1. Home
  2. Stories
  3. Bahay At Lupa - Part 22: Turista
Pinoy Tambay

Bahay At Lupa - Part 22: Turista

By suicideking ·

Gusto ko siyang pigilan, naalala ko kasi noon na nangyari na ito. Lumabas kami na wala siyang bra kaya't ang mga tao sa kanyang katawan ay nag-pyesta. Pero paano ko nga sasabihin sa kanya na magbihis muna siya dahil ang mga suso niya ay halos maaninag ko na.

"Sasamahan na kita, madilim pa sa labas, marami pang lasing dyan baka mapano ka" pagpupumilit ko pa.

"O sige, sabi mo e" masungit niyang tugon.

"Teka, uhm, hindi ka ba magpapalit ng damit?" sabi ko na.

Napatingin si Tricia sa suot niya, sabay irap pa niya sa akin nang ang tinutukoy ko pala ay ang nakabakat na utong niya. Marahil sanay nga siya sa ibang kultura, siguro sanay siya na ganito ang suot niya tuwing nasa bahay lang siya at nakalimutan lang.

"Sandali, magpapalit lang ako" sabay sarado niya ng pintuan.

Naiwan akong tulala doon sa labas ng pintuan, tunay ngang nagbago na si Tricia. Dati noon e maluwat niyang tinanggap ang mga puna ko tungkol sa kanyang mga suot, naging pilya pa nga siya sa mga pagsagot at alam kong iyon na rin ang naging simula ng aming munting relasyon.

"Tara Bogs.." sabi niya nang buksang muli ang pintuan.

Hindi nagpalit ng damit si Tricia, ngunit siya ay may suot nang itim na bra. Halatang-halata ito sapagka't manipis lang ang suot niyang puting damit, at sa bandang ibaba naman ay isang maiksing shorts na dilaw na bahagyang sumisilip sa mahaba nitong damit. Tahimik pa rin, sa loob ng elevator ay wala pa rin sa amin nais umimik. Sabi ko sa sarili ko ay hindi ko na siya kakausapin, ngunit mayroong parte nito ang nagsasabing lalake ako at dapat lang na ako ang maunang magsalita sa sitwasyong tulad nito.

"Nakapag-pahinga ka ba ng mabuti?" tanong ko.

"Oo." matipid niyang sagot sa akin.

Hindi na ito tama. Kanina alam kong pagod siya at kailangan ng pahinga kaya't ayos lang na supladahan niya ako. Pero parang sobra na yata, parang napakalaki ng kasalanan ko sa kanya. Siguro dahil ako naman ang puyat at pagod, nilubayan ko na ang pagiging maginoo sa bisita naming suplada. Hinayaan ko na siyang bumili ng gusto niya sa loob ng tindahan at naiwan na lang ako sa labas nito kesa naman magmukha akong alalay niya.

"Tara na" wika ni Tricia matapos makabili ng pagkain niya.

Hindi ako umimik, tumango lang ako at naglakad pabalik sa loob ng aming gusali. Sinubukan kong igisa siya sa sarili niyang mantika, ang ginagawa niyang pagsusuplada sa akin kanina'y ginawa ko na rin sa kanya. Gusto kong maunawaan niya na hindi na ako papa-apekto sa mga tirada niya, hindi na ako magmamakaawa. Sino ba ang nawalan? Hindi naman ako diba?

"Thanks ulit Bogs ha, papalitan ko na lang mamaya kapag nakapagpalit na ako ng pera" wika pa niya.
Nanatiling tikom ang aking bibig, labag man sa kalooban kong hindi siya pansinin ay nagpatuloy akong tahimik. Maganda na siguro ito, tutal natikman ko naman na siya dati. Ang libog ko para sa asawa ni Edong ay pwede ko namang ipasa sa iba. Tama na yun, okay na yung minsan. Kung tutuusin ay swerte na rin ako sapagka't siya ay aking natikman. Siguro nga hindi ito nakatakda, siguro nga iba siya at kahit paano'y tapat na rin sa kanyang asawa.

