1. Home
  2. Stories
  3. Bahay At Lupa - Part 30: Sesame Street
Pinoy Tambay

Bahay At Lupa - Part 30: Sesame Street

By suicideking ·

Akala ko noon ay mananatili ang mga napag-usapan namin ng asawa kong si Angel. Akala ko'y gabi-gabi ako nitong gagambalain, noong una oo, kinabukasan pa lang e nanumbalik na kaagad ang mga "Plano" nila ni Carina. Nakakapanabik na nakakatakot, subalit sa paglipas ng mga araw ay nalimot ko na rin ito. Hindi naman kasi biglaan, hindi nagmamadali, kaya nga naka-plano upang ito'y maisagawa ng mahusay. Minsan nga naisip ko na sa tagal na nitong "Plano" na ito e sa malamang na ito'y magbago, o kaya nama'y mauwi rin sa wala.

Ganunpaman, hindi ko naman ito tuluyang binura sa aking isipan. Ang pantasya ng asawa kong makatikim ng iba'y narito lamang, nakatago, naka-reserba sa isang sulok ng puso ko. Buti na lang narito na si Tricia, siya ang nagsilbing panangga sa mga usaping sekswal naming mag-asawa.

Sa loob ng isang linggo na lumipas, mula noong dumating siya dito sa Pinas, mula noong nagka-inuman kami kasama ang aking asawa ay dalawang beses pa kaming naka-ulit na magtalik. Patago siyempre, mas exciting. Ang sumunod sa una'y ako din ang humiling, at yun namang huli ay siya na mismo ang nag-request sa akin.

Matapos ang "Reunion" namin ni Tricia, nagpaalam siya na uuwi daw muna siya sa probinsya ng nanay niya. Hindi naman ito kalayuan, doon lang sa Bulacan. Hindi raw kasi niya halos nakasama ang kanilang mga kamag-anak noong una niyang uwi kaya't ngayon ay hindi na siya maka-tanggi nang magyaya ang isa sa kanyang pinsan. Maging ako ay nanghinayang, ayoko nga rin sana sapagka't sa ilang linggo e darating na ang kanyang asawang si Edong, mahihirapan na naman tiyak kami na makapag-solo.

Ganito naman lagi, kapag lumiban ang isa'y susunod na rin ang kabila. Taliwas sa inyong inaakala, na ako'y nakaka-kantot araw-araw, kahit saan, kahit anong oras, mali po, hindi ganun. Tulad ng karamihan, ako rin nama'y natitigang. Hindi sa sex mismo sapagka't nariyan naman ang asawa ko, natitigang ako sa ibang putahe na aking nakagisnan, sa ibang babae.

"Magandang umaga sir Bogs!" bati sa akin ni Elmo.

Si Elmo, isa siya sa mga tauhan ng aming kumpanya na naging malapit sa akin. Siya kasi ang una kong naging foreman sa unang proyekto ko nang ako'y lumipat sa kumpanyang ito. Mabait, magalang, masipag. Iyan siguro ang pangunahing bagay na nagustuhan ng asawa niyang si Jessica na ka-batch ko rin sa karera.

"Uy kumusta? ano balita?" bati ko naman.

"Ayos naman sir..." sagot niya at saka kami nagkwentuhan.

Umaga noon, papasok pa lang ako at siya nama'y paalis na patungo sa isang proyekto namin. Inihatid lang niya ang asawa niyang si Jessica, ang sweet 'di ba?
Hindi kalayuan ay natanaw ko naman ang asawa niyang tinutukoy ko kanina pa. Sa totoo lang e naiilang na nahihiya din ako kay Elmo, bakit nga ba, siguro at sigurado dahil sa ipot na dulot ko sa kanyang ulo. Sa pagtatama ng mga mata namin ni Jessica ay napansin kong inirapan niya ako, hindi ito madalas gawin ni Jessica kaya't nilapitan ko kaagad siya pag-alis ng kanyang asawa.

"Good morning Jess..." bati ko.

"Hi." matipid niyang sagot.
Hawak ang ilang papel, naroon si Jessica sa lugar kung saan naroon ang photocopying machine. Dahil sa pagsu-suplada ng babaeng kasamahan ko sa trabaho, lumapit pa ako ng ilang metro. Ramdam ko ang kaba ni Jessica, at doon din ay naunawaan ko ang tinig na nais niyang sabihin sa bawat pintig ng kanyang puso.

