyon pa rin ang nasa screen.

Ang lagusan... Hanapin mo ang lagusan!

Animo hinihila ang mga paa niya palapit sa computer. Siya ba ang kinakausap nito? Parang napakaimposible!

Ang lagusan... Hanapin mo ang lagusan!

Matamang pinagmasdan ni Efraim ang larawan ng kagubatang nasa screen. Para ngang pamilyar sa kanya ang lugar na iyon...

Matagal bago niya naisip kung nasaan ang gubat na iyon. Narating na niya ang lugar! At alam niya ang panganib patungo roon.

"Ang Itim na Bundok ng Matungao," nanlalambot ang mga tuhod na ibinulalas ni Efraim. "Ang engkantadong gubat! Naroon ang daan patungo sa lagusan...!"

ITUTULOY

About BladeMaster_Elven

u/BladeMaster_Elven
BladeMaster_Elven has nothing to say.

More from BladeMaster_Elven


    Related Stories