Hindi ko na nakuha pa ang aking antok pagbalik ko sa aming unit. Ilang minuto akong nakahiga lang ngunit ang mga mata ko'y hindi na pumikit. Habang ako'y nakatitig sa kisame ay muli akong napaisip, tama nga yata ang aking ginawa, oras na yata upang kalimutan ko na ang namagitan sa amin ni Tricia. Move-on, sabi nga nila. Sa halip ay sinimulan ko nang isipin ang plano ko noong araw na iyon, wala naman akong masyadong plano, normal na araw lang ng maluwag kong trabaho. Naisip ko nalang na ibaling na sa iba ang init ng aking katawan. Kay Carina? Kay hipag? sa asawa ko? si Alex kaya? Basta't ang importante ay move on na mula kay Tricia.
Nagpasya akong gumayak nalang ng maaga, hindi naman ganoon katagal ang hihintayin kong oras sapagka't susunduin ko rin naman si Angel galing sa kanyang duty kagabi lang.

"Bogs..." salitang aking narinig.

Mga ilang metro pa lang ang nalalakad ko mula sa aming pinto ay tinawag ako ni Tricia. Hindi ko alam kung siya ba ay may sa-pusa dahil alam niya na ako'y aalis na.
"Oh Tricia, kumusta?" sagot ko naman at ipinakita kong ako'y napipilitang lumingon pabalik sa kanyang kinaroroonan.

"Uhm, may pasok ka nga pala..." tugon niya.

"Ah actually mamaya pa, susunduin ko pa si Angel.." sagot ko.

"...baka may kailangan ka pa?" pahabol ko pa.

"Uhm, wala naman...kinda bored lang dito..." sagot ni Tricia.

Anumang pag-sangga ko sa babaeng ito ay tila hindi yata epektibo. Tulad ni Alex kamakailan, yun tipo bang gusto ko na siyang kalimutan, subalit sa mga niya ay hindi ka makakatangging balikan. Ngayon eto si hindi ko naman talaga maunawaan kung ano ba talaga ang niya. Tuwing ako'y kukuha ng pagkakataon upang ayusin ang namin, ako nama'y kanyang binabara. Pero kung ikaw ang aking katayuan, malamang ang pananahimik mo'y sisigaw iyong makikita at masasaksihan ang ma-alindog niyang
katawan.

"Tara sama ka?" paanyaya ko na.

"Saan?" tanong kaagad ni Tricia.

"Kahit saan..." sagot ko.

Hindi na nagdalawang-isip pa si Tricia, sa pagkakataong ito'y pinapasok na niya ako sa unit nila upang maghintay sa pagbibihis niya.

"Mabilis lang ako Bogs, I can't go out like this...amoy Canada pa ako hihi!" biro pa niya sa akin.

Paglabas ni Tricia mula sa silid nila ay muli akong namangha sa taglay niyang ganda. Ang katawan niyang maputi ay nakagapos ng isang malaking tuwalya, sa kanyang paghakbang ang isa niyang hita ay sumisilip sa aking paningin, tila ba nagyayayang ito ay aking himasin.

"Wait lang Bogs ha?" malambing na niyang tinig.

Kung anong ikina-inis ko kaninang madaling-araw ay siya namang bilis ng pagtigas ng titi ko ngayon. Mula paglabas niya ng silid hanggang sa pagpasok ng banyo ang mga mata ko'y nakatitig pa rin sa kanya. Napaka-seksi talaga ni Tricia, hindi ko itinatanggi na ang katawan niya sa asawa ko'y higit pa. Mas maputi, mas makinis, ang kutis niya sa kanyang binti ay kumikinang pa nang aking silipin.
Tumingin ako sa oras, malayo pa sa oras ng aking normal na biyahe tuwing ako'y susundo sa asawa ko. Naisip ko na ano kaya kung pasukin ko na si Tricia? Magagalit kaya siya kung pupwersahin ko na ang aking pagnanasa sa kanya? Hindi pa rin ako mapalagay at makasiguro kung ano nga ba ang tamang hakbang sa pagitan namin ng asawa ni Edong.

"Sandali na lang Bogs...hihi!" wika pa ni Tricia paglabas ng banyo ilang minuto lang ang nakalipas.
Muling pumintig ang aking alaga sa loob ng aking pantalon, medyo nagmamadali pa nga siyang naglakad sa harapan ko matapos siyang umahon sa paliligo. Basa ang buhok na mahaba, maging ang makinis na balikat niya ay may ilang patak ng tubig galing sa dutsa. Muli kong sinipat ang binti niya, maging ang paa niyang marikit ay 'di ko pinalagpas bilang pagkain ng aking isip.

"Oh dahan-dahan, hindi naman tayo nagmamadali..." sabi ko pa sa kanya.