"Hmmm...ang suplada yata ng paborito kong office-mate ah?" biro ko pa.

Muli ay umirap si Jessica, ipinakita niyang ayaw niyang makipag-biruan o wala siya siguro sa mood noong oras na iyon.

"Aba...mukhang may dalaw ka ah?" hirit kong muli.

"Wala." sabi niya.

"Oh e bakit parang natalo ka sa sabong sa itsura mo?" tugon ko.

Hindi na muling nagsalita ang arkitekta, matapos ang huling pahina ng kanyang kinokopya ay tumalikod na lang siya basta. Muli akong napa-isip kung may mali ba akong ginawa, pero sa aking tantsa ay wala namang talaga. Sinundan ko si Jessica, sinundan ko siya kung saan siya pupunta.

"Jess...Jess...Jessica...wait lang" sabi ko pa nang malaman kong medyo nagmamadali na siya sa paglalakad.

Sa totoo lang e hindi naman niya talaga ako magagawang "Iwasan", ang kanyang opisina kasi ay katabi lang ng sa akin.

"Bakit ba? may kailangan ka ba architect Bogs?" masungit niyang sagot nang mapalingon na rin siya.

"Wala. wala naman...may itatanong lang sana ako..." sagot ko naman.

Tumuloy siya sa kanyang silid, hindi niya isinarado ang pintuang salamin kaya't itinuring ko itong pagsang-ayon niya sa aking hiling. Wala pa gaanong empleyado noong umagang iyon, at kahit meron man ay hindi naman sila maghihinalang may nangyari na sa amin ng babae kong kasama sapagka't natural naman kaming nagtutuksuhan, alam ng aming mga kasamahan na palagi kaming nagkukulitan.

"Oh ano itatanong mo?" wika niya ulit.

"Bakit ba ang suplada mo ngayon ha?" tanong ko rin sa kanya.

"Wala lang, gusto ko e...pwede ba, marami akong gagawin ngayon" masungit muli niyang tugon.

"Tutulungan na kita, medyo maluwag ang schedule ko ngayon e" alok ko pa.

Umiling lang si Jessica, iling na para bang ayaw na talaga niya akong makita. Nag-usap na kami noon, noong magkaroon kami ng "Aksidenteng" pagkakataon, noong ipinatikim niya sa akin ang sarap na para lang sana kay Elmo. Napagkasunduan namin na wala nang kasunod pa ang pagtatalik na nangyari, at ang importante, ipinangako naming walang magbabago sa relasyon namin bilang magkasama sa trabaho at propesyon, at bilang magkaibigan na rin. Ito ang pakay ko kaya't pinilit kong alamin ang dahilan ng kanyang mood-swing, hindi naman kasi kami ganito talaga. Kahit nga galit na galit na siya sa akin e hindi siya nagsusuplada, samakatuwid ay may mali talaga.

"Honey...honey..." biglang singit ng asawa niya sa pintuan.

"Oh bakit?" sagot niya kaagad sa asawa niyang si Elmo na nagbalik.

"Sir Bogs, nandito pala kayo...uhm honey, nalimutan ko kasi yung tuwalya ko sa plastic bag na dala mo..." sabi ni Elmo.

Ilang saglit lang ay nakuha na rin ni Jessica ang bagay na naiwan ng kanyang asawa, noon din ay umalis na rin si Elmo at saka nagpaalam muli sa aming dalawa.
Hindi ko alam pero parang ganito yata talaga ang nagiging pagtingin ko sa mga babae pagkatapos ko silang matikman. Aminado naman ako dati na minsan ko nang pinagnasahan si Jessica, maganda naman talaga ang katawan niya kahit noong hindi ko pa ito nakikita. At nang nangyari na nga ang nakaw na pagtatalik namin ay lalo pa siyang naging kaaya-aya sa aking mga mata. Tila ba kumikinang na ang kutis niya tuwing magkikita kami mula noong kami ay nagtalik, na hindi ko naman dati napapansin sa kanya. Tila ba tuwing ngingiti siya e nakakaramdam akong muli ng pagnanasa sa kanya gayung alam kong hanggang doon lang ang pagkakataong ibinigay niya sa akin.

"Sige na sir Bogs, madami pa talaga akong gagawin e" sabi ulit ni Jessica.

"No, hindi ako aalis dito hangga't hindi mo sinasabi ang problema" seryoso ko nang wika.

"Wala naman e...wala Bogs..." mahina niyang sagot.

"Hindi e. meron e. sabi mo kasi walang magbabago 'di ba? e dati kasi kahit galit kana talaga sa akin e hindi ka naman ganyan..." sabi ko naman.

Tumayo si Jessica, lumapit siya doon sa salaming pintuan at sinilip ang labas upang siguruhing wala na ang kanyang asawang si Elmo. Matapos iyon ay muli siyang umupo doon sa kanyang silya at ako naman ay naroon pa rin sa harapan ng kanyang lamesa.

"Ikaw kasi e...shit Bogs, bakit ba kasi ginawa pa natin yun" simula niya.

"Why? hindi ba napag-usapan na natin yun? ano ba problema?" tanong ko.

"Si Elmo." sabi ni Jessica.

"Oh bakit?? nalaman ba niya? sinaktan ka ba niya??" tanong ko kaagad.

"No hindi. I mean, hindi niya ako sinaktan. shit Bogs, feeling ko kasi alam niya na may naka-sex akong iba...pero hindi niya direktang sinasabi, basta, basta parang nag-iba na yung pakikitungo niya sa akin" paliwanag ng aking kasama.
Nalungkot ako. Alam kong mali ang ginawa namin. Alam kong hindi ito tama. Ako kasi sa aking sarili ay nasanay na sa mga ganitong gawain, subalit ako'y nakiki-apid sa mga walang sabit maliban na lang sa huli na si Tricia. Si Kat, si Carina, at pati na rin si Alex ay puro mga dalaga nang sila'y una kong matira. Siguro dala ng labis na kalibugan ay nalimutan ko ang panuntunan.
"I'm sorry Jess. sorry..." sagot ko.
"Hayaan mo na, nangyari na e..." sabi niya.
"Eh sana walang magbago Jess, hindi ako sanay e" wika ko.
"...I mean, kapag kasi nagkaroon tayo ng 'gap', kapag binago natin yung mga nakagawian natin, siguradong maraming makakapansin. mga officemates natin, pati na si Elmo. kung mananatiling pareho, walang magiging problema hindi ba?" paliwanag ko sa kanya.
"You have a point Bogs." sagot ni Jessica.
Sandaling nag-ayos muli ng mga papel ang kasamahan kong arkitekta, inayos niya ang kanyang lamesa bago muling nagsalita. Unti-unti, marahan ay muling nanumbalik na ang ngiti sa kanyang mukha.
"Ayan, kita mo, kapag pinapakita mo yang ngipin mo e gumaganda ka" biro ko na.
"Tae ka Bogs...hahaha! huwag ganyan ah...nalilibugan ka na naman sa akin e" hirit naman ni Jessica.

"Oo naman...ang sarap mo kaya haha!" sabi ko pa.

"Tang ina Bogs, dati palagi kita tinatanong ng ganyan hindi ka umo-oo...ngayon tinitigasan ka na kaagad?" tugon niya.

"Oo nga, hehe..." sabi ko.

"Gago Bogs, ano ba to biruan o seryoso??" tanong niya.

"Paano kung totoo?" sagot ko.

"Shit, huwag naman kasi Bogs..." sabi ni Jessica.

Noon ko lang yata ulit nakitang namula ang mga pisngi ni Jessica. Dati ako ang nagmumukhang kawawa at apektado sa mga biro niya. Ngayon e tila lahat ay bumabalik na sa kanya at tuwing ipinaaalala ko ang nangyari sa amin noon sa pagitan ng aming mga biro ay halatang apektado siyang talaga.

"Siya sige, babalik na ako sa room ko...kung kailangan mo titi, este, tulong ko tawagan mo lang ako ha?" paalam ko pa.

"Oo na! tse! kainis ka talaga Bogs! ang libog mo!" bawi naman niya.

Bumalik ako sa aking silid, ako'y naupo at bahagyang nag-muni. Tumalikod ako sa aking pagkakaupo at doon sa bintana ko itinuon ang aking pansin. Tila nangarap ako ng gising, inisip ko baka pwede pa akong humirit kay Jessica, inisip kong baka gusto din niyang maulit ang pagtatalik namin.

*tok tok*

"Arki Bogs..." mahinang tinig na aking narinig.