Lumingon lang si Tricia sa akin, siguro napansin niya ang "Concern" kong pananalita. Ngumiti naman siya bilang pagtugon sa aking mga sinabi, hindi ko alam kung ang mga mata ba niya ay nagsasabing sundan ko na siya sa kanilang silid. Ilang minuto pa ulit ang aking hinintay sa sala nila. Pagbukas ng pintuan ay mabangong halimuyak ang siyang nangibabaw sa hangin. Hawak pa niya ang suklay at ang sariling buhok ay inaayos niya ng mabilis. Simple lang ang kanyang damit, t-shirt na hapit at ang pang-ibaba nama'y shorts na maong na sobrang iksi. Nangamba pa ako sapagka't siguradong hindi ito makakalagpas sa tingin ni misis, baka ano nalang ang isipin niya sa akin mamaya kapag nalaman na ang kasama ko'y halos lumuwa na ang singit.

"Let's go?" tanong ni Tricia.

"Yeah, tara na..." sagot ko.

Ang mga salamin ng elevator namin ay nagsilbing mata ni Tricia upang ako'y mapuna niyang tumitingin sa kanya. Hindi ko talaga maiwasang sa kanya ay magpantasya, lalo na kapag natititigan ko ang paa niya na ang itim na tsinelas ang kapareha. Tunay na nangibabaw ang kinis at mala-gatas niyang kutis sa suot na itim.
"Uhm, kumusta kana Bogs?" tanong niya sa akin nang mahuli niyang ako'y nakatingin.

"Okay naman ako Tricia, ikaw?" sagot ko.

"Uhm, I'm fine also...sorry kagabi ha? sorry nasupladahan kita...medyo napagod lang ako..." paumanhin niya.

Aba, mukhang nabaligtad na nga yata ang tadhana, mukhang hindi talaga yata kami nakatakdang maghiwalay ng landas dahil sa mga sinabi niya.

"Ah wala yun, alam ko din naman na pagod ka sa flight mo..." tugon ko naman.

Ngumiting muli ang aking kasama, hihiritan ko na sana si Tricia kundi lang huminto ang sinasakyan naming elevator at may sumakay nang iba. Sa pagsakay ng ilan ay niliitan ko na ang distansya ko sa kanya, kung kanina ay para kaming magkaaway, sa paglapit ko upang bigyan ng espasyo ang ibang tao ay nagtama pa nga ang aming mga braso. Ilang segundo bago kami bumaba, nagkaroon muli ako ng pagkakataong amuyin si Tricia. Hindi ko alam kung anong brand ng sabon at shampoo ang gamit niya pero tila may amoy itong nakakalibog talaga.

"Dito na tayo Tricia..." bulong ko sa kanya nang marating na namin ang palapag kung saan ang aking kotse ay naka-parada.
"Ah okay.." sagot niya. Halos lahat ng guwardya at ilang binata naming kasabay sa elevator ay napapa-tingin talaga sa
aking kasama. Kung pwede nga lang e akbayan ko na si Tricia bilang pagyayabang sa kanila.

"Good morning sir!" bati pa ni manong guard sa amin.

"Uy, magandang umaga" sagot ko naman.

"Sikat ka talaga Bogs ha?" singit naman ni Tricia. Bilang maginoo, ipinagbukas ko pa siya ng pinto. Malugod namang tinanggap ni Tricia ang mga maliit na bagay na ito.
"Kumusta naman ang Canada?" tanong ko sa aking kasama bilang pag-basag ng katahimikan sa aming pagitan.

"Ah, ayos naman...ganun pa rin...walang nagbago" sagot ni Tricia.

"Si kuya Edong, ano balita?" tanong ko ulit.

"Uhm, baka next month pa maka-uwi yun...kung hindi nga lang mahal ang tiket e hindi niya sana ako papaunahing umuwi" sagot niya ulit.

Wow. Isang buwan pa pala. Isang buwan na maluwag ang schedule ni Tricia. Isang buwan na malaya naming magagawa ang nais namin para sa isa't isa. Yan e kung gusto pa rin niyang ibalik ang aming nasimulan. Naalala ko tuloy yung mga video chat namin ni Tricia, naalala ko yung pagpapakita niya sa akin ng dede niya. Iba siguro ang itsura noon sa personal, iba siguro kapag ito'y aking mahahawakan.

"Bogs?" wika ni Tricia habang ako'y gising na nangangarap.
"Huy! yung cellphone mo may tumatawag..." paalala pa niya.